MARIING nakagat ni Camille ang ibabang labi niya habang hinihintay na sagutin ni Damon ang tawag niya.
"Yes?" bumilis ang pagtibok ng ng kaniyang puso at sunod-sunod na lumunok nang sagutin nito ang tawag niya.
"Hello," sinikap niyang huwag mautal saka mahinang tumikhim. "Ano...itatanong ko lang sana kung available parin ba 'yong offer mo sa akin no'ng isang linggo?"
Sandaling natahimik sa kabilang linya. Akala niya ay naputol ang linya pero nang tignan niya ay hindi naman. Sadyang hindi lang agad sumagot ang lalaki. "Hello?"
"I'm sorry. Ano nga ulit 'yong sinabi mo?" ani Damon sa kabilang linya.
She took a deep breath. "Kung available parin ba ang ino-offer mo sa akin no'ng isang linggo?" she bit her lower lip.
Wala lang talaga siyang choice. Ilang restaurant at kumpanya na ang in-apply-an niya pero hindi siya naha-hired. Ayaw naman niyang matengga lang sa bahay at walang pinagkakakitaan dahil iniisip niya ang ina
"TONIGHT?" kunot-noong tanong niya kay George. "Wala ka bang gagawin ngayon at kanina ka pa nandito?"Matamis namang ngumiti ang lalaki. "Hindi ko pa feel magtrabaho ngayon, eh. Gusto pa kitang kausap," anito na may kakaibang kislap pa sa mga mata."Sira. Magagalit ang boss natin kapag nahuli tayo no'n na nagtsitsismisan sa oras ng trabaho," natatawang aniya.Tumawa din naman si George at isinandig nito ang likod sa sandalan ng upuan. "Hayaan mo siyang magalit. So ano, pwede ka ba mamaya? Dinner date lang naman, eh. Ako na ang bahalang maghatid sa iyo sa bahay niyo,""Mm," nag-isip siya ng malalim. "Hindi ko alam kung maaga akong matatapos, George. Maraming pinapatapos sa akin si Damon na trabaho. Baka kapag hindi ko nai-submit sa kaniya iyon mamaya bago mag-hatinggabi ay masermunan nanaman ako no'n,"Nalukot naman ang mukha ni George. "Palagi ka ba niyang napapagalitan?"Umiling siya. "Hindi naman. Minsan lang naman kapa
IPINARADA ni Damon ang sasakyan at nagmamadaling pumasok sa loob ng bar. Nakatanggap siya ng tawag mula sa isa sa mga staff dito at sinasabing narito si Kathleen Ovindo at lasing na lasing na.Tinawagan niya si George at sinabi dito na may emergency siyang aasikasuhin kaya ito na muna ang bahala kina Camille na nasa bahay niya ngayon. Hindi niya kasi alam kung anong oras siya makakabalik."Where is she?" tanong niya sa naroong waiter."Ayun ho s'ya, sir," tinuro ng waiter ang kinaroroonan ni Kathleen. "Kanina pa siya diyan, nakakalimang bote na nga siya ng hard wine, eh,"Damon glanced at Kathleen. Napailing-iling siya saka malalaki ang hakbang na nilapitan ang babae. Lasing na ito pero sige parin sa pagtungga ng alak kaya naman marahas niyang inagaw dito ang bote ng alak."Put*ng*na," she cursed. Nag-angat ito ng tingin sa kaniya, namumungay na rin ang mga mata nito dahil sa kalasingan. "Damon, ikaw pala iyan. Halika, samahan m
Her boss is so annoying very much, at gustuhin man niyang hindi ito kausapin o pansinin ay hindi niya magagawa dahil boss niya ito at empleyado lang siya nito.Kaya kahit naiinis parin siya kay Damon dahil sa pagkampi at paniniwala nito sa kasinungalingan ni Kathleen no'ng isang araw, hindi parin maiiwasang kailangan niyang harapin at kausapin ang lalaki for the sake of her job.Kagaya nalang ngayong araw na ito na araw ng linggo at dapat ay rest day niya. Plinano na niya kagabi na ipapasyal niya si Joana pero hindi iyon matutuloy dahil bigla siyang tinawagan ni Damon. Pinapunta siya nito sa bahay nito dahil may iuutos daw ito sa kaniya."I want you to cook for lunch," nakahalukipkip na sabi ni Damon sa kaniya.Tinaasan naman niya ito ng isang kilay. "Really, boss? Pinapunta mo lang ako dito para paglutuin ng pananghalian mo,"He sweetly smile at her. "May darating akong bisita at tumaon namang hindi makakapunta ang tagaluto ko,
AKALA ni Camille dahil sa nilinaw na niya kay George na hindi niya kayang suklian ang nararamdaman nito para sa kaniya ay titigil na ang binata na gustuhin siya. But hell. Mukhang mas na-challenge pa yata si George sa kaniya at mas lalo pa itong nagpursigi na ipakita sa kaniya na mahal talaga siya nito.Araw-araw kung gumawi sa bahay nila si George para sunduin siya at isabay pagpasok sa Sapphire J-well. Kahit na sinabihan na niya si George na itigil na nito ang ginagawa dahil wala itong aasahan sa kaniya, pero hindi nagpapatinag ang lalaki. Minsan ay naiinis na siya pero nahihiya siyang pagsalitaan ito dahil ayaw niyang ma-offend si George.Kaya naman tinatakasan nalang niya ito, sinasadya niyang mas maagang pumasok sa kumpanya para hindi na siya nito maisabay papasok."Is that your all presentation, ms. Carlejo?" Bumadha ang kaba sa kaniyang mukha dahil sa seryosong tanong na iyon ng kaniyang boss na si Damon.Nandito siya sa confere
MALAKAS na bumuga ng hangin si Camille matapos nilang pabalyang ibagsak si George sa sofa. Pinagtulungan nila ng kaniyang ina na buhatin ang lalaki papasok sa loob ng bahay nila habang hinihintay nilang dumating si Damon. Umaambon na rin kasi at hindi maaatim ni Camille na pabayaan si George sa labas.Hay, kung bakit ba naman kasi naglasing ang lalaki? May problema kaya ito? Ayaw naman niyang isiping siya ang dahilan ng pagpapakalango nito sa alak."Ano ba ang nangyayari sa batang ito at nagpakalasing? 'Di kaya'y broken hearted 'yan," iiling-iling na nameywang si Aleng Carmen."Siguro nga, 'Nay," tugon naman niya, siguro nga ay may problema ito sa girlfriend na modela at nasa ibang bansa. 'Di kaya'y nag-break ito at ang girlfriend. Kung anuman ang problema ni George, hinihiling niya na sana ay maayos iyon ng lalaki."Mommy, nandiyan na po si daddy," sigaw naman ni Joana na kanina pa nakasilip sa bintana magmula nang malaman nitong dara
MATALIM ang mga mata ni Anton habang pinaglalaruan ng daliri niya ang susi ng sasakyan niya at ang isang kamay niya ay nakahawak sa cellphone niya na nasa tenga habang may kausap sa kabilang linya."Ibig mong sabihin ay mayroong anak si Damon sa dati niyang nobya?" Tumango-tango siya habang nakangising demonyo. "Thank you for your information. Magagamit ko rin iyan balang araw." Humalakhak na siya this time. "Sige. Paikutin mo lang ang ulo niyang babae mo, sabihin mo sa kaniya na galingan ang pag-arte para mas maniwala ang Monteverde na iyon. Ako na ang bahala sa anak ni Damon,"Matapos niyang kausapin ang nasa kabilang linya ay ibinaba na ni Anton ang cellphone saka ngingisi-ngising sumimsim ng alak sa hawak na champagne glass.Maya-maya ay tumunog naman ang cellphone ni Anton, ang tauhan naman niya ang tumatawag. "Balita?""Boss Anton, good news, nakakuha na ako ng invitation card para sa anniversary party ng Sapphire J-well," sabi n
NAGSALIN ng wine sa kaniyang mamahaling baso si Damon pagkatapos ay nilaghok niya iyon at saka muling nagsalin ulit. Mag-isa siya ngayon dito sa kaniyang private bar sa mansion niya. Nakakailang tungga na siya ng alak nang dumating naman ang pinsan niyang si George. "Saan ka galing kanina, dude? Bakit hindi kita naabutan sa kumpanya kanina?" ito ang bungad ni George at wala nang paa-paalam na naupo at kumuha ng isa pang baso saka nagsalin agad ng alak at dahan-dahan iyong sinimsim. "Sinamahan ko si Camille kanina, namili kami ng mga damit for Joana," tugon niya at sinalinan muli ang kaniyang baso. "Tsk," singhal naman ni George. Paunti-unti lang nitong iniinom ang alak. "madaya ka, dude. Sinabi ko lang sa iyo na susundan ko sina Camille kanina sa Dangwa bigla ka namang may iniutos sa akin, ayun pala ikaw ang susunod sa kanila sa Dangwa," may bahid ng pagtatampo at inis ang boses ni George. Hindi naman umimik si Damon at mab
NANGINGITI si Camille habang pinapanood niya sina Damon at Joana na masayang nagtatampisaw sa dagat. Parang may kung anong humahaplos sa puso niya habang nakikita niya ang saya sa mga mata ng anak habang ka-bonding nito ang amang si Damon. Ngunit naagaw ang atensyon ni Camille ng may maramdaman siyang mag-vibrate. Nang ibaba niya ang tingin sa mesa kung saan siya nakaupo ay nakita niya ang cellphone ni Damon na umiilaw habang nagba-vibrate. Iniwan pala nito roon ang cellphone nito. Agad namang nabasa ni Camille sa screen niyon ang pangalang Kathleen Ovindo na tumatawag. Sandaling sinulyapan niya muna si Damon, abala parin naman ito sa pakikipagharutan kay Joana kaya naman dinampot niya ang cellphone nito at sinagot ang tawag ni Kathleen. "Hello babe, narito na ako sa resort mo dito sa Florida USA. Nasaan ka ba?" Parang tinambol ang puso niya at hindi makapaniwala sa narinig. Nandito sa Florida USA din si Kathleen? Hindi siy
61 years later.... Nakaupo lamang sa kaniyang paboritong upuan ang siyamnapung taong gulang na si Camille. Ang kaniyang puwesto ay naroon sa tabi ng bintana kung saan tanaw ang sunset kung kaya masaya niyang pinapanood ang paglubog ng araw at ang kulay kahel na ulap. Sa kaniyang isip ay ginugunita niya ang nakaraan na may halong tuwa at kirot sa kaniyang puso dahil alam niyang sa alaala na lamang talaga niya maaaring mabalikan ang lahat. Ngayon ay kulu-kulubot na ang balat ni Camille at maputing-maputi na rin ang kaniyang buhok. Hindi na rin niya kayang tumayo ng mag-isa at mahinang-mahina na rin siya kung kaya ang kaniyang maghapon ay umiikot na lamang dito sa loob ng kaniyang kuwarto. At kahit saan niya ibaling ang kanitang paningin ay ang mga pictures nila ni Damon ang nakikita niya, magmula no'ng ikinasal sila hanggang sa tumanda sila. Napangiti si Camille, ang kuwartong ito nila ni Damon ay saksi sa kanilang pag-iibigan. Ang bawat haligi, at ding
MALUNGKOT ang puso ni Camille habang pinagmamasdan niya ang kulay kahel na ulap at ang napakaganda ngunit makahulugan para sa kaniya na sunset. Isang buwan na ang nakalilipas pero sariwa parin sa kaniyang isipan ang nangyari noon at sa bawat araw na lumilipas ay hindi nawawala sa isip niya ang sanggol na ipinagbuntis niya ngunit hindi naman napagbigyang masilayan ang mundo.Pero sinikap parin niya ang magpakatatag alang-alang sa mga taong mahal niya at lubos din siyang minamahal, lalo na ang anak na si Joana na araw-araw ay pinapasaya siya, at si Damon na oras-oras ay pinaparamdam sa kaniya kung gaano siya nito kamahal.May lungkot sa puso niya dahil sa nangyari kay George, pero dahil sa ginawa nitong kasamaan ay nararapat lang talagang parusa ang sinapit nito. Nalaman din naman nina Camille mula kay Kathleen na si George talaga ang nagpapatay sa lola nito. Hindi makapaniwala si Camille na magagawa iyon ni George kahit sa sariling kadugo nito.
NABABALOT na ng dugo at sugat ang buong katawan ni Aleng Carmen dahil sa paulit-ulit na bugbog na natatamo nito mula kay Kathleen.Halos pumutok na ang labi nito sa paulit-ulit na sampal, suntok at sapak ng kamay ni Kathleen, at mula roon ay umaagos ang masaganang dugo."Ano, huh, hindi ka parin magmamakaawa sa akin? Hindi ka parin makikiusap na itigil ko na itong pambubugbog ko sa iyo, huh, tanda?" bigla pa niyang dinuraan ang duguang mukha ni Aleng Carmen.Bagamat mahapdi na ang buo niyang katawan dahil sa mga sugat niyang natamo ay nanatili paring matatag ang ekspresyon ni Aleng Carmen. "Patayin mo na lang ako, Kathleen," bakas ang galit sa boses nito."Aww! Too bad ho, Aleng Carmen, kasi nasisiyahan pa akong paglaruan ka, eh. Tsk. Kundi kasi dahil sa anak mong ambisyosa sana masaya ako ngayon sa piling ni Damon. Dapat buhay reyna ako ngayon at hindi ako naghihirap. Sana limpak-limpak ang pera ko ngayon,"Tumawa si Aleng Carm
MATINDI ang panginginig ng mga kamay at tuhod ni Damon habang hinihintay niya ang bawat patak ng oras. Isa-isa na ring nagdadatingan ang mga bisita nila, ilan sa mga ito ay matatalik pang kaibigan ng kaniyang mga magulang. Now, he's wearing a white suit wedding polo and pants. Walang mapaglagyan ang kaligayahan sa kaniyang puso at hindi na siya makapaghintay na masilayan ang kaniyang bride."Congrats," tinapik ng matandang lalaki ang balikat niya. Ngumiti at nagpasalamat naman si Damon dito.Maya't-maya ang sulyap niya sa relo, hinihiling na sana ay dumating na ang kaniyang bride. Halos lahat na ng mga bisita ay naroon na, maging si Joana na isinabay na ni Shamille at ng anak nito na invited na rin sa kasal nila ay naroon na rin.Ang bride nalang talaga ang hinihintay."Wala pa ba siya?" pang-sampong tanong na yata niya ito sa driver niyang si Peach.Umiling naman si Peach. "Wala pa rin, boss,"Sunod-sunod ang naging pagb
MASAYANG pumasok si Camille sa restaurant. Magiliw din naman siyang binabati ng mga servers, pagkatapos ay tinutugon din naman niya ng matamis na ngiti ang mga ito.Masaya ang unang pasok ng taon para kay Camille dahil unang beses na nakasama nila si Damon na mag-celebrate ng pasko at bagong taon. Iyon na ang pinakamasayang pasko at bagong taon na dumaan sa kanilang buhay.Ang buong akala rin ni Camille ay magtatampo sa kanila si Joana kapag nasabi na nila dito na buntis siya at magkakaroon na ito ng kapatid, kaya naman nang magtatalon ito sa sobrang tuwa ay natuwa rin ang kaniyang puso.Paulit-ulit ding sinasabi ni Joana na excited na itong maging ate sa magiging kapatid nito, at sa tuwing sasabihin iyon ni Joana sa kanila ay natutuwa siya.Pagkatapos kausapin ni Camille ang server na si Marie ay dumiretso na siya sa manager's office at doon ay nagpahinga siya sa swivel chair. Dahil buntis siya ay bawal siyang ma-stress at mapag
NAIINIS na pinagsalikop ni Damon ang mga braso niya sa tapat ng dibdib. Maya't-maya ang pagsulyap niya sa suot na relo para bantayan ang oras. 2: 45 am. Naiinis na bumuga siya ng hangin. "Damon hijo," tawag ni Aleng Carmen, nilingon naman niya ang matandang babae. "Nay Carmen, kamusta na ho si Joana?" tanong niya. "Okay naman na siya. Allergy lang naman iyon, dahil sa mga nakain niya kaya siya nagkaroon ng pantal-pantal sa katawan. Pero ngayon, matapos niyang uminom ng gamot ay nawala narin paunti-unti ang pantal ng bata," tugon nito, nakahinga naman na si Damon ng ayos at marahang tumango. "Wala parin ba si Camille? Anong oras na, ah," "Kanina ko pa nga ho tinatawagan ang cellphone niya pero hindi niya sinasagot," ramdam ni Damon ang inis sa dibdib niya. "Naku, ano na kaya ang nangyari sa batang iyon?" Maging si Aleng Carmen ay nag-aalala na rin para sa anak. "Baka ho marami paring tao sa restaurant
"SIR Damon, this is Myra, a famous designer, at siya ang sinasabi ko sa iyo na nakausap kong pwedeng magtahi ng wedding gown ng bride," nakangiting sabi ng bagong sekretarya ni Damon.Sa isang coffee shop sa Tagaytay sila nakipagkita sa designer na magtatahi ng wedding gown ni Camille.Damon was very excited and he can't wait himself seeing his bride walking on the aisle on the day their wedding. Masyadong nananabik ang puso niya sa araw na iyon."Good afternoon, mr. Monteverde," nakangiti at may paggalang na bati sa kaniya ng designer na si Myra."Have a sit," iminuwestra ni Damon ang kamay niya upang paupuin ang babae sa katapat niyang upuan."Nasabi na sa akin ng secretary mo ang details regarding to your bride, mr. Monteverde. Mula sa waistband nito, at maging favorite color and dream design ng wedding gown na susuutin niya," anito.Tumango-tango naman si Damon. Sinadya niya talagang ipaalam sa sekretarya niya ang det
PAPASIKAT palang ang araw, maagang bumangon sina Camille at Damon at inaya siya ng lalaki na mag-jet ski. Noong una ay ayaw pumayag ni Camille dahil natatakot siya at first time lang niyang makakasakay sa jet ski. Wala pa man pero para nang bumabaliktad ang sikmura niya.Pero sa huli ay napapayag din siya ni Damon na sumakay sila ng jet ski."Don't worry, ako ang bahala sa iyo," nakangiting sabi sa kaniya ni Damon nang mapansin nitong kinakabahan siya.Idinaan nalang niya sa pagngiti ang kaba at ibinigay ang buong tiwala kay Damon.Inalalayan siya nitong sumakay sa jet ski at sinabihang kumapit ng mahigpit sa bewang nito na agad naman niyang sinunod. At mas lalo pang humigpit ang kapit niya sa bewang ni Damon nang magsimula nang humarurot sa dagat ang jet ski.Napakalakas ng tili niya habang binabaybay ng jet ski ang gitna ng karagatan, at halos hindi niya maimulat ang mga mata dahil sa takot niya. Tinatawanan lang naman siya ni
ONE month passed, and because of what had happened, Damon and Camille decided to postpone their wedding. Just three months before the upcoming holiday season, they decided that they would get married next year. Hindi naman na nagpakita sa kanila si Kathleen at hindi nila alam kung saan ito nagtatago ngayong pinaghahanap ito ng mga pulis matapos ng insidenteng iyon. Samantalang si Cedric ay nagawang ipakulong ni Damon, bukod kasi sa pananakit nito kay Kathleen physically ay napatunayan ding isang drug dealer ang lalaki at patong-patong na kaso ang kinahaharap nito ngayon. Balik sa normal ang buhay nila, samantalang hindi na nagtatrabaho si Camille bilang secretary ni Damon dahil isa na siya ngayong ganap na may-ari ng kabubukas palang ulit na Chef's Kusinas. Hindi nga napigilan ni Camille ang sarili niya na mapahagulgol ng iyak nang magharap muli sila ng dating owner ng restaurant. Naging emosyunal masyado ang pagkikita nilang muli at ipinaubaya na