KEYLAKinabukasan ay naghanda kami ni Thiago sa pag-alis sa rancho ni Harvey. Matagal bago ko napilit si Thiago sa paglabas namin ngayong araw. Nabo-bored na kasi ako sa bahay at gusto kong makakita ng ibang tao at makapamasyal kung ano pa ang makikita sa bayan. At sa haba ng oras na pangungumbinsi ko ay pumayag na rin siya.“Cherry, make sure na tumawag kayo sa amin kapag may nangyaring hindi maganda okay? At wag niyong paalisan ng tauhan na magbabantay sa CCTV’S.” Bilin ni Thaigo bago siya sumakay sa kotse.“Yes, Sir.” Sagot ni Hana.“Mag-ingat kayo Ms. Keyla!” Pahabol na sabi ni Hermey sa akin. Ngumiti ako sa kanya at sinara na ni Thiago ang pinto. Si Hendrix ang naging driver namin dahil mas kabisado niya ang bayan. At katabi niya si Cherry dahil mamimili daw siya ng sariwang karne at darating daw mamaya si Harvey.Samantala kami naman ni Thaigo ang nasa likuran. May Van din sa likuran namin lulan ng mga tauhan ni Thiago. Nangangamba daw siya sa kaligtasan namin kaya ayaw niyang p
THIAGOSinasabi ko na nga ba! Hindi magandang idea ang lumabas ng rancho. Kung hindi lang mapilit si Keyla hindi sana kami manganganib ng ganito! I’m not afraid kung ako lang ang nasa panganib. Pero dahil mas nag-aalala ako sa kanya at sa magiging anak namin mas natatakot ako na baka mapahamak siya.“Cherry! Wag mo masyadong bilisan! Baka kung mapano si Keyla!” Singhal ko sa kanya dahil kulang na lang lumipad ang kotse habang minamaneho niya ito. Para kaming nagkakarera sa gitna ng kalsada dahil hinahabol kami ng bala mula sa mga naka-motor. Hindi pa naman bulletproof ang bintana ng sasakyan.Kinuha ko ang phone ko at kaagad kong tinawagan si Harvey. Isang ring pa lamang ay nasagot na niya ito.“Harvey! Nasaan ka?”“Ha? Malapit na ako sa rancho nasaan ka ba?”“Shit!” Mura ko nang umalingaw-ngaw ang putok ng baril sa likuran na salamin.“Salungin mo kami sa highway hinahabol kami ng mga tauhan ni Tanita! Bilisan mo!”Kaagad kong pinatay ang phone ko at kinuha ko ang aking baril. Nakita
THIAGO “Harvey, anong balita?” Bungad ko sa kanya pagkapasok pa lamang niya ng pinto. Mabuti na lamang at ligtas silang nakabalik.“We’re okay, yung mga sugatan natin na tauhan ay nasa hospital na. Ngunit sa kasamaang palad may mga individual na nasugatan at kalahati sa tauhan natin ang namatay nasa purenarya na din sila. Ang mga tauhan ng kalaban na lumusob sa inyo. Walang silang palatandaan sa batok nila. Sa tingin ko hindi mga tauhan ni Tanita yun.” Paliwanag niya sa akin. Naikuyom ko ang aking kamao sa labis na galit.“Kung hindi kay Tanita ang mga yun anong ibig sabihin nito? Ikaw na rin ang may sabi na nasa Germany ang babaeng yun diba?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.“Hindi ko rin alam, kumpirmado na nasa Germany ang babaeng yun dahil nakita pa ito ng tauhan natin na pinasunod ko doon. At nakita niya itong nag-cacasino. May kuha pa nga siya na larawan at pagkatapos ay sinend sa akin.” Wika ni Harvey pagkatapos ay dinukot niya ang phone niya at pinakita sa akin. Hindi ako maar
One week later…..KEYLADahil sa nangyaring pagsabog napasugod dito si Nara dala ang tauhan din ni dad upang idagdag sa magiging security ng rancho. Nagkaroon kasi ako ng bleeding dahil sa stress kaya kinailangan kong magpahinga. Sa awa ng diyos ay nagawang maka-recover ni Hana after four days niya sa ICU at si Doc. Alvin ang pansamantalang nag-aalaga sa kanya. At dahil sa nangyari naghigpit si Thiago sa mga tauhan niya. Bente kuwatro oras ang naging bantay sa labas. Palagi din silang nag-uusap ni Harvey at mino-monitor kung saan nila matatagpuan si Tanita. Kung hindi lang ako buntis tutulong ako sa kanila. Ngunit naging maselan ang kalagayan ko at pinayo ng doctor na mag bed rest ako.Bahagya akong bumangon nang bumukas ang pinto.“Kumusta na ang pakiramdam mo?” Bungad na tanong sa akin ni Nara. Umupo siya sa tabi ng kama at nilagyan ng unan ang likuran ko para makasandal ako ng maayos. Mabigat pa rin ang katawan ko at nahihilo pa rin ako.“I’m okay, bakit nandito ka pa? Akala ko ba
KEYLAHindi na ako pinayagan ni Thiago na tignan ang bangkay ni Cherry. Dahil hindi na raw ito halos makilala sabi ni Harvey. Pinahirapan daw ito ng husto bago patayin. Natagpuan daw nila ito sa bakanteng lupa malapit sa hospital. Si Harvey at si Doc. Alvin ang kumilala sa kanya. At alam na rin ni Victor ang nangyari kay Cherry. Siya din ang hinayaan namin na magpasya sa kung ano ang gagawin sa bangkay. Kaya nag-desisyon itong ipa-creminate na lamang si Cherry.Nandito pa rin kami ngayon sa rancho ni Harvey at ina-antay namin ang pagdating ng labi ni Cherry upang kahit paano ay mapaglamayan namin ito bago mailibing. Masakit sa akin ang nangyari, kahit pa naging magkaaway kami noon. Ipinakita niyang kaya niyang magbago ng paunti-unti. Ngunit huli na ang lahat dahil nadamay na siya sa galit ni Tanita sa amin.Bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang bagsak na balikat ni Harvey. Ngayon ko lamang siya nakitang ganito kalungkot. Mas sanay ako na nakikita ko siyang masaya habang inaasar ni
THIAGOKakatulog lang ni Keyla, at sinabihan ko siyang gigisingin ko siya kapag tumawag si Nara. Dahan-dahan kong tinangal ang kanyang ulo sa aking braso at inilipat ko ito sa unan. Pagkatapos ay nilagyan ko naman siya ng makapal kumot. Kinintalan ko siya ng halik sa noo.Saktong pagtayo ko nang umilaw ang phone sa bedside table ko kaya dinampot ko agad ito bago pa magising si Keyla at dahan-dahan akong humakbang palabas ng kuwarto. Bago ko pindutin ang answer button.“Kumusta Thiago?” Bungad niya sa akin nang itapat ko ang phone sa tenga ko. Nabosesan ko kaagad siya kaya lumayo ako sa pintuan ng kuwarto.“Nasaan ka?” Igting ang pangang tanong ko sa kanya. Narinig ko ang malutong na tawa niya.“Hulaan mo…”“Hay*p ka! Sabihin mo sa akin kung nasaan ka!” Singhal ko sa kanya dahil hindi ko na napigilan na magalit.“Hay*p agad? Hindi mo ba ako namimiss? Kasi ako miss na miss na kita.” Malambing niyang sabi na unti-unting nagpanginig ng laman ko kung nandito lang siya sa harap ko ay binari
THIAGOAfter one week ay nahatid na rin namin sa sementeryo ang labi ni Cherry. Sa isang malawak na sementeryo namin siya dinala halos ilang metro lang ang layo nito sa libingan ng magulang ni Harvey. Lahat ng tauhan ko ay naka-puwesto sa hindi kalayuan upang magbantay. Tangan ang matataas na kalibre ng baril upang masiguro namin ang kaligtasan ng bawat isa. Habang pinapanuod namin ang paglalagay ng pangalan sa kanyang libingan ay naramdaman ko ang pagtunog ng phone ko. Dumistansya muna ako sa kanilang lahat at nagtungo ako sa likod ng puno. Ang mga kapatid lang ni Harvey ang wala dito. Dahil walang maiiwan sa rancho.“Hello?”“Thiago, magkita tayo mamayang gabi sa global port Tacloban. Ikaw lang at walang iba. Subukan mong magsama ng iba. Malalaman mo kung ano pa ang kaya kong gawin.” Banta niya sa akin pagkatapos ay namatay na ang tawag niya. Mahigpit kong hinawakan ang phone ko. At napatingin ako kay Keyla na ngayon ay alam kong malungkot din katabi si Harvey at nag-aalay ng bulakb
KEYLAKung hindi narinig ni Nara ang usapan ni Thiago at Harvey hindi ko sana malalaman ang plano nito. Ngunit dahil nagdalawang isip si Nara na sabihin yun sa akin dahil sa sinabi nito ang tungkol sa espiya na kasama lang namin kaya naging maingat din siya. Mabuti na lamang nagising ako at eksaktong naabutan ko siyang naghahanda para sundan si Thiago. Kinausap namin si Harvey at pinilit ko pa siya para puntahan lang si Thiago ngunit huli na…nahuli na siya ng mga pulis dahil sa pagbaril niya kay Tanita.At ngayon sinusundan namin ang police car kung saan siya lulan.“Nara, puwede mo bang tawagan si dad, Tito Nathan or hindi kaya si Mr. X? Baka sakaling matulungan nila kami ni Thiago.” Nag-alalang sabi ko sa kanya. Ayokong makulong si Thiago. Ayokong mag-isa kong ilalabas ang anak namin nang hindi ko siya kasama. At isa pa, mabigat na kaso ang kakaharapin niya dahil napatay niya ito.“I’ll try to contact them. Huminahon ka lang okay?”Sinubukan kong huwag isipin ang kahihitnatnan ng na
SEBASTIAN “Ikaw?!” Bulalas ng babaeng sapilitan kong ipinadukot upang dalhin dito sa isang rest house namin. “Mabuti naman naalala mo pa ako? Hindi ako makapaniwalang nahirapan ang mga tauhan kong dalhin ka dito. Totoo ngang magaling ka sa martial arts dahil bukod sa black-eye bali-bali pa ang mga buto nila.” Naiiling na sabi ko sa kanya. Tumayo siya sa kama at akmang susuntukin ako ngunit mabilis kong nahawakan ang mga kamay niya at inikot ko ang kanyang katawan at hinawakan ko siya ng mahigpit. Nasa likuran niya ako at mahigpit kong hawak ang mga kamay niya. Nakapaikot sa beywang niya ang braso ko. “Manyak ka talaga! Bitawan mo ako! Kung ano man ang balak mo sa akin. Wala kang mahihita sa akin! Hindi ako anak mayaman at kapag nakawala ako dito lagot ka sa tatay ko!” Singhal niya sa akin habang pilit na kumakawala sa pagkakayakap ko. “Hindi pera ang dahilan kaya kita dinala dito. Binasted mo ako remember? Ayoko nang pinaghihirapan makuha ang isang bagay kaya kung ayaw mo ng santo
KEYLAEveryone is here, celebrating with us. Talagang binigyan nila ng araw at oras ang mahalagang araw na ito for me and Thiago. Although wala si Nara dito I know kung nasaan man siya masaya siya for me. Natupad ang isa sa pangarap ko ilang beses na ring hindi matuloy-tuloy ang pagpapakasal naming dalawa pero heto kami ngayon. Were dancing in front of all people who are happy to see both us. Talagang ginastusan ni Thiago ang buong resort dahil exclusive lang ito para sa aming at sa mga bisita. “Are you happy?” Nakangiting tanong niya sa akin. “Of course, ikaw ba? Paano tayo after nito?” Tanong ko sa kanya. Siya kasi ang nagplano ng lahat ng ito. Nang malaman kong gusto niya kaming ikasal sa ibang bansa hindi na niya ako ini-stress sa lahat ng detalye. At kumuha siya ng wedding planner at organizer sa California to prepare our wedding. At hindi ko alam kung ano ang plan niya after the reception. “Huwag mo nang problemahin yun. Si Mommy daw muna ang mag-aalaga kay Seb. Sabi niya mag
THIAGO“Hoy! Ano ka ba? Para kang hindi mapatae diyan!” Saway ni Harvey sa akin. Kanina pa kasi ako hindi mapakali nandito kami waterfront beach resort sa huntington beach sa California. Dito ko napiling pakasalan si Keyla kasama ng pamilya at malapit naming kaibigan. Bukod sa luxurious Hilton hotel kung saan magaganap ang aming reception napili kong maging backdrop ng exchange vows namin ay ang sunset at blue wavy waves ng resort beach resort. At almost five minutes na siyang late nandito na lahat ng a-attend sa kasal namin. Kabilang si Harvey na best man ko. Ang lahat ng kaibigan ni Keyla at agents ng TAJSO kompleto at pati na rin ang mga bago naming business partners at investors. “Late na siya at malapit na ring lumubog ang araw sa tingin mo paano ako kakalma?” Kunot noong tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at tinapik niya ako sa balikat. “Five minutes palang, ganun talaga ang mga babae Thiago. Si Cherry nga eh tatlong oras akong pinag-antay sa date namin at nakalimutan d
KEYLANapabalikwas ako ng bangon nang makapa kong wala na akong katabi sa kama. Mataas na rin ang araw at tumatagos na ang hangin sa nakabukas na salamin ng balkonahe. Paglingon ko sa crib ay wala na din doon si Baby Seb kaya bumaba ako ng kama at nagtungo ako sa balkonahe upang tanawin ang magandang panahon sa labas. Napatingin ako sa ibaba at nakita ko silang dalawa. Karga niya si Baby at tuwang-tuwa niya itong nilalaro habang pinapainitan. Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Hindi ko kasi akalain na darating ang araw na ito. Na buhay siya at makakasama namin siyang muli. Napa-angat siya ng tingin sa gawi ko at malawak na nginitian niya ako. Kung ganito ba naman ka-guwapo ang bubungad sayo pagising palang ang sarap ng sundan ni Baby Seb! Kumuha ako ng cardigan at lumabas ako ng kuwarto. Pagkababa ko ng hagdan ay bumungasd si Mommy sa akin na naghahanda ng pagkain sa veranda. “Mabuti naman gising ka na. Pinuyat ka ba ni Baby Seb? O baka naman ang lalaking yun ang pumuyat sa’yo? Alala
THIAGONabigla ako nang sabihin ni Keyla na wala na si Nara. Hindi ko inasahan na matatalo siya ng ganun at hahantong sa masaklap na kamatayan. Matagal ko na rin naman siyang napatawad kaya nakikisimpatya ako sa pagdadalamhati nila at nagpasyang ipagpaliban muna ang kasal. Dahil yun ang hiling ng kanyang mga magulang. Isa pa wala pang fourty days at nagluluksa parin sila kaya ni-respeto ko ang kanilang hiling. Hindi ko na naman kailangan ng assurance dahil sapat na si Baby Seb upang masiguro kong papakasalan ako ni Keyla sa kabila ng nangyari sa mga nakalipas na buwan.Sa ngayon ay nandito kami sa crystal de galyo ang islang pagmamay-ari at minana ng kanyang ama. Nalaman kong dito din pala siya nagtago kaya hindi ko siya mahanap noong mga oras na naghiwalay kaming dalawa. Kailangan daw kasi namin ng magandang lugar to unwind lalo pa’t mabigat parin ang kalooban ng kanyang mga magulang. At kasama akong nagdadalamhati dahil alam kong masakit din ito kay Keyla. “Mahal, kanina pa naiya
KEYLATumawid ako sa tulay na inilagay nila upang makatawid kay Thiago. Kaagad niya akong niyakap ng mahigpit.“Natapos din ang lahat.” Mahinang sambit ni Thiago habang yakap niya ako. “Hindi pa tapos Thiago, kailangan muna nating matangal ang bombang inilagay ni Tanita diyan sa katawan mo.” Hinaplos ni Thiago ang buhok ko.“I know, pero hindi na ako nag-alala sa bomba mas inalala kita kanina. Alam mo bang para akong a-atakihin habang nakatingin lang sa inyong dalawa? Bakit ba kasi ayaw mong tulungan kita sa baliw na babaeng yun? Paano kung napahamak ka? Paano kung ikaw ang nahulog? Tignan mo ang nangyari sa’yo.” Paninisi nito sa kanya habang hinahaplos ang duguan niyang labi.“Dahil laban namin yun ni Tanita. Marami siyang atraso sa sayo lalo na sa akin. Kaya nararapat lang na ako ang tumapos sa kanya. Kahit hindi niya sabihin sa akin ng harapan alam kong ngayon lamang siya nakatagpo ng katapat kaya ginamit niya ang huli niyang baraha. And I was satisfied fighting with her. Karapat
Inantay ni Thiago na tumigil ang pag-ikot ng CCTV camera dahil yun ang hudyat na tulog na ang mga nagbabantay nito. Kaagad siyang tumayo sa kanyang higaan. At nagbihis ng pantalon, puting t-shirt at jacket pati na rin sapatos. Wala siyang armas kaya kailangan niya munang kumuha sa mga tauhan ni Tanita. Kaagad niyang binuksan ang pinto dahil hindi naman ito naka-locked. Alam niyang sa kabilang kuwarto lang ang kinaroroonan ng kanyang anak dahil yun ang sinabi sa kanya ng nurse pagbalik nito. Dahan-dahan siyang humakbang patungo sa kuwarto ni Baby Seb. Binuksan niya ang pinto at nagulat siya nang makita ang mga paa ng dalawang tauhan ni Tanita na nakabulagta sa loob ng kuwarto. Nag-angat siya ng tingin madilim ang paligid at tanging anino lang ng sa tingin niya ay babae ang kanyang nakita. Dahil sa liwanag sa salamin na pinto sa veranda. Nakatayo ito sa gilid ng crib karga nito ang kanyang anak. “Sino ka?!” Madiin niyang tanong kasabay ng matulis na bagay na tumapat sa kanyang leeg.
Matutulog na sana si Thiago nang bumukas ang pinto.“Thiago! I have a surprise for you!”Excited na bulalas ni Tanita nang pumasok ito sa kanyang kuwarto bitbit ang sangol na kinuha niya kay Isay. Matapos niya itong patayin kasama ng Doctora na inuto din niya. Ayaw niya kasing may iba pang makaalam sa ginawa niya kaya tinapos na rin niya ang buhay ng mga ito.Kaagad na ini-adjust ng nurse ang kanyang higaan upang ma-elevate ang kanyang ulo.“Look how handsome he is!” Inilapit niya ito kay Thiago na kasalukuyang naka-upo na sa kanyang kama.“This is our child…Baby Sebastian.” Nangingilid ang luha na sabi nito sa kanya. Para siyang naitulos sa kinuupuan niya nang makita niya ang mukha ng sanggol. Kahawig na kahawig niya ito noong baby pa siya at naramdaman niya kaagad ang lukso ng dugo. Napakuyom siya sa kanyang kamao na nasa ilalim ng makapal niyang unan. Gustuhin man niyang kunin ito sa kamay ni Tanita ngunit kapag ginawa niya yun ay masasayang ang ilang buwan na pagtitiis niya at pag
Nagising si Keyla dahil sa ingay na nasa paligid niya. Pagdilat niya ay nakapalibot na sa kanya ang buo niyang pamilya.“Ate!”“Anak…”Nag-aalalang sambit ng mga ito. Napatingin siya sa kanyang ama dahil ang huli niyang naalala ay naghihinagpis siya sa gilid ng kotse yung nasaan ang bangkay ng tumangay kay Baby Seb.Naupo siya sa kama at muli niyang naalala na wala na sa kanyang piling ang kanyang anak kaya muling nangilid ang kanyang luha at napahagulgol sa sakit ng kanyang nararamdaman.“Anak, tama na…alam na namin kung sino ang may pakana ng lahat.”Nag-angat siya ng tingin dahil sa sinabi ng kanyang Ama. Kinuha nito ang pulang sobre sa ibabaw ng mesa na ibinigay ni Mr. X para sa susunod niyang misyon.“Anong ibig sabihin nito?” Nagtatakang tanong ni Keyla.“Open it...hahayaan ka naming mag-desisyon kahit labag sa loob namin dahil sa pagkawala ng kapatid mo.”Kinabig ni Brian ang kanyang asawa na si Aliixane na nasa tabi lang niya at naiiyak na rin. Dahil alam niyang kapag tinangap