It took some time for Laverna’s eyes to adjust with the sudden bright light. Makalipas ang ilang segundo, nagawa niyang imulat nang husto ang mga mata saka tiningnan ang kaniyang paligid.The wide room was completely empty, making her raise an eyebrow. Gayunpaman, ramdam niyang may mali kaya alerto pa rin siya habang hinihiling na sana ay muli siyang ma-contact ni Mino.“Welcome back, Laverna.”Alam na alam niya kung kaninong boses iyon. Maya-maya pa ay bumukas ang isang pinto at iniluwa nito ang isang lalaki. Tama nga siya. Walang iba kundi si Gunner. Pumasok ito sa malawak na silid habang pumapalakpak saka ito ngumiti.Spreading his arms, he asked, “Aren’t you going to greet your husband with a hug?”Hindi umimik si Laverna.“I guess nothing matters to you but her…” Lumingon si Gunner sa kaniyang kanan kaya napatingin din doon si Laverna.Kumunot ang noo ng dalaga nang dahan-dahang bumukas ang sahig at unti-unting tumataas ang upuan kung saan nakatali si Klare. Kita sa pula nitong m
That very night, Laverna was tied in a room. On both of her wrists were metal wrist cuffs connected to a chain. Even her feet were chained together with only about 12 centimeters apart to give her a bit of freedom.This was all to make sure that she wouldn’t have any chance of ever escaping. Ilang oras din siyang naiwang mag-isa sa maliit na silid kaya buong akala niya ay wala nang darating pa para kausapin siya.Akmang pipikit na sana siya ngunit narinig niyang may pumihit sa doorknob. Agad siyang naupo sa gilid ng maliit na kama. Akala niya’y baka si Caesar o si Gunner ang dumating ngunit napakunot na lamang siya ng noo nang masilayang si Lily pala, ang dating asawa ni Caesar.Hindi ito ang una nilang pagkikita kaya naman muling humiga si Laverna. Wala siyang kaalam-alam kung bakit siya naroroon ngunit anuman ang dahilan niya ay mas ninanais niyang huwag na lang alamin.“You know… My offer still stands, Laverna,” sambit ni Lily pagkatapos niyang maupo sa may sofa. “You already have
Akala ni Laverna na talagang totohanin ni Caesar ang pagpapahirap sa kaniya kaya naman labis ang kaniyang pagtataka nang biglang dumating si Gunner.May dala itong pagkain—tatlong piraso ng tinapay, tubig, yogurt, at bacon. Inilapag ng lalaki ang tray sa may bedside table. May inilabas din siyang envelope at pinakita iyon kay Laverna. Nilagay niya iyon sa tabi ng tray bago naupo sa may sofa at hinintay ang dalagang kumilos.He stared at the shackles around her wrists and feet, making him think that they were too heavy for her thin body. But then, he shook his head, reminding himself that despite being under the normal weight, Laverna still managed to fight their men so he should stop underestimating her.“For you,” saad nito nang itinuro niya ang envelope.Hindi agad tiningnan ni Laverna kung ano iyon. Ang una niyang kinuha ay ang isang piraso ng tinapay saka agad iyong kinagatan.“Won’t you even try to check if it’s poisoned or not?” komento ni Gunner.Laverna merely shrugged while t
TW: Depiction of self-harm ahead. Viewer’s discretion is advised.Pag-aalala ang bumalot kay Caesar sa bawat hakbang niya papalapit sa basement. Hinihiling niya na sa kaniyang pagbukas ng pinto, maayos at ligtas pa rin ang kalagayan ni Laverna. “She lost her baby…”Those words echoed in his mind, pitting him into a chaotic state he never experienced before. Ayaw man niyang aminin pero natatakot ito sa kung anuman ang dadatnan niya sa kwarto ng dalaga.Nang makalapit siya sa pinto, agad niya itong binuksan. Tila binuhusan siya ng napakalamig na tubig nang madatnan ang silid na iyon dahil para itong dinaanan ng malakas na bagyo. Ang sofa na dating kaharap ng pintuan ay nakatagilid na sa gilid ng kwarto. Ang natumbang mesa na dati’y nasa tabi ng kama ay nasa gitna at putol pa ang isa nitong paa.Ang kama naman ay punit-punit na at tila may bahid pa ng dugo. Right across from him, Laverna sat on the floor, which was now tainted with crimson. The shackles that bounded her were smeared wi
Nanlaki ang mga mata ni Laverna at kahit ni isang salita ay walang lumabas sa bibig niya. Diretso siyang nakatitig kay Caesar na seryoso pa rin ang ekspresyon. Walang kahit ni konting bahid ng pagbibiro ang makikita sa mga mata niya kaya naman kumbinsido si Laverna na seryoso ito.Napatakip siya ng bibig. Her eyes glistened as tears flooded them.“C-Caesar,” nauutal nitong sabi.Magsasalita sana ang mafia ngunit napatigil ito nang biglang humalakhak si Laverna. Hindi niya mawari kung pilit lang ba ito o hindi ngunit nang muling magtama ang kanilang mga mata, napagtanto niyang kinukutya lamang siya ng dalaga.He gritted his teeth as he felt insulted with how she reacted.“Oh, Caesar… Is this how you want to cope with the fact that your beloved ex-wife is going to get married? Or is it out of pity?” Kumunot ang noo niya. “Did Gunner tell you about that baby from three years ago? Or did you mistake it as me being pregnant with your child?”Bumuntong hininga si Caesar na tila ba punong-pu
Bumuntong hininga si Laverna. “I told you before. I won’t ever work for you.” Itinuro niya ang pinto. “You can see yourself out, Lily.”Tila hindi pa rin nagpapatinag si Lily habang umiiling na para bang sinasabi na mali ang desisyon ni Laverna. Napatawa na lang siya saka kumaway bago tuluyang umalis.Si Laverna naman ay pumasok na lang sa walk-in closet at napansin agad ang pagkakahati ng kwartong iyon. Sa bandang kanan ay mga damit niya habang sa kaliwa naman ay mga damit ni Caesar na tila halos pang-pormal lamang. Habang namimili ng kaniyang susuotin, naglalaro sa isipan niya ang mga sinabi ni Lily. She was well aware that her plan on eliminating the big-time mafias was a just cause, however, given her manpower and her influence, achieving such a dream is too impossible.Ngayong mas lumakas ang Magnus group na hawak ni Nicholas, mahirap na silang pabagsakin. Paano pa kaya ang grupong Luciano na hindi lamang businessmen ang kakampi nila kundi pati na rin ang mga opisyal na may mat
Right after eating breakfast, Laverna and Caesar drove to the boutique, where the former wanted to check out the wedding dress she saw the other night. Habang nasa biyahe ay nagtanong si Laverna.“Where’s Gunner? I haven’t seen him since the other day.”“He went overseas to take care of some important matters. Why? Does it bother you?”Umiling si Laverna bago muling nanaig ang katahimikan sa pagitan nila. Hindi nagtagal ay nakarating na sila boutique. Lalabas sana sa kotse si Caesar para ipagbukas ng pinto si Laverna ngunit nakatanggap ito ng tawag mula kay Benson, ang kaniyang consigliere.“Answer it. I’ll head inside first,” saad ng dalaga bago naunang lumabas sa sasakyan.Isang tingin palang sa pupuntahan niyang wedding dress store ay bumungad sa kaniya ang iba-ibang disenyo. Upon entering the door, the floral scent of the room greeted her along with a woman wearing a semi-formal clothes. She smiled at her.“Good morning, ma’am. Do you have an appointment?” tanong nito.“Yes. Athen
Halos kalahating oras din ang inabot ng pagsusuyo ni Caesar kay Laverna bago ito tumigil sa pag-iyak. Sa loob ng oras na iyon ay yakap-yakap niya ito habang binubulong na hindi niya siya iiwan o aabandonahin.Mugto na rin ang mga mata ng dalaga kaya naman nag-iisip na siya ng paraan kung papaano itago iyon bago pumunta sa lugar kung saan sila makikipagkita kay Nicholas. Habang nakasandal kay Caesar, itinaas niya ang tingin niya para makita ang mukha nito. The mafia boss looked down, meeting her gaze, and smiled.“Have you calmed down now?” tanong nito at ang tanging sagot na nakuha niya mula sa kaniya ay isang tango.Napangiti si Caesar. Hanggang sa oras kasi na iyon, pino-proseso niya pa rin ang katotohanang pinakita ni Laverna ang kaniyang tunay na nararamdaman sa kaniya. Nakita niya ang kahinaan at kinatatakutan nito. Narinig niya mismo sa bibig ng dalaga na ayaw nitong iwan siya.She showed him her vulnerabilities without acting so Caesar felt like that was a huge jump in their re