Share

Chapter One

Penulis: Nysa Jyn
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-29 19:42:56

“SO kung gagawin ko talaga ‘to…” Pinagmasdan ni Maeve ang buong interior ng kanyang kwarto habang nasa baba niya ang isa niyang kamay.

            Her room was quite a mess. Her books were scattered everywhere. Hindi niya pa rin naililigpit ang kanyang painting canvass at ang mga pintura niyon ay nagkalat sa sahig. Her bedsheets and blanket were untidy. Ayaw na ayaw kasi niyang pinapalinis sa kanilang mga katulong ang kanyang kwarto dahil bukod sa hindi na niya alam kung saan nailalagay ang kanyang mga gamit ay pakiramdam niya hindi na niya pag-aari ang sariling kwarto.

            She walked to the other side of the room. Hinawi niya ang malaki at makapal na kurtina na nagtatabon sa kanyang floor-to-ceiling glass wall. Isa iyon sa bahagi nang kanyang kwarto na pinakagusto niya. Bukod kasi sa tinted ang glass wall na iyon ay nakikita niya ang kakaibang kagandahan ni Mother Earth magmula doon.

            She lived in a villa outside Cebu na pinapalibutan ng mga malalaking puno at ng kung iba’t ibang halaman at bulaklak. When she was young, she actually thought she lived in a forest. Pero sinadya pala talaga ng mga magulang niya – her Dad was an architect and her Mom was a known international novelist – na magmukhang haunted house ang bahay nila na napapalibutan ng mini man-made forest. Ayon sa mga ito, mainam na ang ganun upang lagi silang makalanghap ng sariwang hangin. Although, malayo naman talaga maging haunted house ang bahay nila, their house spoke of how wealthy her parents are. Nasa makabagong teknolohiya ang mga appliances nila. Their furniture spoke of modern-age.

            Yeah, right. She had the life many girls’ her age wanted.

            Masaya at kumpletong pamilya, well, not literally na kumpleto talaga. Nasa Paris kasi ang nakakatanda niyang kapatid na babae – si Ate Stefie niya – at nag-aaral paano gumaling mag-sculpture. Ang kanyang pangalawang nakakatandang kapatid na lalaki – ang Kuya Josh niya – naman ay nasa, hmmm, somewhere. Yeah, somewhere. Hindi na niya alam kung nasaan ito dahil sa palagiang paglalayag nito bilang isang dakilang wildlife photographer.

            Magkaganun man ay masaya naman sila.

            And here I am, stucked in this place not knowing what to do or what I want to do with my life.

            She was quite depressed, actually. Hindi niya rin alam kung bakit. Maganda ang buhay niya. May pera sila. Masaya naman siya. She excelled in arts. She’s a painter, a poet, a writer, an artist. She excelled in school. She’s a mathematician, a scientist, a philosopher. She has friends. She had everything at the age of nineteen. But still something is missing.

            Akala niya love life ang kulang niya noon. So, she tried entertaining suitors and all of them were fine. Pero may kulang pa rin. She can have any fine men but something is really off with them. She couldn’t find that one little thing in those guys. Parang pwede namang wala ang mga ito sa buhay niya. She knew then that she doesn’t need any love life.

            Sometimes, she thought about sleeping for the rest of her life. Doon ay wala siyang kahugkagan na nararamdaman. Doon ay payapa ang lahat. Kasi sa tuwing gumigising siya, nalulungkot lang siya kahit dapat ay masaya siya. It was really worse. It was like having a nightmare when she’s actually awake.

            And that’s when she realized something. Na baka kaya ganun ang buhay niya dahil na-achieve na niya ang kanyang mission sa Planet Earth. Na baka kaya hindi niya mahanap ang gustong mangyari sa buhay niya dahil wala na sa mundo ng mga tao ang hinahanap niya. Na baka ganun na ang nararamdaman niya dahil okay na siya, she can go. She can already die.

            Inilibot na naman niya ang kanyang mga mata sa ginawang death trap sa sarili. She was absolutely sure she can do this. Nakagawa na rin siya ng mga goodbye letters para sa bawat miyembro ng kanyang pamilya, naayos na rin niya ang maaaring pagbigyan ng kanyang mga kagamitan.

            Heck, she even wrote something about her eyes, liver, heart, kidneys and whatever internal organs she has that can be donated to be donated. Alam naman niyang kasalanan ang pagpapakamatay. But she have nothing to do anymore. Kaya para hindi naman sa impiyerno ang bagsak niya, ido-donate nalang niya ang kaya niyang i-donate sa mga nangangailangan.

            At least napapakinabangan ang katawan niya at hindi mabubulok at kakainin lang ng kung anu-anong worms.

            She shivered when she imagined her decomposed body. Dali-dali naman niyang binalikan ang memo pad na pinaglagyan niya ng last will and testament niya. Isinulat niya doon ang kahilingang na i-donate ang katawan niya sa mga universities upang eksperimentuhan.

            “I’m really killing myself, huh?” she giggled with the thought. Di siya makapaniwalang gagawin nga niya talaga ito. This is the first time she’s gonna do this. And maybe, the last. She smiled widely again. Excited na excited na siya. “Ano kaya ang kasunod kapag patay na ako? Mare-reincarnate kaya ako? Magiging aso? Magiging pusa?” Kinagat niya ang ballpen. “Mas gusto ko yatang maging isda, chill-chill lang. Swim-swim everywhere. Hindi pa pinagpapawisan at hindi nauuhaw!”

            Base sa ginawa niyang death trap para sa sarili, mukhang hindi na siya makakaback-out oras na umupo siya sa rocking chair na nandun. She designed it as cool as she can. Ayaw niya kasi maging ganun kasimple ang pagpapakamatay niya. Ayaw niyang ma-remember bilang si Maeve ang babaeng nagbigti o ang babaeng naglaslas ng pulso o uminom nang napakaraming sleeping pills. She wanted to be remembered as Maeve, the girl who orchestrated her death so artistically beautiful.

            Kanina lang ay nag-calculate na siya kung anong oras siya mamamatay. Mamayang gabi ay darating na ang mga magulang niya galing sa kani-kanyang mga trabaho. Her brother and sister were going to be home from their trips later, too. Kaya tamang-tama lang ang tayming niya.

            She smiled again. Kapag dumating na ang mga ito, patay na siya. “Maybe, I could be a ghost before being a fish.” Tinapik-tapik niya pa ang paa sa sahig. “Paano ko kaya sila tatakutin? Hmm. I’d be the most hilarious ghost, ever!”

            She sighed happily. She already played her favorite soft songs in shuffle and wore her newly bought summer dress a while ago after setting her death trap. She even curled her hair and put a flower crown on top of her head. Sa kanyang pagkamatay ay kaharap niya ang glass wall niya at ang magagandang punong-kahoy na magkukulay orange ang mga dahon dahil sa papalubog na araw.

            Unti-unti ay umupo na siya sa rocking chair niya na pinapalibutan ng mga kung anu-anong bulaklak sa sahig at pinagmasdan ang tanawin. The carbon monoxide gas she got yesterday from a gasoline shop was leaking by now, she actually modify it a little bit and mixed methane gas in it. Naririnig na din niya ang munting singaw na iyon habang nakikinig sa malamyos na kanta ng bandang A Rocket to the Moon na pinamagatang Somebody Out There. She popped two pills of sleeping pills into her mouth and started rocking her chair. She dismantled the chair a little bit, too. Kusang masisira iyon sa oras na matigil na iyon sa pag-ugoy.

            Oras na masira ang rocking chair, mapuputol din ang lubid na nakakabit sa isang closed cage na naglalaman ng napakaraming butterflies na isinabit niya malapit sa bintana niya. Ang passage of air ng mga inosenteng butterflies ay nasa labas laman ng bintana upang hindi mamatay ang mga ito dahil sa ginawa niyang poisonous gas. Kapag naputol ang lubid na iyon ay makakawala sa kanilang kulungan ang mga paruparu at malayang makakalipad sa loob ng kanyang kwarto. She estimated na at most thirty seconds lang ang magiging life span ng mga paruparu sa kanyang kwarto dahil na rin sa gas na ginawa niya, pero sapat na iyon upang magkalat ang mga ito sa loob ng kanyang kwarto.

            Unti-unti na niyang nararamdaman ang antok. Tumingala siya muli. Nakita niya ang unti-unti ring pag-impis ng mga balloon. Naglagay kasi ng isang tela doon na punong-puno ng mga petals ng iba’t ibang bulaklak. Sa kabilang side niyon ay nakadikit talaga sa mismong ceiling ang tela samantalang sa kabila naman ay mga balloon lang ang nagdadala ng tela. Kapag nawalan na ng hangin ang balloons, uulan sa kwarto niya ng mga petals habang ang tela naman ay magmumukhang banner na nakasabit paharap sa pintuan niya. Nakasulat doon ang mga salitang, “I’m free and happy now. I love you, guys.”

            Sana pala nilagyan ko nang ‘Mumultuhin ko kayo, later’, aniya sa sarili. Napapailing nalang siya sa naiisip. She smiled as she closed her eyes. Yes, she’s gonna be happy.

            Soon.

            And she’s gonna be remembered as Maeve Carcel, the girl who orchestrated her death so artistically beautiful.

            Damn! Siya na talaga.

MAEVE opened her eyes and was greeted by the whiteness of the ceiling. She smiled. Ah, so this is how it feels to die. Parang wala lang. Parang…

            “So, you’re awake. That’s good.”

            Lumingon siya sa pinanggalingan ng baritonong boses na iyon saka ngumiti. She saw a man staring directly at her. Nakasandal ito sa pader ng maputing kwarto na kinaroroonan niya habang nasa loob ng bulsa ng pantalon nito ang dalawang kamay nito. He looked superbly handsome in his gray inner shirt and his black denim jacket. He was wearing a black denim pants and a pair of black rubber shoes. Umabot naman sa mga mata nito ang maitim at wavy nitong buhok.

            “You look like an angel,” she smiled. Hindi niya aakalain na totoo pala ang mga anghel. “Are you my guardian angel?”

            Tumaas ang isang kilay nito sa tinuran niya.

            Pero hindi siya papatinag sa aloof aura nito. She grinned at him nang maisip ang dating plano. “Pwede bang bago mo ako kunin, may gagawin lang ako sandali?”

            “Ano naman iyon?”

            Ah, hindi niya mapigilan ang excitement sa katawan niya. “I just wanted to scare my family, you know. Mumultuhin ko lang sila sandali. Promise, sandali lang talaga.”

            He looked straightly at her. Hindi ito nagsalita bagkus ay dumiretso lang ang tayo nito at lumapit sa kanya.

            Bigla naman ang pagbalikwas niya ng upo sa ginawa nito kaya nakaramdaman siya ng munting kirot sa kanyang braso. Nang mapatitig siya doon ay saka lang niya naintindihan ang lahat - na wala siya sa langit, na hindi isang anghel ang unang nakita niya sa pagmulat ng kanyang mga mata, na nakaratay siya sa hospital dahil palpak ang plano niyang artistically beautiful orchestrated death.

            She felt a little bit sad and whole lot disappointed so she started to cry. Bwesit! Bakit ganun? Saan siya nagkulang? Bakit siya pumalpak? Hindi na siya magiging isda at lalong hindi niya pwede multuhin ang pamilya niya ngayong buhay pa pala siya!

            Ang saklap, men!

            “Hey, are you okay?” tanong sa kanya ng lalaking may mala-anghel na mukha.

            “No,” she sobbed.

            “Why?” hindi magkandaugagang sabi nito. May kung anu-anong itong kinukuha sa bulsa nito. Marahil ay panyo. Pero dahil mukhang wala itong dala, pinahid nalang nito gamit ng laylayan ng grey t-shirt nito ang mukha niya. “Tahan na. May masakit ba sa’yo?”

            “Wala.” Siningahan niya pa ang t-shirt nito. Wala naman talaga siyang nararamdamang kakaiba bukod sa panghihinayang sa kapalpakan niya. Sayang ang effort niya dun, ah. Tumingala nalang siya rito at nakita ang nakangiwing mukha nito. Pero kahit ganoon, mukha pa rin itong anghel. “Are your eyes really violet?”

            “No. They’re deep blue,” he answered. “Pero bakit ka ba umiyak?”

            “Kasi pinaasa mo ‘ko. Bwesit ka,” she cried again. Kulang nalang ngumawa siya at maglupasay sa harap nito. “Paasa ka! Paasa talaga kayong mga lalaki kayo!”

            “What are you saying?”

            “Paasa ka! Hu-hu-hu! Paasa ka, leche!”

            “Are you crazy?”

            “Ikaw ang nawawala sa sarili.” She blew her nose on his shirt again.

            “Hoy, teka –“

            “Kasalanan mo lahat ‘to.” She blew again.

            “Iyong sipon mo –“

            “Bakit mo kasi inoffer t-shirt mo, ‘di ba?”

            “Still. Nakakadiri ka.”

            “Mas nakakadiri ka. Ikaw ang may sipon sa t-shirt at hindi ako.”

            “You –“

            “Pero paasa ka pa rin,” nagpapalahaw na iyak niya. “Bwesit ka!”

            “Wala akong ginagawa sa’yo!”

            She stopped crying and looked at his deep blue eyes. “Anong bang pangalan mo?”

            Nalilito naman tiningnan siya nito. “Aero.”

            “Cool.” She offered her hand for a handshake. “I’m Maeve. You can call me Maeve for short.”

            He sighed. “I know.” He shook her hand.

            “Okay,” sabi niya at binawi ang kamay mula dito. She felt something when he held her hand, something like electricity that made her feel light and nostalgic. It felt like she’d known him even before. Pero wala siyang pakialam doon dahil palpak siya sa pagpapakamatay niya at hindi na siya pwede maging isda! Ngumawa na naman siya nang maalala niya iyon. “Paasa ka talaga!”

            “I didn’t –“

            “Why do you have to look like an angel?” she said in between sobs. “Akala ko tuloy patay na ako. Iyon pala, hindi. Paasa ka talaga at ‘yang maganda mong mukha!”

            “Maeve…”

            “Nasaan ang parents ko?”

            “Ha? I mean, they’re in the canteen.”

            “Iniwan nila ako?” Hindi makapaniwalang tanong niya rito.

            “Hindi ka nila iniwan.” He brushed his hair away from his eyes while looking at her like she was something else. “Nasa canteen lang sila at kumakain. Babalik din –“

            “You looked hot doing that.” Nakaawang ang bibig na tinitigan niya pa ito. Sa totoo lang, natigilan talaga siya sa ginawa nito.

            “What?” Naweweirduhang tumitig ito sa kanya. Marahil naiisip na nitong paiba-iba ang takbo ng isip niya.

            “I said you looked hot doing that,” ulit niya bago ngumiti dito. Damn, he’s really hot. “And you felt like someone I’ve known all my life.”

            “Ha?”

            “Wala.” Umiling siya. Impossible iyong sinasabi niya. She don’t remember him. Hindi niya din alam kung bakit niya ba nasabi iyon. It just felt like she had to say it.“Okay. Umalis ka na.”

            “Ha?”

            Lalong naguluhan yata ito sa kanya. But he still looked like an angel even with a confused look on his face. Kaya bago pa ito pumangit sa kalokohan niya nagpasya na siyang itigil na iyon. She can still be a fish some other time.

            “Hindi naman tayo friends, di ba?” Binitawan na niya ang t-shirt nito. “Kaya makakaalis ka na.”

            “What?” Nakataas ang isang kilay na tanong nito. Halata sa mukha nito ang pagtataka sa mga pangyayari.

            “Hindi naman tayo friends kaya makakaalis ka na,” ulit niya sa monotonous na boses habang inosenteng nakatingin siya rito. Oh well, hindi niya kahit kailanman pagsasawaan ang magandang mukha nito. Maybe she could paint him or write something about him when she gets home. Ang mga kagaya nitong may ganoong mukha ang dapat na pagkatuunan niya ng pansin.

            “Anong –“

            “Hindi naman tayo friends kaya –“

            “Are you really insane?”

            “Nope. Or sort of. I don’t know.” She sucked her thumb. “Anyway, I told you, I’m Maeve.”

            “Mababaliw yata ako sa’yo.”

            “Oy, ‘wag kang ganyan. Hindi mo pa nga ako nakikilala, naiinlove ka na agad? Give me time.”

            “Hindi iyan –“

            She waved her hand and smiled at him. “Okay lang ma-inlove ka sa akin. Pero para sabihin ko sa’yo, basted ka na. Pinaasa mo ako, eh.”

            Nakatulala nalang itong nakatingin sa kanya. Ilang saglit pa ay unti-unting ngumiti nalang ito. And goodness gracious, parang nais na niyang bawiin ang sinabi niyang basted na ito sa kanya.

            “You’re one of a kind, Maeve,” he said amusedly and turned his back on her. Naglakad na ito papunta sa pintuan.

            “Aero.”

            Lumingon ito sa kanya. She felt something stirred inside her. “Hmm?”

            “Paabot nung tissue.” Itinuro niya ang isang rolyo ng tissue sa tabi ng mesa niya.

            He sighed as he gave her the tissue. “Nandito lang pala ito, nabasa pa tuloy t-shirt ko.”

            “Hmm.” She blew her nose on the tissue. Tiningnan muna siya nito saglit bago naglakad na ulit ito palabas ng kwarto niya. “Aero,” tawag niya ulit.

            Nilingon siya nito.

            “Binabawi ko na ang sinabi ko.”

            “About?”

            “Binabawi ko nang basted ka sa akin kapag nanligaw ka. Pero inis pa rin ako sa’yo. Kaya suyuin mo ‘ko nang mabuti kung gusto mong sagutin kita.”

            He smiled his mouth-watering smile and nodded. “Okay.” Then, he was out of her room.

            Napangiti nalang siya. Mukhang babay fish-life muna siya ngayon, ah.

Bab terkait

  • The Okulus #1: Aero Manzinilla, the Mentalist Warrior   Chapter Two

    THE skies are blue. Love, where are you? Napangiti si Maeve sa naiisip. Nakataas ang kanyang isang kamay sa kalangitan na waring may isinusulat doon habang ang isa naman ay nakahawak sa sombrero niya sa ulo upang hindi iyon tangayin ng hangin. I’m waiting here, too. Give me my hero… Just jump, an alluring voice whispered in her ear. Tumango naman siya nang lihim. Iyon naman talaga ang gagawin niya. Actually, don’t, another voice said. Ano ba talaga? Nagugulahan siya sa sarili. She sometimes have this suicidal thoughts and sometimes

  • The Okulus #1: Aero Manzinilla, the Mentalist Warrior   Chapter 3

    “MAEVE?” Nakapokerface habang naniningkit ang mga matang nilingon niya ang kanyang Papa nang mabosesan niya ito. Nagpe-painting kasi siya ngayon sa loob ng kwarto niya habang nakikinig sa mga kanta ng bandang Before You Exit. She particularly liked listening to classical songs before. Nag-iba lang iyon ngayon nang makilala niya si Aero. Ewan niya rin kung bakit. He never mentioned music to her. Pero nang makita niya kasi sa YouTube ang naturang banda ay para siyang na-starstruck sa mga kanta ng mga ito. Plus, the fact that the songs reminded her so much of Aero. Ah, that gorgeous guy! Hindi na niya ito nakikita mula nang araw na iyon sa bridge. After he kissed her, pinakain lang siya nito at hinatid sa harap ng villa nila. After that, wala na. At mag-iisang linggo na iyon. Five days to be exact. Bumuntong-hininga nalang siya. Marami pa siyang gustong malaman tungkol dito. Like how come he was i

  • The Okulus #1: Aero Manzinilla, the Mentalist Warrior   Prologue

    “LEAVE the girl alone, Aero,” ani Zak kay Aero habang nakapameywang na nakatingin ito sa kanya. Kung siya ay napapabilang sa mga soul warriors, ito naman ay napapabilang sa mga kaluluwa na magagaling sa larangan ng arts – may mga kumakanta, sumasayaw at kung anu-ano pang artistry na alam ng grupo nito. Aero died when he was twenty years old together with his family. Papunta sana sila sa Amerika ng mga panahon iyon upang doon na manirahan nang ma-hijack ang eroplanong sinasakyan nila. Nanlaban naman ang mga kasamahan nila sa eroplano kaya lalong nagalit ang apat na hijackers at pinagbabaril ang mga kawawang piloto. Which was a very dumb move on the part of the hijackers, to be honest actually. Sa lahat ba naman kasing pwedeng barilin ng mga ito ay ang mga piloto pa talaga! Wala pa namang may alam sa mga

Bab terbaru

  • The Okulus #1: Aero Manzinilla, the Mentalist Warrior   Chapter 3

    “MAEVE?” Nakapokerface habang naniningkit ang mga matang nilingon niya ang kanyang Papa nang mabosesan niya ito. Nagpe-painting kasi siya ngayon sa loob ng kwarto niya habang nakikinig sa mga kanta ng bandang Before You Exit. She particularly liked listening to classical songs before. Nag-iba lang iyon ngayon nang makilala niya si Aero. Ewan niya rin kung bakit. He never mentioned music to her. Pero nang makita niya kasi sa YouTube ang naturang banda ay para siyang na-starstruck sa mga kanta ng mga ito. Plus, the fact that the songs reminded her so much of Aero. Ah, that gorgeous guy! Hindi na niya ito nakikita mula nang araw na iyon sa bridge. After he kissed her, pinakain lang siya nito at hinatid sa harap ng villa nila. After that, wala na. At mag-iisang linggo na iyon. Five days to be exact. Bumuntong-hininga nalang siya. Marami pa siyang gustong malaman tungkol dito. Like how come he was i

  • The Okulus #1: Aero Manzinilla, the Mentalist Warrior   Chapter Two

    THE skies are blue. Love, where are you? Napangiti si Maeve sa naiisip. Nakataas ang kanyang isang kamay sa kalangitan na waring may isinusulat doon habang ang isa naman ay nakahawak sa sombrero niya sa ulo upang hindi iyon tangayin ng hangin. I’m waiting here, too. Give me my hero… Just jump, an alluring voice whispered in her ear. Tumango naman siya nang lihim. Iyon naman talaga ang gagawin niya. Actually, don’t, another voice said. Ano ba talaga? Nagugulahan siya sa sarili. She sometimes have this suicidal thoughts and sometimes

  • The Okulus #1: Aero Manzinilla, the Mentalist Warrior   Chapter One

    “SO kung gagawin ko talaga ‘to…” Pinagmasdan ni Maeve ang buong interior ng kanyang kwarto habang nasa baba niya ang isa niyang kamay. Her room was quite a mess. Her books were scattered everywhere. Hindi niya pa rin naililigpit ang kanyang painting canvass at ang mga pintura niyon ay nagkalat sa sahig. Her bedsheets and blanket were untidy. Ayaw na ayaw kasi niyang pinapalinis sa kanilang mga katulong ang kanyang kwarto dahil bukod sa hindi na niya alam kung saan nailalagay ang kanyang mga gamit ay pakiramdam niya hindi na niya pag-aari ang sariling kwarto. She walked to the other side of the room. Hinawi niya ang malaki at makapal na kurtina na nagtatabon sa kanyang floor-to-ceiling glass wall. Isa iyon sa bahagi nang kanyang kwarto na pinakagusto niya. Bukod kasi sa tinted ang glass wall na iy

  • The Okulus #1: Aero Manzinilla, the Mentalist Warrior   Prologue

    “LEAVE the girl alone, Aero,” ani Zak kay Aero habang nakapameywang na nakatingin ito sa kanya. Kung siya ay napapabilang sa mga soul warriors, ito naman ay napapabilang sa mga kaluluwa na magagaling sa larangan ng arts – may mga kumakanta, sumasayaw at kung anu-ano pang artistry na alam ng grupo nito. Aero died when he was twenty years old together with his family. Papunta sana sila sa Amerika ng mga panahon iyon upang doon na manirahan nang ma-hijack ang eroplanong sinasakyan nila. Nanlaban naman ang mga kasamahan nila sa eroplano kaya lalong nagalit ang apat na hijackers at pinagbabaril ang mga kawawang piloto. Which was a very dumb move on the part of the hijackers, to be honest actually. Sa lahat ba naman kasing pwedeng barilin ng mga ito ay ang mga piloto pa talaga! Wala pa namang may alam sa mga

DMCA.com Protection Status