Share

Kabanata 1

Author: KUMUSHIRAKO
last update Huling Na-update: 2022-05-13 11:54:59

THREE DAYS LATER….

"Bow, the front of a vessel. Stern, rear of a vessel. Propeller, rotates and powers a boat forward or backward. Starboard, right side of a vessel. Port, left side of a vessel. Hull, body of a vessel. Gunwale, generally pronounced gunnel, is the upper edge of a vessel's side. Cleat, metal fitting on which a rope can be fastened and navigation lights include all-round white light and red and green sidelights. And that's alL, parts of a marine vessel," may pagmamalaki na sabi ko kay Miss Eve. 

Todo ang ngiting pumalakpak siya saka proud na yumakap sa akin. 

"I'm happy with what you've done. Kanina, pinakita mo sa akin na kaya mo ang mga trabaho sa field and now? Locket, you're making me a proud mentor here." Humiwalay siya sa akin at matamis na ngumiti bago hinawakan ang magkabila kong kamay. 

"I believe you are ready for our boss' return. Balak kitang ipakilala kay Mr. dela Vega sa darating na linggo. Babalik na siya ng Pilipinas at tamang-tama, may charity ball ang company natin." Sa hindi ko malamang dahilan, biglang sumakit ang tiyan ko sa naring. Hala! Makikilala ko na ang big boss? Jusko, kakayanin ko ba? Magustuhan niya kaya ako bilang sekretarya niya? Panginoon ko. Paano kung ipatanggal niya agad ako sa trabaho dahil high school lang ang natapos ko? Sana tulad ni Miss Eve bigyan din ako ng chance ng Big Boss. Pero kasi sa nakikita ko sa mga teleserye, masungit ang owner ng mga kompanya, mga matandang suplado, at minsan manyak tulad ng dati kong boss.

"Don't worry, mabait si Mr. dela Vega...."

Tipid akong ngumiti kay Miss Eve. Gumaan ang pakiramdam ko pero hindi ko pa rin mapigilan na mangamba sa mangyayari sa susunod na linggo. Lord, please. Huwag niyo po akong pababayaan.

Pagkatapos naming mag-usap ni miss Eve, una akong lumabas ng opisina ni Mr. dela Vega. Bago umuwi, dumaan muna ako sa sikat na cafe ng building para bumili ng coffee. Mamahalin ang mga kapi nila dito, hindi tulad doon sa amin na tag sampung piso lang ang sachet, pero kung susumahin napaka sarap ng kapi nila sa cafe na ito kaya okay lang din kahit mahal. Si Miss Eve ang nag-introduce sa akin sa cafe na ito at nagustuhan ko agad, mahal nga lang talaga.

“Narig niyo ba ang chismis?” Boses iyon ng babaeng nasa unahan ko sa pila.

“Ano? Iyong tungkol sa tini-train ni Miss Eve? Ay, yes mars! Jusko! Totoo ba? Bobita daw?” Para akong binuhusan ng malamig na tubig na itinuwid ang tayo dahil sa narinig. Ako ba ang tinutukoy nila? Wala namang ibang tini-train si Miss Eve kundi ako.

“Hindi confirm, mars. Pero basi sa narinig ko, high school graduate lang daw si girl. Biruin niyo? Inasam maging secretary ni Sir Hatter, hindi naman qualified ang brain!”

“Naku, baka ang lumandi kay sir ang main goal ni ate. ‘Di ba? Pero duda akong magkakainteres si Sir sa mga bobo.” 

“Right! Balik na lang kamo siya sa lugar na pinanggalingan niya. Hindi naman siya bagay sa position na inaasam niya. Kailangan ni Sir Hatter ng beauty and brain as his secretary.” Mahigpit na kumuyom ang mga kamao ko. Ano ba ang alam nila  tungkol sa ‘kin? Ang dali lang sa kanila magsalita ng masama sa kapwa nila tao kahit hindi naman nila ito kilala ng lubusan. Bakit ganito ang mentality ng mga taong ito? Daig pa ang nabubulok na basura. Ano ngayon kung high school graduate lang ako? Sila nga itong walang pinag-aralan kung umasta, kung manghamak ng kapwa akala mo sila ang Diyos.

"Excuse me, am I the one you're referring to? I overheard you mention my mentor, Miss Eve.” Nakuha ko ang buong atensyon ng tatlong babae. “Oh, right! Please accept my apologies for interrupting your conversation. By the way, my name is Locket, and yes! I'm a high school graduate,” patuloy ko at naglahad ng kamay pero nakatanga lang ang mga ito sa akin, kaya nagsalita akong muli, “would you mind telling me the company’s policy? I don't remember all 17 policies, but I do remember; equal opportunity, workplace health and safety, and employee disciplinary action policy. How about you? Do you remember anything?” Hindi pa rin nakasagot ang mga ito. Gulat at sobrang pagkapahiya ang nakapaskil sa mukha ng mga ito. Proud akong tumayo at pinag-cross ang mga braso sa dibdib. 

“Sa susunod, makakarating na ito sa HR,” mataray kong sabi at proud pa rin na tinalikuran sila. Lumabas ako ng cafe at sa elevator ng building dumeretso. Kasabay ng pagsara ng pinto ang pagkaubos ng lakas ko. Para akong hihimatayin na sumandal sa wall ng elevator at hinawakan ang dibdib ko na sobrang bilis ng tibok nito. I did great, right?

***

Nag-aayos ako ng mga file sa computer nang pumasok si Miss Eve, may kausap sa telepono at mukhang may hatid na masamang balita ang kung ano mang pinag-uusapan nila ng kausap sa kabilang linya. Hinayaan ko siya na palakad-lakad sa opisina at itinuon ko na lang ang atensyon sa ginagawa. I'm sorting out the files, iyong mga naging project ng kompanya. Inaayos ko ito base sa pagkasunod-sunod kung anong taon natapos, at kung anu-ano ang mga on going at pending.

Ngayon ko lang napagtanto kung gaano talaga kalaki ang kompanyang pinasukan ko. Sa dami ng mga naging projects, siguradong kulang ang isang araw para i-sort out ang lahat ng files. Alam ko na ngayon kung bakit puro nagtataasang mga filing cabinet ang loob ng opisina ni Mr. dela Vega. Nagmukhang wall ng office niya ang mga filing cabinet.

"I understand…" Napatingin ako kay Miss Eve. Hindi pa rin ito tapos makipag-usap sa phone, curious tuloy ako. Sino kaya ang kausap niya? Ang boss kaya namin? "Okay, ako nang bahala. Make sure that he'll be fine."

"May nangyari po ba?" tanong ko nang ibaba na niya ang tawag. Stressed na umupo siya sa kanyang table at sumandal sa upuan niya.

"Mr. dela Vega accidentally broke his arm, ako ang pupunta ng Batangas para i-check ang projects natin doon. Okay lang sayo na ikaw na muna ang maiiwan dito sa opisina?"

"Okay lang naman, Miss Eve."

"Bukas na lang kita tuturuan paano gumawa ng application for salvage permit." Tumango ako. After ko kasi i-sort out ang mga file ay gagawa dapat kami ng application for ship salvaging permit. Pero 'yon nga, aalis siya patungo ng Batangas dahil may emergency si Mr. dela Vega at 'di ito makakapunta.

Ngayong araw ang balik ng boss namin ng Pilipinas, after ng out of the country business meetings nito. Pero mukhang sa ospital o sa bahay ang diretso nito sa halip na dito sa opisina. Hindi ko alam kung madidismaya ba o magsasaya dahil delay ang meeting namin ng Big Boss.

Busy ako sa ginagawa na trabaho kaya hindi ko napansin na lunch break na pala, kung hindi pa ako napatingin sa wall clock ng office hindi ko na isipan na kumain. Dahil sa nangyaring insidente sa cafè sa ibaba, iniwasan ko na ang makisalamuha sa mga tao dito sa opisina. Nasaktan talaga ako sa sinabi nila sa akin, kahit pa nagawa kong ipagtanggol ang sarili sa kanila may naging epekto pa rin iyon sa akin. Nakakainis lang kasi ang ginawa nila, hinuhusgahan agad nila ako kahit hindi nila ako kilala sa personal. Ayuko mang isipin ang nangyaring insidente, may takot na akong humarap sa ibang kasamahan ko sa trabaho. Natatakot akong maliitin na naman nila ang pagkatao ko.

Sinigurado kong na-save ko ang inaayos kong mga files bago pinatay ang computer at tumayo para kumain ng lunch. Bitbit ang lunch box na hinahanda ko tuwing umaga bago pumasok ng trabaho, tinungo ko ang elevator. Sa cafeteria kami madalas mag-lunch ni Miss Eve, ngunit dahil hindi ko kasabay si Miss Eve kailangan kong maghanap ng lugar na hindi crowded. At ang rooftop ng building ang unang pumasok sa isip ko. Pagdating ko ng rooftop, naghanap lang ako ng pwedeng upuan at nagsimula nang kumain ng dala kong lunch. Fried rice iyon na pinarisan ko ng ginataang langka at pritong biya. Syempre, hindi mawawala ang favorite kong cassava cake na isa sa mga best delicacies sa lugar namin sa Laguna.

Tapos na akong mag-lunch at babalik na sana sa opisina ng aking boss nang biglang bumukas ang pinto ng rooftop. Nataranta akong nagtago sa likod ng tinambak na sirang mga gamit ng opisina. Hala! Bakit ako biglang nagtago? Naku para akong tanga sa ginawa ko. Sumilip ako mula sa pinagtataguan para i-check kung sino ang taong dumating. Pero namilog ang mata ko nang makita ang couple na naghahalikan. Hala bakit naman ganyan? Muli akong nagtago.

Hindi ako makabalik sa loob dahil sa kanila. 'Di ko rin naman pwedeng i-excuse ang sarili dahil ang alam nila ay walang tao dito. Kainis naman! Bakit ba kasi dito pa sila gumagawa ng milagro. Speaking of milagro… Sa tingin ko ay hindi na lang halikan ang pinagsaluhan ng mga ito. Dinig na dinig ko kasi ang mga "oh" at "ah" ng babae habang ang lalaki naman ay panay ang pagmumura. Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Nakakainis!

Dahil ayaw ko na mahuli nila ako na nahuli silang gumagawa ng milagro, sinikap kong itago ang sarili sa likod ng mga sirang gamit hanggang sa hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako sa paghihintay sa kanila na matapos. Nagising ako sa sikat ng palubog na araw sa hapon. Kalmado akong nag-unat, pagkatapos ay tinignan ang relo sa aking bisig. Nagulat ako nang makitang tapos na pala ang oras ng trabaho. Hala ka! Uwian na!!

"Anak ng pitong pating. Paano ko ipapaliwanag ang ginawa ko? Walang tao sa opisina sa buong maghapon!" Mabilis pa sa takbo ni lola akong tumayo at natataranta na nilisan ang rooftop. Ano ba 'yan. Sobrang katangahan naman ng ginawa ko! Iniwan kong walang tao ang opisina. Paano na lang kung may tumawag sa telephone na importanteng kleyente? O 'di kaya ay may naghatid ng papeles mula sa ibang department. Malilintikan talaga ako nito. Plus, hindi ko pa natatapos i-sort out ang mga files!

Lakad takbo ang ginawa ko para lang mabilis na makarating sa opisina ni Mr. dela Vega. Muntik pa akong madapa nang matanggal ang sapatos sa paa ko, hiram ko lang ang sapatos na ito sa kaibigan kong si Apple. Sa apartment niya ako pansamantalang nakatira. Actually, siya ang nagtulak sa akin na mag-apply sa company na ito at nagpapasalamat ako na ginawa niya iyon. I got this wonderful job because of her. May hatid na swerte talaga sa akin ang kaibigan kong iyon kahit pa nitong taon lang kami nagkakilala sa dati kong trabaho sa SPA, bilang therapist.

Huminto ako sa harap ng pinto ng opisina ni Mr. dela Vega para maghabol ng sariling hininga. Naitukod ko pa ang mga kamay sa sariling mga tuhod sa sobrang paghingal. Grabe ang tinakbo ko! Sana lang hindi pa nakabalik si Miss Eve, kung hindi talagang malilintikan ako.

"Salamat naman!" Nakahinga ako ng maluwag nang makitang walang tao sa loob ng opisina. Ang ibig kong sabihin, doon sa pwesto namin sa labas ng opisina ni Mr. dela Vega. Nagtungo agad ako sa pwesto ko, doon sa table na lagayan ng mga file na binakante lang ni Miss Eve para may magamit ako pansamantala. Binuhay ko ang computer at agad inasikaso ang trabaho na iniwan ko kanina. Pambihira naman kasi. Sa lahat ng oras na pwedeng makatulog ako ay sa oras pa ng trabaho, sana lang talaga ay hindi ako magkaroon ng problema at hindi masibak.

"Kasalanan talaga ito ng mga taong iyon! Bakit ba kasi doon pa nila naisipan na— haist!!" Ginulo ko ang sariling buhok at asar na pinadyak ang mga paa. Wala akong gaanong nakita pero halos masira ang tenga ko sa ingay ng babaeng iyon! Parang baboy na kinatay sa sobrang ingay! Grabe!

Tuluyan ng nilamon ng lupa ang araw nang magpasya akong huminto sa ginagawa. May isa pang box ng file ang hindi ko nagagalaw, pero dahil tinawagan ako ni Miss Eve kanina at sinabing bukas na lang tapusin ang inutos niya. Nag-decide na akong itigil ang pag-sort out ng mga files at magligpit na ng gamit ko, baka rin kung hindi pa ako uuwi mahirapan na akong makasakay ng bus dahil sa dami ng tao. Dito kasi sa Maynila para kang sasabak sa giyera kapag rush hour. Paunahan, at pagalingan sa paghabol ng bus at jeep para lang makasakay.

Napadaan ako sa favorite café namin ni Miss Eve, napalunok ako nang mag-crave ng kape na palagi naming iniinom. Parang gusto kong bumili, kaya lang wala si Miss Eve at may trauma pa ako noong huling sinubukan kong bumili ng kape ng ako lang mag-isa. Baka may mga katrabaho na naman akong makaharap na masyadong bitter sa existence ko sa kumpanyang ito. 'Di ako totally takot sa kanila dahil kaya ko naman na ipagtanggol ang sarili ko kung gugustuhin ko, ang sa akin lang ay ayaw ko na magkaroon ng kaaway dito o kaya ay magkaroon ng bad record sa HR dahil natatakot akong mawalan ng trabaho. Sayang, malaki pa naman ang sahod ko dito kung sakaling hindi ako matanggal.

"Naku, bahala na nga!" saad ko sa sarili at lumakad patungo sa entrance ng café. 'Di ko naman siguro sila makikita dito, gabi na at siguradong halos lahat ay umuwi na. At tama nga ako, walang pila sa counter at iilan lang ang mga nakatambay sa loob. Swerte pa rin talaga ako kahit paano.

Iced Flat White ang order ko. I waited for a couple of minutes bago nakuha ang order ko. Umalis agad ako at hindi na piniling tumabay pa sa café dahil nga naghahabol ako ng oras. Palabas na ako ng pinto nang biglang may lalaking sumulpot sa harap ko mula sa kung saan. Lumaki ang mata ko at namilog ang bibig nang mabuhos ko sa suit niya ang laman ng hawak kong cup. Hala! 

"Tonta!"

"Hala! S-sorry, hindi ko sinasadya. Bigla ka na lang kasing sumulpot kung saan." Sinubukan kong punasan ng hawak na tissue ang suit niyang nabuhusan ko ng kape.

"Lumayo ka nga!" I fall back, nang bigla niya akong itulak palayo. "Stop touching me. Are you a maniac?" akusa niya para manlaki ulit ang mga mata ko.

"Hala! Hindi, ah! Pinupunasan ko lang ang damit mo, kung makapagsalita ka naman!" 

"Stupid girl. Get out of my way," insulto niya at tinulak na naman ako kaya napunta ako sa gilid niya. Masama ang tingin ko sa kanya. Aba! Stupid girl pala, ah? Hindi ko na napigilan ang kamay ko at kusa na lang iyong gumalaw dahil sa galit ko. Binato ko sa kanya ang hawak na cup at tumama iyon sa likod niya. I heard the other customer gasped, nabasa na rin ang likod na parti ng suit nito. Pero wala akong paki, sino ba siya para insultuhin ako? Si Jesus nga na anak ng Diyos hindi nang iinsulto, siya pa na tao lang at hindi perpekto! Kapal ng mukha.

"You little son of a b*tch!!" galit na bulyaw niya nang harapin akong muli. He walked towards me. Nag-panic ako dahil doon at basta na lang tumakbo palabas ng café, he tried to run after me pero mas mabilis ang takbo ko palabas ng building. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga tao, basta tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa makarating sa bus top. Tyempo naman na may humintong bus kaya sumakay agad ako nang hindi man kang chini-check kung saan papunta ang bus na iyon. Bahala na! Sumilip ako sa bintana at nahagip ng tingin ko ang lalaki. Hala! Sira ulo! Talagang hinabol ako hanggang dito? Nasalubong ko pa ang galit nitong mga mata. Baliw! Sana hindi na kita makita, aroganteng nilalang!

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Salvia Avery
Humabol sa bus si sir. Naalala ko tuloy si Dao Ming Si .........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • The Mad Chief Executive Officer   Kabanata 2

    Napalingon ako sa pinto ng kwarto ni Apple nang lumabas siya doon. Nakunot ko agad ang noo. "Ang aga mo namang nagising. Anong oras ka ba umuwi kagabi?" "Mga 2am na yata, Bhe," inaantok niyang sagot at nagtungo sa sink para maghilamos ng mukha. "Eh, bakit ang aga mo namang gumising? 1pm pa ang duty mo 'di ba? Matulog ka kaya muna ulit?" hikayat ko at binigay sa kanya ang kapi na ginawa ko. Kagigising ko lang din at magluluto na sana ng agahan namin ni Apple. "Restday ko ngayon." "Oh, 'yon naman pala. Matulog ka na ulit. Minsan ka lang makakabawi ng tulog mo sa pagpupuyat ng anim na araw sa isang linggo." Kasama ko si Apple sa dati kong trabaho sa isang SPA sa may West Avenue. Therapist siya katulad ko, at kung hindi lang dahil sa manyak kong boss na gusto akong maging kabit, hindi ako aalis sa dati kong trabaho. Pero salamat na rin dahil kung hindi ako umalis doon, hindi ako makakapasok sa trabaho ko ngayon, mas maganda at malaki ang sweldo. "Hindi pwede. May date kami ngayon ni J

    Huling Na-update : 2022-05-13
  • The Mad Chief Executive Officer   Kabanata 3

    "Bakit niyo naman ako pinagtatawanan?" Nakalabi kong tanong kay Miss Eve na kausap ko sa telephone. Isang linggo na ang lumipas mula noong araw na nakilala ko ang Big Boss. Nakabalik na si Miss Eve sa kumpanya noong nakaraan araw pero pinadala naman siya ngayon sa Subic para i-check ang project ng kompanya doon. Ngayon ko lang na-realize kung bakit 'di madalas magkasama si Mr. dela Vega at Miss Eve, sa dami kasi ng ongoing projects kailangan iba-ibang projects ang pagtuonan nila ng pansin. "Hayaan mo, mabait naman 'yan si Mr. dela Vega kapag nakuha mo ang tiwala niya. Ganyan lang 'yan siya ngayon kasi wala ka pang napapatunayan sa kanya, kaya naman always do your best lang, okay?" "Oo naman, Miss Eve. Maraming salamat po sa pagpapalakas ng loob ko—ah, Miss Eve pasensya na pero ibaba ko muna ang phone, tinatawag ako ni Mr. dela Vega sa office." Hindi ko na hinintay ang tugon ni Miss Eve, binaba ko na ang tawag at nagmamadaling pumasok sa loob ng office ng Boss. "Yes, sir?" tanong ko

    Huling Na-update : 2022-05-13
  • The Mad Chief Executive Officer   Espesyal na kabanata

    Hatter’s POV“F*ck!” Frustrated akong napahilamos ng sariling mga palad at pabagsak na umupo sa aking swivel chair. That woman. She's getting on my nerves and never fails to ruin my mood every single day. Hindi na siya nakonteto sa ginawang pag-istorbo sa oras ng pagkain ko, she even dares to blood in front of me and made me smell her damn f*cking sweet blood. My head's spinning like I’m riding a carousel. This is what I loathe the most: the desire to drink the blood of a specific woman. It’s making me crazy.Tumayo ako sa aking kinauupuan at pumasok ng restroom dito sa loob ng aking opisina. Sa sink ako dumeretso at binuksan ang faucet saka naghilamos. I need to calm down before I cannot control myself. Damn that woman. Hinarap ko ang aking reflection sa salamin at ang tila dugo na kulay ng aking mata ang una kong nakita. This is bad. The thirst for blood is consuming my entire system, and I won't be able to endure it for much longer. I must do something!Pasuray-suray akong lumabas

    Huling Na-update : 2022-08-19
  • The Mad Chief Executive Officer   SIMULA

    "Tanggap ka na," pagbabalita ng sekretarya ni Mr. dela Vega. Namilog ang mata ko at hindi makapaniwala. "Totoo? Tanggap na talaga ako? Wala po bang halong biro 'yan?" Hala! Hindi ako makapaniwala. 'Di ko talaga ito inaasahan. Natanggap ako sa isang kilala at isa sa pinakamalaking kompanya sa bansa. Isa lang akong high school graduate, idagdag pang wala akong experience sa trabahong papasukan ko. "Congratulations!" bati sa akin ni Miss Eve, sabay lahad ng kanyang kanang kamay. Naiiyak ko naman iyong tinanggap. "Salamat at binigyan niyo ng chance ang isang katulad ko. Sobrang laking opportunity po itong binigay niyo sa 'kin. Pangako, gagawin ko ang best ko at gagawin ng maayos ang trabaho ko. Patutunayan kong hindi kayo nagkamali sa pagtanggap sa akin." "Miss Rafael, please don't thank me so much. Magaling at may potential ka. No wonder Mr. Lim approves your application. 'Di na kailangan ng mahabang proseso. Ayon at aprobado na agad niya." Napangiti ako ng matamis sa sinabi niya. Gr

    Huling Na-update : 2022-05-13

Pinakabagong kabanata

  • The Mad Chief Executive Officer   Kabanata 1

    THREE DAYS LATER…. "Bow, the front of a vessel. Stern, rear of a vessel. Propeller, rotates and powers a boat forward or backward. Starboard, right side of a vessel. Port, left side of a vessel. Hull, body of a vessel. Gunwale, generally pronounced gunnel, is the upper edge of a vessel's side. Cleat, metal fitting on which a rope can be fastened and navigation lights include all-round white light and red and green sidelights. And that's alL, parts of a marine vessel," may pagmamalaki na sabi ko kay Miss Eve. Todo ang ngiting pumalakpak siya saka proud na yumakap sa akin. "I'm happy with what you've done. Kanina, pinakita mo sa akin na kaya mo ang mga trabaho sa field and now? Locket, you're making me a proud mentor here." Humiwalay siya sa akin at matamis na ngumiti bago hinawakan ang magkabila kong kamay. "I believe you are ready for our boss' return. Balak kitang ipakilala kay Mr. dela Vega sa darating na linggo. Babalik na siya ng Pilipinas at tamang-tama, may charity ball an

  • The Mad Chief Executive Officer   SIMULA

    "Tanggap ka na," pagbabalita ng sekretarya ni Mr. dela Vega. Namilog ang mata ko at hindi makapaniwala. "Totoo? Tanggap na talaga ako? Wala po bang halong biro 'yan?" Hala! Hindi ako makapaniwala. 'Di ko talaga ito inaasahan. Natanggap ako sa isang kilala at isa sa pinakamalaking kompanya sa bansa. Isa lang akong high school graduate, idagdag pang wala akong experience sa trabahong papasukan ko. "Congratulations!" bati sa akin ni Miss Eve, sabay lahad ng kanyang kanang kamay. Naiiyak ko naman iyong tinanggap. "Salamat at binigyan niyo ng chance ang isang katulad ko. Sobrang laking opportunity po itong binigay niyo sa 'kin. Pangako, gagawin ko ang best ko at gagawin ng maayos ang trabaho ko. Patutunayan kong hindi kayo nagkamali sa pagtanggap sa akin." "Miss Rafael, please don't thank me so much. Magaling at may potential ka. No wonder Mr. Lim approves your application. 'Di na kailangan ng mahabang proseso. Ayon at aprobado na agad niya." Napangiti ako ng matamis sa sinabi niya. Gr

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status