BaguhanSinundan ko si Aoife hanggang sa marating namin ang labas ng gusali. Isa iyong malawak na damuhan. May mga bench sa gilid at malalaking punong maaring silungan.Nagawi ang tingin ko sa gitna. Agaw pansin ang napakalaking estatuwa ng anghel na nakabuka ang pakpak habang hawak hawak ang punyal na mayroong nakaukit na iba't ibang uri ng bulaklak.Pamilyar iyon sa akin dahil ang punyal na hawak hawak nito ay kahawig na kahawig ng logo ng paaralan. Sa paahan ng anghel umaagos ang tubig.Sa ibabang parte naman ng fountain makikita ang maliliit na anghel na tila masayang naglalaro sa bawat patak ng tubig sa uluhan nila.Napakaganda no'ng tingnan.Pinagpatuloy namin ang paglalakad at itong si Aoife, imbis na maglakad sa malilim na daan, gusto niya pang maglakad sa gitna ng initan.Nakita kong unti unti nang nang naglabasan ang mga estudyante mula sa kani kanilang silid.Baka break time?Namangha ako nang makita ko ang unipormeng suot suot nila.Ang mga babae ay nakasuot ng high-waisted
Bakas ng Lotus Habang nag iisip kung paano ako makakalabas ng restroom na 'to, hindi ko maiwasan ang pag gawi ng mata ko sa lalaking naka upo sa gilid ng kwarto. Magulo ang kanyang buhok, basa ang suot suot na uniform, mukhang galing sa pag iyak dahil namumula ang kanyang mata, makapal ang kilay, mahabang pilikmata, kulay dagat na mga mata, ilong na matangos, pulang pulang labi at ang perpektong hubog ng panga. Halos hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Namamangha ako sa kaperpektuhan ng kanyang itsura. Siguro kung babae lang siya, siguradong mas maganda pa siya sa akin. Nag angat siya ng tingin dahilan upang mag salubong ang aming mga mata. Mukhang napansin niya ang paninitig ko. Patay malisya kong iniwas ang tingin. Wala akong narinig na reklamo mula sa kanya. Sinawalang bahala ko na lamang iyon at mas tinuon ang aking atensiyon sa sarili. Halos maubos ko na ang tisyung binigay niya kanina. Ipagpapatuloy ko pa sana ang ginagawa ko nang makarinig ako ng hikbi mula sa kung sa
Unang araw Naalimpungatan ako nang marinig ang napalakas na tunog ng bell sa buong dormitoryo. Ayaw ko pang gumising. Reklamo ko nang maalalang alas tres ng madaling araw na ako nakatulog. Marami kasing tumatakbo sa isip ko kaya nahihirapan akong ipikit ang mata at matulog nang mahimbing. Ganun ako palagi. Hindi makakatulog kakaisip sa mga bagay bagay tulad ng kung anong mangyayari kinabukasan. Isa pa, namamahay din ako. Hindi ako sanay na matulog sa malambot na higaang ito. Tapos maiisip ko na naman ang kalagayan ni Ina, kung natutulog ba siya nang maayos, kumakain nang marami at iba pa. Sa loob ng ilang oras lahat ng yan ang bumabagabag sa isipan ko hanggang sa tumilaok na ang manok at sumilip na ang haring araw. Tinakpan ko ng unan ang tenga ko upang mabawasan ang ingay ng bell ngunit wala iyong kuwenta dahil rinig na rinig ko parin! Inis akong umupo mula sa pagkakahiga at papungas pungas na tiningnan ang oras sa gilid ng aking kama. Alas singko palang! Bakit ang aga aga naman
Kasaysayan Ramdam ko na ang malakas na tibok ng puso ko sa sobrang kaba lalo na nang huminto ang tingin ng gurong nasa harapan sa pwesto ko. Agad na akong nag isip ng mga nakakahiyang senaryo, tulad ng mauutal ako habang sumasagot, paano kung hindi ko alam ang isasagot? Baka bigla nalang akong tumakbo palabas ng silid sa sobrang kahihiyan! Pa'no kung matulala na lang ako at di alam ang gagawin? Pa'no na? "Ikaw." Napaupo ako ng tuwid nang bigla siyang magsalita. "P-po?" Nahalata niya yata ang pagiging kabado ko kaya ngumiti siya sa akin nang bahagya. Kahit papano'y kumalma ako dahil do'n. "Bago ka dito hindi ba? Ang iyong pangalan binibini?" aniya. Sa pagkakataong ito ay tumayo na ako at pinakilala ang sarili sa mahinahong paraan hanggay maari. "Ang ngalan ko po'y Ashia Dawn ngunit ang palayaw kong Liwayway ang kadalasang tawag sa akin ng aking mga kakilala." mahinahong sagot ko. Mula rito sa kinatatayuan ko, nakita ko ang paglingon ni Adeem sa pwesto ko na siyang sinundan ng h
Lagusan Hindi ko alam na sobrang gabi na pala matatapos ang klase namin. Paano'y pinaghanap kami ng mga halamang gamot sa palibot ng akademya kaya't pagod na pagod ako. Iba't ibang uri ng halamang gamot ang tinuro sa amin, ang benepisyo no'n, kung para saan 'yon, paano ang tamang paggamit, at ang alternatibo nito kung sakaling walang ganon sa paligid. Naging mahigpit ang klaseng 'yon, kaya't kailangan kong mas pag tuunan ng pansin sapagkat wala akong alam sa panggagamot. Ni isa, wala, kaya't naging interesado na rin ako. Mabuti na lamang ay madali kong nahahanap ang mga bagay o halaman na kailangan. Parang sila mismo ang nagpapakita sa akin kaya naman tuwang tuwa ako. Ang mga kaklase ko'y nahihirapan sa paghahanap kaya't may ilang binigyan ko ng sobrang halaman upang matapos na nila ang kailangan nilang hanapin. Mabuti na lamang mayroon pang mababait na nilalang sa klase namin. Sinabi ng propesor namin sa medisina na ang asignaturang ito ay nagsimula noong naglaho ang kaharian ng I
Sumpa Naglalakad kami sa gitna ng kakahuyan, nakikita ko ang aming anino na ani mo'y mga batang naliligaw sa gitna ng kagubatan. "Saan mo ba kasi nilagay ang kabayo, Vinetu?" Naiiritang tanong ng Kapitan. Kanina pa kami paikot ikot sa kagubatan ngunit hindi parin namin makita ang kabayong sinasabi ni Adeem. Nangangalay na ang paa namin kakalakad. "Dito lang yun, Kapitan. Baka nagtatago lang sa atin." Walang kwentang palusot ni Adeem. Nilingon ng Prinsipe si Adeem at niliitan ng mata. "Sigurado ka ba diyan?" "Opo, mahal na Prinsipe, baka sadyang shy-type lang yung kabayong nirentahan ko sa may bayan." Bahagya akong napatawa sa sinabi niya. May shy-type bang kabayo? "Siguraduhin mo lang Adeem, hindi tayo pwedeng magtagal, hindi ko pa napapakain si Puti." Sabi ng Prinsipe at kinamot ang ulo. Kinagat niya yung palusot? Masamang tingin ang pinukol ng Kapitan sa Prinsipe. "Ano?" ani ng prinsipe nang makita ang nanlilisik na tingin ng kapitan. Mukhang wala talaga siyang ka mal
Pangako "Ang nakikita mo ngayon ay ang kalagayan ng buong Paraiso." Isang detalyadong mapa ang pinakita sa amin ni Aoife. Kitang kita ko ang bawat maliliit na detalye na para bang buhay na buhay ito sa aking harapan ngunit pinaliit na bersyon lamang upang makita namin ng buo. Ang mga ulap at mga ibon na lumilipad ay naroon din. Maging ang usok mula sa kagubatan ay nakikita ko. Tiningnan kong mabuti ang mapa. Unti unting nagbabago ang anyo nito. Kinakain ng dilim ang halos kalahating parte ng mapa, may malaking alon na lumamon sa Paraiso, ngunit mas mataas ang alon na nagmumula sa Niteo. Ito yun, ito yung inaral namin sa kasaysayan. Pinagtuunan ko ng pansin ang parteng iyon ng Niteo. Halos manlaki ang mata ko nang makita ko ang libo libong labi ng tao sa harap ng kaharian. Naroon ang reyna, may bakas ng puot at pighati sa kanyang wangis, hindi gaanong malinaw sa akin ngunit mukhang lumuluha siya ng dugo. Kasunod ng mga trahedyang iyon ay ang pagkawala bigla ng kaharian ng mga diw
Baybayin Lumulutang ang paligid. Iba't ibang liwanag mula sa kapangyarihan ng aking mga kaklase. Mga anyong ngayon ko lamang nakita. Magulo, ang daming kaganapan sa paligid at hindi na makasunod ang kulang sa tulog kong katawan. Halos wala na akong maintindihan sa mga nangyayari. Ang alam ko lang sinundan ko ang aking kaklase nang pumunta silang lahat dito sa training ground ng paaralan. Walang kagamitan na makikita rito, isang malawak lamang na damuhan na mayroong sariwang hangin. Kung ako ang tatanungin, pwede na akong matulog dito ora mismo. Ang rason kung bakit kami nandito? Hindi ko rin alam. Ni hindi ko nga alam pa'no ako nakarating dito sa harapan ng kapwa ko babaeng kaklase. Namumukhaan ko lang siya pero 'di ang pangalan niya. Nakaakto siyang pasugod sa akin. Ako namang walang kamalay malay ay taka siyang tiningnan. Bakit mukhang makikipagrambulan sa akin ang babaeng 'to? Nawala ang antok ko nang bigla niya akong inatake ng suntok sa sikmura at sunod sunod na sipa. P
Magandang araw aking Liyag, Matapos ang ilang buwang pagpapahinga, pagninilay nilay, at pag atupag ng mga gawain sa unibersidad, ang kwentong 'The Missing Kingdom of Izles' ay magbabalik na sa February 12, 2024. Ito'y magkakaroon ng regular na update tuwing Lunes. Hangad nating matapos ang librong ito bago matapos ang taong 2024. Asahan din ang ilang updates sa 'Sunrise Out Of The Blues'. Ang akdang ito naman ay mababasa nang libre sa ibang reading platform. Maraming salamat sa walang sawang paghihintay! Hangad ko ang kapayapaan ng inyong kalooban at sabay sabay muli nating pasukin ang mundo ng mahika! Mula sa inyong manunulat,Aeliag
PaligsahanNakarating kami sa Fleur nang ligtas. Naglaho na ang gintong talulot ng mirasol na bumalot sa amin kasabay ng pagkawala ng engkantasyong mayroon ito.Sinalubong kami ng nag aalalang mukha ni Ginang Aroa. Hawak niya nang mahigpit ang kanyang libro na kasalukuyang lumiliwanag."Aoife Eunoia!" Sigaw ni Ginang Aroa sa kapitan na ngayo'y nanatiling tulala sa isang tabi. Nang marinig ng kapitan ang boses ng Ginang, tila nagising siya mula sa mahimbing na pagkakatulog. Sa isang iglap ay nawala ang bakas ng pag aalala at pagkabigla sa kanyang mukha at bumalik muli iyon sa seryoso at maotoridad tindig. Gaya ng lagi niyang ekspresyon."Ginang Aroa." Tumango ng bahagya ang Kapitan bilang pagbati."Nagparamdam na ang mga talulot!" Sabi ng Ginang habang pinapakita sa amin ang hindi ko maintindihang simbolismong nakasulat sa librong hawak niya. Gintong tinta ang ginamit sa pagsulat no'n.Habang iniinspeksyon namin ang libro, kinuha ng punong kapitan ng Niteo ang aming atensyon."Kapi
AdheresNapakadilim ng lugar na kinaroroonan ko, nilisan na ng liwanag at buhay. Tinalikuran na ng araw at hindi na muling bumalik pa.Malinaw sa alaala ko kung paano binawi ang kanyang hininga. Kung paano dumanak ang dugo. Daan daang bangkay. Lahat sila'y humihingi ng tulong ngunit wala akong nagawa.Nanatili lang akong mahina. Lahat ng pangakong binitawan ko, nasira.Palagi na lang bang ganito?Gaano ba kasakit ang mabuhay sa mundong 'to?Kahit siguro lumuha ako ng dugo, hindi ko maibabalik ang buhay ng mga taong 'yon. Lahat ng pinangakuan kong ililigtas. Lahat sila wala na.... Wala na.Minulat ko ang mata ko. Puting kisame ang sumalubong sa akin. Masakit ang buong katawan ko ngunit nawalan na akong pakialam do'n.Naramdaman ko ang mahinang pagdampi ng mainit na hangin sa aking kanang kamay. May mabigat na pwersang nakadagan do'n.Dahan dahan kong sinulyapan ang pwestong 'yon. Doon ko nakita ang pigura ng isang lalaking nakatungo sa gilid ng aking kama. Mukhang mahimbing ang tulog n
Paglubog ng arawHabang papalapit kami nang papalapit sa direksyon ng ingay nang nakarinig kami ng malalakas na hagupit sa hangin kasabay ng pag iyak ng munting ginoo. Unting tiis nalang Elio, parating na kami ng kamahalan.Nagulat ako nang maramdaman ko ang pag angat ng aking katawan mula sa lupa. Isang talulot ng liryo ang nagsilbi naming sasakyan. Tiningnan ko si Adeem, nakita ko ang pagngisi niya sa akin bago kumumpol ang kulay pilak na talulot sa likod niya upang bumuo ng pakpak. Lumipad siya sa unahan namin at binuka niya ang kamay kasabay ng maninipis na kulay puting taling kumakabit sa sinasakyan naming talulot. Hindi nagtagal ang taling iyon at naglaho."Hold on tight, mga nilalang!" Sigaw niya at hinila niya ng buong pwersa ang mga taling hindi na makita ng normal na mata, kasabay ng pagpagaspas ng kulay pilak niyang pakpak, sa isang iglap ay narito na kami sa teritoryo ng kalaban.Napawalang bisa ang kapangyarihan ni Adeem sa hindi malamang dahilan kaya't bigla kaming nahu
KaluskosNaririnig ko ang mahinang kaluskos ng hangin sa kagubatan, ang mga tuyong dahon na aming natatapakan, tila nahinto ang aking mundo nang may makita kaming bakas ng dugong nakakalat dito.Inangat ng kapitan ang kanyang kanyang kamay upang senyasan kaming tumigil sa pagkilos. Pigil hininga ko iyong sinunod. Hindi namin alam kung saan galing ang mga bakas ng dugo ngunit isa lamang ang sigurado, patungo ang bakas na iyon sa direksyon ng tirahang sinasabi ng munting ginoo.Naging alerto ang lahat ng makarinig kami ng kaunting kaluskos sa bandang silangan ng kagubatan, binaba namin lahat ng dala dala naming regalo at hinanda ang kanya kanyang armas. Kinuha ng kapitan ang kanyang pana at taimtim na tintututok iyon sa munting paggalaw naming naririnig sa paligid.Hinanda namin ang sarili sa maaring atake mula sa kawalan, lalo na't kasama namin ngayon ang kamahalan. Ngayon ko lang naisip kung gaano kadelikado ang ginawa naming paglabas ng palasyo nang wala man lang kasamang mga kawal u
KahilinganMadali ang bawat hakbang papunta sa kamahalan.Bakit napakabilis naman maglakad ng mga 'to?"Kamahalan, maari ka bang makausap nang saglit?" Tumigil siya sandali at tumingin sa akin. Inarko niya ang kilay sa astang pagtatanong. Babanggitin ko na sana ang nais kong sabihin nang biglang inagaw ang atensyon niya ng isang kawal na nagmamadaling lumapit sa pwesto namin. Gaya ng lagi kong nakikita, siya'y nakasuot ng itim na baluti at may hawak na kalasag at espada sa gilid. Kung titingnan ay lubhang kagalang galang ang itsura ng kawal na ito kumpara sa mga nakita ko kanina. Ang awra niya ay kakaiba ngunit hindi ko maihayag ng maayos kung ano ang kakaibang bagay na iyon.Napansin ng kawal ang aking pagtitig sa kanya kaya't napunta sa akin ang tingin niya. Dahan dahan akong nag iwas ng tingin. Siya nama'y hindi siguradong binalik ang tingin sa kamahalan."Mahal na Prinsipe, mayroon na po kaming impormasyon ukol sa magnanakaw ng relikya." Napukaw ang buong atensyon ng kamahalan sa
Hari harianTensiyonado kong tiningnan ang mahal na prinsipe at ang limang matandang opisyal habang patuloy kami sa paglalakad papalapit sa kanila. Nang makarating kami sa harap ng lima ay hindi ko inaasahan ang mababaw nilang pagyuko para sa kamahalan."Akala ko'y hindi mo na ulit bibisitahin ang ating palasyo mahal na prinsipe." Saad ng matandang mayroong puting buhok at mahabang balbas. Ang bakas ng kanyang edad ay makikita na sa kanyang mukha. Hindi ako sigurado ngunit mukhang siya ang may pinaka mataas na katungkulan sa kanilang lima."Nagagalak akong hindi mo ako nakalimutan Don Venancio. Nagawi ako rito upang tapusin ang isang misyon at kung hindi ako nagkakamali ay dahil iyon sa nawawalang relikyang pag aari ng aking kaharian." Nakita ko ang bahagyang pag ismid ng tatlo sa limang matatanda matapos banggitin ng kamahalan ang pag aangkin nito sa kaharian. Ngumisi ang kausap niyang Don ngunit bakas dito ang disgusto. Nanatiling mahinahon ang kamahalan sa mga negatibong ekspresyon
Ang Tagapagmana Naging mabilis ang paglalakbay namin patungong Kaharian ng Niteo. Sa buong durasyon ng aming biyahe ay nanatiling tahimik ang bawat isa. Seryoso ang ekspresyon ng Prinsipe at Kapitan kaya naman hindi namin magawang guluhin ni Akari ang atmospera sa loob ng karwahe. Nang makarating kami sa Niteo, mayayabong na halaman ang sumalubong sa amin. Kasing ganda iyon ng aming Unibersidad kaya't lubos akong nagigiliw sa mga nakikita. May ilang batang ada rin na naglalaro sa paligid. Kasing liliit sila ng aking hintuturo. May magiliw silang ekspresyon at yumuko rin nang bahagya nang makita nilang nasa loob din ang tagapagmana. Mukha silang mga cute na keychain na gusto kong ibulsa ngunit alam kong hindi iyon maari dahil baka ipatapon pa akong Kapitan sa Sephtis. Ang balita ko pa nama'y walang nakakalabas ng buhay doon sabi ni Akari. Lubha raw mabibigat ang parusang binibigay ng kanilang sa kaharian sa mga nagkakasala na mas gugustuhin mo nalang bawian ng buhay kaysa tanggap
Misyon Halos dalawang linggo na rin ang nakalipas simula nang lumipat kami rito sa bagong dormitoryo. May iilang misyon na rin akong natapos, ang kadalasan sa mga nakukuha ko ay hindi ganun kahirap tulad ng pagtulong sa pag gagamot ng mga kapwa ko estudyante na nasugatan sa pag eensayo, may ilang utos rin na kailangan kong lumabas ng Akademya kasama ko sina Adeem at Akari kadalasan, bihira kasing kumuha ng mga madadaling misyon ang Kapitan at ang Prinsipe. Kagaya ngayon, ang misyon namin ay hulihin ang magnanakaw ng relikyang nagmula sa kaharian ng Niteo. Lubhang mahalaga daw yun sa pumanaw na Hari kaya naman sa Fleur Academy na binigay ang misyon na 'yon ng mga nakakataas. Isang araw na raw simula nang mawala yun kaya nagmamadaling dumulog ang tagapangalaga ng relikyang iyon sa amin matapos niyang hindi mahuli at mahanap ang nagnakaw. Hindi ko alam kung alam na ng Prinsipe ang pangyayaring 'to. Base sa mga impormasyong natanggap namin. Ang anyo ng relikya ay isang purong gintong si