“MAEVE?”
Nakapokerface habang naniningkit ang mga matang nilingon niya ang kanyang Papa nang mabosesan niya ito. Nagpe-painting kasi siya ngayon sa loob ng kwarto niya habang nakikinig sa mga kanta ng bandang Before You Exit. She particularly liked listening to classical songs before. Nag-iba lang iyon ngayon nang makilala niya si Aero.
Ewan niya rin kung bakit. He never mentioned music to her. Pero nang makita niya kasi sa YouTube ang naturang banda ay para siyang na-starstruck sa mga kanta ng mga ito. Plus, the fact that the songs reminded her so much of Aero.
Ah, that gorgeous guy! Hindi na niya ito nakikita mula nang araw na iyon sa bridge. After he kissed her, pinakain lang siya nito at hinatid sa harap ng villa nila. After that, wala na.
At mag-iisang linggo na iyon. Five days to be exact.
Bumuntong-hininga nalang siya. Marami pa siyang gustong malaman tungkol dito. Like how come he was in her hospital suite nung unang beses siyang nagpakamatay? And how come he knew where she was on that bridge incident? Tsaka, paano din kaya nito nalaman kung saan siya ihahatid nung araw na iyon? And what about those cryptic messages he said, iyong bang hindi sila pwede kahit hindi naman ito bading? Is he married?
No, mariing tutol ng utak niya. He can’t be married. Sa gwapong iyon? Kasal na?
“Maeve,” tawag ulit ng Papa niya sa kanya. Bumalik naman agad dito ang atensiyon niya. Pumasok na pala ito sa kwarto niya. “Are you okay?”
“No.”
Nag-aalala namang lumapit sa kanya ang Papa niya. “Anong masakit sa’yo? May problema ka ba?”
She nodded. Kinuha niya ang canvass niya saka ipinaharap sa Papa niya ang ginuhit niya. “Pa, do you see this guy?” Bagama’t nakikita niya ang pag-aalala sa mukha ng Papa niya ay tumango pa rin ito. “Ang gwapo niya, Pa, ‘no?”
She looked at her painting and was again dazzled by the man in it. Ipininta niya kasi ang kabuuan ni Aero sa canvass niya. And even in her canvass, he was still as gorgeous as he was in person.
Ngumiti naman ang Papa niya. “Yes.” Hinawakan pa nito ang canvass niya. “So what was the problem with that guy?”
“I can’t take him off of my mind.”
“Did you know he was the one who saved you?”
“Saved me?” Nagtatakang tanong niya. Iniligtas siya ni Aero? Kailan? Saan? Bakit di niya maalala?
Tumango ang Papa niya. “Iniligtas ka niya noong… noong naisipan mong magpakamatay.”
“He did what?”
Nagkibit-balikat ang Papa niya. “Hindi ko alam kung paano niya nalaman na nagpapakamatay ka. Basta dumating lang daw siya bigla sa gate natin at nagpupumilit pumasok ayon sa mga katulong natin. I didn’t know what happened, basta nang dumating kami ng mama mo at tiningnan ko ang lalaking iyan habang buhat-buhat ka, nagpasya agad akong paniwalaan siya.”
“Naniwala ka sa kanya, Pa?” namamanghang tanong niya dito. Ano kaya ang meron kay Aero at napaniwala nito ang mailap niyang ama? Hindi kasi madaling maniwala ang Papa niya sa kahit kanino. Sabi nga nito minsan, “My trust is hard to earned” kaya paano kaya nagawa iyon ni Aero?
“I don’t know.” Napatingin naman sa painting niya ang Papa niya. “Hindi ko rin alam bakit ako naniwala sa kanya agad. But I didn’t regret it. You were almost dead when he found you.”
“Oh!”
“He took you immediately,” nakangiting sabi ng Papa niya sa kanya. “Hindi ko nga alam kung paano iyon nangyari. Kung paanong alam niya ang pangalan mo. Inisip ko nalang na kaibigan mo siya at alam niya ang gagawin mong iyon.”
“Kaya ba iniwan niyo ako sandali sa hospital para pumunta ng canteen kasi akala niyo kaibigan ko siya?”
Tumango ito. “We don’t want to leave you back then. Pero ewan ko basta bigla nalang kaming nagutom nang sabihin niya sa amin na hindi pa kami kumakain at baka daw nagugutom na kami.”
Napaisip siya sa sinabi ng kanyang ama. What was with Aero? Bakit napapasunod nito ang kanyang ama? Bakit kaya alam nito ang mga bagay na iyon?
“Yohooo!”
Napalingon na naman siya sa pintuan niya nang iniluwa niyon ang kanyang ina. Bigla namang tumakbo ito palapit sa kanya at hinawakan ang kanyang canvass painting nang makita nito iyon.
“This is majestic!”
“Thanks, Ma.” She smiled at her.
Her mother nudged her. “Boyfriend mo ba talaga ang lalaking ito?”
Boyfriend? Si Aero? Napaisip ulit siya. Kapag ba naghalikan ng dalawang beses, mag-boyfriend na ba iyon?
“So, hindi pa.” Napatingin siya sa Mama niya. Tinapik nito ang ulo niya. “I like him for you.”
She grinned when she heard that. “I like him, too, Ma.”
“Ay! Bongga!” Nag-apir pa silang dalawa ng Mama niya. “Hon,” baling nito sa Papa niya. “What do you think kung ipakasal na natin silang dalawa?”
“Isn’t Maeve a little too young to get married?” mahinahong sagot ng Papa niya. “Hindi pa siya marunong magluto, maglaba, magwalis –“
“Hindi naman siya magmi-maid, eh,” siko ng kanyang Mama dito. “Di ba, Maeve?”
Tumango siya. “Hindi ako papayag na maging maid lang, nagpakahirap akong mag-aral tapos kapag nag-asawa ako ay gagawin lang akong maid ng asawa ko?”
“I agree!” hyper na hyper na sang-ayon ng Mama niya saka sila nag-apir ulit. Naiiling nalang ang kanyang Papa. Wala talaga itong panama sa tandem nila ng Mama niya. Kapag sila na ng Mama niya ang nagkasundo, sasang-ayon nalang ang Papa niya. Sasakit lang kasi ang ulo nito sa kanilang dalawa, baka tubuan pa ito ng bangs kung makikipagtalo pa ito sa kanila.
“Anak,” ani ng Mama niya. “Anong gusto mong motif ng kasal, ha?”
She giggled. Nai-imagine na niya agad si Aero na nakatuxedo at hinihintay siya sa altar. Woah! Tapos iyong magiging first kiss nila as husband and wife. And then she even imagined him on their first night together.
Nag-iinit ang mga pisngi niya. Her thoughts escalated so quickly!
“Violet,” Maeve finally said while giggling. “His eyes were deep blue. Tapos nagiging violet iyon. I like his eyes.”
“Hmm.” Kumuha ng ballpen at papel ang Mama niya sa tokador niya. “Isusulat ko iyan,” excited na sabi nito sa kanya. “I want the best wedding for you. Ano bang klase ng kasal ang gusto mo?”
“Syempre, iyong kasal na si Aero ang groom, Ma,” bungisngis niya.
Sinundot siya ng Mama niya. “Inlove na ang baby ko. Ooooy!”
“You think so, Ma?” tanong niya dito. Hindi naman niya alam kung inlove na ba siya o ano. What she felt for Aero is something new to her. Though, it also felt like as old as time. Kaya hindi pa siya sigurado.
“Affirmative.”
“Teka nga,” sabat ng Papa niya. “Nagpa-plano na kayo ng kasal, eh, hindi pa naman natin nakikita ulit ang lalaking iyon. Ano nga ulit ang pangalan niya?”
“Aero,” she replied.
“Last name?”
Sandaling napaisip siya. “Hindi ko alam.”
Her father sighed. “See? Hindi alam ni Maeve –“
“Bakit si Maeve ang tinatanong mo niyan?” sabat ng kanyang ina. “Syempre, hindi niya alam iyon, hindi naman niya apilyedo iyon. Sa PSA ka magtanong.”
“Hon –“
Binalewala ng Mama niya ang kanyang Papa. “Tsaka, nasa ibaba pala si Aero, anak,” imporma ng Mama niya sa kanya. “Kaya ako pumunta dito para ipaalam –“
Mabilis na tumayo siya at nagtatakbo palabas ng kwarto niya. Nandito ngayon si Aero? Watdahek! Hindi man lang niya napaghandaan ang pagdating nito.
“Hindi ka man lang ba mag-aayos?” sigaw ng Mama niya.
Nagpreno siya sa pagtakbo saka lumapit sa full length mirror niya. Huwaw! Ang ganda niya lang sa sabog niyang buhok at lukot-lukot niyang t-shirt.
“Ma.” Nakangiwing pinagmasdan niya ang sarili sa salamin. “I look retarded.”
“You look fine to me,” her Father said. Sinamaan naman nila ng tingin ito. Binobola na naman kasi siya ng Papa niya.
“Sige lang, Maeve, magbihis ka muna,” ani ng Mama niya.
“Huwag,” pigil ng Papa niya. Naningkit naman ang mga matang nakatingin ang Mama niya sa Papa niya. “Huwag mo nga akong tingnan nang ganyan,” sabi ng Papa niya dito bago bumaling sa kanya. “Kung magpapakasal ka talaga sa lalaking iyon, dapat lang na makita na niya kung ano ang ayos mo kapag nasa bahay ka lang.”
Naipadyak niya ang paa niya. “Pa naman! Eh di, naturn off na siya sa akin,” she pouted.
“Tama!” sang-ayon ng Mama niya. “Huwag mo nang pansinin ang Papa mo –“
Pero lumapit na ang Papa niya sa kanya sabay hawak sa mga balikat niya at pinaharap sa salamin. “Kung hindi niya kayang tanggapin ang mukhang retarded mong iyan, hindi rin siya deserving na makita ang pinakamagandang ikaw.”
She looked at his Father in the mirror.
“Hey, why are you starting to cry?”
“Waaaah!” Sinundot-sundot niya ang tiyan ng Papa niya gamit ang siko niya. Hindi naman talaga siya iiyak, mukha lang siyang iiyak. “Nakaka-touch iyong sinabi mo, Pa. Saan mo ba iyon pinulot?”
“Sa mga nobela ng Mama mo.”
“Aw!” sabat ng Mama niya. “Sabi na nga ba, fan din kita, eh.”
Napuno nalang ng halakhakan nilang tatlo ang kwarto niya.
BUMABA si Maeve sa hagdan nila habang ang isang kamay ay parang prinsesang nakatakip sa bibig niya at ang isa ay mahinhing nakahawak sa staircase. Straight lang naman ang hagdan nila at madaling makita ng kahit sinumang bababa sa hagdan nila ang mga taong nasa living room nila. Kaya hayun siya, habang feel na feel niya ang moment sa pagbaba ay nakatingin siya nang diretso sa mukha ni Aero habang ito naman ay naghihintay sa kanya nang nakatayo.
Kung ibang tao ang mayroong ganoong ekspresyon sa mukha parehas ng ekspresyon ng mukha ni Aero ngayon, baka hindi na niya iyon maipinta. But with Aero, siguro isang obra maestro na naman iyon. Naweweirduhan kasi itong nakatingin sa kanya, nakakunot ang noo nito at mukhang ilang sandali lang ay tatawa na.
But she didn’t mind that she looked weird in front of him. Bagkus, aliw na aliw pa siya sa klase ng pagkakatingin nito sa kanya. Plus, he looked so incredibly gorgeous in his plain blue t-shirt and black cargo jeans. He also wore his grey rubber shoes. At ang buhok nito – oh! His sexy uncombed hair.
She can see, smell, hear and taste the word DANGEROUS all around him but she doesn’t care.
She smiled as she walked regally towards him. He flashed his sexy lopsided grin, too, habang nakatagilid ang ulo nito at ang mga kamay ay nasa loob ng bulsa ng pantalon nito. Muntik na tuloy siyang mapamura sa ginawa nito. Dammit! He sure knows how to seduce her.
“Napadalaw ka?” pa-cute niyang tanong dito nang makaharap na niya ito pagkatapos niyang tumikhim ng maraming beses. Aaminin niyang nahihirapan talaga siyang huminga kapag kaharap ito. Mabilis na mabilis din ang tibok ng puso niya. And it was his deep blue eyes’ fault. “Your eyes are grey today.”
Yumuko ito nang kaunti para maging magkasintangkad na sila. “How about that?”
Hindi niya napigilan ang sariling hawakan ang magkabilang pisngi nito upang mas matingnan niya ito nang malapitan. His eyes now were blue. “Wow! These are amazing,” tukoy niya sa mga mata nito. “Hindi ko tuloy alam kung anong kulay ang mas babagay sa’yo.”
“What color do you like most?”
“Whatever color your eyes are.”
“Hmm.” He smiled again. “Maeve –“
“I paint you a lot,” she whispered, still mesmerized by his eyes. Sa totoo lang, nahihirapan talaga siyang ipinta at kulayan ang mga mata nito. Bagay kasi dito ang tatlong kulay ng mga mata nito.
“You painted me?” hindi makapaniwalang tanong nito. Tinanggal nito ang mga kamay niya sa pisngi nito at tumayo nang tuwid. “Why?”
“Because I can’t take you off of my mind,” sagot niya. Hindi niya pa rin nilulubayan ng tingin ang magandang mukha nito kaya nakita niya ang pagguhit ng magandang ngiti iyon sa mga labi nito. And good Lord, she was sweep off of her feet with just a smile from him!
“Direkta ka palang magsalita, ano?” amuse na sabi nito. “Sinasagot mo lahat ng tanong ko.”
“Wala akong rason para di ka sagutin.”
“So, can I see your paintings of me?”
Umiling siya. “No.”
Tumaas ang kilay nito. “Why not?”
“May presyo ang bawat paintings ko.”
“Hindi ko naman bibilhin.”
“Wala naman akong balak ipagbili.” She smiled at him. “They are mine, the way you belong to me.”
Nakita niya ang pamumula ng magkabilang pisngi nito. Binitawan din nito ang mga kamay niya at ibinaling sa ibang direksyon ang paningin. He cleared his throat.
Natatawang pinisil niya ang magkabilang pisngi nito. “Ang cute mo talaga kapag namumula ka.”
Hinawi nito ang mga kamay niya. Lalong namula ang mukha nito. “Ano ba?”
“Ang cute mo talaga!” Kumawala siya sa pagkakahawak nito at inabot ulit ang pisngi nito. Hinawakan naman nito ulit ang mga kamay niya.
“Isa pa,” nagbabantang sabi nito. She saw how he twitched his lips into a scowl. Kumawala ulit siya sa pagkakahawak nito at akmang pipisilin ulit ang pisngi nito nang hinuli na naman nito ang mga kamay niya. “Isa pa talaga at hahalikan na talaga kita.”
She grinned at his warning. Inulit niya ulit ang ginawa. So, he intertwined his fingers with hers. Mahigpit na nitong hinawakan ang mga iyon. She smiled when she felt his hot palms pressing against her palms. Pakiramdam niya, may bolta-boltaheng ng magandang pakiramdam ang nanulay na nanggaling sa mga iyon patungo sa puso niya. But she didn’t flinch. She liked what she was feeling the way she like this man in front of her.
“Gusto mo talagang magpahalik, ‘no?” nakataas ang isang kilay na tanong nito sa kanya.
“Oy, hindi kita type, ah,” she chuckled. Kumunot naman ang noo nito sa sinabi niya.
“Ow?” Hindi naniniwalang sabi nito sa kanya.
“Hindi talaga!” A lie. Kasi type na type niya ito. Kung pwede nga lang na huwag na niya itong pauuwiin sa bahay nito. But it was worth to lie, lalo na kung makikita niya ang kakaibang inis sa mukha nito. So, she pressed on with her lies. “Gusto ko ng isang knight in shining armour at hindi ka naman ganun kaya –“
“Bading iyan,” he coolly said.
“Bading?”
“Oo,” ngumisi ito sa kanya. “Hindi niya kasi ginagamit ang shining armour niya kaya nagsa-shine-shine pa. Ano iyon, may glitters?”
“Ang sama! Malay mo naman kung bagong bili niya iyon, di ba?” Binelatan niya pa ito.
Inilapit pa nito ang mukha nito sa kanya saka matamang tinitigan siya nito. “Ang totoong Knight, iyong madungis, iyong may dumi sa mukha at sa katawan at sa armour niya. Siya iyong may bahid ng dugo sa kahit anong parte ng katawan niya. Kasi ibig sabihin niyon, lumalaban siya ng patayan para sa’yo.”
Nang-iinis na nginitian niya ito. “Ang sabihin mo, gusto mo lang na type kita.” Tumawa siya nang mamula na naman ito. “Sus, nahiya ka pa!”
At bago pa siya nito bitawan, hinila na niya ang dalawang kamay nito na nakahawak sa kanya nang malakas upang mas lumapit pa ito sa kanya. Agad naman niyang hinalikan ito sa gilid ng mga labi nito.
Natawa siya nang maang na napatingin ito sa kanya. She winked at him. “So, bakit pala umabot ng limang araw bago ka dumalaw sa akin? Hmm?”