KEYLANagising ako ng madaling araw dahil sa pag-alis ng mga kapatid ko. Kailangan na rin kasi nilang bumalik sa siudad dahil may kanya-kanya din silang trabaho. Pero nagtaka ako na kasama nilang babalik si Harvey. Kaya nang makaalis na sila sakay ng mini bus patungong airport ay saka ko hinila si Thiago pabalik sa kuwarto.“Bakit kasama si Harvey? Anong gagawin niya sa Manila?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.“May pinapa-asikaso lang ako sa kanya. Babalik din yun kaagad.” Sagot niya sa akin. Madilim pa kaya nagpasya kaming bumalik sa pagtulog. Pero iniisip ko pa rin kung ano ang pinapagawa ni Thiago kay Harvey at kung bakit ayaw niyang sabihin yun sa akin.“Halika na at matulog na tayo.” Aya niya sa akin at hinila ako sa kama. Nakayakap siya sa likuran ko at hawak naman niya ang kamay ko. Nararamdaman ko ang hininga niya sa aking batok.“Keyla…”“Hmmm?”“Ingatan mo ang sarili mo pati na rin ang anak natin.” Sambit niya kaya ipinihit ko ang katawan ko paharap sa kanya. Seryoso ang kan
One week later….THIAGOAndito ako ngayon sa room ni Doc. Alvin. Upang ipagtingin ang sugat ko. Mabuti na lang mabilis ang naging paghilom ng sugat ko at mas okay na ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw.“Good Thiago, mabuti naman sinunod mo ang bilin ko.” Nakangiting sabi niya sa akin habang tinitignan ang sugat ko sa tiyan. Tuyo at sarado na rin ito.“Anong bilin?”“What? Don’t tell me hindi mo ginawa ang bilin kong wag muna kayong magtatabi ni Keyla? Ako pa naman ang naki-usap sa kanya para mabilis ang maging pagaling mo.”Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya sa akin. Kaya naman pala kapag inaaya ko siya ay tinatangihan niya ako at palagi niyang sinasabi na masama ang pakiramdam niya. Dahil pala yun sa paki-usap ni Doc. Alvin!“Oh? Bakit ganyan ka makatingin?” Nagtatakang tanong niya sa akin.“Ikaw pala ang salarin kung bakit iniiwasan ako ni Keyla!” Angil ko sa kanya na ikinatawa niya.“Effective naman eh, kita mo? Magaling na ang sugat mo. Mabuti pa bumawi ka na
KEYLANapalitan ng ngiti ang aking labi dahil hindi pala niya nakalimutan ang birthday ko. Magtatampo na sana ako sa kanya. Ngunit bumawi naman siya at nag-abot pa ng bulaklak at chocolate cake. Paborito ko pa naman ito pero imbis na ang cake ang lantakan namin ako ang inuna niyang lantakan.Marahan niya akong hiniga sa kama at kaagad niyang inangkin ang aking labi. Pati ang kamay niya ay nag-umpisa na ring gumapang sa aking hita. Mabuti na lamang at wala pa akong suot na underwear kung nagkataon baka sirain na naman niya ito at kung saan na naman ihahagis. Nagkaroon tuloy siya ng easy access sa aking kaselanan na ngayon ay hinihimas na niya. Lalong nag-init ang aking katawan.Hangang sa tatangalin na sana niya bathrobe ko nang biglang tumunog ang phone niya.“Mamaya na…” Mahinang bulong niya sa tenga ko. At muli niya akong siniil ng halik sa labi. Ngunit hindi pa rin tumigil ang pag-ring ng phone niya. Kaya ako na ang humiwalay sa kanyang labi.“Sagutin mo muna para walang abala.” Se
KEYLAKinabukasan ay naghanda kami ni Thiago sa pag-alis sa rancho ni Harvey. Matagal bago ko napilit si Thiago sa paglabas namin ngayong araw. Nabo-bored na kasi ako sa bahay at gusto kong makakita ng ibang tao at makapamasyal kung ano pa ang makikita sa bayan. At sa haba ng oras na pangungumbinsi ko ay pumayag na rin siya.“Cherry, make sure na tumawag kayo sa amin kapag may nangyaring hindi maganda okay? At wag niyong paalisan ng tauhan na magbabantay sa CCTV’S.” Bilin ni Thaigo bago siya sumakay sa kotse.“Yes, Sir.” Sagot ni Hana.“Mag-ingat kayo Ms. Keyla!” Pahabol na sabi ni Hermey sa akin. Ngumiti ako sa kanya at sinara na ni Thiago ang pinto. Si Hendrix ang naging driver namin dahil mas kabisado niya ang bayan. At katabi niya si Cherry dahil mamimili daw siya ng sariwang karne at darating daw mamaya si Harvey.Samantala kami naman ni Thaigo ang nasa likuran. May Van din sa likuran namin lulan ng mga tauhan ni Thiago. Nangangamba daw siya sa kaligtasan namin kaya ayaw niyang p
THIAGOSinasabi ko na nga ba! Hindi magandang idea ang lumabas ng rancho. Kung hindi lang mapilit si Keyla hindi sana kami manganganib ng ganito! I’m not afraid kung ako lang ang nasa panganib. Pero dahil mas nag-aalala ako sa kanya at sa magiging anak namin mas natatakot ako na baka mapahamak siya.“Cherry! Wag mo masyadong bilisan! Baka kung mapano si Keyla!” Singhal ko sa kanya dahil kulang na lang lumipad ang kotse habang minamaneho niya ito. Para kaming nagkakarera sa gitna ng kalsada dahil hinahabol kami ng bala mula sa mga naka-motor. Hindi pa naman bulletproof ang bintana ng sasakyan.Kinuha ko ang phone ko at kaagad kong tinawagan si Harvey. Isang ring pa lamang ay nasagot na niya ito.“Harvey! Nasaan ka?”“Ha? Malapit na ako sa rancho nasaan ka ba?”“Shit!” Mura ko nang umalingaw-ngaw ang putok ng baril sa likuran na salamin.“Salungin mo kami sa highway hinahabol kami ng mga tauhan ni Tanita! Bilisan mo!”Kaagad kong pinatay ang phone ko at kinuha ko ang aking baril. Nakita
THIAGO “Harvey, anong balita?” Bungad ko sa kanya pagkapasok pa lamang niya ng pinto. Mabuti na lamang at ligtas silang nakabalik.“We’re okay, yung mga sugatan natin na tauhan ay nasa hospital na. Ngunit sa kasamaang palad may mga individual na nasugatan at kalahati sa tauhan natin ang namatay nasa purenarya na din sila. Ang mga tauhan ng kalaban na lumusob sa inyo. Walang silang palatandaan sa batok nila. Sa tingin ko hindi mga tauhan ni Tanita yun.” Paliwanag niya sa akin. Naikuyom ko ang aking kamao sa labis na galit.“Kung hindi kay Tanita ang mga yun anong ibig sabihin nito? Ikaw na rin ang may sabi na nasa Germany ang babaeng yun diba?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.“Hindi ko rin alam, kumpirmado na nasa Germany ang babaeng yun dahil nakita pa ito ng tauhan natin na pinasunod ko doon. At nakita niya itong nag-cacasino. May kuha pa nga siya na larawan at pagkatapos ay sinend sa akin.” Wika ni Harvey pagkatapos ay dinukot niya ang phone niya at pinakita sa akin. Hindi ako maar
One week later…..KEYLADahil sa nangyaring pagsabog napasugod dito si Nara dala ang tauhan din ni dad upang idagdag sa magiging security ng rancho. Nagkaroon kasi ako ng bleeding dahil sa stress kaya kinailangan kong magpahinga. Sa awa ng diyos ay nagawang maka-recover ni Hana after four days niya sa ICU at si Doc. Alvin ang pansamantalang nag-aalaga sa kanya. At dahil sa nangyari naghigpit si Thiago sa mga tauhan niya. Bente kuwatro oras ang naging bantay sa labas. Palagi din silang nag-uusap ni Harvey at mino-monitor kung saan nila matatagpuan si Tanita. Kung hindi lang ako buntis tutulong ako sa kanila. Ngunit naging maselan ang kalagayan ko at pinayo ng doctor na mag bed rest ako.Bahagya akong bumangon nang bumukas ang pinto.“Kumusta na ang pakiramdam mo?” Bungad na tanong sa akin ni Nara. Umupo siya sa tabi ng kama at nilagyan ng unan ang likuran ko para makasandal ako ng maayos. Mabigat pa rin ang katawan ko at nahihilo pa rin ako.“I’m okay, bakit nandito ka pa? Akala ko ba
KEYLAHindi na ako pinayagan ni Thiago na tignan ang bangkay ni Cherry. Dahil hindi na raw ito halos makilala sabi ni Harvey. Pinahirapan daw ito ng husto bago patayin. Natagpuan daw nila ito sa bakanteng lupa malapit sa hospital. Si Harvey at si Doc. Alvin ang kumilala sa kanya. At alam na rin ni Victor ang nangyari kay Cherry. Siya din ang hinayaan namin na magpasya sa kung ano ang gagawin sa bangkay. Kaya nag-desisyon itong ipa-creminate na lamang si Cherry.Nandito pa rin kami ngayon sa rancho ni Harvey at ina-antay namin ang pagdating ng labi ni Cherry upang kahit paano ay mapaglamayan namin ito bago mailibing. Masakit sa akin ang nangyari, kahit pa naging magkaaway kami noon. Ipinakita niyang kaya niyang magbago ng paunti-unti. Ngunit huli na ang lahat dahil nadamay na siya sa galit ni Tanita sa amin.Bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang bagsak na balikat ni Harvey. Ngayon ko lamang siya nakitang ganito kalungkot. Mas sanay ako na nakikita ko siyang masaya habang inaasar ni