Share

The Other Man
The Other Man
Author: Paupau

PROLOGUE

"I love you, but I need space and time to think about everything, think about myself... to think about us."

Linyahan ng mga lalaking nahuli na pero pilit pa ring ikinukubli ang pagkakamaling nagawa nila. Gaano kalaking espasyo ba ang kailangan ng isang lalaki para maisip niya ang kagaguhang nagawa niya sa tulad kong babae?

How much time does a man need for him to realize that he shouldn't have done fooling and played with a woman's heart? How much love, effort, and loyalty does a man want to feel, for him to stay and fulfill his promises?

Masusukat ba ang 'tagal ng pinagsamahan' sa kung gaano n'yo paligayahin ang isa't isa sa kama? Maibabalik ba ng 'sorry' ang tiwalang winasak ng paulit-ulit dahil lang natukso siya at nadarang sa init ng yakap ng iba? Laruan lang ba talaga kaming mga babae para sa mga lalaking walang ibang hangad kun'di ang matikman kami, tapos iiwan kapag nagbago na ang panlasa nila? Or do they see us as a lottery?

"The more entries, the more chances of winning," I said and then smiled, a bittersweet smile.

Maybe yes, or maybe not, and maybe some are not like him, but now... I doubt. Ang hirap na kasing maniwala. Ang hirap na ulit magtiwala sa taong walang ibang ginawa kun'di ang humingi ng isa pang pagkakataon, tapos ano? Uulitin ulit na para bang walang nangyari at normal lang ang ginawa niya. Kailan pa ba nila ako niloloko? Kailan pa nila ginagawa ang bagay na nasaksihan ko? 

If only they can understand what 'true love' and 'contentment' means, maybe they realize how important it is to be in a relationship where couples value each other's feelings. Loving and being loyal to each other. But then... walang gano'n. Sa mga babasahing aklat at pelikula na lang makikita at mababasa ang 'and they live happily ever after'.

Hinubad ko ang suot kong roba at walang pakialam na ibinagsak 'yon sa mamasa-masang buhangin. Kaagad namang bumalot sa akin ang lamig hatid ng panggabing hangin, at halos malasahan na rin ang alat na nagmumula sa malalakas na hampas ng alon. Pero para sa akin, hindi pa 'to sapat upang makalimot. Upang makalimutan ko ang sakit dulot ng pagtataksil ng fiance ko at ng nag-iisa kong kapatid sa akin.

This is my second day here on Vitale island, but I didn't enjoy every moment that I spent here because of what I've found in my fiance. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nasaksihan ko sa unit ni Andrei. Kung ginalingan niya sana ang panlolokong ginagawa niya, edi hindi ko sana siya nahuli. Kung sinarado sana nila ng mabuti ang pinto, hindi ko sana narinig at nakita ang mga ungol at halinghing nila dulot ng pag-iisa ng katawan nila. And if only my fiance took my sister to a five-star hotel or outside the country for wild sex, baka hindi ko nalaman na kapatid ko pala ang nagpapa-init ng gabi niya.

I was having a hard time thinking about what he wanted to eat pag dating niya but then... hindi na pala dapat ako nag abala pa. Why? Because he was enjoying himself tasting every corner of my sister's body! I want to spend some quality time with him for us to talk about our marriage, but then he was busy spending quality time in between my sister's legs!

"Fuck them!" Sigaw ko bago lumusong at sinalubong ang hampas ng alon.

It feels cold and makes me shiver but the colder it is, the better. Mas mainam ng maramdaman ko ang lamig ng tubig dagat kaysa ang katarantaduhang ginawa ng fiance at kapatid ko sa akin.

Masakit oo, at hanggang ngayon ay dama ko pa rin ang tila libo-libong patalim na sumasaksak sa dibdib ko. Pero mas nasaktan ang pride ko ng dahil sa nasaksihan kong 'yon. Ano pa ba ang kulang sa akin? Kaya ko rin siyang paligayahin sa kama. Kaya ko rin siyang sayawan habang iisa ang katawan naming dalawa! Handa akong ibigay ang lahat, lahat-lahat... pero hindi siya nakapaghintay.

I keep on pushing him up while he did nothing but drag me down! The way he gains respect from others made me lost my dignity and respect for myself. His achievements were my failures. And his happiness made me feel miserable. But still... I love him.

"Hindi naman pagiging makasarili ang piliin ang sarili, pero mas pinili kong piliin ka higit sa sarili ko," muli kong bulong sa aking sarili habang malayang nagpapalutang-lutang sa gitna ng karagatan.

Ang tanga ko para maniwalang ako lang at wala ng iba. 'Yon pala'y ako sa umaga at kapatid ko sa gabi. Ako ang pinangangakuan pero kapatid ko ang dinidiligan! At oo, tanga na kung tanga pero hindi ako papayag na mauwi ang lahat ng pinaghirapan ko at kahihiyang magiging dulot sa akin nito, kaya naman mananatili akong bulag at bingi sa katotohanan.

I let myself float and sweep away by the waves. It was always comforting whenever I stare at the stars up in the dark sky. Kalmado lang at tila walang iniisip na problema. Kung puwede lang sanang hilingin na sana ay ganito na lang lagi... kaya lang ay hindi.

I was about to deepen myself into the sea when someone's grab my arm and drag me to the shore. Sa kabiglaan ay nakainom ako ng tubig dagat at pinasukan pa yata ang tenga ko.

"Woman! Kung hindi ka naman pala marunong lumangoy, 'wag mo ng tangkain pang pumunta sa malalim!" Singhal sa akin ng lalaking walang pakundangan na hinila ako upang dalhin sa pangpang. Ano ba ang akala niya? Nalulunod ako?!

I keep on coughing and breathing heavily because of what he did. Sumakit din ang mga mata ko ng bahagyang napasukan ng tubig dagat kanina. Kaya naman ng makabawi ng lakas at sa tingin ko'y okay na ako, kaagad kong nilapitan ang lalaki at pinadapuan ng malakas na sampal.

"What the hell!" Aniya, halatang galit at nabigla sa ginawa ko sa kaniya.

"What the hell is your problem huh?!" Galit ko ring tanong sa kaniya. Natigilan naman siya at pinakatitigan ako ng makabawi sa sampal na iginawad ko sa kaniya. "Mind your own life, and just do your fucking business!"

I left him with his mouth wide open while his eyes grew bigger after I told him that. Isa na namang kalahi ni Adan ang siyang sumira ng tahimik kong gabi. Kung hindi baga naman saksakan ng kamalasan ang dumapo sa akin, at talagang sunod-sunod pa!

How should I enjoy my vacation on this breathtaking island, when there were people who keep on bothering my peace of mind? And there this person na akala mo'y superhero ang tingin sa sarili dahil sa pag aakalang nailigtas niya ako sa bingit ng kapahamakan?!

"What a wonderful night!" I smirk and then shook my head, trying to erase all the negativity in my mind.

Narito na lang din ako at bukas na ang huling araw ko rito, might as well na mag saya na lang ako para hindi sayang ang pagbabakasyon ko. Bakit ko nga ba kasi iniisip si Andrei at ang kapatid kong si Jade? By the end of the day... sa akin pa rin naman ang bagsak niya!

"One mojito please," I told to the bartender.

Wala namang masama kung iinom ako ngayon. Balato ko na sa sarili ko dahil nakakuha na naman ako ng investor para sa kompanya. Sa edad na bente tres, daig ko pa ang may isang dosenang anak na sinusuportahan. Ngunit sa katunayan, ako nga dapat ang sinusuportahan dahil ako ang bunso at baguhan palang sa larangan ng industriyang kinabibilangan ng mga magulang ko.

My family owns a construction company services that provide electrical works, structural works, mechanical works, and equipment supply and installation. Habang lumalaki ang kompanya, mas nakakapagod. Kaya naman naghanap sila ng lalaking puwedeng maging kahalili nila sa pagpapalago nito. And there's Andrei.

Since my sister, Jade was arranged to marry our parent's business partner's son, ako naman ang naitapat na maging kabiyak ni Andrei para sa merging ng kompanya namin at ng kompanya nila.

But then, he cheated on me kahit hindi pa kami naikakasal. At sa kasamaang palad, kapatid ko pa ang napili niyang gawing kerida! Mistress, kabit, kerida o hindi ganoon pa rin 'yon! Gumagawa pa rin sila ng milagro sa likuran ko, pero ang tanong... kailan pa?!

"Another mojito please," muli kong sabi sa bartender na kaagad niya namang ibinigay.

Hindi kayang tunawin ng kahit na gaano karaming alak ang namumuong galit sa dibdib ko ngayon. Pero pansamantala, sa pamamagitan nito'y makakalimutan ko sila. Kaya naman iinumin ko ang lahat ng alak na mayroon dito,  hanggang sa makalimot ako.

"If Andrei got himself a mistress..." Inisang lagok ko ang mojitong nasa baso ko bago inilibot ang paningin sa loob ng music bar ng may ngiting ikinukubli sa aking labi.

"Then I should get myself... The other man," I whispered while staring at the man whom I think perfect for my plan.

🕴🕴🕴

©alrights reserved

~PAUPAU~

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status