Chapter: Wakas61 years later.... Nakaupo lamang sa kaniyang paboritong upuan ang siyamnapung taong gulang na si Camille. Ang kaniyang puwesto ay naroon sa tabi ng bintana kung saan tanaw ang sunset kung kaya masaya niyang pinapanood ang paglubog ng araw at ang kulay kahel na ulap. Sa kaniyang isip ay ginugunita niya ang nakaraan na may halong tuwa at kirot sa kaniyang puso dahil alam niyang sa alaala na lamang talaga niya maaaring mabalikan ang lahat. Ngayon ay kulu-kulubot na ang balat ni Camille at maputing-maputi na rin ang kaniyang buhok. Hindi na rin niya kayang tumayo ng mag-isa at mahinang-mahina na rin siya kung kaya ang kaniyang maghapon ay umiikot na lamang dito sa loob ng kaniyang kuwarto. At kahit saan niya ibaling ang kanitang paningin ay ang mga pictures nila ni Damon ang nakikita niya, magmula no'ng ikinasal sila hanggang sa tumanda sila. Napangiti si Camille, ang kuwartong ito nila ni Damon ay saksi sa kanilang pag-iibigan. Ang bawat haligi, at ding
Huling Na-update: 2022-02-07
Chapter: Chapter 39 MALUNGKOT ang puso ni Camille habang pinagmamasdan niya ang kulay kahel na ulap at ang napakaganda ngunit makahulugan para sa kaniya na sunset. Isang buwan na ang nakalilipas pero sariwa parin sa kaniyang isipan ang nangyari noon at sa bawat araw na lumilipas ay hindi nawawala sa isip niya ang sanggol na ipinagbuntis niya ngunit hindi naman napagbigyang masilayan ang mundo.Pero sinikap parin niya ang magpakatatag alang-alang sa mga taong mahal niya at lubos din siyang minamahal, lalo na ang anak na si Joana na araw-araw ay pinapasaya siya, at si Damon na oras-oras ay pinaparamdam sa kaniya kung gaano siya nito kamahal.May lungkot sa puso niya dahil sa nangyari kay George, pero dahil sa ginawa nitong kasamaan ay nararapat lang talagang parusa ang sinapit nito. Nalaman din naman nina Camille mula kay Kathleen na si George talaga ang nagpapatay sa lola nito. Hindi makapaniwala si Camille na magagawa iyon ni George kahit sa sariling kadugo nito.
Huling Na-update: 2022-02-07
Chapter: Chapter 38 NABABALOT na ng dugo at sugat ang buong katawan ni Aleng Carmen dahil sa paulit-ulit na bugbog na natatamo nito mula kay Kathleen.Halos pumutok na ang labi nito sa paulit-ulit na sampal, suntok at sapak ng kamay ni Kathleen, at mula roon ay umaagos ang masaganang dugo."Ano, huh, hindi ka parin magmamakaawa sa akin? Hindi ka parin makikiusap na itigil ko na itong pambubugbog ko sa iyo, huh, tanda?" bigla pa niyang dinuraan ang duguang mukha ni Aleng Carmen.Bagamat mahapdi na ang buo niyang katawan dahil sa mga sugat niyang natamo ay nanatili paring matatag ang ekspresyon ni Aleng Carmen. "Patayin mo na lang ako, Kathleen," bakas ang galit sa boses nito."Aww! Too bad ho, Aleng Carmen, kasi nasisiyahan pa akong paglaruan ka, eh. Tsk. Kundi kasi dahil sa anak mong ambisyosa sana masaya ako ngayon sa piling ni Damon. Dapat buhay reyna ako ngayon at hindi ako naghihirap. Sana limpak-limpak ang pera ko ngayon,"Tumawa si Aleng Carm
Huling Na-update: 2022-02-06
Chapter: Chapter 37 MATINDI ang panginginig ng mga kamay at tuhod ni Damon habang hinihintay niya ang bawat patak ng oras. Isa-isa na ring nagdadatingan ang mga bisita nila, ilan sa mga ito ay matatalik pang kaibigan ng kaniyang mga magulang. Now, he's wearing a white suit wedding polo and pants. Walang mapaglagyan ang kaligayahan sa kaniyang puso at hindi na siya makapaghintay na masilayan ang kaniyang bride."Congrats," tinapik ng matandang lalaki ang balikat niya. Ngumiti at nagpasalamat naman si Damon dito.Maya't-maya ang sulyap niya sa relo, hinihiling na sana ay dumating na ang kaniyang bride. Halos lahat na ng mga bisita ay naroon na, maging si Joana na isinabay na ni Shamille at ng anak nito na invited na rin sa kasal nila ay naroon na rin.Ang bride nalang talaga ang hinihintay."Wala pa ba siya?" pang-sampong tanong na yata niya ito sa driver niyang si Peach.Umiling naman si Peach. "Wala pa rin, boss,"Sunod-sunod ang naging pagb
Huling Na-update: 2022-02-06
Chapter: Chapter 36 MASAYANG pumasok si Camille sa restaurant. Magiliw din naman siyang binabati ng mga servers, pagkatapos ay tinutugon din naman niya ng matamis na ngiti ang mga ito.Masaya ang unang pasok ng taon para kay Camille dahil unang beses na nakasama nila si Damon na mag-celebrate ng pasko at bagong taon. Iyon na ang pinakamasayang pasko at bagong taon na dumaan sa kanilang buhay.Ang buong akala rin ni Camille ay magtatampo sa kanila si Joana kapag nasabi na nila dito na buntis siya at magkakaroon na ito ng kapatid, kaya naman nang magtatalon ito sa sobrang tuwa ay natuwa rin ang kaniyang puso.Paulit-ulit ding sinasabi ni Joana na excited na itong maging ate sa magiging kapatid nito, at sa tuwing sasabihin iyon ni Joana sa kanila ay natutuwa siya.Pagkatapos kausapin ni Camille ang server na si Marie ay dumiretso na siya sa manager's office at doon ay nagpahinga siya sa swivel chair. Dahil buntis siya ay bawal siyang ma-stress at mapag
Huling Na-update: 2022-02-06
Chapter: Chapter 35 NAIINIS na pinagsalikop ni Damon ang mga braso niya sa tapat ng dibdib. Maya't-maya ang pagsulyap niya sa suot na relo para bantayan ang oras. 2: 45 am. Naiinis na bumuga siya ng hangin. "Damon hijo," tawag ni Aleng Carmen, nilingon naman niya ang matandang babae. "Nay Carmen, kamusta na ho si Joana?" tanong niya. "Okay naman na siya. Allergy lang naman iyon, dahil sa mga nakain niya kaya siya nagkaroon ng pantal-pantal sa katawan. Pero ngayon, matapos niyang uminom ng gamot ay nawala narin paunti-unti ang pantal ng bata," tugon nito, nakahinga naman na si Damon ng ayos at marahang tumango. "Wala parin ba si Camille? Anong oras na, ah," "Kanina ko pa nga ho tinatawagan ang cellphone niya pero hindi niya sinasagot," ramdam ni Damon ang inis sa dibdib niya. "Naku, ano na kaya ang nangyari sa batang iyon?" Maging si Aleng Carmen ay nag-aalala na rin para sa anak. "Baka ho marami paring tao sa restaurant
Huling Na-update: 2022-02-06