“SIMULA NGAYON, Sophia na ang magiging pangalan mo!” sabi ni Rigor sa babae, napangiti siya nang hindi ito makapaniwala sa bagong anyo na ibinigay niya habang tinititigan nito ang mukha sa salamin Sino ang mag-aakalang isang retokada ang babaeng kaharap niya ngayon? Totoo nga ang sabi ng lahat ng kanyang mga nagging pasyente, isa siya sa pinakamagaling na plastic surgeon hindi lamang ditto sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Hindi nga ba at kalimitan sa kanyang mga nagging clients ay mga foreigner? Minsan na rin siyang na-feature sa isang sikat na magazine sa Amerika bilang isa sa pinakabata at pinakamagaling na dalubhasang plastic surgeon.
“Sophia?” tanong nitong inilapag sa mesa ang hawak na salamin at tumingin sa kanya, “Bakit kailangan ko pang palitan ang pangalan ko?”
“Tanga ka ba? Ang alam ng asawa mo, patay ka na, di ba?”
Napahinga ito ng malalim saka maya-maya ay narinig niyang kumulo ang tiyan nito. “I guess, kailangan mo na kong pakainin, nagugutom na ko,” nakangiting sabi nito sa kanya, “Gusto ko ng masarap na masarap na pancit bihon, fried chicken, fried rice, relyenong bangus, adobo. . .”
“Ikaw lang ang nakilala kong muntikan nang mapatay, ang takaw-takaw pa rin as if balewala lang saiyo ang lahat ng pinagdaanan mo!” Sabi niya rito.
“Matakaw talaga ako kapag na-estress ako,” nakangusong sabi nito sa kanya saka iginala ang mga mata sa kanyang condo unit, “Mukha namang afford mong kumuha ng maid, bakit nagtitiyaga kang tumira dito sa unit mong mag-isa?” Usisa pa nito sa kanya.
“Dahil ayokong may nakikialam sa mga gamit ko. Besides, kaya ko naman. Sa Amerika ako nag-aral kaya natuto akong wag umasa sa iba.” Sagot niya rito.
“Kaya pala ang sarap-sarap mong magluto,” anitong muling napaisip, “Kung magpapanggap akong asawa mo at ditto ako titira kasama mo, kailangan ko ng maid. Wala akong alam sa gawaing bahay at. . .”
“Baka nakalimutan mo na ang isa sa mga kondisyon ko na pinirmahan mo nuon?” Paalala niya rito. “Isa sa mga kondisyon ko na lahat ng sasabihin ko, susundin mo, hindi ba? At lahat ng ituturo ko saiyo, gagawin mo. Isa sa ituturo ko saiyo ay kung paano magluto!”
Napamaang ito sa kanya.
Napangisi siya. Kinuha niya ang bawang at sibuyas, “Panuorin mo kong maghiwa nito,” aniyang pinakitaan ito ng sample kung pano ang tamang paghihiwa ng sibuyas at bawang saka iniabot ang natirang mga bawang at sibuyas sa babae, “Oh, ikaw naman,” aniya ditto.
Parang natatakot na sinubukan nitong hiwain ang mga iyon. Rumolyo ang mga mata niya nang makitang ni hindi ito marunong humawak ng kutsilyo.
“Kaya naman pala ipinagpalit ka sa iba ng asawa mo eh.”
“Dahil lang hindi ako marunong magluto, ipagpapalit na niya ko sa ibang babae?” Nagdadamdam na tanong nito sa kanya. Nakita niya ang sumuong na mga luha sa mga mata nito.
“I’m sorry,” halos paanas lang na sabi niya rito saka inagaw na ditto ang hawak nitong kutsilyo, “Baka bukas pa tayo makakain kung hihintayin pa kitang matutong maghiwa ng mga ito,” nakaismid na sabi niya rito.
“WALA KA YATANG HINDI KAYANG GAWIN,” Ganadong-ganadong sabi ni Althea habang nilalantakan ang mga pagkaing niluto ni Rigor, “Eto na yata ang pinakamasarap na pancit na natikman ko,” muntik pa siyang mabulunan dahil punong-puno ang bibig niya habang nagsasalita. Dali-dali siyang uminom ng tubig. Ang lakas pa ng dighay niya pagkatapos.
Naiiling na napatingin sa kanya si Rigor, “Pwede bang pag-aralaan mong kumain ng maayos? Bakit ka ba nagmamadali? Saka san mo ba nilalagay iyang kinakain mo?” Hindi makapaniwalang sabi nito sa kanya.
“Sagana kasi ako sa exercise. Alam ko naman kasing di ako maganda kaya dinadaan ko na lang sa porma ng katawan ko. Kaya siguro mabilis ang metabolism ko,” nakangiting kwento niya rito.
“Kapag me kaharap kang ibang tao, hindi ka pwedeng ganyang kumilos. Ibagay mo na sa ganda ng mukha mo ‘yang kilos mo, okay?” Babala nito sa kanya.
Tumango na lamang siya saka muli itong tiningnan. Napakaguwapo nito. Kung guwapo na ang kanyang asawa ay di hamak namang mas guwapo ito ng ilang beses kay Griff. Mistula itong hinulma sa isang greek god.
Kaya nakapagtatakang single pa ang isang ganito kaguwapong lalaki. Not unless, lalaki rin ang type nito.
“H-Hindi ba magseselos ang girlfriend mo kung ditto ako titirang kasama mo?” Pasimpleng tanong niya rito.
Biglang sumeryuso ang mukha nito. Pakiramdam niya ay may nasaling siyang kung ano sa damdamin nito na ayaw nitong pag-usapan nila.
Nagmamadali na itong tumayo at tila nawalan na ng ganang ituloy pa ang pagkain.
“”Hey, na-offend ba kita? I’m sorry. . .”
Parang walang narinig na pumasok ito sa kuwarto nito. Napakibit balikat na lamang siya saka itunuloy na muli ang pagkain. Matapos kumain ay inilagay lang niya sa sink ang kanilang mga pinagkainan saka nagtungo na sa kuwartong itinalaga sa kanya ni Rigor para magamit niya.
Naghubad siya ng mga damit at binuksan ang shower saka itinapat duon ang kanyang sarili. Napalingon siya sa malaking salamin sa kanyang likuran. Hindi siya makapaniwala habang tinititigan ang kanyang reflection sa salamin. Kung nuon ay hipon ang tawag sa kanya ng mga kaibigan niya dahil maganda lang daw ang kanyang katawan pero pangit naman ang mukha niya, ngayon ay masasabing perfect na ang kanyang buong pagkatao. Magandang mukha at magandang katawan. Muli ay naalala niya si Griff at si Britney.
Paiibigin niya ang kanyang dating asawa. At sisiguraduhin niyang pagbabayaran ng mga ito ang lahat ng kasalanang ginawa ng mga ito sa kanya. Babawiin rin niya ang lahat ng kayamanang iniwan sa kanya ng kanyang mga magulang. Hindi maaring makinabang si Griff sa mga iyon. Wala itong karapatan. Walang karapatan ang mga demonyong gaya ni Griff at ni Bitney na maging masaya.
Napapikit siya nang muling maalala ang dalawa habang masayang nag-se-celebrate sa pagkawala niya. Lintek lang talaga ang walang ganti. Maya-maya ay nagitla pa siya nang marinig ang malakas na sigaw ni Rigor sa labas ng kanyang kuwarto.
Mukhang galit na galit ang boses nito.
Nagmamadali na siyang nagbanlaw. Napasigaw pa siya nang paglabas ng banyo ay Makita ito sa loob ng kuwarto. Ang iksi lang ng tuwalyang nakatapis sa katawan niya. Lampas lang iyon ng kaunti sa kanyang puwitan. Nag-init tuloy ang mukha niya lalo na nang makitang bahagya itong natigilan nang Makita ang ayos niya. Napakapit tuloy siya ng mahigpit sa tuwalyang nakatakip sa maselang bahagi ng kanyang katawan para tiyaking secure ang pagkakatapis niya duon. Nagpapanting ang mga tengang hinarap tiningnan niya ito ng masama.
“Hindi ka ba makakapaghintay sa labas?” Yamot na sabi niya rito, “Hindi porket pamamahay mo ito ay basta-basta ka na lang papasok ditto sa kwarto ko? Baka nakakalimutan mong babae ang kasama mo ditto sa bahay?” Sita niya rito.
Wari namang nahimasmasan ito, muling nabalik sa pormal ang mukha nito,“Kung iniisip mong papatulan kita, nagkakamali ka!” Inis na sagot nito sa kanya, “Baka nakakalimutan mong alam ko ang itsura mo bago ka magkaron ng ganyan kagandang mukha!”
Nasaktan siya sa binitiwan nitong mga salita. Alam naman niyang pangit ang original niyang mukha pero kailangan pa ba nito iyong ipaglandakan sa kanya?
“And since nandito ka sa pamamahay ko, matuto kang rumespeto sa mga patakaran ko!” Pormal ang tinig na sabi nito sa kanya, “Matuto kang hugasan ang mga pinagkainan mo. Simpleng bagay lang, kailangan ko pa bang ipaalala iyon saiyo? Kung gusto mong patuluyin kita ditto, dapat alam mong kalat mo, ligpit mo, malinaw ba?” Pagkasabi niyon ay nagmamadali na itong lumapit sa may pintuan saka muling lumingon nang may maalala pang sabihin, “And please, lock your door kung ayaw mong may pumapasok basta-basta ditto sa kwarto mo!” Mabilis na itong lumabas, parang dumagundong sa buong bahay ang alingawngaw ng pinto sa lakas ng pagkakabig nito.
NATATARANTANG BUMALIK sa kanyang kuwarto si Rigor. Kaninang makita niya si Althea ay pansamantalang nakalimutan niyang si Althea ang kaharap niya. Napakurap-kurap siya. Bakit nga ba niya pinakinggan ang kahilingan ni Sophia? Mukhang nagkamali siyang basta na lamang niya sinunod ang sinabi ng dalaga.
“Rigor, just in case hindi ako maka-survive, pwede bang humanap ka ng babaeng papayag na maging replicate ko para kahit wala na ako, hindi mo pa rin makalimutan ang mga alaala ko?” Iyon ang hiling nito sa kanya habang naghihingalo ito nuon.
Muli siyang napaiyak.”Sophia. . .” halos paanas lamang na banggit niya sa pangalan ng babae habang nakatingin sa larawan nitong nakapatong sa ibabaw ng kanyang mesa.
NAPATILI si Althea nang bumula ang buong sink. “What happened?” Humahangos na tanong ni Rigor. Nakita niya ang inis sa mukha nito nang makita ang ginawa niya, “Damn, parang gusto ko ng pagsisihang pumayag akong dumito ka sa bahay ko! Sa halip na makatulong, dinagdagan mo pa ang sakit ng ulo ko!” Yamot na sabi nito sa kanya saka kinuha ang hawak niyang dish washing liquid, “Simpleng bagay lang, di mo pa alam gawin? Kahit bata marunong maghugas ng pinggan!” “Pasensya na, sanay kasi akong may mga maids!” nakairap na sagot niya rito, “Bakit ba kasi pinapahirapan pa nating mga sarili natin? Kung gusto mo, ako na lang ang magpapasweldo sa maid kung nagkukuripot ka!” “Sa palagay mo kaya wala akong maid dahil nagtitipid ako?” Singhal nito sa kanya, “May mga bagay na hindi mo na kailangang iasa pa sa iba. Kaya ka naloloko ng kung sinu-sino dahil. . .” “Dahil ano? Dahil tanga ako?” Nagdadamdam na sabi niya, “Alam ko namang di
“THIS IS SENATOR GOLEZ from Madrid. Sa Switzerland niya itatago ang lahat ng perang nakulimbat niya this year. Five hundred million euros. Gusto kong mahack mo ang accoout niya bago niya iyon maipasok sa kanyang Swiss account!” Anang ama niya habang kausap niya ito sa malaking monitor, “Darating sa email mo ang lahat ng information tungkol sa account nya sa Madrid. Ikaw na ang bahala!” Pagkasabi niyon ay nawala na sa screen ang ama. Maya-maya ay tumunog ang kanyang phone, hudyat ng notification na may email siyang dumating. Ipinasok niya ang password para mabuksan ang email nito. At dahil encrypted ang email na iyon ay kailangan muna niya iyong i-decode para maintindihan. Sa ganuong paraan ay naproprotektahan nila ang mensahe ng bawat isa. Hindi rin basta-basta madedetect ang pinanggalingan ng email. Maingat ang kanyang ama. Masyado nga itong low profile kaya walang mag-aakala na nasa underground business ito. Ni hindi nga niya makitaang bumili
NANGATOG ang mga tuhod ni Althea nang pagkapasok na pagkapasok nila sa restaurant ay matanawan niya sa isang mesa si Griff kasama ang childhood sweetheart nitong si Britanny at napakasweet pa ng dalawa habang kumakain. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga kalamnan. Paano siyang napaniwala nuon ng lalaking ito? Minsan ba sa buhay nito ay totoong minahal siya nito? Or palabas lang ang lahat ng iyon? Gustong-gusto na niyang tumakbo sa harapan ng mga ito at pag-umpugin ang ulo ng mga ito ngunit alam niyang pagagalitan siya ni Rigor kapag hindi niya pinigilan ang bugso ng kanyang damdamin. “Give your best smile, as if proud na proud ka dahil kasama mo ako,” narinig niyang bulong ni Rigor sa kanya, “And why not? Dapat ka talagang maging proud, imagine, kasama mo ang pinakaguwapong lalaki ngayong gabi,” dagdag pa nito sa kanya. Bahagya lamang niya itong inirapan saka pilit na pilit na ngumiti. Totoo naman ang sinabi nito. Isa si Rigor sa pinakaguwa
“I can’t believe it, I was so gullible. He made me feel special, he made me feel beautiful and loved,” umiiyak na tinungga ni Althea ang whisky na nasa baso, “ I was so stupid, pinaniwala nya akong mahal nya talaga ako, iyon pala pera lang ang habol nya sakin. . .” tiningnan niya si Rigor, “Para akong nasa glider, iyong biglang taas tas biglang babagsak. Ang sakit-sakit. Ang sakit isiping di naman niya ako minahal kahit na kailan. Ang sakit na pinag-isipan niya akong patayin para lang masolo nya iyong kayamanan ko,” kinuha niya ang tissue na iniabot sa kanya ni Rigor at suminga ng ubod lakas na para bang duon niya gustong ilabas ang lahat ng sakit ng kaloobang nararamdaman niya ng mga sandalling iyon. Pakiradam niya ay dinudurog ang dibdib niya, ni hindi niya malasahan ang pait ng whisky dahil sa pait ng nararamdaman sa puso niya. Papaano siyang napaniwala ni Griff sa ganuong kasinungalngan? “Pero alam mo kung anoa ng mas masakit, ha
Ang lakas ng ungol ni Athea nang lamasin niya ang mga suso nito, “Ohhh. . .” nakapikit na daing nito na mas lalong nakakapagpagana sa kanya kung kaya’ t nagmamadali niyang kinalas ang butunes sa suot nitong blusa. “Griff. . .you’re so good. . .” Narinig niyang banggit nito na nakapagpabalik sa kanyang huwisyo. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang pangalan ng asawa nito kung kaya’ t nagmamadali siyang bumangon at lumabas ng kuwarto nito. Napahinga siya nang malalim pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng kanyang kuwarto. Shit! Napasabunot siya sa kanyang ulo. This is insane. Bakit niya hinahayaang matangay siya ng kanyang kamunduhan? Pabagsak na nahiga siya sa kama habang tila wala sa sariling nakatingin sa kisame. That was so close. Muli siyang bumangon at nagtungo sa kanyang mini gym para pagurin ang kanyang sarili sa pagtakbo sa treadmill nang sa gayon ay hindi siya makaisip ng kung anu-anong mga bagay.
HUMIHINGAL na tumakbo sa loob ng kanyang kuwarto si Althea at siniguradong naka-lock ang pinto niyon. God, hindi niya inaasahang makikita niya ang buong pagkalalaki ni Rigor. Tinuktukan niya ang sarili. Kung bakit ba naman kasi basta-basta na lamang siya pumapasok sa kwarto nito nang di man lamang kumakatok. Para siyang nag-iinit na ewan kaya binuksan niya ang aircon ng kanyang kuwarto at tulalang nahiga. Hindi ganuon kalaki ang pag-aari ni Griff. Di siya makapaniwalang tugmang-tugma sa built nito ang sandatang iyon ng lalaki. Sabi kasi ng mga kaibigan niya, kapag malaki ang katawan, di kalakihan ang ari kaya nga di na siya nag-expect ng anuman kay Griff dahil malaki ang mga muscles nito. Pero iba sa case ni Rigor. Kahit masukulado ito, may malaki pa rin itong hinaharap. Pinapapawisan tuloy siya kahit na tinodo na niya ang aircon. Pervert, aniya sa sarili habang napapailing-iling. Maya-maya ay dinig niyang kumakatok ito ng kanyang kwarto. Kini
“I NEED SOME MONEY, kailangan kong mamili ng mga gamit. Pwede bang pahiramin mo muna ako ng pera?” sabi ni Althea kay Rigor matapos makapaligo at makapagbihis ng simpleng white shirt at shorts, “You see, paulit uit na lang itong mga sinusuot ko.” “I’ll go with you. Hindi ko type ang mga sinusuot mo.” Sabi ni Rigor sa kanya, “Let me choose what you should wear.” “Pati ba naman pagpili ng mga damit ko, gusto mong ikaw rin ang masunod? Gusto ko lang ipaalala saiyo na ako pa rin si Althea. Binago mo lang ang mukha ko pero hindi ang buong pagkatao ko kaya sana iyong mga ganyang bagay, hayaan mong ako ang magdesisyon, pwede?” Iritadong sabi niya rito, “You’re such a controlling freak!” reklamo pa niya rito. Simula kasi nang baguhin nito ang mukha niya, pakiramdam niya ay minamanduhan na nito ang buong buhay niya. Na para bang wala na siyang sariling pag-iisip, lahat di susi na lamang. “Nakalimutan mo na ba ang mga kondisyon?” Tanong nito
“it’s none of your business,” sagot ni Rigor sa kanya. Napaangat ang isang kilay ni Althea, “”It’s none of my business? Ah talaga? Napagkamalan akong si Sophia ng kaibigan mo pagkatapos sasabihin mo saking it’s none of my business?” Iritadong sagot niya rito. Ngunit sa halip na sumagot ay kaagad na nitong binayaran ang bill saka nagmamadali nang tumayo. Naiinis na sinundan niya ito. “Deserve kong malaman kung sino ang nasa likod ng mukhang ito!” Demand nya rito. “Sophia is my wife! Namatay siya sa cancer three years ago!” Sigaw nito sa kanya. Natigilan siya sa sinabing iyon ni Rigor. Sa asawa nito hinulma ang mukha niyang ito? Hindi makapaniwalang napakurap-kurap siya. “So iniisip mong mabubuhay moa ng asawa mo sa katauhan ko, ganun ba?” Halos paanas lamang na tanong niya rito. “Are you nuts? Sa palagay mo mabubuhay ko sya sa katauhan mo? Stop dreaming Althea! Ni wala ka sa kalin
"HEY Alejandro, nanaginip ka na naman ba ng gising? Mukhang malayo na naman ang lipad ng isip mo," saka lamang parang biglang natauhan si Alejanadro, tumabi sa kanya si Tamara, "Don't tell me binabalikan mo na naman lahat ng mga nakaraan natin?"Hinagod niya ang likuran nito, "Hindi lang ako makapaniwalang sa dami ng pinagdaanan natin, tayo rin sa huli," sagot niya sa babaeng ngayon ay asawa na niya. "Parang sa pelikula lang ang mga pinagdaanan natin. Kagaya rin ng mga pinagdaanan nina Rigor at Althea.""Ni Genis at Amanda," dagdag nito."Ni Sabina at Jeffrey," aniya."Bah, oo nga ano. Ang hirap palang mainlab sa isang Mafia. Kung hindi matibay ang loob mo, susuko kang talaga. Mabuti na lang hindi kita sinukuan, mahal na mahal kasi kita.""Mahirap magmahal ng isang Mafia pero tingnan mo naman kung gaano kami ka-loyal sa mga minamahal namin," pagmamalaki niya rito, "Kahit ang daming babaeng lumalapit sa amin, very faithful kami kung magmahal. One woman man.""Talaga ba?" dudang tano
KANINA pa paikot-ikot sa roof top si Tamara. Nalinis na niya ang lahat ng maari niyang malinis. Bored na bored na siya dahil mag-iisang lingo na siyang hindi umaalis duon. Hindi naman siya basta-basta nakakalabas ng bahay dahil natatakot siyang may makakitang mga tauhan ni Alejandro sa kanya. Ingat na ingat nga siyang makagawa ng ingay man lang. But damn, gustong-gusto na niyang sumigaw at gawin ang mga bagay na nakasanayan na niyang gawin sa loob ng hacienda. Natutukso na siyang bumaba. Bumuga siya ng malalim na hininga habang titig na titig sa hagdan. Hindi niya namamalayang unti-unti na pala siyang humahakbang paibaba. Ang unang palapag mula sa roof top ay ang dating library ng ama. Napakagat labi siya. Nagpalinga-linga muna siya bago pihitin ang door knob. Nagulat siya nang malamang na-convert na pala ni Alejandro ang library ng kanyang ama sa isang magarang kuwarto. Na-curious siya kaya isa-isa niyang binuksan ang mga cabinets duon. N
“THANK YOU YA,” nakangiting sabi ni Tamara matapos maubos ang isang mangkok ng champorado na dinala sa kanya ni Yaya Magda for breakfast. May kasama pa iyong sandwich na meryenda raw niya mamaya para di na ito mag-akyat manaog sa roof top. “Hindi pa ba umuuwi ang amo mo?” ayaw niyang ipahalata ang pag-aalala sa boses, “Three days na ah, san ba iyon naglalagi?” “Hindi ko rin alam,” kibit balikat na sagot nito, “Baka sa nobya,” kaswal na sabi pa nito sa kanya. Parang sinundot ng karayom ang puso niya nang maisip ang sinabi ng matanda. Pero kunwa’y balewala lamang ang narinig, “It’s about time na mag-asawa na sya. Matanda sya ng five years sakin, right? So he’s already thirthy years old. Seven years, two months and five days since nagkahiwalay kami at Imposible namang. . .” “Bilang na bilang mo ang araw na nagkahiwalay kayo, ha?” Tudyo ng matanda sa kanya. “Yaya,” naiinis na sabi niya, nahihiya siyang mabisto nito na bawat pagsikat at
BAKIT kung magsalita si Alejandro ay parang siya pa ang may malaking kasalanan? Panay ang patak ng kanyang mga luha habang naglalakad palayo. Hindi niya alam kung anong nangyari, kung bakit naging ganun na lang bigla ito sa kanya. Gusto pang baliktarin ang mga pangyayari? Alam ba nito kung anong hirap ang pinagdaanan niya nang pilitin siya ng Papa niya na magpakasal sa lalaking never naman niyang minahal at kahit na kailan ay hindi niya natutunang mahalin? Alam ba nito kung gaano kasakit sa kanya ang pakiramdam na parang nag-iisa lang siya at walang kakampi? Maski nga si Olga na inaakala niyang kaibigan niya, tinalikuran siya sa panahon na kailangang-kailangan niya ng karamay. Wala rin itong pinagkaiba kay Alejandro. Kaya nuong araw ng kasal niya, parang gusto na niyang mamatay. Kung hindi lang talaga siya natatakot, baka nagbigti na siya ng araw na iyon. Kung iyong ibang babae ay masayang-masaya sa araw ng kanyang kasal, siya nama
“A-ALAGAAN MO sana ang hacienda.” Parang maiiyak na sabi ni Tamara sa kanya nang iabot nito ang mga susi ng bahay, “I-ikaw ng bahalang magpalit ng mga lock k-kung gusto mong palitan ang susi ng bahay,” ramdam niya ang lungkot sa boses nito. Pinipigilan lamang niya ang kanyang sarili pero ang totoo, gustong-gusto na niya itong ikulong sa kanyang mga bisig. Ang daming tanong na naglalaro sa kanyang isipan. Ang dami niyang masasakit na gustong sabihin dito ngunit ngayon ay tila nakakalimutan niya ang lahat ng iyon habang nakatingin dito. Pero sa tuwing naiisip ang lahat ng ginawa nito sa kanya ay parang gusto niyang magwala sa galit. Lalo na kapag naalala niya ang katarantaduhang ginawa sa kanya ng ama nito. “G-goodbye. B-bukas na ang flight ko patungong Amerika. Kung di nga lang dahil k-kay Gerry, baka nuon pa ko bumalik ng Amerika.” Napatiim ang kanyang mga bagang nang marinig ang pangalan ng asawa nito. Ang lakas naman ng loob nito
SUMISIKIP ang dibdib ni Alejandro kung kaya’t kinalas niya ang ilang butones sa suot niyang polo shirt. Habang tumatakbo ang sinasakyan niyang kotse ay tumatakbo rin ang isipan niya sa nakaraang pitong taon. Parang gustong magbalik ang lahat ng mga masasakit na pinagdaanan niya nuong gabing dinukot siya ng mga tauhan ni Chief Inspector Milo Calatrava. Napatiim ang kanyang mga bagang. Hinding-hindi niya makakalimutan ang lahat. “San natin dadalhin ang putang inang ito, tutuluyan na ba natin ‘to?” Narinig niyang tanong ng tauhan ni Milo sa mga kasamahan nito. “Dadalhin sya sa bilibid sa Muntinlupa. Dun na raw yan yayariin para di tayo sumabit,” sagot naman ng isa, “Gaya ng ginagawa natin sa mga kalaban nila bossing sa mga negosyo,” makahulugan pang sabi nito. Gustong-gusto niyang lumaban ngunit umiikot na ang kanyang paningin at halos wala na siyang makita sa sobrang pagod at sakit ng buong katawan na nararamdaman. Baka mas manganib l
“A-ALEJANDRO?” May panic siyang naramdaman nang makita ang lalaki lalo pa at hindi niya inaasahang makikita niya ito sa ganitong pagkakataon. Gusto nga niyang murahin ang kanyang sarili dahil sa loob ng mahabang panahon, sa kabila ng ginawa nito sa kanya ay buhay na buhay pa rin ang damdamin niya para dito. At ewan kung totoong nakita niya sa mga mata nito or nag-iilusyon lamang siya, ang piping pananabik nang tingnan siya nito. Pero marahil ay nag-iilusyon nga lamang siya dahil saglit na saglit lang siya nitong tiningnan pagkatapos ay parang umiiwas na itong magtama man lamang ang kanilang mga paningin. Habang siya ay ang daming tanong ang naglalaro sa kanyang isipan habang hindi pa rin makapaniwala na nasa kanyang haraparan ngayon ang lalaking kay tagal niyang pinanabikang muling makita. “Miss Tamara Fierro, si Mr. Alejandro Manigbas po ang bagong may ari ng Hacienda Fierro,” dinig niyang sabi ng abogado ng bangko na si Atty. Mendez.
NAPAPAIYAK si Tamara habang binabasa ang dumating na sulat ng bangko sa kanya. Ipinapaalala nito na mareremata na ang Hacienda Fierro ng bangko. Saan siya kukuha ng two hundred fifty million pesos para ipamtubos sa kanilang hacienda? Simula nang mamatay ang kanyang Papa at makulong ang kanyang asawa ay hindi na niya alam kung papaano babayaran ang nagkapatong-patong na mga utang ng mga ito. Ni hindi nga niya alam na matagal na palang nakasanla sa bangko ang hacienda. Saan namang kamay ng Diyos niya kukunin ang ganuon kalaking pera? Ni wala nga siyang matinong trabaho ngayon. Tuluyan na siyang napaiyak. Ngayon niya pinagsisihang hindi niya pinagbuti ang kanyang pag-aaral, di sana’y may fall back siya ngayon. Akala kasi niya’y wala ng katapusan ang pera ng pamilya kung kaya’t naging bulagsak rin naman siya. Party dito, party duon. Nuong ipadala siya sa Amerika ng Papa niya, sa halip na mag-aral siyang mabuti ay kung anu-anong kagagahan lang naman duon ang pinagagawa
“TAMARA FIERRO!!!” Narinig ni Tamara na tawag ng ama mula sa malawak na bakuran ng Hacienda Fierro. Nabitiwan tuloy niya ang kinakaing hinog na mangga na ipinakuha niya sa isa sa kanilang trabahante sa hacienda. Alam niyang kapag tinatawag siya sa buong pangalan ng ama, pihadong mainit na naman ang ulo nito. Napalingon sa kanya si Alejandro, bakas ang pag-aalala sa mukha nito habang nakatingin sa kanya. “Hinahanap ka na ng Papa mo, Mara,” sabi ng kanyang Yaya Magda na kasama niyang nanginginain ng hinog na mangga. Dinig nila ang malakas na dagundong ng kabayo nito papasok sa bakuran ng hacienda. Napaismid siya. “Hindi naman tayo umaalis dito, nasa loob lang naman tayo ng bakuran, akala mo naman mawawala ako,” inis na sabi niya habang waring nagpapalitan sila ng makahulugang mga tingin ni Alejandro. Ang kanilang lupain ay nasa 60 hectares at iba’-ibang uri ng mga namumungang puno ang naroroon. Mayroon din silang malawak na poultr