Xyrica’s POV:“Hey, hey. What’s going on here? I’ve been gone in a split second, only to find the two of you arguing. Can someone please tell me what happened?” Cyborg asked while standing in between nurse Dawn and me. He stretched his arms to make us step away from each other.Kung hindi siguro lumabas si Cyborg sa banyo ay mapupunta sa away ang pag-uusap namin ni nurse Dawn. Sa tingin ko kasi ay walang balak si nurse Dawn na tumigil sa pagsasalita tungkol sa litrato kahit ilang beses ko na siyang pinagsabihan. Kahit kaibigan ko siya ay may limitasyon pa rin ‘yung pasensya ko, at hindi ko na kayang tiisin ang ginagawa niya sa loob ng teritoryo ko.Cyborg looked at me like he was apologizing. Then with a concerned tone, he said, “You need to take a deep breath, okay? I want you to relax for a bit— and try not to take things seriously. I mean, forget whatever is trying to make you feel angry as of the moment.” Then Cyborg looked at nurse Dawn as he continued talking, “Ikaw rin, nurse D
Xyrica’s POV: Noong malapit na kami kay Michiaki ay kumaway ito na may malapad na ngiti— hindi niya man lang alam kung ano ang aabutin niya sa akin. Hindi niya rin kami hinintay na makalapit sa kanya kasi sinalubong niya kami. “Magkasama pala kayong tatlo? Kaya pala walang tao sa Clinic,” ito ang sabi niya sa amin matapos niya kaming makaharap. “I— uh. We,” nurse Dawn hesitated. Hindi niya siguro alam kung paano sabihin kay Michiaki na alam ko na ang totoo— na hindi na nila kailangang magpanggap na walang alam. I cleared my throat and glared at Michiaki. Then I chimed in, “Ang akala ko ba’y hindi ka makakasabay sa amin ngayon kasi may problemang hinaharap si Allen sa business niya? At saka hindi ka man lang nagtext na makakapunta ka naman pala.” “Ah. Malaki talaga ‘yung problema sa club, pero mabilis niyang natapos ang pag-asikaso. Hindi nga siya humingi ng tulong sa amin kahit nasa tabi niya lang kami. Matapos ma-solve ng problema sa club ay umalis kaagad siya kasi may aasikasuhi
Xyrica’s POV:Humingi ulit ng tawad si nurse Dawn matapos ipaliwanag sa akin kung bakit nagpa-DNA test siya na hindi man lang nagpaalam sa akin. Ipinaliwanag niya rin sa akin kung paano, ano, saan, at kung kailan siya nakakuha ng sample na ginamit niya sa DNA test. Doon ko lang din naintindihan kung bakit medyo weird ang pakikitungo niya sa akin, lalo na noong mga panahon na dinala nila ako sa hospital.Umamin naman si nurse Dawn na walang alam si Michiaki sa lahat ng ginawa niya, at aksidente lang din ‘yung pagkakarinig niya sa katotohanan. Nanahimik na lang si Michiaki kasi kilala niya naman ang ugali ko… alam niya na kung magpapaliwanag pa siya ay mas maiinis lang ako sa kanya. Hindi naman kasi mababago ng paliwanag niya ang katotohanang nilihim niya sa akin kahit alam niyang malaking bagay ito para sa akin.Naiinis ako, pero hindi ito ang panahon para iwasan ko si nurse Dawn. Kailangan ko pa kasing malaman sa kanya ang totoo… tungkol sa aksidenteng nangyari kina mama, papa, at sa
Xyrica’s POV: Ilang beses nagprotesta si Michiaki sa ideyang hindi dapat siya kasali sa usapan— kasi kaya niya naman daw protektahan ang sarili niya at lalaki raw siya. Pero hindi ako nagpatinag kasi hindi niya naman ito problema. Nainis pa nga siya kasi masyado raw madaya na mananatili rito si Cyborg habang siya ‘yung aalis. Mabuti na lang at hindi niya ipinamukha sa akin ang ilang taon na pagkakaibigan namin kasi pinakalma siya ni nurse Dawn. “You really care about your friends,” ito ang sabi sa akin ni nurse Dawn pagkatapos umalis ni Michiaki sa Clinic nang padabog. Umiling lang ako sabay sabing, “It’s not that I care about my friends, but I didn’t want them to mess my life even further. Ang ibig kong sabihin ay kilala ko na sila— at sigurado akong mas pipiliin nilang huminto ako ginagawa ko kesa makita akong makamit ang hustisya na hinahanap ko.” Hindi ko alam kung maiintindihan ba ni nurse Dawn ang ibig kong sabihin, basta’t nasabi ko na ang opinyon ko. Kilala ko ang Akinomo P
Xyrica’s POV: Hindi ko pa nga natatanong kay nurse Dawn kung bakit ako napunta sa puder nina lolo at lola, pero umiiyak na siya nang malakas. Iba talaga siguro ang guilt na nararamdaman niya dahil sa nangyari. Kung ang iniisip niya ay isa akong masamang kapatid— ayos lang sa akin. Kailangan niya pa rin namang malaman ang totoo kahit papaano. Hindi ko naman puwedeng asahan ‘yung ex-boyfriend ni nurse Dawn kasi hindi ko naman siya kilala, at saka wala akong tiwala sa taong iyon. “Hindi ba sinabi sa ‘yo ng ex-boyfriend mo?” Tanong ko sa kanya. Hindi pa rin nagbabago ang reaksyon ko kahit nakikita ko siyang umiiyak. Wala kasi akong naramdamang awa sa kanya kahit kaunti man lang. Si Cyborg lang ang may ganang tumayo, at lumapit kay nurse Dawn upang patigilin siya sa pag-iyak. Walang sinabi si Cyborg sa akin, siguro ay naiintindihan niyang kailangan ko talagang ipaalam kay nurse Dawn ang totoo. Lalo na ngayong ayaw pa sabihin sa akin ni nurse Dawn kung sino ang may pakana sa aksidente no
Xyrica’s POV:A day passed, but nurse Dawn didn’t even reach out to me once. And I couldn’t bring myself to reach out to her first because I had made myself clear before I left the Clinic. She’ll know where to find me if she ever changes her mind. But for now, Cyborg and I will continue to search for the culprit using the information we gathered.Now wasn’t the time to settle and wait, especially when a new letter came in before I went to the classroom. It’s from the anonymous person again, whom we think is Joy. I hadn’t opened the letter even though I was dying out of curiosity— because I was with Akinomo Phoenix Gang when I received the letter. My friends even thought the letter came from a secret admirer, which made me jokingly gag after they commented.Yuan, Warren, and JL pushed me to open the letter and see what was inside, but I had to dismiss their idea how many times. It’s good that today was a bit busy because of the pop quizzes that our teachers made us do. It made my frien
Xyrica’s POV: Isang araw pa ang lumipas, pero hindi pa rin nag-reach out sa akin si nurse Dawn. Mukhang buo na yata ‘yung desisyon niya na hindi tumulong sa amin ni Cyborg— kahit alam niyang ginagawa ko lang naman ito para sa pamilya namin. At saka hindi ko pa rin siya nakakausap tungkol sa sulat na natanggap ko kagabi dahil nga ayaw ko rin siyang makita. Wala nga rin akong alam kung ano ang ginagawa niya sa ngayon, para sana bumawi sa kapatid niya. Si Cyborg naman ay kahapon pa akong tinutulak na ako na raw mismo ang makipag-usap kay nurse Dawn. Baka raw kasi pareho kaming naghihintay kung sino ang unang kumausap sa amin. Pero wala naman siyang magawa noong sinabi ko sa kanya na may ginagawa ako sa ngayon. Hindi ko aaksayahin ‘yung oras ko sa taong ayaw naman akong tulungan. Mabuti pa nga sina Eric at Teresa Magnayon kasi kahit hindi nila kami kaano-ano ay tinulungan pa rin nila kami. Ngayon kasi namin malalaman ang tungkol sa relasyon ni David Corona at ni dean Steinfeld. Ngayon k
Xyrica’s POV:Isang oras ang hinintay namin ni Cyborg bago makarating sina Eric at Teresa Magnayon sa napag-usapang tagpuan. Medyo marami ‘yung tao sa paligid… kasi sa isang public place kami nakipagkita sa kanila, ito rin kasi ang iminungkahi nila. Hindi naman sila nahirapang hanapin kami kasi nasa isang bench lang kami nakaupo ni Cyborg malapit sa kung saan ko ipinarada ang sasakyan.“Pasensya na kayo kung natagalan kami,” paumanhin ni Teresa sa amin.Ngumiti ako sabay sabing, “Okay lang, hindi naman kasi kami nagmamadali. Gusto lang din naming ma-enjoy ito habang nasa labas kami ng Academy.”“Kumain na ba kayo?” Cyborg chimed in.Tumango si Eric at sumagot, “Oo, kaya nga kami natagalan ng kaunti e. Gusto sana namin magtext sa inyo o tumawag, para sana ipaalam ‘yung sitwasyon namin. Kaso natatakot kami ng asawa ko… baka kasi malaman nilang nakikipag-usap kami sa inyo at mawalan pa kami ng trabaho.”Kaya pala kahit minsan ay hindi sila humingi ng number sa amin. Ito rin siguro ‘yung