Share

Chapter 4

Author: Tet Cruz
last update Last Updated: 2021-12-15 05:35:59

“Kailangan ninyong humarap sa aming pinuno para sa kanyang pag-uusisa,” seryosong pahayag ni Matuk sa magkaibigan.

“Okay, fine. Kailangan talaga naming makausap ang manager ninyo. Sobrang stress ang dinanas namin sa resort ninyo, ha!” nagtataray na sabi ni Polly habang itinayo ang nanlalambot pang kaibigan.

“Hindi ba pwedeng magpahinga muna tayo? Nalula ako sa taas ng binaba natin,” ang reklamo ni Seiri.

Mabilis na kinarga ni Matuk si Seiri. Nabigla ito pero wala sa kalakasang makipagtalo kay Matuk. Bumulong naman ng di-pagsang-ayon si Iksum sa ikinilos ni Matuk dahil bawal na bawal sa mga engkantao ang may physical contact sa magkaibang kasarian.

“Hindi pinaghihintay si Piros, Iksum,” yun lang ang maikling tugon ni Matuk at binaybay na nila ang daan papunta sa tahanan ni Piros.

Libang na libang si Polly sa mga nakikita sa paligid. Nagmistula silang mga duwende sa taas ng mga puno. Ang nilalakaran nila ay parang sinadyang pagandahin ng isang landscape architect. May dilaw na bulaklak na ubod ng laki ang gumagalaw at animo’y sumasayaw. Doon lang din siya nakakita ng iba’t-ibang kulay at laki ng mga paru-paro.

“Girl, ang ganda dito. Pagkayari tayong kausapin ng manager nila, mag-picture tayo. Instagrammable ang mga view!” ang patiling sabi ni Polly.

“Girl ang pangalan niya?” ang mausisang tanong ni Iksum.

“Whatever!” ang pataray na sagot ni Polly na inakalang nang-iinis lang si Iksum.

Ang totoo ay nalilito si Iksum sa ikinikilos ni Polly. Sa daigdig ng mga engkantao, dalawa lang ang kasarian---babae at lalaki. Hindi nila alam ang tungkol sa third sex kung kaya naku-curious siya sa mga ikinikilos ni Polly.

Wala namang malay sa paligid ang nakapikit na si Seiri. Buhat-buhat siya ni Matuk na parang malaking sanggol dahil sa panghihina gawa ng pagkalula sa mataas na puno. Pasulyap-sulyap si Polly sa kaibigang nakapikit habang panakaw na tumitingin din sa mga malalaking bisig ni Matuk. Diretso lang ang tingin ni Matuk habang naglalakad, ayaw niyang magkaroon ng pagkakataong matitigan ang magandang mukha ni Seiri. Ngayon lang siya nakaramdam ng matinding paghanga sa isang babae na hindi niya kalahi. Ayaw niyang isiping baka isa itong kapre o tikbalang na nag-anyong magandang binibini upang mapaibig siya. Batid niya ang pagbabalat-kayo ng mga kapre o tikbalang na lalaki upang mapaibig ang mga babaeng mortal na matipuhan. Pero sa kalagayan niya bilang engkantao, ang pagbabalat-kayo ng isang kapre o tikbalang para mapaibig siya ay maaaring isang paraan para mapasok nila ang Talumpit.

Maya-maya pa ay nakarinig na sila ng mga tunog ng musika; mga babaeng engkantao na tila nagpi-piyano gamit ang isang instrumentong gawa sa kristal. Lahat ng mga babae ay naka-damit na puti na magkakamukha. Natigil ang pagpi-piyano ng mga babaeng engkantao sa pagdating nila Matuk. Tumayo ang isang babaeng nasa apatnapung taong gulang at saka lumapit sa kanila.

Ibinaba ni Matuk si Seiri at saka lumapit sa babae. Kinuha ni Matuk ang dalawang kamay ng babae at saka hinalikan.

“Otna, magandang umaga. Ano’t naparito kayo sa tahanan ni Piros?” ang nagtatakang tanong ni Matuk kay Otna.

“Nabalitaan kong may dalawa kayong nahuling mortal kagabi at tinangka sana ninyong ilabas ng portal pero paulit-ulit lang kayong naligaw. Iniisip kong hindi sila mga mortal lamang kung kaya nilang baliin ang kapangyarihan ng Talumpit,” ang may paghihinalang sagot ni Otna.

“Ah, kapatid ng aking ina, ikaw ba ay nag-aaalala na baka mapahamak ang pinakamamahal mong anak ng iyong kapatid?” ang may paglalambing na sambit nito sa tiyahin.

“At bakit naman hindi? Ikaw na lang ang nag-iisang ala-ala ng aking kapatid?” ang malambing din na sagot ni Otna sa pamangkin.

“Kung gayon ay samahan nyo kami sa tahanan ni Piros para maipakita sa kanya ang mga mortal na nakuha namin ni Iksum.”

Naunang lumakad si Matuk papasok ng bahay kasunod si Otna. Magkasabay namang pumasok si Seiri at Polly at nasa likod nila si Iksum. Yumukod sila Otna, Iksum at Matuk nang makita si Piros na nakaupo na sa tila sala ng bahay nito. Hindi agad nakapag-react sila Seiri at Polly dahil namangha sila sa loob ng tahanan. Gawa sa kahoy ang mga kagamitan, napakalinis din ng loob at nakamamangha ang mga palamuting kristal na tila nagbabago ang kulay sa bawat ihip ng hangin.

“Girl, eto na yung resort manager. Mukhang bad mood sa atin,” kinalabit ni Polly si Seiri.

Napatingin naman si Seiri kay Piros na noon ay nakikipag-usap kila Matuk at Iksum. Sa body language ni Matuk ay tila nagpapaliwanag ito kung ano ang nangyari na siya namang sinasang-ayunan ni Iksum. Si Otna ay paminsan-minsang tumitingin sa kanila na parang nagagalit. Tumayo si Piros at nagpunta sa pwesto nila Seiri at Polly.

“Uulitin ko ang tanong kila Matuk at Iksum...paano kayo nakapasok sa portal?” parang kulog na dumaragundong ang boses ni Piros.

“Ikaw na magkwento, Seiri,” natatakot na sambit ni Polly.

“Ikaw na, Polly,” ang sagot naman ni Seiri.

“Bueno, Sir. Aaminin po namin na naging choosy kami sa room. But we’re not expecting na magagalit kayo dahil di ba ang core value ng hotel ninyo ay customer satisfaction? Pero from the looks of it, ayaw ninyo ng bad review kaya promise po. Pauwiin ninyo lang kami, hindi namin kayo bibigyan ng bad review,” ang natatarantang sagot ni Polly.

Lalong kumunot ang noo ni Piros. Sa kabila ng talim ng mga mata nito ay maaninagan ang angking kagwapuhan na animo’y si Gardo Versoza noong kanyang kabataan. Umikot-ikot ito para pag-aralan ang kinikilos ng magkaibigan.

“Ikaw naman, ano ang masasabi mo?” tanong ni Piros kay Seiri.

“Sir, gaya po ng sinabi ni Polly, gusto lang namin ng air-conditioned room,” ang medyo nagulat na sagot ni Seiri.

“Paano kayo nakapasok sa portal?” ang madiing tanong ni Piros.

“Portal? Alin pong portal?” ang halos sabay na tanong ng magkaibigan.

“Napasok ninyo ang daigdig ng mga engkantao. Mabuti pang umamin na kayo kung ano ang pakay ninyo. Isa ba kayong laman-lupa na nag-aanyong tao?” ang malakas na tanong ni Piros.

Pigil-tawa ang magkaibigan sa sinabi ni Piros. Hindi pa rin nila maintindihan na hindi ordinaryong lugar ang napasok nila. Nasa other dimension sila na ang naghahari ay mga engkantao. Hindi rin nila maaalala ang pagpasok nila sa portal dahil sa epekto ng pampatulog na nalanghap nila.

“Mawalang-galang na, Piros. Maaari ko ba silang matanong?” ang nag-aalinlangang tanong ni Iksum.

Tumango si Piros at hinayaan si Iksum.

“Naaalala ba ninyo ang mga alitaptap na nasa ulunan ninyo kahapon?” tinatangka ni Iksum na ipaalala ang mga kaganapan sa magkaibigan.

Nag-isip sila Seiri at Polly. Nanlamig sila dahil unti-unting may naaalala sila pero pira-pirasong memorya mula sa pagbaba nila ng bus hanggang sa pagsunod sa suhestyon ng mga kabataan na mag-short cut sila sa bundok hanggang sa pagkakita nila ng napakaraming alitaptap.

“Pero di ba’t panaginip lang ang lahat?” ang naguguluhang tanong ni Seiri.

Tumingin si Iksum kay Piros at Matuk at sinabing, “Babalik din nang lubos ang alaala nila. Naparami yata ang pampatulog na nilagay ko. Walang alinlangan, mga mortal talaga sila.”

“Pero kung mga mortal sila, ano’ng pangontra ang mayroon sila para mailigaw nila kayo sa lagusan palabas ng portal?” ang tanong ni Piros.

“Hindi namin alam, Piros. Kung ipapaubaya ninyo, ibabalik na namin sila sa lagusan para makauwi na din sila. Nakahanda na din ang bulaklak ng radam para wala silang maaalala sa pagpasok nila dito.

Pumayag si Piros na palabasin ang mga mortal. Sinimulan ulit nilang lakarin ang daan patungong lagusan ng portal. Tahimik ngunit namamangha ang magkaibigan sa mga nakita sa other dimension pero natatakot silang magsalita kila Iksum at Matuk nang mapag-isip-isip nilang mga engkantao ito at hindi staff ng resort na tinuluyan nila.

Si Matuk naman ay hindi maintindihan ang nararamdaman dahil kung siya ang masusunod, hindi niya gustong makalabas ng portal si Seiri. Gusto pa niyang makilala ito at makasama. Kinapa niya ang bulaklak ng radam sa kanyang maliit na bag. Lalo siyang nakaramdam ng lungkot dahil kapag nalanghap ito ni Seiri, ni hindi nito maalalang nagkita sila.

Related chapters

  • The Other Dimension   Chapter 5

    Alas-siete ng gabi, kakaunti na lang ang sasakyan sa paid parking ng Three Parkade sa Bonifacio Global City (BGC). Kalmadong naglalakad si Gabby papunta sa kanyang sasakyan. Binuksan niya ang pinto ng kotse at saka pumasok. Inilapag niya ang dalang laptop bag sa katabing passenger seat at saka tumingin sa rear view mirror nang may makita siyang dalawang lalaking nakaupo sa likod. Mabilis ang mga pangyayari, inutusan siya ng isa sa mga ito na paandarin ang sasakyan at magmanehong parang walang anuman sa lugar na iuutos nila. Nanlalamig at namumuo ang pawis sa katawan ni Gabby, sinunod na lang niya ang utos ng mga di kilalang kawatan.“Huwag kang magpapahalata sa guwardiya kundi, dalawa kayong paglalamayan,” ang banta ng isa sa nasa likod. May baril ding nakatutok sa tagiliran niya.“Diretso mo sa Fairview. Wag kang mag-alala, kung mabait ka, walang mangyayari sa iyo,” ang sabi naman ng isa na hindi niya mawari kung nagbibiro ba o seryoso.

    Last Updated : 2021-12-17
  • The Other Dimension   Chapter 6

    Tahimik na binabagtas nila Seiri, Polly, Matuk at Iksum ang daan patungong portal. Nagkakatinginan sila Polly at Seiri habang naglalakad, bakas ang labis na pagkamangha sa mga nakikita sa paligid. Matataas ang mga puno at malalaki ang katawan. Nakamamangha na ang nilalakaran nila ay hindi masukal at para silang nasa parke na sinadyang ayusan na parang nasa fairy land. Mabango din ang amoy ng paligid na pinaghalong mint at floral. Iba-iba ang kulay ng mga bulaklak na nadaraanan nila. “Kaya ninyo pa bang maglakad? Baka gusto ninyo munang magpahinga?” ang tanong ni Matuk. Napahinto sila sa paglalakad. Umupo sa isang malapad na bato si Matuk. Sumunod naman si Polly at si Seiri sa pag-ubo sa kabilang malapad na bato. Tanging si Iksum lang ang naiwang nakatayo. “Akala ko ba ay nagmamadali tayong ilabas sila sa portal? Ano’t nahapo ka yata?” ang nang-iinis na tanong ni Iksum kay Matuk. Tumingin lang si Matuk kay Iksum at saka sumulyap kila Seiri at Polly.

    Last Updated : 2021-12-22
  • The Other Dimension   Chapter 7

    Nasa taxi na papuntang airport si Gabby nang mag-ring ang cellphone nito. Kinakabahan siyang nagpalipas nang ilang sandali bago sagutin ito nang makita niyang si Mr. Santos ang tumatawag.“Ang tagal mo yatang sagutin ang phone?” ang bungad sa kanya ni Mr. Santos.Umayos siya nang upo at saka nagsalita, “Pasensya na po. Maingay dito sa kalsada. I’m on the way to the airport.”“Good! Good! Bueno, I just want to make sure that you’re on your way to bringing my daughter back here.”“Makaaasa po kayo, Sir. Yun din naman ang goal ko... ang maibalik si Seiri dito sa lalong madaling panahon.”Yun lang at tinapos na ni Mr. Santos ang phone call. Lalong pinagpawisan si Gabby sa pag-aalala. Sa kanya iniaaasa ni Mr. Santos ang pagbabalik ng anak. Ibig sabihin ay naniniwala itong may kinalaman siya sa pagpapalipas ng sama ng loob nito sa Bohol.Sari-saring scenario ang pumasok si isip ni Gabby.

    Last Updated : 2021-12-25
  • The Other Dimension   Chapter 8

    Tapos na sa pag-iyak si Seiri nang mapagpasyahan ni Matuk na maaari na silang bumalik kay Piros para ipaalam na hindi naging matagumpay ang paglabas nila sa lagusan ng portal. Okupado ang isip ni Seiri habang naglalakad. Naroon ang matinding pagsisisi kung bakit naisipan niyang magpalipas ng sama ng loob sa Bohol na kasama pa ang kaibigang si Polly. Sinisisi niya ang sarili sa sinapit nilang dalawa. Ang gusto niya lang ay makauwi na sa Quezon City at magsimula ng panibagong buhay kung ganoon din lang at talagang sa ganun magwawakas ang relasyon niya kay Gabby.“Polly, I’m really very sorry for the trouble that I caused you.”“Ano ka ba, Seiri. Magkasama tayo dito. Talagang ganun ang magkaibigan, nagdadamayan.”“What if, hindi na nila tayo pakawalan? Sinasabi nilang nasa ibang dimension tayo. Paano pa tayo makalalabas kung mismong sila ay naliligaw papunta sa labas?”Tahimik lamang si Matuk pero naririnig niya ang

    Last Updated : 2022-01-11
  • The Other Dimension   Chapter 9

    Dinatnan nila Matuk sina Otna at Piros na parang galing sa mainit na usapan. Ni hindi na nagawang ngumiti ni Otna sa minamahal na pamangkin ng makita niya itong nakatayo sa kanilang harapan. Lumipat ng pwesto si Otna sa likod ng nakaupong si Piros habang sila Seiri at Polly naman ay nakatayo sa harapan nito. Nasa likod naman nila sila Iksum at Matuk.“Mukhang natagalan yata kayo bago nakabalik mula sa lagusan? Naunahan pa kayo nila Halel na makabalik dito,” kalmado ngunit nakakatakot ang tinig ni Piros.“Pinakain muna namin sila sa aking tahanan, Piros. Gutom na gutom na sila,” paliwanag ni Matuk.Umirap si Otna sa dalawang mortal. Nakita ni Seiri ang pag-irap kaya yumuko na lamang siya.“Pinuno ng mga engkantao, nakikiusap po talaga kami na ilabas na ninyo kami sa lagusan. Hinahanap na po kami ng mga magulang namin,” ang biglang salita ni Seiri.Nagulat si Matuk sa kapangahasan ni Seiri. Labag sa batas ng mga en

    Last Updated : 2022-01-13
  • The Other Dimension   Panimula

    Naikukwento ang tungkol sa mga aswang, tikbalang, kapre, laman-lupa, maligno, duwende, engkantado at engkantada pero may isang grupo pa ng mga nilalang na tahimik na namumuhay sa kagubatan ng Talumpit, isang lugar sa isa sa mga probinsya sa Kabisayaan. Sila ang mga engkantao o hybrid ng mga engkantado at tao. Ayon sa pinagpasa-pasang kwento ng mga matatanda sa lugar, bago pa dumating ang mga Kastila ay may isang komunidad na ng mga engkantao sa paanan ng Bundok Talumpit. Ang mga engkantado noong mga panahong iyon ay umibig at nagpakasal sa mga kababaihan sa lugar. Tanging mga lalaking engkanto lamang ang pinapayagang umibig sa hindi kalahi ng Kataasan o ang tumatayong lider ng mga engkanto. Ang naging anak ng mga engkantado at mga tao ay tinawag na engkantao. Sa mahabang panahon, naging masaya ang mga engkantado at mga tao sa kanilang pagsasama. Mapapansin noon na mayaman ang mga bukirin at taniman gawa ng kapangyarihan ng mga engkantado. Bagama’t may mga taong nainggit sa kalagayan

    Last Updated : 2021-08-08
  • The Other Dimension   Chapter 1

    “Ano ka ba, Seiri? Baka naman mapagkamalang pinaiyak kita dyan, ha!” ang pabulong na sabi ni Polly na lilinga-linga pa kung mayroong mga leeg na lumilingon sa kanilang direksyon. Nasa pang-apat na hilera sila mula sa dulong upuan ng masikip at maliit na mini-bus. Binabaybay nila ang highway sa Carmen, Bohol para makabalik na sa isang hotel sa Panglao simula nang dumating sila kahapon ng umaga. Lalong lumakas ang paghikbi ni Seiri dahilan para lumapit ang matandang kunduktor na may hawig kay Berting Labra. “Unsay problema? Ngano nag hilak ka?” ang masimpatyang tanong ng kunduktor. “Naku, tatay. Tourist lang po kami dito. Pero kung curious kayo kung bakit sya umiiyak, malaki po kasi ang problema nya,” ang sabi ni Polly at saka hinagod sa likod si Seiri. “Naku, kung kailangan ninyo ng kasama. Sasamahan ko kayo. O kung gusto naman ninyo, isama ninyo ako sa video call at ako ang kakausap sa magulang niya,” napaupo sa bakanteng upuan ang konduktor.

    Last Updated : 2021-08-08
  • The Other Dimension   Chapter 2

    “O, mabuti naman at tumahan ka na. Ganyan nga ang tamang pagdadala ng problema,” ang punong-puno ng malasakit na sabi ng kundoktor.Nagkatinginan sila Seiri at Polly pero tumahimik na lang dahil pareho silang wala sa mood magbigay ng mas maraming impormasyon kung bakit nga ba umiiyak si Seiri. Nilibang na lang nila ang sarili nila sa byahe at binusog ang mga mata sa mga luntiang paningin. Napakaganda ng Bohol. Mas payak man ang pamumuhay ay tila napakalapit naman sa kalikasan. Nasa ganung paglilibang sila nang pumutok ang gulong ng bus. Napatagilid ito at mabuti na lamang ay mabagal ang takbo nila dahil nasa gilid sila ng bundok kung kaya’t naipreno agad ito ng drayber.“Ay, sus! Adunay nasakitan?”ang tanong ng drayber sa konduktor habang nakatayo at sinisipat ang mga pasahero.“Wala! Wala!” sagot ng konduktor.Nagkatinginan sila Polly at Seiri at naghawak ng kamay. Parehong malamig ang mga kamay nila sa takot.

    Last Updated : 2021-08-08

Latest chapter

  • The Other Dimension   Chapter 9

    Dinatnan nila Matuk sina Otna at Piros na parang galing sa mainit na usapan. Ni hindi na nagawang ngumiti ni Otna sa minamahal na pamangkin ng makita niya itong nakatayo sa kanilang harapan. Lumipat ng pwesto si Otna sa likod ng nakaupong si Piros habang sila Seiri at Polly naman ay nakatayo sa harapan nito. Nasa likod naman nila sila Iksum at Matuk.“Mukhang natagalan yata kayo bago nakabalik mula sa lagusan? Naunahan pa kayo nila Halel na makabalik dito,” kalmado ngunit nakakatakot ang tinig ni Piros.“Pinakain muna namin sila sa aking tahanan, Piros. Gutom na gutom na sila,” paliwanag ni Matuk.Umirap si Otna sa dalawang mortal. Nakita ni Seiri ang pag-irap kaya yumuko na lamang siya.“Pinuno ng mga engkantao, nakikiusap po talaga kami na ilabas na ninyo kami sa lagusan. Hinahanap na po kami ng mga magulang namin,” ang biglang salita ni Seiri.Nagulat si Matuk sa kapangahasan ni Seiri. Labag sa batas ng mga en

  • The Other Dimension   Chapter 8

    Tapos na sa pag-iyak si Seiri nang mapagpasyahan ni Matuk na maaari na silang bumalik kay Piros para ipaalam na hindi naging matagumpay ang paglabas nila sa lagusan ng portal. Okupado ang isip ni Seiri habang naglalakad. Naroon ang matinding pagsisisi kung bakit naisipan niyang magpalipas ng sama ng loob sa Bohol na kasama pa ang kaibigang si Polly. Sinisisi niya ang sarili sa sinapit nilang dalawa. Ang gusto niya lang ay makauwi na sa Quezon City at magsimula ng panibagong buhay kung ganoon din lang at talagang sa ganun magwawakas ang relasyon niya kay Gabby.“Polly, I’m really very sorry for the trouble that I caused you.”“Ano ka ba, Seiri. Magkasama tayo dito. Talagang ganun ang magkaibigan, nagdadamayan.”“What if, hindi na nila tayo pakawalan? Sinasabi nilang nasa ibang dimension tayo. Paano pa tayo makalalabas kung mismong sila ay naliligaw papunta sa labas?”Tahimik lamang si Matuk pero naririnig niya ang

  • The Other Dimension   Chapter 7

    Nasa taxi na papuntang airport si Gabby nang mag-ring ang cellphone nito. Kinakabahan siyang nagpalipas nang ilang sandali bago sagutin ito nang makita niyang si Mr. Santos ang tumatawag.“Ang tagal mo yatang sagutin ang phone?” ang bungad sa kanya ni Mr. Santos.Umayos siya nang upo at saka nagsalita, “Pasensya na po. Maingay dito sa kalsada. I’m on the way to the airport.”“Good! Good! Bueno, I just want to make sure that you’re on your way to bringing my daughter back here.”“Makaaasa po kayo, Sir. Yun din naman ang goal ko... ang maibalik si Seiri dito sa lalong madaling panahon.”Yun lang at tinapos na ni Mr. Santos ang phone call. Lalong pinagpawisan si Gabby sa pag-aalala. Sa kanya iniaaasa ni Mr. Santos ang pagbabalik ng anak. Ibig sabihin ay naniniwala itong may kinalaman siya sa pagpapalipas ng sama ng loob nito sa Bohol.Sari-saring scenario ang pumasok si isip ni Gabby.

  • The Other Dimension   Chapter 6

    Tahimik na binabagtas nila Seiri, Polly, Matuk at Iksum ang daan patungong portal. Nagkakatinginan sila Polly at Seiri habang naglalakad, bakas ang labis na pagkamangha sa mga nakikita sa paligid. Matataas ang mga puno at malalaki ang katawan. Nakamamangha na ang nilalakaran nila ay hindi masukal at para silang nasa parke na sinadyang ayusan na parang nasa fairy land. Mabango din ang amoy ng paligid na pinaghalong mint at floral. Iba-iba ang kulay ng mga bulaklak na nadaraanan nila. “Kaya ninyo pa bang maglakad? Baka gusto ninyo munang magpahinga?” ang tanong ni Matuk. Napahinto sila sa paglalakad. Umupo sa isang malapad na bato si Matuk. Sumunod naman si Polly at si Seiri sa pag-ubo sa kabilang malapad na bato. Tanging si Iksum lang ang naiwang nakatayo. “Akala ko ba ay nagmamadali tayong ilabas sila sa portal? Ano’t nahapo ka yata?” ang nang-iinis na tanong ni Iksum kay Matuk. Tumingin lang si Matuk kay Iksum at saka sumulyap kila Seiri at Polly.

  • The Other Dimension   Chapter 5

    Alas-siete ng gabi, kakaunti na lang ang sasakyan sa paid parking ng Three Parkade sa Bonifacio Global City (BGC). Kalmadong naglalakad si Gabby papunta sa kanyang sasakyan. Binuksan niya ang pinto ng kotse at saka pumasok. Inilapag niya ang dalang laptop bag sa katabing passenger seat at saka tumingin sa rear view mirror nang may makita siyang dalawang lalaking nakaupo sa likod. Mabilis ang mga pangyayari, inutusan siya ng isa sa mga ito na paandarin ang sasakyan at magmanehong parang walang anuman sa lugar na iuutos nila. Nanlalamig at namumuo ang pawis sa katawan ni Gabby, sinunod na lang niya ang utos ng mga di kilalang kawatan.“Huwag kang magpapahalata sa guwardiya kundi, dalawa kayong paglalamayan,” ang banta ng isa sa nasa likod. May baril ding nakatutok sa tagiliran niya.“Diretso mo sa Fairview. Wag kang mag-alala, kung mabait ka, walang mangyayari sa iyo,” ang sabi naman ng isa na hindi niya mawari kung nagbibiro ba o seryoso.

  • The Other Dimension   Chapter 4

    “Kailangan ninyong humarap sa aming pinuno para sa kanyang pag-uusisa,” seryosong pahayag ni Matuk sa magkaibigan.“Okay, fine. Kailangan talaga naming makausap ang manager ninyo. Sobrang stress ang dinanas namin sa resort ninyo, ha!” nagtataray na sabi ni Polly habang itinayo ang nanlalambot pang kaibigan.“Hindi ba pwedeng magpahinga muna tayo? Nalula ako sa taas ng binaba natin,” ang reklamo ni Seiri.Mabilis na kinarga ni Matuk si Seiri. Nabigla ito pero wala sa kalakasang makipagtalo kay Matuk. Bumulong naman ng di-pagsang-ayon si Iksum sa ikinilos ni Matuk dahil bawal na bawal sa mga engkantao ang may physical contact sa magkaibang kasarian.“Hindi pinaghihintay si Piros, Iksum,” yun lang ang maikling tugon ni Matuk at binaybay na nila ang daan papunta sa tahanan ni Piros.Libang na libang si Polly sa mga nakikita sa paligid. Nagmistula silang mga duwende sa taas ng mga puno. Ang nilalakaran nil

  • The Other Dimension   Chapter 3

    “Napadami yata ang lagay mo ng bulaklak na pampatulog. Kahit ano’ng gawin natin ay hindi sila nagigising,”ang tila may pag-aalalang sabi ni Matuk kay Iksum. “Magigising din sila. May 30 minuto lang ang epekto ng bulaklak na pampatulog. Hmmm, mukha namang hindi sila mangangaso. Puro ganito lang ang nakita ko sa lalagyan nila,” inalog-alog ni Iksum ang mga chichiria at saka ipinasok ulit sa bag. “Buhatin na lang natin para mailabas sila habang hindi pa sila nagigising,”binuhat ni Matuk si Seiri at tinignan ang mukha nito. Bumilis ang tibok ng puso niya pagkakita sa maamong mukha ng dalaga. “O, akala ko ba nagmamadali tayo?”ang parang gulat na sabi ni Iksum na noo’y nakailang hakbang na ang layo habang pasan-pasan ang tulog na si Polly. May bakas ng panghihinayang sa mukha ni Matuk. Ni hindi pa sila nagkakakilala ng magandang mortal ay kinakailangan na niya itong ilabas sa lugar ng mga engkantao. Pero kinakailangan nilang sundin ang batas ni Piros na wal

  • The Other Dimension   Chapter 2

    “O, mabuti naman at tumahan ka na. Ganyan nga ang tamang pagdadala ng problema,” ang punong-puno ng malasakit na sabi ng kundoktor.Nagkatinginan sila Seiri at Polly pero tumahimik na lang dahil pareho silang wala sa mood magbigay ng mas maraming impormasyon kung bakit nga ba umiiyak si Seiri. Nilibang na lang nila ang sarili nila sa byahe at binusog ang mga mata sa mga luntiang paningin. Napakaganda ng Bohol. Mas payak man ang pamumuhay ay tila napakalapit naman sa kalikasan. Nasa ganung paglilibang sila nang pumutok ang gulong ng bus. Napatagilid ito at mabuti na lamang ay mabagal ang takbo nila dahil nasa gilid sila ng bundok kung kaya’t naipreno agad ito ng drayber.“Ay, sus! Adunay nasakitan?”ang tanong ng drayber sa konduktor habang nakatayo at sinisipat ang mga pasahero.“Wala! Wala!” sagot ng konduktor.Nagkatinginan sila Polly at Seiri at naghawak ng kamay. Parehong malamig ang mga kamay nila sa takot.

  • The Other Dimension   Chapter 1

    “Ano ka ba, Seiri? Baka naman mapagkamalang pinaiyak kita dyan, ha!” ang pabulong na sabi ni Polly na lilinga-linga pa kung mayroong mga leeg na lumilingon sa kanilang direksyon. Nasa pang-apat na hilera sila mula sa dulong upuan ng masikip at maliit na mini-bus. Binabaybay nila ang highway sa Carmen, Bohol para makabalik na sa isang hotel sa Panglao simula nang dumating sila kahapon ng umaga. Lalong lumakas ang paghikbi ni Seiri dahilan para lumapit ang matandang kunduktor na may hawig kay Berting Labra. “Unsay problema? Ngano nag hilak ka?” ang masimpatyang tanong ng kunduktor. “Naku, tatay. Tourist lang po kami dito. Pero kung curious kayo kung bakit sya umiiyak, malaki po kasi ang problema nya,” ang sabi ni Polly at saka hinagod sa likod si Seiri. “Naku, kung kailangan ninyo ng kasama. Sasamahan ko kayo. O kung gusto naman ninyo, isama ninyo ako sa video call at ako ang kakausap sa magulang niya,” napaupo sa bakanteng upuan ang konduktor.

DMCA.com Protection Status