KEYLAKung hindi narinig ni Nara ang usapan ni Thiago at Harvey hindi ko sana malalaman ang plano nito. Ngunit dahil nagdalawang isip si Nara na sabihin yun sa akin dahil sa sinabi nito ang tungkol sa espiya na kasama lang namin kaya naging maingat din siya. Mabuti na lamang nagising ako at eksaktong naabutan ko siyang naghahanda para sundan si Thiago. Kinausap namin si Harvey at pinilit ko pa siya para puntahan lang si Thiago ngunit huli na…nahuli na siya ng mga pulis dahil sa pagbaril niya kay Tanita.At ngayon sinusundan namin ang police car kung saan siya lulan.“Nara, puwede mo bang tawagan si dad, Tito Nathan or hindi kaya si Mr. X? Baka sakaling matulungan nila kami ni Thiago.” Nag-alalang sabi ko sa kanya. Ayokong makulong si Thiago. Ayokong mag-isa kong ilalabas ang anak namin nang hindi ko siya kasama. At isa pa, mabigat na kaso ang kakaharapin niya dahil napatay niya ito.“I’ll try to contact them. Huminahon ka lang okay?”Sinubukan kong huwag isipin ang kahihitnatnan ng na
THIAGO Mabilis na lumipas ang dalawang buwan. Sa isang linggo na ako lilipat sa Manila. Hindi pumayag si Keyla na lumipat sa kanyang mga magulang dahil ayaw daw niyang malayo sa akin. Limang beses sa isang linggo siyang dumadalaw sa akin. At hindi siya napapagod. Hindi na rin namin napa-DNA ang bangkay na napatay ko dahil wala din naman kaming DNA ni Tanita.Sa paglipas ng mga araw ay lalo lamang akong naiinip dito at gusto ko na ring makalaya. Gusto ko ng makasama ang mag-ina ko ngunit malabo parin sa ngayon dahil tumatakbo pa ulit ang kaso ko.“Profaci! May dalaw ka!”Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang pagtawag sa akin. Kaagad kong inayos ang aking sarili. Dahil alam kong magkikita na naman kami ng asawa ko. Naligo na rin ako kanina dahil hindi kaaya-aya ang amoy ng kulungan. At gusto ko ako parin ang pinaka-guwapo sa kanyang paningin.“Ang suwerte mo talaga sa asawa mo. Walang palya kung dumalaw dito.” Narinig kong sabi ni Welbert. Kasamahan ko siya dito sa loob at may
THIAGOSinuyod ko siya ng tingin mula ulo hangang paa. Ibang-iba sa Hana na kasama namin sa bahay ang hana na kaharap ko ngayon.“Ikaw ang spy ni Tanita?”“Spy? I’m proud of myself Thiago, biro mo? Nagawa kong linlangin ang isang mafia boss na si Thiago Profaci.” Nakangising sabi niya sa akin. Sa kapal ng make-up at iksi ng suot niya hindi ko na siya halos makilala.“Kung ganun sino ka?” Seryosong tanong ko sa kanya. Nilapitan niya ako at dinampian ng kanyang daliri ang aking labi kaya iniwas ko ang aking mukha.“I’m your number one…enemy” Mahinang bulong niya sa tenga ko.“Tanita?”“Surprise! Nagulat ka ba?”Nagtangis ang bagang ko nang sabihin niya yun. Ang babaeng matagal na naming hinahanap! Ay kasama lang pala namin sa bahay! Tama si Keyla! Kung hindi kami tumigil sa pagdududa sa kanya. Maaga sana namin siyang mahuhuli!“You look scared baby…” Nakangising sabi niya sa akin.“Walang hiya ka!”Nabura ang ngiti niya sa labi at sumeryoso ang tingin niya sa akin.“Hindi ako walang hi
KEYLANapabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang sunod-sunod na katok ni Nara. Binuksan ko ang pinto at hindi lang siya ang bumungad sa akin pati si Harvey ay hindi rin ma-ipinta ang mukha.“What happen?” Kinakabahang tanong ko sa kanya.“Si Thiago, tumakas habang hinahatid patungong Manila.”“Ano? Anong sinasabi mo? Next week pa ang court order diba?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.“Yun din ang alam ko. At hindi lang siya tumakas. Pati yung limang pulis na kasama niya ay pinatay niya.”Para akong na-itulos sa kinatatayuan ko nang sabihin niya yun. Imposibleng magagawa yun ni Thiago. Hindi ako naniniwalang kayang gawin yun ni Thiago. Kahit isa pa siyang mafia alam kong hindi niya kayang gawin ang bagay na yun!“Kailangan natin magpunta sa BJMP. Imposible yang sinasabi niyo. Hindi gagawin ni Thiago ang ganoong bagay!”Tinalikuran ko sila at kaagad akong naghanda sa sarili upang puntahan ang kulungan. Kung talagang tumakas si Thiago isa lang ang uuwian niya. Kaya hindi ako
THIAGOLumipas ang magdamag ay hindi ko man lang magawang umidlip. Nasa panganib silang lahat at wala akong magawa para makatakas dito. Wala akong magawa para mailigtas silang lahat. Kung hindi sana ako nagpadalos-dalos at kung nakinig lang ako kay Keyla nang sabihin niya ang tungkol kay Hana sanay hindi nangyari ang lahat ng ito. Ngunit wala na rin akong magagawa pa. Nahuli na ako ni Tanita. At balak pa niyang kunin ang anak namin at putulan ako ng binti upang hindi ko na magawa pang lumaban!“Hoy! Kumain ka muna!” Sigaw sa akin ng lalaking kakababa lang may dala siyang dalawang platong pagkain at isang bote ng tubig. Ipinatong niya ito sa mesa na nasa tabi ng bintana. May isang upuan din ito.“Tanga ka ba? Nakikita mo bang nakatali ako?” Inis na sabi ko sa kanya.“Ay! Oo nga pala!”Nagtungo siya sa dingding na malapit sa hagdan. At unti-unti niyang ibinaba ang bakal na rehas. Napaupo ako sa semento dahil sa magdamag na pangangalay. Ramdam ko ang namamanhid na binti ko. At bumabakat
KEYLAPababa na ako ng hagdan nang makita ko si Hana, bitbit ang kanyang mga gamit katulong niya si Doc. Alvin.“Sasama ka na sa kanya?” Tanong ko kay Doc.“Yes, ihahatid ko lang siya pabalik ng Manila. Pagkatapos babalik din ako dito at tutulong akong maghanap kay Thiago.” Sagot niya sa akin.“Wag kang sumama, mapapahamak ka lang.” Paalala ko sa kanya.“Nagkakamali ka kung inaakala mong spy si Hana. Hindi siya kagaya ng iniisip mo.”Nakayuko lang si Hana habang nag-uusap kaming dalawa at harap-harapan ko ng sinasabi sa kanilang lahat na hindi siya dapata pagkatiwalaan.“Keyla, pumayag na akong umalis siya para matahimik ka na.” Sabat naman ni Harvey na nakaupo sa sofa.“Huwag mo na akong samahan Doc. Alvin. Kaya ko naman umuwi sa amin. Tatawagan na lamang kita kapag nakauwi na ako.” Baling ni Hana sa kanya. Sabay tingin sa akin.“Hindi ako spy, nagkakamali ka ng hinala mo Ms. Keyla. Wala akong alam sa binibintang mo. Ang gusto ko lamang ay magtrabaho ng maayos. Pero dahil ayaw mo sa
THIAGO Napadilat ako nang marinig ko ang isang malakas na sigaw. Naghiwalay ang labi naming dalawa ni Tanita.“Hana! Pakawalan mo ako dito!”Nabosesan ko agad kung sino ang sumisigaw ng malakas. Hangang sa may bumaba ng tauhan nila.“Anong nangyari? Bakit nag-iingay ang isang yun?” Seryosong tanong ni Tanita sa tauhan niya.“Sorry po Madam Tanita. Natangal niya yung busal sa bibig niya. Pero inaayos na nila.”“Tonto!”Sinampal niya ito ng malakas at napahawak ito sa kanyang pisngi.“Doon niyo siya ilagay sa kulungan ng hayop para hindi maka-abala!” Sigaw niya na ikinatango nito at mabilis na nagpaalam. Matalim ang tingin na ipinukol ko sa kanya. Hindi ako maaring magkamali. Nasisiguro kong si Doc. Alvin ang sumigaw na yun.“Akala ko ba nag-usap na tayo? Bakit dinadamay mo siya dito? Mahal ka ni Doc. Alvin Tanita!” Singhal ko sa kanya.“Hindi ako ang mahal niya kundi ang mukhang ito!” Galit na sigaw din niya sa akin.“Mahal niya ako dahil sa mukhang ito at dahil sa ipinapakita kong ka
Three months later… KEYLA Tatlong buwan na ang nakalipas. Sariwa pa rin sa isip ko kung paano namin nakita si Doc. Alvin at Thiago sa dalampasigan malapit sa isla ng Tacloban. Wala na silang buhay at nangingitim na rin ang kanilang katawan. Nakita din namin ang pira-pirasong parte ng bangka. Nahuli kami ng dating…hindi namin sila nailigtas dahil natagalan kami sa paghahanap. Hangang ngayon ay hindi ko pa rin matangap ang lahat. Bukod sa kanila ay marami pang bangkay ang nakita namin sa isla. At nakumpirma ni Harvey na tauhan sila ni Tanita. Ayokong maniwala na wala na siya. Ngunit dahil sa gamit nila na nakita namin at sa suot nilang gula-gulanit na damit ay nalaman namin ang totoo. Bukod sa sunog na katawan ay may tama pa sila ng baril. Pina-DNA namin ang isang at tumugma ito sa sample DNA ng ama ni Doc Alvin. Pero dahil wala nang pamilya si Thiago ay hindi na namin siya napa-DNA. Akala ko hindi ko kakayanin…pero sa tulong ng aking pamilya ay unti-unti kong kinakaya ang lahat. Mahir