Share

Kabanata 2

Author: KUMUSHIRAKO
last update Huling Na-update: 2022-05-13 11:57:04

Napalingon ako sa pinto ng kwarto ni Apple nang lumabas siya doon. Nakunot ko agad ang noo. "Ang aga mo namang nagising. Anong oras ka ba umuwi kagabi?"

"Mga 2am na yata, Bhe," inaantok niyang sagot at nagtungo sa sink para maghilamos ng mukha.

"Eh, bakit ang aga mo namang gumising? 1pm pa ang duty mo 'di ba? Matulog ka kaya muna ulit?" hikayat ko at binigay sa kanya ang kapi na ginawa ko. Kagigising ko lang din at magluluto na sana ng agahan namin ni Apple.

"Restday ko ngayon."

"Oh, 'yon naman pala. Matulog ka na ulit. Minsan ka lang makakabawi ng tulog mo sa pagpupuyat ng anim na araw sa isang linggo." Kasama ko si Apple sa dati kong trabaho sa isang SPA sa may West Avenue. Therapist siya katulad ko, at kung hindi lang dahil sa manyak kong boss na gusto akong maging kabit, hindi ako aalis sa dati kong trabaho. Pero salamat na rin dahil kung hindi ako umalis doon, hindi ako makakapasok sa trabaho ko ngayon, mas maganda at malaki ang sweldo.

"Hindi pwede. May date kami ngayon ni Jayson sa Monumento," ungot niya at padabog na umupo sa silya na katapat ng inupuan ko.

"Hala sige, unahin mo 'yang landi. Dapat ay nagpapahinga ka, kaya nga tinawag na rest day, kasi araw ng pahinga. Buti sana kung tinawag na landi day, 'di ba?" Umikot sa ere ang mata niya. Pambihira naman talaga ang babaeng ito. Siya na nga ang inaalala siya pa ang may ganang magtaray. Napailing ako at tumayo para nagluto na ng breakfast namin ni Apple. Isa kasi sa napagkasunduan namin na ako ang totoka sa pagluluto dahil hindi niya forte iyon. Ayos lang naman sa akin dahil mahilig akong magluto, at ako rin kasi ang nagluluto sa amin sa Laguna kaya keri lang.

"Cellphone mo," tawag pansin niya. 

Pinatong ko ang hawak na spatula sa lid ng pot at tinanggap ang smartphone na inabot ni Apple sa akin. Mukhang kanina pa iyon nagba-vibrate sa ibabaw ng lamesa. Agad ko iyong sinagot nang makita ang caller ID.

"Miss Eve, good morning!"

"Good morning din sayo Miss Rafael," tugon niya sa kabilang linya. Naririnig ko ang malakas na ingay sa background.

"Nasa field po ba kayo?"

"Yeah, narito pa ako sa Batangas. I called just to inform you that I might be able to return to Manila in the afternoon pa. Ikaw na muna ang bahala sa opisina, just finish what you were working yesterday."

"Huwag po kayong mag-alala Miss Eve, ako na ang bahala. Sisikapin kong matapos ngayong araw ang pag-sort out ng mga files. Hindi ko na po iiwan ng walang tao ang opisina. Pasensya na talaga tungkol sa nangyari kahapon." Narinig ko ang mahina niyang pagtawa sa kabilang linya.

"It's fine. Gawin mo lang ang best mo sa trabaho. Anyways, tumawag sa akin si Mr. dela Vega at excited na raw siyang makilala ang bago niyang secretary. Pumasok ka ng maaga ngayon, ah? Magpa-impress ka sa kanya, magtimpla ka ng pinakamasarap na kape para sa kanya. Okay?"

"Noted po!"

Napabuga ako ng malalim na hininga. Excited akong makilala ang CEO, pero 'di ko maiwasang 'di kabahan dahil sa education background na meron ako. Paano kong i-review niya ang resume ko? O kaya ay hindi niya ako magustuhan sa unang pagkikita pa lang namin? Diyos ko, sana ay magdilang anghel ang Big Boss at bigyan ng chance ang high school graduate na tulad ko. Hindi man ako nagkaroon ng mataas na edukasyon, fast learner naman ako at kaya kong makipagsabayan sa mga katrabaho ko, basta bigyan niya lang ako ng chance.

Pagkatapos ng tawag, minadali kong kumilos. Binilisan ko ang pagluluto at pag-aayos ng pack lunch, pagkatapos ay naligo na ako at nag-ayos ng sarili. Isang beige high waisted pants, paired with white shirt and black loafer ang napili kong i-suot, nang matapos kong ihanda ang sarili agad akong umalis ng bahay para magtungo sa trabaho. Mahirap na, hindi ko alam kung anong mga abirya ang maaring mangyari sa daan. Kailangan kong magpa-impress sa boss ko para hindi niya ako tanggalin sa trabaho. Nakasalalay pa naman sa trabaho kong ito ang pera na maiipon ko para sa pang piyansa ni Lola.

6:30 am eksaktong nasa harap na ako ng building ng company. Napangiti ako nang makita ang malaking pangalan ng kompanya sa itaas ng 7 stories building, Spyru Harbor Ship Salvor & Builder. Sino ba ang makakapagsabi na makakapasok ako bilang secretary sa ganito kalaki na ship building company? Hanggang ngayon isang malaking misteryo pa rin para sa akin ang pagkakakuha ko sa kompanya. Ano kaya ang nangyari? Hindi na bale. Ano man ang dahilan ng milagro kong pagpasok sa kumpanya, ang mahalaga may maganda na akong trabaho at may malaking sahod.

Unang ginagawa ko sa umaga ay i-check ang schedule ni Mr. dela Vega, ang sabi kasi ni Miss Eve, kahit naiiwan lang siya sa opisina ay maya't-maya kung tumawag si Mr. dela Vega para itanong ang schedules nito. Nagtataka tuloy ako sa set-up nila, ang alam ko kasi kapag secretary dapat ay palagi itong kasama o nakabuntot sa boss nito. Itong si Mr. dela Vega kasi ay mas gusto ang mag-solo flight.

Pagkatapos kong i-double check at i-familiarize ang schedules, tiyempo na pumasok ang janitor na naka-assign sa office ni Mr. dela Vega. Sinabayan ko siya sa paglilinis, siya sa opisina, ako naman ay sa tables. Mahigpit din na bilin ni Miss Eve sa akin na huwag hahayaan ang mga janitor na makialam sa mga tables, lalo na sa office table ni Mr. dela Vega. Hindi rin sila pwedeng maglinis sa loob ng office kapag wala pa ang secretary o si Mr. dela Vega mismo. Walang CCTV sa opisina ng CEO kaya ganito ang patakaran, at hindi ko alam kung bakit 'di nagpalagay ng CCTV sa office niya si Mr. dela Vega, weird para sa akin pero siya naman ang may-ari ng kompanya kaya shut up na lang ako.

Nakatanggap ako ng message kay Miss Eve, may pinapakuha siyang files sa akin sa HR department. Sabay kaming umalis ng janitor sa opisina, at dahil nangako ako na hindi ko iiwan ng matagal ang opisina ng CEO, nagmadali akong kunin ang files mula sa HR. Ang nakakainis lang ay hindi agad ako nakabalik ng office dahil chinismis pa ako ng baklang Assistant Manager ng HR department.

Pabagsak akong naupo sa swivel chair ko nang makabalik ng opisina ni Mr. dela Vega, pambihirang bakla na iyon. Sinayang niya ang fifteen minutes ko dahil lang sa walang kwenta niyang chismis. Ano naman ang pakialam ko kung sobrang gwapo ni Mr. dela Vega? Sa dami-dami niyang sinabi tungkol sa kung gaano ka-perfect ang Big Boss, isang bagay lang ang 'di mawala sa isip ko. Almost perfect na raw ito kung hindi lang pang arc villain ang ugali, at binatilyo pala ang Big Boss. Hindi tulad ng iniisip ko na matandang mayaman madaling mamatay. Arc villain pala, ah? Parang si Voldemort pala si Mr. dela Vega? Now I wonder…bald din kaya siya?

Napaigtad ako nang bigla na lang tumunog ang intercom, iyon ang unang beses na narinig ko iyong tumunog, at pakiramdam ko lalabas sa ribcage ang puso ko sa sobrang kaba. Teka, tumunog. Ibig sabihin nasa loob ng office niya si Mr. dela Vega? Hala ka! Hindi ko siya napansin na pumasok? 'Di kaya dumating siya kanina nang nasa HR department ako? Halaaaa! Dumating siya na walang tao dito sa office 'di niya naman siguro ako pagagalitan, hindi ba?

"Y-yes, Mr. dela Vega?" Napalunok ako ng malaki matapos sagutin ang intercom.

"Why did you take so long to answer?"

"Pasensya na Mr. dela Vega hindi ko—"

"Bring me a cup of black coffee."

"Okay po—" Dismayado akong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga nang inabaaan niya ako at hindi ko natapos ang sasabihin. Hala ano ba 'yan! Hindi na tuloy maganda ang pakiramdam ko, dalawang sunod-sunod na kapalpakan na ang ginawa ko sa araw na ito. Feeling ko disappointed na agad si Mr. dela Vega sa performance ko. Pumasok siya ng office na wala ako at hindi ko agad nasagot ang tawag niya.

Tumayo akong nakasimangot. Hindi kasi talaga ako mapalagay sa nangyari, tanda ko pa ang sinabi ni Miss Eve na kailangan nasa office ako sa tuwing darating si Mr. dela Vega dahil unang-una nitong inaalam ang schedule nito sa buong araw pagpasok pa lang ng opisina. Tapos hindi rin nito gusto na delay kung sagutin ang tawag nito mula sa loob ng office nito. Binatukan ko ang sarili. Nakakainis! Akala ko ba dapat ma-impress ko si Mr. dela Vega? Bakit puro kapalpakan ang ginagawa ko?

Dala ang black coffee ni Mr. dela Vega, tatlong beses akong kumatok sa pinto ng opisina niya bago binuksan iyon at pumasok. Lumapit ako patungo sa office table nito at maingat na nilapag ang tasa ng kape sa ibabaw ng lamesa. Pagkatapos ay tumayo ako ng tuwid at binati siya ng magandang umaga, nag-bow pa ako kahit na hindi naman niya nakikita dahil nakatayo ito at nakaharap sa malaking bintana sa likod ng upuan nito, likod niya ang nakaharap sa akin.

"Wala na ba kayong ipag-uutos Mr. dela Vega?" magalang kong tanong, bahagya na nakayuko ang ulo.

"Aren't you going to apologize to me?" sa halip ay tanong niya. Nakunot ko naman ang noo. Bakit ako mag-a-apologize sa kanya? Dahil ba dalawang beses na akong pumalpak sa araw na ito? Mhmm.. Sige, baka tanggalin niya pa ako kapag hindi ko ginawa.

"Ah, opo. Pasensya na po sa nangyari. 'Di ko na po uulitin. Sisiguraduhin kong nasa opisina na ako sa tuwing darating kayo at sasagot agad ako sa mga tawag niyo." Ilang segundo ang lumipas pero wala akong narinig mula sa kanya, kaya napilitan akong i-angat ang tingin at nahintakutan ako sa nakita.

"Ikaw!" Napa-atras ako sa kinatatayuan, at itinuro ang lalaki sa harap ko. "I-ikaw iyong aroganteng lalaki sa café kahapon!"

"Arrogant?" He clicked his tongue. "Sigurado ka? Arrogante ako?" tanong niya at tinukod ang mga kamay sa gilid ng office table. Bumaba ang tingin ko sa name plate na nakapatong sa ibabaw ng mesa at napalunok ako ng malaki nang basahin sa isip ang nakasulat doon, Hatter dela Vega— Chief Executive Officer.

"Ahaha…" Awkward akong tumawa. "Ito namang si Mr. dela Vega hindi na mabiro," sabi ko sabay kumpas ng kanang kamay. "Si Mr. dela Vega naman. Joke lang po iyong kahapon, pati iyong kanina."  

"Sa tingin mo basta ko nalang palalampasin ang ginawa mo? You can't escape my punishment, Miss Rafael." Napalunok ako ng malaki. Tumayo siya ng tuwid at pinasok ang mga kamay sa bulsa ng pantalon saka lumakad patungo sa harapan ko. Umupo siya sa gilid ng office table niya at pinag-cross ang mga braso sa dibdib. "Hindi ka pa mag-aayos ng mga gamit mo?"

"P-po?"

"Hindi ba obvious? I'm firing you."

"P-po?" Namilog ang mata ko sa gulat. "Pero Mr. dela Vega! H-hindi ko naman po sinasadya ang nangyari kahapon. Isa pa, humingi na rin ako sa inyo ng tawad, hindi pa po ba sapat iyon?"

"Hindi ako mapagpatawad na tao Miss Rafael, kung hindi mo pa alam. Hindi rin ako mahilig sa mga jokes." Napalunok na naman ako ng malaki. Ano ba naman kasi ang mga pinagsasabi ko kanina? Nakakainis! Ano ang gagawin ko? Hindi ako pwedeng matanggal sa trabaho. Paano na lang ang si Lola?

"Mr. dela Vega, please!!" Hindi na ako nag-isip pa at lumuhod na sa harap niya. Paulit-ulit kong kinikiskis ang mga palad at nagmakaawa. Wala na akong pakialam kung ano man ang sabihin niya, desperada na kung desperada, kailangan ko talaga ang trabaho na ito.

"Mr. dela Vega, maawa kayo sa 'kin. Kailangan ko ang trabaho na 'to, kahit ano po gagawin ko para lang mapatawad niyo at hindi tanggalin sa kompanya. Please po, kahit isang pagkakataon lang, promise ibibigay ko ang best ko. Hindi na ako papalpak, promise po iyan. Isang chance lang Mr. dela Vega. Isa lang ang hinihingi ko, please." Kahit ang gumapang sa harap niya ay gagawin ko. Isang pagkakataon lang. Napakalaking opportunity nitong napasok ko at hindi pwedeng sayangin ko lang ito.

"Gagawin mo ang lahat?" 

"Opo, Mr. dela Vega!" Nabuhayan ako sa tanong niya. Sana ay bigyan niya ako ng pag-asa. Isang chance lang, and I'll do my best!

"Okay. I'll let you work for my company on one condition. You'll be my slave secretary," aniya at ngumisi na parang demonyo.

"Po! P-pero Mr. dela Vega huwag naman po ang s*x worker! Kahit naman gwapo kayo at sa tingin ko may magandang katawan, hindi pa rin ako papayag!"

"Anong s*x worker pinagsasabi mo?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Damn. I'm not going to ask you to have s*x with me or what. As if naman papatol ako sa tulad mo. Hindi ko nga alam kung saan ang likod mo o sadyang back-to-back ka lang." Umawang ang labi ko sa tahasan niyang panlalait sa akin.

"Grabe ka, sir! Kahit paano’y may ut*ng naman ako!"

“May ut*ng din ako, Miss Rafael. I don’t need another nipple.” He clicked his tongue. "Ang ibig kong sabihin sa slave secretary, magtatrabaho ka ng hindi nagrereklamo, kahit gaano kahirap ang ipagawa ko o kahit pa araw-araw kang mag-overtime. Hindi ka pwedeng magreklamo o umayaw sa trabaho. Nakuha mo?" 

Tumango ako, napipilitan. "Opo, naiintindihan ko."

"Okay, good. Now go back to work."

Nakasimangot akong bumalik sa lamesa ko sa labas ng opisina ni Mr. dela Vega. Sinimulan ko ang pag-sort out ulit ng mga file, walang ideya na sa susunod na mga araw magiging emyerno ang buhay ko sa kompanya ni Mr. dela Vega.

Kaugnay na kabanata

  • The Mad Chief Executive Officer   Kabanata 3

    "Bakit niyo naman ako pinagtatawanan?" Nakalabi kong tanong kay Miss Eve na kausap ko sa telephone. Isang linggo na ang lumipas mula noong araw na nakilala ko ang Big Boss. Nakabalik na si Miss Eve sa kumpanya noong nakaraan araw pero pinadala naman siya ngayon sa Subic para i-check ang project ng kompanya doon. Ngayon ko lang na-realize kung bakit 'di madalas magkasama si Mr. dela Vega at Miss Eve, sa dami kasi ng ongoing projects kailangan iba-ibang projects ang pagtuonan nila ng pansin. "Hayaan mo, mabait naman 'yan si Mr. dela Vega kapag nakuha mo ang tiwala niya. Ganyan lang 'yan siya ngayon kasi wala ka pang napapatunayan sa kanya, kaya naman always do your best lang, okay?" "Oo naman, Miss Eve. Maraming salamat po sa pagpapalakas ng loob ko—ah, Miss Eve pasensya na pero ibaba ko muna ang phone, tinatawag ako ni Mr. dela Vega sa office." Hindi ko na hinintay ang tugon ni Miss Eve, binaba ko na ang tawag at nagmamadaling pumasok sa loob ng office ng Boss. "Yes, sir?" tanong ko

    Huling Na-update : 2022-05-13
  • The Mad Chief Executive Officer   Espesyal na kabanata

    Hatter’s POV“F*ck!” Frustrated akong napahilamos ng sariling mga palad at pabagsak na umupo sa aking swivel chair. That woman. She's getting on my nerves and never fails to ruin my mood every single day. Hindi na siya nakonteto sa ginawang pag-istorbo sa oras ng pagkain ko, she even dares to blood in front of me and made me smell her damn f*cking sweet blood. My head's spinning like I’m riding a carousel. This is what I loathe the most: the desire to drink the blood of a specific woman. It’s making me crazy.Tumayo ako sa aking kinauupuan at pumasok ng restroom dito sa loob ng aking opisina. Sa sink ako dumeretso at binuksan ang faucet saka naghilamos. I need to calm down before I cannot control myself. Damn that woman. Hinarap ko ang aking reflection sa salamin at ang tila dugo na kulay ng aking mata ang una kong nakita. This is bad. The thirst for blood is consuming my entire system, and I won't be able to endure it for much longer. I must do something!Pasuray-suray akong lumabas

    Huling Na-update : 2022-08-19
  • The Mad Chief Executive Officer   SIMULA

    "Tanggap ka na," pagbabalita ng sekretarya ni Mr. dela Vega. Namilog ang mata ko at hindi makapaniwala. "Totoo? Tanggap na talaga ako? Wala po bang halong biro 'yan?" Hala! Hindi ako makapaniwala. 'Di ko talaga ito inaasahan. Natanggap ako sa isang kilala at isa sa pinakamalaking kompanya sa bansa. Isa lang akong high school graduate, idagdag pang wala akong experience sa trabahong papasukan ko. "Congratulations!" bati sa akin ni Miss Eve, sabay lahad ng kanyang kanang kamay. Naiiyak ko naman iyong tinanggap. "Salamat at binigyan niyo ng chance ang isang katulad ko. Sobrang laking opportunity po itong binigay niyo sa 'kin. Pangako, gagawin ko ang best ko at gagawin ng maayos ang trabaho ko. Patutunayan kong hindi kayo nagkamali sa pagtanggap sa akin." "Miss Rafael, please don't thank me so much. Magaling at may potential ka. No wonder Mr. Lim approves your application. 'Di na kailangan ng mahabang proseso. Ayon at aprobado na agad niya." Napangiti ako ng matamis sa sinabi niya. Gr

    Huling Na-update : 2022-05-13
  • The Mad Chief Executive Officer   Kabanata 1

    THREE DAYS LATER…. "Bow, the front of a vessel. Stern, rear of a vessel. Propeller, rotates and powers a boat forward or backward. Starboard, right side of a vessel. Port, left side of a vessel. Hull, body of a vessel. Gunwale, generally pronounced gunnel, is the upper edge of a vessel's side. Cleat, metal fitting on which a rope can be fastened and navigation lights include all-round white light and red and green sidelights. And that's alL, parts of a marine vessel," may pagmamalaki na sabi ko kay Miss Eve. Todo ang ngiting pumalakpak siya saka proud na yumakap sa akin. "I'm happy with what you've done. Kanina, pinakita mo sa akin na kaya mo ang mga trabaho sa field and now? Locket, you're making me a proud mentor here." Humiwalay siya sa akin at matamis na ngumiti bago hinawakan ang magkabila kong kamay. "I believe you are ready for our boss' return. Balak kitang ipakilala kay Mr. dela Vega sa darating na linggo. Babalik na siya ng Pilipinas at tamang-tama, may charity ball an

    Huling Na-update : 2022-05-13

Pinakabagong kabanata

  • The Mad Chief Executive Officer   Kabanata 2

    Napalingon ako sa pinto ng kwarto ni Apple nang lumabas siya doon. Nakunot ko agad ang noo. "Ang aga mo namang nagising. Anong oras ka ba umuwi kagabi?" "Mga 2am na yata, Bhe," inaantok niyang sagot at nagtungo sa sink para maghilamos ng mukha. "Eh, bakit ang aga mo namang gumising? 1pm pa ang duty mo 'di ba? Matulog ka kaya muna ulit?" hikayat ko at binigay sa kanya ang kapi na ginawa ko. Kagigising ko lang din at magluluto na sana ng agahan namin ni Apple. "Restday ko ngayon." "Oh, 'yon naman pala. Matulog ka na ulit. Minsan ka lang makakabawi ng tulog mo sa pagpupuyat ng anim na araw sa isang linggo." Kasama ko si Apple sa dati kong trabaho sa isang SPA sa may West Avenue. Therapist siya katulad ko, at kung hindi lang dahil sa manyak kong boss na gusto akong maging kabit, hindi ako aalis sa dati kong trabaho. Pero salamat na rin dahil kung hindi ako umalis doon, hindi ako makakapasok sa trabaho ko ngayon, mas maganda at malaki ang sweldo. "Hindi pwede. May date kami ngayon ni J

  • The Mad Chief Executive Officer   Kabanata 1

    THREE DAYS LATER…. "Bow, the front of a vessel. Stern, rear of a vessel. Propeller, rotates and powers a boat forward or backward. Starboard, right side of a vessel. Port, left side of a vessel. Hull, body of a vessel. Gunwale, generally pronounced gunnel, is the upper edge of a vessel's side. Cleat, metal fitting on which a rope can be fastened and navigation lights include all-round white light and red and green sidelights. And that's alL, parts of a marine vessel," may pagmamalaki na sabi ko kay Miss Eve. Todo ang ngiting pumalakpak siya saka proud na yumakap sa akin. "I'm happy with what you've done. Kanina, pinakita mo sa akin na kaya mo ang mga trabaho sa field and now? Locket, you're making me a proud mentor here." Humiwalay siya sa akin at matamis na ngumiti bago hinawakan ang magkabila kong kamay. "I believe you are ready for our boss' return. Balak kitang ipakilala kay Mr. dela Vega sa darating na linggo. Babalik na siya ng Pilipinas at tamang-tama, may charity ball an

  • The Mad Chief Executive Officer   SIMULA

    "Tanggap ka na," pagbabalita ng sekretarya ni Mr. dela Vega. Namilog ang mata ko at hindi makapaniwala. "Totoo? Tanggap na talaga ako? Wala po bang halong biro 'yan?" Hala! Hindi ako makapaniwala. 'Di ko talaga ito inaasahan. Natanggap ako sa isang kilala at isa sa pinakamalaking kompanya sa bansa. Isa lang akong high school graduate, idagdag pang wala akong experience sa trabahong papasukan ko. "Congratulations!" bati sa akin ni Miss Eve, sabay lahad ng kanyang kanang kamay. Naiiyak ko naman iyong tinanggap. "Salamat at binigyan niyo ng chance ang isang katulad ko. Sobrang laking opportunity po itong binigay niyo sa 'kin. Pangako, gagawin ko ang best ko at gagawin ng maayos ang trabaho ko. Patutunayan kong hindi kayo nagkamali sa pagtanggap sa akin." "Miss Rafael, please don't thank me so much. Magaling at may potential ka. No wonder Mr. Lim approves your application. 'Di na kailangan ng mahabang proseso. Ayon at aprobado na agad niya." Napangiti ako ng matamis sa sinabi niya. Gr

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status