Share

Chapter 2

Author: LadyAva16
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

"Pack all your things Alejandra, you'll stay in my unit. " diritso lang ang tingin ng seryosong mukha ni Kuya Gustavo sa akin. Walang itong pakialam sa nag-aalburutong kapatid na halos mag-isang linya na ang kilay dahil kanina pa nangungulit sa akin na doon din ako titira sa kanya. Padabog pa itong tumayo saka lumapit sa akin.

"She'll stay in my unit nga Kuya, kulit mo din e. " protesta ni Gaston sa nakakatandang kapatid pero hindi siya pinapakinggan nito. "Mas maaalagaan ko si Z kung magkasama kami sa condo." dagdag niya pa.

"Are you not thinking Gaston? Gusto mo bang isipin ni Noel na binabahay mo ang kapatid niya?" Halatang napipikon na si Kuya Gustavo sa kakulitan ni Gaston. Tama nga naman si Kuya Gustavo. Isa pa, ano na lang ang iisipin ng mga magulang nila diba?

Si Kuya Gustavo at Kuya Noel na kapatid ko ang magbestfriend kaya alam kong pino-protektahan niya din niya ang friendship nila at the same time ayaw niya ring ma bad-shot ang kanyang kapatid. Kuya Gustavo is mature enough when it comes to decision making hindi katulad namin ni Gaston na padalos-dalos lang.

"It's fine Kuya, e di sasabihin ko kay Kuya Noel na ako ang ama ng baby ni Z." nakangising sagot nito na tila ba hindi nag-iisip. "Easy..."

Tahimik lang ako at palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ng  nagbabangayan. Kung sana pinayagan na nila akong umuwi e di nasa apartment na ako ngayon nagpapahinga. Absent ako ngayong araw sa trabaho ko sa hotel dahil sa nangyari pero bukas papasok na ako ulit. Sabi naman ng doktora okay lang magtrabaho ako basta doble ingat lang at wag magpa-stress sa trabaho.

"Sa condo tayo, Z, ha?" mahinang sabi niya pero narinig ni Kuya kaya lalo lang itong nainis sa kanya. Ewan ko ba sa magkapatid na to, parang nakikipag kompetensiya pa sa isa't isa, e pwede naman na nila akong iwan dahil ayos na ako. Nakakahiya tuloy dahil alam kong nakakaabala na ako sa kanila. Siguro nasa meeting ang mga ito ngayon kung walang nangyari sa akin.

"Will you please shut up Gaston! You're not helping, you know that?" annoyed na saway ni Kuya pero bago pa sila mag-away nagsalita na ako. 

"Kuya Gustavo, Gaston, doon na lang ako sa apartment. Ayos lang naman ako doon." mahina kong sabat sa usapan nila.

Sabay silang dalawang tumingin sa akin na tila ba hindi nila nagustuhan ang sinabi ko kaya agad akong yumuko. 

"Ayos lang po talaga ako Kuya, Gaston, hindi ko naman pwedeng iasa sa inyo ang buhay ko. Malaking abala lang ako sa inyo." mahina kong sabi pero yon ang totoo.

Problema ko kasi to kaya ako ang maglulutas nito pero ayaw naman paawat ng dalawang magkapatid.Tumahimik saglit, akala ko papayag na sila pero muling nagsalita si Gaston.

"Ikaw kasi Kuya e, sabing sa akin siya sasama ang kulit mo pa." aniya na may halong paninisi. Pinanlakihan ko siya ng mata pero mukhang hindi naman nito na gets ang ibig kong sabihin ayan tuloy lalong nagalit si Kuya.

"Quit playing Gaston, pababalikin kita sa hacienda!" banta nito sa kapatid at nakita kong natigilan si Gaston. Gusto ko tuloy matawa sa reaksyon niya. Takot pala ang kumag pabalikin sa hacienda kaya nabahag ang buntot. Sabagay sanay na kasi ito sa city life dahil nga galing US kaya siguro takot na doon sa plantasyon nila iikot ang buhay niya kung totohanin ni Kuya ang sinasabi niya. Nakakatakot naman din kasi to si Kuya Gustavo, hindi lang sa salita pati na rin sa mukha kasi sobrang seryoso na para bang laging galit sa mundo.

Tumayo ito saka umakbay sa kuya niya. "Si Kuya di na mabiro."aniya at peke pa itong ngumiti kay Kuya saka bumaling sa akin. "Wag kang mag-alala Z, magkatabi lang naman yong unit namin ni Kuya, pwede naman akong tumambay doon Kuya diba?"

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa sinabi ni Gaston. Kung ganito kakulit ang magiging kapitbahay ko baka mas mapaaga ang panganganak ko. Hindi parin kasi talaga nagbago itong kababata ko, napakakulit pa rin.

"Kuya ha, doon ako tatambay sa unit mo." pangungulit niya pa pero hindi siya sinagot ni Kuya at tinanggal pa nito ang kamay niyang nakaakbay dito.

"Let's go Alejandra." ani Kuya saka inalalayan na ako palabas.

True to his words, Gustavo Sandoval won't take no for an answer kaya heto ako ngayon isa-isang nililigpit ang mga gamit ko sa dati kong apartment. Ngayong araw ding 'to lilipat na ako sa condo unit niya sa Makati. Wala naman daw gumagamit nun kaya pumayag na ako. Gusto ko ngang kutusan kanina si Gaston, nakikipag bangayan pa siya kay Kuya gayong magkatabi lang naman pala ang unit nila.

Si Gaston naman, wala ng nagawa dahil natakot na baka pauwiin ni Kuya sa hacienda. Nakakatuwa lang na kahit malaki na si Gaston takot pa rin ito kay Kuya, halatang malaki ang respeto niya para sa nakakatandang kapatid.

Pinag-book na rin ako ng ticket ni Kuya Gustavo para sa pag-uwi ko sa Davao. Ipapaalam ko sa mga magulang ko ang nangyari sa akin pero babalik pa rin ako dito sa Manila para sa trabaho ko. Tatapusin ko lang ang kontrata ko sa hotel at uuwi din ako ng Davao para manganak.

Hindi naman ibig sabihin na nabuntis ako ay titigil na ang buhay. Ngayon pa ba ako susuko na nadagdagan na ang mga taong maging inspirasyon ko para lalong magpursige sa buhay?

My parents might be disappointed pero alam kong maiintindihan nila ako. Ipagpapatuloy ko pa rin naman ang pangarap ko. Life must go on. Sa panahon ngayon, hindi pwedeng maging mahina. Hindi lang naman ako ang single mom sa mundo. 

Tama nga ang sinabi ni Kuya Gustavo, may mga nangyayari sa buhay na hindi natin inaasahan pero magbibigay ito ng malaking leksyon sa atin at siguro nga sa akin ito na yon. Itong pagbubuntis ko ang maging turning point ng buhay ko at nasa sa akin na kung paano ko ito haharapin.

"Z, saan ka natulog kagabi? Anong oras natapos ang duty mo bakit ngayon ka lang umuwi?" malambing na tanong niya sa akin. Siya si Gia ang kaibigan at roomate ko.

Natigil ako sa pagliligpit ng mga gamit ko at humarap sa kanya.  Hindi ko namalayan na dumating na pala siya, wala kasi ito kanina dito sa loob nung dumating ako. Akala ko nga hindi kami magpang-abot dalawa ngayon.

Lumapit ito sa akin saka malambing na yumakap. Yayakap din sana ako pabalik sa kanya pero natigilan ako ng mapansin kong suot niya na naman ang isa sa mga dress ko. Hindi naman sa nagdadamot ako pero hindi lang kasi ito ang unang beses na ginamit ni Gia ang mga damit ko ng hindi nagpapaalam sa akin.

"Ay Z, pasensiya ha, hiniram ko kahapon kasi hindi ako nakapaglaba ng damit." sabi niya dahil napansin niya ang reaksyon ko.

Roomate ko si Gia at isang taon na din kaming magkasama. Magkaedad kaming dalawa, magkasing tangkad tsaka magkasing katawan lang kaya madalas kaming mapagmakamalan dawala. Parehas kaming morena tsaka pareha din ang haba ng buhok namin. Dagdagan pa na isang letra lang ang pinagkaiba ng first name naming dalawa. Kung nakatalikod ito iisipin mo talagang siya ako lalo na kapag suot niya ang damit ko. 

Wala naman akong problema sa pagsuot-suot niya sa ibang mga damit ko kaso lang madalas kasi hindi siya nagpapaalam. Tsaka paanong hindi mauubos ang mga damit niya e halos gabi-gabi siyang gumagala. Wala naman sa akin kung gagala siya kasi nasa tamang edad na siya yon nga lang sana wag niyang gamitin ang mga gamit ko.

"Galit ka, Z ?" paglalambing niya." Sorry na...promise hindi na ulit ako manghihiram ng damit mo. Lalabhan ko din ito agad , lagyan ko ng downy para mabango."

Umiling na lang ako sa kanya, ano pa bang magagawa ko? Gustuhin ko mang magalit sa kanya wala na din namang silbi dahil tapos niya ng suotin ang damit ko. Saka ang damit na suot niya ngayon ay regalo pa ni...n-niya sa akin na ayoko ng gamitin.

"Sayo na yan Gia, hindi ko din naman yan magagamit." 

Nakitang kong kumislap ang mga mata niya. Matagal ko din naman kasing napapansin na gusto niyang hiramin tong damit kaso hindi lang nakahanap ng bwelo. Nakakainis lang isipin na sinuot niya ito ng hindi nagpapaalam sa akin gayong pwede niya naman akong etxt kung wala ako dito.

"Salamat Z, ang bait-bait mo talaga." aniya saka umikot pa para ipakita sa akin ang damit na suot niya. "Bagay sa akin Z, diba? Salamat talaga at magka-size lang tayo ang dami ko ng naa-arbor na damit sayo."

Tipid lang akong ngumiti sa kanya. Parehas naman sana kaming may trabaho ni Gia pero hindi ko alam kung bakit hindi siya bumibili ng mga gamit niya. Kahit nga dito sa bahay umaasa siya sa akin. Minsan nakakainis na pero mas lamang pa rin ang awa ko sa kanya dahil alam ko din naman na bread winner siya sa pamilya nila. 

"Nga pala Z, dumaan si Sir Monroe dito kahapon hinahanap ka, may pinabibigay sayo." Binuksan niya ang kabinet at may inabot sa aking paper bag. Tinanggap ko ito pero hindi ko muna tiningna ang laman, mamaya na lang.

Si Sir Monroe ang lalaking tinulungan ko sa parking lot ng hotel. Night shift ako nun at lumabas ako saglit para bumili ng hapunan. Nang dumaan ako sa parking area nakita ko ang lalaking nahihirapang huminga bago pa ito makapasok sa sasakyan niya. Mabilis akong tumawag ng ambulansya kaya naligtas siya. Napag-alaman naming galing pala sa meeting si Sir sa loob ng hotel at bigla na lang itong inatake pagkalabas niya. Simula nun naging kaibigan ko na ito at parang anak na ang turing niya sa akin.

"Salamat Gia." pasalamat ko saka pinagpatuloy ang pagliligpit sa mga gamit ko. " Nga pala Gia, lilipat na ako ng bahay. May nakita akong lipatan na malapit lang sa trabaho ko."

Yon ang naisip kong rason kung bakit ako lilipat, pero totoo din naman. Hindi ko lang sasabihin sa kanya ang address dahil baka makikitira din siya sa akin,nakakahiya kay Kuya Gustavo.

Hindi siya umimik maya-maya ay bigla na lang itong yumakap sa akin mula sa aking likuran. "Kaya ka ba lilipat dahil sa nakikialam ako sa mga gamit mo?" malungkot niyang tanong sa akin. Marahan kong tinapik ang kamay niyang nakayakap sa akin saka ngumiti. Kahit na ganito ang ugali ni Gia, mabait naman ito sa akin.

"Ano ka ba, hindi yon ang dahilan. Kailangan ko lang kasi dahil nahihirapan na akong magbyahe kapag night shift ako."

Hindi siya nagsalita kaya muli akong napatigil sa pagliligpit saka humarap sa kanya. Bakas sa mukha ni Gia ang lungkot pero kailangan ko rin kasi itong gawin para sa aking sarili. Kalaunan masasanay rin naman siyang hindi na kami magkakasama.

"Sigurado ka na ba talaga? Hindi na ba magbabago ang isip mo?" paninigurado niya pa sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya saka tumango. "Malulungkot ako dahil nasanay na akong nandyan ka, pero kung yan ang desisyon mo wala na akong magagawa. Maghahanap na lang ako ng ibang makakasama dito para may kahati ako sa bayad."

"Pasensiya kana Gia ha, kailangan ko din kasing mag-ipon, tsaka nagkataon na walking distance lang ang bagong unit, I mean ang bagong apartment ko sa hotel na pinagtatrabahuan ko." tumango lang ito sa akin saka tinulungan na ako sa pagliligpit. Ang ibang damit na nagamit na ni Gia ay iniwan ko na sa kanya. Remembrance ko na lang din tsaka pag lumaki na ang tiyan ko hindi ko rin naman na magagamit. 

***

"Feel free to use all the things here in my unit Alejandra. If you want to change the curtains or some of the things here, it's fine with me. Just call me and I'll wire you the money." 

"Ayos na ito Kuya, nakakahiya na po talaga sa inyo." tanggi ko saka umupo sa sofa. Kaming dalawa lang ni Kuya ang nandito ngayon dahil may emergency meeting daw si Gaston.Ayaw pa nga sana akong iwan pero ako ang nagpumilit sa kanya, andito naman kasi si Kuya kaya ayos lang.

Inilibot ko ang tingin sa paligid. Ang laki ng unit ni Kuya Gustavo, mas malawak kesa sa unit ni Gaston. Tatlo ang rooms, master's bedroom ang inukopa ni Kuya, yung isa ginawang gym tapos ang isa para sa guest at yon ang gagamitin ko.

His unit is warm and cozy. Mabango tsaka malinis, hindi halatang walang nakatira dito. Unang tingin palang alam mo ng lalaki ang nakatira dito. Combination of white and gray ang pintura pati na rin ang lahat ng gamit sa loob. Wala masyadong dekorasyon sa loob maliban sa isang abstract painting na nakasabit sa dingding. Minimalist din ang design ng sofa ni Kuya na bumagay sa interior design. All things are properly organized. 

Ang sabi ni Kuya sa akin umuuwi lang siya dito sa unit niya kapag may meeting siya dito sa Manila. Ayaw niya daw maki-share sa unit ni Gaston kasi kung sino-sino lang daw ang pinapapasok nito doon.

"Kuya, salamat ha." sabi ko ng umupo siya sa sofang katapat ko.

"For what?" kunot noong tanong niya sa akin.

"For helping me." sagot ko. Tipid akong ngumiti sa kanya pero diristo pa rin ang tingin niya sa akin na tila ba binabasa niya kung anong nasa isip ko. " Ang laki ng abala ko sa inyo Kuya kaya salamat talaga. Habang buhay kong tatanawing utang na loob sa inyo ni Gaston. Balang araw pagsisikapan kong makabawi sa kabaitan niyo sa akin."

"Don't think about it."  sagot niya sa akin. " What I want you to do is stand up. You have to be strong for your baby, Alejandra."

Tumango ako sa kanya. Tama si Kuya hindi na lang ito tungkol sa akin ngayon o sa nararamdaman ko. May bata sa aking sinapupunan na kailangan kong buhayin at panindigan.

Natahamik kaming dalawa. Wala akong topic na maaring buksan kasi hindi naman talaga kami close ni Kuya gaya ng closeness namin ni Gaston pero maya-maya lang ay muli itong nagsalita.

"Are you sure you still want to work in that hotel?" natigilan ako sa tanong ni Kuya. 

Naisip ko kung hindi sa hotel saan? Wala din naman kasi akong ibang mapagtatrabahuan pa maliban sa hotel na dati ko ng pinapasukan, lalo na ngayong buntis ako. Ayoko din namang tumambay doon sa Davao at maging pabigat sa mga magulang ko. Sayang din ang ilang buwan na sasahurin ko kung hindi ako magtatrabaho lalo na ngayong kailangan kong mag-ipon para sa panganganak ko.

"There's a chance that he might see you there? Or maybe he's now looking for you. " 

Malungkot akong ngumiti kay Kuya Gustavo saka umiling. Hindi ko sinabi kanya ang ginawa niya sa akin kaya nasasabi nito ngayon na baka hinahanap niya ako. Kung alam mo lang Kuya baka pati ikaw isumpa mo ang gagong yon.

Katulad kanina hindi pa din nagbabago ang reaksyon ng mukha ni Kuya. Naisip ko tuloy kung ganito ba siya sa lahat ng mga nakakausap niya?

"Hindi niya na ako hahanapin Kuya." sagot ko at gusto ko  na sanang sabihin kay Kuya na ayoko siyang pag-usapan kaso nakkatakot ang anyo ng mukha niya dahil hindi ko mababasa kung ano ang emosyon dito.

"Why?" isang salita lamang pero alam kong nagbabadya ito ng panganib kapag hindi ako maging maingat sa sagot ko. Hindi sa gusto ko siyang protektahan, ayoko lang mandamay ng ibang tao.

 " Tinapos niya na ang lahat sa amin, Kuya." dama ko ang pait sa salitang lumabas sa aking bibig pero yon ang katotohanan.

 Klarong-klaro sa akin ang lahat ng sinabi niya. Hinding-hindi ko kakalimutan ang pagtaboy at pagyurak niya sa aking pagkatao. Hinding-hindi ko kakalimutan ang masasakit na salitang binitawan niya sa akin.

Lumunok ako dahil pakiramdaman ko nanunuyo na naman ang lalamuna ko at naiiyak na naman ako. 

"What if he finds out that you're pregnant? Do you think he will not take your child away from you?" tanong niya na tila ba naka base sa sagot ko kung anong susunod niyang sabihin. 

Hindi agad ako nakasagot dahil hindi ko rin naman alam ang isasagot sa kanya. May magbabago ba kapag nalaman niyang buntis ako? Sa baba ng tingin niya sa akin hindi malabong iisipin lang nitong sa ibang lalaki ang dinadala ko. Ayokong pati ang batang nasa sinapupunan ko ay madamay sa pangyuyurak niya sa akin.

"Work with Gaston then, that way he won't find you. I'll make sure of that." he said with finality. I know if he said so, he sure would do it.

Naluluha akong tumingin kay Kuya Gustavo.  Sobra-sobrang pagmamalasakit na ang ginawa niya sa akin. Tama si Kuya kung sa hotel ako magpapatuloy ng trabaho malaki ang posibilidad na magkita kami ulit pero kung kay Gaston ako magtatrabaho at tutulungan ako ni Kuya, hinding hindi na muling magkrus ang landas naming dalawa.

"Salamat Kuya." hindi ko na napigilan ang aking sariling maging emosyonal ulit. Lumipat ako sa tabi niya saka yumakap sa kanya. Naramdaman kong natigilan siya sa ginawa ko,huli na ng marealized ko ang awkward pala kasi hindi ko naman siya kapatid saka hindi din nami super close. Kakalas na sana ako sa kanya pero  naramdaman ko rin ang pagyakap niya sa akin.

"I'm always here for you, Alejandra. Be strong."

Comments (5)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
tama yan zia huwag ka na magwork dahil siguradong magkkita lang kayo ni Eithan
goodnovel comment avatar
LadyAva16
Thanks po sa support......
goodnovel comment avatar
LadyAva16
Thanks po...️...️...️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Lost Billionaire   Chapter 3

    Sa susunod na buwan manganganak na ako. Dito pa rin ako nakatira sa condo unit ni Kuya Gustavo. Tahimik akong nakamasid sa mga ilaw mula sa street light sa baba. I was caressing my swollen tummy while singing a lullaby for my baby inside until he stop kicking and fall asleep.Ang bilis lang lumipas ng mga araw sa isang buwan makikita ko na siya at mahahawakan. Marahan kong nilapat ang likod ko sa sandalan ng upuan ng muli kong maramdaman ang mahinang pagsipa ng anak ko. Mataman kong tinitigan ang tiyan kong umaalon dahil sa mga galaw niya na tila ba ayaw pa nitong matulog at gusto pang maglalaro sa loob ng tiyan ko."Football player ka ba anak? Ang lakas sumipa ah..." nakangiting tanong ko sa kanya, muli itong sumipa kaya mahina akong natawa.This baby boy inside me is so playful, palagi niyang pinapalakas ang loob ko sa panahong nakakaramdam ako ng pagod at gusto ko ng sumuko. Ang mumunting galaw niya sa loob ng tiyan ko ang pumapawi sa lungkot na aking nararamdaman sa tuwing nag-ii

  • The Lost Billionaire   Chapter 4

    "Galit ka ba sa akin gurl?" bungad ni Mica sa akin. Malungkot ang boses niya kaya nagtataka akong napalingon sa kanya. Kararating niya lang habang ako naman ay naghahanda na para sa trabaho ko mamaya sa opisina ni Boss.Yes! Sa opisina lang ni Boss kasi kapag andito siya sa bar siya lang ang pinagsisilbihan ko gaya ng sabi niya at kapag wala naman siya--na madalang namang nangyayari ay doon ako sa counter pero walang nakakalapit sa akin dahil may naka assign na bouncer."Bakit naman ako magagalit sayo Mica? May ikagagalit ba ako?" ganting tanong ko sa kanya habang putuloy na inaayos ang sarili. I have to atleast look good kahit na si Sir Ethan lang naman ang pinagsisilbihan ko doon sa taas. Muli akong bumaling sa kaibigan ko, nanatili itong nakatayo sa pintuan, pinapadama niya talaga sa akin na nagtatampo siya. Nagmessage ito sa akin kagabi pero kaninang umaga ko na nabasa. Sinabi niyang nagtatampo daw siya sa akin pero hindi rin naman binanggit kung ano ang dahilan.Kung may mata

  • The Lost Billionaire   Chapter 5

    Warning: SPGHe carried me inside his room without breaking our kisses. I held into him tightly, ang dalawang kamay niya ay nakaalalay sa pang-upo ko habang ang mga paa koy nakapulupot sa kanyang katawan.Marahan niyang binuksan ang pintuan habang patuloy pa rin ang pakiki-espadahan ng dila niya sa akin at sinara niya ito gamit ang kanyang paa. Hindi kinaya ng lamig mula sa aircon sa kanyang silid ang init na hatid ng katawan niya. We are still fully clothed but I can still feel the heat emitting from his body.He kisses trailed down to my jaw. I closed my eyes as I felt the sensation travelling through my entire body. Dahan dahan siyang umupo sa bagong sofang nakita ko sa kanyang silid. He said to me the other day that he brought this new tantra for someone special."Do you know how much I wanted to ravish this lips?" He whispered sensually resting his back on his love chair while I was facing him. My legs are on both side straddling him and my hands are on his nape."But you're not

  • The Lost Billionaire   Chapter 6

    Warning: READ RESPONSIBLY_______________________________"What are you doing, Roe?" I asked in a small voice na feeling ko ako lang ang nakakarinig sa sobrang hina nito. Nagsisimula na kasing magbago ang reaksyon ng aking katawan dahil sa mga daliri niyang mahinang humahaplos sa akin."I'm giving you a massage, Baby."Namumungay ang kanyang mga mata habang nakatunghay sa aking mukha at sa aking pagkababae.Meron palang ganitong klase ng masahe? Ngayon ko lang ata ito narinig eh, ang alam ko lang kasing masahe ay yong sa katawan lang, body massage. But this one is new to me at sa kanya ko lang nalaman."You'll enjoy it, trust me."Nawalan ako ng lakas na magprotesta ng sinimulang nitong igalaw ang mga daliri sa paikot na paraan. Marahan at banayad lang ang paghaplos niya dito ngunit may kakaibang init na hatid sa aking katawan. Parang muli na naman niyang pinapaypayan ang apoy na ginawa niya kanina sa akin."Do you really need to do that?" nahihibang kong tanong sa kanya. Nag-iinit na

  • The Lost Billionaire   Chapter 7

    Kinabukasan maaga palang pansin ko na ang pagiging aligaga ni Gia. Hindi ko alam kung ano na naman ang gagawin niya ngayong araw at kanina pa ito paikot-ikot at hindi mapakali. "Z, hindi ako matutulog ngayong gabi dito." Sabi ni Gia na busy sa kung ano man ang pinagkakaabalahan niya ngayon.Busy ako sa paglilinis sa maliit naming apartment dahil wala namang panahon si Gia maglinis dito. Sabado ngayon at wala akong pasok sa paaralan pero meron akong duty sa bar mamaya. Hindi talaga mapirmi si Gia dito sa apartment, parang sinisilihan ang puwet niya kapag andito siya.Kung sana sa mga ganitong araw dahil parehas naman kaming walang pasok ay tinutulungan niya ako hindi din ako mapapagod ng ganito. HIndi na nga siya tumutulong sa paglilinis, siya pa ang makalat. Kung saan-saan niya lang nilalagay ang mga gamit niya. Kung saan siya makahubad ng sandals at sapatos niya, doon niya na lang din iniiwan. Para siyang may taga-sunod ng kalat niya. Minsan nga ako pa ang nagtutupi ng kumot niya.

  • The Lost Billionaire   Chapter 8

    "What's bothering you, Baby?" Nag-aalalang tanong ni Ethan sa akin kasi kanina pa ako walang imik.Sinundo niya ako sa school ngayon dahil sabay kaming magdi-dinner bago kami pupunta sa bar niya.Kahit sa buong klase namin kanina tahimik lang ako. I'm bothered by Gia's behavior lately. Napansin ko kasi na simula nung hindi ko siya pinahiram sa dress na gusto niya last week hindi na siya masyadong kumikibo sa akin. Hindi din siya sumasabay ng kain sa akin, pinapatapos niya muna ako saka siya kakain. Mas nakakainis pa kasi hindi na nga siya nagbibigay sa akin pambili ng pangkain namin, hindi na nga tumutulong sa pagluto, hindi niya pa talaga hinugasan yong pinagkainan niya.Hindi lang tungkol sa pagkain, meron ding time nahuli ko siyang may dinalang lalaki sa room namin. Ang sabi niya hindi naman daw ito nagtagal doon, may kinuha lang daw at pinapasok niya lang saglit kasi ang daming tsismosang nakatingin sa labas. Pero kasi meron na kaming usapan dati na hindi pwede magpapasok ng lala

  • The Lost Billionaire   Chapter 9

    "Are you sure you're okay here, Baby?" Malambing na tanong ni Ethan sa akin. "Why don't you come with me? I will introduce you to my dad." hmm...tempting but no.Ngumuso ako sa kanya saka umiling. "Next time, Roe. Yung nakapaghandan naman ako. " alam ko namang hindi ito ang tamang panahon para makilala ang dad niya. Isa pa nahihiya ako kasi naka-uniporme na naman ako ngayon. Sinundo ulit ako ni Ethan kanina sa school para ituloy sana ang naudlot naming dinner date nung nakaraan. After nung encounter namin ni Georgina months ago, ngayon lang ulit kami lumabas. Mas gusto ko pa kasing doon sa opisina niya kami mamalagi kesa sa lumabas, tsaka busy din si Ethan kasi siya na ang nagmamanage sa ibang business nila. Ang iba naman unti-unti pang nililipat ng daddy niya sa kanya."Bakit ngayon pa kasi siya tumawag?" bulong-bulong niya pa."I will just call my dad to cancel the meeting, Baby.""Ano ka ba? Ayos ng lang kasi ako, baka importante ang sasabihin ng dad mo."Sakto kasing malapit na ka

  • The Lost Billionaire   Chapter 10

    "Sir pasensya na po pero bilin po sa amin ni Doc Gwy at Sir Nate na dito isasakay si Ma'am sa ambulansya para makasiguro." magalang na pakiusap ng nurse sa supladong si Ethan. Ayaw kasi nitong sa ambulansya kami sasakay papuntang hospital kaya tumawag ang nurse kay Doc Gwy at sa sinasabi nitong Nate para humingi ng tulong dahil matigas ang ulo ni Ethan."I can take care of my girlfriend." masungit niyang sagot sa mga ito. "Pero kasi Sir..."Matalim pa itong tumingin sa nurse bagot sinagot ang tumatawag sa kanya."The fuck Nathaniel?!" bungad nito sa kausap niya. Nagkatinginan kami ng nurse at ako na lang ang huminging dispensa sa kanila. "Sorry" senyas ko sa kanila."I can use car my brute!...I don't care about the traffic...""...Tang-ina!..""...Gago ka din! Siguraduhin niyo lang na mabilis ang pagdala niyo sa kanya sa hospital."Siguro sinasabi nung kausap niya na baka matagalan kami kapag ang sasakyan niya ang gagamitin namin. Tama nga naman kung nasa ambulansya kami pwede namang

Latest chapter

  • The Lost Billionaire   Epilogue Last Part

    Friday came, bukas na ang birthday ni Mamang Alice pero bago ako magpapahatid kay Simone sa Davao dinaanan ko muna si Mommy. Maingat kong binaba ang dala kong isang pumpon ng lilies at cake na paborito ni Mom at nakangiti akong humarap sa kanya. Sa tuwing nalulungkot ako at gusto kong may makausap maliban sa mga kaibigan ko dito ako sa musoleo ni mommy pumupunta.Kay mommy ko kinukwento kung anong mga nararamdaman ko. Sa kanya walang pag-aalinlangan kong nilalabas kung anong mga nasa puso ko. Madalas dito ko malayang pinapakwalan ang mga luha ko dala ng pangungulila ko kay Zia. "Mom, another year had passed." malungkot kong panimula. "Hindi ko na alam ang gagawin ko Mom, I'm so tired, I'm so weak but I don't want to give up..." nagsimula ng manlabo ang mga mata ko dahil sa namumuong luha. "Pagod na pagod na ako Mommy pero hindi ako pwedeng sumuko. Wala akong karapatang sumuko dahil ako ang dahilan kung bakit nya ako iiwan.P-pero hanggang k-kelan a-ako maghihintay Mom? I did everythi

  • The Lost Billionaire   Epilogue Part 5

    I was very furious. My heart was filled with so much anger and I don't want to give any mercy to those who were involved in framing-up my baby. After weeks of thorough investigation with the help of my friends. We found out that it was Georgina and her two other sisters, Gia who happened to be my baby's housemate and Micaela who's one of my employee and Zia's friend. "I'm sorry, Roe." Georgina's annoying voice made me more angry at her. "I just did that because of my love for you." "Love?" I held her chin tightly and I saw her winced in pain. "You b*tch! How many time I told you that I don't like you. Even if you're the only one left in this world I will never like you! Walang-wala ka sa kalingkingan ng baby ko. Look at yourself, you're like a cheap whore!" I shouted with disgust in her face. Nakita ko ang pagdami ng luha sa kanyang mga mata pero wala akong naramdamang awa sa kanya...sa kanila. Marahas kong binitawan ang mukha niya at lumipat kay Gia. Tahimik lang itong umiiyak,

  • The Lost Billionaire   Epilogue Part 4

    Marahas akong napalunok pagkatapos ng umupo ito sa harap ko, pati si papang ay nakita kong napalunok din. Kaya pala pinapalagay niya ang itak ni papang sa kusina at pumasok siya sa silid nila dahil may kinuha pa ito. Hindi lang simpleng baril kundi isang shot gun.Pinatong niya ito sa hita niya at diritsong nakatingin sa akin."Anong ginawa mo sa prinsesa namin?""I'm sorry..." dalawang salita palang at nag-uuanahan na ang mga luha sa aking mga mata. I don't know how to start, sa dami ng naging kasalanan ko sa prinsesa nila. Hindi ko nga alam kung pagkatapos nito mapapatawad ba nila ako. Baka pati sila kamuhian ako. "I'm so sorry, I hurt the princess." My cries filled the room, I can even hear my own sobs. "I di horrible things to her, tinulak ko siya palayo sa akin. Nagalit ako sa kanya na hindi ko man lang pinakinggan ang side niya. Niyurakan ko po ang pagkatao ng prinsesa, winasak ko po ang puso niya at nandito ako ngayon para magpakumbaba at humingi ng tawad sa kanya."Inisa-isa

  • The Lost Billionaire   Epilogue Part 3

    "No! No! I can't...." My body started shaking after she closed the door. This is what I want right? Pero bakit ang sakit-sakit? Pinagbabasag ko ang anumang bagay na aking mahawakan. Ito ang gusto ko pero bakit nasasaktan ako? Tang-ina! Why do I have to feel this pain?"I hate you Zia!" I screamed like crazy. "I hate you for doing this to me! I love you so much but why did you you hurt me like this?" I cried harder and louder. Para akong mababaliw sa sakit na nararamdaman ng puso ko. I love her...I love her so much.Gusto ko siyang habulin, gusto kong bawiin lahat ng masasakit na salitang binitawan ko sa kanya."I can't do this...hindi ko kayang mawala siya sa akin.""Baby I'm sorry...I'm sorry...I didn't mean it...please forgive me..."Nagmamadali akong tumayo, walang pakialam kung ano ang ayos ko. I know I looked miserable right now but I need to follow her. "Zia! Zia! Baby!" I'm screaming her name. Wala akong pakialam kung sino man ang mga nakakasalubong ko. "Baby please I'm sorr

  • The Lost Billionaire   Epilogue Part 2

    "I'm not getting any younger son, I need your help in our business." mahinahong sabi ni Daddy sa akin.Nandito ako ngayon sa opisina niya dahil pinatawag niya na naman ako. Ayoko nga sanang pumunta dahil alam ko naman kong anong pakay niya but out of respect pumunta pa rin ako. We seldom see each other, basta ang alam ko lang ngayon ay sa hotel siya namamalagi at yun ang pinagtutuunan niya ng pansin. "I told you Dad, I don't want to manage the hotel. My bar is doing well and I'm working with Hendrick. I'm earning well and I'm fine with it."Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng tinanggihan si Daddy pamahalaan ang negosyo niya. Lumaki akong malayo ang loob sa kanya at kahit ilang beses niya na akong kinausap na e-manage ang hotel na iniwan ni Mom sa akin ay hindi ko ito tinatanggap.I want to prove to him that I will be successful even without his help. Instead of helping him in his empire I chose to work with Hendrick Valderama while slowly building my own name. Lumalaki na din

  • The Lost Billionaire   Epilogue Part 1

    ETHAN'S POV"Huy bro sinong sinisilip mo dyan? Patingin..." William's annoying voice stopped me from looking at the kid who's busy watering the veggies and other flowers.Kanina ko pa ito nakitang pabalik-balik sa poso para umigib ng tubig pandilig sa mga tanim niya. Para bang wala lang sa kanya ang bigat ng dalawang maliliit na galon ng tubig at pansin ko pang parang ang saya pa nito sa ginagawa niya.I'm having my coffee now at mula dito sa terrace kita namin ang mga tauhan ng mga Valderama na busy sa kani-kanilang mga gawain. Maganda na sana ang gising ko kaso maaga din akong binulabog ni William."Will you please leave me, Guerrero? I want to have my peace." Ke-aga aga ang taas na ng energy niya. Okay lang naman sana kaso wala ako sa mood, kakatawag lang ni Daddy sa akin at pinapauwi niya na ako. I still don't want to go home, wala naman kasi akong gagawin dun. Maiiwan lang din naman akong mag-isa dahil busy naman si Dad sa work niya. After my mom died, he made himself busy that

  • The Lost Billionaire   Chapter 53

    Pagkatapos naming kumain ang-aya na si Ethan na aalis kami dahil may ipapakita daw siya sa akin. Pero bago yun, nakita ko pang seryoso silang nag-usap ni Daddy Mon. Nagpaalam din si Daddy sa akin na isama niya si Dalton at siya na ang bahalang maghatid sa bahay mamaya. Ang anak ko naman ay nakiayon din sa Lolo niya at nakita ko pang nagtatawanan ang dalawa nung palabas na ang mga ito. They're acting weird. Anong meron?Bago kami tuluyang nakalabas biglang tumunog ang phone ni Ethan. Actually kanina ko pa napapansing busy siya sa phone niya pero hindi lang ako nag-usisa.Nakita ko ang pangalan ni Simone sa screen niya bago niya ito sinagot. "Yes, Brute..." sagot niya saka muling nakinig sa kausap. "okay...yeah...thanks" Tumang-tango at nagpasalamat bago pinutol ang tawag.Hindi niya pa naibabalik ang phone sa pantalon niya ng muli na naman itong tumunog. It's William this time. Muli napakunot ang noo ko dahil parang balisa si Ethan ayaw niya lang ipahalata sa akin."Dude..." bungad

  • The Lost Billionaire   Chapter 52

    "Mom, Dad, Lolo is calling..." sigaw ni Dalton mula sa labas ng silid. Katatapos ko lang magbihis at si Ethan ay naghihintay na lang sa akin. Pangiti-ngiti habang nakaupo sa sofa at parang high school lang kung makatitig sa crush niya. "You're taking too much time again, Daddy." bungad nito pagkabukas ni Ethan ng pinto."I'm done son, I'm just waiting for Mommy." sagot niya. "You look handsome in that polo young man." puri niya sa anak. Dalton is wearing white polo shirt, maong pants and white sneakers. Simple lang ang suot ng anak ko pero ang gwapo niya pa rin tingnan. "Dad, you're just trying to say that you look handsome too because we look a like, right?" ganti ng bata sa kanya na lalong ikinangisi ni Ethan. Parehas kasi sila ng suot dalawa. Pati ayos ng buhok parehas din, crew-cut at parehas may guhit sa kilay. Maangas tingnan pero bagay naman. Ngayong lumaki na si Dalton lalo lang itong naging kamukha ng daddy niya. It's like every time I look at my son, I am looking at the

  • The Lost Billionaire   Chapter 51

    I am not feeling well.Maaga na naman akong nagising dahil parang hinalukay ang tiyan ko at gusto kong ilabas ang lahat ng kinain ko kagabi. Masakit at namamalat ang lalamunan ko pagkatapos kong sumuka kahit wala pa naman akong nakain ngayong umaga. Nitong mga nakaraang araw palagi na lang masama ang pakiramdam ko sa tuwing umaga. Kagabi naman maaga din akong natulog pagkatapos kong lantakan ang taho na pinabili ko kay Ethan galing Baguio. Damn! Ayoko ng kumain ng taho. Siguro may nilagay sila ni Simone doon dahil ang layo ng pinagbilhan ko sa kanila. I hate them! Isusumbong ko talaga si Simone sa kaibigan ko mamaya. Makikita niya!Nanghihina akong tumayo at nagmumog. Kailangan ko na sigurong magpacheck-up. Namumutla ako at feeling ko ang laki ng eyebags ko. Ang pangit-pangit ko na, parang gusto ko tuloy maiyak habang nakatingin sa sarili ko sa salamin. Ang ganda ko pa nung umuwi ako dito galing Amerika pero ngayon ang pangit ko na. Mukha akong pinabayaan sa kusina at bigla ata ako

DMCA.com Protection Status