“Napadami yata ang lagay mo ng bulaklak na pampatulog. Kahit ano’ng gawin natin ay hindi sila nagigising,”ang tila may pag-aalalang sabi ni Matuk kay Iksum.
“Magigising din sila. May 30 minuto lang ang epekto ng bulaklak na pampatulog. Hmmm, mukha namang hindi sila mangangaso. Puro ganito lang ang nakita ko sa lalagyan nila,” inalog-alog ni Iksum ang mga chichiria at saka ipinasok ulit sa bag.
“Buhatin na lang natin para mailabas sila habang hindi pa sila nagigising,”binuhat ni Matuk si Seiri at tinignan ang mukha nito. Bumilis ang tibok ng puso niya pagkakita sa maamong mukha ng dalaga.
“O, akala ko ba nagmamadali tayo?”ang parang gulat na sabi ni Iksum na noo’y nakailang hakbang na ang layo habang pasan-pasan ang tulog na si Polly.
May bakas ng panghihinayang sa mukha ni Matuk. Ni hindi pa sila nagkakakilala ng magandang mortal ay kinakailangan na niya itong ilabas sa lugar ng mga engkantao. Pero kinakailangan nilang sundin ang batas ni Piros na walang sinumang mortal ang dapat makapasok sa lugar ng mga engkantao.
“Teka, may mali. Parang nakailang ulit na tayong bumalik sa lugar na ito,”ang nagtatakang sabi ni Iksum. Ibinaba niya ang pasan-pasang si Polly at saka tinanaw ang buong paligid.
“Tayo, higit kanino man, ang higit na nakakaalam ng mga lagusan. Baka naman nalilibang ka lang sa paglalakad?” ang sagot ni Matuk na karga pa din ang dalaga.
“Sino sa ating dalawa ang nalilibang? Ikaw itong panay nakatitig sa dalagang mortal na iyan. Ibaba mo muna kaya siya habang pinag-iisipan natin bakit para tayong paikot-ikot at naliligaw,”sinisipat ni Iksum ang kalangitan.
“Tatlumpung minuto lang ang epekto ng bulaklak na pampatulog pero palagay ko ay lampas na sila dito. Sigurado ka bang sapat na pampatulog lang ang nilagay mo sa bolang pula?”ang may pag-aalalang tanong ni Matuk.
Tumayo mula sa pagkakaupo si Iksum at saka sinuri ang dalawang mortal na mahimbing pa ring natutulog.
“Wala namang pangil. Hindi naman mga aswang. Nakapagtataka namang maligaw tayo sa sarili nating nasasakupan.”
“Kung hindi natin matunton ang lagusan palabas, mabuti pang umuwi muna tayo para na din sa ating kaligtasan. Baka isa itong patibong at marami silang nakaambang papasok. Mabuti pang masabi natin kay Piros bago mahuli ang lahat,”binuhat muli ni Matuk ang dalaga at nagsimula silang maglakad pauwi.
Kung naging mas mapagmasid lamang sila, makikita nila ang baligtad na T-shirt nila Polly at Seiri. Ito ang dahilan kung kaya’t nakontra at nabaligtad nila ang sitwasyon. Sa halip na sila ang maligaw, mismong mga engkantao ang nalito kung nasaan ba ang daan palabas.
Diniretso nila Matuk at Iksum sa kulungan ang dalawang mortal at saka nagpunta sa bahay ni Piros na kinikilalang pinuno ng mga engkantao.
“Nasaan ang mga mortal?” matalim na tingin ni Piros.
Nakakatakot ang malalim na boses ni Piros, sapat upang matahimik ang madaldal na si Iksum. Sa ganitong pagkakataon ay si Matuk ang humaharap kay Piros upang magpaliwanag.
“Naroon sila sa kulungang-hawla sa pinakamataas na puno. Sinuri na namin ang mga kagamitan nila at wala naman silang dalang anumang sandata. Palagay ko, naligaw lang talaga sila kaya nakapasok sila sa nasasakupan natin.”
Tumayo si Piros at tinitigan si Matuk ng mata sa mata.
“Sigurado kang walang kapabayaang nangyari kung kaya sila nakapasok?”
“Piros, maaga kaming nagpunta sa may pook-lagusan para magbantay. Maaari ninyong makita ang ilaw na nilagay namin sapagkat may labingwalong oras iyong magliliwanag.”
Tatango-tango si Piros. Madalas naman siyang maniwala kay Matuk na siyang napipisil niya bilang susunod sa mga yapak niya.
“Ang hindi ko lang maintindihan ay ito ang unang pagkakataon na naligaw kayo palabas ng ating nasasakupan. Ngunit naiintindihan ko ang desisyon ninyong huwag ituloy ang pagtunton sa lagusan palabas dahil mahina ang proteksyon natin sa mga panahong walang buwan. Maaari tayong mapasok ng ibang nilalang para magnakaw o maminsala,”seryosong sambit ni Piros.
“Nakapagtataka din na matagal ang epekto sa kanila ng bulaklak na pampatulog. Sapat naman ang tinimpla ni Iksum para makatulog sila ng tatlumpung minuto,”may himig ng pag-aalala sa boses ni Matuk.
“Hayaan ninyo silang makapagpahinga. Kung mga mortal silang naliligaw, malamang ay pagod na pagod ang katawan nila sa paglalakad. Bumalik na kayo sa punong pinagbabantayan ninyo. Hindi naman makakakawala ang mga mortal sa kulungang-hawla,”iyon lamang at tumalikod na si Piros para tapusin ang pakikipag-usap sa kanila.
Samantala, sa kulungang-hawla, halos sabay na nagising sila Polly at Seiri.
“Good morning, ang lalim ng tulog ko, parang ang energetic ko tuloy ngayon,”pagbati ni Seiri kay Polly.
Tumayo si Seiri mula sa pagkakahiga sa malambot na higaan.
“Nagpa-upgrade ka ba ng unit natin? Bakit dito tayo natulog?”tanong ni Polly.
Dun lang nila napansin na wala sila sa kwarto ng hotel na tinutuluyan. Malabo pa ang memorya nila sa kung ano ang nangyari kahapon. Ang huling natatandaan nila ay ang pagrereklamo ni Seiri sa receptionist na mainit ang aircon ng kuwarto nila at nagtatanong kung saang kwarto sila pwedeng ilipat.
“Parang nahihilo ako, Polly.”
“Girl, mukhang lumilindol eh.”
“Ano’ng oras na ba?”
“6AM.”
“6 AM? Sure ka? Bakit parang ang dilim-dilim pa? “
Inip na inip sila sa parang napakabagal na takbo nang oras. Sa unang silip ng liwanag, sabay silang dumungaw sa animo’y rehas at napasigaw sila dahil napakataas ng pagkakapwesto ng kwarto nila. Tila nakabitin din ang pabilog na kwarto dahil sa bawat galaw nila ay dumuduyan ito. Sigaw sila nang sigaw pero mga kakaibang huni ng ibon ang nadidinig nilang sumasagot.
“Ang sabi ko sa kanila, magpapalit lang tayo nang room dahil mahina ang aircon. Hindi ko sinabing ilagay tayo sa pinakapreskong kwarto! Ano ba ‘tong kwarto na ‘to! Huhuhu!”magkahalong inis at dismayang sabi ni Seiri.
Gumalaw ang kulungang-hawla at may nagbukas ng parang kisame nito. Bumagsak ang baging sa sahig at pagkuwan ay dalawang lalaking pareho ang kasuotan ang bumaba mula dito.
“Here they come, Seiri. Yan, pagalitan mo sila!” nakapamewang na sabi ni Polly.
“Excuse me, room service?” tanong ni Seiri.
Nagkatinginan sila Matuk at Iksum.
“Nagpunta kami dito para sunduin kayo,”sagot ni Iksum.
“Okay, thank you. Ihahanda lang namin ang gamit namin,”saka tinipon ni Polly at Seiri ang backpack.
“Ready na kami, asan ang pinto?” tanong ni Polly.
“Talagang walang pinto ang kulungang-hawla. Kung gusto ninyong makalabas, gamitin ninyo ang baging na ito paakyat at saka namin ituturo kung paano kayo makakababa sa lupa,”seryosong sabi ni Matuk.
Sila Polly at Seiri naman ang nagkatinginan.
“Okay, okay. Parusa ito sa pag-iinarte ko kahapon. Sige, paano ba gamitin ang baging na yan? nakatingalang sabi ni Seiri.
Mabilis namang umakyat si Iksum at gamit ang lakas ng mga bisig ay naiangat ang katawan paakyat. Pigil na pigil ang tawa ni Polly at Seiri sa pag-aakalang prank lang ang lahat.
“Oy, in all fairness, ang ganda ng brown uniform ninyo, ha. Yung all-blue ninyo kasing gamit kahapon, ang chaka sa totoo lang,”panunukso ni Polly kay Matuk.
“Ikaw na ang susunod na aakyat. Pagkatapos niya, ikaw naman. Mahuhuli ako,”ang sabi ni Matuk.
“Tumabi muna kayo dahil may ilalaglag na hagdanan si Iksum.”
Mula sa tuktok ng kulungang-hawla ay naghagis ng hagdan na gawa sa baging si Iksum. Naunang umakyat si Polly, kasunod si Seiri at panghuli si Matuk. Pagkarating nila sa pinakatuktok ng kulungang-hawla ay nakumpirma nilang nasa taas sila ng isang mataas at malaking puno. Nanghina sa pagkakalula si Seiri. Dahil si Matuk ang pinakamalapit sa kanya, napayakap siya dito sa takot. Niyakap din siya ni Matuk kahit may pagkagulat ito dahil hindi basta yumayakap ang isang engkantao sa kapwa engkantao liban na lamang kung nasa matinding panganib ang buhay nila. Habang bumababa sila Iksum at Polly gamit ang malalaking baging, nakapasan naman si Seiri sa likod ni Matuk para bumaba. Nakapikit ang dalaga at halos hindi humihinga sa takot. Nakasandal ang ulo nito sa likod ni Matuk.
“Go girl! Wag ka lang didilat, malapit na kayo. What an adventure!” ang clueless pa ring tugon ni Polly.
Sa wakas ay nakababa na din sila Matuk at Seiri. Napasalampak ito sa lupa dahil sa panghihina. Inalalayan naman siya ni Polly at minasahe ang ulo. Sa di kalayuan ay nag-uusap si Matuk at Iksum.
“Parang ayoko ng tuklasin ang pinanggalingan nating mortal. Mahihinang nilalang pala yan, “pabirong sabi ni Iksum kay Matuk.
Hindi kumibo si Matuk, malalim ang iniisip. Ginulat siya ni Iksum.
“Iniisip ko lang kung dapat ba pa ba nating dalhin kila Piros ang mga mortal o pabayaan na lang nating makaalis. Ayoko silang magtagal dito,” sumulyap si Matuk sa direksyon ni Seiri.
“Alalahanin mong ganyan nga ang gusto nating mangyari kagabi pero paikot-ikot lang tayo at hindi makalabas ng kagubatan. Nasa isip ko na mga kalahating-aswang itong dalawa na ito, eh,” pabiro pa ding tugon ni Iksum.
“Ano ka ba? Walang aswang na manghihina sa pagbaba sa mataas na puno. Saka hindi mo ba naiisip na wala sa loob nila na nasa daigdig sila ng mga engkantao? Habang hindi pa nila naiisip na kakaiba ang lugar na ito, mainam yatang ibalik na lang natin sila,”may malasakit sa boses ni Matuk.
“Excuse me. May mineral water kayong dala? Nanghihina si Seiri eh,”tanong ni Polly.
Nagkatinginan sila Iksum at Matuk.
“Ano’ng mineral water?” halos sabay nilang tanong.
“Ah, Absolute ang brand na gusto niya. Pero any brand will do kung wala ‘yon. Kelangan ko lang painumin ng tubig nang mahimasmasan,”kumpas ni Polly.
“May dala akong tubig dito. Hindi ko pa naiinom. Kanya na ito,” iniabot ni Matuk ang lalagyang gawa sa buho. Napatingin naman si Polly pero nagpasalamat pa din.
“Girl, wala sila ng brand mo. Ito na lang inumin mo. Ganito yata talaga sa resort na ‘to,” sabi ni Polly habang inaalis ang takip ng buho.
“Polly...sorry talaga sa trouble na ginawa ko. I should have used my brain kesa iniyak-iyakan ko ang break-up namin ni Gabby,” naiiyak na sabi ni Seiri.
“Sssh...sssh, baby girl. Okay lang. I love this adventure. Saka ang gugwapo ng mga resort staff,” kinikilig na sagot ni Polly.
Natigilan silang lahat sa tunog ng isang musika.
“Nagtatawag na si Piros. Kailangan na natin silang dalhin sa kanya,”sabi ni Iksum.
Mabibigat ang mga paang lumakad ni Matuk patungo sa magkaibigan. Nag-aaalala siya sa sasabihin o gagawin ni Piros. Kung bakit hindi nila matunton ang lagusan palabas ay isang malaking palaisipan na kailangan niyang sagutin kay Piros.
“Kailangan ninyong humarap sa aming pinuno para sa kanyang pag-uusisa,” seryosong pahayag ni Matuk sa magkaibigan.“Okay, fine. Kailangan talaga naming makausap ang manager ninyo. Sobrang stress ang dinanas namin sa resort ninyo, ha!” nagtataray na sabi ni Polly habang itinayo ang nanlalambot pang kaibigan.“Hindi ba pwedeng magpahinga muna tayo? Nalula ako sa taas ng binaba natin,” ang reklamo ni Seiri.Mabilis na kinarga ni Matuk si Seiri. Nabigla ito pero wala sa kalakasang makipagtalo kay Matuk. Bumulong naman ng di-pagsang-ayon si Iksum sa ikinilos ni Matuk dahil bawal na bawal sa mga engkantao ang may physical contact sa magkaibang kasarian.“Hindi pinaghihintay si Piros, Iksum,” yun lang ang maikling tugon ni Matuk at binaybay na nila ang daan papunta sa tahanan ni Piros.Libang na libang si Polly sa mga nakikita sa paligid. Nagmistula silang mga duwende sa taas ng mga puno. Ang nilalakaran nil
Alas-siete ng gabi, kakaunti na lang ang sasakyan sa paid parking ng Three Parkade sa Bonifacio Global City (BGC). Kalmadong naglalakad si Gabby papunta sa kanyang sasakyan. Binuksan niya ang pinto ng kotse at saka pumasok. Inilapag niya ang dalang laptop bag sa katabing passenger seat at saka tumingin sa rear view mirror nang may makita siyang dalawang lalaking nakaupo sa likod. Mabilis ang mga pangyayari, inutusan siya ng isa sa mga ito na paandarin ang sasakyan at magmanehong parang walang anuman sa lugar na iuutos nila. Nanlalamig at namumuo ang pawis sa katawan ni Gabby, sinunod na lang niya ang utos ng mga di kilalang kawatan.“Huwag kang magpapahalata sa guwardiya kundi, dalawa kayong paglalamayan,” ang banta ng isa sa nasa likod. May baril ding nakatutok sa tagiliran niya.“Diretso mo sa Fairview. Wag kang mag-alala, kung mabait ka, walang mangyayari sa iyo,” ang sabi naman ng isa na hindi niya mawari kung nagbibiro ba o seryoso.
Tahimik na binabagtas nila Seiri, Polly, Matuk at Iksum ang daan patungong portal. Nagkakatinginan sila Polly at Seiri habang naglalakad, bakas ang labis na pagkamangha sa mga nakikita sa paligid. Matataas ang mga puno at malalaki ang katawan. Nakamamangha na ang nilalakaran nila ay hindi masukal at para silang nasa parke na sinadyang ayusan na parang nasa fairy land. Mabango din ang amoy ng paligid na pinaghalong mint at floral. Iba-iba ang kulay ng mga bulaklak na nadaraanan nila. “Kaya ninyo pa bang maglakad? Baka gusto ninyo munang magpahinga?” ang tanong ni Matuk. Napahinto sila sa paglalakad. Umupo sa isang malapad na bato si Matuk. Sumunod naman si Polly at si Seiri sa pag-ubo sa kabilang malapad na bato. Tanging si Iksum lang ang naiwang nakatayo. “Akala ko ba ay nagmamadali tayong ilabas sila sa portal? Ano’t nahapo ka yata?” ang nang-iinis na tanong ni Iksum kay Matuk. Tumingin lang si Matuk kay Iksum at saka sumulyap kila Seiri at Polly.
Nasa taxi na papuntang airport si Gabby nang mag-ring ang cellphone nito. Kinakabahan siyang nagpalipas nang ilang sandali bago sagutin ito nang makita niyang si Mr. Santos ang tumatawag.“Ang tagal mo yatang sagutin ang phone?” ang bungad sa kanya ni Mr. Santos.Umayos siya nang upo at saka nagsalita, “Pasensya na po. Maingay dito sa kalsada. I’m on the way to the airport.”“Good! Good! Bueno, I just want to make sure that you’re on your way to bringing my daughter back here.”“Makaaasa po kayo, Sir. Yun din naman ang goal ko... ang maibalik si Seiri dito sa lalong madaling panahon.”Yun lang at tinapos na ni Mr. Santos ang phone call. Lalong pinagpawisan si Gabby sa pag-aalala. Sa kanya iniaaasa ni Mr. Santos ang pagbabalik ng anak. Ibig sabihin ay naniniwala itong may kinalaman siya sa pagpapalipas ng sama ng loob nito sa Bohol.Sari-saring scenario ang pumasok si isip ni Gabby.
Tapos na sa pag-iyak si Seiri nang mapagpasyahan ni Matuk na maaari na silang bumalik kay Piros para ipaalam na hindi naging matagumpay ang paglabas nila sa lagusan ng portal. Okupado ang isip ni Seiri habang naglalakad. Naroon ang matinding pagsisisi kung bakit naisipan niyang magpalipas ng sama ng loob sa Bohol na kasama pa ang kaibigang si Polly. Sinisisi niya ang sarili sa sinapit nilang dalawa. Ang gusto niya lang ay makauwi na sa Quezon City at magsimula ng panibagong buhay kung ganoon din lang at talagang sa ganun magwawakas ang relasyon niya kay Gabby.“Polly, I’m really very sorry for the trouble that I caused you.”“Ano ka ba, Seiri. Magkasama tayo dito. Talagang ganun ang magkaibigan, nagdadamayan.”“What if, hindi na nila tayo pakawalan? Sinasabi nilang nasa ibang dimension tayo. Paano pa tayo makalalabas kung mismong sila ay naliligaw papunta sa labas?”Tahimik lamang si Matuk pero naririnig niya ang
Dinatnan nila Matuk sina Otna at Piros na parang galing sa mainit na usapan. Ni hindi na nagawang ngumiti ni Otna sa minamahal na pamangkin ng makita niya itong nakatayo sa kanilang harapan. Lumipat ng pwesto si Otna sa likod ng nakaupong si Piros habang sila Seiri at Polly naman ay nakatayo sa harapan nito. Nasa likod naman nila sila Iksum at Matuk.“Mukhang natagalan yata kayo bago nakabalik mula sa lagusan? Naunahan pa kayo nila Halel na makabalik dito,” kalmado ngunit nakakatakot ang tinig ni Piros.“Pinakain muna namin sila sa aking tahanan, Piros. Gutom na gutom na sila,” paliwanag ni Matuk.Umirap si Otna sa dalawang mortal. Nakita ni Seiri ang pag-irap kaya yumuko na lamang siya.“Pinuno ng mga engkantao, nakikiusap po talaga kami na ilabas na ninyo kami sa lagusan. Hinahanap na po kami ng mga magulang namin,” ang biglang salita ni Seiri.Nagulat si Matuk sa kapangahasan ni Seiri. Labag sa batas ng mga en
Naikukwento ang tungkol sa mga aswang, tikbalang, kapre, laman-lupa, maligno, duwende, engkantado at engkantada pero may isang grupo pa ng mga nilalang na tahimik na namumuhay sa kagubatan ng Talumpit, isang lugar sa isa sa mga probinsya sa Kabisayaan. Sila ang mga engkantao o hybrid ng mga engkantado at tao. Ayon sa pinagpasa-pasang kwento ng mga matatanda sa lugar, bago pa dumating ang mga Kastila ay may isang komunidad na ng mga engkantao sa paanan ng Bundok Talumpit. Ang mga engkantado noong mga panahong iyon ay umibig at nagpakasal sa mga kababaihan sa lugar. Tanging mga lalaking engkanto lamang ang pinapayagang umibig sa hindi kalahi ng Kataasan o ang tumatayong lider ng mga engkanto. Ang naging anak ng mga engkantado at mga tao ay tinawag na engkantao. Sa mahabang panahon, naging masaya ang mga engkantado at mga tao sa kanilang pagsasama. Mapapansin noon na mayaman ang mga bukirin at taniman gawa ng kapangyarihan ng mga engkantado. Bagama’t may mga taong nainggit sa kalagayan
“Ano ka ba, Seiri? Baka naman mapagkamalang pinaiyak kita dyan, ha!” ang pabulong na sabi ni Polly na lilinga-linga pa kung mayroong mga leeg na lumilingon sa kanilang direksyon. Nasa pang-apat na hilera sila mula sa dulong upuan ng masikip at maliit na mini-bus. Binabaybay nila ang highway sa Carmen, Bohol para makabalik na sa isang hotel sa Panglao simula nang dumating sila kahapon ng umaga. Lalong lumakas ang paghikbi ni Seiri dahilan para lumapit ang matandang kunduktor na may hawig kay Berting Labra. “Unsay problema? Ngano nag hilak ka?” ang masimpatyang tanong ng kunduktor. “Naku, tatay. Tourist lang po kami dito. Pero kung curious kayo kung bakit sya umiiyak, malaki po kasi ang problema nya,” ang sabi ni Polly at saka hinagod sa likod si Seiri. “Naku, kung kailangan ninyo ng kasama. Sasamahan ko kayo. O kung gusto naman ninyo, isama ninyo ako sa video call at ako ang kakausap sa magulang niya,” napaupo sa bakanteng upuan ang konduktor.
Dinatnan nila Matuk sina Otna at Piros na parang galing sa mainit na usapan. Ni hindi na nagawang ngumiti ni Otna sa minamahal na pamangkin ng makita niya itong nakatayo sa kanilang harapan. Lumipat ng pwesto si Otna sa likod ng nakaupong si Piros habang sila Seiri at Polly naman ay nakatayo sa harapan nito. Nasa likod naman nila sila Iksum at Matuk.“Mukhang natagalan yata kayo bago nakabalik mula sa lagusan? Naunahan pa kayo nila Halel na makabalik dito,” kalmado ngunit nakakatakot ang tinig ni Piros.“Pinakain muna namin sila sa aking tahanan, Piros. Gutom na gutom na sila,” paliwanag ni Matuk.Umirap si Otna sa dalawang mortal. Nakita ni Seiri ang pag-irap kaya yumuko na lamang siya.“Pinuno ng mga engkantao, nakikiusap po talaga kami na ilabas na ninyo kami sa lagusan. Hinahanap na po kami ng mga magulang namin,” ang biglang salita ni Seiri.Nagulat si Matuk sa kapangahasan ni Seiri. Labag sa batas ng mga en
Tapos na sa pag-iyak si Seiri nang mapagpasyahan ni Matuk na maaari na silang bumalik kay Piros para ipaalam na hindi naging matagumpay ang paglabas nila sa lagusan ng portal. Okupado ang isip ni Seiri habang naglalakad. Naroon ang matinding pagsisisi kung bakit naisipan niyang magpalipas ng sama ng loob sa Bohol na kasama pa ang kaibigang si Polly. Sinisisi niya ang sarili sa sinapit nilang dalawa. Ang gusto niya lang ay makauwi na sa Quezon City at magsimula ng panibagong buhay kung ganoon din lang at talagang sa ganun magwawakas ang relasyon niya kay Gabby.“Polly, I’m really very sorry for the trouble that I caused you.”“Ano ka ba, Seiri. Magkasama tayo dito. Talagang ganun ang magkaibigan, nagdadamayan.”“What if, hindi na nila tayo pakawalan? Sinasabi nilang nasa ibang dimension tayo. Paano pa tayo makalalabas kung mismong sila ay naliligaw papunta sa labas?”Tahimik lamang si Matuk pero naririnig niya ang
Nasa taxi na papuntang airport si Gabby nang mag-ring ang cellphone nito. Kinakabahan siyang nagpalipas nang ilang sandali bago sagutin ito nang makita niyang si Mr. Santos ang tumatawag.“Ang tagal mo yatang sagutin ang phone?” ang bungad sa kanya ni Mr. Santos.Umayos siya nang upo at saka nagsalita, “Pasensya na po. Maingay dito sa kalsada. I’m on the way to the airport.”“Good! Good! Bueno, I just want to make sure that you’re on your way to bringing my daughter back here.”“Makaaasa po kayo, Sir. Yun din naman ang goal ko... ang maibalik si Seiri dito sa lalong madaling panahon.”Yun lang at tinapos na ni Mr. Santos ang phone call. Lalong pinagpawisan si Gabby sa pag-aalala. Sa kanya iniaaasa ni Mr. Santos ang pagbabalik ng anak. Ibig sabihin ay naniniwala itong may kinalaman siya sa pagpapalipas ng sama ng loob nito sa Bohol.Sari-saring scenario ang pumasok si isip ni Gabby.
Tahimik na binabagtas nila Seiri, Polly, Matuk at Iksum ang daan patungong portal. Nagkakatinginan sila Polly at Seiri habang naglalakad, bakas ang labis na pagkamangha sa mga nakikita sa paligid. Matataas ang mga puno at malalaki ang katawan. Nakamamangha na ang nilalakaran nila ay hindi masukal at para silang nasa parke na sinadyang ayusan na parang nasa fairy land. Mabango din ang amoy ng paligid na pinaghalong mint at floral. Iba-iba ang kulay ng mga bulaklak na nadaraanan nila. “Kaya ninyo pa bang maglakad? Baka gusto ninyo munang magpahinga?” ang tanong ni Matuk. Napahinto sila sa paglalakad. Umupo sa isang malapad na bato si Matuk. Sumunod naman si Polly at si Seiri sa pag-ubo sa kabilang malapad na bato. Tanging si Iksum lang ang naiwang nakatayo. “Akala ko ba ay nagmamadali tayong ilabas sila sa portal? Ano’t nahapo ka yata?” ang nang-iinis na tanong ni Iksum kay Matuk. Tumingin lang si Matuk kay Iksum at saka sumulyap kila Seiri at Polly.
Alas-siete ng gabi, kakaunti na lang ang sasakyan sa paid parking ng Three Parkade sa Bonifacio Global City (BGC). Kalmadong naglalakad si Gabby papunta sa kanyang sasakyan. Binuksan niya ang pinto ng kotse at saka pumasok. Inilapag niya ang dalang laptop bag sa katabing passenger seat at saka tumingin sa rear view mirror nang may makita siyang dalawang lalaking nakaupo sa likod. Mabilis ang mga pangyayari, inutusan siya ng isa sa mga ito na paandarin ang sasakyan at magmanehong parang walang anuman sa lugar na iuutos nila. Nanlalamig at namumuo ang pawis sa katawan ni Gabby, sinunod na lang niya ang utos ng mga di kilalang kawatan.“Huwag kang magpapahalata sa guwardiya kundi, dalawa kayong paglalamayan,” ang banta ng isa sa nasa likod. May baril ding nakatutok sa tagiliran niya.“Diretso mo sa Fairview. Wag kang mag-alala, kung mabait ka, walang mangyayari sa iyo,” ang sabi naman ng isa na hindi niya mawari kung nagbibiro ba o seryoso.
“Kailangan ninyong humarap sa aming pinuno para sa kanyang pag-uusisa,” seryosong pahayag ni Matuk sa magkaibigan.“Okay, fine. Kailangan talaga naming makausap ang manager ninyo. Sobrang stress ang dinanas namin sa resort ninyo, ha!” nagtataray na sabi ni Polly habang itinayo ang nanlalambot pang kaibigan.“Hindi ba pwedeng magpahinga muna tayo? Nalula ako sa taas ng binaba natin,” ang reklamo ni Seiri.Mabilis na kinarga ni Matuk si Seiri. Nabigla ito pero wala sa kalakasang makipagtalo kay Matuk. Bumulong naman ng di-pagsang-ayon si Iksum sa ikinilos ni Matuk dahil bawal na bawal sa mga engkantao ang may physical contact sa magkaibang kasarian.“Hindi pinaghihintay si Piros, Iksum,” yun lang ang maikling tugon ni Matuk at binaybay na nila ang daan papunta sa tahanan ni Piros.Libang na libang si Polly sa mga nakikita sa paligid. Nagmistula silang mga duwende sa taas ng mga puno. Ang nilalakaran nil
“Napadami yata ang lagay mo ng bulaklak na pampatulog. Kahit ano’ng gawin natin ay hindi sila nagigising,”ang tila may pag-aalalang sabi ni Matuk kay Iksum. “Magigising din sila. May 30 minuto lang ang epekto ng bulaklak na pampatulog. Hmmm, mukha namang hindi sila mangangaso. Puro ganito lang ang nakita ko sa lalagyan nila,” inalog-alog ni Iksum ang mga chichiria at saka ipinasok ulit sa bag. “Buhatin na lang natin para mailabas sila habang hindi pa sila nagigising,”binuhat ni Matuk si Seiri at tinignan ang mukha nito. Bumilis ang tibok ng puso niya pagkakita sa maamong mukha ng dalaga. “O, akala ko ba nagmamadali tayo?”ang parang gulat na sabi ni Iksum na noo’y nakailang hakbang na ang layo habang pasan-pasan ang tulog na si Polly. May bakas ng panghihinayang sa mukha ni Matuk. Ni hindi pa sila nagkakakilala ng magandang mortal ay kinakailangan na niya itong ilabas sa lugar ng mga engkantao. Pero kinakailangan nilang sundin ang batas ni Piros na wal
“O, mabuti naman at tumahan ka na. Ganyan nga ang tamang pagdadala ng problema,” ang punong-puno ng malasakit na sabi ng kundoktor.Nagkatinginan sila Seiri at Polly pero tumahimik na lang dahil pareho silang wala sa mood magbigay ng mas maraming impormasyon kung bakit nga ba umiiyak si Seiri. Nilibang na lang nila ang sarili nila sa byahe at binusog ang mga mata sa mga luntiang paningin. Napakaganda ng Bohol. Mas payak man ang pamumuhay ay tila napakalapit naman sa kalikasan. Nasa ganung paglilibang sila nang pumutok ang gulong ng bus. Napatagilid ito at mabuti na lamang ay mabagal ang takbo nila dahil nasa gilid sila ng bundok kung kaya’t naipreno agad ito ng drayber.“Ay, sus! Adunay nasakitan?”ang tanong ng drayber sa konduktor habang nakatayo at sinisipat ang mga pasahero.“Wala! Wala!” sagot ng konduktor.Nagkatinginan sila Polly at Seiri at naghawak ng kamay. Parehong malamig ang mga kamay nila sa takot.