THIAGO Napadilat ako nang marinig ko ang isang malakas na sigaw. Naghiwalay ang labi naming dalawa ni Tanita.“Hana! Pakawalan mo ako dito!”Nabosesan ko agad kung sino ang sumisigaw ng malakas. Hangang sa may bumaba ng tauhan nila.“Anong nangyari? Bakit nag-iingay ang isang yun?” Seryosong tanong ni Tanita sa tauhan niya.“Sorry po Madam Tanita. Natangal niya yung busal sa bibig niya. Pero inaayos na nila.”“Tonto!”Sinampal niya ito ng malakas at napahawak ito sa kanyang pisngi.“Doon niyo siya ilagay sa kulungan ng hayop para hindi maka-abala!” Sigaw niya na ikinatango nito at mabilis na nagpaalam. Matalim ang tingin na ipinukol ko sa kanya. Hindi ako maaring magkamali. Nasisiguro kong si Doc. Alvin ang sumigaw na yun.“Akala ko ba nag-usap na tayo? Bakit dinadamay mo siya dito? Mahal ka ni Doc. Alvin Tanita!” Singhal ko sa kanya.“Hindi ako ang mahal niya kundi ang mukhang ito!” Galit na sigaw din niya sa akin.“Mahal niya ako dahil sa mukhang ito at dahil sa ipinapakita kong ka
Three months later… KEYLA Tatlong buwan na ang nakalipas. Sariwa pa rin sa isip ko kung paano namin nakita si Doc. Alvin at Thiago sa dalampasigan malapit sa isla ng Tacloban. Wala na silang buhay at nangingitim na rin ang kanilang katawan. Nakita din namin ang pira-pirasong parte ng bangka. Nahuli kami ng dating…hindi namin sila nailigtas dahil natagalan kami sa paghahanap. Hangang ngayon ay hindi ko pa rin matangap ang lahat. Bukod sa kanila ay marami pang bangkay ang nakita namin sa isla. At nakumpirma ni Harvey na tauhan sila ni Tanita. Ayokong maniwala na wala na siya. Ngunit dahil sa gamit nila na nakita namin at sa suot nilang gula-gulanit na damit ay nalaman namin ang totoo. Bukod sa sunog na katawan ay may tama pa sila ng baril. Pina-DNA namin ang isang at tumugma ito sa sample DNA ng ama ni Doc Alvin. Pero dahil wala nang pamilya si Thiago ay hindi na namin siya napa-DNA. Akala ko hindi ko kakayanin…pero sa tulong ng aking pamilya ay unti-unti kong kinakaya ang lahat. Mahir
THIRD PERSON’S POV Tahimik na nakamasid si Thiago sa veranda ng kanyang kuwarto. Nakaupo sa kanyang wheelchair. Pagkatapos ng accident ay nagising na lamang siya nasa hospital na siya. Tandang-tanda niya ang lahat ng nangyari bago pasabugin ni Eldon ang bangka na sinasakyan niya. Nawalan ng pandama ang kanyang mga paa at tuluyan siyang naging baldado. Habang hindi pa rin siya nakakapagsalita dahil naapektuhan ang kanyang utak sa pagsabog. Nasunog din ang ilang bahagi ng kanyang katawan. Sinabi ng Doctor kay Tanita na maaring maging baldado na siya habang buhay. Bagay na labis na ikinasaya ni Tanita dahil hindi na niya kailangang putulan pa ng mga paa si Thiago. Pinalabas ni Tanita na patay na ito upang hindi na sila hanapin pa ni Keyla. At dinala siya nito sa Sweden. Pagkatapos ay lumipat naman sila sa Michigan upang masigurado na hindi na sila masusundan ng mga nag-iimbestiga kung nasaan siya. Naramdaman ni Thiago ang magkabilang braso ni Tanita sa kanyang leeg. Nakatayo ito sa kan
Nagising si Keyla dahil sa ingay na nasa paligid niya. Pagdilat niya ay nakapalibot na sa kanya ang buo niyang pamilya.“Ate!”“Anak…”Nag-aalalang sambit ng mga ito. Napatingin siya sa kanyang ama dahil ang huli niyang naalala ay naghihinagpis siya sa gilid ng kotse yung nasaan ang bangkay ng tumangay kay Baby Seb.Naupo siya sa kama at muli niyang naalala na wala na sa kanyang piling ang kanyang anak kaya muling nangilid ang kanyang luha at napahagulgol sa sakit ng kanyang nararamdaman.“Anak, tama na…alam na namin kung sino ang may pakana ng lahat.”Nag-angat siya ng tingin dahil sa sinabi ng kanyang Ama. Kinuha nito ang pulang sobre sa ibabaw ng mesa na ibinigay ni Mr. X para sa susunod niyang misyon.“Anong ibig sabihin nito?” Nagtatakang tanong ni Keyla.“Open it...hahayaan ka naming mag-desisyon kahit labag sa loob namin dahil sa pagkawala ng kapatid mo.”Kinabig ni Brian ang kanyang asawa na si Aliixane na nasa tabi lang niya at naiiyak na rin. Dahil alam niyang kapag tinangap
Matutulog na sana si Thiago nang bumukas ang pinto.“Thiago! I have a surprise for you!”Excited na bulalas ni Tanita nang pumasok ito sa kanyang kuwarto bitbit ang sangol na kinuha niya kay Isay. Matapos niya itong patayin kasama ng Doctora na inuto din niya. Ayaw niya kasing may iba pang makaalam sa ginawa niya kaya tinapos na rin niya ang buhay ng mga ito.Kaagad na ini-adjust ng nurse ang kanyang higaan upang ma-elevate ang kanyang ulo.“Look how handsome he is!” Inilapit niya ito kay Thiago na kasalukuyang naka-upo na sa kanyang kama.“This is our child…Baby Sebastian.” Nangingilid ang luha na sabi nito sa kanya. Para siyang naitulos sa kinuupuan niya nang makita niya ang mukha ng sanggol. Kahawig na kahawig niya ito noong baby pa siya at naramdaman niya kaagad ang lukso ng dugo. Napakuyom siya sa kanyang kamao na nasa ilalim ng makapal niyang unan. Gustuhin man niyang kunin ito sa kamay ni Tanita ngunit kapag ginawa niya yun ay masasayang ang ilang buwan na pagtitiis niya at pag
Inantay ni Thiago na tumigil ang pag-ikot ng CCTV camera dahil yun ang hudyat na tulog na ang mga nagbabantay nito. Kaagad siyang tumayo sa kanyang higaan. At nagbihis ng pantalon, puting t-shirt at jacket pati na rin sapatos. Wala siyang armas kaya kailangan niya munang kumuha sa mga tauhan ni Tanita. Kaagad niyang binuksan ang pinto dahil hindi naman ito naka-locked. Alam niyang sa kabilang kuwarto lang ang kinaroroonan ng kanyang anak dahil yun ang sinabi sa kanya ng nurse pagbalik nito. Dahan-dahan siyang humakbang patungo sa kuwarto ni Baby Seb. Binuksan niya ang pinto at nagulat siya nang makita ang mga paa ng dalawang tauhan ni Tanita na nakabulagta sa loob ng kuwarto. Nag-angat siya ng tingin madilim ang paligid at tanging anino lang ng sa tingin niya ay babae ang kanyang nakita. Dahil sa liwanag sa salamin na pinto sa veranda. Nakatayo ito sa gilid ng crib karga nito ang kanyang anak. “Sino ka?!” Madiin niyang tanong kasabay ng matulis na bagay na tumapat sa kanyang leeg.
KEYLATumawid ako sa tulay na inilagay nila upang makatawid kay Thiago. Kaagad niya akong niyakap ng mahigpit.“Natapos din ang lahat.” Mahinang sambit ni Thiago habang yakap niya ako. “Hindi pa tapos Thiago, kailangan muna nating matangal ang bombang inilagay ni Tanita diyan sa katawan mo.” Hinaplos ni Thiago ang buhok ko.“I know, pero hindi na ako nag-alala sa bomba mas inalala kita kanina. Alam mo bang para akong a-atakihin habang nakatingin lang sa inyong dalawa? Bakit ba kasi ayaw mong tulungan kita sa baliw na babaeng yun? Paano kung napahamak ka? Paano kung ikaw ang nahulog? Tignan mo ang nangyari sa’yo.” Paninisi nito sa kanya habang hinahaplos ang duguan niyang labi.“Dahil laban namin yun ni Tanita. Marami siyang atraso sa sayo lalo na sa akin. Kaya nararapat lang na ako ang tumapos sa kanya. Kahit hindi niya sabihin sa akin ng harapan alam kong ngayon lamang siya nakatagpo ng katapat kaya ginamit niya ang huli niyang baraha. And I was satisfied fighting with her. Karapat
THIAGONabigla ako nang sabihin ni Keyla na wala na si Nara. Hindi ko inasahan na matatalo siya ng ganun at hahantong sa masaklap na kamatayan. Matagal ko na rin naman siyang napatawad kaya nakikisimpatya ako sa pagdadalamhati nila at nagpasyang ipagpaliban muna ang kasal. Dahil yun ang hiling ng kanyang mga magulang. Isa pa wala pang fourty days at nagluluksa parin sila kaya ni-respeto ko ang kanilang hiling. Hindi ko na naman kailangan ng assurance dahil sapat na si Baby Seb upang masiguro kong papakasalan ako ni Keyla sa kabila ng nangyari sa mga nakalipas na buwan.Sa ngayon ay nandito kami sa crystal de galyo ang islang pagmamay-ari at minana ng kanyang ama. Nalaman kong dito din pala siya nagtago kaya hindi ko siya mahanap noong mga oras na naghiwalay kaming dalawa. Kailangan daw kasi namin ng magandang lugar to unwind lalo pa’t mabigat parin ang kalooban ng kanyang mga magulang. At kasama akong nagdadalamhati dahil alam kong masakit din ito kay Keyla. “Mahal, kanina pa naiya