Share

Chapter 2

Author: Tet Cruz
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

“O, mabuti naman at tumahan ka na. Ganyan nga ang tamang pagdadala ng problema,” ang punong-puno ng malasakit na sabi ng kundoktor.

Nagkatinginan sila Seiri at Polly pero tumahimik na lang dahil pareho silang wala sa mood magbigay ng mas maraming impormasyon kung bakit nga ba umiiyak si Seiri. Nilibang na lang nila ang sarili nila sa byahe at binusog ang mga mata sa mga luntiang paningin. Napakaganda ng Bohol. Mas payak man ang pamumuhay ay tila napakalapit naman sa kalikasan. Nasa ganung paglilibang sila nang pumutok ang gulong ng bus. Napatagilid ito at mabuti na lamang ay mabagal ang takbo nila dahil nasa gilid sila ng bundok kung kaya’t naipreno agad ito ng drayber.

“Ay, sus! Adunay nasakitan?”ang tanong ng drayber sa konduktor habang nakatayo at sinisipat ang mga pasahero.

“Wala! Wala!” sagot ng konduktor.

Nagkatinginan sila Polly at Seiri at naghawak ng kamay. Parehong malamig ang mga kamay nila sa takot.

“Alam mo, pag mga ganitong ganap, can’t help but think na kaya minalas tayo ng slight ay dahil hindi tayo nagpaalaam sa daddy mo,”apologetic ang tono ng boses ni Polly.

“Ako ang may kasalanan. Ako ang matigas ang ulo sa biglaang trip na ito. Kung may nangyari sa atin Polly, ang laking kasalanan ko sa mga parents mo,”sabay yakap ni Seiri sa kaibigan.

May narinig silang kantiyaw na marahil ay sa pag-aakala nga na magkasintahan sila at nagtanan sa Bohol. Hinayaan lang nila ang mga kasamang pasahero at nagbitiw lang sa pagkakayakap nang umakyat ang konduktor. Narinig nilang mukhang gagabihin sila sa pag-aayos dahil pati ang spare tire na dala nila ay may problema kung kaya’t kailangang tapalan at saka ipa-vulcanize.Tumingin sa relo si Polly, 4:45 PM na.

Pagkalipas ng labinlimang minuto, nakakaramdam na sila ni Polly ng gutom at pagkauhaw. Bukod pa doon ay kailangan din nila ng restroom para sa tawag ng kalikasan. Walang problema kay Polly dahil kaya niyang umihi sa damuhan pero kilala niya kung gaano kaarte si Seiri at hindi ito papayag na umihi na lamang kung saan-saan.

Nagtanong-tanong siya sa mga kasamang pasahero kung sino ang may ekstrang mineral water bottle at tyempo namang merong isang nagmagandang-loob. Ngunit di rin nila kinuha nang makiusap ang pasaherong nasa likuran nila na ibigay na lamang sa anak niyang limang taong gulang.

“Polly, di ko na carry ang gutom, uhaw at wiwi,”bakas sa mukha ni Seiri ang pinagdaraanan.

“I don’t think ganito kaliblib ang lugar na ito. Remember nung papunta tayo, may hinuntuang tindahan na malapit dito. Tapos maki-CR ka na din. What do you think?”pumalakpak si Seiri sa suggestion ni Polly.

Nagpaalam ang dalawa sa konduktor na bababa na at maghahanap ng tindahan. Mahigpit ang pagpigil ng konduktor sa kanila na hindi ligtas magpagabi sa lugar na iyon. Sinabi ng dalawa na kung may daraang bus, jeep o kahit tricycle ay sasakay na din sila dahil gusto na nilang makabalik sa Panglao. Lalo silang pinigilan ng mapagmalasakit na konduktor at sinabing huwag ikumpara sa Maynila ang dami ng byahe sa probinsya. May ilang pasahero ding tila pinipigilan sila pero hindi nila maintindihan ang Bisaya. Sa huli, nanaig pa din ang plano ng magkaibigan at sinimulang lakarin ang gilid ng bundok para makarating sa pinakalamalapit na tindahan.

Habang naglalakad ay abala naman si Polly sa pagvi-video ng paligid. Napatigil siya nang may mahagip na parang maliliwanag na alitaptap sa kanang bahagi ng bundok. Sa wakas ay natanawan nila ang pinakalamapit na tindahan, kumain sila at uminom ng mineral water. Hindi na nagpatalo sa hiya si Seiri at nakigamit ng restroom sa may-ari ng tindahan para umihi. Bilang pasasalamat, bumili sila ng mga tinda nitong souvenir at ilang chichiria at inumin.

Habang naglalakad sila ay sinundan sila ng ilang kabataan na kanina pa nagmamasid sa kanila. Nailang si Seiri at nagpatuloy lang sa paglakad.

“May shortcut dyan sa bundok na yan. Pag akyat nyo, may makikita kayong gate tapos pag pumasok kayo, kabilang bahagi na kung saan may mga dumaraang jeep,”sabi ng payat na pinakamatanda sa grupo.

“Weh? Paano naman mangyayari yun eh ang tarik ng bundok na yan. Tong batang to!” pagtataray ni Polly.

“Ah, di wag kayong maniwala. Bus ninyo siguro ang kakadaan lang kanina habang kumakain kayo. Bukas pa nang alas-nuebe ng umaga daraan ang susunod na bus,” sagot naman ng pinakapayat sa grupo.

Nag-alala ang magkaibigan at napaniwala na may shortcut ngang daanan sa gilid ng bundok. Wala naman sigurong masamang nasa isip ang mga kabataang ito. Nang nakalalayo na sila, nagtawanan ang grupo ng mga kabataang lalaki at kung naging mapagmasid lamang sila Polly at Seiri ay nakita sana nila ang maliliit na pangil ng mga ito.

“Takam na takam ka sa babae. Halatang natakot siya sa kakasunod mo,”kantyaw ng pinakamataba sa pinakamatangkad.

“Wag mo kong itulad sa iyo na halos dilaan ang nilalakaran nung lalaki,”paganting tukso naman ng pinakamatangkad.

“Kung nagkataong kabilugan ngayon ng buwan, tiyak na busog na busog na naman tayo sa mga taga-siyudad na walang kamalay-malay sa mga gaya nating aswang,” sabad ng pinakabata.

“Magagalit na naman ang mga engkantao sa atin dahil ayaw na ayaw nilang may naliligaw na mortal sa sakop nila,”patawang tugon ng pinakapayat sa grupo.

“Eh sino ba kasi ang kinakainitan mo sa mga yun?” tanong ng pinakamataba.

“Yung pinakamatapang sa kanila, si Matuk,”sabay suntok sa hangin ng pinakamatangkad.

Sa kabilang dako, naayos na ang gulong ng bus at handa ng magpatuloy sa biyahe. Maliwanag pa din ang kalangitan kahit mag-aalas-sais y media na ng hapon. Sumilip ang kundoktor sa bintana para tanawin kung may bakas ba nila Polly at Seiri sa highway pero wala ang dalawa. Naisip niyang marahil ay may nasakyan nga ang dalawa na van o tricycle. Nahagip ng mga mata niya ang bahagi ng bundok Talumpit at nakita ang maliliwanag na ilaw na animo’y mga alitaptap na nagsasayawan.

“Naku, naglalabasan na naman sila. Bilisan mo na nga ang byahe natin at kinikilabutan ako sa bundok na yan,”may pag-aalalang sabi niya sa drayber.

Kung mas malinaw lang ang mga mata niya ay baka nakita niyang naglalakad sila Polly at Seiri sa paakyat ng Mt. Talumpit.

“Polly, ano’ng oras na?” humihingal na si Seiri sa pagod.

“Past 6. Do you think it’s a wise move? Parang wala naman yung gate na sinasabi nung bagets.”

“Keep on walking lang. Pero aaminin ko, napapagod na talaga ako.”

“Hey...do you see what I see?”nagpaunang maglakad si Polly sabay ikot na parang beauty queen na rumarampa.

Ang gate. Natatanaw na nila ang gate. Tama ang mga estrangherong kabataan na may gate nga sa kakahuyang ito. Nagpaligsahan pa silang tumakbo papunta sa gate. Nagpatalo si Polly kaya si Seiri ang unang nakahawak, kinapa ang pambukas at saka tinulak.

“Uy, andaming fireflies. Ni-welcome tayo!”turo ni Polly sa kumikinang na mga alitaptap.

“Weird. Di ba dapat visible ang ilaw nila pag madilim na ang paligid. Ano’ng oras na ulit,Polly?”

Tumingin si Polly sa relo nya at inalog-alog ito.

“Teka, tama naman. Kanina 6:15 PM ang oras nung magtanong ka. So tama, ngayon ay 6:45PM na pero parang anliwanag pa dito,” nagtatakang sabi ni Polly.

Kinse minutos na silang naglalakad pero napansin ni Polly na tuwing tatawirin nila ang daan ay napupunta sila sa lugar na maraming tanim na kakaibang puting bulaklak kung saan sila nagsimulang maglakad pagkatapos nilang buksan ang gate.

“Girl, paikot-ikot lang tayo. Yung mga bulaklak na yan, nakita ko yan nung buksan natin ang gate. Yang pattern na yan na nakatingin sa direksyon ng sinag ng araw, ganyang-ganyan sila kanina.”

“O, pero wala yung gate. Which means to say na you might be wrong.”

Naghubad ng damit si Polly at inutusan si Seiri na maghubad din.

“Ano’ng drama ‘to?” nagtatakang tanong ni Seiri.

“City girl, sumunod ka na lang. Nabasa ko na pag naliligaw sa isang strange place, hubarin ang suot at saka baligtarin para hindi maligaw.”

Tumalikod silang dalawa sa isa’t-isa para sa privacy ni Seiri. Tawa sila nang tawa pag harap dahil parehong baligtad ang mga damit nila. Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang natanaw na nila ang puting bulaklak sa malayo. Ibig sabihin ay hindi na sila paikot-ikot sa loop.

“Weird. Magse-seven PM na pero parang afternoon pa din ang liwanag,” patingin-tingin sa paligid si Seiri.

“Oo, pero in all fairness, hindi masakit sa balat ang araw. Baka naman ganito lang dito sa Bohol. Unpredictable ang sunset. Kahapon, mabilis gumabi. Ngayon naman, matagal ang sikat ng araw,”inilabas ni Polly ang cellphone at sumubok mag-F******k Live.

“Asa ka pa. Walang signal dito. I-video mo na lang ako habang naglalakad,” ang tukso ni Seiri.

Ganun nga ang ginawa nila. Umarteng si Boy Abunda si Polly na ini-interview ang “celebrity” na si Seiri Santos.

“So, Seiri. Kumusta ang pakiramdam na nag-break kayo ni Gabby?”

“Masakit, Tito Polly. Una, first boyfriend ko siya. Pangalawa, dahil lang sa ayaw kong isuko ang Bataan sa kanya ay nakipag-fling na siya sa officemate niya. Pangatlo, di ba kaya nga tayo narito sa Bohol ay para magpa-hard to get ako?”

“Pero nag-back fire sa iyo ang plano mo, Seiri. Nakipagmatigasan si Gabby sa iyo at hindi ka hinabol nung hiwalayan mo siya. O, iiyak ka ba ulit, Seiri?”

“Naku, hindi na muna ako iiyak, Tito Polly. Kasi, ine-enjoy natin ang view dito sa Mt. Talumpit. Yung sariwang hangin, yung singing birds, yung butterflies at...yung fireflies? Ang dami, Polly, tignan mo!”

Napatigil sa pagbi-video si Polly. Nasa ulunan nila ang daang-libong mga alitaptap na animo’y mga glitters na kumikislap sa katamtamang liwanag ng kapaligiran. Umikot-ikot sila ni Seiri habang nakatingala. Ngayon lang sila nakakita ng ganito karaming alitaptap na halos abot-kamay nila. Hindi nila namalayan na may palasong nakaamba sa kanila.

“Dating gawi. Ibabato mo, saka ko papanain,”nakaamba ang pana ni Matuk sa himpapawid habang hawak naman ni Iksum ang tila bolang kulay pula para ihagis.

Malakas ang pagkakabato ni Iksum, umabot iyon sa mga alitaptap sa ulunan nila Polly at Seiri. Nabugaw ang mga alitaptap at lumipad palayo. Sinundan iyon ng tingin nila Polly at Seiri kaya hindi nila napansin ang bolang pula na pumalit sa pwesto ng mga alitaptap. Walang sinayang na sandali si Matuk at pinana ang bola. Nagtapon ito ng mahalimuyak na mist na kaagad nagpatulog kila Polly at Seiri. Naghantay ng ilang sandali sila Matuk at Iksum at saka bumaba ng puno para tignan ang mga estrangherong pumasok sa kanilang sakop.

Kaugnay na kabanata

  • The Other Dimension   Chapter 3

    “Napadami yata ang lagay mo ng bulaklak na pampatulog. Kahit ano’ng gawin natin ay hindi sila nagigising,”ang tila may pag-aalalang sabi ni Matuk kay Iksum. “Magigising din sila. May 30 minuto lang ang epekto ng bulaklak na pampatulog. Hmmm, mukha namang hindi sila mangangaso. Puro ganito lang ang nakita ko sa lalagyan nila,” inalog-alog ni Iksum ang mga chichiria at saka ipinasok ulit sa bag. “Buhatin na lang natin para mailabas sila habang hindi pa sila nagigising,”binuhat ni Matuk si Seiri at tinignan ang mukha nito. Bumilis ang tibok ng puso niya pagkakita sa maamong mukha ng dalaga. “O, akala ko ba nagmamadali tayo?”ang parang gulat na sabi ni Iksum na noo’y nakailang hakbang na ang layo habang pasan-pasan ang tulog na si Polly. May bakas ng panghihinayang sa mukha ni Matuk. Ni hindi pa sila nagkakakilala ng magandang mortal ay kinakailangan na niya itong ilabas sa lugar ng mga engkantao. Pero kinakailangan nilang sundin ang batas ni Piros na wal

  • The Other Dimension   Chapter 4

    “Kailangan ninyong humarap sa aming pinuno para sa kanyang pag-uusisa,” seryosong pahayag ni Matuk sa magkaibigan.“Okay, fine. Kailangan talaga naming makausap ang manager ninyo. Sobrang stress ang dinanas namin sa resort ninyo, ha!” nagtataray na sabi ni Polly habang itinayo ang nanlalambot pang kaibigan.“Hindi ba pwedeng magpahinga muna tayo? Nalula ako sa taas ng binaba natin,” ang reklamo ni Seiri.Mabilis na kinarga ni Matuk si Seiri. Nabigla ito pero wala sa kalakasang makipagtalo kay Matuk. Bumulong naman ng di-pagsang-ayon si Iksum sa ikinilos ni Matuk dahil bawal na bawal sa mga engkantao ang may physical contact sa magkaibang kasarian.“Hindi pinaghihintay si Piros, Iksum,” yun lang ang maikling tugon ni Matuk at binaybay na nila ang daan papunta sa tahanan ni Piros.Libang na libang si Polly sa mga nakikita sa paligid. Nagmistula silang mga duwende sa taas ng mga puno. Ang nilalakaran nil

  • The Other Dimension   Chapter 5

    Alas-siete ng gabi, kakaunti na lang ang sasakyan sa paid parking ng Three Parkade sa Bonifacio Global City (BGC). Kalmadong naglalakad si Gabby papunta sa kanyang sasakyan. Binuksan niya ang pinto ng kotse at saka pumasok. Inilapag niya ang dalang laptop bag sa katabing passenger seat at saka tumingin sa rear view mirror nang may makita siyang dalawang lalaking nakaupo sa likod. Mabilis ang mga pangyayari, inutusan siya ng isa sa mga ito na paandarin ang sasakyan at magmanehong parang walang anuman sa lugar na iuutos nila. Nanlalamig at namumuo ang pawis sa katawan ni Gabby, sinunod na lang niya ang utos ng mga di kilalang kawatan.“Huwag kang magpapahalata sa guwardiya kundi, dalawa kayong paglalamayan,” ang banta ng isa sa nasa likod. May baril ding nakatutok sa tagiliran niya.“Diretso mo sa Fairview. Wag kang mag-alala, kung mabait ka, walang mangyayari sa iyo,” ang sabi naman ng isa na hindi niya mawari kung nagbibiro ba o seryoso.

  • The Other Dimension   Chapter 6

    Tahimik na binabagtas nila Seiri, Polly, Matuk at Iksum ang daan patungong portal. Nagkakatinginan sila Polly at Seiri habang naglalakad, bakas ang labis na pagkamangha sa mga nakikita sa paligid. Matataas ang mga puno at malalaki ang katawan. Nakamamangha na ang nilalakaran nila ay hindi masukal at para silang nasa parke na sinadyang ayusan na parang nasa fairy land. Mabango din ang amoy ng paligid na pinaghalong mint at floral. Iba-iba ang kulay ng mga bulaklak na nadaraanan nila. “Kaya ninyo pa bang maglakad? Baka gusto ninyo munang magpahinga?” ang tanong ni Matuk. Napahinto sila sa paglalakad. Umupo sa isang malapad na bato si Matuk. Sumunod naman si Polly at si Seiri sa pag-ubo sa kabilang malapad na bato. Tanging si Iksum lang ang naiwang nakatayo. “Akala ko ba ay nagmamadali tayong ilabas sila sa portal? Ano’t nahapo ka yata?” ang nang-iinis na tanong ni Iksum kay Matuk. Tumingin lang si Matuk kay Iksum at saka sumulyap kila Seiri at Polly.

  • The Other Dimension   Chapter 7

    Nasa taxi na papuntang airport si Gabby nang mag-ring ang cellphone nito. Kinakabahan siyang nagpalipas nang ilang sandali bago sagutin ito nang makita niyang si Mr. Santos ang tumatawag.“Ang tagal mo yatang sagutin ang phone?” ang bungad sa kanya ni Mr. Santos.Umayos siya nang upo at saka nagsalita, “Pasensya na po. Maingay dito sa kalsada. I’m on the way to the airport.”“Good! Good! Bueno, I just want to make sure that you’re on your way to bringing my daughter back here.”“Makaaasa po kayo, Sir. Yun din naman ang goal ko... ang maibalik si Seiri dito sa lalong madaling panahon.”Yun lang at tinapos na ni Mr. Santos ang phone call. Lalong pinagpawisan si Gabby sa pag-aalala. Sa kanya iniaaasa ni Mr. Santos ang pagbabalik ng anak. Ibig sabihin ay naniniwala itong may kinalaman siya sa pagpapalipas ng sama ng loob nito sa Bohol.Sari-saring scenario ang pumasok si isip ni Gabby.

  • The Other Dimension   Chapter 8

    Tapos na sa pag-iyak si Seiri nang mapagpasyahan ni Matuk na maaari na silang bumalik kay Piros para ipaalam na hindi naging matagumpay ang paglabas nila sa lagusan ng portal. Okupado ang isip ni Seiri habang naglalakad. Naroon ang matinding pagsisisi kung bakit naisipan niyang magpalipas ng sama ng loob sa Bohol na kasama pa ang kaibigang si Polly. Sinisisi niya ang sarili sa sinapit nilang dalawa. Ang gusto niya lang ay makauwi na sa Quezon City at magsimula ng panibagong buhay kung ganoon din lang at talagang sa ganun magwawakas ang relasyon niya kay Gabby.“Polly, I’m really very sorry for the trouble that I caused you.”“Ano ka ba, Seiri. Magkasama tayo dito. Talagang ganun ang magkaibigan, nagdadamayan.”“What if, hindi na nila tayo pakawalan? Sinasabi nilang nasa ibang dimension tayo. Paano pa tayo makalalabas kung mismong sila ay naliligaw papunta sa labas?”Tahimik lamang si Matuk pero naririnig niya ang

  • The Other Dimension   Chapter 9

    Dinatnan nila Matuk sina Otna at Piros na parang galing sa mainit na usapan. Ni hindi na nagawang ngumiti ni Otna sa minamahal na pamangkin ng makita niya itong nakatayo sa kanilang harapan. Lumipat ng pwesto si Otna sa likod ng nakaupong si Piros habang sila Seiri at Polly naman ay nakatayo sa harapan nito. Nasa likod naman nila sila Iksum at Matuk.“Mukhang natagalan yata kayo bago nakabalik mula sa lagusan? Naunahan pa kayo nila Halel na makabalik dito,” kalmado ngunit nakakatakot ang tinig ni Piros.“Pinakain muna namin sila sa aking tahanan, Piros. Gutom na gutom na sila,” paliwanag ni Matuk.Umirap si Otna sa dalawang mortal. Nakita ni Seiri ang pag-irap kaya yumuko na lamang siya.“Pinuno ng mga engkantao, nakikiusap po talaga kami na ilabas na ninyo kami sa lagusan. Hinahanap na po kami ng mga magulang namin,” ang biglang salita ni Seiri.Nagulat si Matuk sa kapangahasan ni Seiri. Labag sa batas ng mga en

  • The Other Dimension   Panimula

    Naikukwento ang tungkol sa mga aswang, tikbalang, kapre, laman-lupa, maligno, duwende, engkantado at engkantada pero may isang grupo pa ng mga nilalang na tahimik na namumuhay sa kagubatan ng Talumpit, isang lugar sa isa sa mga probinsya sa Kabisayaan. Sila ang mga engkantao o hybrid ng mga engkantado at tao. Ayon sa pinagpasa-pasang kwento ng mga matatanda sa lugar, bago pa dumating ang mga Kastila ay may isang komunidad na ng mga engkantao sa paanan ng Bundok Talumpit. Ang mga engkantado noong mga panahong iyon ay umibig at nagpakasal sa mga kababaihan sa lugar. Tanging mga lalaking engkanto lamang ang pinapayagang umibig sa hindi kalahi ng Kataasan o ang tumatayong lider ng mga engkanto. Ang naging anak ng mga engkantado at mga tao ay tinawag na engkantao. Sa mahabang panahon, naging masaya ang mga engkantado at mga tao sa kanilang pagsasama. Mapapansin noon na mayaman ang mga bukirin at taniman gawa ng kapangyarihan ng mga engkantado. Bagama’t may mga taong nainggit sa kalagayan

Pinakabagong kabanata

  • The Other Dimension   Chapter 9

    Dinatnan nila Matuk sina Otna at Piros na parang galing sa mainit na usapan. Ni hindi na nagawang ngumiti ni Otna sa minamahal na pamangkin ng makita niya itong nakatayo sa kanilang harapan. Lumipat ng pwesto si Otna sa likod ng nakaupong si Piros habang sila Seiri at Polly naman ay nakatayo sa harapan nito. Nasa likod naman nila sila Iksum at Matuk.“Mukhang natagalan yata kayo bago nakabalik mula sa lagusan? Naunahan pa kayo nila Halel na makabalik dito,” kalmado ngunit nakakatakot ang tinig ni Piros.“Pinakain muna namin sila sa aking tahanan, Piros. Gutom na gutom na sila,” paliwanag ni Matuk.Umirap si Otna sa dalawang mortal. Nakita ni Seiri ang pag-irap kaya yumuko na lamang siya.“Pinuno ng mga engkantao, nakikiusap po talaga kami na ilabas na ninyo kami sa lagusan. Hinahanap na po kami ng mga magulang namin,” ang biglang salita ni Seiri.Nagulat si Matuk sa kapangahasan ni Seiri. Labag sa batas ng mga en

  • The Other Dimension   Chapter 8

    Tapos na sa pag-iyak si Seiri nang mapagpasyahan ni Matuk na maaari na silang bumalik kay Piros para ipaalam na hindi naging matagumpay ang paglabas nila sa lagusan ng portal. Okupado ang isip ni Seiri habang naglalakad. Naroon ang matinding pagsisisi kung bakit naisipan niyang magpalipas ng sama ng loob sa Bohol na kasama pa ang kaibigang si Polly. Sinisisi niya ang sarili sa sinapit nilang dalawa. Ang gusto niya lang ay makauwi na sa Quezon City at magsimula ng panibagong buhay kung ganoon din lang at talagang sa ganun magwawakas ang relasyon niya kay Gabby.“Polly, I’m really very sorry for the trouble that I caused you.”“Ano ka ba, Seiri. Magkasama tayo dito. Talagang ganun ang magkaibigan, nagdadamayan.”“What if, hindi na nila tayo pakawalan? Sinasabi nilang nasa ibang dimension tayo. Paano pa tayo makalalabas kung mismong sila ay naliligaw papunta sa labas?”Tahimik lamang si Matuk pero naririnig niya ang

  • The Other Dimension   Chapter 7

    Nasa taxi na papuntang airport si Gabby nang mag-ring ang cellphone nito. Kinakabahan siyang nagpalipas nang ilang sandali bago sagutin ito nang makita niyang si Mr. Santos ang tumatawag.“Ang tagal mo yatang sagutin ang phone?” ang bungad sa kanya ni Mr. Santos.Umayos siya nang upo at saka nagsalita, “Pasensya na po. Maingay dito sa kalsada. I’m on the way to the airport.”“Good! Good! Bueno, I just want to make sure that you’re on your way to bringing my daughter back here.”“Makaaasa po kayo, Sir. Yun din naman ang goal ko... ang maibalik si Seiri dito sa lalong madaling panahon.”Yun lang at tinapos na ni Mr. Santos ang phone call. Lalong pinagpawisan si Gabby sa pag-aalala. Sa kanya iniaaasa ni Mr. Santos ang pagbabalik ng anak. Ibig sabihin ay naniniwala itong may kinalaman siya sa pagpapalipas ng sama ng loob nito sa Bohol.Sari-saring scenario ang pumasok si isip ni Gabby.

  • The Other Dimension   Chapter 6

    Tahimik na binabagtas nila Seiri, Polly, Matuk at Iksum ang daan patungong portal. Nagkakatinginan sila Polly at Seiri habang naglalakad, bakas ang labis na pagkamangha sa mga nakikita sa paligid. Matataas ang mga puno at malalaki ang katawan. Nakamamangha na ang nilalakaran nila ay hindi masukal at para silang nasa parke na sinadyang ayusan na parang nasa fairy land. Mabango din ang amoy ng paligid na pinaghalong mint at floral. Iba-iba ang kulay ng mga bulaklak na nadaraanan nila. “Kaya ninyo pa bang maglakad? Baka gusto ninyo munang magpahinga?” ang tanong ni Matuk. Napahinto sila sa paglalakad. Umupo sa isang malapad na bato si Matuk. Sumunod naman si Polly at si Seiri sa pag-ubo sa kabilang malapad na bato. Tanging si Iksum lang ang naiwang nakatayo. “Akala ko ba ay nagmamadali tayong ilabas sila sa portal? Ano’t nahapo ka yata?” ang nang-iinis na tanong ni Iksum kay Matuk. Tumingin lang si Matuk kay Iksum at saka sumulyap kila Seiri at Polly.

  • The Other Dimension   Chapter 5

    Alas-siete ng gabi, kakaunti na lang ang sasakyan sa paid parking ng Three Parkade sa Bonifacio Global City (BGC). Kalmadong naglalakad si Gabby papunta sa kanyang sasakyan. Binuksan niya ang pinto ng kotse at saka pumasok. Inilapag niya ang dalang laptop bag sa katabing passenger seat at saka tumingin sa rear view mirror nang may makita siyang dalawang lalaking nakaupo sa likod. Mabilis ang mga pangyayari, inutusan siya ng isa sa mga ito na paandarin ang sasakyan at magmanehong parang walang anuman sa lugar na iuutos nila. Nanlalamig at namumuo ang pawis sa katawan ni Gabby, sinunod na lang niya ang utos ng mga di kilalang kawatan.“Huwag kang magpapahalata sa guwardiya kundi, dalawa kayong paglalamayan,” ang banta ng isa sa nasa likod. May baril ding nakatutok sa tagiliran niya.“Diretso mo sa Fairview. Wag kang mag-alala, kung mabait ka, walang mangyayari sa iyo,” ang sabi naman ng isa na hindi niya mawari kung nagbibiro ba o seryoso.

  • The Other Dimension   Chapter 4

    “Kailangan ninyong humarap sa aming pinuno para sa kanyang pag-uusisa,” seryosong pahayag ni Matuk sa magkaibigan.“Okay, fine. Kailangan talaga naming makausap ang manager ninyo. Sobrang stress ang dinanas namin sa resort ninyo, ha!” nagtataray na sabi ni Polly habang itinayo ang nanlalambot pang kaibigan.“Hindi ba pwedeng magpahinga muna tayo? Nalula ako sa taas ng binaba natin,” ang reklamo ni Seiri.Mabilis na kinarga ni Matuk si Seiri. Nabigla ito pero wala sa kalakasang makipagtalo kay Matuk. Bumulong naman ng di-pagsang-ayon si Iksum sa ikinilos ni Matuk dahil bawal na bawal sa mga engkantao ang may physical contact sa magkaibang kasarian.“Hindi pinaghihintay si Piros, Iksum,” yun lang ang maikling tugon ni Matuk at binaybay na nila ang daan papunta sa tahanan ni Piros.Libang na libang si Polly sa mga nakikita sa paligid. Nagmistula silang mga duwende sa taas ng mga puno. Ang nilalakaran nil

  • The Other Dimension   Chapter 3

    “Napadami yata ang lagay mo ng bulaklak na pampatulog. Kahit ano’ng gawin natin ay hindi sila nagigising,”ang tila may pag-aalalang sabi ni Matuk kay Iksum. “Magigising din sila. May 30 minuto lang ang epekto ng bulaklak na pampatulog. Hmmm, mukha namang hindi sila mangangaso. Puro ganito lang ang nakita ko sa lalagyan nila,” inalog-alog ni Iksum ang mga chichiria at saka ipinasok ulit sa bag. “Buhatin na lang natin para mailabas sila habang hindi pa sila nagigising,”binuhat ni Matuk si Seiri at tinignan ang mukha nito. Bumilis ang tibok ng puso niya pagkakita sa maamong mukha ng dalaga. “O, akala ko ba nagmamadali tayo?”ang parang gulat na sabi ni Iksum na noo’y nakailang hakbang na ang layo habang pasan-pasan ang tulog na si Polly. May bakas ng panghihinayang sa mukha ni Matuk. Ni hindi pa sila nagkakakilala ng magandang mortal ay kinakailangan na niya itong ilabas sa lugar ng mga engkantao. Pero kinakailangan nilang sundin ang batas ni Piros na wal

  • The Other Dimension   Chapter 2

    “O, mabuti naman at tumahan ka na. Ganyan nga ang tamang pagdadala ng problema,” ang punong-puno ng malasakit na sabi ng kundoktor.Nagkatinginan sila Seiri at Polly pero tumahimik na lang dahil pareho silang wala sa mood magbigay ng mas maraming impormasyon kung bakit nga ba umiiyak si Seiri. Nilibang na lang nila ang sarili nila sa byahe at binusog ang mga mata sa mga luntiang paningin. Napakaganda ng Bohol. Mas payak man ang pamumuhay ay tila napakalapit naman sa kalikasan. Nasa ganung paglilibang sila nang pumutok ang gulong ng bus. Napatagilid ito at mabuti na lamang ay mabagal ang takbo nila dahil nasa gilid sila ng bundok kung kaya’t naipreno agad ito ng drayber.“Ay, sus! Adunay nasakitan?”ang tanong ng drayber sa konduktor habang nakatayo at sinisipat ang mga pasahero.“Wala! Wala!” sagot ng konduktor.Nagkatinginan sila Polly at Seiri at naghawak ng kamay. Parehong malamig ang mga kamay nila sa takot.

  • The Other Dimension   Chapter 1

    “Ano ka ba, Seiri? Baka naman mapagkamalang pinaiyak kita dyan, ha!” ang pabulong na sabi ni Polly na lilinga-linga pa kung mayroong mga leeg na lumilingon sa kanilang direksyon. Nasa pang-apat na hilera sila mula sa dulong upuan ng masikip at maliit na mini-bus. Binabaybay nila ang highway sa Carmen, Bohol para makabalik na sa isang hotel sa Panglao simula nang dumating sila kahapon ng umaga. Lalong lumakas ang paghikbi ni Seiri dahilan para lumapit ang matandang kunduktor na may hawig kay Berting Labra. “Unsay problema? Ngano nag hilak ka?” ang masimpatyang tanong ng kunduktor. “Naku, tatay. Tourist lang po kami dito. Pero kung curious kayo kung bakit sya umiiyak, malaki po kasi ang problema nya,” ang sabi ni Polly at saka hinagod sa likod si Seiri. “Naku, kung kailangan ninyo ng kasama. Sasamahan ko kayo. O kung gusto naman ninyo, isama ninyo ako sa video call at ako ang kakausap sa magulang niya,” napaupo sa bakanteng upuan ang konduktor.

DMCA.com Protection Status