Xyrica’s POV: Isang araw pa ang lumipas, pero hindi pa rin nag-reach out sa akin si nurse Dawn. Mukhang buo na yata ‘yung desisyon niya na hindi tumulong sa amin ni Cyborg— kahit alam niyang ginagawa ko lang naman ito para sa pamilya namin. At saka hindi ko pa rin siya nakakausap tungkol sa sulat na natanggap ko kagabi dahil nga ayaw ko rin siyang makita. Wala nga rin akong alam kung ano ang ginagawa niya sa ngayon, para sana bumawi sa kapatid niya. Si Cyborg naman ay kahapon pa akong tinutulak na ako na raw mismo ang makipag-usap kay nurse Dawn. Baka raw kasi pareho kaming naghihintay kung sino ang unang kumausap sa amin. Pero wala naman siyang magawa noong sinabi ko sa kanya na may ginagawa ako sa ngayon. Hindi ko aaksayahin ‘yung oras ko sa taong ayaw naman akong tulungan. Mabuti pa nga sina Eric at Teresa Magnayon kasi kahit hindi nila kami kaano-ano ay tinulungan pa rin nila kami. Ngayon kasi namin malalaman ang tungkol sa relasyon ni David Corona at ni dean Steinfeld. Ngayon k
Xyrica’s POV:Isang oras ang hinintay namin ni Cyborg bago makarating sina Eric at Teresa Magnayon sa napag-usapang tagpuan. Medyo marami ‘yung tao sa paligid… kasi sa isang public place kami nakipagkita sa kanila, ito rin kasi ang iminungkahi nila. Hindi naman sila nahirapang hanapin kami kasi nasa isang bench lang kami nakaupo ni Cyborg malapit sa kung saan ko ipinarada ang sasakyan.“Pasensya na kayo kung natagalan kami,” paumanhin ni Teresa sa amin.Ngumiti ako sabay sabing, “Okay lang, hindi naman kasi kami nagmamadali. Gusto lang din naming ma-enjoy ito habang nasa labas kami ng Academy.”“Kumain na ba kayo?” Cyborg chimed in.Tumango si Eric at sumagot, “Oo, kaya nga kami natagalan ng kaunti e. Gusto sana namin magtext sa inyo o tumawag, para sana ipaalam ‘yung sitwasyon namin. Kaso natatakot kami ng asawa ko… baka kasi malaman nilang nakikipag-usap kami sa inyo at mawalan pa kami ng trabaho.”Kaya pala kahit minsan ay hindi sila humingi ng number sa amin. Ito rin siguro ‘yung
Xyrica’s POV: I’ve been on my knees for hours while contemplating the next thing I would do since Akinomo Phoenix Gang already knew about my secret adventures with Cyborg. They didn’t bother me, even though I forcefully kicked them out. I know they are dying to know what the box was all about— but I don’t think I need to explain further because the information inside says it all. “This is not how I wanted to do things,” I sighed as I leaned backward. My back is now touching the door. Hindi ko alam kung ano ang maaari kong maramdaman sa panahong ito— kasi naghalo-halo na ‘yung mga bagay na gusto kong matapos. Hindi ko rin alam kung malapit na ba talaga akong matapos sa gusto kong gawin kasi dumarami ‘yung hadlang na hinaharap ko. Kung pareho lang sana kami ng iniisip ni nurse Dawn, edi sana tapos na kaming dalawa ngayon. Napabuntong-hininga ako tapos pilit na tumayo galing sa pagkakaupo sa sahig. Isa-isa kong pinulot ang mga gamit na nahulog dahil sa nangyari kanina. Nakakahiyang is
Xyrica’s POV: Upon entering the secret door, I gasped out of desperation when somebody’s hand covered my mouth. Even though I was wearing my night vision goggles— I couldn’t see who it was because the stranger immediately turned me, facing away from him. I struggled to break free from his hold, but his grip only tightened. Narinig ko naman ang boses ni Cyborg, at nakita ko siyang pumasok sa secret door. Bibigyan ko na sana ng babala si Cyborg— hindi ko lang alam kung paano. Hindi naman kasi ako puwedeng gumawa ng ingay na maaaring dahilan upang mahanap kami ng mga Combat Angels. Noong nakaakyat na si Cyborg ay kaagad kong nakita ‘yung nabibiglang reaksyon niya. Hindi niya siguro akalaing magiging ganito ang plano namin… na may taong makakaalam na pupunta kami rito. “What are you guys doing?” Cyborg whispered. He frustratingly grabbed his hair and walked straight up to me. Kilala ba ni Cyborg ang taong tumakip sa bibig ko? At ang ibig bang sabihin nito ay may mga kasama ang lalakin
Xyrica’s POV: Matapos kaming mahuli ng mga Combat Angels ay hindi na namin sinubukang tumakas— hindi rin naman sila nakikinig ng paliwanag. Hinayaan namin ang nga ito na tawagan si dean Steinfeld tapos hinatid kami sa opisina. Maraming estudyanye ang tumingin sa amin noong hinatid kami ng mga Combat Angels, pero hindi naman ako nahihiya sa ginawa namin. Ang akin lang ay hindi dapat malaman ni dean Steinfeld ‘yung pakay namin sa oras na makausap niya kami. “What were you doing inside Angelica Tree Building?” Dean Steinfeld’s voice roared because of anger then he looked at us sternly. Lahat kami ay napayuko, iniiwasan namin ang galit na mga titig ni dean Steinfeld. Sa tingin ko ay ayaw ring sabihin ng mga kasama ko ang rason kung bakit kami nagpunta roon. Syempre, ayaw naming hilain pababa ang isa’t-isa kahit may away kami. “I hope dean Steinfeld wouldn’t punish us,” sabi ko sa isip ko tapos napapikit na lang. “Kung hindi lang sana sumunod ang Akinomo Phoenix Gang sa amin ay hindi sa
Xyrica’s POV:Dalawang araw naming hinintay na tawagin kami ni dean Steinfeld para sa parusang ibibigay niya sa amin— at dalawang araw na rin naming iniiwasan ni Cyborg ang Akinomo Phoenix Gang. Hindi na kami sumasabay sa kanila sa tuwing kumakain tapos dumidiretso kami sa Thornesbrook pagkatapos ng klase. Kadalasan ay nilalapitan nila ako, pero sinusuot ko lang ‘yung headset ko.Dahil sa nangyari ay marami akong hindi nagawa, gaya na lang ng pagtulong kina Spencer at miss Ludwig sa paghahanap kay Joy. At saka hindi pa kami nakakabalik ni Cyborg sa Angelica Tree Building kasi hinigpitan na nila ang pagbabantay sa lugar. Imbes na igugol namin ni Cyborg ang dalawang araw sa mga bagay na importante— nagugugol tuloy namin sa panunuod ng palabas habang hinihintay ang anunsyo ni dean Steinfeld.Kumalat na nga ang balita kasi pati si nurse Dawn ay pilit din akong kinakausap. Hindi niya nga ako makausap sa personal, pero pinupuno niya naman ng messages at missed calls ‘yung cellphone ko tungk
Xyrica’s POV:“Tapos na ba kayo?” Tanong ng isang lalaki na nagtatrabaho sa maintenance department.Nandito kasi kami sa comfort room sa first floor ng Kentia Building, pasado alas singko na ng hapon at naglilinis pa kami sa mga cubicle. Kami nina Michiaki at Cyborg ang naglilinis sa mga cubicles, gamit ang mga panlinis na ibinigay nila sa amin. Ang gusto ng ‘temporary boss’ namin ay tanggalin pati ang mga nakasulat sa pinto ng cubicles at ng pader. Parang imposible ‘yung gusto niya kasi mahirap matanggal ‘yung mantsa.“I don’t think we’ll get out of here any minute now. Mahirap po kasing matanggal ‘yung mga nakasulat sa pader. Ano ba kasi ang ginamit ng mga estudyante sa pagsulat dito?” Sabi ko sa lalaki. Sa tono ko pa lang ay parang nagrereklamo na ako.“Hindi ako bumalik dito para makarinig ng reklamo ninyo. Naparito ako upang ipaalam sa inyo na may mga comfort rooms pa kayong lilinisin. Kung hindi ninyo kaya ang floor na ito— ewan ko na lang kung makakaya ninyo ang susunod na floo
Xyrica’s POV:Habang tahimik kaming kumakain ni Cyborg sa isang sulok sa Cafeteria ay biglang lumapit sa amin si Spencer na may dalang libro. Binati niya kami at tinanong kung maaari raw ba siyang sumabay sa amin, pumayag naman kami at hinintay siyang makakuha ng pagkain. Saka lang kami nagpatuloy ni Cyborg na kumain noong nakabalik na siya.“I heard what happened. Masyado bang harsh ang maintenance staff sa inyo kaya ngayon lang kayo nakapaghapunan?” Spencer whispered. I can see it on his face that he feels sorry for us.Napabuntong-hininga si Cyborg sabay sabing, “Hindi naman lahat ng maintenance staff ay pangit ang pakikitungo sa amin. Sadyang nagkataon lang talaga na ‘yung pinagbilinan sa amin ay masama ‘yung ugali. Pero hindi naman kami naniniwalang masama talaga ang ugali niya… sadyang gusto niya lang siguro sundin ‘yung pinag-uutos ni dean Steinfeld.”“Maybe to get his favor,” I unemotionally said and continued eating my dinner. I could still feel my stomach grumbling because I
Celeste Maekawa Crimson’s POV:I felt an immediate rage surging from the pit of my stomach while watching Lucas with handcuffs entering from the other side of the glass. The perpetrator who wrecked the family I once desired is sitting across from me. I never thought that this day would come.“Mayroon lamang kayong labinlimang minuto para makapag-usap,” paalala ng pulis na kasama ni Lucas. Pagkatapos ay iniwan niya na kaming dalawa upang makapag-usap.“Is this one of Xyrica’s tricks to fool me again? Sa tingin ba ninyo’y mauuto ninyo ako sa pangalawang beses?” Lucas asked while smirking. Even after all this time, his smugness never faded.“Xyrica has done her job, Lucas. So tell me, why would my daughter waste her talent for the second time on a pitiful person like you?” I nonchalantly asked as I kept giving him unsympathetic looks. “My daughter must’ve done her best to fool you, knowing you’re on your toes this time. Anyway, hindi ako naparito upang makipagkumustahan sa ‘yo…”“Narito
Xyrica’s POV:Pagkatapos namin makita ang mga senyales na magigising si mama ay kaagad namin siyang dinala sa hospital. Dahil sa nangyari ay hindi na ulit bumalik sa opisina sina tito Leo at nurse Dawn.Mabuti na lang talaga at may kasama ako rito sa bahay… maliban sa nurse na pumalit kay nurse Dawn sa pag-aalaga kay mama. Hindi ko siguro alam kung ano ang gagawin ko kay mama kung ako lang mag-isa.Narinig siguro ng Panginoon ang mga panalangin namin kasi naging maayos na ‘yung sitwasyon ni mama. Walang anumang komplikasyon ang nakita sa lahat ng test na binigay ng doktor. May mga tests nga na hindi na sana kailangan, kaso iyon ‘yung gusto ng mga magulang ni Michiaki. Wala naman kaming magawa kundi sundin ang gusto nila kasi alam kong para rin naman ang lahat sa ikakabuti niya.Pagkatapos ma-discharge ipinagpatuloy niya ang physical therapy na pinag-uutos ng doktor sa kanya. Ako ‘yung sumasama kay mama sa clinic habang ginagawa naman nina Joy at nurse Dawn ang mga gawain nila. Minsan
Xyrica’s POV:Pagkatapos ng tatlong linggong paghihintay ay nahatulan na rin si dean Steinfeld sa lahat ng masasamang nagawa niya sa pamilya namin, pati na rin sa kapatid ni Miss Ludwig. Habambuhay na pagkakakulong ang naging hatol ng hukom para sa kanya at bawal din siyang magpiyansa. Hindi ito ang gusto kong ending para kay dean Steinfeld, pero pinili ko ‘yung daan kung saan ay kailanman hindi ako matutulad sa kanya.Mabilis na kumalat ang balita sa paaralan tungkol kay dean Steinfeld dahil sa tulong nina Michiaki. Nalaman ko ring awtomatikong natanggal na nila si dean Steinfeld sa trabaho. Ito na rin ang pagkakataon na titigilan ko na ang pagtawag kay Lucas Steinfeld ng ‘dean’… kasi sa totoo lang, hindi naman siya karapat-dapat na tawaging dean.Sa kabila nang lahat ay nagpapasalamat pa rin kami ng mga kapatid ko kasi naging maayos naman ang proseso. Naging witness kami ng mga kapatid ko laban kay Lucas Steinfeld at kasama namin doon sina miss Ludwig at Allen.Para naman sa naging
Allen’s POV:Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni dean Steinfeld upang matagumpay na nailabas sa hospital ang pain na ginawa nina Xyrica para sa kanya. Matapos ko kasing bigyan ng babala sina Xyrica at Dawn ay hindi na ako umalis pa sa tabi ni dean Steinfeld. Dahil dito ay napag-utusan niya akong maghintay sa kotse habang siya naman ‘yung papasok sa loob.Wala namang sinabi si dean Steinfeld kung ano ang paraan na gagamitin niya. Hindi man lang siya nagdalawang-isip sa ginawa niya kahit alam niyang maraming CCTV sa loob ng hospital. Nagtaka na lang ako noong nakalabas siya sa emergency exit, tapos buhat niya na ‘yung pain sa bisig niya.Tinulungan ko siyang buksan ang pinto ng sasakyan, at nag-alok akong tulungan siya. Kaso hindi siya pumayag kaya bumalik na lang ako sa loob ng kotse at umupo sa driver’s seat. Naisip ko kasi na baka gusto niya munang makasama ‘yung pain habang natutulog.“Drive fast, but safely. Ayaw kong madisgrasya tayo… lalo na’t kasama natin si Celeste,” utos sa a
Xyrica’s POV:Lumabas ako para tawagan sina Michiaki at ipaalam ang tungkol sa babala na binigay sa amin ni Allen. Gusto ko ring sabihin sa kanya na kung maaari ay lumabas na ‘yung iba sa kuwarto, at magpaiwan lang ‘yung dalawa sa kanila. Kaso ilang beses kong sinubukang tawagan si Michiaki, pero hindi pa rin siya sumsagot. Malapit na akong mainis sa kanya. Ang ginawa ko na lang ay tinawagan ko si Yuan. Mabuti na lang at sinagot niya kaagad ‘yung tawag ko.“Hello, Xyrica? Bakit ka napatawag?” Tanong sa akin ni Yuan.Huminga ako ng malalim para mawala ‘yung inis na nabuo dahil kay Michiaki. At saka ako nagtanong kay Yuan, “Yuan, where is Michiaki? I’ve calling him for ages, but he kept ignoring my calls. Malapit na akong mainis sa kanya. Alam niya ba na may importante sana akong sasabihin sa inyo?”“Ah, si Michiaki ba? Umalis siya rito sa hospital kasi siya ‘yung napag-utusan na bumili ng pagkain. Sa katunayan ay kasama niya nga si JL ngayon e,” sagot ni Yuan. “Naiwan niya rito ‘yung c
Xyrica’s POV:Ipinagtapat ko kaagad kay nurse Dawn ang tungkol sa DNA test na ginawa ni Joy, matapos niya akong bigyan ng pahintulot. Kaagad naman akong pinagsabihan ni nurse Dawn na pabalikin si Joy sa bahay ni tito Leo para silang dalawa naman daw ang mag-usap. Pero bago ang lahat ng iyan ay ilang minuto rin naming kinausap si Joy para lang hindi niya kamuhian ‘yung sarili niya.Malaki kasi ang naging epekto ng realidad sa emosyonal na estado ni Joy. Pakiramdam niya raw ay parang hindi na siya nilulubayan ng masasamang balita. Hindi pa nga raw natatapos ang isang balita ay may susunod naman… mas malala pa kaysa sa una. Wala kaming masabi sa parteng iyon kasi totoo naman ang sinasabi niya. Hindi naman kami Diyos para baguhin ang mga kapalaran namin.Pinaalala ko na lang sa kanya na may pamilya siya na gusto siyang kilalanin. Alam kong hindi sapat ang sinabi ko para gumaan ‘yung pakiramdam niya, pero pumayag naman siyang makipagkita kay nurse Dawn. May kondisyon nga lang siya… ayaw ni
Xyrica’s POV:Nasa bahay na ako ni Spencer, kasama sina Cyborg at Kris, nang nakatanggap ako ng tawag mula kay Aris. Bago kasi sila umalis ng bahay noon ay nag-iwan sila ng personal card na naglalaman ng mga cellphone number nila. Kaya noong binigay sa akin ni nurse Dawn ‘yung cellphone niya ay tinawagan ko sila upang malaman nila na may cellphone na ulit ako. Bumili na lang si nurse Dawn ng bago kasi wala naman talaga sa isip kong magka-cellphone ulit.“Hindi ka pa ba papasok, Xyrica?” Tanong sa akin ni Spencer matapos pumasok nina Cyborg at Kris sa loob.I raised my hand so he would know I’m telling him to wait. Then I replied, “Sandali lang, Spencer. Sasagutin ko muna itong tawag… baka kasi importante e. Susunod na lang ako sa inyo sa loob kapag natapos ako. Ayos lang ba?”Tumango si Spencer, at iniwan ako sa labas ng bahay nila. Mabuti na lang at hindi masyadong mainit dito sa labas… makakaya kong makipag-usap kay Aris ng ilang minuto. Hindi na ako nag-atubiling sagutin ang tawag
Xyrica’s POV:Nagawang tapusin nina Michiaki ang proyekto nang limang araw sa tulong nina miss Ludwig at ng mga kaibigan niya, pati na rin sa tulong ni tito Leo. Wala silang kinuhang eksperto para tumulong sa kanila kasi sila lang mismo ang nagtulungan sa isa’t isa.Si Van, bilang top one sa Gangster Academy, ay ipinakita niya ang kakayahan niya sa pag-imbento. Sa wakas at may pakinabang na rin ang talento niya laban kay dean Steinfeld. Noong huli kasing nagpakitang gilas siya ay nahuli kami ng mga tauhan ni dean Steinfeld. Kahit na nagtulungan silang lahat ay mas marami pa rin ang nagawa nila ni Alver. ‘Yung iba sa mga kasama nila ay naghihintay lang kapag may utos ang dalawa sa kanila.Dalawang Combat Angels ang nagbagong -anyo. Kung hindi dahil sa Akinomo Phoenix Gang at ni Cyborg… ay baka wala kaming Combat Angels na nagamit. Sila kasi ang gumawa ng paraan upang mailabas ang dalawang Combat Angels na hindi nalalaman ng mga tao. Hindi ko alam kung anong paraan ang ginawa nila, bast
Xyrica’s POV:Naabutan ko si Cyborg na nakatayo malapit sa bintana, at para bang may malalim na iniisip. Ilang beses ko siyang tinawag, pero napansin niya lang ako noong kinalabit ko na siya sa balikat. Kaagad naman siyang bumalik sa pagkaka-upo, at hinihintay akong magsalita.“Parang mas malalim pa yata ‘yung iniisip mo kaysa sa akin,” nagtatakang sabi ko sa kanya.“Pasensya ka na kung hindi ko kaagad narinig ‘yung unang beses na pagtawag mo sa akin, Xyrica. Kumusta nga pala ‘yung pakikipag-usap mo kay Allen? At maaari ko bang malaman kung ano ‘yung pinag-usapan ninyo?” Cyborg curiously asked.Natahimik ako ng ilang segundo kasi nagdadalawang-isip pa ako kung sasabihin ko ba kay Cyborg ang binabalak ko. Hindi pa naman kasi ako sigurado kung matutupad ba ‘yung plano ko at kung kailan. Marami-rami kasi ang mga bagay na dapat kong isaalang-alang bago iyon gawin.“How about we talk about something else? Something that would interest the both of us?” Sabi ko na lang sa kanya. Alam niya na