Mr. Quevedo pulled the chair and motioned Athena to sit. Nagtaka naman ang dalaga sa inakto ng ama ng boss niya pero tumango lang siya habang nakangiti nang may pag-aalinlangan. Si Mr. Quevedo naman ay naupo sa tabi niya.Hindi mawari ni Athena kung ano ba talaga ang binabalak niya pero ayaw din naman niyang makita ng lalaking kasama niya kung gaano siya ka-nerbyos sa mga oras na iyon. “Dr. Travis Ross said you cannot remember anything from your past despite going through several treatments,” saad nito.Tumango ang dalaga.“It is true… sir.”Natawa na lamang si Mr. Quevedo nang marinig siyang tawagin ng ‘sir’. Hindi agad siya nagsalita at basta na lang hinawi ang buhok ni Athena papunta sa likod ng tainga niya.“There is no need to be so formal, Athena. You can just call me Caesar.”Agad namang tumanggi si Athena sa suhestiyon nito. Umiling-iling pa siya habang kitang-kita sa mukha niya ang pagkagulat. Napasandal naman si Mr. Quevedo sa kaniyang kamay habang nakatitig sa sekretarya n
Maaga pa lamang ay umalis na kaagad si Athena sa kaniyang apartment. Nagtungo siya sa condo ni Gunner na nasa Luxemoria pa lang para sunduin ito.“Who are we going to meet again?” tanong niya habang papalabas pa lamang ang kaniyang boss mula sa kwarto nito.Halatang kagigising lang nito dahil sa buhok niyang parang pugad ng ibon. Nakasuot pa ito ng itim na pajama, dahilan para mas lalong tumingkad ang pagkaputi nito.“A friend,” tanging sagot ni Gunner. “Just a friend I did not see for the past three years.”Tumango-tango na lamang si Athena bago muling binaling ang kaniyang atensyon sa magazine. Pagtingin sa sumunod na pahina, litrato agad ni Gunner ang bumungad. Hindi na iyon bago sa kaniya dahil inasahan na niyang masasali ito sa World Renowned Motor Racers. Sa kaniyang pagkakaalam, siya ulit ang nanalo sa pinakahuling Grand Prix noong nakaraang taon. Habang abala siya sa pagbabasa, umupo si Gunner sa tabi niya. May pinindot ito sa remote bago bumungad ang litrato nina Liraz at Ni
Isang ngiting pilit na lamang ang pinakita ni Athena dahil hindi man lang inabot ni Nicholas ang kaniyang kamay. Umupo siya sa tabi ng kaniyang boss at halatang nahihiya na ito dahil sa nangyari. Sa ilalim ng mesa, hinawakan ni Gunner ang kamay niya na para bang sinasabi sa kaniya na okay lang ang lahat.Napatingin si Athena sa kaniya saglit pero hindi man lang siya nilingon ng kaniyang boss. Gayunpaman, mas gumaan ang loob niya.“I heard that your wife is going to walk the runway tonight,” komento ni Gunner nang hindi binibitawan ang kamay ng kaniyang sekretarya.“Yeah. I saw that you are one of the sponsors for that event,” malamig naman na saad ni Nicholas. “Anyway, that is not the reason why we are here, right?”Gunner chuckled.“You are as serious as ever, Nicholas Constantine. Learn how to enjoy and relax once in a while. How about we go for a cruise trip first before you and your wife head back? Think of it as my gift for the newlyweds.”“I’ll take the offer.”Habang nag-uusap
Nanlaki ang mga mata ni Athena sa tinuran ng kaniyang boss. Hindi siya makapagsalita hanggang sa unti-unting nilalapit ni Gunner ang labi nito sa kaniya. Bago pa man maglapat ang kanilang mga labi, umatras nang kaonti si Athena saka tinakpan ang bibig ng boss niya.“Sir, I cannot do that,” saad niya bago punasan ang kaniyang mga luha. “I still have a chance to be with your father so I do not want to lose it. However, if he is not interested in me, then I can be your woman.”Hindi mawari ni Gunner kung nagbibiro lang ba ang babaeng nasa harapan niya o hindi. Gayunpaman, bumalik na siya sa dating pag-upo nang nakangisi.“Are you saying that to reject me, Athena?” tanong niya.Umiling ang kaniyang sekretarya.“I am not rejecting you completely. What I am saying is that you are my second option just as how I am an option to you,” sumbat ng dalaga.“Sounds fair.” Gunner reached out for a few strands of her hair and smiled. “But keep in mind, Athena. You are going to fall for me sooner or l
Pinagkatiwalaan ni Athena si Mr. Quevedo kaya naman sumama na ito sa kaniya para sa kanilang dinner. Nagtaka naman ito nang mapansing hindi sa restaurant sila pumunta kundi sa mansyon mismo ng lalaki.“Pinatawag naman niya siguro ang chef niya para dito na magluto. Uso iyon sa mga mayayaman, hindi ba?” saad niya sa kaniyang isipan.Pinagbuksan siya ni Mr. Quevedo ng pinto saka nilahad pa nito ang kaniyang kamay para tulungan siyang makababa sa sasakyan. Agad namang tinanggap iyon ni Athena.“I will have someone deliver your things to your unit so don’t worry about them,” saad niya habang papasok sa mansyon.Pagdating nila sa malawak na living room, nagtaka si Athena dahil tila walang katao-tao sa loob. Iba kasi noong sinamahan niya si Gunner dahil may mga katulong na nagta-trabaho. Isa pa, ang tahimik kaya parang sila lang talaga ang naroroon. Inilibot niya ang kaniyang tingin sa labas ng malaking bintana kung saan tanaw ang malawak na hardin. Wala ring tao kahit ni isa.“Is there any
Malakas ang kabog ng puso ni Athena sa bawat segundong lumipas. Maya-maya pa ay naramdaman niya ang paghalik ni Caesar sa gilid ng kaniyang labi. Hindi iyon ang inaasahan niya kaya naman hindi niya maiwasang mapatitig sa kaniya nang humiwalay ito.“Have you calmed down even just for a bit?” tanong nito.Tumango lamang si Athena na siyang dahilan para mapangiti si Caesar. Inilahad niya ang kaniyang palad sa harap ng dalaga.“Do you trust me, Athena?” “Y-Yes.” She held his hand to prove that her trust was not for show only. “I do trust you… sir.”He chuckled.“There you go again with the ‘sir’,” komento nito habang hinihigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya. “Anyway, there is something you should see.”Hindi na nagtanong si Athena kung ano iyon at nagpatangay na lamang kay Caesar. Pumunta sila sa ikalawang palapag ng mansyon at hindi maiwasan ng sekretaryang ilibot ang paningin sa kaniyang paligid. Isang tingin pa lamang kasi ay alam na niyang mamahalin agad ang mga iba’t ibang painti
Madaling araw na nang magising si Athena habang nasa bisig ni Caesar. Tila mahimbing pa rin ang tulog nito kaya dahan-dahang umalis ang dalaga at agad sinuot ang kaniyang damit na nagkalat sa sahig. Nang muli niyang masilayan ang natutulog na Caesar, nanumbalik sa isipan niya ang nangyari sa kanilang dalawa. Halos masabunutan niya ang sarili dahil sa ginawa.“Ang tanga mo, Athena!” galit nitong saad sa sarili habang pababa sa hagdan.Kailangan na niyang makaalis at pumasok sa trabaho. Hindi dapat malaman ni Gunner ang nangyari. Hindi pwede. Kinuha ni Athena ang kaniyang sa living room ngunit nang lumabas siya sa main entrance, halos matumba siya sa gulat nang makasalubong niya si Gunner.“Athena, what are you doing here early in the morning…” He paused and stared at Athena with a realization crashing down on him. “Did you spend the night here?”“Yes,” pagtatapat ng kaniyang sekretarya.“Did you…” Hindi magawang tapusin ni Gunner ang kaniyang tanong kaya hinawakan niya na lamang ito sa
Isang tawa ang naging tugon ni Gunner sa sinabi ni Nicholas.“That’s a funny thing to say, Constantine. Anyway, you wish for fun, right?” pabalik na tanong niya.“Of course.”“Then, it is no fun to play with Laverna right now. You can come and see for yourself if you do not believe me.”“What? Is she seriously sick?”“That is up to you.”Hindi na hinintay ni Gunner na muling makapagsalita si Nicholas at agad pinatay ang tawag. Nang bumalik siya sa kuwarto, mahimbing pa rin ang tulog ni Athena. Maputla pa rin ang kaniyang mga la