Chapter: Chapter 9Dinatnan nila Matuk sina Otna at Piros na parang galing sa mainit na usapan. Ni hindi na nagawang ngumiti ni Otna sa minamahal na pamangkin ng makita niya itong nakatayo sa kanilang harapan. Lumipat ng pwesto si Otna sa likod ng nakaupong si Piros habang sila Seiri at Polly naman ay nakatayo sa harapan nito. Nasa likod naman nila sila Iksum at Matuk.“Mukhang natagalan yata kayo bago nakabalik mula sa lagusan? Naunahan pa kayo nila Halel na makabalik dito,” kalmado ngunit nakakatakot ang tinig ni Piros.“Pinakain muna namin sila sa aking tahanan, Piros. Gutom na gutom na sila,” paliwanag ni Matuk.Umirap si Otna sa dalawang mortal. Nakita ni Seiri ang pag-irap kaya yumuko na lamang siya.“Pinuno ng mga engkantao, nakikiusap po talaga kami na ilabas na ninyo kami sa lagusan. Hinahanap na po kami ng mga magulang namin,” ang biglang salita ni Seiri.Nagulat si Matuk sa kapangahasan ni Seiri. Labag sa batas ng mga en
Huling Na-update: 2022-01-13
Chapter: Chapter 8Tapos na sa pag-iyak si Seiri nang mapagpasyahan ni Matuk na maaari na silang bumalik kay Piros para ipaalam na hindi naging matagumpay ang paglabas nila sa lagusan ng portal. Okupado ang isip ni Seiri habang naglalakad. Naroon ang matinding pagsisisi kung bakit naisipan niyang magpalipas ng sama ng loob sa Bohol na kasama pa ang kaibigang si Polly. Sinisisi niya ang sarili sa sinapit nilang dalawa. Ang gusto niya lang ay makauwi na sa Quezon City at magsimula ng panibagong buhay kung ganoon din lang at talagang sa ganun magwawakas ang relasyon niya kay Gabby.“Polly, I’m really very sorry for the trouble that I caused you.”“Ano ka ba, Seiri. Magkasama tayo dito. Talagang ganun ang magkaibigan, nagdadamayan.”“What if, hindi na nila tayo pakawalan? Sinasabi nilang nasa ibang dimension tayo. Paano pa tayo makalalabas kung mismong sila ay naliligaw papunta sa labas?”Tahimik lamang si Matuk pero naririnig niya ang
Huling Na-update: 2022-01-11
Chapter: Chapter 7Nasa taxi na papuntang airport si Gabby nang mag-ring ang cellphone nito. Kinakabahan siyang nagpalipas nang ilang sandali bago sagutin ito nang makita niyang si Mr. Santos ang tumatawag.“Ang tagal mo yatang sagutin ang phone?” ang bungad sa kanya ni Mr. Santos.Umayos siya nang upo at saka nagsalita, “Pasensya na po. Maingay dito sa kalsada. I’m on the way to the airport.”“Good! Good! Bueno, I just want to make sure that you’re on your way to bringing my daughter back here.”“Makaaasa po kayo, Sir. Yun din naman ang goal ko... ang maibalik si Seiri dito sa lalong madaling panahon.”Yun lang at tinapos na ni Mr. Santos ang phone call. Lalong pinagpawisan si Gabby sa pag-aalala. Sa kanya iniaaasa ni Mr. Santos ang pagbabalik ng anak. Ibig sabihin ay naniniwala itong may kinalaman siya sa pagpapalipas ng sama ng loob nito sa Bohol.Sari-saring scenario ang pumasok si isip ni Gabby.
Huling Na-update: 2021-12-25
Chapter: Chapter 6Tahimik na binabagtas nila Seiri, Polly, Matuk at Iksum ang daan patungong portal. Nagkakatinginan sila Polly at Seiri habang naglalakad, bakas ang labis na pagkamangha sa mga nakikita sa paligid. Matataas ang mga puno at malalaki ang katawan. Nakamamangha na ang nilalakaran nila ay hindi masukal at para silang nasa parke na sinadyang ayusan na parang nasa fairy land. Mabango din ang amoy ng paligid na pinaghalong mint at floral. Iba-iba ang kulay ng mga bulaklak na nadaraanan nila. “Kaya ninyo pa bang maglakad? Baka gusto ninyo munang magpahinga?” ang tanong ni Matuk. Napahinto sila sa paglalakad. Umupo sa isang malapad na bato si Matuk. Sumunod naman si Polly at si Seiri sa pag-ubo sa kabilang malapad na bato. Tanging si Iksum lang ang naiwang nakatayo. “Akala ko ba ay nagmamadali tayong ilabas sila sa portal? Ano’t nahapo ka yata?” ang nang-iinis na tanong ni Iksum kay Matuk. Tumingin lang si Matuk kay Iksum at saka sumulyap kila Seiri at Polly.
Huling Na-update: 2021-12-22
Chapter: Chapter 5Alas-siete ng gabi, kakaunti na lang ang sasakyan sa paid parking ng Three Parkade sa Bonifacio Global City (BGC). Kalmadong naglalakad si Gabby papunta sa kanyang sasakyan. Binuksan niya ang pinto ng kotse at saka pumasok. Inilapag niya ang dalang laptop bag sa katabing passenger seat at saka tumingin sa rear view mirror nang may makita siyang dalawang lalaking nakaupo sa likod. Mabilis ang mga pangyayari, inutusan siya ng isa sa mga ito na paandarin ang sasakyan at magmanehong parang walang anuman sa lugar na iuutos nila. Nanlalamig at namumuo ang pawis sa katawan ni Gabby, sinunod na lang niya ang utos ng mga di kilalang kawatan.“Huwag kang magpapahalata sa guwardiya kundi, dalawa kayong paglalamayan,” ang banta ng isa sa nasa likod. May baril ding nakatutok sa tagiliran niya.“Diretso mo sa Fairview. Wag kang mag-alala, kung mabait ka, walang mangyayari sa iyo,” ang sabi naman ng isa na hindi niya mawari kung nagbibiro ba o seryoso.
Huling Na-update: 2021-12-17
Chapter: Chapter 4“Kailangan ninyong humarap sa aming pinuno para sa kanyang pag-uusisa,” seryosong pahayag ni Matuk sa magkaibigan.“Okay, fine. Kailangan talaga naming makausap ang manager ninyo. Sobrang stress ang dinanas namin sa resort ninyo, ha!” nagtataray na sabi ni Polly habang itinayo ang nanlalambot pang kaibigan.“Hindi ba pwedeng magpahinga muna tayo? Nalula ako sa taas ng binaba natin,” ang reklamo ni Seiri.Mabilis na kinarga ni Matuk si Seiri. Nabigla ito pero wala sa kalakasang makipagtalo kay Matuk. Bumulong naman ng di-pagsang-ayon si Iksum sa ikinilos ni Matuk dahil bawal na bawal sa mga engkantao ang may physical contact sa magkaibang kasarian.“Hindi pinaghihintay si Piros, Iksum,” yun lang ang maikling tugon ni Matuk at binaybay na nila ang daan papunta sa tahanan ni Piros.Libang na libang si Polly sa mga nakikita sa paligid. Nagmistula silang mga duwende sa taas ng mga puno. Ang nilalakaran nil
Huling Na-update: 2021-12-15