KEYLANapalitan ng ngiti ang aking labi dahil hindi pala niya nakalimutan ang birthday ko. Magtatampo na sana ako sa kanya. Ngunit bumawi naman siya at nag-abot pa ng bulaklak at chocolate cake. Paborito ko pa naman ito pero imbis na ang cake ang lantakan namin ako ang inuna niyang lantakan.Marahan niya akong hiniga sa kama at kaagad niyang inangkin ang aking labi. Pati ang kamay niya ay nag-umpisa na ring gumapang sa aking hita. Mabuti na lamang at wala pa akong suot na underwear kung nagkataon baka sirain na naman niya ito at kung saan na naman ihahagis. Nagkaroon tuloy siya ng easy access sa aking kaselanan na ngayon ay hinihimas na niya. Lalong nag-init ang aking katawan.Hangang sa tatangalin na sana niya bathrobe ko nang biglang tumunog ang phone niya.“Mamaya na…” Mahinang bulong niya sa tenga ko. At muli niya akong siniil ng halik sa labi. Ngunit hindi pa rin tumigil ang pag-ring ng phone niya. Kaya ako na ang humiwalay sa kanyang labi.“Sagutin mo muna para walang abala.” Se
KEYLAKinabukasan ay naghanda kami ni Thiago sa pag-alis sa rancho ni Harvey. Matagal bago ko napilit si Thiago sa paglabas namin ngayong araw. Nabo-bored na kasi ako sa bahay at gusto kong makakita ng ibang tao at makapamasyal kung ano pa ang makikita sa bayan. At sa haba ng oras na pangungumbinsi ko ay pumayag na rin siya.“Cherry, make sure na tumawag kayo sa amin kapag may nangyaring hindi maganda okay? At wag niyong paalisan ng tauhan na magbabantay sa CCTV’S.” Bilin ni Thaigo bago siya sumakay sa kotse.“Yes, Sir.” Sagot ni Hana.“Mag-ingat kayo Ms. Keyla!” Pahabol na sabi ni Hermey sa akin. Ngumiti ako sa kanya at sinara na ni Thiago ang pinto. Si Hendrix ang naging driver namin dahil mas kabisado niya ang bayan. At katabi niya si Cherry dahil mamimili daw siya ng sariwang karne at darating daw mamaya si Harvey.Samantala kami naman ni Thaigo ang nasa likuran. May Van din sa likuran namin lulan ng mga tauhan ni Thiago. Nangangamba daw siya sa kaligtasan namin kaya ayaw niyang p
THIAGOSinasabi ko na nga ba! Hindi magandang idea ang lumabas ng rancho. Kung hindi lang mapilit si Keyla hindi sana kami manganganib ng ganito! I’m not afraid kung ako lang ang nasa panganib. Pero dahil mas nag-aalala ako sa kanya at sa magiging anak namin mas natatakot ako na baka mapahamak siya.“Cherry! Wag mo masyadong bilisan! Baka kung mapano si Keyla!” Singhal ko sa kanya dahil kulang na lang lumipad ang kotse habang minamaneho niya ito. Para kaming nagkakarera sa gitna ng kalsada dahil hinahabol kami ng bala mula sa mga naka-motor. Hindi pa naman bulletproof ang bintana ng sasakyan.Kinuha ko ang phone ko at kaagad kong tinawagan si Harvey. Isang ring pa lamang ay nasagot na niya ito.“Harvey! Nasaan ka?”“Ha? Malapit na ako sa rancho nasaan ka ba?”“Shit!” Mura ko nang umalingaw-ngaw ang putok ng baril sa likuran na salamin.“Salungin mo kami sa highway hinahabol kami ng mga tauhan ni Tanita! Bilisan mo!”Kaagad kong pinatay ang phone ko at kinuha ko ang aking baril. Nakita
THIAGO “Harvey, anong balita?” Bungad ko sa kanya pagkapasok pa lamang niya ng pinto. Mabuti na lamang at ligtas silang nakabalik.“We’re okay, yung mga sugatan natin na tauhan ay nasa hospital na. Ngunit sa kasamaang palad may mga individual na nasugatan at kalahati sa tauhan natin ang namatay nasa purenarya na din sila. Ang mga tauhan ng kalaban na lumusob sa inyo. Walang silang palatandaan sa batok nila. Sa tingin ko hindi mga tauhan ni Tanita yun.” Paliwanag niya sa akin. Naikuyom ko ang aking kamao sa labis na galit.“Kung hindi kay Tanita ang mga yun anong ibig sabihin nito? Ikaw na rin ang may sabi na nasa Germany ang babaeng yun diba?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.“Hindi ko rin alam, kumpirmado na nasa Germany ang babaeng yun dahil nakita pa ito ng tauhan natin na pinasunod ko doon. At nakita niya itong nag-cacasino. May kuha pa nga siya na larawan at pagkatapos ay sinend sa akin.” Wika ni Harvey pagkatapos ay dinukot niya ang phone niya at pinakita sa akin. Hindi ako maar
One week later…..KEYLADahil sa nangyaring pagsabog napasugod dito si Nara dala ang tauhan din ni dad upang idagdag sa magiging security ng rancho. Nagkaroon kasi ako ng bleeding dahil sa stress kaya kinailangan kong magpahinga. Sa awa ng diyos ay nagawang maka-recover ni Hana after four days niya sa ICU at si Doc. Alvin ang pansamantalang nag-aalaga sa kanya. At dahil sa nangyari naghigpit si Thiago sa mga tauhan niya. Bente kuwatro oras ang naging bantay sa labas. Palagi din silang nag-uusap ni Harvey at mino-monitor kung saan nila matatagpuan si Tanita. Kung hindi lang ako buntis tutulong ako sa kanila. Ngunit naging maselan ang kalagayan ko at pinayo ng doctor na mag bed rest ako.Bahagya akong bumangon nang bumukas ang pinto.“Kumusta na ang pakiramdam mo?” Bungad na tanong sa akin ni Nara. Umupo siya sa tabi ng kama at nilagyan ng unan ang likuran ko para makasandal ako ng maayos. Mabigat pa rin ang katawan ko at nahihilo pa rin ako.“I’m okay, bakit nandito ka pa? Akala ko ba
KEYLAHindi na ako pinayagan ni Thiago na tignan ang bangkay ni Cherry. Dahil hindi na raw ito halos makilala sabi ni Harvey. Pinahirapan daw ito ng husto bago patayin. Natagpuan daw nila ito sa bakanteng lupa malapit sa hospital. Si Harvey at si Doc. Alvin ang kumilala sa kanya. At alam na rin ni Victor ang nangyari kay Cherry. Siya din ang hinayaan namin na magpasya sa kung ano ang gagawin sa bangkay. Kaya nag-desisyon itong ipa-creminate na lamang si Cherry.Nandito pa rin kami ngayon sa rancho ni Harvey at ina-antay namin ang pagdating ng labi ni Cherry upang kahit paano ay mapaglamayan namin ito bago mailibing. Masakit sa akin ang nangyari, kahit pa naging magkaaway kami noon. Ipinakita niyang kaya niyang magbago ng paunti-unti. Ngunit huli na ang lahat dahil nadamay na siya sa galit ni Tanita sa amin.Bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang bagsak na balikat ni Harvey. Ngayon ko lamang siya nakitang ganito kalungkot. Mas sanay ako na nakikita ko siyang masaya habang inaasar ni
THIAGOKakatulog lang ni Keyla, at sinabihan ko siyang gigisingin ko siya kapag tumawag si Nara. Dahan-dahan kong tinangal ang kanyang ulo sa aking braso at inilipat ko ito sa unan. Pagkatapos ay nilagyan ko naman siya ng makapal kumot. Kinintalan ko siya ng halik sa noo.Saktong pagtayo ko nang umilaw ang phone sa bedside table ko kaya dinampot ko agad ito bago pa magising si Keyla at dahan-dahan akong humakbang palabas ng kuwarto. Bago ko pindutin ang answer button.“Kumusta Thiago?” Bungad niya sa akin nang itapat ko ang phone sa tenga ko. Nabosesan ko kaagad siya kaya lumayo ako sa pintuan ng kuwarto.“Nasaan ka?” Igting ang pangang tanong ko sa kanya. Narinig ko ang malutong na tawa niya.“Hulaan mo…”“Hay*p ka! Sabihin mo sa akin kung nasaan ka!” Singhal ko sa kanya dahil hindi ko na napigilan na magalit.“Hay*p agad? Hindi mo ba ako namimiss? Kasi ako miss na miss na kita.” Malambing niyang sabi na unti-unting nagpanginig ng laman ko kung nandito lang siya sa harap ko ay binari
THIAGOAfter one week ay nahatid na rin namin sa sementeryo ang labi ni Cherry. Sa isang malawak na sementeryo namin siya dinala halos ilang metro lang ang layo nito sa libingan ng magulang ni Harvey. Lahat ng tauhan ko ay naka-puwesto sa hindi kalayuan upang magbantay. Tangan ang matataas na kalibre ng baril upang masiguro namin ang kaligtasan ng bawat isa. Habang pinapanuod namin ang paglalagay ng pangalan sa kanyang libingan ay naramdaman ko ang pagtunog ng phone ko. Dumistansya muna ako sa kanilang lahat at nagtungo ako sa likod ng puno. Ang mga kapatid lang ni Harvey ang wala dito. Dahil walang maiiwan sa rancho.“Hello?”“Thiago, magkita tayo mamayang gabi sa global port Tacloban. Ikaw lang at walang iba. Subukan mong magsama ng iba. Malalaman mo kung ano pa ang kaya kong gawin.” Banta niya sa akin pagkatapos ay namatay na ang tawag niya. Mahigpit kong hinawakan ang phone ko. At napatingin ako kay Keyla na ngayon ay alam kong malungkot din katabi si Harvey at nag-aalay ng bulakb