"Grey," pag-uulit ko nang tawag sa kanya. The man in front of me just looked at me...pissed.
"Is this your way of greeting your new neighbor?" I teased him kahit alam ko na hindi siya natutuwa.
Grey is my long time crush and childhood friend. Nang malaman ko na lumipat siya sa Condo, agad akong nag-pabili sa parents ko. Hindi lang basta Condo, Condo na katabi mismo ng unit n'ya.
Dahil hindi lihim ang pagkagusto ko sa kaniya, alam ko na may ideya na agad siya kung bakit ako nandito.
"What the fuck are you doing here, Peyn?" he finally said, eyebrows almost touching because of so much irritation. Well...he's not that mad, right? He called me by the nickname he gave me when we were a child!
Sa tagal na namin na magkakilala, alam ko na galit siya talaga kapag tinatawag n'ya ako sa tunay kong pangalan. He rarely calls me by my true name, though.
"I also wanted to move out and be independent...like you," palusot ko kahit alam kong alam niya kung bakit. Gusto niya lang talaga na makumpirma sa akin.
"Be independent? You thought buying a unit beside mine is being independent? Really?"
Hindi agad ako nakasagot. Kinagat ko ang labi ko at hindi na tumingin sa kanya. Okay? How do I respond to that?
"Why did you follow me here?" Humakbang siya palapit, alam na agad na guilty ako at tiklop sa kanya.
"W-what? It's just a coincidence! I told Mom that I wanted a condominium, so she bought me one. Hindi ko naman alam na katabi pala ng unit mo yung binili niya." I ran out of words to say. Kahit alam ko na alam niya, pinilit ko pa rin ang magdahilan. I have to keep the conversation going!
Kahit anong makukuha ko kay Grey, kukunin ko. Bad reactions are still interaction!
"Isn't this great? We're neighbors!" I said in a high-pitched voice. Halata na tinatawid ko lang ang mga palusot ko sa kanya.
Grey looked at me for about a minute or so. Nang mapagtanto n'ya na hindi ako aamin, hindi na siya sumagot. What?! Suko ka na agad? C'mon, talk to me!
Suminghap lang siya bago tumalikod sa akin. He went to his door and opened it without inviting me in.
"Grey!" I called him para sana sumama sa kanya sa loob. He looked at me, annoyed, so I backed off.
"Wala! Wala! See you soon, neighbor!" I smiled, assuring him that it's fine if he don't invite me in. Sa sobrang awkward ay ikinumpas ko pa ang kamay ko para magpatuloy siya sa pagpasok.
Pabagsak niyang isinarado ang pinto. I smiled, not because of what happened, but because I'm living next to him!
I am not usually this aggressive, pero nang nalaman ko na lilipat siya, lumipat din ako. I know it's wrong but who cares? Mom and Dad didn't protest at my decision, kahit pa alam nila kung bakit ako nandito.
I went overboard this time, afraid that he'll find someone kapag hinayaan ko siya na mapalayo.
Dahil gabi na at hindi pa ako naghahapunan, I decided to eat at a fastfood chain nearby. Pinili ko ang kumain mag-isa sa sulok, medyo nahihiya dahil mag-isa lang akong kakain.
I know I'm so stupid to move out of our house without even thinking of the consequences. I didn't even know how to cook!
Speaking of cooking, kumain na kaya si Grey?
It's 7 pm already. Ang alam ko, ganitong oras sila nagdi-dinner nina Tita Sam.
After two minutes of battling whether to ask him or not, I picked up my phone to text him.
Me: Kumain ka na?
Should I take out some foods for him? Tatanggapin niya kaya?
Natapos na ako sa pagkain ay hindi pa rin nagre-reply si Grey. I opened my iMessage and saw that he already read my text. Sungit. Seen lang ako? Really?
Me: I'll order some foods for you. Kainin mo ha. :)
I texted him again kahit alam ko na hindi n'ya ako re-replayan. He's always like that, anyway. Bihira lang mag-reply sa texts ko. I sighed. Bahala na! Kung hindi niya tatanggapin, puwede ko pa naman siguro kainin 'to bukas.
After ordering some foods for Grey, bumalik na ako agad sa condo.
I knocked on his unit, a big smile plastering on my stupid face. Bumukas naman kaagad ang pinto at bumungad agad sa akin ang supladong mukha ni Grey.
He's wearing a white shirt and gray cotton shorts, medyo magulo ang buhok at naniningkit ang mga mata na nakatingin sa'kin.
"I bought you foods! Dinner?" I happily said, proud of what I did.
"Thanks," tipid lang na sagot n'ya pagkatapos kunin ang dala ko.
I tried to take a peek at his unit. I wanted to go inside! Ano kaya ang itsura nang unit niya? Kahapon lang siya lumipat. Tapos na kaya siya sa pag-aayos?
A minute had passed, nakatayo pa rin ako sa harap ng pinto, naghihintay na papasukin n'ya.
"I said thanks already," masungit at supladong sagot niya.
"You're welcome!" Abot langit ang ngiti, hindi pa rin ako umaalis. Parang nakuha ni Grey ang gusto kong mangyari nang irapan n'ya ako.
"Fine. Come on in." Niluwagan n'ya ang pagkaka-bukas ng pintuan para makapasok ako.
I secretly smiled bago agad na inilibot ang mga mata sa kabuuan ng unit n'ya. Spacious ang unit. May isang bedroom, isang common bathroom,kulay puti ang paint ng walls, malinis at may kalakihan na kitchen, dining table na para sa tatlong tao at isang couch. Halatang kakalipat n'ya pa lang dahil hindi pa ganoon karami ang gamit, tanging mga basic needs lang. Walang masyadong decoration at may mga naka-box pa na gamit sa sulok.
"Do you need some help? I can help you with the decorations," I offered him kahit hindi ako sigurado kung balak n'ya ba na maglagay 'non. Nakasunod ako sa kanya nang magpunta siya sa dining area. Binuksan n'ya ang paper bag at isa-isang nilabas ang mga pagkain.
"Why? Maayos na ang unit mo?"
"Hindi pa," medyo napahiyang sagot ko. Silly me. Why would I help him when I am not even finish with mine?
"Then I don't need your help," he said with finality. Tumango lang ako kahit hindi niya nakikita.
Pinanood ko siya habang binubuksan ang mga pagkain na binili ko. So, hindi pa nga siya kumakain? I smiled, knowing that I did great at buying him food. See? May silbi ako sa'yo.
Naagaw ko ang atensyon ni Grey nang galawin ko ang upuan sa harap n'ya. Unti-unting kumunot ang noo nang titigan ako habang prenteng naka-upo sa kanyang harapan.
"Saan ka kumain? Dine-in?"
Nalilito akong tumango, clueless kung bakit niya tinatanong.
"Wearing that?" He pointed his finger at my chest. Napatingin din ako doon at na-realize na ang suot ko ang tinutukoy n'ya.
I'm wearing a black spaghetti top. Kahit kulay itim ang suot ay nahalata pa rin na wala akong suot na bra sa loob.
I sheepishly smiled at him.
"Wala naman nakapansin. Wala naman tumitingin sa'kin," I reasoned out kahit baluktot na naman.
Grey laughed without humor.
"You think so?"
"Y-yeah," tipid na sagot ko dahil medyo nahihiya at nainsulto sa pagtawa n'ya.
"It's kinda normal to go out without wearing a bra. International models do that. It's no big deal."
"Are you a supermodel, then?" He teased, dahilan kung bakit ako agad pinamulahan nang mukha.
"No," mahina ang boses na sagot ko. Napalunok ako at ini-urong ang upuan, ready to leave.
"Uwi na muna ako?" Hindi sinasadya na patanong kong ipaalam sa kanya ang pag-alis ko. Lalo lang tuloy akong napahiya nang tumawa ulit s'ya. This time, I know his laugh is not intentional.
"Okay?" sagot niya, sinasadya na patanong din.
"Seriously, uuwi na ako." I said with finality, hindi na kayang magtagal pa. Maybe I'll try again tomorrow? Marami pa naman akong oras para magpapansin sa kanya, lalo pa ngayon na magkatabi lang kami ng unit.
"Well, okay."
Hindi na ako sumagot, dumiretso na agad ako sa front door at dali-daling lumabas.
Stupid me! Sa kapal ng mukha ko, ngayon pa talaga ako nahiya? Kung kailan nakapasok na ako sa condo n'ya!
Padabog akong pumasok sa unit ko, hindi matanggap na pagkakataon ko na sana 'yon para makasama siya nang medyo matagal. Kung kailan naman ako pinapasok at pinansin, tsaka pa ako mag-iinarte.
Ayos lang naman na mapahiya, Elle. Mas marami ka pang nakakahiyang ginawa sa harapan ni Grey! Jusmiyo!
Ano bang nakakahiya doon? He just pointed out that I am not wearing a bra! But he laughed without humor, parang nang-iinsulto?
Napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang inis. Ang tanga ko naman, sayang din 'yon!
I wonder kung makakapasok pa ulit ako sa unit n'ya?
Naging abala ako kinabukasan dahil sa pag-aayos ng unit ko. Dumating na kasi ang mga inorder kong appliances, at dahil wala naman akong pasok, inayos ko na kaagad.
Pareho kaming graduating ni Grey. Different course but same school. He took Business Administration while I took Bachelor of Arts in Communication. Close din ang parents namin dahil magkapit-bahay lang kami. Iisa kami ng Village at dahil deds na deds ako kay Grey, palagi akong nakasunod sa kanya.
The reason why we were in a same school and now, in a same condo tower.
Hapon na nang matapos ako sa pag-aayos ng buong unit. I decided to eat outside again. I should learn how to cook, seriously. I'm also thinking of doing my groceries later but I'm too tired.
Pabalik na ako sa condo tower nang makita ko si Grey. Naglalakad siya papasok sa building, may dalawang kasama. Isang lalaki at isang babae. I figured it's his blockmates.
May dala kasi silang bags and folders. The other one looks familiar though. Binilisan ko ang lakad ko hanggang maabutan ko sila.
"Grey!" I called him at kahit hindi na ako lingunin, alam kong alam niya na ako ang tumawag sa kanya.
Naunang lumingon ang dalawa niyang kasama. I saw Brent, yung bestfriend ni Grey simula first year college.
"Brent! Hi!" I excitedly ran towards him.
"El! What are you doing here? Are you here to visit Grey?" Makahulugan na tanong n'ya. Brent knows me and my "Grey antics". He's never a fan of my obsession with Grey but he is still kind and friendly, though.
Nakilala ko si Brent dahil palagi siyang pumupunta sa bahay nina Grey. At dahil lagi akong nakabuntot kapag may pagkakataon, halos araw-araw ako sa bahay nila.
"Let's go," pagyaya ni Grey doon sa kasama nilang babae. Nagpatuloy sila sa paglalakad at naiwan kami nang bahagya ni Brent.
"Who's that girl?" I curiously asked. I raised an eyebrow when I saw the girl laughing and slightly touching Grey's arm. I can't see Grey's reaction, though. Nakatalikod ito samantalang ang kasama niya ay nakatagilid.
"Oh. That's Steffi, ka-group namin." Nanatili pa rin ang tingin ko sa dalawa habang nakasunod kami ni Brent sa kanila.
"Pft. You look like you're ready to murder Stef."
"I am not!"
"Well, quit looking at her like that! It really looks like you're planning something bad to her, El."
Something bad? That's insulting! I am not that stupid to strangle someone just because I don't like them being around with the one I like!
Inis kong hinarap si Brent. Kahit alam n'ya na napipikon na ako ay nakangiti pa rin siya, halatang nae-entertain pa lalo sa reaksyon ko.
"What? Now you're planning to murder me, too?" Ikinunot ko lalo ang noo ko at sinimangutan si Brent.
Tumawa siya sa reaksyon ko bago tinakpan ang mukha ko nang kamay niya.
"Brent!" I cried in a muffled voice.
"Sasakay ba kayo ng elevator o magha-harutan lang diyan?" Napatigil kami at napaharap kay Grey. His annoyed expression is very evident while still holding the elevator button.
Nauna akong pumasok, pilit iniiwan ang siraulong si Brent. Itutulak ko sana siya palayo sa elevator kaya lang ay masyado nang naiinip at napipikon sa amin si Grey.
I don't know Steffi's reaction, though. I didn't put an effort to look at her.
"You still have that same look on your face, Elle." Brent teased me, hindi pa rin natitigil sa mga kalokohan niya.
Hindi ko na pinatulan pa ang pang-aasar ni Brent. Pumwesto ako sa pinaka-likod, dumi-distansya sa kanilang tatlo.
"Why are you here, anyway?" Brent asked me curiously.
"I own a unit here," I simply said so Brent can now shut his mouth.
"Yayamanin!"
"Shut up, Brent." Maarte kong sagot, iniisip kung bakit ko pa hinabol si Grey kanina. Kung alam ko lang na si Brent ang kasama niya, siguro sana nag-grocery na lang ako.
Nakatitig ako sa likod ni Grey at hindi na pinapansin ang pabulong-bulong na kaibigan niya dito sa tabi ko. Tahimik lang si Grey at 'yung si Steffi hanggang sa mapunta na kami sa tamang palapag nang elevator.
I stared at them like a hawk. Naunang lumabas si Grey, kasunod siya. Nanliit ang mga mata ko nang makita kung paano humawak si Steffi sa dulo nang t-shirt ni Grey, pinipigilan sa mabilis na paglakad nito.
Dahil sa ginawa ni Steffi, binagalan ni Grey ang paglalakad niya. Idinistansya ko ang sarili ko sa dalawa, takot na may hindi magandang marinig sa pinag-uusapan nila.
"They're just friends," muntik na akong mapahawak sa d****b dahil sa gulat nang biglang magsalita si Brent.
"How are you so sure?" Supladang sagot ko sa kanya, nabigyan nang kaunting pag-asa dahil sa sinabi niya.
They're friends. I'm still jealous, though. My relationship with Grey is not that even close to call it friendship. I am just his childhood-annoying-neighbor-slash-admirer.
"Well, I've never seen Grey act extra different with girls. He treats girls just how he treats us. Platonic."
"Then why is he acting like a gentleman? If it were me, baka hindi siya magbabagal nang lakad, kahit kuwelyo niya pa ang hawakan ko."
Brent just laughed at me. Aba! Seryoso ako dito, oh.
"I don't know. Steffi likes him, I know you know. But I don't think Grey likes her. Or any other girl..." Brent looked at me longer, parang pinaparating na kahit sa akin ay walang gusto si Grey.
"I liked him first. Sabihin mo sa kaibigan mo pumila sya ha!"
Tumawa si Brent nang malakas, halos marinig na sa buong hallway. Gusto ko sana na takpan ang bibig niya o busalan. Anong tingin nito sakin...clown?
"Do you want to go inside and start doing our projects or not?" Grey snapped at Brent. Agad natigil sa pagtawa si Brent at nawalan nang kulay ang mukha.
Ha! Takot ka pala kay Grey, eh!
Naghihintay naman si Steffi na buksan ni Grey ang pintuan niya, mukhang naiinip na din dahil nagtagal pala kami ni Brent.
"Sorry. Let's go?" sagot ni Brent na seryoso na. Dapat lang! Mahiya siya sa mga ka-group niya!
Nanonood lang ako sa kanila habang binubuksan ni Grey ang front door niya.
"Sama ka?" bulong ni Brent, niyayaya ako sa loob. Kulang nalang ay pumalakpak ako nang yakagin niya ako.
May mabuti rin pa lang dulot ang pagiging close ko sa isang 'to!
I excitedly nodded at Brent while smiling from ear to ear. Yes! Kasama ako!
"She's not coming," masungit na sagot ni Grey.
Buong gabi akong nagmukmok dahil hindi ako pinayagan ni Grey na pumasok sa unit niya.Naiisip ko pa lang na kasama niya yung Steffi, hindi na agad ako natutuwa. That girl is doing everything to get in his pants! The way she stares at Grey makes me wanna puke.Gumagawa pa nang paraan para lang mahawakan si Grey! How can she do that?I can't even hold the tip of Grey's fingers! Siya pa kaya na nakakakapit sa braso?Kinabukasan, tamad akong pumasok sa University. Hindi ko alam ang schedule ni Grey pero siguro ay nandito na rin 'yon. Hindi naman gaanong magkalayo ang College Department namin kaya malaki ang chance ko na makita siya."Elle!" My friend, Carl, shouted. Malayo pa lang ay tinawag na ako."Sama ka mamaya samin ni Kara? Fifth District?" Bungad agad nang kaibigan ko, nagyayakag mag-bar,agang-aga."Ayoko," tanggi k
Why do I care?Hindi agad ako nakasagot. Tulala pa rin ako hanggang sa pumasok na lang si Grey sa unit niya.Sungit naman 'non. Bawal magtanong?Hanggang sa kama ay iniisip ko pa rin kung ano na naman ang problema sa'kin ni Grey. Kaya lang, dahil busy din ako sa group projects ay hindi ko na lang masyadong pinagtuunan nang pansin.Buong linggo akong umaalis para sa mga group works. Uuwi lang ako ng unit ko para kumain at matulog, tapos ay papasok ulit or a-attend ng meetings.Ngayon lang ako nabakante sa mga gawain kaya naman ay nandito ako sa harap ng pintuan niya, ringing his doorbell."What?" masungit na bungad niya sa akin, magulo ang buhok at mukhang kakagaling lang sa higa."Pwede pumasok?""Bawal.""C'mon! Isang linggo akong hindi nagpakita sa'yo. Will you please let me in?" I showed him my p
Grey and I went home on Sunday. Dahil sa sobrang buntot ko sa kanya, sumasabay ako sa tuwing umuuwi siya sa amin. Luckily, hinahayaan niya lang ako.Maybe he got used to me being an annoying, clingy, and pushy friend. A little progress, huh.“You look happy, hija,” my mom noticed. “Are you taking care of yourself?”“Yes, Mom. Where's dad?”“Emergency meeting,” she simply said. “How's Grey, by the way?” Ikinunot ko ang noo ko sa tanong ni Mommy.“He's doing good. Bakit po?”“Oh. It's because I heard from your Tita Sam that Grey's not really doing well in class. His dad is pretty mad. You know how obsessed they are in pushing him to graduate with latin honors.”That's true. Tita Sam and Tito Geoff wants him to strive really well in class because Grey will be
I slammed my bedroom's door as soon as I get home. I didn't even budge removing my make up and changing my clothes.I cried. I cried so hard, feeling all those sadness and embarrassment that happened earlier. Grey's opinion cuts deeper than those people's judgement. His words keeps on repeating inside my head.And then I realized that amidst all of these, Grey's opinion will always affect me the most.I tried to act normal, the next day. Today is Friday, and we have the weekends all to ourselves. Kaya naman, nagpasya sina Kara at Carl na magpunta ulit sa malapit na bar. Hindi na ako nag-react o nagpapilit. I owe them my time for today since they've been dealing with my sh*t for the whole week.I changed my clothes and wore heavy make-up. It's dark inside the club and light make-up will be unnoticed. Sayang lang. I also made my curly, long hair, into a bun. Wearing my black stilletos, whit
The next few days were hell. Kung kailan ayaw ko na magtapo ang landas namin ni Grey, doon ko naman siya laging nakikita. The cold breeze outside our gate, and Grey's stare, sent shivers down my spine. Nandito ako ngayon para bisitahin ang parents ko, at ganoon din yata si Grey. Saglit lang ako na tumingin sa kanya, pagkatapos ay nagmamadali nang pumasok sa loob. Mom and Dad looked at my startled reaction. "Ngayon pala ang punta mo? Bakit hindi ka man lang nagtext?" Daddy asks, gulat na bigla na lang akong sumulpot dito. "Bakit bihis na bihis kayo? Magdi-dinner date ba kayo? Sama ako!" tumihim si Mommy bago ako mataman na tinignan."It's Sam's birthday today, don't you remember, hija?" Sam? Tita Sam? Grey's mother? "Oh. Enjoy! Tell Tita I said happy birthday!" I awkwardly made my way, going inside our house. Natigilan lang ako sa paglalakad nang hilahin ni Mommy sa
''What now?'' I asked Grey, angrily, dalawang araw matapos ang pagkikita namin nina Brent sa harap nang unit ko.Nandito siya ngayon sa harap ko, sa Cafeteria, habang kumakain ako nang snack. Kami lang dalawa ang nandito dahil hindi sumama sakin sina Kara. Nagsa-submit na sila nang papers para sa company na in-applyan nila para sa OJT namin.''I just wanted to eat,'' he said nonchalantly.''Bakit dito ka pa sa table ko kumakain? Ang dami namang bakanteng table!'' I dramatically looked around, emphasizing the vacant seats around the room.''Is it bawal? You don't own this table. I don't see your name carved anywhere here,'' he said, arching one of his eyebrows. Mas lalo tuloy na nadepina ang kanyang makapal na kilay, making him looked more mysterious and handsome.Sandali ako na napatingin sa kanya, naibalik lang ako sa wisyo ko noong umismid siya sa akin, nahuli ang pagtitig ko.
Na-guilty naman ako. Agad na lumabot ang puso ko sa simpleng "sorry" ni Grey. Ganoon na lang yon, Peyn? Isang sorry lang ay titiklop ka na? Ang kaninang malambot na ekspresyon ay napalitan agad nang lungkot, pagkatapos ay inis sa sarili, at galit. Kung ganito ako lagi kalambot kay Grey, ako lang ang kawawa sa huli. I wanted to be firm at my decisions. If I wanna be mad at him to totally forget him, I have to be as hard as rock. "I'm sorry. What I said the past few days were out of line. I should've considered your feelings," he continued, his eyes almost captivated me. Faith must be testing if I could resist his charm, dahil sa paningin ko ngayon, lalong gumwapo si Grey. The way he looked down when he said he's sorry, lalong nadepina ang mahahaba niyang pilik-mata. His eyes, among all his features, is what I like the most. It's almost hypnotizing, yung mapapa-oo ka sa lahat nang sasabih
"Wala ka bang pinagtanungan, hija? Kung hindi ka sigurado, sana tinanong mo kina Rebecca o Paul, hindi yung binabasta mo na," malumanay pero may diin na sabi sa akin ni Ms. Tanya, isang umaga pagka-pasok ko sa Office.I made a mistake with the files yesterday, probably because of the exhaustion. Uwian na kasi noon kaya nag-madali na ako. It was my mistake. Hindi ko kasi tinanong sina Ma'am Rebecca dahil mukhang naghahabol din sila sa uwian. Lahat kami ay ayaw mag-overtime."Paano na 'to? Tambak ang gawain ngayon tapos may backlogs ka pa?""I'll make sure to finish all my duties, Ma'am. I'm sorry," mataman akong tinitigan ni Ms. Tanya, pagkatapos ay malalim na bumuntong-hininga, suko dahil wala naman siyang magagawa."Oh, sige. Magsimula ka na."I breathe deeply pagkatapos ay nagsimula na sa mga urgent files na kailangan. I'll just do my backlogs at lunch. Kaya naman siguro iyong
Mar. 7, 202xPeyn,How are you? I hope you’re doing good. I’m sorry. I bet you’re crying reading this. I’m sorry, I made you cry again. How many days has it been since I left? Or is it weeks now? Don’t cry, please. Just imagine that I went on a vacation and we’ll see each other soon. Dang. I don’t know if I’m still making sense. I really don’t know how to ease your pain. I wanted to hug you. I didn’t know if I still need to blab now knowing that this is all making you cry. I love you, Peyn. Please continue living your life. Please do it for me. Please.Grey————————————————————————————Mar 18, 202xPeyn,How’s life? I hope it’s not giving you a hard time, this time. I hope everyone’s doing good. Can you do me a favor? Please greet my mom a happy birthday for me. I prepared a gift for her under my bed. I made Nurse Jade prepare this little surprise. (I know, I just couldn’t do anything but be a bother to her.) There’s a lit
"Bakit ba para kang mawawala? Can you stop it? We'll surpass this. Magpalakas ka kaagad so we can proceed with your therapy. You'd see my face all over again hanggang sa magsawa ka na," panenermon ko pa sa kaniya."Why can't you say you love me back?" reklamo niya na dahil kanina ko pa iyon hindi sinasagot."Why can't you stop sounding like you'd leave me?""Are we fighting now?" litong tanong niya na. Tumawa naman ako kaagad at nawala na ang kaba."You sound like you really want to fight me," I said suppressing another laugh."No. You just sounded mad.""I am not. You just assume I'm mad.""I love you. Please, say it back," bulong niya na naman, hindi na ako tinigilan doon.Yumuko ako para magkalapit kami, pagkatapos ay idinampi ang labi sa kaniya."I love you too, Grey," I wh
I wish I could go back in time... "What do you mean cancel? Cancelled again?" iritadong tanong na ni Tita Sam sa kausap na doktor. "How many times have you cancelled on this procedure? Twice?" "I'm sorry, Mrs. Lopez. Right now, it is very risky to proceed with the therapy. Hindi pa rin kaya ng katawan ng patient. If we continue, we might risk his life. I don't want to do it if I know there is a little chance of survival. I hope you understand." "Understand? Naka-ilang intindi na ba ako? Dalawang beses niyo nang hindi itinuloy? And what will happen now? Wait for another week? Another month? Kailan pa? My son is almost dying!" Tita Sam argued, totally losing it now. Nahuli ko naman ang paghawak ni Tito Geoff sa siko ni Tita, pinipigilan ito. "Calm down, honey," alu niya pa sa asawa. "Kaya mo pa bang kumalma? Tign
"I'm sorry, anak. Mahal na mahal ka ni mommy," I can hear Tita Sam's shaky voice from here.Nandito ako sa labas ng private room ni Grey, hinihintay lang na makatulog siya para makapasok na ako."It hurts everywhere, Mom.""I'm so sorry, anak," Tita Sam's voice broke. "I'm so sorry. Mommy can't do anything. I'm so sorry.""It hurts.""A-anak, palakas ka na. I promise I won't bother you anymore about our company," Tito Geoff finally spoke. "I promise to be a better father. Basta magpalakas ka, anak ko."I can hear Grey's mumbles but I couldn't understand it clearly. His voice is very weak. Dahan-dahan kong isinara ang siwang ng pintuan, pagkatapos ay pinili na lumayo muna.I'll just wait for Tita Sam's text before going back. I went straight ahead the Hospital's cafeteria, only to find my friends there, silently
"Peyn!"I heard a loud bang on my door. Someone's knocking. Ipinikit ko ang mga mata ko, walang balak na tumayo para pagbuksan sila ng pinto.My friends are outside my room, and I know why. Halos dalawang araw na akong hindi lumalabas. I skipped work and I don't even visit the hospital since that night.Grey.I closed my eyes firmly, tears threatening to fall."Peyn! Buksan mo 'to!" Kara's voice echoed."Your parents are worried. Open up, please," Calum added.Ayoko. I just wanted to lay here. My body felt numb. I just feel so tired. My whole life is tiring."Hoy, Peyn! Huwag ka nga mag-aksaya ng panahon sa pagmumukmok! Bumangon ka diyan at ayusin mo ang sarili mo!" Carl shouted. "Ganito ka na lang ba? Itatapon mo na rin ba ang buhay mo at wala kang
It was dark when I went inside Grey’s room. I covered for his parents every night. Tuwing gabi lang dahil ito lang ang oras na hindi niya ako sisinghalan o papaalisin. It’s funny how I’m sneaking in just to be with him. Just to see him this close.Mahimbing ang tulog ni Grey noong makalaput ako. Kapansin-pansin ang mahahabang pilik-mata niya at matangos na ilong. I had been mesmerized by his features since I was a child. Hanggang ngayon. Kahit pa maputla na siya at namayat, I am still in awe of how handsome he is.I carefully watch him, afraid that I’ll wake him up. I’m just glad that he looks so peaceful and in deep sleep tonight. Malaya akong makakatingin.Inayos ko ang kumot niya at pinatakan siya ng malambot na h*lik sa labi. Ipinadausos ko rin ang kamay ko sa malambot niyang buhok at sinuklay ito gamit ang kamay ko. I heard him grunt and that scared the sh*t out of me. Agad kong itinigi
"Get out," Grey dismissively said.As soon as I was done working, I went straight here to check on him. Wala sina Tita at nagprisinta naman ako na magcover muna sa kanila. This has been my daily routine anyway.Hindi pa nga lang ako nakakapaglapag ng pagkain ay pinapaalis niya na kaagad ako. Pero kahit ganoon, nagtuloy-tuloy pa rin ako na parang walang naririnig.Pagod na kaming lahat, pero alam ko na mas doble ang pagod ni Grey."Get out, Peyn. Don't make me repeat myself again.""After you eat, aalis ulit ako kaagad. I promise," wala sa loob na sagot ko na lang, malapit nang masanay sa paulit-ulit na pagtataboy niya.Kaya lang, hindi katulad noong nakaraan na kumakain siya para makaalis na ako, ngayon ay matigas talaga ang ulo niya at mukhang walang balak na kumain.Nangangawit na ang kamay ko pero hindi niya ito
Grey's condition worsened after that day. We had to admit him to a hospital because he keeps on getting a fever and chills. I stood by his side, never leaving him.Hindi na rin ako pumapasok sa trabaho dahil ayoko na mawala sa paningin niya. Nakakapanlumo. Seeing him in a hospital bed makes me wanna go mad, at everything... at everyone.I can't fully accept that of all the people, why him? As selfish as it may sound, why him? Bakit iyong tao pa na mahal ko? Bakit si Grey pa?Is my life not entertaining enough that it had to do some twist on it? Just to make me feel like "living" the world? Dahil ba love life lang ang problema ko sa buhay, kailangan mangyari ito?I wanna laugh at myself right now. This is all about Grey now. Why would I think about myself? About how this all made me feel? This is not about my f*cking self anymore!"I can't
I cried hard that night to a point where I had to leave my unit. I can't face Grey. I can't let him watch me cry because I know that's the least thing he could handle, he got a lot on his plate right now.I wanted to show him we could handle everything and that we could surpass this... pero paano? Gayong ako mismo ay hindi alam kung kaya ba namin... kung kaya ko ba? I don't think I can handle seeing him in so much pain. I don't think I have the strength to face him and tell him that this is all gonna be okay.This is far from okay.Of all the people... why Grey?Mugto ang mga mata ko noong bumalik sa loob, dis oras na ng gabi. I stayed in our Condo Tower's study room. Para akong tanga doon na tahimik na umiiyak sa isang sulok.Kahit noong makabalik ay hindi ko siya kayang harapin. But I took up all the courage I have and then entered my room, only to find him