“You can take your time eating. As long as you finish it, you can ask for any reward,” saad ni Caesar.Kasalukuyan silang nasa study room ng mafia boss dahil kinakailangan niyang asikasuhin ang ibang mga papeles na pinadala ng kaniyang sekretarya. Upang masigurado niyang talagang kakainin ni Athena ang umagahan niya, nasa kabilang mesa ito kung saan ay kita siya ni Caesar. Nakasimangot ang dalaga habang nakatitig lamang sa dalawang piraso ng tinapay. Para sa kaniya, sobra-sobra na iyon ngunit ayon kay Dr. Travis, ito ay sapat lamang. Bumuntong hininga si Athena saka kinuha ang isang piraso. Halatang labag sa kaniyang kalooban ang pagkagat dito. “Just one bread… That would be enough,” halos pabulong niyang sabi.“Eat the two, Athena,” Caesar interjected without sparing her a glance. “You won’t be leaving that chair until your plate’s clear.”Kahit labag sa kaniyang kalooban, kinagat ni Athena ang unang piraso ng tinapay. Hindi na muli ito nagreklamo habang dahan-dahan niyang inubos a
Tatlong araw na rin ang lumipas noong umalis si Caesar para asikasuhin ang problema ng kanilang grupo ngunit wala pa rin itong paramdam. Ni isang tawag o text man lang, walang natanggap si Athena. Sa mga oras na wala ito sa tabi niya, nanatiling si Gunner ang kasa-kasama ng dalaga kahit ilang beses pa niyang ipinagtabuyan ito.“Get changed,” utos ni Gunner pagkatapos niyang ilapag sa kama ang isang bestidang kulay itim.“No,” mariing sagot agad ni Athena. “I do not want to go anywhere with you.”Napabuntong hininga na lamang ang binata bago ibinigay ang isang sulat na galing kay Liraz.“Nicholas and Liraz invited us over for dinner. It might be to apologize for what happened a few days ago.”“Then, why don’t they just come here and apologize? If they cannot do that, then I won’t do anything to compromise with them.”Dahil sa kaniyang mga sagot, alam na agad ni Gunner na mahihirapan siyang kumbinsihin ang asawa na umalis sa kama at maghanda na. Napahawak na lamang siya sa kaniyang sent
Nang makalabas si Athena sa building, akmang papara na sana siya ng taxi ngunit agad niyang binaba ang kamay. Doon niya lang kasi napagtanto na hindi man lang siya nagdala ng pera. Napamura siya dahil sa inis bago muling pumasok sa restaurant. Bago pa man siya sumakay sa elevator ay nakasalubong niya agad si Gunner.“Didn’t I tell you to wait for me?” he said. “Did something happen between you and Liraz?”“Just bring me back to the mansion,” sumbat ni Athena na may halo pa ring inis sa kaniyang boses.“You no longer want to go and see Caesar?”“Yes, so just drive me back to the mansion.”Nauna nang naglakad papunta sa parking lot si Athena habang si Gunner naman ay hinabol nito ang asawa. Hindi niya alam kung ano ang sinabi ni Liraz sa kaniya para mainis siya pero malakas ang kutob niyang may kinalaman iyon sa nakaraan niya.Habang paalis na sila, panandaliang tumigil ang sasakyan dahil sa mabagal na traffic. Nanatiling tahimik si Athena habang nakatingin sa labas na para bang malalim
Nang makatakas ang dalawang nanloob sa mansyon ni Caesar, agad kumilos ang kaniyang mga tauhan para hanapin ang dalawa. Nagkalat sa loob ang mga katawan ng iba niyang tauhan at ni isa sa kanila ay wala man lang nabuhay.“T-Their faces are c-covered,” saad ng isa sa mga katulong, “so… I was not able to see who they were.”Habang kinakausap ng consigliere ang ibang mga katulong, si Caesar naman ay nasa kwarto ni Klare. Ginagamot ang dalaga dahil sa natamo nitong sugat sa braso. Tila tulala pa ito dahil sa nangyari. Hinintay ni Caesar na magamot muna ang dalaga bago ito nagsalita.“Is it Laverna?” he asked frankly.Umiling si Klare.“No.”“Then, why didn’t they kill you when they took all of my men’s lives?”Isang iling ulit ang naging sumbat ng dalaga.“I… I have no idea.”“Then, it’s most likely her. What did she tell you?” Mahinahon ang boses ni Caesar ngunit halata pa rin na may halo itong pananakot. “All you have to do is to be honest with me, Klare Santillan. If not, then…”Nilapit
Dahan-dahang binuksan ni Athena ang pinto saka naunang maglakad papunta sa sala. Tahimik lang siya habang nakaupo sa may couch samantalang naupo naman si Caesar sa kabila.Binigay niya ang mga papeles sa dalaga para mabasa niya ang laman nito. Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa kanila hanggang sa matapos ni Athena ang magbasa.“I want something to be changed there,” komento niya.“That is?” usisa ni Caesar.“I do not want to get a single penny from this divorce.”Napataas ang kilay ng mafia boss.“For what reason?”“I just don’t want it.” She stood from her seat and headed to her bedroom. “Wait for a bit.”Maya-maya pa ay lumabas na siya sa kaniyang kwarto. Dala niya ang ilang mga paperbags ng mamahaling brands ng damit at sapatos. Nilagay niya ang mga iyon sa harapan ni Caesar.“You can also take these back. If you don’t want to, then throw them out for me,” saad ni Athena. “I want the divorce agreement to be settled as soon as possible.”“What’s your plan after this?” tanong
“Ikaw ang laging nagrereklamo sa tuwing may hindi nasusunod sa mga plano mo pero kung ikaw naman ang bigla-biglang nagbabago ang isip, bawal na kaming kumontra?” Natawa si Charles habang umiiling. “Iba ka rin ah.”Nagkibit-balikat lamang si Laverna habang naghahanda sa kaniyang paglusob. Imbes kasi na aalis siya sa lungsod ng Mephis ay mas pinili niyang huwag muna para lang masiguradong mabubuhay si Klare.“Sigurado ka ba talaga rito?” usisa ulit ni Charles. Pang-ilang tanong na niya iyon sa dalaga para lang makampanteng desidido talaga ito sa pagbabago sa kanilang plano. “Kung ililigtas mo kasi si Klare ngayong gabi, pinapatunayan mo lang sa Caesar na iyon na hindi talaga nawala ang alaala ni Laverna.”Bumuntong hininga si Laverna saka hinarap ang lalaki. Tinapik niya pa ito sa balikat.“Huwag kang mag-alala, may double naman ako na tumuloy sa Esterdale so mapapaniwala ko sila na umalis talaga ako,” saad niya na para bang hindi papalya ang plano niya. “Tsaka huwag niyo pala itatapon
It took some time for Laverna’s eyes to adjust with the sudden bright light. Makalipas ang ilang segundo, nagawa niyang imulat nang husto ang mga mata saka tiningnan ang kaniyang paligid.The wide room was completely empty, making her raise an eyebrow. Gayunpaman, ramdam niyang may mali kaya alerto pa rin siya habang hinihiling na sana ay muli siyang ma-contact ni Mino.“Welcome back, Laverna.”Alam na alam niya kung kaninong boses iyon. Maya-maya pa ay bumukas ang isang pinto at iniluwa nito ang isang lalaki. Tama nga siya. Walang iba kundi si Gunner. Pumasok ito sa malawak na silid habang pumapalakpak saka ito ngumiti.Spreading his arms, he asked, “Aren’t you going to greet your husband with a hug?”Hindi umimik si Laverna.“I guess nothing matters to you but her…” Lumingon si Gunner sa kaniyang kanan kaya napatingin din doon si Laverna.Kumunot ang noo ng dalaga nang dahan-dahang bumukas ang sahig at unti-unting tumataas ang upuan kung saan nakatali si Klare. Kita sa pula nitong m
That very night, Laverna was tied in a room. On both of her wrists were metal wrist cuffs connected to a chain. Even her feet were chained together with only about 12 centimeters apart to give her a bit of freedom.This was all to make sure that she wouldn’t have any chance of ever escaping. Ilang oras din siyang naiwang mag-isa sa maliit na silid kaya buong akala niya ay wala nang darating pa para kausapin siya.Akmang pipikit na sana siya ngunit narinig niyang may pumihit sa doorknob. Agad siyang naupo sa gilid ng maliit na kama. Akala niya’y baka si Caesar o si Gunner ang dumating ngunit napakunot na lamang siya ng noo nang masilayang si Lily pala, ang dating asawa ni Caesar.Hindi ito ang una nilang pagkikita kaya naman muling humiga si Laverna. Wala siyang kaalam-alam kung bakit siya naroroon ngunit anuman ang dahilan niya ay mas ninanais niyang huwag na lang alamin.“You know… My offer still stands, Laverna,” sambit ni Lily pagkatapos niyang maupo sa may sofa. “You already have