Share

The Mafia's Dispensable Woman
The Mafia's Dispensable Woman
Author: Michelle Vito

PROLOGUE

Author: Michelle Vito
last update Huling Na-update: 2022-08-28 12:20:50

NAGKUBLI SA LIKOD NG isang malaking puno si Rigor nang bumukas ang gate sa bahay ng kanyang target.  Nang bahagyang makalayo ang sasakyan ay nagmamadali siyang sumakay sa kanyang motor para sundan ito.  Isang oras rin mahigit ang itinakbo ng mga ito bago huminto sa isang matarik na bangin.  Napakunot nuo siya.  Muli niyang ipinarada ang kanyang motorsiklo sa hindi kalayuan saka pinakiramdaman ang susunod na gagawin ng nasa loob ng sasakyan.

                Nakita niyang bumaba ang matangkad na lalaki mula sa kulay itim na kotse.  Kumpirmadong ito ang kanyang target.  Sa passenger’s seat naman ay bumaba ang isang babaeng may pigura ng sa isang modelo.  Nagtungo sa likuran ng sasakyan ang mga ito at kinuha ang kung anong nakasilid sa sako saka pinagtulungan iyon ng dalawang buhatin at itapon sa bangin.

                Saka nagmamadali na ang mga itong sumakay sa kotse at umalis.  Bigla siyang kinutuban kaya nagmamadali siyang tumalon sa bangin para alamin kung ano ang laman ng sakong iyon.  Bihasa siya sa training kaya mabilis at maliksi ang kanyang mga galaw.  Wala pang ilang minuto ay tangay na niya ang mabigat na sako, nagmamadali niya iyong binuksan at nagulat siya nang makitang isang babae ang nakasilid duon.

                Kinapa niya ang pulso nito, buhay pa ang babae kung kaya’t mabilis niya itong binigyan ng mouth to mouth resuscitation.  Ilang sandali pa at inilalabas na nito ang lahat ng nainom na tubig sa katawan.  Nagmulat lang ito ng bahagya saka nawalan ng malay tao.

                Binuhat niya ito paakyat sa matarik na bangin.  Mabuti na lamang at sanay ang katawan niya sa mabibigat na bagay, madali lang para sa kanyang buhatin ito habang binabagtas ang paakyat sa matarik na bangin.

                Anim na taong gulang  pa lamang siya ay sinasanay na  siya ng kanyang ama sa kung anu-anong maari niyang suungin na laban kung kaya’t hindi na mahirap para sa kanya ang mga ganito.  Mas madali pa nga ito kaysa sa ginawa niya nuong isang buwan na tumalon siya sa umaandar na helicopter.  Lahat rin ng martial arts ay expert siya.  At magaling rin siya sa kung anu-anong sports.  Tadtad siya ng training sa ama bago siya nito isabak sa kung anu-anong misyon.  At ngayong matanda na ito ay sa kanya na nito ipinapasa ang isang napakabigat na tungkulin.  Ang maging isang Mafia Boss.

                Nuong una ay ayaw niya.  Mas gusto niyang maging isang simpleng mamayan at gawin ang kanyang pangarap.  Ang maging isang magaling na doctor at paglingkuran ang mga mahihirap.  Ngunit nang maipaintindi nito sa kanya kung bakit niya ito kailangang gawin ay hindi na siya tumanggi pa.

                Gagawin niya ang lahat para sa kanyang pamilya.

                Nang makarating sa kanyang motorksiklo ay kinuha niya ang kanyang mobile phone at kinontak ang kanyang mga tauhan para sunduin ng mga ito ang babae.

               

“SIYA SI MRS. REYES. ANG asawa ng target,” sabi ng isa sa mga tauhan ni Rigor nang iaabot nito sa kanya ang hawak na mga larawan, “Si Mrs. Althea Reyes.”

                Napalingon siya sa babaeng nakahiga sa kama, sa braso nito ay may nakasaksak na dextrose.  Naka-oxygen rin ito at kung anu-ano pang mga aparatu. Halos sira na ang mukha nito kung kaya’t napakahirap nitong makilala ngunit ang larawang kuha dito ng isa sa kanyang mga tauhan bago maganap ang insidente ay tumutugma sa suot nitong damit.

                Maya-maya ay tumunog ang monitor, senyales na hindi maganda ang lagay ng puso nito.  Nagmamadali na siyang kumilos para isagawa ang operasyon para dito.  Kakailanganin niya ang babae para maisagawa ang kanyang mga plano.

                Nang bumalik sa operating room ay nakalab gown na siya pati na rin ang kanyang mga assistants na mga professional nurse din at ang dalawa ay intern naman niya.  Ang General Samandehas Hospital ay pag-aari ng kanyang pamilya na isa sa mga negosyong pinamamahalaan niya kung kaya’t ang lahat niyang mga doctor at nurses ay miyembro rin ng kanilang underworld organization.

                “Kawawang asawa,” sabi ng kanyang nurse na si Nelson habang nakatitig sa walang malay na babae, “Saksakan naman kasi ng pangit kaya siguro di na masikmura ng asawa nyang pagtiyagaan kaya tinapon na lang. . .”

                Tiningnan niya ng masama ang lalaki kaya itinikom na nito ang bibig.  Matagal niyang sinubaybayan ang buhay ng kanyang target kung kaya’t alam rin niya ang kwento nito at ng babae.  Alam niyang pinakasalan lamang ito ng kanyang target dahil sa kayamanan nito bagama’t ang totoo nitong mahal ay ang starlet at childhood girlfriend nitong si Britney.  Nang mamatay ang mga magulang ni Althea sa isang car accident na ang kanyang target rin ang may kagagawan, nagsimula ang pagmamaltrato ng kanyang target sa asawa nitong si Althea.

                Since nag-iisang anak si Althea, ito ang nag-iisang tagapagmana ng kompanya ng yumaong mga magulang.  Ngunit dahil sunod-sunuran lamang ang babae sa asawa ay hinayaan nitong pamahalaan iyon ng lalaki.  And worst, halos hindi na umuuwi ang kanyang target kay Althea bagkus ay tuluyan na itong nakisama sa childhood sweetheart nitong si Britney.

                Wala naman siyang planong pakialaman ang kung anumang relasyon mayroon ang kanyang target sa asawa nito.  Ang gusto lang naman niya ay mapatay ang lalaking iyon.  Ngunit may naisip siyang mas magandang plano ngayong pinagmamasdan niya ang kaawa-awang babae.

                Sa lahat ng ayaw niya ay iyong inaapi ang mga taong walang kalaban-laban.  Isa pa, mas magiging exciting ang laban kung makikita niyang magugulat ang kanyang target kapag nalaman nitong buhay ang asawa nito!

                Ngunit hindi ba mas magiging kapanapanabik kung sa halip na pangit, gawin niyang very attractive ang asawa nito?  Ngunit hindi niya basta-basta mababago ang mukha ng babae hangga’t hindi pa siya nito binibigyan ng consent na ayusin niya ang mukha nito.  Labag iyon sa SOP.  Kailangan niyang kausapin ito ng masinsinan at ipaliwanag kung bakit gusto niya itong tulungan.  Ngunit sa ngayon, kailangan muna niyang siguraduhin na ligtas na ang babae sa kamatayan.

MATAPOS NG ISANG LINGGO ay unti-unti nang bumabalik ang lakas ni Althea.  Medyo humuhupa na rin ang mga tinamo niyang sugat sa kanyang katawan.  Ngunit bakit isang lingo na siya dito sa ospital ay hindi pa rin siya dinadalaw ng kanyang asawa?

                Alam ba nito kung nasaang ospital siya?  Bumukas ang pinto ng kanyang silid at pumasok ang kanyang doctor.  Mas mukhang artista ang matangkad na lalaki kaysa mukhang doctor.  Napakaganda rin ng tindig nito.  Palagay niya ay mas matangkad pa ito ng kaunti sa kanyang asawa.  Para itong iyong bidang Turkish actor sa series na pinapanuod niya nuon kapag naiinip siya sa paghihintay sa kanyang asawa.

                “Kumusta na ang pakiramdam mo?” Nag-aalalang tanong nito sa kanya, “Wala na bang masakit saiyo?”

                Umiling siya saka tumingin dito, “Pwede na ba akong lumabas?  Iyong hospital bill, ipapadala ko na lang kapag nakauwi na ko.  I’m sure, nag-aalala na ang asawa ko at. . .”

                Napangisi ito, “Palagay mo mag-aalala ang asawa mo saiyo? Baka nga mas gugustuhin pa nung hindi ka na umuwi.”

                “A-anong ibig mong sabihin?”

                “Wala ka talagang matandaan?” Tanong nito sa kanya.

                “Look, gusto ko ng umuwi!” Giit niya sa lalaki saka bumangon para umalis sa higaan.

                “Go ahead, umuwi ka para makita mo kung sino ng babaeng itinira dun ng asawa mo!” Sigaw nito sa kanya.

                Natigilan siya.  Anong alam nito sa buhay niya?  Sino baa ng lalaking ito?

                Huminga ito ng malalim, “Hindi mo ba itinatanong kung paano kang napunta sa ospital na ito?  Wala ka ba talagang matandaan or nagtatanga-tangahan ka lang talaga?”

                Nagpanting ang mga tenga niya, oo, nagpapasalamat siya dahil ginamot siya nito kahit hindi pa niya ito bayad.  Ngunit para pakialaman nito ang buhay niya, hah?

                “Ipapadala ko na lang ang bill, dodoblehin ko kung gusto mo!” Aniya rito, “Pahiramin mo ako ng telepono para matawagan ko ang asawa ko!”

                “Itinapon ka ng asawa mo sa bangin.  Ako ang sumagip saiyo!” Dinig niyang sabi nito sa kanya.  Bigla siyang napahinto sa pagbubukas ng pinto.  Hindi makapaniwalang napatingin siya sa lalaki.

                Unti-unti ay nanuot sa kanya ang mga putol-putol na ala-ala.  Nasa banyo siya nang bigla na lamang bumagsak ang celiing at may isang mabigat na bagay ang dumagan sa kanya.  Ang mga sumunod na pangyayari ay hindi na niya alam.

                “H-hindi totoo yan,” umiiling na sabi niya rito.  “Mahal ako ni Griff,” may pait sa tonong sabi niya, ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mga mata. Hindi niya alam kung ito ang kinukumbinsi niya o ang kanyang sarili.

                Simula nang mamatay ang kanyang mga magulang at ito na ang magtake over sa mga negosyong naiwan ng kanyang parents ay unti-unting nagbago ang pakikitungo nito sa kanya.  Hindi na ito sweet na gawa nuong nasa courting stage pa lamang sila.  Naalala pa nga niyang isang gabi habang kumakain sila ay sinabi nito sa kanya ang napakasakit na salitang ito:  Nakakasuka ang pagmumukha mo!  Maski ikaw siguro nasusuka sa sarili mo kapag tinitingnan moa ng sarili mo sa salamin!  Kaya pwede ba, huwag mo akong tatawaging honey sa harap ng ibang tao?

                Ngunit pinalampas na lamang niya ang sinabi nito.  Inisip niyang baka lasing lamang o pagod sa trabaho ang kanyang asawa kaya nito nasabi iyon.  Mahal na mahal niya si Griff.  Kaya nga kahit halos hindi na ito umuuwi sa bahay nila ay matiyaga pa rin niya itong hinihintay.  Dumating pa nga sa puntong payag na siya kahit sya na lamang ang nagmamahal dito, huwag lang siya nitong iwan.

                “May kinakasama na ngayon ang asawa mo, alam mo ba iyon?”

                Yamot na nilingon niya ang lalaki, “Ke lalaki mong tao napakatsismosa mo?  Ano bang pakialam mo sa buhay namin, ha?”

                “Gusto kitang tulungan.  Willing akong isailalim ka sa cosmetic surgery para makaganti sa lahat ng katarantaduhang ginawa ng asawa mo saiyo kahit na paano. . .”

                “Hindi ko kailangan ng tulong mo,” mayabang na sabi niya rito, “Salamat na lang.  Don’t worry, ipapadala na lang saiyo ng asawa ko ang kabayaran sa lahat ng ginawa mo sakin!” Pagkasabi niyon ay nagmamadali na siyang lumabas ng kanyang kuwarto.  Walang lingon-lingon na tumakbo siya palabas ng gusali.  May humahabol na nurse sa kanya, siguro ay dahil alam nitong hindi pa siya bayad sa ospital ngunit narinig niya ang boses ng kausap niyang doctor kanina.

                “Let her go,” matigas ang tinig na sabi nito.

                Pumara siya ng taxi at nagpahatid sa bahay nila.  Walang tao nang dumating siya sa bahay.  Nagtataka siyang kahit ang mga maid ay wala duon.  Nang ipihit niya ang door knob ay bumukas ang pinto.  Nagmamadali siyang pumasok sa loob.

                Maya-maya ay narinig niya ang pagpasok ng isang sasakyan.  Napangiti siya.  Nasasabik na siyang makita ang kanyang asawa.  Sasalubungin sana niya ito ngunit laking gulat niya nang makitang hindi lang ito ang bumaba.  Kasama nito ang ex-girlfriend nitong si Britney at base sa expression ng mga mukha ng mga ito ay parang ang saya-saya ng dalawa.  Nagmamadali siyang nagtago sa likuran ng couch kung saan hindi siya mapapansin ng mga ito.

                “Hanggang kelan mo ba pinag-day off ang mga maids?” Dinig niyang tanong ni Britney.

                “Sabi ko mag-day off sila ng isang buwan since ipapa-remodel koi tong bahay.  Sanay naman na silang pinapapag-day off namin sila ng ganun katagal tuwing pinapabago namin ang design ng bahay dito kaya hindi na nila iyon pagtatakhan pa,” dinig naman niyang sabi ni Griff.

                “Napakagaling rin ng plano mo.  Kawawang Althea pero masaya na siguro siya kung nasaan man siya ngayon.  Sa impyerno man o sa langit!” Tumatawang sabi ni Britney.

                Natutop niya ang kanyang mga labi.  Hindi siya makapaniwala sa narinig.

                “Matagal ko ng gustong maitira ka sa bahay na ito, love,” dinig niyang sabi ni Griff, “God, kung alam mo lang ang lahat ng tiniis ko sa tuwing gigising sa umaga katabi ng mukhang unggoy na babaeng iyon!”

                Ang lakas ng tawa ni Britney, “I know.  Bumabaligtad siguro ang sikmura mo sa tuwing nakikita ang pangit na babaeng iyon!”

                “Oo.  At wala akong ibang nasa isip kundi ikaw,” nakita niyang hinila ni Griff ang bewang nito palapit sa katawan nito saka siniil ito ng halik sa mga labi.  Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha.  Pigil na pigil nga lamang ang ginagawa niyang pag-iyak.  “Wala na tayong dapat na alalahanin pa.  Nasa akin na ang kompanya.  Patay na si Althea.  By the time na may maghanap sa kanya, malamang nakain na iyon ng mga pating sa dagat.  Madali lang namang palabasing naglayas sya since may history naman siya ng ganung ugali maski na nuong dalaga pa siya!”

                Napakurap-kurap siya.  Hindi siya makapaniwalang maririnig niya mismo kay Griff ang gayong mga salita.

“T-TULUNGAN mo ako.  Pagandahin mo ako,” humahaglhol na sabi ni Althea nang balikan niya ang doctor na nag-alok ng tulong niya, “Gusto kong maging magandang-maganda.  Iyong tipong pagpapantasyahan ako ng lahat ng mga kalalakihan,” sabi niya sa pagitan ng paghikbi.  Galit na galit siya.  Wala siyang nasa isip ng mga sandaling iyon kundi ang maging magandang-maganda at ipamukha sa kanyang asawa ang kanyang bagong kagandahan.

                Gusto niyang pagsisihang lahat ni Griff ang ginawa nito sa kanya.  Ngunit higit sa lahat, gusto niyang ipamukha sa Britney na iyon kung sino ang kinalaban nito.

                “Tutulungan kita.  Gagawin kitang isa sa may pinakamagandang mukha sa buong mundo.  Ngunit sa isang komdisyon,” sabi ng lalaki sa kanya.

                “A-Anong kondisyon?” Tanong niya.  Pakiwari niya ay nakahanda siyang pumayag sa kahit na anong kondisyon ang hingin nito, maibigay lamang nito sa kanya ang pinakamimithi niya.  Ang masabi sa pagmumukha ni Griff na:  Hindi na ako ang babaeng pinaglaruan mo!

Kaugnay na kabanata

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 1

    “SIMULA NGAYON, Sophia na ang magiging pangalan mo!” sabi ni Rigor sa babae, napangiti siya nang hindi ito makapaniwala sa bagong anyo na ibinigay niya habang tinititigan nito ang mukha sa salamin Sino ang mag-aakalang isang retokada ang babaeng kaharap niya ngayon? Totoo nga ang sabi ng lahat ng kanyang mga nagging pasyente, isa siya sa pinakamagaling na plastic surgeon hindi lamang ditto sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Hindi nga ba at kalimitan sa kanyang mga nagging clients ay mga foreigner? Minsan na rin siyang na-feature sa isang sikat na magazine sa Amerika bilang isa sa pinakabata at pinakamagaling na dalubhasang plastic surgeon. “Sophia?” tanong nitong inilapag sa mesa ang hawak na salamin at tumingin sa kanya, “Bakit kailangan ko pang palitan ang pangalan ko?” “Tanga ka ba? Ang alam ng asawa mo, patay ka na, di ba?” Napahinga ito ng malalim saka maya-maya ay narinig niyang kumulo ang tiyan nito. “I guess, kaila

    Huling Na-update : 2022-08-28
  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 2

    NAPATILI si Althea nang bumula ang buong sink. “What happened?” Humahangos na tanong ni Rigor. Nakita niya ang inis sa mukha nito nang makita ang ginawa niya, “Damn, parang gusto ko ng pagsisihang pumayag akong dumito ka sa bahay ko! Sa halip na makatulong, dinagdagan mo pa ang sakit ng ulo ko!” Yamot na sabi nito sa kanya saka kinuha ang hawak niyang dish washing liquid, “Simpleng bagay lang, di mo pa alam gawin? Kahit bata marunong maghugas ng pinggan!” “Pasensya na, sanay kasi akong may mga maids!” nakairap na sagot niya rito, “Bakit ba kasi pinapahirapan pa nating mga sarili natin? Kung gusto mo, ako na lang ang magpapasweldo sa maid kung nagkukuripot ka!” “Sa palagay mo kaya wala akong maid dahil nagtitipid ako?” Singhal nito sa kanya, “May mga bagay na hindi mo na kailangang iasa pa sa iba. Kaya ka naloloko ng kung sinu-sino dahil. . .” “Dahil ano? Dahil tanga ako?” Nagdadamdam na sabi niya, “Alam ko namang di

    Huling Na-update : 2022-08-28
  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 3

    “THIS IS SENATOR GOLEZ from Madrid. Sa Switzerland niya itatago ang lahat ng perang nakulimbat niya this year. Five hundred million euros. Gusto kong mahack mo ang accoout niya bago niya iyon maipasok sa kanyang Swiss account!” Anang ama niya habang kausap niya ito sa malaking monitor, “Darating sa email mo ang lahat ng information tungkol sa account nya sa Madrid. Ikaw na ang bahala!” Pagkasabi niyon ay nawala na sa screen ang ama. Maya-maya ay tumunog ang kanyang phone, hudyat ng notification na may email siyang dumating. Ipinasok niya ang password para mabuksan ang email nito. At dahil encrypted ang email na iyon ay kailangan muna niya iyong i-decode para maintindihan. Sa ganuong paraan ay naproprotektahan nila ang mensahe ng bawat isa. Hindi rin basta-basta madedetect ang pinanggalingan ng email. Maingat ang kanyang ama. Masyado nga itong low profile kaya walang mag-aakala na nasa underground business ito. Ni hindi nga niya makitaang bumili

    Huling Na-update : 2022-09-16
  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 4

    NANGATOG ang mga tuhod ni Althea nang pagkapasok na pagkapasok nila sa restaurant ay matanawan niya sa isang mesa si Griff kasama ang childhood sweetheart nitong si Britanny at napakasweet pa ng dalawa habang kumakain. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga kalamnan. Paano siyang napaniwala nuon ng lalaking ito? Minsan ba sa buhay nito ay totoong minahal siya nito? Or palabas lang ang lahat ng iyon? Gustong-gusto na niyang tumakbo sa harapan ng mga ito at pag-umpugin ang ulo ng mga ito ngunit alam niyang pagagalitan siya ni Rigor kapag hindi niya pinigilan ang bugso ng kanyang damdamin. “Give your best smile, as if proud na proud ka dahil kasama mo ako,” narinig niyang bulong ni Rigor sa kanya, “And why not? Dapat ka talagang maging proud, imagine, kasama mo ang pinakaguwapong lalaki ngayong gabi,” dagdag pa nito sa kanya. Bahagya lamang niya itong inirapan saka pilit na pilit na ngumiti. Totoo naman ang sinabi nito. Isa si Rigor sa pinakaguwa

    Huling Na-update : 2022-09-23
  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 5

    “I can’t believe it, I was so gullible. He made me feel special, he made me feel beautiful and loved,” umiiyak na tinungga ni Althea ang whisky na nasa baso, “ I was so stupid, pinaniwala nya akong mahal nya talaga ako, iyon pala pera lang ang habol nya sakin. . .” tiningnan niya si Rigor, “Para akong nasa glider, iyong biglang taas tas biglang babagsak. Ang sakit-sakit. Ang sakit isiping di naman niya ako minahal kahit na kailan. Ang sakit na pinag-isipan niya akong patayin para lang masolo nya iyong kayamanan ko,” kinuha niya ang tissue na iniabot sa kanya ni Rigor at suminga ng ubod lakas na para bang duon niya gustong ilabas ang lahat ng sakit ng kaloobang nararamdaman niya ng mga sandalling iyon. Pakiradam niya ay dinudurog ang dibdib niya, ni hindi niya malasahan ang pait ng whisky dahil sa pait ng nararamdaman sa puso niya. Papaano siyang napaniwala ni Griff sa ganuong kasinungalngan? “Pero alam mo kung anoa ng mas masakit, ha

    Huling Na-update : 2022-10-11
  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 6

    Ang lakas ng ungol ni Athea nang lamasin niya ang mga suso nito, “Ohhh. . .” nakapikit na daing nito na mas lalong nakakapagpagana sa kanya kung kaya’ t nagmamadali niyang kinalas ang butunes sa suot nitong blusa. “Griff. . .you’re so good. . .” Narinig niyang banggit nito na nakapagpabalik sa kanyang huwisyo. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang pangalan ng asawa nito kung kaya’ t nagmamadali siyang bumangon at lumabas ng kuwarto nito. Napahinga siya nang malalim pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng kanyang kuwarto. Shit! Napasabunot siya sa kanyang ulo. This is insane. Bakit niya hinahayaang matangay siya ng kanyang kamunduhan? Pabagsak na nahiga siya sa kama habang tila wala sa sariling nakatingin sa kisame. That was so close. Muli siyang bumangon at nagtungo sa kanyang mini gym para pagurin ang kanyang sarili sa pagtakbo sa treadmill nang sa gayon ay hindi siya makaisip ng kung anu-anong mga bagay.

    Huling Na-update : 2022-10-11
  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 7

    HUMIHINGAL na tumakbo sa loob ng kanyang kuwarto si Althea at siniguradong naka-lock ang pinto niyon. God, hindi niya inaasahang makikita niya ang buong pagkalalaki ni Rigor. Tinuktukan niya ang sarili. Kung bakit ba naman kasi basta-basta na lamang siya pumapasok sa kwarto nito nang di man lamang kumakatok. Para siyang nag-iinit na ewan kaya binuksan niya ang aircon ng kanyang kuwarto at tulalang nahiga. Hindi ganuon kalaki ang pag-aari ni Griff. Di siya makapaniwalang tugmang-tugma sa built nito ang sandatang iyon ng lalaki. Sabi kasi ng mga kaibigan niya, kapag malaki ang katawan, di kalakihan ang ari kaya nga di na siya nag-expect ng anuman kay Griff dahil malaki ang mga muscles nito. Pero iba sa case ni Rigor. Kahit masukulado ito, may malaki pa rin itong hinaharap. Pinapapawisan tuloy siya kahit na tinodo na niya ang aircon. Pervert, aniya sa sarili habang napapailing-iling. Maya-maya ay dinig niyang kumakatok ito ng kanyang kwarto. Kini

    Huling Na-update : 2022-10-11
  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 8

    “I NEED SOME MONEY, kailangan kong mamili ng mga gamit. Pwede bang pahiramin mo muna ako ng pera?” sabi ni Althea kay Rigor matapos makapaligo at makapagbihis ng simpleng white shirt at shorts, “You see, paulit uit na lang itong mga sinusuot ko.” “I’ll go with you. Hindi ko type ang mga sinusuot mo.” Sabi ni Rigor sa kanya, “Let me choose what you should wear.” “Pati ba naman pagpili ng mga damit ko, gusto mong ikaw rin ang masunod? Gusto ko lang ipaalala saiyo na ako pa rin si Althea. Binago mo lang ang mukha ko pero hindi ang buong pagkatao ko kaya sana iyong mga ganyang bagay, hayaan mong ako ang magdesisyon, pwede?” Iritadong sabi niya rito, “You’re such a controlling freak!” reklamo pa niya rito. Simula kasi nang baguhin nito ang mukha niya, pakiramdam niya ay minamanduhan na nito ang buong buhay niya. Na para bang wala na siyang sariling pag-iisip, lahat di susi na lamang. “Nakalimutan mo na ba ang mga kondisyon?” Tanong nito

    Huling Na-update : 2022-10-12

Pinakabagong kabanata

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 9

    "HEY Alejandro, nanaginip ka na naman ba ng gising? Mukhang malayo na naman ang lipad ng isip mo," saka lamang parang biglang natauhan si Alejanadro, tumabi sa kanya si Tamara, "Don't tell me binabalikan mo na naman lahat ng mga nakaraan natin?"Hinagod niya ang likuran nito, "Hindi lang ako makapaniwalang sa dami ng pinagdaanan natin, tayo rin sa huli," sagot niya sa babaeng ngayon ay asawa na niya. "Parang sa pelikula lang ang mga pinagdaanan natin. Kagaya rin ng mga pinagdaanan nina Rigor at Althea.""Ni Genis at Amanda," dagdag nito."Ni Sabina at Jeffrey," aniya."Bah, oo nga ano. Ang hirap palang mainlab sa isang Mafia. Kung hindi matibay ang loob mo, susuko kang talaga. Mabuti na lang hindi kita sinukuan, mahal na mahal kasi kita.""Mahirap magmahal ng isang Mafia pero tingnan mo naman kung gaano kami ka-loyal sa mga minamahal namin," pagmamalaki niya rito, "Kahit ang daming babaeng lumalapit sa amin, very faithful kami kung magmahal. One woman man.""Talaga ba?" dudang tano

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 8

    KANINA pa paikot-ikot sa roof top si Tamara. Nalinis na niya ang lahat ng maari niyang malinis. Bored na bored na siya dahil mag-iisang lingo na siyang hindi umaalis duon. Hindi naman siya basta-basta nakakalabas ng bahay dahil natatakot siyang may makakitang mga tauhan ni Alejandro sa kanya. Ingat na ingat nga siyang makagawa ng ingay man lang. But damn, gustong-gusto na niyang sumigaw at gawin ang mga bagay na nakasanayan na niyang gawin sa loob ng hacienda. Natutukso na siyang bumaba. Bumuga siya ng malalim na hininga habang titig na titig sa hagdan. Hindi niya namamalayang unti-unti na pala siyang humahakbang paibaba. Ang unang palapag mula sa roof top ay ang dating library ng ama. Napakagat labi siya. Nagpalinga-linga muna siya bago pihitin ang door knob. Nagulat siya nang malamang na-convert na pala ni Alejandro ang library ng kanyang ama sa isang magarang kuwarto. Na-curious siya kaya isa-isa niyang binuksan ang mga cabinets duon. N

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 7

    “THANK YOU YA,” nakangiting sabi ni Tamara matapos maubos ang isang mangkok ng champorado na dinala sa kanya ni Yaya Magda for breakfast. May kasama pa iyong sandwich na meryenda raw niya mamaya para di na ito mag-akyat manaog sa roof top. “Hindi pa ba umuuwi ang amo mo?” ayaw niyang ipahalata ang pag-aalala sa boses, “Three days na ah, san ba iyon naglalagi?” “Hindi ko rin alam,” kibit balikat na sagot nito, “Baka sa nobya,” kaswal na sabi pa nito sa kanya. Parang sinundot ng karayom ang puso niya nang maisip ang sinabi ng matanda. Pero kunwa’y balewala lamang ang narinig, “It’s about time na mag-asawa na sya. Matanda sya ng five years sakin, right? So he’s already thirthy years old. Seven years, two months and five days since nagkahiwalay kami at Imposible namang. . .” “Bilang na bilang mo ang araw na nagkahiwalay kayo, ha?” Tudyo ng matanda sa kanya. “Yaya,” naiinis na sabi niya, nahihiya siyang mabisto nito na bawat pagsikat at

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 6

    BAKIT kung magsalita si Alejandro ay parang siya pa ang may malaking kasalanan? Panay ang patak ng kanyang mga luha habang naglalakad palayo. Hindi niya alam kung anong nangyari, kung bakit naging ganun na lang bigla ito sa kanya. Gusto pang baliktarin ang mga pangyayari? Alam ba nito kung anong hirap ang pinagdaanan niya nang pilitin siya ng Papa niya na magpakasal sa lalaking never naman niyang minahal at kahit na kailan ay hindi niya natutunang mahalin? Alam ba nito kung gaano kasakit sa kanya ang pakiramdam na parang nag-iisa lang siya at walang kakampi? Maski nga si Olga na inaakala niyang kaibigan niya, tinalikuran siya sa panahon na kailangang-kailangan niya ng karamay. Wala rin itong pinagkaiba kay Alejandro. Kaya nuong araw ng kasal niya, parang gusto na niyang mamatay. Kung hindi lang talaga siya natatakot, baka nagbigti na siya ng araw na iyon. Kung iyong ibang babae ay masayang-masaya sa araw ng kanyang kasal, siya nama

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 5

    “A-ALAGAAN MO sana ang hacienda.” Parang maiiyak na sabi ni Tamara sa kanya nang iabot nito ang mga susi ng bahay, “I-ikaw ng bahalang magpalit ng mga lock k-kung gusto mong palitan ang susi ng bahay,” ramdam niya ang lungkot sa boses nito. Pinipigilan lamang niya ang kanyang sarili pero ang totoo, gustong-gusto na niya itong ikulong sa kanyang mga bisig. Ang daming tanong na naglalaro sa kanyang isipan. Ang dami niyang masasakit na gustong sabihin dito ngunit ngayon ay tila nakakalimutan niya ang lahat ng iyon habang nakatingin dito. Pero sa tuwing naiisip ang lahat ng ginawa nito sa kanya ay parang gusto niyang magwala sa galit. Lalo na kapag naalala niya ang katarantaduhang ginawa sa kanya ng ama nito. “G-goodbye. B-bukas na ang flight ko patungong Amerika. Kung di nga lang dahil k-kay Gerry, baka nuon pa ko bumalik ng Amerika.” Napatiim ang kanyang mga bagang nang marinig ang pangalan ng asawa nito. Ang lakas naman ng loob nito

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 4

    SUMISIKIP ang dibdib ni Alejandro kung kaya’t kinalas niya ang ilang butones sa suot niyang polo shirt. Habang tumatakbo ang sinasakyan niyang kotse ay tumatakbo rin ang isipan niya sa nakaraang pitong taon. Parang gustong magbalik ang lahat ng mga masasakit na pinagdaanan niya nuong gabing dinukot siya ng mga tauhan ni Chief Inspector Milo Calatrava. Napatiim ang kanyang mga bagang. Hinding-hindi niya makakalimutan ang lahat. “San natin dadalhin ang putang inang ito, tutuluyan na ba natin ‘to?” Narinig niyang tanong ng tauhan ni Milo sa mga kasamahan nito. “Dadalhin sya sa bilibid sa Muntinlupa. Dun na raw yan yayariin para di tayo sumabit,” sagot naman ng isa, “Gaya ng ginagawa natin sa mga kalaban nila bossing sa mga negosyo,” makahulugan pang sabi nito. Gustong-gusto niyang lumaban ngunit umiikot na ang kanyang paningin at halos wala na siyang makita sa sobrang pagod at sakit ng buong katawan na nararamdaman. Baka mas manganib l

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 3

    “A-ALEJANDRO?” May panic siyang naramdaman nang makita ang lalaki lalo pa at hindi niya inaasahang makikita niya ito sa ganitong pagkakataon. Gusto nga niyang murahin ang kanyang sarili dahil sa loob ng mahabang panahon, sa kabila ng ginawa nito sa kanya ay buhay na buhay pa rin ang damdamin niya para dito. At ewan kung totoong nakita niya sa mga mata nito or nag-iilusyon lamang siya, ang piping pananabik nang tingnan siya nito. Pero marahil ay nag-iilusyon nga lamang siya dahil saglit na saglit lang siya nitong tiningnan pagkatapos ay parang umiiwas na itong magtama man lamang ang kanilang mga paningin. Habang siya ay ang daming tanong ang naglalaro sa kanyang isipan habang hindi pa rin makapaniwala na nasa kanyang haraparan ngayon ang lalaking kay tagal niyang pinanabikang muling makita. “Miss Tamara Fierro, si Mr. Alejandro Manigbas po ang bagong may ari ng Hacienda Fierro,” dinig niyang sabi ng abogado ng bangko na si Atty. Mendez.

  • The Mafia's Dispensable Woman   CHAPTER 2

    NAPAPAIYAK si Tamara habang binabasa ang dumating na sulat ng bangko sa kanya. Ipinapaalala nito na mareremata na ang Hacienda Fierro ng bangko. Saan siya kukuha ng two hundred fifty million pesos para ipamtubos sa kanilang hacienda? Simula nang mamatay ang kanyang Papa at makulong ang kanyang asawa ay hindi na niya alam kung papaano babayaran ang nagkapatong-patong na mga utang ng mga ito. Ni hindi nga niya alam na matagal na palang nakasanla sa bangko ang hacienda. Saan namang kamay ng Diyos niya kukunin ang ganuon kalaking pera? Ni wala nga siyang matinong trabaho ngayon. Tuluyan na siyang napaiyak. Ngayon niya pinagsisihang hindi niya pinagbuti ang kanyang pag-aaral, di sana’y may fall back siya ngayon. Akala kasi niya’y wala ng katapusan ang pera ng pamilya kung kaya’t naging bulagsak rin naman siya. Party dito, party duon. Nuong ipadala siya sa Amerika ng Papa niya, sa halip na mag-aral siyang mabuti ay kung anu-anong kagagahan lang naman duon ang pinagagawa

  • The Mafia's Dispensable Woman   SPECIAL CHAPTER 1

    “TAMARA FIERRO!!!” Narinig ni Tamara na tawag ng ama mula sa malawak na bakuran ng Hacienda Fierro. Nabitiwan tuloy niya ang kinakaing hinog na mangga na ipinakuha niya sa isa sa kanilang trabahante sa hacienda. Alam niyang kapag tinatawag siya sa buong pangalan ng ama, pihadong mainit na naman ang ulo nito. Napalingon sa kanya si Alejandro, bakas ang pag-aalala sa mukha nito habang nakatingin sa kanya. “Hinahanap ka na ng Papa mo, Mara,” sabi ng kanyang Yaya Magda na kasama niyang nanginginain ng hinog na mangga. Dinig nila ang malakas na dagundong ng kabayo nito papasok sa bakuran ng hacienda. Napaismid siya. “Hindi naman tayo umaalis dito, nasa loob lang naman tayo ng bakuran, akala mo naman mawawala ako,” inis na sabi niya habang waring nagpapalitan sila ng makahulugang mga tingin ni Alejandro. Ang kanilang lupain ay nasa 60 hectares at iba’-ibang uri ng mga namumungang puno ang naroroon. Mayroon din silang malawak na poultr

DMCA.com Protection Status