KEYLA“Anak, puwede ka naman magpahinga kami na muna ni Mommy mo ang magbabantay sa kanya. Baka makasama sa’yo ang ginagawa mo.” Paki-usap ni Dad sa akin. Kanina pa sila pabalik-balik dito sa kuwarto ni Thiago kung saan siya nakaratay. Nasa ICU pa kasi siya at hindi pa rin bumubuti ang lagay niya. Pangalawang araw na namin dito sa hospital at nanatili lang ako sa tabi niya.Tumayo ako sa upuan at hinarap ang nag-aalalang si Daddy.“Dad, kaya ko po. Huwag po kayong mag-alala ni Mommy. Malakas po ako, gusto ko pong gawin ito para sa kanya. Ayoko po siyang iwan dahil sigurado akong kapag nagising siya ako agad ang hahanapin niya.”Napabuntong-hininga si Mommy sa tabi niya. Kaya kinuha ko ang kamay niya.“Mom, diba ganito din kayo noon kay Dad? Buntis na kayo noon sa triplets kong kapatid pero hindi niyo rin iniwan si Dad. Makakaya din namin ito ni Thiago.” Pilit ang ngiting sabi ko sa kanya. Pero sa loob-loob ko nangangamba na rin ako na baka hindi na siya magising pa. Ngunit pinanghahaw
KEYLAPagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Harvey ay kaagad na niyang inasikaso ang lugar kung saan namin siya dadalhin. Hindi kasi maari sa Cristal de Galyo namin siya dalhin dahil malayo ito sa hospital. Kailangan naming makahanap ng lugar malayo sa mga buildings or properties. Nang sa ganun ay safe pa rin si Thiago.“Bakit hindi na lang sa probinsya namin?” Tanong ni Harvey sa akin.“May sarili akong bahay bakasyunan doon malapit sa bahay ng mga magulang ko.” Dagdag pa niya. “No.” Tutol ko sa kanya.“Why? Thirty minutes lang ang byahe patungo sa hospital. At paniguradong safe si Thiago doon. Isasama na rin natin si Doc. Alvin.” Pamimilit niya sa akin.“Ayokong madamay ang pamilya mo kung sakaling masundan tayo ni Tanita.” Seryosong sagot ko sa kanya.“Wala na akong magulang dalawang binatang kapatid ko na lamang na lalaki at isang dalagang babae ang nakatira sa bahay namin. Malayo naman ang tirahan nila sa bahay bakasyunan ko. Malapit kasi yun sa ilog. Maganda rin ang tanawin
KEYLAHalos tatlong minuto pa ang ibinyahe namin papasok at paakyat sa bundok kung nasaan ang rest house na sinasabi ni Harvey.Malayo pa lamang kami ay tanaw ko na ang malaking bahay na napapalibutan ng matataas na punong kahoy.Bukas ang lahat ng ilaw kaya kita ang kabuohan ng bahay kahit madilim pa rin. Hindi kami nahirapan dahil semento naman ang daan.Tumigil kami sa harapan ng bahay at bumaba na rin kami. Naunang pumasok si Harvey sa loob at pinagtulungan nilang ibaba ang stretcher kung saan nakahiga ang wala pa ding malay na si Thiago.“Ipasok niyo na si Thiago.” Utos niya sa mga medical team na kasama din namin bukod kay Doc Alvin.Hinayaan ko munang magmasid sa paligid si Nara at Isaiah dahil sinigurado ko munang maayos ang kuwarto na pagdadalhan sa kanya.Yun din kasi ang dahilan kung bakit sila narito. Ang alamin kung safe ba ang lugar at magkabit na rin ng mga CCTV’S sa buong lugar.Hindi na kami nahirapan na i-akyat siya sa hagdan dahil may elevator ang bahay ni Harvey. S
THIAGO Naghihintay ako sa pagpasok ni Harvey para sa mahalaga kong ipapagawa sa kanya. Mabuti na lang at kinailangan din ni Keyla na lumabas muna upang ihanda ang pagkain ko.“Sigurado ka na bang okay na ang pakiramdam mo?”Napa-angat ako ng tingin kay Doc. Alvin. Sa totoo lang hindi pa gaanong okay ang pakiramdam ko. Kaya lang kailangan kong maging malakas at gumaling kaagad. Nag-aalala ako para sa mag-ina ko. Hindi ko sila puwedeng iwan at pabayaan. Lalo pa ngayon na nagbalik na si Tanita!“Wag muna akong alalahanin. Basta ibigay mo ang gamot na kailangan ko para gumaling ako kaagad.” Seryosong sabi ko sa kanya.“Thiago, narinig ko kay Harvey ang tungkol kay Tanita. Pero sa kundisyon mo ngayon. Baka hindi mo kayaning labanan siya. At isa pa nagdadalang tao si Keyla. Kapag gumawa ka ng hakbang ng hindi niya alam. Hindi siya basta na lamang pipirmi sa isang lugar. Alam mo ba noong pinagtangkaan ang buhay mo nag-desisyon kaagad siyang ilayo ka. At kung sakaling hindi tumigil ang babae
KEYLA“Oh, bakit parang kasing haba ng ilong ni Pinocchio yang nguso mo? Kanina lang ang saya mo ah?” Nagtatakang tanong ni Nara nang masalubong niya ako pagbaba ko ng hagdan.“Wala, disappointed lang ako. Nagpaganda pa naman ako bago pumasok sa kuwarto niya pero hindi ko nararamdaman na namimiss niya ako. Isa pa sa tingin ko may gumugulo sa isip niya.” Nakasimangot kong sagot sa kanya.“Baka naman dahil kay Tanita.”Napaisip ako sa sinabi niya. Alam ko naman na inaalala niya ng husto ang tungkol sa babaeng yun eh. Kaya nga lalo akong naiinis kasi imbis na ako lang dapat ang laman ng isip niya may kahati pa akong babae na hindi ko parin alam kung ano ang itsura.“Nara, pagbalik mo ng Manila puwede mo ba akong ihingi ng tulong kay Xandro? Diba Mafia din yun? Baka may alam siya na maaring makapagbigay sa amin ng impormasyon tungkol kay Tanita.”Halatang napa-isip siya sa sinabi ko. Matagal na silang magkaibigan at nakasama na rin namin si Xandro nang iligtas namin ang asawa ng kaibigan
KEYLAPabalik na sana kami nang masalubong namin si Nara at Isaiah. Seryoso lang silang nakatingin sa amin habang papalapit kami sa kanila. Naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko na hawak niya.“Kanina pa namin kayo hinahanap. Papalubog na ang araw at nag-umpisa na kaming mag-ihaw.” Wika ni Nara sa amin.“Nag-usap lang kami ni Thiago sa ilog.” Nakangiting sabi ko sa kanya.“Puwede ko ba siyang makausap?” Wika naman ni Isaiah. Kaya napatingin ako sa kanya.“Bakit? Hindi ba puwedeng kasama ako?” Seryosong tanong ko sa kanya. Baka kasi kung ano ang sabihin niya kay Thiago.“Wala ka bang tiwala sa akin? Wala akong sasabihin sa kanyang masama tungkol sa relasyon niyo kaya wala kang dapat na ikabahala.”Napatingin sa akin si Thiago at nakangiti siyang tumango sa akin bilang pagsang-ayon. Binitawan niya ang kamay ko at sumama ako kay Nara. Nilingon ko pa siya pero mukhang hindi naman siya nag-alala.“Huwag kang mag-alala, kilala mo naman ang kakambal natin. Hindi siya nangingialam sa mg
KEYLANagising ako ng madaling araw dahil sa pag-alis ng mga kapatid ko. Kailangan na rin kasi nilang bumalik sa siudad dahil may kanya-kanya din silang trabaho. Pero nagtaka ako na kasama nilang babalik si Harvey. Kaya nang makaalis na sila sakay ng mini bus patungong airport ay saka ko hinila si Thiago pabalik sa kuwarto.“Bakit kasama si Harvey? Anong gagawin niya sa Manila?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.“May pinapa-asikaso lang ako sa kanya. Babalik din yun kaagad.” Sagot niya sa akin. Madilim pa kaya nagpasya kaming bumalik sa pagtulog. Pero iniisip ko pa rin kung ano ang pinapagawa ni Thiago kay Harvey at kung bakit ayaw niyang sabihin yun sa akin.“Halika na at matulog na tayo.” Aya niya sa akin at hinila ako sa kama. Nakayakap siya sa likuran ko at hawak naman niya ang kamay ko. Nararamdaman ko ang hininga niya sa aking batok.“Keyla…”“Hmmm?”“Ingatan mo ang sarili mo pati na rin ang anak natin.” Sambit niya kaya ipinihit ko ang katawan ko paharap sa kanya. Seryoso ang kan
One week later….THIAGOAndito ako ngayon sa room ni Doc. Alvin. Upang ipagtingin ang sugat ko. Mabuti na lang mabilis ang naging paghilom ng sugat ko at mas okay na ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw.“Good Thiago, mabuti naman sinunod mo ang bilin ko.” Nakangiting sabi niya sa akin habang tinitignan ang sugat ko sa tiyan. Tuyo at sarado na rin ito.“Anong bilin?”“What? Don’t tell me hindi mo ginawa ang bilin kong wag muna kayong magtatabi ni Keyla? Ako pa naman ang naki-usap sa kanya para mabilis ang maging pagaling mo.”Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya sa akin. Kaya naman pala kapag inaaya ko siya ay tinatangihan niya ako at palagi niyang sinasabi na masama ang pakiramdam niya. Dahil pala yun sa paki-usap ni Doc. Alvin!“Oh? Bakit ganyan ka makatingin?” Nagtatakang tanong niya sa akin.“Ikaw pala ang salarin kung bakit iniiwasan ako ni Keyla!” Angil ko sa kanya na ikinatawa niya.“Effective naman eh, kita mo? Magaling na ang sugat mo. Mabuti pa bumawi ka na