Share

The Mad Chief Executive Officer
The Mad Chief Executive Officer
Author: KUMUSHIRAKO

SIMULA

Author: KUMUSHIRAKO
last update Last Updated: 2022-05-13 11:54:07

"Tanggap ka na," pagbabalita ng sekretarya ni Mr. dela Vega. 

Namilog ang mata ko at hindi makapaniwala. "Totoo? Tanggap na talaga ako? Wala po bang halong biro 'yan?" Hala! Hindi ako makapaniwala. 'Di ko talaga ito inaasahan. Natanggap ako sa isang kilala at isa sa pinakamalaking kompanya sa bansa. Isa lang akong high school graduate, idagdag pang wala akong experience sa trabahong papasukan ko.

"Congratulations!" bati sa akin ni Miss Eve, sabay lahad ng kanyang kanang kamay. Naiiyak ko naman iyong tinanggap.

"Salamat at binigyan niyo ng chance ang isang katulad ko. Sobrang laking opportunity po itong binigay niyo sa 'kin. Pangako, gagawin ko ang best ko at gagawin ng maayos ang trabaho ko. Patutunayan kong hindi kayo nagkamali sa pagtanggap sa akin."

"Miss Rafael, please don't thank me so much. Magaling at may potential ka. No wonder Mr. Lim approves your application. 'Di na kailangan ng mahabang proseso. Ayon at aprobado na agad niya." Napangiti ako ng matamis sa sinabi niya. Grabe! Ganun ba ako kagaling? Siguro nakita nga nilang may potential ako. Nakakakilig naman ang ganito, ang saya ko talaga. Kakaiba pala talaga ang standard ng pinakamalaki at kilalang kompanya sa bansa. Kahit janitor lang ang a-apply-an dapat ay may potential ka. Promise talaga gagalingan ko sa trabaho, para ito kay Lola kaya ibibigay ko ang best ko.

"Ah… Miss Eve, hindi niyo po nabanggit kung saan ako naka assign." Nakunot niya ang noo. Ako naman itong napalunok ng malaki. Wala naman akong sinabing masama, 'di ba? Parti ng trabaho ko ang tanong na 'yon.

"Hindi ba nakalagay sa resume mo ang desired position mo?" tanong niya, hindi pa rin nawala ang kunot sa noo. Kinakabahan na talaga ako sa reaksyon niya. May mali ba sa tanong ko?

"Nilagay ko naman po sa resume. Gusto ko lang malaman kung saan ako naka-assign. Sa laki kasi ng building hindi ko kayang linisin ito sa isang araw lang."

"Wait… I'm confused. Bakit mo kailangan linisin ang buong building? Sandali nga lang, ano ba ang desired position na nilagay mo?"

"Janetress po," magalang kong sagot.

"What!?" Nanlaki ang mata na bulalas niya. "Hindi ka nag-apply para maging secretary?" 

Ilang beses akong napakurap. "S-secretary?"

"Yes! Secretary. As in sekretarya, Miss Rafael."

"H-hindi po ba hiring kayo ng taga-linis?" inosente kong tanong. Hala! Paano napunta ang resume ko sa mga nag-apply ng secretary sa kumpanyang ito? Ano naman ang alam ko sa pagiging isang sekretarya kung Housekeeping ang vocational course na kinuha ko? Ni hindi ko nga ito natapos dahil sa nangyari kay Lola.

"Oh my gosh! This is an epic fail..." Frustrated na napahilamos si Miss Eve ng mukha. Kagat labi niya akong tinitigan na wari nag-iisip ng malalim. "Marunong ka bang gumamit ng computer? Microsoft? G***l? Something like that?" Alanganin akong tumango. Alam ko naman ang mga 'yan. Syempre, tinuro 'yan sa amin noong high school.

"How about english? Nakakaintindi ka ba? Do you know how to speak english?" Napangiwi ako.

"Gets ko naman po ang ingles pero hindi ako matatas magsalita." Nakakaintindi siyang tumango.

"Pwede na 'yan.”

“Ho? Pwede saan?” 

“I'll train you. Hindi na kasi pwede na mag-open ulit ako para sa interview ng applicants. Gahol ako sa oras. Isa pa, baka hindi matuloy ang pag-alis ko kung hahanap pa ako ng ibang papalit sa akin. May isang week pa naman ako para ma-train ka sa mga kailangan mong gawin at isaalang-alang bilang secretary ni Mr. dela Vega." Namilog ang mata ko, at nalaglag ang panga sa sobrang pagkagulat sa sinabi nya. Pati nga yata buhok ko natanggal sa anit ko.

"Mimi-Mr. dela Vega? Ibig niyong sabihin ako? M-magiging sekretarya ng CEO?"

Umikot ang mata niya. "Oo, Miss Rafael. Ikaw. Simula ngayon magti-training ka para maging efficient na secretary ni Mr. dela Vega."

"P-pero Miss Eve... High school lang ang tinapos ko. Hindi ko nga nagawang makakuha ng NCII sa vocational course na pinasukan ko—"

"'Yan ang dahilan kung bakit kailangan i-train kita agad. May isang week lang ako para i-train ka ng mga basic, another one week para sanayin mo ang sarili bilang secretary ni Mr. dela Vega bago siya bumalik ng bansa."

"Sobrang pressure 'yan…."

"I know." Kinuha niya ang kamay ko. "Sa una lang mahirap, pero once nakabisado mo na ang trabaho mo easy-easy ka na lang. Don't worry, malaki naman ang sahod." 

"M-magkano po?" Napalunok ako ng malaki dahil ngumisi siya sa akin. Iyong pakiramdam na biglang alam na niya kung paano makukuha ang kiliti ko.

"The average hourly wage for an Executive Secretary is 165 pesos. Pero dahil secretary ni Mr. dela Vega ang pinag-uusapan natin dito, 200 per hour lang naman." Nanlaki ang mata ko. Hala! Ganun kalaki ang sahod? Sa isang buwan sobra-sobra pa ang kikitain ko para sa pang piyansa ni Lola!

"Miss Eve, tara na po. Ituro niyo na ang mga dapat na ituro sa 'kin!" Malakas na tawa ni Miss Eve ang pumailanlang sa lounge ng HR floor.

"Ibang klase. Ang bilis din talaga magbago ng isip mo. S'ya tara sa opisina ng Big Boss," sabi niya at hinila ako.

Related chapters

  • The Mad Chief Executive Officer   Kabanata 1

    THREE DAYS LATER…. "Bow, the front of a vessel. Stern, rear of a vessel. Propeller, rotates and powers a boat forward or backward. Starboard, right side of a vessel. Port, left side of a vessel. Hull, body of a vessel. Gunwale, generally pronounced gunnel, is the upper edge of a vessel's side. Cleat, metal fitting on which a rope can be fastened and navigation lights include all-round white light and red and green sidelights. And that's alL, parts of a marine vessel," may pagmamalaki na sabi ko kay Miss Eve. Todo ang ngiting pumalakpak siya saka proud na yumakap sa akin. "I'm happy with what you've done. Kanina, pinakita mo sa akin na kaya mo ang mga trabaho sa field and now? Locket, you're making me a proud mentor here." Humiwalay siya sa akin at matamis na ngumiti bago hinawakan ang magkabila kong kamay. "I believe you are ready for our boss' return. Balak kitang ipakilala kay Mr. dela Vega sa darating na linggo. Babalik na siya ng Pilipinas at tamang-tama, may charity ball an

    Last Updated : 2022-05-13
  • The Mad Chief Executive Officer   Kabanata 2

    Napalingon ako sa pinto ng kwarto ni Apple nang lumabas siya doon. Nakunot ko agad ang noo. "Ang aga mo namang nagising. Anong oras ka ba umuwi kagabi?" "Mga 2am na yata, Bhe," inaantok niyang sagot at nagtungo sa sink para maghilamos ng mukha. "Eh, bakit ang aga mo namang gumising? 1pm pa ang duty mo 'di ba? Matulog ka kaya muna ulit?" hikayat ko at binigay sa kanya ang kapi na ginawa ko. Kagigising ko lang din at magluluto na sana ng agahan namin ni Apple. "Restday ko ngayon." "Oh, 'yon naman pala. Matulog ka na ulit. Minsan ka lang makakabawi ng tulog mo sa pagpupuyat ng anim na araw sa isang linggo." Kasama ko si Apple sa dati kong trabaho sa isang SPA sa may West Avenue. Therapist siya katulad ko, at kung hindi lang dahil sa manyak kong boss na gusto akong maging kabit, hindi ako aalis sa dati kong trabaho. Pero salamat na rin dahil kung hindi ako umalis doon, hindi ako makakapasok sa trabaho ko ngayon, mas maganda at malaki ang sweldo. "Hindi pwede. May date kami ngayon ni J

    Last Updated : 2022-05-13
  • The Mad Chief Executive Officer   Kabanata 3

    "Bakit niyo naman ako pinagtatawanan?" Nakalabi kong tanong kay Miss Eve na kausap ko sa telephone. Isang linggo na ang lumipas mula noong araw na nakilala ko ang Big Boss. Nakabalik na si Miss Eve sa kumpanya noong nakaraan araw pero pinadala naman siya ngayon sa Subic para i-check ang project ng kompanya doon. Ngayon ko lang na-realize kung bakit 'di madalas magkasama si Mr. dela Vega at Miss Eve, sa dami kasi ng ongoing projects kailangan iba-ibang projects ang pagtuonan nila ng pansin. "Hayaan mo, mabait naman 'yan si Mr. dela Vega kapag nakuha mo ang tiwala niya. Ganyan lang 'yan siya ngayon kasi wala ka pang napapatunayan sa kanya, kaya naman always do your best lang, okay?" "Oo naman, Miss Eve. Maraming salamat po sa pagpapalakas ng loob ko—ah, Miss Eve pasensya na pero ibaba ko muna ang phone, tinatawag ako ni Mr. dela Vega sa office." Hindi ko na hinintay ang tugon ni Miss Eve, binaba ko na ang tawag at nagmamadaling pumasok sa loob ng office ng Boss. "Yes, sir?" tanong ko

    Last Updated : 2022-05-13
  • The Mad Chief Executive Officer   Espesyal na kabanata

    Hatter’s POV“F*ck!” Frustrated akong napahilamos ng sariling mga palad at pabagsak na umupo sa aking swivel chair. That woman. She's getting on my nerves and never fails to ruin my mood every single day. Hindi na siya nakonteto sa ginawang pag-istorbo sa oras ng pagkain ko, she even dares to blood in front of me and made me smell her damn f*cking sweet blood. My head's spinning like I’m riding a carousel. This is what I loathe the most: the desire to drink the blood of a specific woman. It’s making me crazy.Tumayo ako sa aking kinauupuan at pumasok ng restroom dito sa loob ng aking opisina. Sa sink ako dumeretso at binuksan ang faucet saka naghilamos. I need to calm down before I cannot control myself. Damn that woman. Hinarap ko ang aking reflection sa salamin at ang tila dugo na kulay ng aking mata ang una kong nakita. This is bad. The thirst for blood is consuming my entire system, and I won't be able to endure it for much longer. I must do something!Pasuray-suray akong lumabas

    Last Updated : 2022-08-19

Latest chapter

  • The Mad Chief Executive Officer   SIMULA

    "Tanggap ka na," pagbabalita ng sekretarya ni Mr. dela Vega. Namilog ang mata ko at hindi makapaniwala. "Totoo? Tanggap na talaga ako? Wala po bang halong biro 'yan?" Hala! Hindi ako makapaniwala. 'Di ko talaga ito inaasahan. Natanggap ako sa isang kilala at isa sa pinakamalaking kompanya sa bansa. Isa lang akong high school graduate, idagdag pang wala akong experience sa trabahong papasukan ko. "Congratulations!" bati sa akin ni Miss Eve, sabay lahad ng kanyang kanang kamay. Naiiyak ko naman iyong tinanggap. "Salamat at binigyan niyo ng chance ang isang katulad ko. Sobrang laking opportunity po itong binigay niyo sa 'kin. Pangako, gagawin ko ang best ko at gagawin ng maayos ang trabaho ko. Patutunayan kong hindi kayo nagkamali sa pagtanggap sa akin." "Miss Rafael, please don't thank me so much. Magaling at may potential ka. No wonder Mr. Lim approves your application. 'Di na kailangan ng mahabang proseso. Ayon at aprobado na agad niya." Napangiti ako ng matamis sa sinabi niya. Gr

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status