Share

Chapter 198

Xyrica’s POV:

Napabuntong-hininga nalang ako noong bumalik sa isip ko ‘yung nangyari sa amin kagabi ni Cyborg. Walang something romantic na nangyari, hindi naman sa ito ‘yung inaasahan ko— sa katunayan nga ay baliktad ‘yung nangyari. Pagkatapos kong magtanong kay Cyborg kung totoo ba ‘yung sinabi ng kapatid niya ay bigla niya nalang akong binati ng ‘goodnight’ tapos dali-daling umalis sa guest room. Ang akala ko’y babalikan niya ako pero hindi na siya bumalik sa kwarto ko kahit natapos na ako sa evening routine ko.

Hindi na rin ako lumabas para kausapin siya kasi ang inakala ko nalang ay ayaw niya akong makausap tungkol dito. Hinayaan ko siya pero hindi ibig sabihin nun na hindi ko na gustong malaman ‘yung totoo. Maghihintay nalang ako kung kailan niya gustong pag-usapan ang bagay na ito, pero alam naman ni Cyborg na mainipin ako.

“Did you sleep well?” Tanong sa akin ng mama ni Cyborg noong nasa hapagkainan na kaming lahat. Nag-assume akong sa akin siya nagtanong, sa akin kasi siya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status