Share

Chapter 208

Xyrica’s POV:

Ilang minuto kaming nag-usap kung posible bang konektado si dean Steinfeld at David Corona sa pagpapatigil ng accident case ng mga magulang ko. Mabuti nalang at may kaibigan pa si Eric sa Police Station kung saan siya huling nagtrabaho… susubukan niya raw magtanong at baka alam ng mga dati niyang kasama. At dahil interesado sina Teresa at Eric sa rason kung bakit kami nagpunta sa bahay nila ay nakalimutan na nilang magtanong kung kaano-ano namin ang mga namatay.

Dahil binigay sa akin ni Eric ang notes at pictures sa huling case na pinagtatrabahuan niya ay nadagdagan na naman ang impormasyong nasa kamay namin. Kahit walang impormasyon si Eric na magpapaugnay kay dean Steinfeld sa aksidente ay kumbinsido pa rin ako na may kinalaman siya. Sa totoo lang, noong una ay ayaw kong maniwala kasi mukhang hindi naman siya ‘yung tipo na nakikisawsaw sa business ng ibang tao. Pero dahil sa sinabi ni Eric… gusto ko na tuloy halungkatin ang mga bagay na tinatago ni dean Steinfeld.

Tini
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status