TRISTAÑIA
“ANONG ginagawa natin dito, Inspector?”Inilibot ko ang paningin sa buong paligid. Pumasok kami ni Inspector sa isang eskinita. Nakasuot ako ng itim na hoody jacket. Pareho kami ni Inspector dahil utos niya ito.Itinuro niya sa akin ang isang maliit na kainan ng mga taxi driver at may ilan-ilang taxi driver na kumakain. My nakita akong dumating na isang taxi at nag-inat ang driver ng makalabas ito.“Si Sargeant Victor ang isa sa pinagkakatiwalaan kung tao. Sampong taon na siyang nagta-trabaho bilang espiya, kahit ilang pulis ay hindi alam na kabilang siya sa atin.”Namulsa ako at tiningnan ang mga taxi driver. “Sino siya diyan?”Nakangising tumingin sa akin si Inspector. “Kapag sinundan mo siya sa loob ng limang minuto lalapitan ka niya.”“Pustahan ba 'to?”“Bakit hindi?”Ngumisi ako. “Kung ganu'n, sagot mo hapunan ko.”“Sino diyan?” Tumayo siya ng tuwid. “Ang may bitbit na towel.”Kung ganu'n ang lalaking bumaba sa taxi ang target ko. Sinimulan ko itong sundan bumili ito ng diyaryo at nagpatuloy sa paglalakad. Palihim ko itong sinusundan hangang sa makarating ito sa isang bilihan ng milk tea.Dinukot ko sa bulsa ang cellphone ko at tinawagan si Inspector. “Bumibili siya ngayon ng maiinom.”“Mag-iingat ka, Lieutenant.” Sa paparaan ng pagsabi ni Inspector hindi iyon paalala kundi babala. Ganu'n ba ka galing ang sergeant?“Huh! Siya kam—Na saan na siya?!”Saglit lang akong hindi nakatingin sa kinatatayuan niya ay bigla na lang itong nawala. Binabaan ko ng cellphone si Inspector at hinanap si Sergeant. Pumasok ako sa isang maliit na eskinita at may mga nakasalubong akong bayarang babae.Palinga-linga ako sa paligid pero walang bakas. Baka hindi siya pumunta dito kaya babalik na ako doon.“May hinahanap ka, Miss?” Nang umikot ako bumungad sa mukha ko ang baril kaya agad ko itong tinabig at sinuntok ang braso.Nahawakan nito ang kamay ko at inikot papunta sa likod at isinandal ako sa pader. Pumapalag ako pero mas lalong sumasakit ang braso dahil naka-lock ito.Buwisit, na isahan ako!“Bakit mo 'ko sinusundan?”Tiniis ko ang sakit ng braso ko. Bumuwelo ako at tinadyakan siya sa tiyan dahilan magkaroon kami pareho ng distansiya. Binunot ko ang baril sa tagiliran ko at sabayan kaming tinutukan ang isa't-isa.“Tama na 'yan! Sergeant, Lieutenant.”Pumagitna si Inspector at hinawakan ang baril namin at hinawakan pababa. “Inspector, ikaw pala.”Ibinaba ni Sargeant ang baril niya at ibinalik ko naman ang baril ko. “Matagal-tagal na ng huli tayong magkita, Sargeant.”Nakangiting tinap ni Inspector ang balikat nito at tumago naman si Sargeant. “Masaya akong makita ka. Sino ba itong magandang anghel na kasama mo, Inspector?”Tumingin sila sa akin. Nang magtama ang mata namin ni Inspector tumango siya sa akin na nakangisi kaya tinaasan ko siya ng kilay.Oo na! Talo ako sa pustahan!“Siya si Lieutenant Trist bagong makakasama natin.” Tumingin siya sa akin. “Lieutenant si Sargeant Victor.”“Ngayon lang ako nakakita ng isang batang-bata at magandang pulis. Masaya akong makilala ka Lieutenant. Pasensiya na sa kanina.”Nakangiting lumapit sa akin si Sargeant Victor at inabot ang kaniyang kamay. Tumango ako at ngumiti sa kaniya bago tinanggap ang kamay niya.“Ayos lang 'yon, Sargeant. Pasensiya na rin.”“Sa totoo lang ang lakas mong sumipa, hehe.” Hinaplos niya ang bilugan niyang tiyan. Nahihiyang ngumiti ako at yumuko.Sa itsura niya napaka-simple lang niya. Hindi mo talaga siya mapagkakamalang pulis dahil mas mukha talaga siyang taxi driver. Nasa middle 40's na madaming binubuhay na pamilya pero base sa kwento niya wala pa siyang asawa. Magaan ang loob ko sa kaniya at magkakasundo kami. Masasabi ko ring mabait siyang tao na kayang gawin ang lahat para ipagtanggol ang mga na aapi at ang bayan.“Kung ganu'n, ang napakagandang pulis na sa harapan ko ang nagpabagsak sa isang mafia boss na si Nemuel. Magaling ang ginagawa mo, Lieutenant. Ang mga taong katulad ni Nemuel na walang ibang ginawa kundi ang lumabag sa batas at mang-abuso ng mga batang may gatas pa sa labi ay walang karapatang mabuhay!”He proudly said and he thumb ups on me. His acting like a proud dad on what I've done. I smile on him and I saw Inspector shook his head.“Ngayong wala na si Nemuel paniguradong ang papalit sa pwesto niya si Ram.”Kumunot ang noo ko ganu'n din si Inspector at sabay kaming tumingin kay Sargent. “Ram?” I asked.“Sino si Ram?” Inspector asked too.“Si Ram ang nakababatang kapatid ni Nemuel sa labas. Hindi ito kilala katulad ni Nemuel maaring hindi siya sumunod sa yapak ng kaniyang ama't kapatid pero hindi imposible.”“Kung ganu'n may kapatid pala si Nemuel. Kailangan nating kilalanin si Ram at bantayan ang mga kilos niya.”“Maraming ari-arian at perang iniwan si Nemuel na kayang buhayin ang isang Region. Paniguradong ang tagapag-mana niya ang papalit sa pwesto niya at magpapatuloy nang na iwan niya. Hindi man sa magandang pamamaraan galing ang pera niya ang pamilya ay pamilya.”Walang sino mang tao ang gugustuhin na mawalan ng mahal sa buhay lalo na kung kapatid. Kahit gaano pa ito kasama may mga tao pa ring nagmamahal dito. Maaring kasamaan ang ating nakikita pero sa loob nila'y may kabutihan pa rin.“Pero Inspector, kay Captain Wenard ibigay ang task na 'yan.”Kung makikialam kami sa kasong hinahawakan ni Captain paniguradong madaming dadak na naman 'yon. Ayaw pa naman ng taong 'yon ang masasapawan siya gusto palaging siya ang bida.“Wag na nating pakialaman ang kay Captain, hayaan na natin sa kaniya. Ang tanong ano ang kasong naka-assigned sa atin?” Inabot sa akin ni Sargent ang tasa na may lamang kape.“Salamat, Sargent.” Ginawad ko ito at uminom. Inabutan niya rin si Inspector ng kape.Nandito kami sa hideout. Isa itong simple at medyo may kalakihan rin para masabing isang buong bahay rin. May isang kama, may computer sets sa study table, may mini-living room kung saan ang sofas at TV saka maliit na kusina sa bandang gilid sa dulo naman ang banyo. Mayroon ring isang stand na may malapad na painting ng dagat na may palubog na araw na nakakuha ng attention ko.Isa itong ligtas na lugar para sa aming pag-uusap. Hindi na ako magtataka kung bakit ganito ang hideout dahil sobrang tahimik dito sa loob na talagang makakapag-isip at trabaho ng maayos kahit na kapag lumabas ka dito maingay at siksikan.“Malaking shipment ang nakalusot na hinihinalang droga ang laman ng kargamento. Kailangan nating alamin kung saan galing at kung para kanino ang kargamento.”“Maliban sa human trafficking, nagbebenta rin ng droga si Nemuel. Patay na si Nemuel at hindi basta-basta kikilos ang miyembro nila ng walang amo maliban na lang kung may agad-agarang pumalit sa pwesto nito.” Sargeant Victor said.“Imposible. Hindi ganu'n kadali na pagkatiwalaan ng lahat ng miyembro. Maaring ang kakumpitensya ni Nemuel ang sinusubukang talunin ang grupo ni Nemuel habang wala pa itong boss.” Ipinatong ni Inspector ang tasa sa mesa.“O baka naman mayroon nang gustong pumalit sa pwesto ni Nemuel at sinusubukan nitong kunin ang loob ng grupo kaya kumilos ito kaagad upang sumang-ayon na siya ang maging boss ng grupo na pumalit kay Nemuel?” I suggested.“Ang tanong sino ang taong ito? Sino ang bagong boss ng grupo ni Nemuel?” Sargent asked.Ang isang malaking tanong na dapat naming alamin. Sa tingin ko nagkasundo na kaming tatlo at nahanap na namin ang daan kung saan namin sisimulan ang assignment namin.Nagkatinginan kaming tatlo. “Iyan ang dapat nating alamin.”Nakangiting tumango si Sargeant Victor. Namulsa naman si Inspector at magpasalamat sa kape na hinanda ni Sargeant. Nagpaalam na kami ni Inspector kay Sargeant para bumalik na sa opisina.“Teka, sandali! Hindi ba tayo magce-celebrate?” Napahinto kami pareho ni Inspector. Nagkatinginan kami pareho bago nilingon si Sargeant Victor.“Anong okasyon?” Inspector asked.“Mukhang hindi ka naman nagce-celebrate ng birthday.” Biro ko.Napahilamos si Sargeant gamit ang kaniyang dalawang palad at malalim na bumuntong hininga bago kami tiningnan ng seryoso ni Inspector. Teka na pikon ba siya?Sabi ko na sa'yo Tristañia masamang magbiro sa matanda!“Hayst! Ano ba kayo! Ang babata niyo pa subsob kayo masyado sa trabaho! Kalmahan niyo lang. Ngayong gabi lalabas tayo para i-welcome si Lieutenant sa team natin Inspector!”“Huh?!" Sabay sambit ni Inspector. Nagkatinginan kami bago nilingon si Sargeant Victor na tinuturo kami.“Ang hindi sumama hindi makakapag-asawa!”Our eyes widened. “Ano?!”TRISTAÑIA “DITO kami madalas pumunta ni Inspector para mag celebrate kapag may accomplishment. Mula ngayon, makakasama ka na namin Lieutenant sa mga accomplishment.”Tumango ako at tumingin sa paligid. Sa gitna ang dance floor may ilan-ilang sumasayaw. Madaming mesa na ukupado na May ilan-ilan ring naglalaro ng billiards sa gilid habang nag-iinuman.Malapit sa counter may bakanteng mesa kaya doon kami pumuwesto. Um-order ka agad ng drinks si Sargeant Victor at pulutan ganu'n din ng tatlong baso para sa aming tatlo.Binuksan ni Sargeant ang isang bote ng brandy at tinagayan ang dalawang baso at natigilan ng sasalinan ang isa.“Umiinom ka ba Lieutenant?” “Oo naman, bakit hindi?” Porket ba babae hindi umiinom?“Baka naman magalit ang boyfriend.” Sinalinan niya na ang isa pang baso. Natawa ako. “Wala akong boyfriend.” Ilalapag na sana ni Sargeant ang baso sa harap ni Inspector pero natigilan ito at tumingin sa gawi ko. Kumunot ang noo ng makita ang gulat sa mukha niya.“Sa ganda mong '
TRISTAÑIA“SALAMAT sa tulong Sargeant Victor!”Sambit ko nang makapasok ako sa loob ng sasakyan. Hindi ako makakatakas sa mga 'yon kung hindi ako tinulungan ni Sargeant Victor.“Basta ikaw, Lieutenant. Walang problema.” Nakatakas man ako sa mga 'yon kay kuya Thyne hindi! Paniguradong dudugo noo ko sa pitik niya dahil sa ginawa kung gulo. Hindi ko naman intention na magkagulo gusto ko lang talagang mag-thank you isa pa ang mga tao lang ang gumagawa ng issue para may pag-usapan.“Bakit bigla ka na lang na wala ka gabi, Lieutenant? Hinatid ko lang si Inspector sa labas pagbalik ko wala ka na. Alam mo bang pinag-alala mo ako?”“Pasensiya na Sargeant.”“Ano naman ang kinalaman mo kay Thyne Xavier? Sabi ni Inspector kailangan mong pumunta kay Commander dahil sa kumakalat sa internet.”“Ano? Paano naman nakarating ang balita kay Commander?” Hindi makapaniwalang tanong ko kay Sargeant Victor. Nagkibit-balikat siya.Hinatid ako ni Sargeant Victor sa SIF building. Nagpasalamat ako sa kaniya ba
MALAWAK na bakuran na punong-puno ng nagtataasang halaman. Sa gilid nito ay may malawak na swimming pool. Sa hindi kalayuan ay may isang pinasadyang mesa at upuan na yari sa mamahaling kagamitan.Isang binata ang nagsasanay ng pagamit ng kutsilyo. Minamaster niya ang tamang maghawak nito at kung paano ito gamitin sa labanan. He used to play spinning knife with target than using gun. Ito ang kaniyang nakasanayan na gawin sa umaga bago mag-almusal. “Good morning, Young master. Nakahanda na ang almusal mo.”Ibinaba niya ang hawak na kutsilyo sa tray na hawak ng isa niyang bodyguard at nagpunas ng kamay gamit ang malinis na towel. Nilingon niya si Marcelo—ang kaniyang butler. May katandaan na ito at tapat na nagsisilbi sa kaniya.He tap Marcelo's shoulder. “You look terrified, Marcelo. What's news?”Nagtaka siya ng hindi nakatingin sa kaniyang mata si Marcelo. Ngumisi siya bago tinungo ang mesa at umupo sa silya dito sa hardin kung saan nakahanda ang kaniyang almusal. Pinagmasdan niya an
“BUHAY ka pa pala!” Inilapag ni Felix ang wine at wine glass sa bedside table. Vivian is about to run towards Felix pero agad itong natigilan ng itutok niya ang baril dito.He glare. “Stay still.”“Ram, ibaba mo 'yan!” Mariing utos sa kaniya ni Felix. Bakas sa mukha nito na kinakabahan at halatang ayaw nitong masaktan si Vivian.Sa nakikita niya malalim ang nararamdaman ni Felix kay Vivian. Kung sa bagay hindi naman mahirap magustuhan si Vivian dahil isa itong magandang babae na sa mata na lahat ng lalaki ay anghel.Hindi niya lubos maisip na ang ginawang pagt-traydor sa kaniya ni Vivian ay gagawin rin nito kay Nemuel at talagang sa kanang kamay pa ni Nemuel? Tiningnan niya ng nakakamatay na tingin si Felix dahilan para napalunok ito. Sinulyapan niya si Vivian na takot na takot sa ibaba at gilid ng kama. “Anong karapatan mo para utusan ako?” Mahinahon niyang sambit napayuko si Felix at pasimple nitong sinulyapan si Vivian na umiiling. Tumayo siya at naglakad-lakad habang nagmamas
PINUNASAN ni Ram ang kaniyang luha at dahan-dahang hiniga sa sahig si Marcelo. Sunod-sunod na putukan ang naririnig niya mula sa labas ng mansion kaya tinungo niya ang daan kung saan lumabas sila Martin. Nakita niyang si Felix at mga tauhan nito ang kalaban ng mga tauhan niya. Ang babaeng pumatay kay Marcelo ay tauhan ni Felix. Tinanggap niya ang baril na ibinabot ng isa niyang tauhan. Isa-isang nalalagasan ang magkabilaang grupo dahil harap-harapan silang naglalaban ngunit mas madami ang tauhan ni Ram kay Felix. “Kailangan na nating umalis, boss!” Sambit ng babaeng pumatay kay Marcelo. Ram target Felix when he saw him running away. Tinamaan niya si Felix sa braso pero patuloy pa rin ito sa pagtakbo habang hawak si Vivian. Binaril ni Ram si Vivian at tinamaan ito sa paa. Napaupo si Vivian sa sahig at sumisigaw sa sakit. Hinawakan si Felix ng babae. “Tara na boss!” “Felix, wag! Wag mo akong iiwan! Papatayin ako ni Ram, ayokong mamatay!” Pagmamakaawa ni Vivian kay Felix. “Bago m
“KAMUSTA ang pagbisita mo kay Melanie?” Sumimsim si Ram ng alak sa basong hawak niya. Nakaupo siya sa stool sa harap ng mini-bar dito sa sala. Kakarating pa lang ni Martin at napansin niya kaagad ang mga pasa nito sa mukha. “Hindi siya madaling hulihin boss, hindi normal para sa isang babae na magaling sa lahat ng armas pero sinisiguro ko na iniinda niya ngayon ang sugat niya.” “Magpahinga ka na muna, may ipapagawa ako sa'yo kinabukasan.” “Ano 'yon, Young master?” “I check Nemuel's bank account and I found out that Felix steal a lot of money from him. Hindi lang 'yon, may pinapadalhan siya ng pera kada buwan na nakapangalan sa babae. She have the same surname with me.” “Anak ni Nemuel.” Martin answer, Ram nodded. “Yeah, I want you to find my niece and bring her home.” *** “HOY! Malandi, tumigil ka kung ayaw mong manghiram ng mukha sa aso!” Napatigil sa paglalakad si Raya ng marinig niya ang sigaw mula sa kaniyang likuran. Napairap siya ng wala ng tamis ang nginunguya niyang
LIMANG may katandaan nang lalaki ang nahihinatay kay Ram na nakaupo sa harapan ng isang round table sa loob ng isang pribadong silid. “Ano bang kailangan niya at pinatawag niya tayong lahat?” Reklamo ni Mr. Mawin. “Hindi niya ba alam na wala akong oras para sa ganitong bagay?” Sambit ni Mr. Lin. Halata sa mga mukha na iritado na ito dahil limang minuto nang late si Ram sa nasabi nitong oras. Bumukas ang pinto ng silid at iniluwa nito si Martin iginaya nito si Ram papunta sa bakanteng upuan. “I'm glad you all have a free time to see me.” Ram greeted. “Bakit ka nagpatawag ng meeting?” “Para saan ang meeting na ito?” “Hindi meeting ang kailangan namin sa mga oras na ito kundi ang mabawi ang pera na nawala sa amin. Hindi mo alam kung gaano kahalaga sa amin ang ninakaw!” “Hayaan nating magsalita si Ram.” Sambit ni Mr. Roger. “Sabihin mo ang pakay mo, Ram, wag ka ng magpaligoy-ligoy pa.” Sumimsim ng alak si Mr. Mawin. Nakangising tiningnan niya isa-isa ang mga lalaking nasa hara
TRISTAÑIA “ANO? Kuya naman!” Protesta ko. “Sige na, Love, pagbigyan mo na ako! Kailangan ko ng tulong mo ngayon lang 'to! Promise!” Pagmamakaawa ni kuya Thyne sa akin na sumama sa kaniyang meeting bilang secretary dahil kakasisante niya pa lang sa bago niyang secretary. “Alam mo naman na ito ang ayaw ko sa lahat, kuya! I love guns than pen!” Pabagsak akong umupo sa swivel chair niya. “That's why Charley burst in anger.” “Yeah. Whatever.” Inirapan ko si Kuya Thyne at patakbo akong nagtungo sa pinto. “I will buy you a new high-teach short arm gun.” Awtomatikong napabalik ako sa harapan niya. Nakangiting kumikinang ang mata ko habang nakatingin sa kaniya kung sigurado ba siya sa sinasabi niya. Nagkibit-balikat siya. “Hindi mo naman agad sinabi, kailan ba ang meeting mo?” “Now.” He plain said. “What? As in now? Kuya! Are you kidding me?” “No, I don't do prank a police woman.” Nakangiting hinila ako nito papasok sa conference room na nakakonekta sa kaniyang opisina. Laking gu
“HINDI mo ba alam na masyadong delikado ang ginawa mo, Mister Angel Ratchasi? O mas gusto mong tinatawag na Ram?” Nagsalubong ang kilay ni Angel Ratchasi. Matalim na tingin ang itinapon niya kay Captain Wenard na nakatayo sa paanan ng hospital bed na kinahihigaan niya. “Which one you prefer, Captain...” Ngumisi si Captain Wenard na may pang-aasar ang uri ng titig nito. “Pumunta ka sa SIF para magreport ng kidnapping pero ikaw mismo ang gumawa ng hakbang dahil ang totoo alam mo kung sino ang kumuha sa pamangkin mo, ang tanong sino ka ba talaga Angel Ratchasi?” He lick his lower lips before he smirked. “No offense, Captain, I suggest you read newspaper, magazines or article in the internet. If you are not satisfied in it... Be my guest.” Ang ngisi sa mukha ni Captain Wenard agad na napalitan ng galit na mukha at nanlilisik ang mata nitong nakatingin kay Angel Ratchasi. “Wag na tayong maglokohan pa dito, Ram! Kapatid ka ni Nemuel at walang ibang papalit sa pwesto niya kundi ik
“FELIX, kailan mo ba ako kukunin dito ah?” Inis na turan ni Vivian sa kabilang linya. “Kaunting-kaunti na lang, Honey, bago 'yan kailangan may gawin ka muna para sa akin...” Kahit hindi niya makita ang mukha ni Felix alam niyang nakangisi ito. “Hindi 'yan ganu'n kadali, Felix, alam mo bang may isa pang tagapag-mana?” “Ano?!” Bulaslas ni Felix. “Bago mo patayin si Ram kailangan mo munang unahin ang buwisit na m*****a niyang pamangkin! Anak siya ni Nemuel at legal na tagapag-mana.” “Kung ganu'n, magagamit ko siya...” Nakangising tumango si Felix. “Na saan siya ngayon?” “Nasa school siya ngayon pero ang alam ko didiretso siya sa restaurant kung saan sila magkikita ni Ram.” “I love you, Vivian.” Sambit ni Felix bago ibinaba ang cellphone. Nakangising nakatingin si Vivian sa replika ng kaniyang sarili mula sa whole body mirror sa loob ng banyo. “Tingnan lang natin kung saan aabot ang kamalditahan mo, Raya... Makakaganti rin ako sa inyo ni Ram!” *** “MALE-LATE ng kaunti si Boss, s
SABAY na napatingin si Lieutenant Trist at Inspector Jade nang bumukas ang pinto ng hideout nila. Bumungad si Sargeant Victor na hinihingal. “Inspector, Lieutenant, alam ko na kung na saan si Clyde!” Nagkatitigan si Inspector at Lieutenant. Sa dalawang araw nilang ginugol sa paghahanap kay Clyde, hindi ito madaling hanapin dahil palipat-lipat ito ng location. “Good job, Sargent.” Tinuro ni Inspector Jade si Sargeant Victor. Tumayo si Inspector Jade at isinuot nito ang jacket bago naglakad palabas ng pinto. Agad namang umalis si Lieutenant Trist sa silya na inuupuan niya at agad na sumunod sa dalawa. Sumakay sila sa taxi na pinapasada ni Sargeant Victor at dinala sila sa isang squatter area. Itinuro ni Sargeant Victor ang dalawang palapag na bahay na pa upahan kung saan si Clyde tumutuloy pansamantala. “Maghiwa-hiwalay tayo. Sa harap kayong dalawa, sa likod ako dadaan.” Bilin ni Inspector. “Kung hindi kinakailangan wag gagamit ng baril, maraming tao ang madadamay.” Dagdag pa nito.
“MUKHA yatang may tinamaan kay Lieutenant, Boss.” Puna ni Martin. Kanina pa nakaupo si Ram sa stool sa harap ng counter sa mini-bar niya sa loob ng mansion. Hindi mapigilan ni Martin na punain dahil kanina niya pa ito napapansin na nakangiti habang umiinom. “She's interesting.” He sip on his glass before he look to Martin who was standing not so far to him. “Interesado ka ba talaga sa kaniya? Baka naman dahil sa siya ang pulis na nakapatay kay Nemuel o dahil isa siyang Sandoval?” “Nice question, Martin. What do you think the answer is?” He smiked that's make Martin smile. *** “VIVIAN, let me go!” Protesta ni Raya. Winaksi ni Raya ang kamay ni Vivan na pilit siyang pinipigilan nito na wag lumabas ng mansion. Nagmamadaling bumaba ng hagdan si Raya at sinundan naman siya ni Vivian. “Sinabi na ngang hindi ka pwedeng lumabas ng mansion! Ibinilin ka sa akin ni Ram na pagkagaling mo sa school, wala kang ibang gagawin o pupuntahan kundi sa kwarto mo at mag-aral!” Huminto si Raya at
NASA bar kami kung saan nagta-trabaho si Gong. Wala si Gong nang dumating kami at nakakuha kami ng pwesto sa gilid sa madilim na parte ng bar kung saan malapit sa mga babaeng sumasayaw sa stage. Malinis ang record nang bar na ito at legal ang lahat ng transaction. Nakakapanghinala na isang mafia boss ang may-ari ng bar na 'to, walang bakas ng kung anong illegal. Nagmamasid sa paligid kung may mga kahina-hinalang bagay. Mula sa mga bouncers, waitress, and dancers, they're look like a normal people who want to earned money. Wala sa mga staff ang kahina-hinala kundi sa mga costumers dumating. Speaking of the costumer, pumasok sa entrance ng bar ang lalaking nakapurong itim, ang gwapo nito sa kaniyang kasuotan at ang cool niya kung maglakad. Sa likod niya nakasunod ang dalawang bodyguard. “Anong ginagawa niya dito?” Tanong ko ng makita si Angel Ratchasi. Napatingin si Sargeant Victor at Inspector Jade sa gawi ng tiningnan ko. Mahinang tumawa si Sargeant Victor dahilan para mapating
“MARAMI akong naririnig tungkol sa mga Sandoval, pamilya ng mga Mafia. Hindi naman sa wala akong tiwala sa'yo Lieutenant pero gusto ko lang itanong, isa ka rin bang Mafia?” Sargeant Victor asked. “Wag mo sanang mamasamain, Lieutenant.” He added.“Makakaasa ka, Sargeant Victor na buo ang loob ko sa propesyon na pinili ko, sana ganu'n din ang tiwala niyo ngayon na alam niyo na ang pamilya na pinanggagalingan ko.” “Kung ganu'n, sinasabi mo bang handa kang kalabanin ang pamilya mo kung sakaling mapatunayan na lumalabag sila sa batas?” Natigilan si Tristañia sa tanong ni Sargent Victor. Mahirap para sa kaniya ang mamili sa pagitan ng dalawang bagay na mahalaga sa kaniya. Sa pagkakataong ito, wala siyang ibang gustong gawin kundi ang nakakabuti para sa lahat.“Tama na 'yan, Sargeant, labas tayo sa personal na buhay ni Lieutenant. Hindi natin pwedeng pakialaman ang bagay na labas sa kasong hinahawakan natin.” “Pasensiya na, Lieutenant.” She tap Sargeant Victor shoulder. “Naiintindihan ko,
“TRISTAÑIA, open up the door!”Galit na sigaw ni Tristan habang kinakatok ng malakas ang pinto ng kwarto ni Tristañia sa condo nito. Sinundan niya ito ng umalis sa mansion nila Travis at nakasunod rin sa kaniya si Thyme at Travis.“I said, open up the door!” Pag-uulit niya. Hindi pahirapaang pagpasok sa condo ni Tristañia dahil may access siya sa dito.“Leave me alone. Go away!” Siga ni Tristañia mula sa loob ng silid.Hinalungkat ni Thyme at Travis ang drawer at ilang gamit na pwedeng pagtaguan nito ng susi ng kwarto. Hindi naman nabigo ang dalawa ng matagpuan ang mga susi nito na nakasabit malapit sa malapad na TV.“Bud.” Kuha ni Thyme ng attention ni Tristan. Ibinato nito ang susi na agad niya namang sinalo. “Talk to her properly." Dagdag pa ni Thyme.“Talk calmly in a good way.” Segunda naman ni Travis.Binuksan ni Tristan ang kwarto nito. Bumungad sa kanila si Tristañia na nakahinga sa kama habang umiiyak. Tinap ni Thyme ang balikat ni Tristan at inabot naman niya ang susi dito b
NAKANGITING bumaba si Tristañia sa kaniyang sasakyan at binuksan ang backseat para kunin ang regalo para sa Mommy ni Travis.“Good evening, Young Princess.” Sinalubong siya nang isang kasambahay at iginaya siya papunta sa garden kung saan gaganapin ang simpleng hapunan para sa kaarawan ng Mommy ni Travis.Iba't-ibang kulay ng ilaw ang nagsisilbing liwanag sa buong paligid. Mahabang mesa na punong-puno ng pagkain at candle lighting. Sa gilid nito ay nag-iihaw ng barbeque si Thyme at Tristan. Si Tahn at Thyne naman naka-upo sa mahabang sofa habang naglalaro ng mobile game.Ang Mommy ni Travis ay ginuguide ang mga kasambahay kung saan ilalagay ang mga pagkain. Natigilan ito nang makita siyang nakatayo hindi kalayuan sa kanila.“Natutuwa akong nakarating ka, Princess.” Nakangiting sinalubong siya nito. Niyakap siya nito at ginawaran ng halik sa pisngi. Napatingin naman sa kaniya ang apat maging ang mga kasambahay.“Sorry po, Tita, late ako.” “No, It's okay dear. Tamang-tama lang ang da
“OKAY na tayo ah? Bati na tayo... Ayoko sa lahat nang makakatampuhan ay ikaw. Alam mo naman kung gaano ka kalakas pagdating sa amin, right bud?” Sumulyap si Thyne kay Tahn. Nakangiting tumango ito at nag-thumbs up. Ginulo ni Thyne ang buhok ni Tristañia bago ito niyakap at hinalikan sa noo.“Uya! Bina-baby niyo naman ako masyado eh!” Reklamo niya.“Huh! Sinabi ko naman sa'yo, mananatili kang prinsesa ko kahit uugod-ugod ka na. Darating ako palagi para sunduin ka!” Kumindat si Thyne.“At sa tuwing pakiramdam mong tinalikuran ka na nang lahat, mananatili akong kakampi mo at unang yayakap sa'yo!” Segunda naman ni Tahn.Tristañia pouted. “Bakit palaging sa akin niyo nilalaan ang mga oras niyo? Bakit hindi kayo maghanap ng babaeng makakasama niyo sa pagtanda? Unless, kung sa pagiging matandang dalaga gusto niyo akong samahan.”Natigilan ang dalawa. Nagkatinginan ang mga ito bago tumingin sa gawi ni Tristañia na kumakain ng pizza na in-order ni Tahn.“Anyway, Trav invited us tonight, dinn