THE skies are blue. Love, where are you?
Napangiti si Maeve sa naiisip. Nakataas ang kanyang isang kamay sa kalangitan na waring may isinusulat doon habang ang isa naman ay nakahawak sa sombrero niya sa ulo upang hindi iyon tangayin ng hangin.
I’m waiting here, too. Give me my hero…
Just jump, an alluring voice whispered in her ear. Tumango naman siya nang lihim. Iyon naman talaga ang gagawin niya.
Actually, don’t, another voice said.
Ano ba talaga? Nagugulahan siya sa sarili. She sometimes have this suicidal thoughts and sometimes, lunatic ones. At laging contrasting ang mga ito sa isa’t isa.
“So, tatalon ka talaga, diyan?”
Muntik nang mahulog si Maeve nang biglang magsalita ang taong iyon sa likuran niya. Buti nalang nahawakan siya nito kaya safe na safe siyang nakababa mula sa tinungtungan niya.
Tuloy, bulilyaso ulit ang pangarap niyang maging isang isda sa next life niya. Pero di bale na nga lang. There’s always a third chance.
Napangiti naman siya nang lihim nang makita ang kakaibang ekspresyon ng hero niya. He looked annoyed and at the same time, concerned. Well, how does she know that? She’s a painter, of course she knows people’s expressions more than anything else.
And she likes expressions.
Especially his.
She sighed when she looked directly at his indigo eyes. Sige na. Fine. Saka na nga lang ang isda-life niya.
“Balak mo ba talagang tumalon diyan?” naiinis na tugon ni Aero sa kanya. Nakahawak pa rin ito sa beywang niya. Samantalang siya naman ay nakahawak sa mga braso nito.
Ah, Aero! Damn, his name rhymes with her poem she just thought a while ago. Oh! That rhymes too.
“Hoy!” yugyog nito sa kanya. “Tinatanong kita.”
Ngumiti lang siya rito. “Sinong may sabi sa’yong tatalon ako?”
“Hindi na iyon importante.”
“Sino?”
“Hindi nga –“
“Sino nga?” pilit niya pa rin dito.
“Bakit ba?”
“Hahalikan ko.”
Binitawan naman siya nito. “Oh, ayan, halikan mo silang lahat.” Inilahad pa nito ang kamay sa audience nila.
Sinundan naman niya iyon ng tingin. “Wow, andami naman yatang tao,” namamanghang tanong niya rito bago niya muling binalingan ang nakakunot-noong lalaki sa tabi niya. “Anong meron? May shooting ba?”
Napapailing nalang ito. “Wala.”
“Eh, sunog?”
“Magkakasunog ba dito?” turo nito sa kinaroroonan nila. Nasa itaas kasi sila ngayon ng Marcelo Fernan Bridge ng Lapu-Lapu City. Sa ibaba nila ay ang napakagandang kulay asul ng dagat ng Cebu. It was peaceful and the view looks so serene. Lalo na at malapit nang lumubog ang Haring Araw. Sa paligid naman nila ay ang mga taong nakikiusyoso sa eksena nilang dalawa.
“People, people!” She sang as she smiled at him before turning at their audience. “Go away. Come again another day. Akin lang kasi ang lalaking ito, eh.” Kinindatan niya pa ang mga tao sa paligid nila na nalilito yata sa mga sinabi niya sabay akbay kay Aero na nasa kanan niya kahit di niya halos maabot ang balikat nito.
“Hoy!” pabulong na wika niya sa lalaki. “Yuko ka nang kaunti. Ang tangkad mo, eh, mangangalay ang kamay ko.”
Bumungisngis naman siya nang sinunod nga nito ang sinabi niya saka siya nag-thumbs up sa mga taong nanonood sa kanila gamit ang kaliwang kamay niya.
Hah! Sorry, people. This guy is in love with me, aniya sa isip kahit alam naman niyang walang katotohanan iyon.
Isa-isa namang nagsialis ang mga tao doon. May mga kadalagahan pang panaka-nakang tumitingin kay Aero na pinandilatan niya. Nilagay pa niya ang thumbs up sign niya kanina sa may kanang leeg niya at gumuhit ng linya sa pamamagitan ng hinlalaki niya papunta sa kaliwang leeg niya. Then she gestured the boo sign at them.
Inirapan naman siya ng mga ito. Naningkit ang mga mata niya habang iniisip kung paano kaya niya babalatan ng buhay ang mga babaeng iyon.
“Why did you do that?” tanong ni Aero pagkaraan ng ilang sandali. Natigil na rin siya sa kakaisip ng mga murder plans nang tingalain niya ito. Tinanggal na nito ang kamay niya sa balikat nito.
“Ang alin?” inosenteng tanong niya ulit sa lalaki. Hindi man ito nakatangin sa kanya dahil inaayos nito ang suot nitong damit, pero ang gwapo-gwapo pa rin nito sa paningin niya.
“Iyong –“
“Pwede bang magtanong?” putol niya sa sinasabi nito. “Sino ba mga magulang mo?”
“They’re dead,” walang emosyong sagot nito sa kanya.
“Oh!” Napakagat-labi nalang siya sa narinig. Lagot na. Bakit niya pa kasi iyon tinanong? Baka magalit na ito sa kanya. “Sorry.”
“It’s okay.” Tumingin naman ito sa kanya nang hindi siya sumagot sa sinabi nito. “It’s really okay, Maeve.”
Tumango lang siya. Pero alam niya, hindi iyon okay, eh. Sino ba kasing tungeks ang magsasabing okay lang na patay na ang mga magulang niya, di ba? Wala. Ito lang.
“Really, it’s okay.” Aero patted her head and smiled a little. “Anyway, why did you do that?” ulit nito sa naging tanong nito kanina.
At kahit ayaw niyang sagutin ang tanong nito, mapipilitan tuloy siyang sagutin ito. Guilty pa rin kasi siya dahil nagtanong siya tungkol sa mga magulang nito. Gusto lang niya kasing ikongratulate sana ang mga ito dahil nakagawa ito ng isang obra maestra sa katauhan ni Aero. But they’re dead and she brought it up to him and –
“Hoy!” untag nito sa kanya. Yumuko pa ito upang maging magkasintakad na sila.
And once again, she was mesmerized by his deep blue eyes. “Kasi tinitingnan ka nila…”
“What?” nagugulumihang tanong nito.
“I said,” she sighed first, then pouted. “Tinitingnan ka nila kaya I gave them a dead sign. Bogshing! Bogshing!”
“Really?” Pilit nitong sinusupil ang ngiti nito. “But I wasn’t asking about that.”
“Eh?”
“I was asking, why you did that,” anito. Hindi yata nito mapigilan ang ngiti nito kaya kinagat nito ang pang-ibabang labi nito. “I meant, bakit ka tumuntong diyan?” turo nito sa railings ng bridge.
“Ah,” tatango-tangong tugon niya. “Iyon pala ang gusto mong malaman.” Kumunot ang noo niya nang makitang pinipigilan talaga nitong ngumiti. “Stop that, Aero. Mukha kang timang.”
He turned to her, smiling widely. His deep blue eyes looked like indigo now. “I can’t.”
“Why not?”
“Nakaka-amuse ka kasi.”
“Ah!” Dang. Kinilig yata siya dun, ah. She cleared her throat. “Anyway, I was trying to kill myself.”
“Again?”
“Hmm.”
Nakita niyang sumeryoso ang mukha nito. “It was just a few days ago when you almost got yourself killed –“
“It was suicide.”
“Whatever.”
“I wanted it.”
Nagdilim lalo ang ekspresyon nito sa mukha. As an artist, she finds it amusing to see that kind of expression on this guy’s handsome face.
“Don’t do that again,” Aero seriously said and walked out.
Nagtataka man sa reaksiyon nito ay sinundan niya ito. Then she grabbed his arm and pulled him to her. Nakita niya pa ang pagkakunot-noo nito bago niya hinawakan ang batok nito at halikan ito agad sa labi nito.
PARANG walang nangyari naglalakad lang si Maeve sa tabi ni Aero pagkatapos ng halik na iyon. Actually, kumakabog pa rin hanggang ngayon ang dibdib niya sa kissing scene nila kanina sa bridge pero hindi niya ito ipapahalata dito.
Lihim na sinulyapan niya ang mukha ni Aero. Namumula pa rin ang magkabilang pisngi nito habang nasa daan pa rin ang tingin ng lalaki. His hands were tucked in his pocket again.
She hummed a happy tune. Kanina nang matapos ang smack kiss na iyon ay para siyang nabuhusan ng malamig na tubig sa ginawa. Her heart started to beat frantically. Nag-init din ang magkabilang pisngi niya. Hindi naman kasi niya alam kung anong pumasok sa utak niya at ginawa niya iyon. She just suddenly got the urge to kiss his reddish lips.
Nahihiya siya dito kaya ayaw niya sana itong tingnan matapos ang halik na iyon. But curiosity kills the cat and she wanted to kill a cat so she looked up to him. She didn’t regret it because she saw that he was blushing profusely. Nakita pa niya kung paano ito nakatulala sa ginawa niya saka tumayo nang tuwid habang wala sa sariling kinagat nito ang pang-ibabang labi nito. Then, he looked away when she looked straight into his eyes.
Gusto niya tuloy nakawan ulit ito ng halik. Dang! Ang cute ng first kiss niya.
“Wala ka bang napapansin?” basag niya sa katahimikan nila. It was really a crowded day in Cebu. Masyadong maingay at lahat-lahat na pero wala siyang pakialam doon. Para ngang wala siyang naririnig dahil ang gusto niya lang marinig ay ang boses ni Aero.
“Wala naman.”
Nilingon niya ito. Nasa unahan pa rin nila ang paningin nito. Nilagay niya sa likuran niya ang dalawang kamay niya saka siya nag-bend nang kaunti paharap para makita niya ang buong mukha nito.
Saglit lang siya nitong tiningnan bago inalis sa kanya ang tingin nito.
She smiled widely. Aha! Ngayon alam na niyang nahihiya ito sa kanya. Gosh! Ngayon lang siya nakakakilala ng lalaking mahiyain na gwapo na… Dang! He’s just so cute blushing like that.
“Bakit ganyan ka makangiti?” inis na tanong nito sa kanya. Patuloy pa rin ito sa mahinang paglalakad.
“Wala lang,” she grinned.
“You’re creeping me out.”
“Wala ka talagang napapansin?”
“Wala nga.”
She side stepped him. Kaya naharangan niya ito. Tumigil naman ito sa paglalakad sa harap niya bago ibinaling nito sa ibang direksiyon ang paningin.
“Look at me,” utos niya rito nang nakangiti. Oo, maaaring hindi nga niya kilala ang Aero na ito pero kasi parang kilala na niya ito kahit noon pa man. She felt safe. She felt at home with him.
“Ano na namang pakulo iyan?” He still didn’t look at her.
Lumayo siya nang kaunti dito habang pinagmamasdan niya ang kabuuan nito. “You’re perfect, aren’t you?”
“What?” Mabilis itong tumingin sa kanya.
She grinned even widely. “Hayan, nakatingin ka na rin sa akin.”
He sighed. Pinasadahan nito ng kamay ang buhok nito.
“Don’t do that,” she smiled. Nagtatakang tumingin ulit ito sa kanya. “I told you, you look really sexy and hot doing that.” May itinuro siyang kababaihan na napatingin sa gawi nila. “And those girls keep looking at you.”
Tumingin naman ito sa direksyon na tinuro niya sandali saka bumaling sa kanya. “So?”
Nagkibit-balikat lang siya. “Well, I just kissed you. Nalawayan na kita, so you’re branded by me. You are mine, now.” She chuckled when disbelief and confusion enveloped his beautiful face. Lumapit siya dito. Dahil matangkad ito, kailangan niya pang tumingala upang mas mapagmamasdan niya ang maamong mukha nito. She touched his right cheek. “So, wala ka bang napapansin na bago?”
Lumunok muna ito bago nagsalita. “N-nagpabangs ka?”
She smiled widely. “Yup.” Hinawakan niya ang bangs niyang sunod sa uso gamit ng kamay niyang kanina lang ay nasa pisngi ni Aero. “Ang ganda, ‘no? Hanggang noo ko.”
Napapailing nalang ito sa sinabi niya. “Hindi naman iyan hanggang noo lang.” He touched some strands of her bangs on the right side of her face. “Ito nga, hanggang sa baba mo ang haba.”
Sunod-sunod ang pagtango niya. Hindi naman kasi straight bangs ang meron siya. Ito iyong tinatawag na one-length na bangs. She doesn’t have any idea about bangs. Nagbigay lang siya ng litrato sa hairstylist na pinuntahan nilang mag-ina noong araw na lumabas siya sa hospital para magpagupit. She told her parents that she was bored that’s why she tried killing herself. Nag-freak out ang parents niya kaya sinabi nalang niyang gusto niya ng total make-over.
Pero hanggang pagpapagupit lang ng buhok ang makeover na iyon. Ayaw niya kasing itapon ang t-shirts and shorts and cargo pants and jeans niya.
Binitawan na nito ang buhok niya saka nito kinuha ang sombrero sa ulo niya. “Hindi bagay sa’yo ang isang ‘to.”
She just looked at him. Isinuot kasi nito ang itim na sombrero niya. And she couldn’t help but be mesmerized. He’s too good looking. Bagay na bagay sa canvass niya.
“Don’t look at me like that,” Aero said. Nakakunot-noo itong nakatingin sa kanya.
“Why not?” she said innocently. Ano bang masama kung tingnan niya ito? Mas kasalanan sa Poong Maykapal kung hindi niya i-a-appreciate ang magandang likha Nito na nasa harapan niya ngayon.
Yeah, right. In a very chaotic place like Cebu City, kung saan maraming sasakyan, maraming tao, maraming gulo, ang lalaking nasa harap niya lang yata ang pinakamagandang tanawin dito.
At ang saya ko dahil siya ang first kiss ko! Waaaah!
“You’re seducing me,” he pouted unconsciously when he said that.
She bit her lip and then she tiptoed so she can have a closer look at him. “Are you seduced?” she whispered.
Napatingin ito sa labi niya. Bigla siyang na-conscious sa ginawa nito pero hindi siya nagbaba ng tingin. She’s just so curious what he’s going to do next. Binasa naman nito ang sariling labi nito.
Huweyyt! Sandali lang. Naaakit ang batang puso ko! Huuuu!
Tumikhim ito. Inilapit pa nito nang kaunti ang mukha nito sa kanya. “Yes. So, stop doing that.”
“I’m not doing anything.”
“Yes, you’re not doing anything but I’m still seduced. That’s the problem.”
She patted his cheeks with her two hands lightly. “Natural lang iyon. Maganda naman ako, eh.” Inilayo na niya ang mukha dito at tumayo na nang normal. Medyo, ibang-iba na ang takbo ng puso niya sa pagkakalapit ng mga mukha nila. Baka bigla pa siyang mag-hyperventilate sa harap nito.
“I know,” seryosong nakatingin ito sa kanya. “Pero hindi pwede.”
“Because you’re gay?”
“I’m not gay!”
“Weh?”
“N*******n mo na nga ako’t lahat-lahat, tapos bading pa rin ako sa paningin mo?” Hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. Oh, well, he still looked incredibly gorgeous whatever expression he has.
“You didn’t respond,” she recalled. Umakto pa siyang nag-iisip. “And you didn’t look at me after that, so kung hindi pwede baka dahil –“
Naramdaman nalang niya ang kamay ni Aero sa batok niya at sa bewang niya. He pulled her closer to him and right there in the middle of this busy city, he kissed her.
Wow! Nakakadalawang halik na siya sa gwapong lalaking ito, ah!
“MAEVE?” Nakapokerface habang naniningkit ang mga matang nilingon niya ang kanyang Papa nang mabosesan niya ito. Nagpe-painting kasi siya ngayon sa loob ng kwarto niya habang nakikinig sa mga kanta ng bandang Before You Exit. She particularly liked listening to classical songs before. Nag-iba lang iyon ngayon nang makilala niya si Aero. Ewan niya rin kung bakit. He never mentioned music to her. Pero nang makita niya kasi sa YouTube ang naturang banda ay para siyang na-starstruck sa mga kanta ng mga ito. Plus, the fact that the songs reminded her so much of Aero. Ah, that gorgeous guy! Hindi na niya ito nakikita mula nang araw na iyon sa bridge. After he kissed her, pinakain lang siya nito at hinatid sa harap ng villa nila. After that, wala na. At mag-iisang linggo na iyon. Five days to be exact. Bumuntong-hininga nalang siya. Marami pa siyang gustong malaman tungkol dito. Like how come he was i
“LEAVE the girl alone, Aero,” ani Zak kay Aero habang nakapameywang na nakatingin ito sa kanya. Kung siya ay napapabilang sa mga soul warriors, ito naman ay napapabilang sa mga kaluluwa na magagaling sa larangan ng arts – may mga kumakanta, sumasayaw at kung anu-ano pang artistry na alam ng grupo nito. Aero died when he was twenty years old together with his family. Papunta sana sila sa Amerika ng mga panahon iyon upang doon na manirahan nang ma-hijack ang eroplanong sinasakyan nila. Nanlaban naman ang mga kasamahan nila sa eroplano kaya lalong nagalit ang apat na hijackers at pinagbabaril ang mga kawawang piloto. Which was a very dumb move on the part of the hijackers, to be honest actually. Sa lahat ba naman kasing pwedeng barilin ng mga ito ay ang mga piloto pa talaga! Wala pa namang may alam sa mga
“SO kung gagawin ko talaga ‘to…” Pinagmasdan ni Maeve ang buong interior ng kanyang kwarto habang nasa baba niya ang isa niyang kamay. Her room was quite a mess. Her books were scattered everywhere. Hindi niya pa rin naililigpit ang kanyang painting canvass at ang mga pintura niyon ay nagkalat sa sahig. Her bedsheets and blanket were untidy. Ayaw na ayaw kasi niyang pinapalinis sa kanilang mga katulong ang kanyang kwarto dahil bukod sa hindi na niya alam kung saan nailalagay ang kanyang mga gamit ay pakiramdam niya hindi na niya pag-aari ang sariling kwarto. She walked to the other side of the room. Hinawi niya ang malaki at makapal na kurtina na nagtatabon sa kanyang floor-to-ceiling glass wall. Isa iyon sa bahagi nang kanyang kwarto na pinakagusto niya. Bukod kasi sa tinted ang glass wall na iy
“MAEVE?” Nakapokerface habang naniningkit ang mga matang nilingon niya ang kanyang Papa nang mabosesan niya ito. Nagpe-painting kasi siya ngayon sa loob ng kwarto niya habang nakikinig sa mga kanta ng bandang Before You Exit. She particularly liked listening to classical songs before. Nag-iba lang iyon ngayon nang makilala niya si Aero. Ewan niya rin kung bakit. He never mentioned music to her. Pero nang makita niya kasi sa YouTube ang naturang banda ay para siyang na-starstruck sa mga kanta ng mga ito. Plus, the fact that the songs reminded her so much of Aero. Ah, that gorgeous guy! Hindi na niya ito nakikita mula nang araw na iyon sa bridge. After he kissed her, pinakain lang siya nito at hinatid sa harap ng villa nila. After that, wala na. At mag-iisang linggo na iyon. Five days to be exact. Bumuntong-hininga nalang siya. Marami pa siyang gustong malaman tungkol dito. Like how come he was i
THE skies are blue. Love, where are you? Napangiti si Maeve sa naiisip. Nakataas ang kanyang isang kamay sa kalangitan na waring may isinusulat doon habang ang isa naman ay nakahawak sa sombrero niya sa ulo upang hindi iyon tangayin ng hangin. I’m waiting here, too. Give me my hero… Just jump, an alluring voice whispered in her ear. Tumango naman siya nang lihim. Iyon naman talaga ang gagawin niya. Actually, don’t, another voice said. Ano ba talaga? Nagugulahan siya sa sarili. She sometimes have this suicidal thoughts and sometimes
“SO kung gagawin ko talaga ‘to…” Pinagmasdan ni Maeve ang buong interior ng kanyang kwarto habang nasa baba niya ang isa niyang kamay. Her room was quite a mess. Her books were scattered everywhere. Hindi niya pa rin naililigpit ang kanyang painting canvass at ang mga pintura niyon ay nagkalat sa sahig. Her bedsheets and blanket were untidy. Ayaw na ayaw kasi niyang pinapalinis sa kanilang mga katulong ang kanyang kwarto dahil bukod sa hindi na niya alam kung saan nailalagay ang kanyang mga gamit ay pakiramdam niya hindi na niya pag-aari ang sariling kwarto. She walked to the other side of the room. Hinawi niya ang malaki at makapal na kurtina na nagtatabon sa kanyang floor-to-ceiling glass wall. Isa iyon sa bahagi nang kanyang kwarto na pinakagusto niya. Bukod kasi sa tinted ang glass wall na iy
“LEAVE the girl alone, Aero,” ani Zak kay Aero habang nakapameywang na nakatingin ito sa kanya. Kung siya ay napapabilang sa mga soul warriors, ito naman ay napapabilang sa mga kaluluwa na magagaling sa larangan ng arts – may mga kumakanta, sumasayaw at kung anu-ano pang artistry na alam ng grupo nito. Aero died when he was twenty years old together with his family. Papunta sana sila sa Amerika ng mga panahon iyon upang doon na manirahan nang ma-hijack ang eroplanong sinasakyan nila. Nanlaban naman ang mga kasamahan nila sa eroplano kaya lalong nagalit ang apat na hijackers at pinagbabaril ang mga kawawang piloto. Which was a very dumb move on the part of the hijackers, to be honest actually. Sa lahat ba naman kasing pwedeng barilin ng mga ito ay ang mga piloto pa talaga! Wala pa namang may alam sa mga