KEYLA“Oh, bakit parang kasing haba ng ilong ni Pinocchio yang nguso mo? Kanina lang ang saya mo ah?” Nagtatakang tanong ni Nara nang masalubong niya ako pagbaba ko ng hagdan.“Wala, disappointed lang ako. Nagpaganda pa naman ako bago pumasok sa kuwarto niya pero hindi ko nararamdaman na namimiss niya ako. Isa pa sa tingin ko may gumugulo sa isip niya.” Nakasimangot kong sagot sa kanya.“Baka naman dahil kay Tanita.”Napaisip ako sa sinabi niya. Alam ko naman na inaalala niya ng husto ang tungkol sa babaeng yun eh. Kaya nga lalo akong naiinis kasi imbis na ako lang dapat ang laman ng isip niya may kahati pa akong babae na hindi ko parin alam kung ano ang itsura.“Nara, pagbalik mo ng Manila puwede mo ba akong ihingi ng tulong kay Xandro? Diba Mafia din yun? Baka may alam siya na maaring makapagbigay sa amin ng impormasyon tungkol kay Tanita.”Halatang napa-isip siya sa sinabi ko. Matagal na silang magkaibigan at nakasama na rin namin si Xandro nang iligtas namin ang asawa ng kaibigan
KEYLAPabalik na sana kami nang masalubong namin si Nara at Isaiah. Seryoso lang silang nakatingin sa amin habang papalapit kami sa kanila. Naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko na hawak niya.“Kanina pa namin kayo hinahanap. Papalubog na ang araw at nag-umpisa na kaming mag-ihaw.” Wika ni Nara sa amin.“Nag-usap lang kami ni Thiago sa ilog.” Nakangiting sabi ko sa kanya.“Puwede ko ba siyang makausap?” Wika naman ni Isaiah. Kaya napatingin ako sa kanya.“Bakit? Hindi ba puwedeng kasama ako?” Seryosong tanong ko sa kanya. Baka kasi kung ano ang sabihin niya kay Thiago.“Wala ka bang tiwala sa akin? Wala akong sasabihin sa kanyang masama tungkol sa relasyon niyo kaya wala kang dapat na ikabahala.”Napatingin sa akin si Thiago at nakangiti siyang tumango sa akin bilang pagsang-ayon. Binitawan niya ang kamay ko at sumama ako kay Nara. Nilingon ko pa siya pero mukhang hindi naman siya nag-alala.“Huwag kang mag-alala, kilala mo naman ang kakambal natin. Hindi siya nangingialam sa mg
KEYLANagising ako ng madaling araw dahil sa pag-alis ng mga kapatid ko. Kailangan na rin kasi nilang bumalik sa siudad dahil may kanya-kanya din silang trabaho. Pero nagtaka ako na kasama nilang babalik si Harvey. Kaya nang makaalis na sila sakay ng mini bus patungong airport ay saka ko hinila si Thiago pabalik sa kuwarto.“Bakit kasama si Harvey? Anong gagawin niya sa Manila?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.“May pinapa-asikaso lang ako sa kanya. Babalik din yun kaagad.” Sagot niya sa akin. Madilim pa kaya nagpasya kaming bumalik sa pagtulog. Pero iniisip ko pa rin kung ano ang pinapagawa ni Thiago kay Harvey at kung bakit ayaw niyang sabihin yun sa akin.“Halika na at matulog na tayo.” Aya niya sa akin at hinila ako sa kama. Nakayakap siya sa likuran ko at hawak naman niya ang kamay ko. Nararamdaman ko ang hininga niya sa aking batok.“Keyla…”“Hmmm?”“Ingatan mo ang sarili mo pati na rin ang anak natin.” Sambit niya kaya ipinihit ko ang katawan ko paharap sa kanya. Seryoso ang kan
One week later….THIAGOAndito ako ngayon sa room ni Doc. Alvin. Upang ipagtingin ang sugat ko. Mabuti na lang mabilis ang naging paghilom ng sugat ko at mas okay na ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw.“Good Thiago, mabuti naman sinunod mo ang bilin ko.” Nakangiting sabi niya sa akin habang tinitignan ang sugat ko sa tiyan. Tuyo at sarado na rin ito.“Anong bilin?”“What? Don’t tell me hindi mo ginawa ang bilin kong wag muna kayong magtatabi ni Keyla? Ako pa naman ang naki-usap sa kanya para mabilis ang maging pagaling mo.”Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya sa akin. Kaya naman pala kapag inaaya ko siya ay tinatangihan niya ako at palagi niyang sinasabi na masama ang pakiramdam niya. Dahil pala yun sa paki-usap ni Doc. Alvin!“Oh? Bakit ganyan ka makatingin?” Nagtatakang tanong niya sa akin.“Ikaw pala ang salarin kung bakit iniiwasan ako ni Keyla!” Angil ko sa kanya na ikinatawa niya.“Effective naman eh, kita mo? Magaling na ang sugat mo. Mabuti pa bumawi ka na
KEYLANapalitan ng ngiti ang aking labi dahil hindi pala niya nakalimutan ang birthday ko. Magtatampo na sana ako sa kanya. Ngunit bumawi naman siya at nag-abot pa ng bulaklak at chocolate cake. Paborito ko pa naman ito pero imbis na ang cake ang lantakan namin ako ang inuna niyang lantakan.Marahan niya akong hiniga sa kama at kaagad niyang inangkin ang aking labi. Pati ang kamay niya ay nag-umpisa na ring gumapang sa aking hita. Mabuti na lamang at wala pa akong suot na underwear kung nagkataon baka sirain na naman niya ito at kung saan na naman ihahagis. Nagkaroon tuloy siya ng easy access sa aking kaselanan na ngayon ay hinihimas na niya. Lalong nag-init ang aking katawan.Hangang sa tatangalin na sana niya bathrobe ko nang biglang tumunog ang phone niya.“Mamaya na…” Mahinang bulong niya sa tenga ko. At muli niya akong siniil ng halik sa labi. Ngunit hindi pa rin tumigil ang pag-ring ng phone niya. Kaya ako na ang humiwalay sa kanyang labi.“Sagutin mo muna para walang abala.” Se
KEYLAKinabukasan ay naghanda kami ni Thiago sa pag-alis sa rancho ni Harvey. Matagal bago ko napilit si Thiago sa paglabas namin ngayong araw. Nabo-bored na kasi ako sa bahay at gusto kong makakita ng ibang tao at makapamasyal kung ano pa ang makikita sa bayan. At sa haba ng oras na pangungumbinsi ko ay pumayag na rin siya.“Cherry, make sure na tumawag kayo sa amin kapag may nangyaring hindi maganda okay? At wag niyong paalisan ng tauhan na magbabantay sa CCTV’S.” Bilin ni Thaigo bago siya sumakay sa kotse.“Yes, Sir.” Sagot ni Hana.“Mag-ingat kayo Ms. Keyla!” Pahabol na sabi ni Hermey sa akin. Ngumiti ako sa kanya at sinara na ni Thiago ang pinto. Si Hendrix ang naging driver namin dahil mas kabisado niya ang bayan. At katabi niya si Cherry dahil mamimili daw siya ng sariwang karne at darating daw mamaya si Harvey.Samantala kami naman ni Thaigo ang nasa likuran. May Van din sa likuran namin lulan ng mga tauhan ni Thiago. Nangangamba daw siya sa kaligtasan namin kaya ayaw niyang p
THIAGOSinasabi ko na nga ba! Hindi magandang idea ang lumabas ng rancho. Kung hindi lang mapilit si Keyla hindi sana kami manganganib ng ganito! I’m not afraid kung ako lang ang nasa panganib. Pero dahil mas nag-aalala ako sa kanya at sa magiging anak namin mas natatakot ako na baka mapahamak siya.“Cherry! Wag mo masyadong bilisan! Baka kung mapano si Keyla!” Singhal ko sa kanya dahil kulang na lang lumipad ang kotse habang minamaneho niya ito. Para kaming nagkakarera sa gitna ng kalsada dahil hinahabol kami ng bala mula sa mga naka-motor. Hindi pa naman bulletproof ang bintana ng sasakyan.Kinuha ko ang phone ko at kaagad kong tinawagan si Harvey. Isang ring pa lamang ay nasagot na niya ito.“Harvey! Nasaan ka?”“Ha? Malapit na ako sa rancho nasaan ka ba?”“Shit!” Mura ko nang umalingaw-ngaw ang putok ng baril sa likuran na salamin.“Salungin mo kami sa highway hinahabol kami ng mga tauhan ni Tanita! Bilisan mo!”Kaagad kong pinatay ang phone ko at kinuha ko ang aking baril. Nakita
THIAGO “Harvey, anong balita?” Bungad ko sa kanya pagkapasok pa lamang niya ng pinto. Mabuti na lamang at ligtas silang nakabalik.“We’re okay, yung mga sugatan natin na tauhan ay nasa hospital na. Ngunit sa kasamaang palad may mga individual na nasugatan at kalahati sa tauhan natin ang namatay nasa purenarya na din sila. Ang mga tauhan ng kalaban na lumusob sa inyo. Walang silang palatandaan sa batok nila. Sa tingin ko hindi mga tauhan ni Tanita yun.” Paliwanag niya sa akin. Naikuyom ko ang aking kamao sa labis na galit.“Kung hindi kay Tanita ang mga yun anong ibig sabihin nito? Ikaw na rin ang may sabi na nasa Germany ang babaeng yun diba?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.“Hindi ko rin alam, kumpirmado na nasa Germany ang babaeng yun dahil nakita pa ito ng tauhan natin na pinasunod ko doon. At nakita niya itong nag-cacasino. May kuha pa nga siya na larawan at pagkatapos ay sinend sa akin.” Wika ni Harvey pagkatapos ay dinukot niya ang phone niya at pinakita sa akin. Hindi ako maar