KEYLAHindi na ako pinayagan ni Thiago na tignan ang bangkay ni Cherry. Dahil hindi na raw ito halos makilala sabi ni Harvey. Pinahirapan daw ito ng husto bago patayin. Natagpuan daw nila ito sa bakanteng lupa malapit sa hospital. Si Harvey at si Doc. Alvin ang kumilala sa kanya. At alam na rin ni Victor ang nangyari kay Cherry. Siya din ang hinayaan namin na magpasya sa kung ano ang gagawin sa bangkay. Kaya nag-desisyon itong ipa-creminate na lamang si Cherry.Nandito pa rin kami ngayon sa rancho ni Harvey at ina-antay namin ang pagdating ng labi ni Cherry upang kahit paano ay mapaglamayan namin ito bago mailibing. Masakit sa akin ang nangyari, kahit pa naging magkaaway kami noon. Ipinakita niyang kaya niyang magbago ng paunti-unti. Ngunit huli na ang lahat dahil nadamay na siya sa galit ni Tanita sa amin.Bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang bagsak na balikat ni Harvey. Ngayon ko lamang siya nakitang ganito kalungkot. Mas sanay ako na nakikita ko siyang masaya habang inaasar ni
THIAGOKakatulog lang ni Keyla, at sinabihan ko siyang gigisingin ko siya kapag tumawag si Nara. Dahan-dahan kong tinangal ang kanyang ulo sa aking braso at inilipat ko ito sa unan. Pagkatapos ay nilagyan ko naman siya ng makapal kumot. Kinintalan ko siya ng halik sa noo.Saktong pagtayo ko nang umilaw ang phone sa bedside table ko kaya dinampot ko agad ito bago pa magising si Keyla at dahan-dahan akong humakbang palabas ng kuwarto. Bago ko pindutin ang answer button.“Kumusta Thiago?” Bungad niya sa akin nang itapat ko ang phone sa tenga ko. Nabosesan ko kaagad siya kaya lumayo ako sa pintuan ng kuwarto.“Nasaan ka?” Igting ang pangang tanong ko sa kanya. Narinig ko ang malutong na tawa niya.“Hulaan mo…”“Hay*p ka! Sabihin mo sa akin kung nasaan ka!” Singhal ko sa kanya dahil hindi ko na napigilan na magalit.“Hay*p agad? Hindi mo ba ako namimiss? Kasi ako miss na miss na kita.” Malambing niyang sabi na unti-unting nagpanginig ng laman ko kung nandito lang siya sa harap ko ay binari
THIAGOAfter one week ay nahatid na rin namin sa sementeryo ang labi ni Cherry. Sa isang malawak na sementeryo namin siya dinala halos ilang metro lang ang layo nito sa libingan ng magulang ni Harvey. Lahat ng tauhan ko ay naka-puwesto sa hindi kalayuan upang magbantay. Tangan ang matataas na kalibre ng baril upang masiguro namin ang kaligtasan ng bawat isa. Habang pinapanuod namin ang paglalagay ng pangalan sa kanyang libingan ay naramdaman ko ang pagtunog ng phone ko. Dumistansya muna ako sa kanilang lahat at nagtungo ako sa likod ng puno. Ang mga kapatid lang ni Harvey ang wala dito. Dahil walang maiiwan sa rancho.“Hello?”“Thiago, magkita tayo mamayang gabi sa global port Tacloban. Ikaw lang at walang iba. Subukan mong magsama ng iba. Malalaman mo kung ano pa ang kaya kong gawin.” Banta niya sa akin pagkatapos ay namatay na ang tawag niya. Mahigpit kong hinawakan ang phone ko. At napatingin ako kay Keyla na ngayon ay alam kong malungkot din katabi si Harvey at nag-aalay ng bulakb
KEYLAKung hindi narinig ni Nara ang usapan ni Thiago at Harvey hindi ko sana malalaman ang plano nito. Ngunit dahil nagdalawang isip si Nara na sabihin yun sa akin dahil sa sinabi nito ang tungkol sa espiya na kasama lang namin kaya naging maingat din siya. Mabuti na lamang nagising ako at eksaktong naabutan ko siyang naghahanda para sundan si Thiago. Kinausap namin si Harvey at pinilit ko pa siya para puntahan lang si Thiago ngunit huli na…nahuli na siya ng mga pulis dahil sa pagbaril niya kay Tanita.At ngayon sinusundan namin ang police car kung saan siya lulan.“Nara, puwede mo bang tawagan si dad, Tito Nathan or hindi kaya si Mr. X? Baka sakaling matulungan nila kami ni Thiago.” Nag-alalang sabi ko sa kanya. Ayokong makulong si Thiago. Ayokong mag-isa kong ilalabas ang anak namin nang hindi ko siya kasama. At isa pa, mabigat na kaso ang kakaharapin niya dahil napatay niya ito.“I’ll try to contact them. Huminahon ka lang okay?”Sinubukan kong huwag isipin ang kahihitnatnan ng na
THIAGO Mabilis na lumipas ang dalawang buwan. Sa isang linggo na ako lilipat sa Manila. Hindi pumayag si Keyla na lumipat sa kanyang mga magulang dahil ayaw daw niyang malayo sa akin. Limang beses sa isang linggo siyang dumadalaw sa akin. At hindi siya napapagod. Hindi na rin namin napa-DNA ang bangkay na napatay ko dahil wala din naman kaming DNA ni Tanita.Sa paglipas ng mga araw ay lalo lamang akong naiinip dito at gusto ko na ring makalaya. Gusto ko ng makasama ang mag-ina ko ngunit malabo parin sa ngayon dahil tumatakbo pa ulit ang kaso ko.“Profaci! May dalaw ka!”Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang pagtawag sa akin. Kaagad kong inayos ang aking sarili. Dahil alam kong magkikita na naman kami ng asawa ko. Naligo na rin ako kanina dahil hindi kaaya-aya ang amoy ng kulungan. At gusto ko ako parin ang pinaka-guwapo sa kanyang paningin.“Ang suwerte mo talaga sa asawa mo. Walang palya kung dumalaw dito.” Narinig kong sabi ni Welbert. Kasamahan ko siya dito sa loob at may
THIAGOSinuyod ko siya ng tingin mula ulo hangang paa. Ibang-iba sa Hana na kasama namin sa bahay ang hana na kaharap ko ngayon.“Ikaw ang spy ni Tanita?”“Spy? I’m proud of myself Thiago, biro mo? Nagawa kong linlangin ang isang mafia boss na si Thiago Profaci.” Nakangising sabi niya sa akin. Sa kapal ng make-up at iksi ng suot niya hindi ko na siya halos makilala.“Kung ganun sino ka?” Seryosong tanong ko sa kanya. Nilapitan niya ako at dinampian ng kanyang daliri ang aking labi kaya iniwas ko ang aking mukha.“I’m your number one…enemy” Mahinang bulong niya sa tenga ko.“Tanita?”“Surprise! Nagulat ka ba?”Nagtangis ang bagang ko nang sabihin niya yun. Ang babaeng matagal na naming hinahanap! Ay kasama lang pala namin sa bahay! Tama si Keyla! Kung hindi kami tumigil sa pagdududa sa kanya. Maaga sana namin siyang mahuhuli!“You look scared baby…” Nakangising sabi niya sa akin.“Walang hiya ka!”Nabura ang ngiti niya sa labi at sumeryoso ang tingin niya sa akin.“Hindi ako walang hi
KEYLANapabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang sunod-sunod na katok ni Nara. Binuksan ko ang pinto at hindi lang siya ang bumungad sa akin pati si Harvey ay hindi rin ma-ipinta ang mukha.“What happen?” Kinakabahang tanong ko sa kanya.“Si Thiago, tumakas habang hinahatid patungong Manila.”“Ano? Anong sinasabi mo? Next week pa ang court order diba?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.“Yun din ang alam ko. At hindi lang siya tumakas. Pati yung limang pulis na kasama niya ay pinatay niya.”Para akong na-itulos sa kinatatayuan ko nang sabihin niya yun. Imposibleng magagawa yun ni Thiago. Hindi ako naniniwalang kayang gawin yun ni Thiago. Kahit isa pa siyang mafia alam kong hindi niya kayang gawin ang bagay na yun!“Kailangan natin magpunta sa BJMP. Imposible yang sinasabi niyo. Hindi gagawin ni Thiago ang ganoong bagay!”Tinalikuran ko sila at kaagad akong naghanda sa sarili upang puntahan ang kulungan. Kung talagang tumakas si Thiago isa lang ang uuwian niya. Kaya hindi ako
THIAGOLumipas ang magdamag ay hindi ko man lang magawang umidlip. Nasa panganib silang lahat at wala akong magawa para makatakas dito. Wala akong magawa para mailigtas silang lahat. Kung hindi sana ako nagpadalos-dalos at kung nakinig lang ako kay Keyla nang sabihin niya ang tungkol kay Hana sanay hindi nangyari ang lahat ng ito. Ngunit wala na rin akong magagawa pa. Nahuli na ako ni Tanita. At balak pa niyang kunin ang anak namin at putulan ako ng binti upang hindi ko na magawa pang lumaban!“Hoy! Kumain ka muna!” Sigaw sa akin ng lalaking kakababa lang may dala siyang dalawang platong pagkain at isang bote ng tubig. Ipinatong niya ito sa mesa na nasa tabi ng bintana. May isang upuan din ito.“Tanga ka ba? Nakikita mo bang nakatali ako?” Inis na sabi ko sa kanya.“Ay! Oo nga pala!”Nagtungo siya sa dingding na malapit sa hagdan. At unti-unti niyang ibinaba ang bakal na rehas. Napaupo ako sa semento dahil sa magdamag na pangangalay. Ramdam ko ang namamanhid na binti ko. At bumabakat