Xyrica’s POV:Ilang minuto kaming nag-usap kung posible bang konektado si dean Steinfeld at David Corona sa pagpapatigil ng accident case ng mga magulang ko. Mabuti nalang at may kaibigan pa si Eric sa Police Station kung saan siya huling nagtrabaho… susubukan niya raw magtanong at baka alam ng mga dati niyang kasama. At dahil interesado sina Teresa at Eric sa rason kung bakit kami nagpunta sa bahay nila ay nakalimutan na nilang magtanong kung kaano-ano namin ang mga namatay.Dahil binigay sa akin ni Eric ang notes at pictures sa huling case na pinagtatrabahuan niya ay nadagdagan na naman ang impormasyong nasa kamay namin. Kahit walang impormasyon si Eric na magpapaugnay kay dean Steinfeld sa aksidente ay kumbinsido pa rin ako na may kinalaman siya. Sa totoo lang, noong una ay ayaw kong maniwala kasi mukhang hindi naman siya ‘yung tipo na nakikisawsaw sa business ng ibang tao. Pero dahil sa sinabi ni Eric… gusto ko na tuloy halungkatin ang mga bagay na tinatago ni dean Steinfeld.Tini
Xyrica’s POV: Pag-alis ni Michiaki kagabi ay kinuha ko ‘yung picture namin ng pamilya ko. Nagtataka pa rin ako kung nasaan na sina mama at ‘yung mga kapatid ko dahil hindi naman pala sila nasali sa car accident. Isa-isa ko silang tinitigan hanggang sa huminto ang nga titig ko sa ate ko. Tinignan ko ito ng mabuti, gusto ko kasing malaman kung ano talaga ‘yung nakita ni Cyborg at napagkamalan niya ‘yung bata sa litrato na si nurse Dawn. Hindi ba’t ang sabi ng ibang tao ay kahit ilang taon kayong hindi nagkita ng pamilya mo ay makakaramdam kayo ng lukso ng dugo? Sa pagkakaalam ko ay hindi ko pa ito nararamdaman kahit kanino— kaya malabo yatang magkapatid kami ni nurse Dawn. Dahil dito ay naisipan ko tuloy makipagkita sa kanya ngayong araw, para subukan ‘yung sinasabi nila na ‘lukso ng dugo’. Lumabas ako sa kwarto para sana puntahan si Cyborg, kaso hinihintay niya rin pala ako. Nagkatitigan muna kami at saka siya nagsalita, “Are you still mad at me?” “Hindi naman ako galit sa ‘yo, Cybo
Nurse Dawn’s POV: Pag-alis nina Xyrica at Cyborg ay sinara ko ulit ang pinto ng Clinic at diretsong naglakad papunta sa opisina ko. Kaagad namang bumungad sa akin ang mapanukso niyang ngiti— at ang ibig sabihin ay nakikinig pala siya sa pag-uusap namin. Marahan ko siyang tinulak para sana mabigyan ako ng kaunting space na dumaan kaso nahawakan niya ‘yung kamay ko. Kaagad siyang naglakad sa likuran ko tapos niyakap ako. “What do you think you’re doing?” Naiinis na tanong ko sa kanya. Kahit nasa kasunduan naming papayag akong bumalik siya sa buhay ko, pero hindi ko naman sinabi sa kanya na malaya na niyang magagawa ang gusto niya. Akala ko ay nilinaw ko na sa kanya kasi ilang beses kong pinamukha sa kanya ang boundary namin kaso mukhang hindi niya pa naintindihan ang gusto ko. “I should be asking you the same thing, Dawn. What the hell were you doing? I bet you hugged her right away seeing the change of your mood,” he asked— almost menacingly, which crept me out a lot. “Will you ple
Xyrica’s POV:Habang papalapit na kami sa Clinic ay sakto namang nakita namin si nurse Samson na nakikipag-usap kay nurse Dawn sa labas. Dala ni nurse Samson ang bag niya tapos ‘yung susi ng sasakyan niya. Mukhang importante ang pinag-uusapan nila kasi seryoso ‘yung ekspresyon ni nurse Dawn habang nakatitig kay nurse Samson.Noong tumingin sa amin si nurse Dawn ay ngumiti ako tapos kumaway. Sakto naman at lumingon din si nurse Samson, ngumiti ito sa amin tapos binalik ang tingin kay nurse Dawn. Pagdating naman sa tabi nila ay sakto namang narinig ko si nurse Samson na nagpaalam kay nurse Dawn. Tinapunan niya kami ng tingin ni Cyborg at nagpaalam ito bago umalis.“Mag-iingat ka,” ito ‘yung sabi ni nurse Dawn sa kanya at kumaway na rin.Tumango lang si nurse Samson at naglakad na papunta sa Parking Area. Pinapasok naman kami ni nurse Dawn at hinayaan muna kaming umupo sa couch kasi tatapusin niya na raw muna ‘yung trabahong naiwan ni nurse Samson. Hindi naman kami nakapagtanong kung bak
Nurse Dawn’s POV: Pagpasok ko sa opisina ay nakalimutan ko kung ano ‘yung gagawin ko, dahil ito sa pagkabigla sa litratong ipinakita sa akin ni Xyrica. Paano niya nakuha ang family picture namin? Naalala niya na kaya ang nakaraan niya? At alam niya kayang ako ‘yung ate niya? Paano kung naaalala niya na ang lahat at magtanong niya sa akin kung bakit hindi ko man lang siya hinanap? Ano nalang ang sasabihin ko sa kanya? I paced back and forth because I had endless questions popping into my head. I’m starting to get anxious every time I breathe because I haven’t imagined that this day would come. And here I am, dealing with it on my own. “Should I come clean and tell her everything I knew?” I anxiously thought to myself. But, I immediately remembered what that ‘guy’ said. Gusto niya pa namang layuan ko ang kapatid ko para hindi raw ito mapahamak dahil sa akin. Hindi ko rin naman kayang harapin ito nang mag-isa lang… kailangan ko siyang kausapin tungkol dito. Tumigil ako sa paglalakad a
Xyrica’s POV: Nanatili nalang kami ni Cyborg sa kwarto ko dahil hindi natuloy ‘yung plano naming tatlo nina nurse Dawn na sa Clinic maghapunan. Pareho kami ni Cyborg na nakatutok sa mga cellphone namin at nanunuod ng kung ano-ano sa social media. Wala kasi kaming maisip na gawin, hindi naman namin pwedeng pilitin si nurse Dawn na kausapin kami. Napansin ko kasing hindi talaga siya okay, bago pa man siya pumasok sa opisina niya. “Do you want to get out of here?” Biglang tanong sa akin ni Cyborg at binaba ‘yung cellphone niya. Lumingon ako sa kanya, pero hindi ko binaba ‘yung cellphone ko kasi wala naman akong plano na umalis dito sa kwarto ko. Kaagad akong nagtanong sa kanya, “Saan mo naman gustong pumunta sa mga oras na ito?” He shrugged and then answered, “I don’t know. But, is there any place you want to go? Someplace with fresh air, full of people, or somewhere far from Gangster Academy.” “Pwede bang manatili nalang tayo rito sa kwarto ko? Wala kasi ako sa mood na gumala ngayon
Xyrica’s POV: Si Cyborg ang nagbukas ng pinto para kay nurse Dawn, kasi hindi ko magawang lumapit ulit dito. Parang ipinako ‘yung mga paa ko sa sahig, at nakakagalaw lang ito sa tuwing umaatras ako. Nag-abot pa ang mga titig namin ni nurse Dawn matapos buksan ni Cyborg ang pinto, pero kaagad akong umiwas ng tingin. Pakiramdam ko ay para akong bata na natatakot mapagalitan sa kasalanang nagawa. “Nurse Dawn, ano po ang ginagawa mo rito? May nakalimutan ka bang sabihin kay Xyrica?” Tanong ni Cyborg sa kanya, pero hindi muna siya nito pinapasok. “Gusto k-ko lang sana siyang makausap,” nahihiyang sabi ni nurse Dawn. Tumingin ako sa kanya. Nakayuko ito at mukhang nag-aalangan na sabihin ang pakay niya. Pero alam ko naman kung ano ‘yung gusto niyang sabihin sa akin— kaso hindi pa ako handa. Napansin kong tumingin si Cyborg sa akin, hinihingi niya ‘yung opinyon ko kung papayag ba ako sa gusto nitong makipag-usap. Pero sa halip na ‘oo’ o ‘hindi’ ang isasagot ko ay napakibit-balikat ako. Bin
Xyrica’s POV:“Hey, hey. What’s going on here? I’ve been gone in a split second, only to find the two of you arguing. Can someone please tell me what happened?” Cyborg asked while standing in between nurse Dawn and me. He stretched his arms to make us step away from each other.Kung hindi siguro lumabas si Cyborg sa banyo ay mapupunta sa away ang pag-uusap namin ni nurse Dawn. Sa tingin ko kasi ay walang balak si nurse Dawn na tumigil sa pagsasalita tungkol sa litrato kahit ilang beses ko na siyang pinagsabihan. Kahit kaibigan ko siya ay may limitasyon pa rin ‘yung pasensya ko, at hindi ko na kayang tiisin ang ginagawa niya sa loob ng teritoryo ko.Cyborg looked at me like he was apologizing. Then with a concerned tone, he said, “You need to take a deep breath, okay? I want you to relax for a bit— and try not to take things seriously. I mean, forget whatever is trying to make you feel angry as of the moment.” Then Cyborg looked at nurse Dawn as he continued talking, “Ikaw rin, nurse D