NANGATOG ang mga tuhod ni Althea nang pagkapasok na pagkapasok nila sa restaurant ay matanawan niya sa isang mesa si Griff kasama ang childhood sweetheart nitong si Britanny at napakasweet pa ng dalawa habang kumakain. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga kalamnan. Paano siyang napaniwala nuon ng lalaking ito? Minsan ba sa buhay nito ay totoong minahal siya nito? Or palabas lang ang lahat ng iyon? Gustong-gusto na niyang tumakbo sa harapan ng mga ito at pag-umpugin ang ulo ng mga ito ngunit alam niyang pagagalitan siya ni Rigor kapag hindi niya pinigilan ang bugso ng kanyang damdamin.
“Give your best smile, as if proud na proud ka dahil kasama mo ako,” narinig niyang bulong ni Rigor sa kanya, “And why not? Dapat ka talagang maging proud, imagine, kasama mo ang pinakaguwapong lalaki ngayong gabi,” dagdag pa nito sa kanya. Bahagya lamang niya itong inirapan saka pilit na pilit na ngumiti.
Totoo naman ang sinabi nito. Isa si Rigor sa pinakaguwapong mukha na nakita niya kaya malakas ang loob nitong magyabang sa kanya. Ngunit para sa kanya ay pangalawa lamang ang panlabas na anyo ng isang tao. Mas mahalaga ay kung ano ang nasa kalooban mo. Hindi nga ba at kaya siya nahulog ng husto nuon kay Griff? Pinakitaan siya nito ng kabutihan, respect at care. Sa kauna-unahang pagkakataon ay may nagparamdam sa kanya na maganda siya. Na karapat-dapat siyang mahalin. But obviously, planado ang lahat ng iyon.
Isang patibong para mahulog ng husto ang loob niya rito. Napakagaling nitong magkunwari para mapaniwala siya nito. Pati mga magulang niya ay nabola pa nito ng husto.
“At pwede ba, huwag kang pahalatang apektado sa nakikita mo ngayon. Please be reminded na sa ngayon, nasa ibang katauhan ka. You are not Althea anymore. Ikaw na ngayon si Sophia. At hindi nag-eexists sa buhay mo si Griff, maliwanag ba,” Pasimpleng sabi pa sa kanya ni Rigor habang naglalakad sila patungo sa mesa na pina-reserve nito.
Napalunok siya. Paano ba hindi mag-eexists sa buhay niya si Griff gayong heto at naghuhumiyaw sa bawat parte ng katawan niya ang galit na nararamdaman niya ngayon para sa lalaking hanggang ngayon ay mahal pa rin niya?
Sira ulo nga yata siya dahil kahit alam na niyang pinagtangkaan na nito ang buhay niya ay may nararamdaman pa rin siyang pagmamahal para ditto. Ano bang klaseng babae ang magmamahal sa lalaking walang ibang gusto kundi ang kayamanan lang niya?
Nag-iisa lang siguro ang babaeng kasing tanga niya. Hinawakan ni Rigor ang siko niya at iginiya paupo. “Thank you,” pilit na pilit ang ngiting sabi niya rito, bahagya pang tumalim ang mga mata niya nang panandaliang magtama ang kanilang mga paningin. Hindi niya alam kung ano plano ni Rigor at dinala siya ditto? Kung gusto lamang siya nitong inisin ay nagtagumpay siyang gawin iyon dahil sa ngayon ay kumukulo talaga ang loob niya sa inis na nararamdaman para kay Griff at sa kerengkeng na kalaguyo ng kanyang asawa!
Nakangising naupo si Rigor, waring enjoy na enjoy makita siyang nasasaktan. Mas lalo naman siyang napipikon. “Masaya ka na ba?” Tanong niya rito habang binabasa ang menu, “Siandya mo bang dalhin ako rito para makita ko silang naghaharutan?”
“Dinala kita rito para marealize mo kung anong klaseng lalaki ang pinakasalan mo!” Sagot nito sa kanya, “At kung bakit kailangan mong maghiganti!”
Tumiim ang kanyang mga bagang habang palihim na pinagmamasdan sina Griff at ang babae nito na ni sa utak niya ay ayaw niyang banggitin ang pangalan. Nakaririmarim. Gusto ng bumaligtad ng sikmura niya lalo na nang makita niyang hinalikan ito ni Griff sa labi as if wala itong pakialam sa ibang taong nakakakita sa mga ito. Nagpapanting ang tenga niya dahil kahit na kalian ay hindi siya hinalikan ni Griff sa publiko.
“Relax,” dinig niyang sabi ni Rigor sa kanya, nakita pa niyang bahagya itong nakangiti.
Inirapan niya ito, “Enjoy na enjoy ka ano? Tuwang-tuwa kang makitang may isang babaeng nasasaktan?”
“Sa akala mo ba nag-eenjoy akong makakita ng babaeng ginagago ng mga asawa nila? Kaya nga kita tinutulungan dahil sa lahat ng pinaka-ayoko, iyong mga gagong kagaya ng asawa mo! Dapat nga magpasalamat ka pa sakin dahil pinarerealize ko saiyo ngayon kung anong klaseng lalaki yang pinakasalan mo!”
“And what do you achieve from that?” Tanong niya kay Rigor saka umayos ng upo, “Magkalinawan nga tayo, bakit mo ba talaga ako tinutulungan?”
Ngunit sa halip na sumagot ay tinawag nito ang waiter at um-order ng mga pagkain. Napilitan na rin siyang um-order. Nagulat pa si Rigor nan gang dami niyang in-order. Tiningnan siya nito na parang nagtatanong ang mga mata: Kaya mo bang ubusin ang lahat ng ‘yan?
“Stress ako kaya ‘wag mo na lang akong pakialaman, pwede?” may kasungitang sabi niya rito. Stress talaga siya at kapag stress siya ay gusto niyang kumain ng marami dahil pagkain lang ang stress reliever niya.
Napailing na lamang si Rigor sa kanya.
NAPAPAILING SI RIGOR habang pinapanuod si Althea na kumakain. Hindi niya alam kung saan nito inilalagay ang lahat nitong kinakain. Ito lang ang tanging babaeng nakilala niya na harap-harapan ng niloloko ng asawa eh may gana pang kumain!
Napasulyap siya sa kanyang target. Alam niyang sobrang affected si Althea sa mga ito. Gusto niyang mapaibig ni Althea ang asawa nito. Gusto niyang paikutin ni Althea ang lalaking iyon kung paano nito pinaikot si Althea.
Lihim siyang napangiti. Mukhang mag-eenjoy siya sa palabas na ito. Hindi na siya makapaghintay pang masaksihan ang pagbagsak sa mga kamay niya ng lalaking ito. Nangangati na ang mga palad niya. Nangunot ang nuo niya nang mapansing umiiyak si Althea habang kumakain. Bigla na namang naantig ang damdamin niya. Ayaw na ayaw niyang makakakita ng babaeng umiiyak. Inabot niya ang tissue ditto saka paismid itong tiningnan.
“Pinag-aaksayahan mo ng luha ang walang kwentang asawa mo?” Pabulong na singhal niya rito, “Pwede ba, umayos ka. Punasan mo ‘yang mga luha mo. Ayoko ng makita kang iniiyakan ang walang kakwenta-kwentang lalaki na ‘yan. Ni hindi nga kagandahang lalaki ang kumag na ‘yan eh. Look at you now. Ang ganda-ganda mo na. Kung tutuusin sa ganda mong ‘yan ngayon, kahit sinong lalaking gustuhin mo, paniguradong makukuha mo!”
“Kung magsalita ka, parang wala lang saiyong magpalit ng girlfriend!” sagot nito sa kanya, “Hindi naman kasi basta-basta iyon. Minahal ko siya at hanggang ngayon mahal ko pa rin sya. . .”
“Anak ng teteng, isinilid ka na nga sa sako ng lalaking ‘yan at tinapon sa bangin!” Hindi makapaniwalang sabi niya rito.
Napahikbi ito. “Hindi mo ko maiintindihan kasi hindi mo pa nararanasang mainlab!”
“At sino namang me sabi saiyong di ko pa nararanasang mainlab?” Matiim na tanong niya rito saka muling naalala si Sophia. “Nagmahal na rin ako at patuloy na nagmamahal,” paanas lang na sabi niya rito.
PAGPASOK SA RESTROOM ay inabutan ni Althea si Britanny na nagreretouch ng make up nito. Lumapit siya rito at humarap sa salamin. Gusto niyang ipangalandakan ditto na walang wala ito sa kalingkingan niya ngayon. Ni hindi na nga niya kailangang maglagay ng make-up para gumanda! Itinaas niya ang kanyang mukha at bahagya itong inirapan saka tumitig sa kanyang reflection sa salamin.
Kung ito kaya ang tinataglay niyang mukha nang pakasalan siya ni Griff, pagtatangkaan pa rin kaya siya nitong patayin? Marahil ay hindi. Para siyang isang Holywood actress sa taglay niyang kagandahan ngayon. Sinong mag-aakala na retoke lang ang lahat ng ito?
Inayos niya ang kanyang buhok.
“Excuse me, you look familiar, nagkita na ba tayo?” Narinig niyang tanong ni Britanny sa kanya.
Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa saka napangisi, “I don’t think so. But yeah, you look familiar to me too. Kamukha mo kasi iyong dati kong kasambahay,” aniya rito saka lumabas na ng banyo. Gusto niyang mapahagikhik habang iniisip ang mga sinabi.
Iyon ang eksaktong salita na ginamit sa kanya ni Britanny nang magkasalubong sila nito nuon sa grocery two years ago, at hinding-hindi niya makakalimutan ang nakita niya sa mga mata ni Griff ng mga sandaling iyon. Tandang-tanda pa niya iyon pero binalewala lamang niya ang tagpong iyon. Ni hindi pumasok sa isip niya na may affair pa rin pala ang asawa niya sa babaeng iyon.
Naalala pa nga niya ang sinagot ni Griff nang tanungin niya ito tungkol ditto, “Yeah, we had an affair pero sandali lang. At wala kang dapat ipagselos sa kanya, pkay? Nakaraan ko na sya. Ikaw ang present ko, at ang future ko, okay?” Malambing pang wika nito. That time ay magkasintahan pa lang sila nito kaya siguro binobola pa siya.
Napatiim ang kanyang mga bagang. Ang laki talaga niyang tanga.
Habang pabalik sa mesa ay nagkasalubong ang mga mata nila ni Griff at kitang-kita niya na bahagya itong natigilan nang mapansin siya. Hindi maipagkakaila ang paghanga sa mga mata nito habang pinagmamasdan siya. Seneksihan niya ang paglalakad at nagpakawala ng ubod tamis na mga ngiti rito. Ang sabi kasi sa kanya ni Rigor, sa tuwing makakahanap siya ng pagkakataon ay kailangan niya itong iseduce sa paraan na banayad lang. Iyong hindi obvious na nang-aakit siya. Pasasabikin lamang niya ito kumbaga.
“I can’t believe it, I was so gullible. He made me feel special, he made me feel beautiful and loved,” umiiyak na tinungga ni Althea ang whisky na nasa baso, “ I was so stupid, pinaniwala nya akong mahal nya talaga ako, iyon pala pera lang ang habol nya sakin. . .” tiningnan niya si Rigor, “Para akong nasa glider, iyong biglang taas tas biglang babagsak. Ang sakit-sakit. Ang sakit isiping di naman niya ako minahal kahit na kailan. Ang sakit na pinag-isipan niya akong patayin para lang masolo nya iyong kayamanan ko,” kinuha niya ang tissue na iniabot sa kanya ni Rigor at suminga ng ubod lakas na para bang duon niya gustong ilabas ang lahat ng sakit ng kaloobang nararamdaman niya ng mga sandalling iyon. Pakiradam niya ay dinudurog ang dibdib niya, ni hindi niya malasahan ang pait ng whisky dahil sa pait ng nararamdaman sa puso niya. Papaano siyang napaniwala ni Griff sa ganuong kasinungalngan? “Pero alam mo kung anoa ng mas masakit, ha
Ang lakas ng ungol ni Athea nang lamasin niya ang mga suso nito, “Ohhh. . .” nakapikit na daing nito na mas lalong nakakapagpagana sa kanya kung kaya’ t nagmamadali niyang kinalas ang butunes sa suot nitong blusa. “Griff. . .you’re so good. . .” Narinig niyang banggit nito na nakapagpabalik sa kanyang huwisyo. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang pangalan ng asawa nito kung kaya’ t nagmamadali siyang bumangon at lumabas ng kuwarto nito. Napahinga siya nang malalim pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng kanyang kuwarto. Shit! Napasabunot siya sa kanyang ulo. This is insane. Bakit niya hinahayaang matangay siya ng kanyang kamunduhan? Pabagsak na nahiga siya sa kama habang tila wala sa sariling nakatingin sa kisame. That was so close. Muli siyang bumangon at nagtungo sa kanyang mini gym para pagurin ang kanyang sarili sa pagtakbo sa treadmill nang sa gayon ay hindi siya makaisip ng kung anu-anong mga bagay.
HUMIHINGAL na tumakbo sa loob ng kanyang kuwarto si Althea at siniguradong naka-lock ang pinto niyon. God, hindi niya inaasahang makikita niya ang buong pagkalalaki ni Rigor. Tinuktukan niya ang sarili. Kung bakit ba naman kasi basta-basta na lamang siya pumapasok sa kwarto nito nang di man lamang kumakatok. Para siyang nag-iinit na ewan kaya binuksan niya ang aircon ng kanyang kuwarto at tulalang nahiga. Hindi ganuon kalaki ang pag-aari ni Griff. Di siya makapaniwalang tugmang-tugma sa built nito ang sandatang iyon ng lalaki. Sabi kasi ng mga kaibigan niya, kapag malaki ang katawan, di kalakihan ang ari kaya nga di na siya nag-expect ng anuman kay Griff dahil malaki ang mga muscles nito. Pero iba sa case ni Rigor. Kahit masukulado ito, may malaki pa rin itong hinaharap. Pinapapawisan tuloy siya kahit na tinodo na niya ang aircon. Pervert, aniya sa sarili habang napapailing-iling. Maya-maya ay dinig niyang kumakatok ito ng kanyang kwarto. Kini
“I NEED SOME MONEY, kailangan kong mamili ng mga gamit. Pwede bang pahiramin mo muna ako ng pera?” sabi ni Althea kay Rigor matapos makapaligo at makapagbihis ng simpleng white shirt at shorts, “You see, paulit uit na lang itong mga sinusuot ko.” “I’ll go with you. Hindi ko type ang mga sinusuot mo.” Sabi ni Rigor sa kanya, “Let me choose what you should wear.” “Pati ba naman pagpili ng mga damit ko, gusto mong ikaw rin ang masunod? Gusto ko lang ipaalala saiyo na ako pa rin si Althea. Binago mo lang ang mukha ko pero hindi ang buong pagkatao ko kaya sana iyong mga ganyang bagay, hayaan mong ako ang magdesisyon, pwede?” Iritadong sabi niya rito, “You’re such a controlling freak!” reklamo pa niya rito. Simula kasi nang baguhin nito ang mukha niya, pakiramdam niya ay minamanduhan na nito ang buong buhay niya. Na para bang wala na siyang sariling pag-iisip, lahat di susi na lamang. “Nakalimutan mo na ba ang mga kondisyon?” Tanong nito
“it’s none of your business,” sagot ni Rigor sa kanya. Napaangat ang isang kilay ni Althea, “”It’s none of my business? Ah talaga? Napagkamalan akong si Sophia ng kaibigan mo pagkatapos sasabihin mo saking it’s none of my business?” Iritadong sagot niya rito. Ngunit sa halip na sumagot ay kaagad na nitong binayaran ang bill saka nagmamadali nang tumayo. Naiinis na sinundan niya ito. “Deserve kong malaman kung sino ang nasa likod ng mukhang ito!” Demand nya rito. “Sophia is my wife! Namatay siya sa cancer three years ago!” Sigaw nito sa kanya. Natigilan siya sa sinabing iyon ni Rigor. Sa asawa nito hinulma ang mukha niyang ito? Hindi makapaniwalang napakurap-kurap siya. “So iniisip mong mabubuhay moa ng asawa mo sa katauhan ko, ganun ba?” Halos paanas lamang na tanong niya rito. “Are you nuts? Sa palagay mo mabubuhay ko sya sa katauhan mo? Stop dreaming Althea! Ni wala ka sa kalin
“ALTHEA, hindi ba sinabi ko na saiyong ‘wag na wag kang aakyat dyan, baka mahulog ka!” Dinig niyang sigaw ng isang patpating babae sa kanya. “’Nay, sanay ako dito!” Nakangising sabi ng ten year old na bata habang inaakyat ang mataas na puno ng bayabas. Pinitas niya ang hinog na hinog na bayabas saka ibinato sa babae, “Nay saluhin nyo!” Ngunit bago pa iyon masalo ng babae ay nahulog na iyon sa putikan. Tawa ng tawa ang bata, “Ang hina nyo talagang sumalo ‘nay. Di ka mabubuhay kapag kulang ka sa diskarte!” “Ikaw ang di mabubuhay kung di ka baba dyan. Marupok na ang mga sanga nyan, konting mali mo lang dyan sa bangin ang bagsak. . .Althea!!!!” sigaw ng babae nang makita nitong nagkamali siya ng tuntong at naputol ang sangang kinakapitan niya kung kaya’t napadulas sya at nahulog, “Althea!!!!” Humihingal si Althea nang magising mula sa isang panaginip. Pinagtatakhan niyang sa kanyang panaginip ay iba ang nanay niya. Napapikit siya. Par
MAAGANG GUMISING SI ALTHEA kinabukasan. Masaya siyang nagluto ng kanilang breakfast ni Rigor. Umaasa siyang magugustuhan nito ang banana pancakes na napanuod niya online kagabi. Gumawa rin siya ng smoothies para sa kanilang dalawa saka kinatok ang lalaki sa kwarto nito matapos maihanda ang almusal. Nangako siya sa sariling from now on ay sisikapin niyang kalimutan ang dati niyang pagkatao. Tama si Rigor, it’s about time na iangkop niya ang sarili sab ago niyang anyo. Patay na si Althea. Here comes Sophia, at titiyakin niyang maglalaway si Griff sab ago niyang katauhan. “Hmm, I did not know you can make breakfast without a mess,” napapangiting puna ni Rigor habang iginagala ang paningin sa malinis na kusina. Lihim siyang napangiti. Kung alam lamang nito ang naging struggle niya kanina bago niya na-achieve ang lahat ng ito. “Mukhang maganda ang gising mo ngayon.” “Narealize ko lang na tama ka. Kailangan kong makipag-cooperate sai
“KAILANGAN MONG MAKUHA ang combination ng vault sa opisina ni Griff pati na rin ang password para mapasok natin ang kompanya,” sabi ni Rigor kay Althea habang kumakain sila ng dinner sa isang mamahaling restaurant. "Masyadong mahigpit ang security system kaya di pala natin iyon basta-basta mapapasok unless makukuha mo ang lahat ng password. Bilib ako sa parents mo sa mahigpit na pag-install ng mahigpit na security system." “Nasa notebook na green ang lahat ng password ni Griff.” Sagot ni Athea dito habang hinihiwa ang steak gamit ang kutsilyo at fork, “Papasukin ko ngayong gabi ang bahay namin para makuha ko ang green notebook na yun.” Sinalinan sya ng red wine sa baso ni Rigor saka nakipagcheers ito sa kanya. “Ngayon pa lang ay gusto ko ng icelebrate ang pagkapanalo mo. Look at you now. Sinong mag-aakalang nalampasan mo ang ginawa saiyo ng lalaking iyon?” Napangisi siya, “Hindi ako basta-basta mamatay ng ganun lang,” aniya sa lala
"HEY Alejandro, nanaginip ka na naman ba ng gising? Mukhang malayo na naman ang lipad ng isip mo," saka lamang parang biglang natauhan si Alejanadro, tumabi sa kanya si Tamara, "Don't tell me binabalikan mo na naman lahat ng mga nakaraan natin?"Hinagod niya ang likuran nito, "Hindi lang ako makapaniwalang sa dami ng pinagdaanan natin, tayo rin sa huli," sagot niya sa babaeng ngayon ay asawa na niya. "Parang sa pelikula lang ang mga pinagdaanan natin. Kagaya rin ng mga pinagdaanan nina Rigor at Althea.""Ni Genis at Amanda," dagdag nito."Ni Sabina at Jeffrey," aniya."Bah, oo nga ano. Ang hirap palang mainlab sa isang Mafia. Kung hindi matibay ang loob mo, susuko kang talaga. Mabuti na lang hindi kita sinukuan, mahal na mahal kasi kita.""Mahirap magmahal ng isang Mafia pero tingnan mo naman kung gaano kami ka-loyal sa mga minamahal namin," pagmamalaki niya rito, "Kahit ang daming babaeng lumalapit sa amin, very faithful kami kung magmahal. One woman man.""Talaga ba?" dudang tano
KANINA pa paikot-ikot sa roof top si Tamara. Nalinis na niya ang lahat ng maari niyang malinis. Bored na bored na siya dahil mag-iisang lingo na siyang hindi umaalis duon. Hindi naman siya basta-basta nakakalabas ng bahay dahil natatakot siyang may makakitang mga tauhan ni Alejandro sa kanya. Ingat na ingat nga siyang makagawa ng ingay man lang. But damn, gustong-gusto na niyang sumigaw at gawin ang mga bagay na nakasanayan na niyang gawin sa loob ng hacienda. Natutukso na siyang bumaba. Bumuga siya ng malalim na hininga habang titig na titig sa hagdan. Hindi niya namamalayang unti-unti na pala siyang humahakbang paibaba. Ang unang palapag mula sa roof top ay ang dating library ng ama. Napakagat labi siya. Nagpalinga-linga muna siya bago pihitin ang door knob. Nagulat siya nang malamang na-convert na pala ni Alejandro ang library ng kanyang ama sa isang magarang kuwarto. Na-curious siya kaya isa-isa niyang binuksan ang mga cabinets duon. N
“THANK YOU YA,” nakangiting sabi ni Tamara matapos maubos ang isang mangkok ng champorado na dinala sa kanya ni Yaya Magda for breakfast. May kasama pa iyong sandwich na meryenda raw niya mamaya para di na ito mag-akyat manaog sa roof top. “Hindi pa ba umuuwi ang amo mo?” ayaw niyang ipahalata ang pag-aalala sa boses, “Three days na ah, san ba iyon naglalagi?” “Hindi ko rin alam,” kibit balikat na sagot nito, “Baka sa nobya,” kaswal na sabi pa nito sa kanya. Parang sinundot ng karayom ang puso niya nang maisip ang sinabi ng matanda. Pero kunwa’y balewala lamang ang narinig, “It’s about time na mag-asawa na sya. Matanda sya ng five years sakin, right? So he’s already thirthy years old. Seven years, two months and five days since nagkahiwalay kami at Imposible namang. . .” “Bilang na bilang mo ang araw na nagkahiwalay kayo, ha?” Tudyo ng matanda sa kanya. “Yaya,” naiinis na sabi niya, nahihiya siyang mabisto nito na bawat pagsikat at
BAKIT kung magsalita si Alejandro ay parang siya pa ang may malaking kasalanan? Panay ang patak ng kanyang mga luha habang naglalakad palayo. Hindi niya alam kung anong nangyari, kung bakit naging ganun na lang bigla ito sa kanya. Gusto pang baliktarin ang mga pangyayari? Alam ba nito kung anong hirap ang pinagdaanan niya nang pilitin siya ng Papa niya na magpakasal sa lalaking never naman niyang minahal at kahit na kailan ay hindi niya natutunang mahalin? Alam ba nito kung gaano kasakit sa kanya ang pakiramdam na parang nag-iisa lang siya at walang kakampi? Maski nga si Olga na inaakala niyang kaibigan niya, tinalikuran siya sa panahon na kailangang-kailangan niya ng karamay. Wala rin itong pinagkaiba kay Alejandro. Kaya nuong araw ng kasal niya, parang gusto na niyang mamatay. Kung hindi lang talaga siya natatakot, baka nagbigti na siya ng araw na iyon. Kung iyong ibang babae ay masayang-masaya sa araw ng kanyang kasal, siya nama
“A-ALAGAAN MO sana ang hacienda.” Parang maiiyak na sabi ni Tamara sa kanya nang iabot nito ang mga susi ng bahay, “I-ikaw ng bahalang magpalit ng mga lock k-kung gusto mong palitan ang susi ng bahay,” ramdam niya ang lungkot sa boses nito. Pinipigilan lamang niya ang kanyang sarili pero ang totoo, gustong-gusto na niya itong ikulong sa kanyang mga bisig. Ang daming tanong na naglalaro sa kanyang isipan. Ang dami niyang masasakit na gustong sabihin dito ngunit ngayon ay tila nakakalimutan niya ang lahat ng iyon habang nakatingin dito. Pero sa tuwing naiisip ang lahat ng ginawa nito sa kanya ay parang gusto niyang magwala sa galit. Lalo na kapag naalala niya ang katarantaduhang ginawa sa kanya ng ama nito. “G-goodbye. B-bukas na ang flight ko patungong Amerika. Kung di nga lang dahil k-kay Gerry, baka nuon pa ko bumalik ng Amerika.” Napatiim ang kanyang mga bagang nang marinig ang pangalan ng asawa nito. Ang lakas naman ng loob nito
SUMISIKIP ang dibdib ni Alejandro kung kaya’t kinalas niya ang ilang butones sa suot niyang polo shirt. Habang tumatakbo ang sinasakyan niyang kotse ay tumatakbo rin ang isipan niya sa nakaraang pitong taon. Parang gustong magbalik ang lahat ng mga masasakit na pinagdaanan niya nuong gabing dinukot siya ng mga tauhan ni Chief Inspector Milo Calatrava. Napatiim ang kanyang mga bagang. Hinding-hindi niya makakalimutan ang lahat. “San natin dadalhin ang putang inang ito, tutuluyan na ba natin ‘to?” Narinig niyang tanong ng tauhan ni Milo sa mga kasamahan nito. “Dadalhin sya sa bilibid sa Muntinlupa. Dun na raw yan yayariin para di tayo sumabit,” sagot naman ng isa, “Gaya ng ginagawa natin sa mga kalaban nila bossing sa mga negosyo,” makahulugan pang sabi nito. Gustong-gusto niyang lumaban ngunit umiikot na ang kanyang paningin at halos wala na siyang makita sa sobrang pagod at sakit ng buong katawan na nararamdaman. Baka mas manganib l
“A-ALEJANDRO?” May panic siyang naramdaman nang makita ang lalaki lalo pa at hindi niya inaasahang makikita niya ito sa ganitong pagkakataon. Gusto nga niyang murahin ang kanyang sarili dahil sa loob ng mahabang panahon, sa kabila ng ginawa nito sa kanya ay buhay na buhay pa rin ang damdamin niya para dito. At ewan kung totoong nakita niya sa mga mata nito or nag-iilusyon lamang siya, ang piping pananabik nang tingnan siya nito. Pero marahil ay nag-iilusyon nga lamang siya dahil saglit na saglit lang siya nitong tiningnan pagkatapos ay parang umiiwas na itong magtama man lamang ang kanilang mga paningin. Habang siya ay ang daming tanong ang naglalaro sa kanyang isipan habang hindi pa rin makapaniwala na nasa kanyang haraparan ngayon ang lalaking kay tagal niyang pinanabikang muling makita. “Miss Tamara Fierro, si Mr. Alejandro Manigbas po ang bagong may ari ng Hacienda Fierro,” dinig niyang sabi ng abogado ng bangko na si Atty. Mendez.
NAPAPAIYAK si Tamara habang binabasa ang dumating na sulat ng bangko sa kanya. Ipinapaalala nito na mareremata na ang Hacienda Fierro ng bangko. Saan siya kukuha ng two hundred fifty million pesos para ipamtubos sa kanilang hacienda? Simula nang mamatay ang kanyang Papa at makulong ang kanyang asawa ay hindi na niya alam kung papaano babayaran ang nagkapatong-patong na mga utang ng mga ito. Ni hindi nga niya alam na matagal na palang nakasanla sa bangko ang hacienda. Saan namang kamay ng Diyos niya kukunin ang ganuon kalaking pera? Ni wala nga siyang matinong trabaho ngayon. Tuluyan na siyang napaiyak. Ngayon niya pinagsisihang hindi niya pinagbuti ang kanyang pag-aaral, di sana’y may fall back siya ngayon. Akala kasi niya’y wala ng katapusan ang pera ng pamilya kung kaya’t naging bulagsak rin naman siya. Party dito, party duon. Nuong ipadala siya sa Amerika ng Papa niya, sa halip na mag-aral siyang mabuti ay kung anu-anong kagagahan lang naman duon ang pinagagawa
“TAMARA FIERRO!!!” Narinig ni Tamara na tawag ng ama mula sa malawak na bakuran ng Hacienda Fierro. Nabitiwan tuloy niya ang kinakaing hinog na mangga na ipinakuha niya sa isa sa kanilang trabahante sa hacienda. Alam niyang kapag tinatawag siya sa buong pangalan ng ama, pihadong mainit na naman ang ulo nito. Napalingon sa kanya si Alejandro, bakas ang pag-aalala sa mukha nito habang nakatingin sa kanya. “Hinahanap ka na ng Papa mo, Mara,” sabi ng kanyang Yaya Magda na kasama niyang nanginginain ng hinog na mangga. Dinig nila ang malakas na dagundong ng kabayo nito papasok sa bakuran ng hacienda. Napaismid siya. “Hindi naman tayo umaalis dito, nasa loob lang naman tayo ng bakuran, akala mo naman mawawala ako,” inis na sabi niya habang waring nagpapalitan sila ng makahulugang mga tingin ni Alejandro. Ang kanilang lupain ay nasa 60 hectares at iba’-ibang uri ng mga namumungang puno ang naroroon. Mayroon din silang malawak na poultr