Chapter: Liham ng May-akdaMagandang araw aking Liyag, Matapos ang ilang buwang pagpapahinga, pagninilay nilay, at pag atupag ng mga gawain sa unibersidad, ang kwentong 'The Missing Kingdom of Izles' ay magbabalik na sa February 12, 2024. Ito'y magkakaroon ng regular na update tuwing Lunes. Hangad nating matapos ang librong ito bago matapos ang taong 2024. Asahan din ang ilang updates sa 'Sunrise Out Of The Blues'. Ang akdang ito naman ay mababasa nang libre sa ibang reading platform. Maraming salamat sa walang sawang paghihintay! Hangad ko ang kapayapaan ng inyong kalooban at sabay sabay muli nating pasukin ang mundo ng mahika! Mula sa inyong manunulat,Aeliag
Huling Na-update: 2024-01-25
Chapter: Kabanata 27PaligsahanNakarating kami sa Fleur nang ligtas. Naglaho na ang gintong talulot ng mirasol na bumalot sa amin kasabay ng pagkawala ng engkantasyong mayroon ito.Sinalubong kami ng nag aalalang mukha ni Ginang Aroa. Hawak niya nang mahigpit ang kanyang libro na kasalukuyang lumiliwanag."Aoife Eunoia!" Sigaw ni Ginang Aroa sa kapitan na ngayo'y nanatiling tulala sa isang tabi. Nang marinig ng kapitan ang boses ng Ginang, tila nagising siya mula sa mahimbing na pagkakatulog. Sa isang iglap ay nawala ang bakas ng pag aalala at pagkabigla sa kanyang mukha at bumalik muli iyon sa seryoso at maotoridad tindig. Gaya ng lagi niyang ekspresyon."Ginang Aroa." Tumango ng bahagya ang Kapitan bilang pagbati."Nagparamdam na ang mga talulot!" Sabi ng Ginang habang pinapakita sa amin ang hindi ko maintindihang simbolismong nakasulat sa librong hawak niya. Gintong tinta ang ginamit sa pagsulat no'n.Habang iniinspeksyon namin ang libro, kinuha ng punong kapitan ng Niteo ang aming atensyon."Kapi
Huling Na-update: 2023-03-01
Chapter: Kabanata 26AdheresNapakadilim ng lugar na kinaroroonan ko, nilisan na ng liwanag at buhay. Tinalikuran na ng araw at hindi na muling bumalik pa.Malinaw sa alaala ko kung paano binawi ang kanyang hininga. Kung paano dumanak ang dugo. Daan daang bangkay. Lahat sila'y humihingi ng tulong ngunit wala akong nagawa.Nanatili lang akong mahina. Lahat ng pangakong binitawan ko, nasira.Palagi na lang bang ganito?Gaano ba kasakit ang mabuhay sa mundong 'to?Kahit siguro lumuha ako ng dugo, hindi ko maibabalik ang buhay ng mga taong 'yon. Lahat ng pinangakuan kong ililigtas. Lahat sila wala na.... Wala na.Minulat ko ang mata ko. Puting kisame ang sumalubong sa akin. Masakit ang buong katawan ko ngunit nawalan na akong pakialam do'n.Naramdaman ko ang mahinang pagdampi ng mainit na hangin sa aking kanang kamay. May mabigat na pwersang nakadagan do'n.Dahan dahan kong sinulyapan ang pwestong 'yon. Doon ko nakita ang pigura ng isang lalaking nakatungo sa gilid ng aking kama. Mukhang mahimbing ang tulog n
Huling Na-update: 2023-01-21
Chapter: Kabanata 25Paglubog ng arawHabang papalapit kami nang papalapit sa direksyon ng ingay nang nakarinig kami ng malalakas na hagupit sa hangin kasabay ng pag iyak ng munting ginoo. Unting tiis nalang Elio, parating na kami ng kamahalan.Nagulat ako nang maramdaman ko ang pag angat ng aking katawan mula sa lupa. Isang talulot ng liryo ang nagsilbi naming sasakyan. Tiningnan ko si Adeem, nakita ko ang pagngisi niya sa akin bago kumumpol ang kulay pilak na talulot sa likod niya upang bumuo ng pakpak. Lumipad siya sa unahan namin at binuka niya ang kamay kasabay ng maninipis na kulay puting taling kumakabit sa sinasakyan naming talulot. Hindi nagtagal ang taling iyon at naglaho."Hold on tight, mga nilalang!" Sigaw niya at hinila niya ng buong pwersa ang mga taling hindi na makita ng normal na mata, kasabay ng pagpagaspas ng kulay pilak niyang pakpak, sa isang iglap ay narito na kami sa teritoryo ng kalaban.Napawalang bisa ang kapangyarihan ni Adeem sa hindi malamang dahilan kaya't bigla kaming nahu
Huling Na-update: 2023-01-10
Chapter: Kabanata 24KaluskosNaririnig ko ang mahinang kaluskos ng hangin sa kagubatan, ang mga tuyong dahon na aming natatapakan, tila nahinto ang aking mundo nang may makita kaming bakas ng dugong nakakalat dito.Inangat ng kapitan ang kanyang kanyang kamay upang senyasan kaming tumigil sa pagkilos. Pigil hininga ko iyong sinunod. Hindi namin alam kung saan galing ang mga bakas ng dugo ngunit isa lamang ang sigurado, patungo ang bakas na iyon sa direksyon ng tirahang sinasabi ng munting ginoo.Naging alerto ang lahat ng makarinig kami ng kaunting kaluskos sa bandang silangan ng kagubatan, binaba namin lahat ng dala dala naming regalo at hinanda ang kanya kanyang armas. Kinuha ng kapitan ang kanyang pana at taimtim na tintututok iyon sa munting paggalaw naming naririnig sa paligid.Hinanda namin ang sarili sa maaring atake mula sa kawalan, lalo na't kasama namin ngayon ang kamahalan. Ngayon ko lang naisip kung gaano kadelikado ang ginawa naming paglabas ng palasyo nang wala man lang kasamang mga kawal u
Huling Na-update: 2022-11-28
Chapter: Kabanata 23KahilinganMadali ang bawat hakbang papunta sa kamahalan.Bakit napakabilis naman maglakad ng mga 'to?"Kamahalan, maari ka bang makausap nang saglit?" Tumigil siya sandali at tumingin sa akin. Inarko niya ang kilay sa astang pagtatanong. Babanggitin ko na sana ang nais kong sabihin nang biglang inagaw ang atensyon niya ng isang kawal na nagmamadaling lumapit sa pwesto namin. Gaya ng lagi kong nakikita, siya'y nakasuot ng itim na baluti at may hawak na kalasag at espada sa gilid. Kung titingnan ay lubhang kagalang galang ang itsura ng kawal na ito kumpara sa mga nakita ko kanina. Ang awra niya ay kakaiba ngunit hindi ko maihayag ng maayos kung ano ang kakaibang bagay na iyon.Napansin ng kawal ang aking pagtitig sa kanya kaya't napunta sa akin ang tingin niya. Dahan dahan akong nag iwas ng tingin. Siya nama'y hindi siguradong binalik ang tingin sa kamahalan."Mahal na Prinsipe, mayroon na po kaming impormasyon ukol sa magnanakaw ng relikya." Napukaw ang buong atensyon ng kamahalan sa
Huling Na-update: 2022-11-19