Naikukwento ang tungkol sa mga aswang, tikbalang, kapre, laman-lupa, maligno, duwende, engkantado at engkantada pero may isang grupo pa ng mga nilalang na tahimik na namumuhay sa kagubatan ng Talumpit, isang lugar sa isa sa mga probinsya sa Kabisayaan. Sila ang mga engkantao o hybrid ng mga engkantado at tao. Ayon sa pinagpasa-pasang kwento ng mga matatanda sa lugar, bago pa dumating ang mga Kastila ay may isang komunidad na ng mga engkantao sa paanan ng Bundok Talumpit. Ang mga engkantado noong mga panahong iyon ay umibig at nagpakasal sa mga kababaihan sa lugar. Tanging mga lalaking engkanto lamang ang pinapayagang umibig sa hindi kalahi ng Kataasan o ang tumatayong lider ng mga engkanto. Ang naging anak ng mga engkantado at mga tao ay tinawag na engkantao. Sa mahabang panahon, naging masaya ang mga engkantado at mga tao sa kanilang pagsasama. Mapapansin noon na mayaman ang mga bukirin at taniman gawa ng kapangyarihan ng mga engkantado. Bagama’t may mga taong nainggit sa kalagayang ng mga mortal na nakapag-asawa ng mga engkantado, hindi nila masita o maipamalas ang kanilang opinyon sa takot na balikan sila ng mga ito.
Dalawang daang taon matapos ang pagdaong ng mga barko ng Espanya sa pamumuno ni Ferdinand Magellan, nagkaroon ng lakas ng loob ang isang Boholano na maghimagsik. Siya si Francisco Dagohoy. Dahil sa angking yaman ng Talumpit, naisipan ng ilang taga-suporta ni Dagohoy na humingi ng mga ani at iba pang mapapakinabangan ng mga rebolusyonista. Sa panahong ito ay naging sunud-sunuran ang mga engkantado sa mga rebolusyonista dahil nalaman ng isa sa mga ito ang kahinaan ng mga engkantado. Kapag nagmamatigas ang mga engkantado, hinahaluan ng mga tiwaling rebolusyonista ng asin ang mga ilog at balon na pinagkukuhan ng tubig. Ang asin ay isang bagay na nakalalason sa mga engkantado at nagiging sanhi naman ng pagkakasakit ng mga tao kung sobra. Dahil sa umiinit na sigalot ng mga tiwaling rebolusyonista at mga engkantado, nagpasya ang huli na ilikas ang kanilang mga pamilya at dalhin sa pinakaliblib na lugar ng Talumpit, ang sagradong lugar ng mga engkanto.
Hindi nagustuhan ni Kataasan na may mga mortal na makikihati sa tirahan ng mga engkanto. Naisip niyang kung bibisita ang mga kamag-anak ng mga mortal ay mahahayag ang kanilang tahimik na lugar. Bukod dito, tiyak na hindi maiiwasang paginteresan ang natural na likas na yaman ng lugar. Ang mga ilog at talon ay ubod ng linis, matataas ang mga puno, ang mga halaman at prutas ay malulusog at mabubunga. Anupa’t ang mga ginto ay pangkaraniwan lamang at ginagawang palamuti sa mga tirahan ng mga engkanto. Si Piros na siyang kumakatawan sa mga engkantao ay nagbigay ng suhestyon na sa babang bahagi sila ng kagubatan maninirahan upang hindi na maabala ang mga engkanto sa kanilang pagdating. Ang ibabang bahagi ng kagubatan ay mabato, madawag at halos walang pagkaing namumunga. Sinadya itong hindi pagyamanin ng mga engkanto upang walang magkainteres na mga tao para mamalagi dito. Ang lugar ng mga engkanto ay may di-nakikitang kalasag (invisible shield) na pumuprotekta sa kanila. Habang ang buwan ay may liwanag, nananatili itong nakasara bilang proteksyon sa ibang elemento gaya ng mga taong-lobo, manananggal, aswang, kapre at iba pa na nagiging malakas tuwing kabilugan ng buwan. Humihina naman ang proteksyong ito sa mga gabing walang buwan kung kaya’t hindi maiwasang may mga mangangaso na nakakapasok. Upang maiwasan ito, may mga engkantadong nagbabantay sa mga gabing walang buwan. Ang sistemang ito ay tumagal mula 1744 hanggang sa kasalukuyang panahon, 2021.
“Matuk, teka lang. Napapagod din ako, hindi naman tayo mga engkantado para hindi makaramdam ng gutom at pagod,” ang hinihingal na habol ng isang engkantaong si Iksum. Matangkad ito, maputi at payat.
“Kapag hindi natin binilisan ay baka may makapasok na namang mga mangagaso. Walang buwan mamayang gabi kaya’t malayang makakapasok ang mga tao,” ang tila naiinis namang sagot ni Matuk. Matipuno ang pangangatawan nito at kayumanggi ang kulay.
Binatuhan ng dilaw na prutas ni Matuk si Iksum. Mabilis naman nitong nasalo at sinimulang kumain. Kumuha ng lubid na may angka si Matuk at saka pinaikot upang kumapit ito sa mataas na puno. Nang matiyak na matibay na ang pagkakakapit ay saka ito nagsimulang umakyat sa puno. Nagmamadali namang inubos ni Iksum ang prutas at saka sumunod na ring umakyat. May isang sawang nakapulupot sa malapad na bahagi ng sanga kung saan sila panay umuupo o humihiga ni Iksum. Nang makita sila ng sawa ay tila yumukod ito at umalis ng pwesto. Hinimas naman ni Matuk ang dulong katawan ng sawa bilang pasasalamat sa pagpaparaya nito.
“Tignan mo sila Musu at Adim, naglalakad pa din. Hindi ba’t halos kasabayan natin sila kanina?” ang nagtatakang tanong ni Matuk habang tinatanaw ang dalawang engkantaong nakatoka ding magbantay.
“Alam mo namang lumalamang minsan ang pagiging tao ni Adim. Kung mabilis akong magutom ay mas lalo naman siya. Makikita mo naman sa laki ng kanyang katawan,” ang nakangiting sagot naman ni Iksum.
“Siguro, kaya tayo hindi pinatira sa lugar ng mga engkanto ay dahil hindi natin sila lubos na kauri. Tignan mo, nasa taas sila ng kagubatan at ang mga tao ay nasa paanan o kabayanan. Tayong mga engkantao ang nasa gitna. Hindi ganap na engkanto at hindi rin ganap na tao,” bakas ang hinanakit sa tinig ni Iksum.
Iniba ni Matuk ang usapan para hindi mauwi sa mga ganyang talakayan. Matalino si Iksum, higit na matalino kaysa kay Matuk. Ngunit isang bagay ang nakalalamang kay Matuk sa karamihan ng mga engkantao, nauunawaan niya ang pagiging engkantado niya at pagiging tao kung kaya’t ang kalakasan niya ay nagmumula sa dalawang magkaibang genetic make-up.
“Tama na nga yan, itarak mo na ang diamante sa sanga ng puno para malaman nila na nakarating na tayo sa posisyon natin. Palagay ko ay magiging masaya ang pagbabantay natin na ito dahil sabi ni Ina ay may piging ang mga tao sa susunod na linggo kung kaya’t tiyak na marami ngayon ang magtatangkang manghuli ng mga usa at baboy-ramo sa gubat,” sabi ni Matuk.
Itinarak naman ni Iksum ang diamante sa puno. Naglabas ito ng beam of light na kulay puti at umabot paitaas sa pinakadulo ng puno. Maliwanag pa ang sikat ng araw ngunit dahil sa kapal ng mga dahon ay nagiging makulimlim ang paligid. Inilabas naman ni Iksum ang isang instrumento na kahawig ng isang silindro saka ito nagsimulang magpatugtog. Nakatanaw naman si Matuk sa direksyon ng kabayanan at hindi maiwasang isipin kung paano mamuhay ang mga tao o mortal sa lugar kung saan lumaki ang kanilang mga ninuno halos tatlong daang taon na ang nakalilipas. Sa huli ay nilibang na lang niya ang sarili at sinabayan ang pagtugtog sa musika ng kaibigan.
“Ano ka ba, Seiri? Baka naman mapagkamalang pinaiyak kita dyan, ha!” ang pabulong na sabi ni Polly na lilinga-linga pa kung mayroong mga leeg na lumilingon sa kanilang direksyon. Nasa pang-apat na hilera sila mula sa dulong upuan ng masikip at maliit na mini-bus. Binabaybay nila ang highway sa Carmen, Bohol para makabalik na sa isang hotel sa Panglao simula nang dumating sila kahapon ng umaga. Lalong lumakas ang paghikbi ni Seiri dahilan para lumapit ang matandang kunduktor na may hawig kay Berting Labra. “Unsay problema? Ngano nag hilak ka?” ang masimpatyang tanong ng kunduktor. “Naku, tatay. Tourist lang po kami dito. Pero kung curious kayo kung bakit sya umiiyak, malaki po kasi ang problema nya,” ang sabi ni Polly at saka hinagod sa likod si Seiri. “Naku, kung kailangan ninyo ng kasama. Sasamahan ko kayo. O kung gusto naman ninyo, isama ninyo ako sa video call at ako ang kakausap sa magulang niya,” napaupo sa bakanteng upuan ang konduktor.
“O, mabuti naman at tumahan ka na. Ganyan nga ang tamang pagdadala ng problema,” ang punong-puno ng malasakit na sabi ng kundoktor.Nagkatinginan sila Seiri at Polly pero tumahimik na lang dahil pareho silang wala sa mood magbigay ng mas maraming impormasyon kung bakit nga ba umiiyak si Seiri. Nilibang na lang nila ang sarili nila sa byahe at binusog ang mga mata sa mga luntiang paningin. Napakaganda ng Bohol. Mas payak man ang pamumuhay ay tila napakalapit naman sa kalikasan. Nasa ganung paglilibang sila nang pumutok ang gulong ng bus. Napatagilid ito at mabuti na lamang ay mabagal ang takbo nila dahil nasa gilid sila ng bundok kung kaya’t naipreno agad ito ng drayber.“Ay, sus! Adunay nasakitan?”ang tanong ng drayber sa konduktor habang nakatayo at sinisipat ang mga pasahero.“Wala! Wala!” sagot ng konduktor.Nagkatinginan sila Polly at Seiri at naghawak ng kamay. Parehong malamig ang mga kamay nila sa takot.
“Napadami yata ang lagay mo ng bulaklak na pampatulog. Kahit ano’ng gawin natin ay hindi sila nagigising,”ang tila may pag-aalalang sabi ni Matuk kay Iksum. “Magigising din sila. May 30 minuto lang ang epekto ng bulaklak na pampatulog. Hmmm, mukha namang hindi sila mangangaso. Puro ganito lang ang nakita ko sa lalagyan nila,” inalog-alog ni Iksum ang mga chichiria at saka ipinasok ulit sa bag. “Buhatin na lang natin para mailabas sila habang hindi pa sila nagigising,”binuhat ni Matuk si Seiri at tinignan ang mukha nito. Bumilis ang tibok ng puso niya pagkakita sa maamong mukha ng dalaga. “O, akala ko ba nagmamadali tayo?”ang parang gulat na sabi ni Iksum na noo’y nakailang hakbang na ang layo habang pasan-pasan ang tulog na si Polly. May bakas ng panghihinayang sa mukha ni Matuk. Ni hindi pa sila nagkakakilala ng magandang mortal ay kinakailangan na niya itong ilabas sa lugar ng mga engkantao. Pero kinakailangan nilang sundin ang batas ni Piros na wal
“Kailangan ninyong humarap sa aming pinuno para sa kanyang pag-uusisa,” seryosong pahayag ni Matuk sa magkaibigan.“Okay, fine. Kailangan talaga naming makausap ang manager ninyo. Sobrang stress ang dinanas namin sa resort ninyo, ha!” nagtataray na sabi ni Polly habang itinayo ang nanlalambot pang kaibigan.“Hindi ba pwedeng magpahinga muna tayo? Nalula ako sa taas ng binaba natin,” ang reklamo ni Seiri.Mabilis na kinarga ni Matuk si Seiri. Nabigla ito pero wala sa kalakasang makipagtalo kay Matuk. Bumulong naman ng di-pagsang-ayon si Iksum sa ikinilos ni Matuk dahil bawal na bawal sa mga engkantao ang may physical contact sa magkaibang kasarian.“Hindi pinaghihintay si Piros, Iksum,” yun lang ang maikling tugon ni Matuk at binaybay na nila ang daan papunta sa tahanan ni Piros.Libang na libang si Polly sa mga nakikita sa paligid. Nagmistula silang mga duwende sa taas ng mga puno. Ang nilalakaran nil
Alas-siete ng gabi, kakaunti na lang ang sasakyan sa paid parking ng Three Parkade sa Bonifacio Global City (BGC). Kalmadong naglalakad si Gabby papunta sa kanyang sasakyan. Binuksan niya ang pinto ng kotse at saka pumasok. Inilapag niya ang dalang laptop bag sa katabing passenger seat at saka tumingin sa rear view mirror nang may makita siyang dalawang lalaking nakaupo sa likod. Mabilis ang mga pangyayari, inutusan siya ng isa sa mga ito na paandarin ang sasakyan at magmanehong parang walang anuman sa lugar na iuutos nila. Nanlalamig at namumuo ang pawis sa katawan ni Gabby, sinunod na lang niya ang utos ng mga di kilalang kawatan.“Huwag kang magpapahalata sa guwardiya kundi, dalawa kayong paglalamayan,” ang banta ng isa sa nasa likod. May baril ding nakatutok sa tagiliran niya.“Diretso mo sa Fairview. Wag kang mag-alala, kung mabait ka, walang mangyayari sa iyo,” ang sabi naman ng isa na hindi niya mawari kung nagbibiro ba o seryoso.
Tahimik na binabagtas nila Seiri, Polly, Matuk at Iksum ang daan patungong portal. Nagkakatinginan sila Polly at Seiri habang naglalakad, bakas ang labis na pagkamangha sa mga nakikita sa paligid. Matataas ang mga puno at malalaki ang katawan. Nakamamangha na ang nilalakaran nila ay hindi masukal at para silang nasa parke na sinadyang ayusan na parang nasa fairy land. Mabango din ang amoy ng paligid na pinaghalong mint at floral. Iba-iba ang kulay ng mga bulaklak na nadaraanan nila. “Kaya ninyo pa bang maglakad? Baka gusto ninyo munang magpahinga?” ang tanong ni Matuk. Napahinto sila sa paglalakad. Umupo sa isang malapad na bato si Matuk. Sumunod naman si Polly at si Seiri sa pag-ubo sa kabilang malapad na bato. Tanging si Iksum lang ang naiwang nakatayo. “Akala ko ba ay nagmamadali tayong ilabas sila sa portal? Ano’t nahapo ka yata?” ang nang-iinis na tanong ni Iksum kay Matuk. Tumingin lang si Matuk kay Iksum at saka sumulyap kila Seiri at Polly.
Nasa taxi na papuntang airport si Gabby nang mag-ring ang cellphone nito. Kinakabahan siyang nagpalipas nang ilang sandali bago sagutin ito nang makita niyang si Mr. Santos ang tumatawag.“Ang tagal mo yatang sagutin ang phone?” ang bungad sa kanya ni Mr. Santos.Umayos siya nang upo at saka nagsalita, “Pasensya na po. Maingay dito sa kalsada. I’m on the way to the airport.”“Good! Good! Bueno, I just want to make sure that you’re on your way to bringing my daughter back here.”“Makaaasa po kayo, Sir. Yun din naman ang goal ko... ang maibalik si Seiri dito sa lalong madaling panahon.”Yun lang at tinapos na ni Mr. Santos ang phone call. Lalong pinagpawisan si Gabby sa pag-aalala. Sa kanya iniaaasa ni Mr. Santos ang pagbabalik ng anak. Ibig sabihin ay naniniwala itong may kinalaman siya sa pagpapalipas ng sama ng loob nito sa Bohol.Sari-saring scenario ang pumasok si isip ni Gabby.
Tapos na sa pag-iyak si Seiri nang mapagpasyahan ni Matuk na maaari na silang bumalik kay Piros para ipaalam na hindi naging matagumpay ang paglabas nila sa lagusan ng portal. Okupado ang isip ni Seiri habang naglalakad. Naroon ang matinding pagsisisi kung bakit naisipan niyang magpalipas ng sama ng loob sa Bohol na kasama pa ang kaibigang si Polly. Sinisisi niya ang sarili sa sinapit nilang dalawa. Ang gusto niya lang ay makauwi na sa Quezon City at magsimula ng panibagong buhay kung ganoon din lang at talagang sa ganun magwawakas ang relasyon niya kay Gabby.“Polly, I’m really very sorry for the trouble that I caused you.”“Ano ka ba, Seiri. Magkasama tayo dito. Talagang ganun ang magkaibigan, nagdadamayan.”“What if, hindi na nila tayo pakawalan? Sinasabi nilang nasa ibang dimension tayo. Paano pa tayo makalalabas kung mismong sila ay naliligaw papunta sa labas?”Tahimik lamang si Matuk pero naririnig niya ang
Dinatnan nila Matuk sina Otna at Piros na parang galing sa mainit na usapan. Ni hindi na nagawang ngumiti ni Otna sa minamahal na pamangkin ng makita niya itong nakatayo sa kanilang harapan. Lumipat ng pwesto si Otna sa likod ng nakaupong si Piros habang sila Seiri at Polly naman ay nakatayo sa harapan nito. Nasa likod naman nila sila Iksum at Matuk.“Mukhang natagalan yata kayo bago nakabalik mula sa lagusan? Naunahan pa kayo nila Halel na makabalik dito,” kalmado ngunit nakakatakot ang tinig ni Piros.“Pinakain muna namin sila sa aking tahanan, Piros. Gutom na gutom na sila,” paliwanag ni Matuk.Umirap si Otna sa dalawang mortal. Nakita ni Seiri ang pag-irap kaya yumuko na lamang siya.“Pinuno ng mga engkantao, nakikiusap po talaga kami na ilabas na ninyo kami sa lagusan. Hinahanap na po kami ng mga magulang namin,” ang biglang salita ni Seiri.Nagulat si Matuk sa kapangahasan ni Seiri. Labag sa batas ng mga en