Share

Kabanata 2

Author: aeliag_
last update Huling Na-update: 2022-09-20 10:29:44

Puting Orkids

"Sir, pakiusap po. Pakawalan niyo na po si Ina, wala po siyang ginagawang masama." sabi ko nang halos mag magmakaawa na sa pulis na nasa aking harapan.

Dinala nila si Ina sa presinto at ngayo'y nasa loob na siya ng selda! Hindi ko alam bakit ganito ang trato nila, wala naman siyang ginagawang masama!

"Neng, umuwi ka muna. Hindi pa pwedeng pakawalan ang nanay mo. Bukas pa ng umaga." sabi niya habang may sinusulat sa log book.

Ilan pagmamakaawa pa ang ginawa ko pero parang wala silang nakikita o naririnig. Hindi ko alam pa'no nila naaatim damputin ang mga taong hindi naman nagkasala.

Sa huli, wala paring nagawa ang pag sasayang ko ng laway. Hindi parin nila pinalaya si Ina, bagkus ay binagyan lang ako ng ilang minuto upang bisitahin siya.

"Ina..." kalunos-lunos ang kalagayan niya. Natuyo na ang nagdudugong sugat niya kanina. Bitak bitak ang labi sa sobrang tuyo nito, pagod na tsokolateng mga mata, nanginginig na katawan, pilit na hinahapit ang balabal na lila, para bang mapapawi nito ang ginaw na nararamdaman.

Nakaupo siya sa gilid ng selda. Malamlam na nakatingin sa akin. Kahit nahihirapan ay sinubukan niyang ngumiti na para bang ayos lang ang lahat.

"Ina..." naluluha akong lumuhod sa tabi niya. Inabot ang nangungulubot niyang kamay. Kahit malamig ito ay ramdam ko ang init ng pagmamahal.

"Anak ko..." hinaplos niya ang aking buhok pababa sa pisngi gaya ng nakasanayan niyang gawin simula pagkabata.

"Ina, bukas pa raw po kayo ng umaga makakalabas. Hindi po ako pinayagan ilabas kayo dito ngayon." nanghihina kong saad.

Pakiramdam ko'y wala akong kwentang anak sapagkat wala akong magawa para kay Ina.

"Ayos lang Liway. Makakaya ko naman dito ng isang araw." sabi niya habang pinipisil ang aking kamay. Hindi naging hadlang ang rehas sa aming harapan upang maparamdam ni Ina ang kapayapaan sa simpleng haplos. Tila nawala ang mabigat na bagay na nakadagan sa aking dibdib.

Sinikap kong ngumiti kay Ina pabalik. Ngiti ng kasiguraduhan na bukas na bukas, pagsapit nang bukang liwayway ay makakalaya na siya sa bilangguang hindi niya dapat kinasasadlakan ngayon.

"Sige na. Mauna ka na at kumain muna ng almusal. Hindi ko nanaisin na mangayayat ang aking magandang bulaklak." Hindi ko alam kung guni guni ko lamang iyon ngunit may nakita akong pagkislap ng liwanag mula sa suot niyang kulay lilang balabal kung saan natatakpan ang mga sugat niya sa balikat.

Sinilip ko ito ngunit nang oras na pagtuunan ko na ito ng pansin ay wala namang nangyaring kakaiba.

Winakli ko ang tumatakbo sa aking isipan. Tumayo na ako at kahit labag sa loob ay nagpaalam na ako kay Ina.

Lumilipad ang isip habang tinatahak ang daan pauwi sa aming tahanan. Napahinto ako at tiningnan ang nakakapasong init ng haring araw.

Maraming taong sumisilong sa naglalakihang establisyemento. Iba't - ibang kulay ng payong ang dala-dala. Takot na takot mapaso ang mga tao sa tindi ng init na dala niya.

Kakaunti lang ang naglalakas loob damhin siya. Kakaunti lang ang naglalakas loob yakapin ang init niya. Kakaunti lang ang taong kayang tanggapin siya ng buo.

Naisip ko, ano nga ba ang nararamdaman ng hari araw nang makita niyang iniiwasan siya ng mga taong nakikinabang sa liwanag niya?

Nalungkot ba siya? Nasaktan? Nagalit kaya lalong naghihimagsik ang init? O masaya dahil ang kahit kakaunti ang tumatanggap sa kanya, nararamdaman niya naman na totoo ito sa kanya.

Anong mangyayari kay haring araw pag napagod na siya sa pagbibigay ng liwanag? Matutulungan ba siya ng mga bituwin na labis na minamahal ng mga tao tuwing gabi? Matutulungan ba siya ng buwan na kumukuha lang ng lakas sa kanya? May tutulong ba sa kanya?

Huminga ako ng malalim. Minsan ay hindi ko maintindihan kung bakit lagi ko nalang naihahalintulad ang kalikasan na para bang isa itong taong may pakiramdam.

Nanghihina ang bawat hakbang. Kahit pagod na ay pinilit kong tahakin ang daan pauwi.

Nadatnan ko ang nakabukas na pintuan ng aming tahanan.

Maaring nakalimutan ko lamang itong isara kanina.

Pumasok ako sa loob. Wala naman silang mananakaw sa amin kung sakali dahil wala namang mamahaling alahas o pera dito.

Nawalan ako ng pakiramdam sa paligid. Parang saranggolang patuloy na tinatangay ng hangin. Hindi alam ang direksiyon na tatahakin dahil wala na ang humahawak sa pisi nito.

Sa sobrang gulo ng isipan, hindi ko namalayan na may taong nanloob na pala sa aming tahanan.

Eleganteng nakaupo sa upuang tumba tumba, suot suot ang itim na salakot at kapa na may burdang hindi pa bumubukadkad na rosas. Hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha ngunit nasisiguro kong babae siya.

Napaatras ako sa gulat nang magawi ang tingin niya sa akin. Tumama ang sinag ng araw mula sa labas sa kalahati ng kanyang mukha. Ang kulay abo niyang mga mata, parang babawian ako ng hininga sa kalamigan n'on.

Bakit ganito? Parang ako pa ngayon ang natatakot sa kanya gayong siya nga itong trespassing!

Ilang segundo ang hinintay ko bago mapakalma ang sarili.

"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?" sabi ko.

Hindi siya umimik o gumalaw man lang ng alikabok. Nanatili ang tingin niya sa akin.

Inaaral ang bawat parte ng mukha ko. Sinusubukan kong titigan siya ngunit sa tuwing tatama ang paningin niya sa akin nanlalamig ang katawan ko - pinagpapawisan ng malamig.

Mukha naman siyang mayaman, siguradong hindi pera ang gusto niya. Kung gayon, ano?

"Ako ang nagmamay-ari ng bagong bukas na tindahan ng bulaklak sa bayan." sabi niya.

Kahit mas malamig pa ang boses niya kaysa sa mga mata niya. Hindi ko paring mapigilan ang pagkunot ng noo ko.

O, ano naman?

Hindi ko iyon naisatinig ngunit nahalata niya yata sa ekspresyon ko.

"Gusto kitang kuning katiwala ko." sabi niya na para bang nakasulat iyon sa iskrip at napilitan lamang siyang bigkasin.

Hindi na diretso ang pag iisip ko. Nagbuhol buhol na ang mga bagay na gusto kong sabihin. Hindi ko alam pero parang hindi na ako ang may-ari ng sarili 'kong katawan dahil kahit tutol ang aking isipan nagawa parin nitong tumango salungat sa gusto ng nagmamay-ari nito.

"Anong ginawa mo!" Sigaw ko sa kanya.

Kahit hindi ko alam kung siya ba talaga ang may gawa, pero kusang sinisisi ng aking isipan ang babae sa aking harapan sa bigat na aking nararamdaman.

Nanatili siyang nakatingin sa akin, tila hindi naaliw sa munting palabas na kanyang ginawa.

"Nasaan ang Talulot mahal na bulaklak?" sabi niya. May halong puot at pagkamuhi ang tinig niya. Malayo sa mahinahon niyang presensiya kanina.

Dahan dahan ang hakbang niya papalapit sa akin. Gustuhin ko mang tumakbo ay hindi ko magawa. May mga sumisibol na malalaking bulaklak ng rosas sa aking paanan, ang mga ugat at tangkay nitong punong puno ng tinik na nagpapanatili sa akin sa pwesto.

"Sagutin mo ako bulaklak!" tila napigtas na ang natitira niyang pasensiya dahil tinapat niya na sa leeg ko ang kanyang patalim!

Hindi ko alam saan 'yon nanggaling! Basta na lamang itong lumitaw mula sa kamay niya!

Umiling ako.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo!"

Sinubukan kong kumawala sa mahigpit na kapit sa akin ng mga rosas niya ngunit hindi yata ito nagustuhan ng mga bulaklak niyang mana sa kanya, dahil mas lalo lang itong gumapang pa itaas hanggang maabot nito ang aking hita.

Ang puting seda ng aking suot na palda ay namantyahan na ng dugo.

Mahapdi! Tila sinusunog ang laman ko!

"Ahh! Tama na pakiusap!" nagmamakaawa na ako. Hindi ko na kaya ang sakit. Para akong pinapatay nito mula sa loob!

Sinugatan niya ng hawak niyang patalim ang aking kanang pisngi. Tumulo ang dugo mula roon!

Takot na takot ako nang haplusin niya ang dugong patuloy na umaagos mula sa pisngi ko.

"Liway!" isang boses ang nagbigay sa akin ng pag asa.

"Liway Anak!" kahit litong lito kung paano nakarating dito si Ina, lubos parin ang pasasalamat ko.

Natigilan si Ina sa may pintuan nang makita ang babaeng nasa harap ko.

"Aoife." sabi ni Ina.

Gulat ang tingin na sinukli niya sa babaeng si 'Aoife'. Halata ng hindi niya inaasahan ang nakikita niya.

Humalakhak si Aoife na para bang nababaliw. Masayang may halong pang uuyam ang tunog ng tawa niya.

"O, Puting Orkids. Naging masaya ba ang paglalakbay mo sa mundo ng mga tao?" sabi ng babae.

Nawawalan na ako ng lakas. Nanlalabo na ang paningin ngunit malinaw parin ang rehistro sa aking isipan ng mga nangyayari sa paligid.

Kumalas na ang mga rosas na humahawak sa akin kanina. Nakita kong ang dahilan ng pagkalanta ng mga bulaklak ay nagmumula sa puting ilaw na galing sa kamay ni Ina.

"Magaling Puting Orkids! Nasa iyo parin pala ang kapangyarihan mo!" tunog sarkastiko iyon.

Nang tuluyang mawala ang mga rosas, bumagsak ang aking katawan sa sahig. Hindi na kayang suportahan ng mga paa ko ang aking sarili.

Nag-aalala akong tumingin kay Ina. Natanaw ko sila mula sa aking kinasasadlakan. 

Nakaluhod at hinang hina sa harap ng babaeng walang puso. Napansin 'kong lalong lumaki ang bahagi ng katawan ni Ina ang nangingitim at nagsusugat! Lagpas kalahati na iyon ng kanyang katawan!

"T-tama na po..." halos walang kakayahan ngunit sinubukan kong magsalita.

Tumingin sa akin ang babae. Nariyan na naman ang malamig niyang mga mata.

"Ibigay mo na ang Talulot ng Sampaguita, Puting Orkids!" ilang beses na umiling si Ina.

"W-wala na sa pangangalaga ko ang talulot na iyon Aoife." Hindi makapaniwalang tumingin ang babae kay Ina.

"Kung gayon, nasaan!" tinutok niya ang patalim kay Ina. Hindi tulad kanina, mukhang lubusan na ang galit na nararamdaman niya!

Gumagapang ang malalaking halaman ng rosas sa aming tahanan! Ang mga dingding ay punong puno na ng tinik nito! Parang magigiba na ang buong tahanan sa patuloy na paglaki ng mga rosas!

Namumulaklak ito ng itim at hindi pula. Oras na ito'y bumukadkad, isang itim na usok ang nilalabas! Ang matatamaan ng usok na iyon ay nagiging abo.

"Aoife, hindi ko alam! Maawa ka sa amin! Hayaan mong mabuhay ang anak ko!" Nagmamakaawa si Ina habang nakalapat ang dalawang palad.

Tumigil na sa paglaki ang mga bulaklak ngunit nanatili itong naroon. Hindi na din ito bumuga ng itim na usok.

Pansamantalang nakahinga ako ng maluwag. Akala ko'y matutuluyan na ako kanina.

"Sabagay, mukhang hindi ka na 'rin magtatagal Puting Orkids. Nilalason na ng bulaklak mo ang katawang tao mo." Tinalikuran niya si Ina at muling umupo sa tumba tumba na parang walang nangyari.

"Dadalhin ko ang anak mong bulaklak at hindi ko siya papakawan hangga't hindi ko pa nakikita ang Talulot. "

Nawawala na ang tinig nila. Nabibingi na ako. Lalong umikot nang mabilis ang mundo. Wala nang parte ng katawan ko ang maigalaw ko.

At sa huling pagkurap, nakita ko si Ina na lumiliwanag, tuluyan nang nilamon ng itim ang kanyang buong katawan. Hanggang sa huling sandali ay hinahap niya ang aking mata. May pumatak na luha sa kanyang tsokolateng mga mata kasabay ng isang ngiting punong puno ng pagtanggap.

Pilit ko siyang inabot ng aking kamay ngunit hindi ko na nagawa pa dahil ang katawan niya'y tuluyan nang naging mga talulot ng puting Orkids, tinatangay ng hangin sa kawalan.

aeliag © 2022

All rights reserved.

Kaugnay na kabanata

  • The Missing Kingdom Of Izles   Kabanata 3

    Berdeng MataNakapikit ako habang dinadama ang paligid. Masakit parin ang aking buong katawan, idagdag pa ang mga mahahapding sugat na lubos na nagpapahirap sa aking pakiramdam.Ang kinalalagyan ko, gumagalaw ito. Parang nakasakay ako sa kung saan. Hindi ko pa sana nais imulat ang aking mga mata ngunit bumaha sa alaala ko ang mga pangyayari bago ako tuluyang nilamon ng dilim.Dali dali akong bumangon. Kinakabahan at nagtatakang tiningnan ko ang kinasasadlakan.Minulat ko ang mata ko.Bakit purong itim parin ang nakikita ko?!Ilang beses kong sinubukang kumurap ngunit wala itong epekto!Bulag na ba ako?Itinaas ko ang kamay ko, umaasang may makakapa akong dingding o kahit anong bagay sa paligid. Hindi nga ako nagkamali dahil isang magaspang na bagay ang aking naramdaman. Kinapa ko pa itong mabuti, tila ang magaspang na teksturang ito ay ang buong dingding.Pinagpatuloy ko ang paggamit sa aking pandama hanggang sa naramdaman ko na lamang na biglang tumigil sa paggalaw ang kinalalagyan ko

    Huling Na-update : 2022-09-20
  • The Missing Kingdom Of Izles   Kabanata 4

    Fleur AcademyRinig na rinig ko ang huni ng ibon mula sa kawalan, ang banayad na pag ihip ng hangin sa aking buhok. Maging ang anino ng mga puno ay mas nagbigay buhay sa lugar.Maliwanag ang paligid at kitang kita ang bawat detalye nito, tila ipininta ng isang magaling na pintor ang bawat kurba at disenyo. Sa aking harapan ay ang naglalakihang kastilyo. Namangha ako sa lawak nito. Tila sakop nito ang isang maliit na pulo! Ilang metro din layo nito mula sa aming kinalalagyan.Naku! delikado, mukhang maliligaw ako dito!Nanatili ang pagkamanghang ekspresyon ko habang nililibot ang paningin sa paraisong ito. Nagsimulang maglakad ang mga tao sa aking harapan kaya't wala sa sarili ko rin silang sinundan.Nasa harapan namin ang babaeng bruha. Diretso ang lakad niya, parang isang sundalo ang galawan. Ganun din ang ginawa ng dalawa niyang alalay. Taliwas na taliwas sa kilos ng lalaking nasa aking tabi, paano ba naman at ngiting - ngiti ito, pag tinitingnan ko siya para siyang lumiliwanag. Para

    Huling Na-update : 2022-09-20
  • The Missing Kingdom Of Izles   Kabanata 5

    PagsusulitNanatili akong tulala sa mga pangyayari. Hindi ko inaasahan ang mga ito. Mga bagay na ibang iba sa kinalakihan ko. Ang mahika, mga bulalaklak, kakaibang nilalang at ang paaralang nasa aking harapan. Ang Unibersidad ng Fleur. Sinong mag aakala na ang imahinasyon ng mga manunulat ay totoo at hindi produkto ng imahinasyon lamang? Kung tutuusin, napakalaki ng mundo, marami pa tayong mga bagay na hindi natutuklasan mula rito, ngayon pa lang ay natatakot na akong malaman.Nauna nang humakbang ang Prinsipe sa harapan.Ang kanyang tikas ay katulad ng matatag na puno ng narra, ang bawat kilos ay maihahalintulad sa mabangis na leon, siguradong sigurado ang bawat hakbang at may paninindigan. Sulyap na kasing lalim ng karagatan, may kakayahang kilalanin ang iyong tinatagong kaanyuan. Ang kanyang maamong mukha na kasing liwanag ng araw at kasing tapat ng mirasol. Walang duda, siya ay isang Prinsipe.Yumuko ang bawat nilalang na kanyang dinadaanan, maging ang dalawang kawal na kasama n

    Huling Na-update : 2022-09-21
  • The Missing Kingdom Of Izles   Kabanata 6

    Bulaklak ng LiryoNasa madilim na parte na kami ng kagubatan at patuloy parin sa paglalakad si Puti. Habang papalayo kami ng papalayo sa pinaghulugan ko kanina mas nararamdaman ko ang simoy ng hangin, mas malamig iyon kumpara sa nakasanayan.Maraming tuyong dahon sa aming nilalakaran kaya't rinig na rinig ang bawat hakbang ko. Makikita rin ang malalaking anino ng mga puno habang sumasabay ito sa ritmo ng hangin.Pinagkrus ko ang aking kamay at niyakap ang aking magkabilang bisig. Masyado nang malamig, hiyang hiya naman ang sleeveless na suot ko."Puti saan ba tayo pupunta?" Alam kong isa siyang aso pero baka sakaling marunong siyang magsalita, baka katulad din siya ng mga kakaibang nilalang na nakita ko kanina.Ilang saglit pa'y tumigil bigla sa paglalakad si Puti. Huminto rin ako dalawang hakbang mula sa aso."Puti?"Imposibleng dito ang daan palabas. Dahil wala akong makitang lagusan kung saan, ngunit mayroong isang bangin sampung hakbang mula sa aming kinalalagyan.Nanlaki ang mata

    Huling Na-update : 2022-09-22
  • The Missing Kingdom Of Izles   Kabanata 7

    RepleksyonHindi maganda ang pakiramdam ko. Sapat na ang mga salitang iyon upang sumahin ang takot at kaduwagan na nararamdaman ko. Pakiramdam ko'y nahihilo at masusuka na ako anumang oras. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, hindi makahinga ng maayos at nanginginig ang dalawang kamay. Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng pintuang iyon ay sunod sunod na ang rehistro sa utak ng mga posibleng mangyari nang oras na pumasok ako doon."Hoy Tao, ayos ka lang? " Boses ni Adeem ang nakapagpabalik sa akin sa reyalidad."Hindi." Dahil yun naman ang totoo. Hindi ako ayos! Walang maayos sa sitwasyon na 'to! Ito namang lalaking katabi ko, pangisi ngisi lang na para bang walang masamang mangyayari ilang minuto mula ngayon.Ang pakiramdam ko'y hinahatid na ako sa huling hantungan!"Lilipas din yan." Sagot niya.Anong 'lilipas din yan' ang sinasabi ng isang 'to? Lilipas din yan kung hindi na ako makalabas sa pintong 'yan?!Hindi ko na nasabi ang dapat kong sasabihin sa kanya dahil biglang may lumi

    Huling Na-update : 2022-09-24
  • The Missing Kingdom Of Izles   Kabanata 8

    BalatkayoNawiwirduhan ako sa paraan ng pakikipag usap sa akin ni Adeem ngayon. Paano'y pagkatapos kong makalabas ng pinto, masyado nang masaya ang persona niya. Madalas na rin siyang nakangiti kahit mukha siyang galit sa mundo nang una ko siyang makausap.Anong nangyayari?"Alam mo ba Liwayway, napakaraming ginto sa aming kaharian, nais mo bang dalhin kita roon?" Itinaas niya ang kanyang kamay upang imuwestra kung gaano karami ang gintong sinasabi niya habang ako nama'y tahimik na nakikinig at kasabay siyang maglakad.Napangiwi ako.Mukha siyang sabik na sabik habang nagkukwento ng mga bagay na gustong gusto niya sa kaharian ng Vinetus. Sa katunayan, kumikinang pa ang kanyang mga mata habang nagsasalita."Liwayway?" Tumigil siya bigla sa paglalakad."Huh?" Nagtataka kong tingin sa kanya. Hindi ko na nasundan ang pinagsasabi niya kanina."Ang sabi ko nagugutom ka na ba?" Tiningnan ko nang maigi ang mukha niya. Wala akong makitang bakas ng kaibahan ng itsura niya ngayon sa itsura niya

    Huling Na-update : 2022-09-25
  • The Missing Kingdom Of Izles   Kabanata 9

    MalayaNagkamali ako. Hindi siya nagbabalatkayo tulad ng inaakala ko. Hindi siya nagkukunwari, hindi siya ang impostor kundi ako.Hindi ko inaasahang paglabas ko sa unang pinto ay dadalhin agad ako nito sa ikalawa't ikatlo. Ako ang naliligaw at hindi siya. Simula umpisa palang ay totoo na lahat ng mga sinabi niya.Bakit hindi ko agad iyon nakita?GLUTTONY & WRATHIyan ang dalawang pintuang pinasok ko nang hindi namamalayan. Masyado akong naging pabaya at inisip na ako lamang ang tama. Ang sabi ko'y hindi ko ibaba ang aking depensa ngunit salungat ang aking nagawa.'Latak ng kasinungalingan, Tiyak na ika'y pagsasarhan.'Hindi lahat ng bagay na maganda ang panlabas na kaanyuan ay mayroong mabuting kalooban.Nalinlang kami ng aming mga mata. Nilason ang kakayahan naming makakita.Latak ng kasinungalingan mula sa pagkaing nakahain sa aming harapan. Sinarado ang isipan sa posibilidad na ito'y maaring maging ugat ng kapahamakan.Hindi nakikita ng mata ang lahat. Hindi nito lubusang nasusur

    Huling Na-update : 2022-09-27
  • The Missing Kingdom Of Izles   Kabanata 10

    SimulaIsang malakas na sampal sa mukha ang gumising sa akin. Nagulat ako kaya naman gumalaw nang mabilis ang katawan ko at tumayo mula sa pagkakahiga sa damuhan. Ang katawan ko'y nasa tindig na handang makipaglaban. Ngunit naudot iyon nang makita ko ang mukha ng walang hiyang gumising sa akin.Masamang tingin ang binigay ko sa kanya. "Finally." Aniya.Walang kabuhay buhay ang pagkakasabi niya no'n, gaya ng aking pagkakaalala hindi siya masayahing tao. Tumingin siya sa akin nang nakabusangot.Aba! Ma-attitude din ang isang 'to."Hey, Tao!" Kinaway niya ang isang kamay sa harap ko habang nakapamewang. Mukha siyang problemado. Natulala na pala ako sa kawalan, hindi ko man lang 'yon namamalayan.Pasensya naman, ikaw kaya makipaglaban sa kamukha mo, mag analisa ng nakakasira sa ulong tula, muntik nang makakain ng daga at masaksak sa puso, tingnan natin kung kakayanin mo.Hindi ko na naisatinig ang mga salitang 'yon dahil wala na akong lakas makipag argumento. Pagod na ang katawan at utak

    Huling Na-update : 2022-09-28

Pinakabagong kabanata

  • The Missing Kingdom Of Izles   Liham ng May-akda

    Magandang araw aking Liyag, Matapos ang ilang buwang pagpapahinga, pagninilay nilay, at pag atupag ng mga gawain sa unibersidad, ang kwentong 'The Missing Kingdom of Izles' ay magbabalik na sa February 12, 2024. Ito'y magkakaroon ng regular na update tuwing Lunes. Hangad nating matapos ang librong ito bago matapos ang taong 2024. Asahan din ang ilang updates sa 'Sunrise Out Of The Blues'. Ang akdang ito naman ay mababasa nang libre sa ibang reading platform. Maraming salamat sa walang sawang paghihintay! Hangad ko ang kapayapaan ng inyong kalooban at sabay sabay muli nating pasukin ang mundo ng mahika! Mula sa inyong manunulat,Aeliag

  • The Missing Kingdom Of Izles   Kabanata 27

    PaligsahanNakarating kami sa Fleur nang ligtas. Naglaho na ang gintong talulot ng mirasol na bumalot sa amin kasabay ng pagkawala ng engkantasyong mayroon ito.Sinalubong kami ng nag aalalang mukha ni Ginang Aroa. Hawak niya nang mahigpit ang kanyang libro na kasalukuyang lumiliwanag."Aoife Eunoia!" Sigaw ni Ginang Aroa sa kapitan na ngayo'y nanatiling tulala sa isang tabi. Nang marinig ng kapitan ang boses ng Ginang, tila nagising siya mula sa mahimbing na pagkakatulog. Sa isang iglap ay nawala ang bakas ng pag aalala at pagkabigla sa kanyang mukha at bumalik muli iyon sa seryoso at maotoridad tindig. Gaya ng lagi niyang ekspresyon."Ginang Aroa." Tumango ng bahagya ang Kapitan bilang pagbati."Nagparamdam na ang mga talulot!" Sabi ng Ginang habang pinapakita sa amin ang hindi ko maintindihang simbolismong nakasulat sa librong hawak niya. Gintong tinta ang ginamit sa pagsulat no'n.Habang iniinspeksyon namin ang libro, kinuha ng punong kapitan ng Niteo ang aming atensyon."Kapi

  • The Missing Kingdom Of Izles   Kabanata 26

    AdheresNapakadilim ng lugar na kinaroroonan ko, nilisan na ng liwanag at buhay. Tinalikuran na ng araw at hindi na muling bumalik pa.Malinaw sa alaala ko kung paano binawi ang kanyang hininga. Kung paano dumanak ang dugo. Daan daang bangkay. Lahat sila'y humihingi ng tulong ngunit wala akong nagawa.Nanatili lang akong mahina. Lahat ng pangakong binitawan ko, nasira.Palagi na lang bang ganito?Gaano ba kasakit ang mabuhay sa mundong 'to?Kahit siguro lumuha ako ng dugo, hindi ko maibabalik ang buhay ng mga taong 'yon. Lahat ng pinangakuan kong ililigtas. Lahat sila wala na.... Wala na.Minulat ko ang mata ko. Puting kisame ang sumalubong sa akin. Masakit ang buong katawan ko ngunit nawalan na akong pakialam do'n.Naramdaman ko ang mahinang pagdampi ng mainit na hangin sa aking kanang kamay. May mabigat na pwersang nakadagan do'n.Dahan dahan kong sinulyapan ang pwestong 'yon. Doon ko nakita ang pigura ng isang lalaking nakatungo sa gilid ng aking kama. Mukhang mahimbing ang tulog n

  • The Missing Kingdom Of Izles   Kabanata 25

    Paglubog ng arawHabang papalapit kami nang papalapit sa direksyon ng ingay nang nakarinig kami ng malalakas na hagupit sa hangin kasabay ng pag iyak ng munting ginoo. Unting tiis nalang Elio, parating na kami ng kamahalan.Nagulat ako nang maramdaman ko ang pag angat ng aking katawan mula sa lupa. Isang talulot ng liryo ang nagsilbi naming sasakyan. Tiningnan ko si Adeem, nakita ko ang pagngisi niya sa akin bago kumumpol ang kulay pilak na talulot sa likod niya upang bumuo ng pakpak. Lumipad siya sa unahan namin at binuka niya ang kamay kasabay ng maninipis na kulay puting taling kumakabit sa sinasakyan naming talulot. Hindi nagtagal ang taling iyon at naglaho."Hold on tight, mga nilalang!" Sigaw niya at hinila niya ng buong pwersa ang mga taling hindi na makita ng normal na mata, kasabay ng pagpagaspas ng kulay pilak niyang pakpak, sa isang iglap ay narito na kami sa teritoryo ng kalaban.Napawalang bisa ang kapangyarihan ni Adeem sa hindi malamang dahilan kaya't bigla kaming nahu

  • The Missing Kingdom Of Izles   Kabanata 24

    KaluskosNaririnig ko ang mahinang kaluskos ng hangin sa kagubatan, ang mga tuyong dahon na aming natatapakan, tila nahinto ang aking mundo nang may makita kaming bakas ng dugong nakakalat dito.Inangat ng kapitan ang kanyang kanyang kamay upang senyasan kaming tumigil sa pagkilos. Pigil hininga ko iyong sinunod. Hindi namin alam kung saan galing ang mga bakas ng dugo ngunit isa lamang ang sigurado, patungo ang bakas na iyon sa direksyon ng tirahang sinasabi ng munting ginoo.Naging alerto ang lahat ng makarinig kami ng kaunting kaluskos sa bandang silangan ng kagubatan, binaba namin lahat ng dala dala naming regalo at hinanda ang kanya kanyang armas. Kinuha ng kapitan ang kanyang pana at taimtim na tintututok iyon sa munting paggalaw naming naririnig sa paligid.Hinanda namin ang sarili sa maaring atake mula sa kawalan, lalo na't kasama namin ngayon ang kamahalan. Ngayon ko lang naisip kung gaano kadelikado ang ginawa naming paglabas ng palasyo nang wala man lang kasamang mga kawal u

  • The Missing Kingdom Of Izles   Kabanata 23

    KahilinganMadali ang bawat hakbang papunta sa kamahalan.Bakit napakabilis naman maglakad ng mga 'to?"Kamahalan, maari ka bang makausap nang saglit?" Tumigil siya sandali at tumingin sa akin. Inarko niya ang kilay sa astang pagtatanong. Babanggitin ko na sana ang nais kong sabihin nang biglang inagaw ang atensyon niya ng isang kawal na nagmamadaling lumapit sa pwesto namin. Gaya ng lagi kong nakikita, siya'y nakasuot ng itim na baluti at may hawak na kalasag at espada sa gilid. Kung titingnan ay lubhang kagalang galang ang itsura ng kawal na ito kumpara sa mga nakita ko kanina. Ang awra niya ay kakaiba ngunit hindi ko maihayag ng maayos kung ano ang kakaibang bagay na iyon.Napansin ng kawal ang aking pagtitig sa kanya kaya't napunta sa akin ang tingin niya. Dahan dahan akong nag iwas ng tingin. Siya nama'y hindi siguradong binalik ang tingin sa kamahalan."Mahal na Prinsipe, mayroon na po kaming impormasyon ukol sa magnanakaw ng relikya." Napukaw ang buong atensyon ng kamahalan sa

  • The Missing Kingdom Of Izles   Kabanata 22

    Hari harianTensiyonado kong tiningnan ang mahal na prinsipe at ang limang matandang opisyal habang patuloy kami sa paglalakad papalapit sa kanila. Nang makarating kami sa harap ng lima ay hindi ko inaasahan ang mababaw nilang pagyuko para sa kamahalan."Akala ko'y hindi mo na ulit bibisitahin ang ating palasyo mahal na prinsipe." Saad ng matandang mayroong puting buhok at mahabang balbas. Ang bakas ng kanyang edad ay makikita na sa kanyang mukha. Hindi ako sigurado ngunit mukhang siya ang may pinaka mataas na katungkulan sa kanilang lima."Nagagalak akong hindi mo ako nakalimutan Don Venancio. Nagawi ako rito upang tapusin ang isang misyon at kung hindi ako nagkakamali ay dahil iyon sa nawawalang relikyang pag aari ng aking kaharian." Nakita ko ang bahagyang pag ismid ng tatlo sa limang matatanda matapos banggitin ng kamahalan ang pag aangkin nito sa kaharian. Ngumisi ang kausap niyang Don ngunit bakas dito ang disgusto. Nanatiling mahinahon ang kamahalan sa mga negatibong ekspresyon

  • The Missing Kingdom Of Izles   Kabanata 21

    Ang Tagapagmana Naging mabilis ang paglalakbay namin patungong Kaharian ng Niteo. Sa buong durasyon ng aming biyahe ay nanatiling tahimik ang bawat isa. Seryoso ang ekspresyon ng Prinsipe at Kapitan kaya naman hindi namin magawang guluhin ni Akari ang atmospera sa loob ng karwahe. Nang makarating kami sa Niteo, mayayabong na halaman ang sumalubong sa amin. Kasing ganda iyon ng aming Unibersidad kaya't lubos akong nagigiliw sa mga nakikita. May ilang batang ada rin na naglalaro sa paligid. Kasing liliit sila ng aking hintuturo. May magiliw silang ekspresyon at yumuko rin nang bahagya nang makita nilang nasa loob din ang tagapagmana. Mukha silang mga cute na keychain na gusto kong ibulsa ngunit alam kong hindi iyon maari dahil baka ipatapon pa akong Kapitan sa Sephtis. Ang balita ko pa nama'y walang nakakalabas ng buhay doon sabi ni Akari. Lubha raw mabibigat ang parusang binibigay ng kanilang sa kaharian sa mga nagkakasala na mas gugustuhin mo nalang bawian ng buhay kaysa tanggap

  • The Missing Kingdom Of Izles   Kabanata 20

    Misyon Halos dalawang linggo na rin ang nakalipas simula nang lumipat kami rito sa bagong dormitoryo. May iilang misyon na rin akong natapos, ang kadalasan sa mga nakukuha ko ay hindi ganun kahirap tulad ng pagtulong sa pag gagamot ng mga kapwa ko estudyante na nasugatan sa pag eensayo, may ilang utos rin na kailangan kong lumabas ng Akademya kasama ko sina Adeem at Akari kadalasan, bihira kasing kumuha ng mga madadaling misyon ang Kapitan at ang Prinsipe. Kagaya ngayon, ang misyon namin ay hulihin ang magnanakaw ng relikyang nagmula sa kaharian ng Niteo. Lubhang mahalaga daw yun sa pumanaw na Hari kaya naman sa Fleur Academy na binigay ang misyon na 'yon ng mga nakakataas. Isang araw na raw simula nang mawala yun kaya nagmamadaling dumulog ang tagapangalaga ng relikyang iyon sa amin matapos niyang hindi mahuli at mahanap ang nagnakaw. Hindi ko alam kung alam na ng Prinsipe ang pangyayaring 'to. Base sa mga impormasyong natanggap namin. Ang anyo ng relikya ay isang purong gintong si

DMCA.com Protection Status