Nang makatakas ang dalawang nanloob sa mansyon ni Caesar, agad kumilos ang kaniyang mga tauhan para hanapin ang dalawa. Nagkalat sa loob ang mga katawan ng iba niyang tauhan at ni isa sa kanila ay wala man lang nabuhay.“T-Their faces are c-covered,” saad ng isa sa mga katulong, “so… I was not able to see who they were.”Habang kinakausap ng consigliere ang ibang mga katulong, si Caesar naman ay nasa kwarto ni Klare. Ginagamot ang dalaga dahil sa natamo nitong sugat sa braso. Tila tulala pa ito dahil sa nangyari. Hinintay ni Caesar na magamot muna ang dalaga bago ito nagsalita.“Is it Laverna?” he asked frankly.Umiling si Klare.“No.”“Then, why didn’t they kill you when they took all of my men’s lives?”Isang iling ulit ang naging sumbat ng dalaga.“I… I have no idea.”“Then, it’s most likely her. What did she tell you?” Mahinahon ang boses ni Caesar ngunit halata pa rin na may halo itong pananakot. “All you have to do is to be honest with me, Klare Santillan. If not, then…”Nilapit
Dahan-dahang binuksan ni Athena ang pinto saka naunang maglakad papunta sa sala. Tahimik lang siya habang nakaupo sa may couch samantalang naupo naman si Caesar sa kabila.Binigay niya ang mga papeles sa dalaga para mabasa niya ang laman nito. Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa kanila hanggang sa matapos ni Athena ang magbasa.“I want something to be changed there,” komento niya.“That is?” usisa ni Caesar.“I do not want to get a single penny from this divorce.”Napataas ang kilay ng mafia boss.“For what reason?”“I just don’t want it.” She stood from her seat and headed to her bedroom. “Wait for a bit.”Maya-maya pa ay lumabas na siya sa kaniyang kwarto. Dala niya ang ilang mga paperbags ng mamahaling brands ng damit at sapatos. Nilagay niya ang mga iyon sa harapan ni Caesar.“You can also take these back. If you don’t want to, then throw them out for me,” saad ni Athena. “I want the divorce agreement to be settled as soon as possible.”“What’s your plan after this?” tanong
“Ikaw ang laging nagrereklamo sa tuwing may hindi nasusunod sa mga plano mo pero kung ikaw naman ang bigla-biglang nagbabago ang isip, bawal na kaming kumontra?” Natawa si Charles habang umiiling. “Iba ka rin ah.”Nagkibit-balikat lamang si Laverna habang naghahanda sa kaniyang paglusob. Imbes kasi na aalis siya sa lungsod ng Mephis ay mas pinili niyang huwag muna para lang masiguradong mabubuhay si Klare.“Sigurado ka ba talaga rito?” usisa ulit ni Charles. Pang-ilang tanong na niya iyon sa dalaga para lang makampanteng desidido talaga ito sa pagbabago sa kanilang plano. “Kung ililigtas mo kasi si Klare ngayong gabi, pinapatunayan mo lang sa Caesar na iyon na hindi talaga nawala ang alaala ni Laverna.”Bumuntong hininga si Laverna saka hinarap ang lalaki. Tinapik niya pa ito sa balikat.“Huwag kang mag-alala, may double naman ako na tumuloy sa Esterdale so mapapaniwala ko sila na umalis talaga ako,” saad niya na para bang hindi papalya ang plano niya. “Tsaka huwag niyo pala itatapon
It took some time for Laverna’s eyes to adjust with the sudden bright light. Makalipas ang ilang segundo, nagawa niyang imulat nang husto ang mga mata saka tiningnan ang kaniyang paligid.The wide room was completely empty, making her raise an eyebrow. Gayunpaman, ramdam niyang may mali kaya alerto pa rin siya habang hinihiling na sana ay muli siyang ma-contact ni Mino.“Welcome back, Laverna.”Alam na alam niya kung kaninong boses iyon. Maya-maya pa ay bumukas ang isang pinto at iniluwa nito ang isang lalaki. Tama nga siya. Walang iba kundi si Gunner. Pumasok ito sa malawak na silid habang pumapalakpak saka ito ngumiti.Spreading his arms, he asked, “Aren’t you going to greet your husband with a hug?”Hindi umimik si Laverna.“I guess nothing matters to you but her…” Lumingon si Gunner sa kaniyang kanan kaya napatingin din doon si Laverna.Kumunot ang noo ng dalaga nang dahan-dahang bumukas ang sahig at unti-unting tumataas ang upuan kung saan nakatali si Klare. Kita sa pula nitong m
That very night, Laverna was tied in a room. On both of her wrists were metal wrist cuffs connected to a chain. Even her feet were chained together with only about 12 centimeters apart to give her a bit of freedom.This was all to make sure that she wouldn’t have any chance of ever escaping. Ilang oras din siyang naiwang mag-isa sa maliit na silid kaya buong akala niya ay wala nang darating pa para kausapin siya.Akmang pipikit na sana siya ngunit narinig niyang may pumihit sa doorknob. Agad siyang naupo sa gilid ng maliit na kama. Akala niya’y baka si Caesar o si Gunner ang dumating ngunit napakunot na lamang siya ng noo nang masilayang si Lily pala, ang dating asawa ni Caesar.Hindi ito ang una nilang pagkikita kaya naman muling humiga si Laverna. Wala siyang kaalam-alam kung bakit siya naroroon ngunit anuman ang dahilan niya ay mas ninanais niyang huwag na lang alamin.“You know… My offer still stands, Laverna,” sambit ni Lily pagkatapos niyang maupo sa may sofa. “You already have
Akala ni Laverna na talagang totohanin ni Caesar ang pagpapahirap sa kaniya kaya naman labis ang kaniyang pagtataka nang biglang dumating si Gunner.May dala itong pagkain—tatlong piraso ng tinapay, tubig, yogurt, at bacon. Inilapag ng lalaki ang tray sa may bedside table. May inilabas din siyang envelope at pinakita iyon kay Laverna. Nilagay niya iyon sa tabi ng tray bago naupo sa may sofa at hinintay ang dalagang kumilos.He stared at the shackles around her wrists and feet, making him think that they were too heavy for her thin body. But then, he shook his head, reminding himself that despite being under the normal weight, Laverna still managed to fight their men so he should stop underestimating her.“For you,” saad nito nang itinuro niya ang envelope.Hindi agad tiningnan ni Laverna kung ano iyon. Ang una niyang kinuha ay ang isang piraso ng tinapay saka agad iyong kinagatan.“Won’t you even try to check if it’s poisoned or not?” komento ni Gunner.Laverna merely shrugged while t
TW: Depiction of self-harm ahead. Viewer’s discretion is advised.Pag-aalala ang bumalot kay Caesar sa bawat hakbang niya papalapit sa basement. Hinihiling niya na sa kaniyang pagbukas ng pinto, maayos at ligtas pa rin ang kalagayan ni Laverna. “She lost her baby…”Those words echoed in his mind, pitting him into a chaotic state he never experienced before. Ayaw man niyang aminin pero natatakot ito sa kung anuman ang dadatnan niya sa kwarto ng dalaga.Nang makalapit siya sa pinto, agad niya itong binuksan. Tila binuhusan siya ng napakalamig na tubig nang madatnan ang silid na iyon dahil para itong dinaanan ng malakas na bagyo. Ang sofa na dating kaharap ng pintuan ay nakatagilid na sa gilid ng kwarto. Ang natumbang mesa na dati’y nasa tabi ng kama ay nasa gitna at putol pa ang isa nitong paa.Ang kama naman ay punit-punit na at tila may bahid pa ng dugo. Right across from him, Laverna sat on the floor, which was now tainted with crimson. The shackles that bounded her were smeared wi
Nanlaki ang mga mata ni Laverna at kahit ni isang salita ay walang lumabas sa bibig niya. Diretso siyang nakatitig kay Caesar na seryoso pa rin ang ekspresyon. Walang kahit ni konting bahid ng pagbibiro ang makikita sa mga mata niya kaya naman kumbinsido si Laverna na seryoso ito.Napatakip siya ng bibig. Her eyes glistened as tears flooded them.“C-Caesar,” nauutal nitong sabi.Magsasalita sana ang mafia ngunit napatigil ito nang biglang humalakhak si Laverna. Hindi niya mawari kung pilit lang ba ito o hindi ngunit nang muling magtama ang kanilang mga mata, napagtanto niyang kinukutya lamang siya ng dalaga.He gritted his teeth as he felt insulted with how she reacted.“Oh, Caesar… Is this how you want to cope with the fact that your beloved ex-wife is going to get married? Or is it out of pity?” Kumunot ang noo niya. “Did Gunner tell you about that baby from three years ago? Or did you mistake it as me being pregnant with your child?”Bumuntong hininga si Caesar na tila ba punong-pu