PANAY ang pagsulyap ni Damon sa kaniyang mamahaling wristwatch. Katatapos lang ng kaniyang speech para sa mga mag-aaral ng paaralang napili niyang handugan ng mga bags at school supplies. Kasalukuyan nang ipinamamahagi ng mga teachers sa mga batang estudyante ang mga bags at school supplies.
"Mr. Monteverde, maraming salamat sa mga donations mong school supplies para sa mga estudyante namin dito. Masayang-masaya ang mga bata dahil sa mga munting handog mo para sa kanila," taus-pusong pasasalamat ng principal sa kaniya.
"Masaya rin ho akong makatulong sa mga bata, mrs. Ventura," aniya, bukal sa loob ni Damon ang pagtulong lalo sa mga bata. Ganiyan din kasi ang kaniyang mga magulang noong nabubuhay pa ang mga ito.
"Sadgirl. Walang daddy. Sadgirl," pareho silang napabaling ng principal na si mrs. Ventura sa mga estudyante sa unang baitang na tinutukso ang kaklase ng mga ito.
"Kids, ano nanaman 'yan. Bakit niyo nanaman inaaway ang classmate niyo?" saway ni mrs. Ventura sa mga bata. "gusto niyo bang ipatawag ko ang mga magulang niyo?"
Umiling ang mga batang bully, halata sa mga mata ng mga ito ang takot, pagkatapos ay nagtakbuhan ang mga ito pabalik sa classroom nila.
Napailing-iling nalang si mrs. Ventura. "Mga bata talaga," pumalatak pa ito saka bumaling sa batang babae na inaasar ng mga kaklase nito. "Huwag ka nang umiyak, Joana. Hayaan mo at ipapatawag ko ang mga magulang ng mga batang iyon para maparusahan sila sa pambubully nila sa iyo," alo nito sa batang babae na tanging hikbi lang ang ginagawa kahit binubully na siya.Napatitig naman si Damon sa batang umiiyak. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya habang minamasdan ang batang babae. "Hey! Don't cry anymore, little girl. Do you know that crying makes a child ugly?"
Nag-angat naman sa kaniya ng tingin ang batang babae kahit patuloy parin ito sa pag-iyak. Pamilyar kay Damon ang hitsura ng bata ngunit hindi niya maalaala kung saan ba niya ito unang nakita. Mula sa asul nitong mga mata ay makikita ang lungkot roon.
"I'll just give you this teddy bear, don't cry anymore," upang patahanin ito sa pag-iyak ay inabutan niya ito ng teddy bear na dapat ay kay Kathleen niya ibibigay.
"Oh, magpasalamat ka kay mr. Damon, Joana," madam principal said to the little girl.
Bumungisngis naman ang bata kay Damon. "Thank you po,"
Napatawa naman si Damon nang yakapin siya nito. He didn’t literally know this little girl, but his heart, why he felt his heart knew this little girl? "Anyway, what's your name?"
"Joana po," little girl pouted.
Hindi napigilan ni Damon na haplusin ang pisngi ng batang babae. Parang nakikita niya kasi ang sarili niya dito. Pareho kasi sila ng kulay mga mata, na kakulay ng dagat. Pareho rin sila ng kulay ng buhok.
"Teka, kanina pa pala ang uwian niyo, Joana, ah. Hindi pa ba dumadating ang lola mo?" tanong ng principal habang hinahaplos nito ang mahabang at kulay gintong buhok ng bata.
Umiling ang bata. "Sabi po ng mommy ko, siya po ang susundo sa akin," the little girl frowned, then she hug her new teddy bear.
Bigla namang tumunog ang cellphone ni Damon. Tumatawag ang kaniyang secretary. "Excuse me, I have to take this call,"
Tinalikuran niya ang bata at ang principal at sinagot ang tawag ng secretary niya.
"Hello,"
"Sir Damon, narito ho si mr. Venzon sa opisina niyo, hinihintay kayo," tugon ng secretary niya sa kabilang linya.
Mr. Venzon wants to invest in him a large amount, ngunit tinatanggihan ito ni Damon dahil sa malaking galit niya sa mga magulang nito na muntikan nang magpabagsak noon sa Sapphire J-well.
"Just tell him I'm taking care of something important, he'll just come back another day," he uttered to his secretary.
"Eh, sir, hindi daw ho siya aalis dito hanggat hindi kayo nakakausap," tugon nito sa kabilang linya.
He took a deep breath. "Fine. I'm on my way," napipilitan niyang saad then he hang up.
"Oh, nandiyan na pala ang mommy mo, Joana," anang principal.
Awtomatiko namang natigilan si Damon at bahagyang umawang ang labi nang magtama ang paningin nila ni Camille.
Makikita din sa mga mata ng babae ang pagkagulat nang makita siya. Sunod-sunod itong napalunok bago ialis ang tingin sa kaniya at itinuon ang atensyon sa anak.
"Mommy, look oh. Binigyan po ako no'ng lalaki ng teddy bear," itinuro siya ng bata sa ina nito.
"Let's go, anak. Naghihintay sa atin si lola mo," nagmamadaling sabi nito.
Tila may sariling buhay naman ang mga paa niya at hinabol ang babae. "Just wait, Camille,"
Ngunit hindi huminto ang babae sa paglalakad, tuloy-tuloy lang ito. Kaya naman mas binilisan pa ni Damon ang paglalakad at humarang sa harap nito.
"I want to talk to you, Camille," he said in a serious way.
Umingos naman ito. "Nagmamadali kami, Damon. Sa ibang araw nalang tayo mag-usap," nilagpasan siya nito.
Ngunit sumunod parin si Damon, papasakay na si Camille at ang batang si Joama sa kotse nito nang muli niyang maabutan ang babae at marahas niyang hinigit ang braso nito paharap sa kaniya.
"Akala mo ba hindi ko napapansin na iniiwasan mo 'ko?" nagtiim ang kaniyang bagang at animo'y apoy na lumiliyab ang titih niya dito.
Napalunok naman si Camille at pasimpleng nag-iwas sa kaniya ng tingin. "Hindi kita iniiwasan, Damon. Busy lang talaga ako ngayon, pati kahapon, at no'ng mga nakaraang araw. Kaya hindi kita nahaharap,"
But he was not convinced by her answer. Alam niya at ramdam niyang umiiwas sa kaniya si Camille at ayaw nitong ipakilala sa kaniya ang anak nila. Mabuti nalang at mabait parin sa kaniya ang tadhana. Dahil ito mismo ang gumawa ng paraan para magkrus ang landas nila ng bata.
"Then talk to me now," kaswal niyang tugon ngunit may bahid ng inis. Kundi lang naman dahil sa anak nila ay hindi niya pag-aaksayahan ng oras si Camille. Dahil higit na mas gusto pa niyang makita si Kathleen.
"Ang kulit naman nito," naiinis na napakamot sa ulo niya si Camille.
Muli ay napasulyap si Damon sa inosenteng mga mata ni Joana na abala naman sa teddy bear na ibinigay niya rito. God, now he knew why he had been so light-hearted to this little girl when he first saw her a while a go.
"So, she's my child?" Muli siyang nag-angat ng tingin kay Camille. "Why don't you introduce me to her,"
Tinaasan lang siya nito ng kilay at mulhang wala talagang balak ipakilala siya sa bata.
"Hello, baby," naupo si Damon para pantayan ang bata.
Tumitig naman sa mga mata niya ang bata saka namamanghang ngumiti. "Wow. Parehas po tayo ng color ng eyes. Blue rin po ang color ng eyes niyo,"
Nangiti siya. Umaalab sa saya ang puso niya. God knew how much he wanted to have a child. "Do you want to know why our eyes are the same color?"
"Bakit po?" Inosenteng tanong ng bata.
"Because he's your biological father, anak?" sabat naman ni Camille at inirapan siya.
"Father? You mean, mommy, he's a pari in the church?" bumungisngis ang bata. Pareho namang natawa sina Camille at Damon.
"He's your dad, anak," batid niyang labag loob ng babae na sabihin iyon sa bata.
Namilog naman ang mga mata ni Joana at hindi makapaniwalang tumingin ito kay Damon.
"D-Daddy? Ikaw po ang daddy ko?" Bakas ang tuwa sa mga mata nito.
Tumango naman si Damon. "Yes, baby," walang mapagsidlan ang tuwa sa kaniyang puso. Niyakap niya agad ang anak, at gumanti din naman ito ng yakap sa kaniya.
"Daddy, bakit ngayon lang po kayo nagpakita sa akin? Lagi ko po dinadasal kay papa God na sana makita na kita. Pero ngayon po dininig na ni papa God ang wish ko," naiiyak na niyakap siyang muli ni Joana.
LABAG man ito sa kalooban. I Camille ngunit wala na siyang magagawa, dahil mismong ang tadhana na rin ang nagtagpo sa landas ng mag-ama. Hindi nan niya maikakailang masayang-masaya si Joana na makilala na nito ang amang si Damon.
Magmula no'ng araw na malaman ni Damon na may anak sila ay sinubukan niyang iwasan ang lalaki. Natatakot kasi siya na baka kapag makilala nito ang anak nila ay magpasiya itong kunin sa kaniya ang bata.
"Kailangan na naming umalis, Damon. Naghihintay sa amin ang nanay ko," sambit niya nang kumalas na isa't-isa ang dalawa.
"Daddy, kailan po ulit tayo magkikita?" tanong ni Joana, tila ayaw pa nitong mawala sa paningin ang ama.
"I'm always visiting you, baby. I'll promise," nakangiti namang hinaplos ni Damon ang pisngi ng bata. Pagkatapos ay nag-angat ito ng tingin sa kaniya. "Can I get your address?"
Marahan naman siyang tumango. "Cathalina Subdivision, doon kami nakatira. Hindi ka na mahihirapang maghanap sa bahay namin, nag-iisang kulay asul lang iyon doon,"
"Daddy, bisita po kayo sa amin palagi, ah. Gusto ko po kayo makasama palagi, kasi po ang tagal niyo po hindi nagpakita sa akin, eh," nakangusong sabi naman ni Joana. "Kaya po pala binigyan niyo ako ng teddy bear kasi kayo po pala ang daddy ko,"
"Yes baby, promise, bibisitahin ka palagi ni daddy," muli nitong hinaplos ang pisngi ng bata.
"Halika na anak, kanina pa naghihintay sa atin si lola mo," pinasakay na ni Camille sa kotse si Joana at pagkatapos ay sumakay na rin siya sa driver seat.
Pagkadating sa bahay nila ay masayang ikinuwento agad ni Joana sa kaniyang lola na nakita ang daddy niya. Bakas ang sobrang saya sa mga mata ng bata habang nagkukuwento.
"Anak, magbihis ka na, at iayos mo ang school bag mo," utos ni Camille sa bata, kaya naman naputol ang masayang mga kuwento ni Joana sa kaniyang lola.
"Sige po, mommy," mabilis itong umalis sa pagkaka-upo sa kandungan ni Aleng Carmen at binitbit ang school bag niya papasok sa kuwarto nila.
"Sinabi ko na sa iyo, Camille. Kahit anong pag-iwas ang gawin mo kay Damon, kung tadhana mismo mo ang may kagustuhang magkita ang mag-ama, hindi mo rin iyon mapipigilan," malumanay na sabi ni Aleng Carmen. No'ng isang linggo pa nasabi ni Camille sa kaniyang ina ang tungkol sa pagkikita nila ng 'di inaasahan ni Damon.
Marahas na bumuga nalang ng hangin si Camille bago tumango sa kaniyang ina at dumiretso sa kusina para maghain na ng pananghalian nila.
Pagsapit ng gabi ay tinulungan ni Camille ang anak sa assignment nito. Ngunit hindi parin talaga maiiwasang may maitatanong sa kaniya ang anak tungkol sa daddy nito.
"Mommy, bakit po 'yong mga kaklase ko magkasama ang mommy at daddy nila? Pero bakit kayo po ni daddy hindi magkasama?"
Natitigilang tumingin naman siya sa anak saka mahinang bumuga ng hangin. Hindi niya alam kung paano nga ba niya ipapaliwanag sa bata ang sitwasyon nila ni Damon.
"Kasi anak, hindi naman kami mag-asawa para magsama kami ng daddy mo," tugon niya.
"Kailangan po ba mag-asawa kayo para magkasama kayo? Paano po ba maging mag-asawa?"
Muli ay napabuntong-hininga si Camille. Hindi talaga nauubusan ng tanong ang kaniyang anak. Masuyo nalang niyang hinaplos ang pisngi ng bata saka binigyan ito ng malumanay na ngiti. "Anak, bata ka pa kaya hindi mo pa naiintindihan ang mga bagay-bagay. Pero kapag tumuntong ka na sa tamang edad ay saka mo maiintindihan ang lahat,"
"Mommy, gusto ko po ulit makita si daddy. Gusto ko po siya makasama," mababakas sa mga mata ni Joana ang pagnanais nitong makasama at makita muli ang kaniyang ama.
Kinabukasan, hindi inaasahan ni Camille na maagang bibisita sa bahay nila si Damon. Sobrang saya naman ni Joana nang makitang muli ang kaniyang daddy at halos ayaw na nitong umalis sa tabi ni Damon sa sobrang pagkasabik.
"Nay, inilagay ko nalang ho ang pera sa damitan niyo. Bilihan niyo nalang ho ng meryenda mamaya si Joana. Naroon na rin ho ang pambili niyo ng gamot para sa hika niyo," bilin ni Camille sa ina. Kailangan niyang pumasok ngayon dahil um-absent na siya kahapon.
Mula sa panonood kina Damon at Joana ay lumingon sa kaniya si Aleng Carmen. "Sobrang saya ni Joana, oh, nakita na niya ang daddy niya. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng ganiyan. Naawa tuloy ako sa kaniya dahil matagal na niyang hinahangad ang maranasang magkaroon ng ama. Mabuti nalang at gumawa ng paraan ang tadhana,"
Lihim na napairap naman si Camille. "Sige, 'Nay. Aalis na ho ako,"
"Alam mo Camille, naisip ko lang, siguro kaya kayo pinagtagpo ulit ni Damon ay dahil kayo talaga ang para sa isa't-isa," ngumiti pa ang kaniyang ina. Napamaang naman si Camille at napatulala sa nanay niya. Nanay ba niya talaga ito? Noon kasing malaman nitong niloko lang siya ni Damon ay halos isumpa na nito ang lalaki.
"Nanay, ano ba naman 'yang mga pinag-iisip mo. Matagal na hong tapos ang sa amin ni Damon. Nandito siya para kay Joana," tugon niya.
"Ikaw naman, masyado ka namang seryoso, anak. Wala namang masama sa sinabi ko, eh," hindi nalang niya pinansin ang sinabi ng ina, nilapitan nalan niya si Joana na masayang nakikipaglaro kay Damon. Dahil Saturday ngayon ay walang pasok si Joana sa school.
"Joana anak, aalis na si mommy. Papasok na ako sa work," paalam niya sa bata. Lumapit naman sa kaniya si Joana.
"Ba-bye po, mommy. Ingat ka po sa work mo. I love you," malambing na tugon ng bata at ngumuso ito. Yumuko naman si Camille para m*******n siya ni Joana sa pisngi.
"I love you too, baby," hinalikan din niya sa pisngi ang anak bago umayos ng tayo at tinignan si Damon. Tumikhim pa siya bago magsalita sa lalaki. "Damon, can I talk to you?"
Marahan namang tumango ang lalaki. Sinenyasan ito ni Camille na sa labas nalang sila mag-usap. Nagpaalam naman muna si Damon sa anak bago sumunod sa kaniya sa labas ng bahay.
"Ano ba ang gusto mong pag-usapan natin, Camille?" Tanong ni Damon nang nasa garden na sila. Mahilig sa mga halaman si Camille kaya naman marami siyang tanim ng iba't-ibang halaman sa garden nila.
Huminga muna siya ng malalim bago humarap sa lalaki. "Pumapayag akong bisitahin mo dito si Joana kahit anong oras o araw mo gusto. Pumapayag akong makasama mo siya, hindi kita pagbabawalang gampanan mo ang pagiging ama sa anak ko. Pero may isang kundisyon lang ako sa iyo,"
"What is it?"
"Hindi mo siya maaaring kunin sa akin. Ako ang kaniyang ina kaya sa akin siya. Kung may balak ka man agawin siya sa akin, please lang, huwag mo nang ituloy," iyon lang naman talaga ang kinatatakot ni Camille, ang kunin sa kaniya ni Damon si Joana. Kung kaya uunahan na niya ito, dahil hindi niya makakaya kung mawawala sa kaniya ang anak. Alam niyang makakaya iyong magawa ni Damon kung gugustuhin nito, lalo't makapangyarihan ito dahil sa mga yamang mayroon ang lalaki.
Huminga naman ng malalim si Damon saka ipinamulsa ang dalawang kamay. "Fine. Kung 'yan ang ikinatatakot mo, don't worry, wala akong balak agawin siya sa iyo. Ang gusto ko lang naman ay magpaka-ama sa kaniya. Hayaan mo lang akong gawin iyon sa bata, wala tayong magiging problema, dahil may isang salita ako, Camille. Sana ay ganoon ka rin,"
She nodded saka matipid na ngumiti. "Deal?" Inilahad pa niya ang palad sa harap ng lalaki.
Walang pag-aalinlangan namang inabot ni Damon ang kamay niya. "Deal,"
Ngunit mabilis ring binawi ni Camille ang kamay, dahil hindi niya gusto ang nararamdaman niya sa tuwing magdidikit ang balat nila ng lalaki.
PAKIRAMDAM ni Damon ay siya na ang pinaka-masayang tao sa buong mundo, halos araw-araw siyang bumibisita sa anak na si Joana at wala iyong palya. Katulad nalang ngayon, dahil Sabado at walang pasok sa school ang bata ay ipinagpaalam niya ito kay Camille at dinala sa Sapphire J-well. Marami sa mga empleyado ng kumpanya ang nagulat nang ipakilala niya si Joana sa mga ito na kaniyang anak. "Woah! Dude, may anak ka na pala," ngingisi-ngising sabi ni George. "Hindi naibigay sa iyo ng dati mong asawa, si ex mo lang pala ang makakapagbigay sa iyo," anito at sinundan pa iyon ng malakas na tawa. Ngumisi lang naman si Damon sa kaniyang pinsan, then he glanced at his daughter who was happily chatting with his employees. Wala sa sariling napangiti siya habang pinapanood ang kaniyang anak. "So, may balikan na bang magaganap sa inyo ng ex mo?" Nakangising tudyo pa ni George. Damon shrugged. "That will never happened, George. Alam mo nama
SI DAMON ang first boyfriend ni Camille, at ito rin ang una niyang pinag-alayan ng lahat-lahat, maging ng kaniyang puso. Ngunit ang lalaki rin ang kauna-unahang nagwasak sa kaniyang puso. Kaya naman no'ng maghiwalay sila nito six years ago ay itinapon niya ang lahat ng bagay na may kinalaman sa lalaki dahil ayaw na niya itong maalaala pa. Aaminin niyang hanggang ngayon ay masakit parin sa puso niya ang ginawa nito noon, at sa tuwing nakikita niya ang lalaki ay iyon at iyon parin ang bumabalik sa kaniyang gunita, sinaktan siya nito, niloko, pinaasa, at pinaglaruan lamang ang damdamin niya. Hanggang ngayon ay may galit parin siyang nararamdaman dito, pero sinisikap niyang pakitunguhan ng maayos si Damon para sa kanilang anak. Dahil ayaw niyang ipakita kay Joana ang galit niya sa ama nito. Ayaw niyang masaktan ang anak kapag malaman nito na ganoon ang ginawa sa kaniya ng daddy nito kaya hindi nila ito nakasama sa loob ng ilang taun. Ayaw niyang sirain ang im
MATULIN ang pagpapatakbo ni Camille sa kaniyang sasakyan, ganito siya magmaneho kapag mag-isa lang siya at walang traffic sa kalsada. Nagagawa lang niyang maghinay-hinay sa pagmamaneho kapag nakasakay ang kaniyang anak, dahil masyado niyang iniingatan si Joana.Nakatuon ang kaniyang paningin sa kalsada nang bigla namang tumunog ang kaniyang cellphone. Sasagutin niya sana ang tawag ngunit nagulat siya nang biglang may sumulpot na matanda at papatawid ito. Sa takot niya dahil muntikan na niya itong mabangga ay mabilis niyang tinapakan ang break."Holy shit!" malakas siyang naka-pagmura, pagkatapos ay nagmamadali niyang inalis ang seatbelt at bumaba ng kotse niya saka nilapitan ang matanda. "Lola, ayos lang po ba kayo? Nasaktan ho ba kayo?"Umiling naman ang matandang babae. "Ayos lang ako, hija. Hindi naman ako tinamaan ng sasakyan mo dahil napreno mo agad,"Nakahinga siya ng maluwag. "Bakit ho pala mag-isa lang kayo? May kasama ho ba ka
SUMASAKIT ang ulo ni Damon sa dami ng kailangan niyang trabahuin sa opisina. Ilang araw lang siyang nawala dahil sa pag-aalaga kay Joana na ilang araw ring naka-confine sa hospital----pero pagbalik niya ay heto na ang trabahong bumungad sa kaniya. Bukod pa sa mga documents na kailangan niyang pirmahan ay may mga appointments din siya, pero ang iba roon ay pina-cancel niya muna dahil hindi pa naman gaanong importante ang mga iyon.Ngayon ay naiintindihan na ni Damon ang kaniyang ama kung bakit madalang lang nila itong makasama noon. Being a Chief Executive Officer is not easy, ngayon niya higit nauunawaan dahil mismong siya ay nararanasan niya ang hirap ng pagiging isang tanyag na businessman.His parents died four years ago because of the car accident happen in Spain. Noong mga panahong iyon ay nasa California siya to visit his wife na na-diagnosed na may breast cancer.Nang mamatay ang kaniyang mga magulang bilang tagapagmana ay siya ang sum
"ANONG ginagawa mo dito?" iyan ang bungad ni Camille nang lapitan siya nito.Ngumisi si Damon at inalis ang suot na black shade saka matamang tumingin dito. "Surprise," he sarcastic said. "Akala mo hindi ko kayo masusundan dito, huh," may pagmamalaki sa boses niya."Psh!" suminghal ito at pasiring na nag-iwas ng tingin. "Your not welcome here, get lost,"Ngumiwi siya. "Ganiyan ka ba mag-intertain ng bisita? What a bad habit, sweetie," tudyo niya saka nginisihan muli ang babae.Natigilan naman si Camille at umarko ang kilay nito. "Paano mo nalamang nandito kami?" pagkuwan ay tanong nito.He shrugged. "Simply because I'm smart," he even brought his face close to hers. Marahan naman siyang itinulak ni Camille sa balikat."Lumayo ka nga sa akin. Bakit ka ba kasi nagpunta dito? Umalis ka na nga," tinalikuran siya nito pero mabilis niyang hinigit ang braso ng babae."Don't worry hindi naman ako magtatagal, aalis rin ako
MAINGAT siyang ibinaba ni Damon sa malaking tipak ng bato, pagkatapos ay lumuhod ito sa harap niya para hilutin ang kaniyang na-injured na paa.She felt more electricity in her body after Damon touched her foot. That electricity went directly to her heart and made it beat faster."Does it hurt?" nag-angat pa ito ng tingin sa kaniya. Napatitig naman siya sa mga mata nito at sa adam's apple nito na gumagalaw-galaw dahil sa sunod-sunod na paglunok.Ngumiwi siya ng marahan nitong pisilin ang na-injured niyang paa. "Dahan-dahan lang, Damon," reklamo niya.He smirked. "Don't worry, I'll just be gentle so you don't get hurt," then he bit his lower lip.Tumaas ang sulok ng labi niya at sinamaan ito ng tingin. "Gusto mong sipain kita?"He chuckled. "What? You said dahan-dahanin ko lang. Is it like this?"His hands seemed to have magic, every time he touched her injured foot it relieved the pain, bagamat napapangiwi at napap
CAMILLE couldn't believe of what she was hear by Damon's words, pakiramdam niya ay sandaling huminto sa pagtibok ang kaniyang puso. Nag-angat siya dito ng tingin at pilit sinalubong ang titig ng lalaki. Alam ba ng lalaki ang sinasabi nito? Is he understand of what the words he was says?Pero itong puso niya, ano't tila mistulang kabayong nangangarera sa sobrang bilis ng pagtibok? God!"S-Saan mo naman natutunan 'yan?" utal niyang tanong dito. Hindi nagpapaawat ang puso niya sa pakikipagkarera ng pintig.Damon hesitated to smile at her. Naiilang din itong napakamot sa batok. "Ang sabi kasi ng pinsan mo, iyon daw ang sabihin ko sa iyo. 'Coz ang ibig sabihin no'n ay I'm sorry," inosenti nitong tugon.Pinigilan naman niya ang matawa. She was right, hindi nga naiintindihan ng lalaki ang sinabi nito. "Huwag ka ngang magpapaniwala sa mga pinsan ko na iyon. Wala talaga silang magawa sa buhay nila,"Napamaang naman si Damon at mata
MARIING nakagat ni Camille ang ibabang labi niya habang hinihintay na sagutin ni Damon ang tawag niya. "Yes?" bumilis ang pagtibok ng ng kaniyang puso at sunod-sunod na lumunok nang sagutin nito ang tawag niya. "Hello," sinikap niyang huwag mautal saka mahinang tumikhim. "Ano...itatanong ko lang sana kung available parin ba 'yong offer mo sa akin no'ng isang linggo?" Sandaling natahimik sa kabilang linya. Akala niya ay naputol ang linya pero nang tignan niya ay hindi naman. Sadyang hindi lang agad sumagot ang lalaki. "Hello?" "I'm sorry. Ano nga ulit 'yong sinabi mo?" ani Damon sa kabilang linya. She took a deep breath. "Kung available parin ba ang ino-offer mo sa akin no'ng isang linggo?" she bit her lower lip. Wala lang talaga siyang choice. Ilang restaurant at kumpanya na ang in-apply-an niya pero hindi siya naha-hired. Ayaw naman niyang matengga lang sa bahay at walang pinagkakakitaan dahil iniisip niya ang ina
61 years later.... Nakaupo lamang sa kaniyang paboritong upuan ang siyamnapung taong gulang na si Camille. Ang kaniyang puwesto ay naroon sa tabi ng bintana kung saan tanaw ang sunset kung kaya masaya niyang pinapanood ang paglubog ng araw at ang kulay kahel na ulap. Sa kaniyang isip ay ginugunita niya ang nakaraan na may halong tuwa at kirot sa kaniyang puso dahil alam niyang sa alaala na lamang talaga niya maaaring mabalikan ang lahat. Ngayon ay kulu-kulubot na ang balat ni Camille at maputing-maputi na rin ang kaniyang buhok. Hindi na rin niya kayang tumayo ng mag-isa at mahinang-mahina na rin siya kung kaya ang kaniyang maghapon ay umiikot na lamang dito sa loob ng kaniyang kuwarto. At kahit saan niya ibaling ang kanitang paningin ay ang mga pictures nila ni Damon ang nakikita niya, magmula no'ng ikinasal sila hanggang sa tumanda sila. Napangiti si Camille, ang kuwartong ito nila ni Damon ay saksi sa kanilang pag-iibigan. Ang bawat haligi, at ding
MALUNGKOT ang puso ni Camille habang pinagmamasdan niya ang kulay kahel na ulap at ang napakaganda ngunit makahulugan para sa kaniya na sunset. Isang buwan na ang nakalilipas pero sariwa parin sa kaniyang isipan ang nangyari noon at sa bawat araw na lumilipas ay hindi nawawala sa isip niya ang sanggol na ipinagbuntis niya ngunit hindi naman napagbigyang masilayan ang mundo.Pero sinikap parin niya ang magpakatatag alang-alang sa mga taong mahal niya at lubos din siyang minamahal, lalo na ang anak na si Joana na araw-araw ay pinapasaya siya, at si Damon na oras-oras ay pinaparamdam sa kaniya kung gaano siya nito kamahal.May lungkot sa puso niya dahil sa nangyari kay George, pero dahil sa ginawa nitong kasamaan ay nararapat lang talagang parusa ang sinapit nito. Nalaman din naman nina Camille mula kay Kathleen na si George talaga ang nagpapatay sa lola nito. Hindi makapaniwala si Camille na magagawa iyon ni George kahit sa sariling kadugo nito.
NABABALOT na ng dugo at sugat ang buong katawan ni Aleng Carmen dahil sa paulit-ulit na bugbog na natatamo nito mula kay Kathleen.Halos pumutok na ang labi nito sa paulit-ulit na sampal, suntok at sapak ng kamay ni Kathleen, at mula roon ay umaagos ang masaganang dugo."Ano, huh, hindi ka parin magmamakaawa sa akin? Hindi ka parin makikiusap na itigil ko na itong pambubugbog ko sa iyo, huh, tanda?" bigla pa niyang dinuraan ang duguang mukha ni Aleng Carmen.Bagamat mahapdi na ang buo niyang katawan dahil sa mga sugat niyang natamo ay nanatili paring matatag ang ekspresyon ni Aleng Carmen. "Patayin mo na lang ako, Kathleen," bakas ang galit sa boses nito."Aww! Too bad ho, Aleng Carmen, kasi nasisiyahan pa akong paglaruan ka, eh. Tsk. Kundi kasi dahil sa anak mong ambisyosa sana masaya ako ngayon sa piling ni Damon. Dapat buhay reyna ako ngayon at hindi ako naghihirap. Sana limpak-limpak ang pera ko ngayon,"Tumawa si Aleng Carm
MATINDI ang panginginig ng mga kamay at tuhod ni Damon habang hinihintay niya ang bawat patak ng oras. Isa-isa na ring nagdadatingan ang mga bisita nila, ilan sa mga ito ay matatalik pang kaibigan ng kaniyang mga magulang. Now, he's wearing a white suit wedding polo and pants. Walang mapaglagyan ang kaligayahan sa kaniyang puso at hindi na siya makapaghintay na masilayan ang kaniyang bride."Congrats," tinapik ng matandang lalaki ang balikat niya. Ngumiti at nagpasalamat naman si Damon dito.Maya't-maya ang sulyap niya sa relo, hinihiling na sana ay dumating na ang kaniyang bride. Halos lahat na ng mga bisita ay naroon na, maging si Joana na isinabay na ni Shamille at ng anak nito na invited na rin sa kasal nila ay naroon na rin.Ang bride nalang talaga ang hinihintay."Wala pa ba siya?" pang-sampong tanong na yata niya ito sa driver niyang si Peach.Umiling naman si Peach. "Wala pa rin, boss,"Sunod-sunod ang naging pagb
MASAYANG pumasok si Camille sa restaurant. Magiliw din naman siyang binabati ng mga servers, pagkatapos ay tinutugon din naman niya ng matamis na ngiti ang mga ito.Masaya ang unang pasok ng taon para kay Camille dahil unang beses na nakasama nila si Damon na mag-celebrate ng pasko at bagong taon. Iyon na ang pinakamasayang pasko at bagong taon na dumaan sa kanilang buhay.Ang buong akala rin ni Camille ay magtatampo sa kanila si Joana kapag nasabi na nila dito na buntis siya at magkakaroon na ito ng kapatid, kaya naman nang magtatalon ito sa sobrang tuwa ay natuwa rin ang kaniyang puso.Paulit-ulit ding sinasabi ni Joana na excited na itong maging ate sa magiging kapatid nito, at sa tuwing sasabihin iyon ni Joana sa kanila ay natutuwa siya.Pagkatapos kausapin ni Camille ang server na si Marie ay dumiretso na siya sa manager's office at doon ay nagpahinga siya sa swivel chair. Dahil buntis siya ay bawal siyang ma-stress at mapag
NAIINIS na pinagsalikop ni Damon ang mga braso niya sa tapat ng dibdib. Maya't-maya ang pagsulyap niya sa suot na relo para bantayan ang oras. 2: 45 am. Naiinis na bumuga siya ng hangin. "Damon hijo," tawag ni Aleng Carmen, nilingon naman niya ang matandang babae. "Nay Carmen, kamusta na ho si Joana?" tanong niya. "Okay naman na siya. Allergy lang naman iyon, dahil sa mga nakain niya kaya siya nagkaroon ng pantal-pantal sa katawan. Pero ngayon, matapos niyang uminom ng gamot ay nawala narin paunti-unti ang pantal ng bata," tugon nito, nakahinga naman na si Damon ng ayos at marahang tumango. "Wala parin ba si Camille? Anong oras na, ah," "Kanina ko pa nga ho tinatawagan ang cellphone niya pero hindi niya sinasagot," ramdam ni Damon ang inis sa dibdib niya. "Naku, ano na kaya ang nangyari sa batang iyon?" Maging si Aleng Carmen ay nag-aalala na rin para sa anak. "Baka ho marami paring tao sa restaurant
"SIR Damon, this is Myra, a famous designer, at siya ang sinasabi ko sa iyo na nakausap kong pwedeng magtahi ng wedding gown ng bride," nakangiting sabi ng bagong sekretarya ni Damon.Sa isang coffee shop sa Tagaytay sila nakipagkita sa designer na magtatahi ng wedding gown ni Camille.Damon was very excited and he can't wait himself seeing his bride walking on the aisle on the day their wedding. Masyadong nananabik ang puso niya sa araw na iyon."Good afternoon, mr. Monteverde," nakangiti at may paggalang na bati sa kaniya ng designer na si Myra."Have a sit," iminuwestra ni Damon ang kamay niya upang paupuin ang babae sa katapat niyang upuan."Nasabi na sa akin ng secretary mo ang details regarding to your bride, mr. Monteverde. Mula sa waistband nito, at maging favorite color and dream design ng wedding gown na susuutin niya," anito.Tumango-tango naman si Damon. Sinadya niya talagang ipaalam sa sekretarya niya ang det
PAPASIKAT palang ang araw, maagang bumangon sina Camille at Damon at inaya siya ng lalaki na mag-jet ski. Noong una ay ayaw pumayag ni Camille dahil natatakot siya at first time lang niyang makakasakay sa jet ski. Wala pa man pero para nang bumabaliktad ang sikmura niya.Pero sa huli ay napapayag din siya ni Damon na sumakay sila ng jet ski."Don't worry, ako ang bahala sa iyo," nakangiting sabi sa kaniya ni Damon nang mapansin nitong kinakabahan siya.Idinaan nalang niya sa pagngiti ang kaba at ibinigay ang buong tiwala kay Damon.Inalalayan siya nitong sumakay sa jet ski at sinabihang kumapit ng mahigpit sa bewang nito na agad naman niyang sinunod. At mas lalo pang humigpit ang kapit niya sa bewang ni Damon nang magsimula nang humarurot sa dagat ang jet ski.Napakalakas ng tili niya habang binabaybay ng jet ski ang gitna ng karagatan, at halos hindi niya maimulat ang mga mata dahil sa takot niya. Tinatawanan lang naman siya ni
ONE month passed, and because of what had happened, Damon and Camille decided to postpone their wedding. Just three months before the upcoming holiday season, they decided that they would get married next year. Hindi naman na nagpakita sa kanila si Kathleen at hindi nila alam kung saan ito nagtatago ngayong pinaghahanap ito ng mga pulis matapos ng insidenteng iyon. Samantalang si Cedric ay nagawang ipakulong ni Damon, bukod kasi sa pananakit nito kay Kathleen physically ay napatunayan ding isang drug dealer ang lalaki at patong-patong na kaso ang kinahaharap nito ngayon. Balik sa normal ang buhay nila, samantalang hindi na nagtatrabaho si Camille bilang secretary ni Damon dahil isa na siya ngayong ganap na may-ari ng kabubukas palang ulit na Chef's Kusinas. Hindi nga napigilan ni Camille ang sarili niya na mapahagulgol ng iyak nang magharap muli sila ng dating owner ng restaurant. Naging emosyunal masyado ang pagkikita nilang muli at ipinaubaya na