Puraw sa Dagtum
Ramdam na ramdam ko ang tumatagaktak na pawis sa aking kabuuan. Ang init ng araw na nagdadagdag ng pagkahapo sa aking pakiramdam. Lalamunan na natuyo't na sa paulit ulit na pag aalok sa mga dumadaan.Palakad lakad sa harap ng simbahan, umaasang mayroong bibili sa panindang aking hawak hawak.
Ang bawat taong nilalagpasan lamang ako ay hindi ko ininda dahil mas importante si Ina at ang kalansing ng mga baryang manggagaling sa kanilang bulsa.
"Ate, Kuya, bili na po kayo ng sampaguita, may lima at may sampung piso po." Hindi ako pinansin ng lalaking dumaan sa harapan ko, ang babaeng nakaangkla sa bisig niya naman ay tinarayan lamang ako, nakita ko ang disgusto sa kaniyang mga mata at bakas ang pandidiri sa reaksiyon niya habang sinisipat ang aking kabuuan.
Tiningnan ko ang aking kasuotan, puting lumang bistida na mula kay Ina noong kabataan niya, kupas na ito at naninilaw ang ibang parte dahil sa kalumaan ngunit malinis naman. Hindi tulad ng nahihinuha ko sa kanyang mga mata na tila ako na ang pinakamaduming taong nakita niya.
Oo nga't hindi pa ako naliligo dahil mas pinipili kong ipambili ng pagkain ang perang gagastusin sa tubig pero hindi naman ako mabaho, bagkus ay kumakapit pa ang halimuyak ng sampaguita sa aking katawan.
Ang arte arte naman nito.
Minsan ay hindi ko maintindihan ang ibang tao, papasok sa simbahan upang matuto nang mga salita Niya, ngunit hindi naman sinasabuhay ng iba.
Lumayo na lamang ako sa kanila at humanap ng ibang taong maari kong pag bentahan.
Ilang oras pa ang ginugol ko sa pagbebenta ng sampaguita hanggang sa makakuha ako ng sapat na perang maaring ipambili nang tanghalian ng aming pamilya.
Napagpasyahan ko nang umuwi, hawak hawak ng mahigpit ang isang daang piso na ibibili ko ng sardinas at isang kilong bigas, tinungo ko ang tindahang malapit sa aming tahanan.
"O, Liway! Lumipas na ang tanghalian ah! Bakit ngayon ka lang natapos?" Isang ngiti muna ang sinagot ko kay Ate Lilit, siya ang namamahala sa malaking tindahan sa aming barangay. Magiliw ang kanyang ngiti kaya naman, maraming bumibili sa kanya, nagpapautang din siya kaya madalas siya ang takbuhan ng nagigipit na mamamayan sa amin.
"Matumal po ang bentahan ng sampaguita ngayon Ate kaya natagalan ako." sabi ko habang pinupunasan ang pawis sa aking noo.
"Ganun ba? Baka dahil yan sa bagong tindahan ng bulaklak malapit sa simbahan! Balita ko'y hindi nalalanta ang kanilang paninda kahit ilang taon pa ang lumipas." napakunot ang aking noo.
"Tingnan mo ito! Bumili ako ng sampaguitang tulad ng binebenta mo mula sa kanila noong nakaraang linggo, hanggang ngayon ay buhay na buhay parin at lubos na humahalimuyak ang bango." inabot niya ito sa akin.
Iniwan ako saglit ni Ate Lilit upang kuhanin ang bigas at sardinas na lagi kong binibili sa kaniya.
Tiningnan kong maigi ang sampaguitang nasa kamay ko, totoo ngang humahalimuyak ang bango nito at mukhang sariwang sariwa!
Ano kayang klase ng kemikal ang inilagay nila dito? Paano napanatili nito ang ganda ng bulaklak?
Lalo kong inilapit ang sarili dito nang mapansin kong may kung anong kumikinang na kulay puti sa bulaklak.
Nagulat na lamang ako nang biglang nagkaroon ng buhay ang sampaguitang hawak ko! Gumapang ang mga dahon nito malapit sa aking palapulsuhan, habang ang mga bulaklak naman nito ay naglabas ng nakakasilaw na liwanag!
"Umalis na kayo Amaris!"
"Hindi pwede! Sa iyo isisisi lahat ng mga Diyosa ang kaguluhang ito!"
"Alam ko! Kaya umalis na kayo bago pa nila kayo mahuli!"
"Hindi pwede Azul! Hindi pwedeng ikaw ang magdusa sa kasalanang hindi naman ikaw ang may gawa!"
"At hindi naman ikaw ang may gawa no'n hindi ba? Ginagawa ko lang ang tama Amaris. Kaya pakiusap umalis na kayo."
"Alis na!"
Naramdaman ko ang kuryenteng dumadaloy sa katawan ko. Minulat ko ang mata ko at nakita kong umabot na sa aking bisig ang lumalatay na ugat ng sampaguita!
Nabitawan ko ang sampaguita. Agad namang nawala ang mga ugat at dahon ng halamang nakapulupot sa bisig ko. Bumalik ito sa dating itsura na parang walang nangyari.
Rinig na rinig ko ang kabog ng aking dibdib, nananakit din ang aking ulo.
"Liway, ayos ka lang?" wala sa loob akong tumingin kay Ate Lilit. Hawak hawak na niya ang binili ko.
Hindi ko na siya nasagot, kinuha ko na ang nasa kamay niya at tumalikod. Nagsimulang humakbang ng mabilis ang aking mga paa.
"Liway! Ayos ka lang bang bata ka?" sumigaw na si Ate Lilit, medyo malayo na rin ang pwesto ko mula sa kanya. Lumingon na lang din ako at sumigaw pabalik nang sa gayon, hindi na siya mag alala.
"Ayos lang po Ate! Bukas nalang po!"
Dinadaga ang dibdib ko, sobra ang kabang nararamdaman ko! Ang mga kamay kong mahigpit na nakahawak sa pagkain ay hindi na maitago ang nginig.
Anong nangyari kanina? Bakit parang may sariling buhay ang sampaguitang iyon!
Napahinto ako sa paglalakad.
Ano yung nakita ko nung oras na pinikit ko ang mata ko? Amaris? Azul? Sino sila? Hindi malinaw ang mga mukha nila ngunit lubhang pamilyar ang kanilang mga tinig.
Lutang akong nakarating sa bahay. Nadatnan ko si Ina, nakaupo siya sa papag at mukhang balisa.
"Ina? Ayos lang po kayo? Bakit po kayo nakaupo diyan sa sahig?" pinatong ko sa lamesa ang mga pinamili ko.
Lumapit ako kay Ina. Nanatili siyang nakatulala sa kawalan.
"Ina..." Tumingin siya sa akin, tila nakahinga siya ng maluwag nang makita ako. Inabot niya ang pisngi ko sa marahang paraan. Dama ko ang pag iingat sa kanyang haplos, ngunit sa mga mata niyang kulay tsokolate, makikita mo ang labis pangangamba na hindi ko alam kung saan nagmula.
"Tumigil ka na sa pagtitinda ng sampaguita, Liway." gulat akong napalayo sa kanya.
"Pero Ina, yun lang po ang pinagkakakitaan natin. Ano pong kakainin natin araw araw kung titigil ako sa pagbebenta?" hinawakan ko ang dalawa niyang kamay.
"Ina, kaya ko pa pong magtinda, ako na po ang bahala. Kakayanin pa po natin." ilang beses umiling iling si Ina, dama ko ang labis niyang pagtutol sa tinuran ko.
"Simula ngayon ay hindi ka na hahawak ng kahit anong bulaklak, lalong lalo na ang sampaguita. Hindi ka na lalabas ng bahay, ako na ang magtrabaho para sa ating dalawa." rinig ko ang diin sa bawat salitang binibigkas niya. Desididong desidido siya sa mga sinasabi niya.
"Pero Ina, hindi po kayo pwedeng mapagod. Baka lalo pong lumala ang sakit niyo... " halos magmakaawa na ako sa kanya.
Tumayo siya mula sa pagkakasalampak sa sahig. Diretso ang tingin niya sa akin. Tila kinakain ng buo ang kaluluwa ko sa paraan ng pagtingin niya. Ang dating tsokolateng matang puno ng agam agam ay napalitan ng blankong ekspresyon.
"Hindi ka na lalabas at hahawak pang muli ng bulaklak Liwayway! Alin ba doon ang hindi mo maintindihan?!" Dumagundong ang sigaw niya sa buong kabahayan.
Hindi ako sanay na ganito si Ina, palagi siyang mahinahon at malambing magsalita tulad ng puting orkids. Nangatal ang aking labi. Ayaw ko ng ganito! Hindi ko gustong galitin ang kaisa isang pamilyang mayroon ako.
Mukhang napasama ko pa ang loob ni Ina.
Labag man sa loob ay tumango na lamang ako upang hindi na lalong magalit si Ina. Hindi ko alam kung ano ang rason niya't bigla niyang naisipang patigilin ako sa pagbebenta ng sampaguita na halos walong taon ko nang ginagawa.
Kinabukasan, pungas pungas akong bumangon, wala pa ang haring araw, alas-cuatro palang ng umaga ngunit ang taong nambubulabog sa pintuan nang aming tahanan pang tanghaling tapat na ang enerhiya!
Tumayo ako mula sa aking higaang banig at naglakad patungo sa pintuang pinagmumulan ng ingay.
Oras na maabot ko ang pintuan narinig ko na ang pamilyar na boses.
"Liway! Gumising ka! Ang iyong Ina!"
Si Ate Lilit!
Walang pakundangan kong binuksan ang pinagtagpi tagping kahoy na pintuan ng aming tahanan.
"Ate! Ano pong nangyari?"
Hinawakan ni ate Lilit ang aking dalawang braso. May pawis sa kanyang noo at may bahid ng pag aalala ang kanyang ekspresyon.
"Ang iyong Ina Liway! Namamalimos sa tapat ng simbahan! Ilang beses ko na siyang pinatigil pero ayaw niya! Anong nangyayari Liway?"
Bakit? Ito ba ang sinasabi ni Ina? Siya ang magtatrabaho? Hindi ito pagtatrabaho! Tiyak na mapapahamak lamang siya!
Wala na akong narinig sa mga sinabi ni ate Lilit, ang tanging nasa isip ko na lamang ngayon ay puntahan si Ina at patigilin sa kahibangan niya!
Ano bang kinakatakot niya? Anong meron sa pesteng bulaklak ng sampaguita o kahit ano pa mang klase ng bulaklak na iyan at ipagpapalit niya ang kaligtasan niya huwag lang akong humawak muli ng mga ito?!
Ang lakad ko'y nagmamadali, tila anumang araw ngayon ay titigil na sa pag ikot ang orasan. Hindi ko na napansin si Ate Lilit kung nakasunod ba siya sa akin o hindi.
Ang mga paa ko'y siguradong sigurado ang bawat hakbang. Hindi ko manamnam ang ganda ng kalikasan ngayong madaling araw, dumaan lang ito na parang hangin sa aking paningin.
Nang marating ko ang tapat ng simbahan, doon ko natanaw si Ina, tuluyan na akong natigilan sa pag hakbang. Kaawa awa ang kanyang itsura! Kahit kailan ay hindi ko hinangad na mahirapan siya ng ganito! Pakiramdam ko ay napakasama kong anak dahil hinayaan kong humantong sa ganito! Hindi ko maatim ang nandidiring paningin ng mga tao kay Ina!
Suot suot ang bistidang kulay Lila, ang nangungulubot na mga kamay na pilit inaabot ang dumadaan, sinisikap niyang makalapit at makahingi ng kahit isang kusing ngunit pag ismid at paglayo lamang ang sinukli nila!
Mayroong sakit sa balat si Ina, tila bulaklak na nalalanta ang kalahati ng kanyang katawan dahil nangingitim ito at nagsusugat.
Ilang beses na itong pinatingin sa Doktor sa may bayan ngunit hindi nila malaman ang totoong sakit niya. Palagi na lamang sinasabi ng mga ito na dalhin siya sa Maynila si Ina upang mas mapag aralan kung anong sakit ang dumapo sa kanya pero ayaw niya. Isa pa, wala kaming pera.
Ihahakbang ko na sanang muli ang aking paa ng matanaw ko ang dalawang pulis na papalapit kay Ina!
Tinakbo ko na ang aming distansiya.
Anong gagawin nila kay Ina?!
"Ina! Ina!" pawisan at habol hiningang sigaw ko pero walang nakinig. Pinagpatuloy lang ng mga pulis na kaladkarin ang aking Ina palayo sa dagat ng mga tao!
"Tigil! Itigil niyo yan! Pakiusap po!" kita ko ang hirap sa mukha ni Ina habang pilit na sinasalungat ang mga taong tangan tangan ang kanyang dalawang braso. Nanghihina. Nasasaktan na siya! Nagdudugo na ang iba niyang sugat!
Tila pinagsakluban ako ng langit at lupa nang oras na lumapat sa malamig na semento ang katawan ni Ina mula sa malakas na pagwaksi ng pulis sa kahabag habag niyang katawan.
Tunay ngang madamot ang mundo para sa tulad naming mahihirap at naiiba sa lahat.
Dahil kahit kailan, hindi nito kami pinaburan.
aeliag © 2022
All rights reserved.Puting Orkids"Sir, pakiusap po. Pakawalan niyo na po si Ina, wala po siyang ginagawang masama." sabi ko nang halos mag magmakaawa na sa pulis na nasa aking harapan.Dinala nila si Ina sa presinto at ngayo'y nasa loob na siya ng selda! Hindi ko alam bakit ganito ang trato nila, wala naman siyang ginagawang masama!"Neng, umuwi ka muna. Hindi pa pwedeng pakawalan ang nanay mo. Bukas pa ng umaga." sabi niya habang may sinusulat sa log book.Ilan pagmamakaawa pa ang ginawa ko pero parang wala silang nakikita o naririnig. Hindi ko alam pa'no nila naaatim damputin ang mga taong hindi naman nagkasala.Sa huli, wala paring nagawa ang pag sasayang ko ng laway. Hindi parin nila pinalaya si Ina, bagkus ay binagyan lang ako ng ilang minuto upang bisitahin siya."Ina..." kalunos-lunos ang kalagayan niya. Natuyo na ang nagdudugong sugat niya kanina. Bitak bitak ang labi sa sobrang tuyo nito, pagod na tsokolateng mga mata, nanginginig na katawan, pilit na hinahapit ang balabal na lila, para bang map
Berdeng MataNakapikit ako habang dinadama ang paligid. Masakit parin ang aking buong katawan, idagdag pa ang mga mahahapding sugat na lubos na nagpapahirap sa aking pakiramdam.Ang kinalalagyan ko, gumagalaw ito. Parang nakasakay ako sa kung saan. Hindi ko pa sana nais imulat ang aking mga mata ngunit bumaha sa alaala ko ang mga pangyayari bago ako tuluyang nilamon ng dilim.Dali dali akong bumangon. Kinakabahan at nagtatakang tiningnan ko ang kinasasadlakan.Minulat ko ang mata ko.Bakit purong itim parin ang nakikita ko?!Ilang beses kong sinubukang kumurap ngunit wala itong epekto!Bulag na ba ako?Itinaas ko ang kamay ko, umaasang may makakapa akong dingding o kahit anong bagay sa paligid. Hindi nga ako nagkamali dahil isang magaspang na bagay ang aking naramdaman. Kinapa ko pa itong mabuti, tila ang magaspang na teksturang ito ay ang buong dingding.Pinagpatuloy ko ang paggamit sa aking pandama hanggang sa naramdaman ko na lamang na biglang tumigil sa paggalaw ang kinalalagyan ko
Fleur AcademyRinig na rinig ko ang huni ng ibon mula sa kawalan, ang banayad na pag ihip ng hangin sa aking buhok. Maging ang anino ng mga puno ay mas nagbigay buhay sa lugar.Maliwanag ang paligid at kitang kita ang bawat detalye nito, tila ipininta ng isang magaling na pintor ang bawat kurba at disenyo. Sa aking harapan ay ang naglalakihang kastilyo. Namangha ako sa lawak nito. Tila sakop nito ang isang maliit na pulo! Ilang metro din layo nito mula sa aming kinalalagyan.Naku! delikado, mukhang maliligaw ako dito!Nanatili ang pagkamanghang ekspresyon ko habang nililibot ang paningin sa paraisong ito. Nagsimulang maglakad ang mga tao sa aking harapan kaya't wala sa sarili ko rin silang sinundan.Nasa harapan namin ang babaeng bruha. Diretso ang lakad niya, parang isang sundalo ang galawan. Ganun din ang ginawa ng dalawa niyang alalay. Taliwas na taliwas sa kilos ng lalaking nasa aking tabi, paano ba naman at ngiting - ngiti ito, pag tinitingnan ko siya para siyang lumiliwanag. Para
PagsusulitNanatili akong tulala sa mga pangyayari. Hindi ko inaasahan ang mga ito. Mga bagay na ibang iba sa kinalakihan ko. Ang mahika, mga bulalaklak, kakaibang nilalang at ang paaralang nasa aking harapan. Ang Unibersidad ng Fleur. Sinong mag aakala na ang imahinasyon ng mga manunulat ay totoo at hindi produkto ng imahinasyon lamang? Kung tutuusin, napakalaki ng mundo, marami pa tayong mga bagay na hindi natutuklasan mula rito, ngayon pa lang ay natatakot na akong malaman.Nauna nang humakbang ang Prinsipe sa harapan.Ang kanyang tikas ay katulad ng matatag na puno ng narra, ang bawat kilos ay maihahalintulad sa mabangis na leon, siguradong sigurado ang bawat hakbang at may paninindigan. Sulyap na kasing lalim ng karagatan, may kakayahang kilalanin ang iyong tinatagong kaanyuan. Ang kanyang maamong mukha na kasing liwanag ng araw at kasing tapat ng mirasol. Walang duda, siya ay isang Prinsipe.Yumuko ang bawat nilalang na kanyang dinadaanan, maging ang dalawang kawal na kasama n
Bulaklak ng LiryoNasa madilim na parte na kami ng kagubatan at patuloy parin sa paglalakad si Puti. Habang papalayo kami ng papalayo sa pinaghulugan ko kanina mas nararamdaman ko ang simoy ng hangin, mas malamig iyon kumpara sa nakasanayan.Maraming tuyong dahon sa aming nilalakaran kaya't rinig na rinig ang bawat hakbang ko. Makikita rin ang malalaking anino ng mga puno habang sumasabay ito sa ritmo ng hangin.Pinagkrus ko ang aking kamay at niyakap ang aking magkabilang bisig. Masyado nang malamig, hiyang hiya naman ang sleeveless na suot ko."Puti saan ba tayo pupunta?" Alam kong isa siyang aso pero baka sakaling marunong siyang magsalita, baka katulad din siya ng mga kakaibang nilalang na nakita ko kanina.Ilang saglit pa'y tumigil bigla sa paglalakad si Puti. Huminto rin ako dalawang hakbang mula sa aso."Puti?"Imposibleng dito ang daan palabas. Dahil wala akong makitang lagusan kung saan, ngunit mayroong isang bangin sampung hakbang mula sa aming kinalalagyan.Nanlaki ang mata
RepleksyonHindi maganda ang pakiramdam ko. Sapat na ang mga salitang iyon upang sumahin ang takot at kaduwagan na nararamdaman ko. Pakiramdam ko'y nahihilo at masusuka na ako anumang oras. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, hindi makahinga ng maayos at nanginginig ang dalawang kamay. Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng pintuang iyon ay sunod sunod na ang rehistro sa utak ng mga posibleng mangyari nang oras na pumasok ako doon."Hoy Tao, ayos ka lang? " Boses ni Adeem ang nakapagpabalik sa akin sa reyalidad."Hindi." Dahil yun naman ang totoo. Hindi ako ayos! Walang maayos sa sitwasyon na 'to! Ito namang lalaking katabi ko, pangisi ngisi lang na para bang walang masamang mangyayari ilang minuto mula ngayon.Ang pakiramdam ko'y hinahatid na ako sa huling hantungan!"Lilipas din yan." Sagot niya.Anong 'lilipas din yan' ang sinasabi ng isang 'to? Lilipas din yan kung hindi na ako makalabas sa pintong 'yan?!Hindi ko na nasabi ang dapat kong sasabihin sa kanya dahil biglang may lumi
BalatkayoNawiwirduhan ako sa paraan ng pakikipag usap sa akin ni Adeem ngayon. Paano'y pagkatapos kong makalabas ng pinto, masyado nang masaya ang persona niya. Madalas na rin siyang nakangiti kahit mukha siyang galit sa mundo nang una ko siyang makausap.Anong nangyayari?"Alam mo ba Liwayway, napakaraming ginto sa aming kaharian, nais mo bang dalhin kita roon?" Itinaas niya ang kanyang kamay upang imuwestra kung gaano karami ang gintong sinasabi niya habang ako nama'y tahimik na nakikinig at kasabay siyang maglakad.Napangiwi ako.Mukha siyang sabik na sabik habang nagkukwento ng mga bagay na gustong gusto niya sa kaharian ng Vinetus. Sa katunayan, kumikinang pa ang kanyang mga mata habang nagsasalita."Liwayway?" Tumigil siya bigla sa paglalakad."Huh?" Nagtataka kong tingin sa kanya. Hindi ko na nasundan ang pinagsasabi niya kanina."Ang sabi ko nagugutom ka na ba?" Tiningnan ko nang maigi ang mukha niya. Wala akong makitang bakas ng kaibahan ng itsura niya ngayon sa itsura niya
MalayaNagkamali ako. Hindi siya nagbabalatkayo tulad ng inaakala ko. Hindi siya nagkukunwari, hindi siya ang impostor kundi ako.Hindi ko inaasahang paglabas ko sa unang pinto ay dadalhin agad ako nito sa ikalawa't ikatlo. Ako ang naliligaw at hindi siya. Simula umpisa palang ay totoo na lahat ng mga sinabi niya.Bakit hindi ko agad iyon nakita?GLUTTONY & WRATHIyan ang dalawang pintuang pinasok ko nang hindi namamalayan. Masyado akong naging pabaya at inisip na ako lamang ang tama. Ang sabi ko'y hindi ko ibaba ang aking depensa ngunit salungat ang aking nagawa.'Latak ng kasinungalingan, Tiyak na ika'y pagsasarhan.'Hindi lahat ng bagay na maganda ang panlabas na kaanyuan ay mayroong mabuting kalooban.Nalinlang kami ng aming mga mata. Nilason ang kakayahan naming makakita.Latak ng kasinungalingan mula sa pagkaing nakahain sa aming harapan. Sinarado ang isipan sa posibilidad na ito'y maaring maging ugat ng kapahamakan.Hindi nakikita ng mata ang lahat. Hindi nito lubusang nasusur
Magandang araw aking Liyag, Matapos ang ilang buwang pagpapahinga, pagninilay nilay, at pag atupag ng mga gawain sa unibersidad, ang kwentong 'The Missing Kingdom of Izles' ay magbabalik na sa February 12, 2024. Ito'y magkakaroon ng regular na update tuwing Lunes. Hangad nating matapos ang librong ito bago matapos ang taong 2024. Asahan din ang ilang updates sa 'Sunrise Out Of The Blues'. Ang akdang ito naman ay mababasa nang libre sa ibang reading platform. Maraming salamat sa walang sawang paghihintay! Hangad ko ang kapayapaan ng inyong kalooban at sabay sabay muli nating pasukin ang mundo ng mahika! Mula sa inyong manunulat,Aeliag
PaligsahanNakarating kami sa Fleur nang ligtas. Naglaho na ang gintong talulot ng mirasol na bumalot sa amin kasabay ng pagkawala ng engkantasyong mayroon ito.Sinalubong kami ng nag aalalang mukha ni Ginang Aroa. Hawak niya nang mahigpit ang kanyang libro na kasalukuyang lumiliwanag."Aoife Eunoia!" Sigaw ni Ginang Aroa sa kapitan na ngayo'y nanatiling tulala sa isang tabi. Nang marinig ng kapitan ang boses ng Ginang, tila nagising siya mula sa mahimbing na pagkakatulog. Sa isang iglap ay nawala ang bakas ng pag aalala at pagkabigla sa kanyang mukha at bumalik muli iyon sa seryoso at maotoridad tindig. Gaya ng lagi niyang ekspresyon."Ginang Aroa." Tumango ng bahagya ang Kapitan bilang pagbati."Nagparamdam na ang mga talulot!" Sabi ng Ginang habang pinapakita sa amin ang hindi ko maintindihang simbolismong nakasulat sa librong hawak niya. Gintong tinta ang ginamit sa pagsulat no'n.Habang iniinspeksyon namin ang libro, kinuha ng punong kapitan ng Niteo ang aming atensyon."Kapi
AdheresNapakadilim ng lugar na kinaroroonan ko, nilisan na ng liwanag at buhay. Tinalikuran na ng araw at hindi na muling bumalik pa.Malinaw sa alaala ko kung paano binawi ang kanyang hininga. Kung paano dumanak ang dugo. Daan daang bangkay. Lahat sila'y humihingi ng tulong ngunit wala akong nagawa.Nanatili lang akong mahina. Lahat ng pangakong binitawan ko, nasira.Palagi na lang bang ganito?Gaano ba kasakit ang mabuhay sa mundong 'to?Kahit siguro lumuha ako ng dugo, hindi ko maibabalik ang buhay ng mga taong 'yon. Lahat ng pinangakuan kong ililigtas. Lahat sila wala na.... Wala na.Minulat ko ang mata ko. Puting kisame ang sumalubong sa akin. Masakit ang buong katawan ko ngunit nawalan na akong pakialam do'n.Naramdaman ko ang mahinang pagdampi ng mainit na hangin sa aking kanang kamay. May mabigat na pwersang nakadagan do'n.Dahan dahan kong sinulyapan ang pwestong 'yon. Doon ko nakita ang pigura ng isang lalaking nakatungo sa gilid ng aking kama. Mukhang mahimbing ang tulog n
Paglubog ng arawHabang papalapit kami nang papalapit sa direksyon ng ingay nang nakarinig kami ng malalakas na hagupit sa hangin kasabay ng pag iyak ng munting ginoo. Unting tiis nalang Elio, parating na kami ng kamahalan.Nagulat ako nang maramdaman ko ang pag angat ng aking katawan mula sa lupa. Isang talulot ng liryo ang nagsilbi naming sasakyan. Tiningnan ko si Adeem, nakita ko ang pagngisi niya sa akin bago kumumpol ang kulay pilak na talulot sa likod niya upang bumuo ng pakpak. Lumipad siya sa unahan namin at binuka niya ang kamay kasabay ng maninipis na kulay puting taling kumakabit sa sinasakyan naming talulot. Hindi nagtagal ang taling iyon at naglaho."Hold on tight, mga nilalang!" Sigaw niya at hinila niya ng buong pwersa ang mga taling hindi na makita ng normal na mata, kasabay ng pagpagaspas ng kulay pilak niyang pakpak, sa isang iglap ay narito na kami sa teritoryo ng kalaban.Napawalang bisa ang kapangyarihan ni Adeem sa hindi malamang dahilan kaya't bigla kaming nahu
KaluskosNaririnig ko ang mahinang kaluskos ng hangin sa kagubatan, ang mga tuyong dahon na aming natatapakan, tila nahinto ang aking mundo nang may makita kaming bakas ng dugong nakakalat dito.Inangat ng kapitan ang kanyang kanyang kamay upang senyasan kaming tumigil sa pagkilos. Pigil hininga ko iyong sinunod. Hindi namin alam kung saan galing ang mga bakas ng dugo ngunit isa lamang ang sigurado, patungo ang bakas na iyon sa direksyon ng tirahang sinasabi ng munting ginoo.Naging alerto ang lahat ng makarinig kami ng kaunting kaluskos sa bandang silangan ng kagubatan, binaba namin lahat ng dala dala naming regalo at hinanda ang kanya kanyang armas. Kinuha ng kapitan ang kanyang pana at taimtim na tintututok iyon sa munting paggalaw naming naririnig sa paligid.Hinanda namin ang sarili sa maaring atake mula sa kawalan, lalo na't kasama namin ngayon ang kamahalan. Ngayon ko lang naisip kung gaano kadelikado ang ginawa naming paglabas ng palasyo nang wala man lang kasamang mga kawal u
KahilinganMadali ang bawat hakbang papunta sa kamahalan.Bakit napakabilis naman maglakad ng mga 'to?"Kamahalan, maari ka bang makausap nang saglit?" Tumigil siya sandali at tumingin sa akin. Inarko niya ang kilay sa astang pagtatanong. Babanggitin ko na sana ang nais kong sabihin nang biglang inagaw ang atensyon niya ng isang kawal na nagmamadaling lumapit sa pwesto namin. Gaya ng lagi kong nakikita, siya'y nakasuot ng itim na baluti at may hawak na kalasag at espada sa gilid. Kung titingnan ay lubhang kagalang galang ang itsura ng kawal na ito kumpara sa mga nakita ko kanina. Ang awra niya ay kakaiba ngunit hindi ko maihayag ng maayos kung ano ang kakaibang bagay na iyon.Napansin ng kawal ang aking pagtitig sa kanya kaya't napunta sa akin ang tingin niya. Dahan dahan akong nag iwas ng tingin. Siya nama'y hindi siguradong binalik ang tingin sa kamahalan."Mahal na Prinsipe, mayroon na po kaming impormasyon ukol sa magnanakaw ng relikya." Napukaw ang buong atensyon ng kamahalan sa
Hari harianTensiyonado kong tiningnan ang mahal na prinsipe at ang limang matandang opisyal habang patuloy kami sa paglalakad papalapit sa kanila. Nang makarating kami sa harap ng lima ay hindi ko inaasahan ang mababaw nilang pagyuko para sa kamahalan."Akala ko'y hindi mo na ulit bibisitahin ang ating palasyo mahal na prinsipe." Saad ng matandang mayroong puting buhok at mahabang balbas. Ang bakas ng kanyang edad ay makikita na sa kanyang mukha. Hindi ako sigurado ngunit mukhang siya ang may pinaka mataas na katungkulan sa kanilang lima."Nagagalak akong hindi mo ako nakalimutan Don Venancio. Nagawi ako rito upang tapusin ang isang misyon at kung hindi ako nagkakamali ay dahil iyon sa nawawalang relikyang pag aari ng aking kaharian." Nakita ko ang bahagyang pag ismid ng tatlo sa limang matatanda matapos banggitin ng kamahalan ang pag aangkin nito sa kaharian. Ngumisi ang kausap niyang Don ngunit bakas dito ang disgusto. Nanatiling mahinahon ang kamahalan sa mga negatibong ekspresyon
Ang Tagapagmana Naging mabilis ang paglalakbay namin patungong Kaharian ng Niteo. Sa buong durasyon ng aming biyahe ay nanatiling tahimik ang bawat isa. Seryoso ang ekspresyon ng Prinsipe at Kapitan kaya naman hindi namin magawang guluhin ni Akari ang atmospera sa loob ng karwahe. Nang makarating kami sa Niteo, mayayabong na halaman ang sumalubong sa amin. Kasing ganda iyon ng aming Unibersidad kaya't lubos akong nagigiliw sa mga nakikita. May ilang batang ada rin na naglalaro sa paligid. Kasing liliit sila ng aking hintuturo. May magiliw silang ekspresyon at yumuko rin nang bahagya nang makita nilang nasa loob din ang tagapagmana. Mukha silang mga cute na keychain na gusto kong ibulsa ngunit alam kong hindi iyon maari dahil baka ipatapon pa akong Kapitan sa Sephtis. Ang balita ko pa nama'y walang nakakalabas ng buhay doon sabi ni Akari. Lubha raw mabibigat ang parusang binibigay ng kanilang sa kaharian sa mga nagkakasala na mas gugustuhin mo nalang bawian ng buhay kaysa tanggap
Misyon Halos dalawang linggo na rin ang nakalipas simula nang lumipat kami rito sa bagong dormitoryo. May iilang misyon na rin akong natapos, ang kadalasan sa mga nakukuha ko ay hindi ganun kahirap tulad ng pagtulong sa pag gagamot ng mga kapwa ko estudyante na nasugatan sa pag eensayo, may ilang utos rin na kailangan kong lumabas ng Akademya kasama ko sina Adeem at Akari kadalasan, bihira kasing kumuha ng mga madadaling misyon ang Kapitan at ang Prinsipe. Kagaya ngayon, ang misyon namin ay hulihin ang magnanakaw ng relikyang nagmula sa kaharian ng Niteo. Lubhang mahalaga daw yun sa pumanaw na Hari kaya naman sa Fleur Academy na binigay ang misyon na 'yon ng mga nakakataas. Isang araw na raw simula nang mawala yun kaya nagmamadaling dumulog ang tagapangalaga ng relikyang iyon sa amin matapos niyang hindi mahuli at mahanap ang nagnakaw. Hindi ko alam kung alam na ng Prinsipe ang pangyayaring 'to. Base sa mga impormasyong natanggap namin. Ang anyo ng relikya ay isang purong gintong si