Xyrica’s POV: Noong malapit na kami kay Michiaki ay kumaway ito na may malapad na ngiti— hindi niya man lang alam kung ano ang aabutin niya sa akin. Hindi niya rin kami hinintay na makalapit sa kanya kasi sinalubong niya kami. “Magkasama pala kayong tatlo? Kaya pala walang tao sa Clinic,” ito ang sabi niya sa amin matapos niya kaming makaharap. “I— uh. We,” nurse Dawn hesitated. Hindi niya siguro alam kung paano sabihin kay Michiaki na alam ko na ang totoo— na hindi na nila kailangang magpanggap na walang alam. I cleared my throat and glared at Michiaki. Then I chimed in, “Ang akala ko ba’y hindi ka makakasabay sa amin ngayon kasi may problemang hinaharap si Allen sa business niya? At saka hindi ka man lang nagtext na makakapunta ka naman pala.” “Ah. Malaki talaga ‘yung problema sa club, pero mabilis niyang natapos ang pag-asikaso. Hindi nga siya humingi ng tulong sa amin kahit nasa tabi niya lang kami. Matapos ma-solve ng problema sa club ay umalis kaagad siya kasi may aasikasuhi
Xyrica’s POV:Humingi ulit ng tawad si nurse Dawn matapos ipaliwanag sa akin kung bakit nagpa-DNA test siya na hindi man lang nagpaalam sa akin. Ipinaliwanag niya rin sa akin kung paano, ano, saan, at kung kailan siya nakakuha ng sample na ginamit niya sa DNA test. Doon ko lang din naintindihan kung bakit medyo weird ang pakikitungo niya sa akin, lalo na noong mga panahon na dinala nila ako sa hospital.Umamin naman si nurse Dawn na walang alam si Michiaki sa lahat ng ginawa niya, at aksidente lang din ‘yung pagkakarinig niya sa katotohanan. Nanahimik na lang si Michiaki kasi kilala niya naman ang ugali ko… alam niya na kung magpapaliwanag pa siya ay mas maiinis lang ako sa kanya. Hindi naman kasi mababago ng paliwanag niya ang katotohanang nilihim niya sa akin kahit alam niyang malaking bagay ito para sa akin.Naiinis ako, pero hindi ito ang panahon para iwasan ko si nurse Dawn. Kailangan ko pa kasing malaman sa kanya ang totoo… tungkol sa aksidenteng nangyari kina mama, papa, at sa
Xyrica’s POV: Ilang beses nagprotesta si Michiaki sa ideyang hindi dapat siya kasali sa usapan— kasi kaya niya naman daw protektahan ang sarili niya at lalaki raw siya. Pero hindi ako nagpatinag kasi hindi niya naman ito problema. Nainis pa nga siya kasi masyado raw madaya na mananatili rito si Cyborg habang siya ‘yung aalis. Mabuti na lang at hindi niya ipinamukha sa akin ang ilang taon na pagkakaibigan namin kasi pinakalma siya ni nurse Dawn. “You really care about your friends,” ito ang sabi sa akin ni nurse Dawn pagkatapos umalis ni Michiaki sa Clinic nang padabog. Umiling lang ako sabay sabing, “It’s not that I care about my friends, but I didn’t want them to mess my life even further. Ang ibig kong sabihin ay kilala ko na sila— at sigurado akong mas pipiliin nilang huminto ako ginagawa ko kesa makita akong makamit ang hustisya na hinahanap ko.” Hindi ko alam kung maiintindihan ba ni nurse Dawn ang ibig kong sabihin, basta’t nasabi ko na ang opinyon ko. Kilala ko ang Akinomo P
Xyrica’s POV: Hindi ko pa nga natatanong kay nurse Dawn kung bakit ako napunta sa puder nina lolo at lola, pero umiiyak na siya nang malakas. Iba talaga siguro ang guilt na nararamdaman niya dahil sa nangyari. Kung ang iniisip niya ay isa akong masamang kapatid— ayos lang sa akin. Kailangan niya pa rin namang malaman ang totoo kahit papaano. Hindi ko naman puwedeng asahan ‘yung ex-boyfriend ni nurse Dawn kasi hindi ko naman siya kilala, at saka wala akong tiwala sa taong iyon. “Hindi ba sinabi sa ‘yo ng ex-boyfriend mo?” Tanong ko sa kanya. Hindi pa rin nagbabago ang reaksyon ko kahit nakikita ko siyang umiiyak. Wala kasi akong naramdamang awa sa kanya kahit kaunti man lang. Si Cyborg lang ang may ganang tumayo, at lumapit kay nurse Dawn upang patigilin siya sa pag-iyak. Walang sinabi si Cyborg sa akin, siguro ay naiintindihan niyang kailangan ko talagang ipaalam kay nurse Dawn ang totoo. Lalo na ngayong ayaw pa sabihin sa akin ni nurse Dawn kung sino ang may pakana sa aksidente no
Xyrica’s POV:A day passed, but nurse Dawn didn’t even reach out to me once. And I couldn’t bring myself to reach out to her first because I had made myself clear before I left the Clinic. She’ll know where to find me if she ever changes her mind. But for now, Cyborg and I will continue to search for the culprit using the information we gathered.Now wasn’t the time to settle and wait, especially when a new letter came in before I went to the classroom. It’s from the anonymous person again, whom we think is Joy. I hadn’t opened the letter even though I was dying out of curiosity— because I was with Akinomo Phoenix Gang when I received the letter. My friends even thought the letter came from a secret admirer, which made me jokingly gag after they commented.Yuan, Warren, and JL pushed me to open the letter and see what was inside, but I had to dismiss their idea how many times. It’s good that today was a bit busy because of the pop quizzes that our teachers made us do. It made my frien
Xyrica’s POV: Isang araw pa ang lumipas, pero hindi pa rin nag-reach out sa akin si nurse Dawn. Mukhang buo na yata ‘yung desisyon niya na hindi tumulong sa amin ni Cyborg— kahit alam niyang ginagawa ko lang naman ito para sa pamilya namin. At saka hindi ko pa rin siya nakakausap tungkol sa sulat na natanggap ko kagabi dahil nga ayaw ko rin siyang makita. Wala nga rin akong alam kung ano ang ginagawa niya sa ngayon, para sana bumawi sa kapatid niya. Si Cyborg naman ay kahapon pa akong tinutulak na ako na raw mismo ang makipag-usap kay nurse Dawn. Baka raw kasi pareho kaming naghihintay kung sino ang unang kumausap sa amin. Pero wala naman siyang magawa noong sinabi ko sa kanya na may ginagawa ako sa ngayon. Hindi ko aaksayahin ‘yung oras ko sa taong ayaw naman akong tulungan. Mabuti pa nga sina Eric at Teresa Magnayon kasi kahit hindi nila kami kaano-ano ay tinulungan pa rin nila kami. Ngayon kasi namin malalaman ang tungkol sa relasyon ni David Corona at ni dean Steinfeld. Ngayon k
Xyrica’s POV:Isang oras ang hinintay namin ni Cyborg bago makarating sina Eric at Teresa Magnayon sa napag-usapang tagpuan. Medyo marami ‘yung tao sa paligid… kasi sa isang public place kami nakipagkita sa kanila, ito rin kasi ang iminungkahi nila. Hindi naman sila nahirapang hanapin kami kasi nasa isang bench lang kami nakaupo ni Cyborg malapit sa kung saan ko ipinarada ang sasakyan.“Pasensya na kayo kung natagalan kami,” paumanhin ni Teresa sa amin.Ngumiti ako sabay sabing, “Okay lang, hindi naman kasi kami nagmamadali. Gusto lang din naming ma-enjoy ito habang nasa labas kami ng Academy.”“Kumain na ba kayo?” Cyborg chimed in.Tumango si Eric at sumagot, “Oo, kaya nga kami natagalan ng kaunti e. Gusto sana namin magtext sa inyo o tumawag, para sana ipaalam ‘yung sitwasyon namin. Kaso natatakot kami ng asawa ko… baka kasi malaman nilang nakikipag-usap kami sa inyo at mawalan pa kami ng trabaho.”Kaya pala kahit minsan ay hindi sila humingi ng number sa amin. Ito rin siguro ‘yung
Xyrica’s POV: I’ve been on my knees for hours while contemplating the next thing I would do since Akinomo Phoenix Gang already knew about my secret adventures with Cyborg. They didn’t bother me, even though I forcefully kicked them out. I know they are dying to know what the box was all about— but I don’t think I need to explain further because the information inside says it all. “This is not how I wanted to do things,” I sighed as I leaned backward. My back is now touching the door. Hindi ko alam kung ano ang maaari kong maramdaman sa panahong ito— kasi naghalo-halo na ‘yung mga bagay na gusto kong matapos. Hindi ko rin alam kung malapit na ba talaga akong matapos sa gusto kong gawin kasi dumarami ‘yung hadlang na hinaharap ko. Kung pareho lang sana kami ng iniisip ni nurse Dawn, edi sana tapos na kaming dalawa ngayon. Napabuntong-hininga ako tapos pilit na tumayo galing sa pagkakaupo sa sahig. Isa-isa kong pinulot ang mga gamit na nahulog dahil sa nangyari kanina. Nakakahiyang is
Celeste Maekawa Crimson’s POV:I felt an immediate rage surging from the pit of my stomach while watching Lucas with handcuffs entering from the other side of the glass. The perpetrator who wrecked the family I once desired is sitting across from me. I never thought that this day would come.“Mayroon lamang kayong labinlimang minuto para makapag-usap,” paalala ng pulis na kasama ni Lucas. Pagkatapos ay iniwan niya na kaming dalawa upang makapag-usap.“Is this one of Xyrica’s tricks to fool me again? Sa tingin ba ninyo’y mauuto ninyo ako sa pangalawang beses?” Lucas asked while smirking. Even after all this time, his smugness never faded.“Xyrica has done her job, Lucas. So tell me, why would my daughter waste her talent for the second time on a pitiful person like you?” I nonchalantly asked as I kept giving him unsympathetic looks. “My daughter must’ve done her best to fool you, knowing you’re on your toes this time. Anyway, hindi ako naparito upang makipagkumustahan sa ‘yo…”“Narito
Xyrica’s POV:Pagkatapos namin makita ang mga senyales na magigising si mama ay kaagad namin siyang dinala sa hospital. Dahil sa nangyari ay hindi na ulit bumalik sa opisina sina tito Leo at nurse Dawn.Mabuti na lang talaga at may kasama ako rito sa bahay… maliban sa nurse na pumalit kay nurse Dawn sa pag-aalaga kay mama. Hindi ko siguro alam kung ano ang gagawin ko kay mama kung ako lang mag-isa.Narinig siguro ng Panginoon ang mga panalangin namin kasi naging maayos na ‘yung sitwasyon ni mama. Walang anumang komplikasyon ang nakita sa lahat ng test na binigay ng doktor. May mga tests nga na hindi na sana kailangan, kaso iyon ‘yung gusto ng mga magulang ni Michiaki. Wala naman kaming magawa kundi sundin ang gusto nila kasi alam kong para rin naman ang lahat sa ikakabuti niya.Pagkatapos ma-discharge ipinagpatuloy niya ang physical therapy na pinag-uutos ng doktor sa kanya. Ako ‘yung sumasama kay mama sa clinic habang ginagawa naman nina Joy at nurse Dawn ang mga gawain nila. Minsan
Xyrica’s POV:Pagkatapos ng tatlong linggong paghihintay ay nahatulan na rin si dean Steinfeld sa lahat ng masasamang nagawa niya sa pamilya namin, pati na rin sa kapatid ni Miss Ludwig. Habambuhay na pagkakakulong ang naging hatol ng hukom para sa kanya at bawal din siyang magpiyansa. Hindi ito ang gusto kong ending para kay dean Steinfeld, pero pinili ko ‘yung daan kung saan ay kailanman hindi ako matutulad sa kanya.Mabilis na kumalat ang balita sa paaralan tungkol kay dean Steinfeld dahil sa tulong nina Michiaki. Nalaman ko ring awtomatikong natanggal na nila si dean Steinfeld sa trabaho. Ito na rin ang pagkakataon na titigilan ko na ang pagtawag kay Lucas Steinfeld ng ‘dean’… kasi sa totoo lang, hindi naman siya karapat-dapat na tawaging dean.Sa kabila nang lahat ay nagpapasalamat pa rin kami ng mga kapatid ko kasi naging maayos naman ang proseso. Naging witness kami ng mga kapatid ko laban kay Lucas Steinfeld at kasama namin doon sina miss Ludwig at Allen.Para naman sa naging
Allen’s POV:Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni dean Steinfeld upang matagumpay na nailabas sa hospital ang pain na ginawa nina Xyrica para sa kanya. Matapos ko kasing bigyan ng babala sina Xyrica at Dawn ay hindi na ako umalis pa sa tabi ni dean Steinfeld. Dahil dito ay napag-utusan niya akong maghintay sa kotse habang siya naman ‘yung papasok sa loob.Wala namang sinabi si dean Steinfeld kung ano ang paraan na gagamitin niya. Hindi man lang siya nagdalawang-isip sa ginawa niya kahit alam niyang maraming CCTV sa loob ng hospital. Nagtaka na lang ako noong nakalabas siya sa emergency exit, tapos buhat niya na ‘yung pain sa bisig niya.Tinulungan ko siyang buksan ang pinto ng sasakyan, at nag-alok akong tulungan siya. Kaso hindi siya pumayag kaya bumalik na lang ako sa loob ng kotse at umupo sa driver’s seat. Naisip ko kasi na baka gusto niya munang makasama ‘yung pain habang natutulog.“Drive fast, but safely. Ayaw kong madisgrasya tayo… lalo na’t kasama natin si Celeste,” utos sa a
Xyrica’s POV:Lumabas ako para tawagan sina Michiaki at ipaalam ang tungkol sa babala na binigay sa amin ni Allen. Gusto ko ring sabihin sa kanya na kung maaari ay lumabas na ‘yung iba sa kuwarto, at magpaiwan lang ‘yung dalawa sa kanila. Kaso ilang beses kong sinubukang tawagan si Michiaki, pero hindi pa rin siya sumsagot. Malapit na akong mainis sa kanya. Ang ginawa ko na lang ay tinawagan ko si Yuan. Mabuti na lang at sinagot niya kaagad ‘yung tawag ko.“Hello, Xyrica? Bakit ka napatawag?” Tanong sa akin ni Yuan.Huminga ako ng malalim para mawala ‘yung inis na nabuo dahil kay Michiaki. At saka ako nagtanong kay Yuan, “Yuan, where is Michiaki? I’ve calling him for ages, but he kept ignoring my calls. Malapit na akong mainis sa kanya. Alam niya ba na may importante sana akong sasabihin sa inyo?”“Ah, si Michiaki ba? Umalis siya rito sa hospital kasi siya ‘yung napag-utusan na bumili ng pagkain. Sa katunayan ay kasama niya nga si JL ngayon e,” sagot ni Yuan. “Naiwan niya rito ‘yung c
Xyrica’s POV:Ipinagtapat ko kaagad kay nurse Dawn ang tungkol sa DNA test na ginawa ni Joy, matapos niya akong bigyan ng pahintulot. Kaagad naman akong pinagsabihan ni nurse Dawn na pabalikin si Joy sa bahay ni tito Leo para silang dalawa naman daw ang mag-usap. Pero bago ang lahat ng iyan ay ilang minuto rin naming kinausap si Joy para lang hindi niya kamuhian ‘yung sarili niya.Malaki kasi ang naging epekto ng realidad sa emosyonal na estado ni Joy. Pakiramdam niya raw ay parang hindi na siya nilulubayan ng masasamang balita. Hindi pa nga raw natatapos ang isang balita ay may susunod naman… mas malala pa kaysa sa una. Wala kaming masabi sa parteng iyon kasi totoo naman ang sinasabi niya. Hindi naman kami Diyos para baguhin ang mga kapalaran namin.Pinaalala ko na lang sa kanya na may pamilya siya na gusto siyang kilalanin. Alam kong hindi sapat ang sinabi ko para gumaan ‘yung pakiramdam niya, pero pumayag naman siyang makipagkita kay nurse Dawn. May kondisyon nga lang siya… ayaw ni
Xyrica’s POV:Nasa bahay na ako ni Spencer, kasama sina Cyborg at Kris, nang nakatanggap ako ng tawag mula kay Aris. Bago kasi sila umalis ng bahay noon ay nag-iwan sila ng personal card na naglalaman ng mga cellphone number nila. Kaya noong binigay sa akin ni nurse Dawn ‘yung cellphone niya ay tinawagan ko sila upang malaman nila na may cellphone na ulit ako. Bumili na lang si nurse Dawn ng bago kasi wala naman talaga sa isip kong magka-cellphone ulit.“Hindi ka pa ba papasok, Xyrica?” Tanong sa akin ni Spencer matapos pumasok nina Cyborg at Kris sa loob.I raised my hand so he would know I’m telling him to wait. Then I replied, “Sandali lang, Spencer. Sasagutin ko muna itong tawag… baka kasi importante e. Susunod na lang ako sa inyo sa loob kapag natapos ako. Ayos lang ba?”Tumango si Spencer, at iniwan ako sa labas ng bahay nila. Mabuti na lang at hindi masyadong mainit dito sa labas… makakaya kong makipag-usap kay Aris ng ilang minuto. Hindi na ako nag-atubiling sagutin ang tawag
Xyrica’s POV:Nagawang tapusin nina Michiaki ang proyekto nang limang araw sa tulong nina miss Ludwig at ng mga kaibigan niya, pati na rin sa tulong ni tito Leo. Wala silang kinuhang eksperto para tumulong sa kanila kasi sila lang mismo ang nagtulungan sa isa’t isa.Si Van, bilang top one sa Gangster Academy, ay ipinakita niya ang kakayahan niya sa pag-imbento. Sa wakas at may pakinabang na rin ang talento niya laban kay dean Steinfeld. Noong huli kasing nagpakitang gilas siya ay nahuli kami ng mga tauhan ni dean Steinfeld. Kahit na nagtulungan silang lahat ay mas marami pa rin ang nagawa nila ni Alver. ‘Yung iba sa mga kasama nila ay naghihintay lang kapag may utos ang dalawa sa kanila.Dalawang Combat Angels ang nagbagong -anyo. Kung hindi dahil sa Akinomo Phoenix Gang at ni Cyborg… ay baka wala kaming Combat Angels na nagamit. Sila kasi ang gumawa ng paraan upang mailabas ang dalawang Combat Angels na hindi nalalaman ng mga tao. Hindi ko alam kung anong paraan ang ginawa nila, bast
Xyrica’s POV:Naabutan ko si Cyborg na nakatayo malapit sa bintana, at para bang may malalim na iniisip. Ilang beses ko siyang tinawag, pero napansin niya lang ako noong kinalabit ko na siya sa balikat. Kaagad naman siyang bumalik sa pagkaka-upo, at hinihintay akong magsalita.“Parang mas malalim pa yata ‘yung iniisip mo kaysa sa akin,” nagtatakang sabi ko sa kanya.“Pasensya ka na kung hindi ko kaagad narinig ‘yung unang beses na pagtawag mo sa akin, Xyrica. Kumusta nga pala ‘yung pakikipag-usap mo kay Allen? At maaari ko bang malaman kung ano ‘yung pinag-usapan ninyo?” Cyborg curiously asked.Natahimik ako ng ilang segundo kasi nagdadalawang-isip pa ako kung sasabihin ko ba kay Cyborg ang binabalak ko. Hindi pa naman kasi ako sigurado kung matutupad ba ‘yung plano ko at kung kailan. Marami-rami kasi ang mga bagay na dapat kong isaalang-alang bago iyon gawin.“How about we talk about something else? Something that would interest the both of us?” Sabi ko na lang sa kanya. Alam niya na