TRISTAÑIA
“SALAMAT sa tulong Sargeant Victor!”Sambit ko nang makapasok ako sa loob ng sasakyan. Hindi ako makakatakas sa mga 'yon kung hindi ako tinulungan ni Sargeant Victor.“Basta ikaw, Lieutenant. Walang problema.”Nakatakas man ako sa mga 'yon kay kuya Thyne hindi! Paniguradong dudugo noo ko sa pitik niya dahil sa ginawa kung gulo. Hindi ko naman intention na magkagulo gusto ko lang talagang mag-thank you isa pa ang mga tao lang ang gumagawa ng issue para may pag-usapan.“Bakit bigla ka na lang na wala ka gabi, Lieutenant? Hinatid ko lang si Inspector sa labas pagbalik ko wala ka na. Alam mo bang pinag-alala mo ako?”“Pasensiya na Sargeant.”“Ano naman ang kinalaman mo kay Thyne Xavier? Sabi ni Inspector kailangan mong pumunta kay Commander dahil sa kumakalat sa internet.”“Ano? Paano naman nakarating ang balita kay Commander?” Hindi makapaniwalang tanong ko kay Sargeant Victor.Nagkibit-balikat siya.Hinatid ako ni Sargeant Victor sa SIF building. Nagpasalamat ako sa kaniya bago pumasok sa loob. Nakasalubong ko si Lieutenant Nica at hinaranagan ako nito. Tiningnan ako nito mula ulo hangang paa.“Akala mo kung sinong magaling at malinis may itinatago namang baho sa katawan!”Si Lieutenant Nica Ignacio ang pumapangalawa sa akin nang nasa training ground pa kami kaya naman na alam ko na matagal na siyang may galit sa akin at ilang beses niya akong sinubukang pabagsakin.Maganda siya at sexy kung hindi ko lang siya kilalang pulis malamang mapagkakamalan ko siyang isang modelo. Masipag siya sa trabaho ang kaso matagal na siyang may malaking galit sa akin hindi ko alam kung bakit.“Tumabi ka Lieutenant Nica. Pinapatawag ako ni Commander, gusto mong sumama?”Bakas sa mukha niya ang asar at inirapan ako. Nginisihan ko naman siya bago ko siya nilampasan at dumiretso sa opisina ni Commander.Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto. Bumungad sa akin si Commander at si Captain Wenard. Nagbigay galang ako bago tumayo ng tuwid.“Mabuti naman at dumating ka na Lieutenant Trist. Pinatawag kita upang mabigyan kasagutan ang kumakalat sa media.” Inilapag ni Commander ang printed picture namin ni Kuya Thyne na kalat na kalat sa media.“Sino ba naman ang mag-aakala na ang isang magaling na pulis na kagaya mo ay gagawa ng bagay na ikakasira ng departamento? Umamin ka na Lieutenant ikaw ang babaeng kasama ni Thyne Xavier.” Wika ni Captain Wenard.Tiningnan ko si Captain nginisihan niya ako na para bang ito na ang huling araw ko na papasok sa building ng SIF. Tumingin ako sa gawi ni Commander naghihintay siya ng sagot mula sa akin.“Anong masasabi mo, Lieutenant?” Tanong ni Commander.“Walang masama sa pakikipag-relasyon, ang masama ay ang mga taong nag-iisip ng masama ng hindi alam ang buong katutuhanan.” Tiningnan ko si Captain Wenard at mukhang nakuha niya naman ang sinabi ko.“Sinasabi mo bang may relasyon ka kay Thyne Xavier? Ibang klase ka, Lieutenant!” Umiiling na sambit ni Captain Wenard.“Patungkol sa larawan na ‘yan, hindi big deal. Karapatan ng kahit sinumang pulis ang magkaroon ng ka relasyon, hindi ito makakasira sa departamento dahil personal na bagay ito.” I continued.“Parang inamin mo na rin na may relasyon ka kay Thyne Xavier! Bakit hindi mo pa diretsahin? Alam mo, Lieutenant, sa atin-atin lang 'to ang sekreto mo ay hindi lalabas kapag nagsalita ka.”“Bakit kung magtanong ka Captain ay para akong kriminal na pilit na pinapaamin sa isang crimen? Sinabi ko na 'diba? Ang bagay na 'yan ay personal walang kinalaman sa 'yo o sa departamento.”Mabilis na tumayo si Captain Wenard at nilapitan ako. Galit na galit itong humarap sa akin. Nakipaglaban ako sa mga titig niya, kahit na sabihin pang siya ang Captain lalaban at lalaban ako sa kaniya wala yata sa dugo ko ang pagiging duwag.“Tama na 'yan, Captain. Lumabas ka na muna at mag-uusap kami ni Lieutenant.” Awat sa amin ni Commander.Hindi bumitaw sa tingin sa akin si Captain hangang sa makalabas siya ng opisina. Tumingin ako kay Commander ng deritso.“Ngayon ka magtapat sa akin, Lieutenant. Ano ang totoong ugnayanan mo kay Thyne Xavier?” Mahinahong Tanong ni Commander.Nagkatitigan kami ni Commander at hinihintay niya ang magiging sagot ko. Napag-usapan namin ni Kuya Thyne na aayusin namin ang gusot na ito na walang nakakaalam ng relasyon naming dalawa para protektahan ang isa't-isa.***Lumabas ako ng opisina ni Commander pagkatapos naming mag-usap at nakasalubong ko si Captain. Nginisihan niya ako bago nilampasan. Tinungo ko ang desk ko at nahagip ng mata ko si Lieutenant Nica na may dalang tasa ng kape.May lips formed 'o' when I saw she's handing it to Inspector Jade. Napahawak ako sa baba ko habang pinagmamasdan sila. Sa kilos ni Lieutenant Nica nakikita kung may gusto siya kay Inspector, teka ito ba ang dahilan kung bakit malaki ang galit niya?Pwes, magalit siya hangang sa mamatay siya sa selos!Nakangiting lumapit ako sa kanilang dalawa. “Good morning, Inspector!”Napatingin silang pareho sa akin. Tumango sa akin si Inspector habang si Lieutenant Nica naman ay tiningnan niya ako ng masama.“Grabi nag-enjoy ako kagabi, sa uulitin inspector.”Malapad na ngumiti ako sa kaniya. Nakita ko namang nagulat si Inspector sa sinabi ko. Napakurap-kurap siya at tumango ng makuha niya ang ibig kung sabihin. Samantalang si Lieutenant Nica naman ay nanlaki ang mata at namula ang pisngi sa galit.Nakangiting tinalikuran ko sila at bumalik sa desk ko. Bahala ka diyan mag-over think ante! Nakangiting umupo ako sa swivel chair ko at sinimulang magtrabaho habang pa ngiti-ngiti ako dahil hindi ko ma imagine kung ano na ang iniisip ni Lieutenant Nica na ginawa namin ni Inspector.“Anong ginawa mo kay Commander para wag kang pakialaman?”Inis na turan sa akin ni Captain Wenard. Galit na galit itong nakatingin sa akin kaya sinalubong ko ang mga titig niya.“Ganu'n ako kalakas sa mga lalaki. Kaya mag-iingat ka, Captain.”Tumayo ako para magkalevel kami. Nagkatitigan kami ng matagal na may galit sa isa't-isa. Umalis siya sa harapan ko pero pinagmamasdan ko pa rin siya hangang sa makalayo sa akin. Nagbaba ako ng tingin sa cellphone ko ng magvibrate ito.Isang mensahe mula kay Sargeant Victor sa aming group chat. Nagkatinginan kami ni Inspector. Tumango siya sa akin at mabilis na tumayo sa kaniyang silya. Dinampot niya ang kaniyang jacket at naglakad palabas. Inayos ko ang suot kung leader jacket at agad na sumunod kay Inspector.***“Dito dinala ang kargamento na ninakaw ni Clyde mula kay Nemuel. Sa natuklasan ko mag-isang kumikilos si Clyde. Wala siyang grupo o anumang kinakapitan sa itaas. Siya ang bumabandera ngayon dahil sa pagkawala ni Nemuel.”Paliwanag ni Sargeant Victor habang nakatingin kami sa isang warehouse sa gitna ng kagubatan. Hindi madaling mahanap ang lugar na ito dahil sino ba namang mag-aakala na sa gitna ng kagubatan may isang warehouse ng drugs?Nagtago kami sa likod ng malaking puno na may dumating na big bike. Ipinarada nito ang big bike sa harap ng warehouse. Nakasuot ito ng purong itim. Nagpalinga-linga ito sa paligid kaya nakita ko ng malinaw ang kaniyang mukha.“Iyan si Clyde ang may-ari ng warehouse.”Nagkatinginan kami ni Inspector. Kung ganu'n wala pang pumapalit sa pwesto ni Nemuel. Ang kargamento ni Nemuel ay ninakaw ni Clyde at kung mayroon nang pumalit kay Nemuel ay hindi ito hahayaang mangyari. Sa nakikita ko simple at palaboy lang si Clyde. Maaring kaya niyang magpatakbo ng ganitong negosyo pero hindi ako naniniwala na wala siyang sinasandalan.“Malaking gulo ang mangyayari sa pagitan ng dalawang grupo kapag nagsimula nang bumangon ang grupo ni Nemuel. Sigurado akong hindi matatapos ang gantihan hangga't walang namamatay.” I said.“Kaya nga nandito tayo, Lieutenant para pigilan ang mga masasamang taong katulad nila na sumisira sa ating bansa at protektahan ang mga kabataan laban sa droga.” Tugon naman ni Sargeant Victor.“Bago pa man magsimula ang gulo sa pagitan ng dalawang grupo, kailangan na nating alamin ang bagong papalit kay Nemuel.”Sana'y inyong magustuhan ang kwento ni Tristañia at Ram! Maari kayong mag-iwan ng gems at komento! Mababasa rin ang buong kwento sa pamamagitan ng panunuod ng ads. Maraming salamat! —Jaypei
MALAWAK na bakuran na punong-puno ng nagtataasang halaman. Sa gilid nito ay may malawak na swimming pool. Sa hindi kalayuan ay may isang pinasadyang mesa at upuan na yari sa mamahaling kagamitan.Isang binata ang nagsasanay ng pagamit ng kutsilyo. Minamaster niya ang tamang maghawak nito at kung paano ito gamitin sa labanan. He used to play spinning knife with target than using gun. Ito ang kaniyang nakasanayan na gawin sa umaga bago mag-almusal. “Good morning, Young master. Nakahanda na ang almusal mo.”Ibinaba niya ang hawak na kutsilyo sa tray na hawak ng isa niyang bodyguard at nagpunas ng kamay gamit ang malinis na towel. Nilingon niya si Marcelo—ang kaniyang butler. May katandaan na ito at tapat na nagsisilbi sa kaniya.He tap Marcelo's shoulder. “You look terrified, Marcelo. What's news?”Nagtaka siya ng hindi nakatingin sa kaniyang mata si Marcelo. Ngumisi siya bago tinungo ang mesa at umupo sa silya dito sa hardin kung saan nakahanda ang kaniyang almusal. Pinagmasdan niya an
“BUHAY ka pa pala!” Inilapag ni Felix ang wine at wine glass sa bedside table. Vivian is about to run towards Felix pero agad itong natigilan ng itutok niya ang baril dito.He glare. “Stay still.”“Ram, ibaba mo 'yan!” Mariing utos sa kaniya ni Felix. Bakas sa mukha nito na kinakabahan at halatang ayaw nitong masaktan si Vivian.Sa nakikita niya malalim ang nararamdaman ni Felix kay Vivian. Kung sa bagay hindi naman mahirap magustuhan si Vivian dahil isa itong magandang babae na sa mata na lahat ng lalaki ay anghel.Hindi niya lubos maisip na ang ginawang pagt-traydor sa kaniya ni Vivian ay gagawin rin nito kay Nemuel at talagang sa kanang kamay pa ni Nemuel? Tiningnan niya ng nakakamatay na tingin si Felix dahilan para napalunok ito. Sinulyapan niya si Vivian na takot na takot sa ibaba at gilid ng kama. “Anong karapatan mo para utusan ako?” Mahinahon niyang sambit napayuko si Felix at pasimple nitong sinulyapan si Vivian na umiiling. Tumayo siya at naglakad-lakad habang nagmamas
PINUNASAN ni Ram ang kaniyang luha at dahan-dahang hiniga sa sahig si Marcelo. Sunod-sunod na putukan ang naririnig niya mula sa labas ng mansion kaya tinungo niya ang daan kung saan lumabas sila Martin. Nakita niyang si Felix at mga tauhan nito ang kalaban ng mga tauhan niya. Ang babaeng pumatay kay Marcelo ay tauhan ni Felix. Tinanggap niya ang baril na ibinabot ng isa niyang tauhan. Isa-isang nalalagasan ang magkabilaang grupo dahil harap-harapan silang naglalaban ngunit mas madami ang tauhan ni Ram kay Felix. “Kailangan na nating umalis, boss!” Sambit ng babaeng pumatay kay Marcelo. Ram target Felix when he saw him running away. Tinamaan niya si Felix sa braso pero patuloy pa rin ito sa pagtakbo habang hawak si Vivian. Binaril ni Ram si Vivian at tinamaan ito sa paa. Napaupo si Vivian sa sahig at sumisigaw sa sakit. Hinawakan si Felix ng babae. “Tara na boss!” “Felix, wag! Wag mo akong iiwan! Papatayin ako ni Ram, ayokong mamatay!” Pagmamakaawa ni Vivian kay Felix. “Bago m
“KAMUSTA ang pagbisita mo kay Melanie?” Sumimsim si Ram ng alak sa basong hawak niya. Nakaupo siya sa stool sa harap ng mini-bar dito sa sala. Kakarating pa lang ni Martin at napansin niya kaagad ang mga pasa nito sa mukha. “Hindi siya madaling hulihin boss, hindi normal para sa isang babae na magaling sa lahat ng armas pero sinisiguro ko na iniinda niya ngayon ang sugat niya.” “Magpahinga ka na muna, may ipapagawa ako sa'yo kinabukasan.” “Ano 'yon, Young master?” “I check Nemuel's bank account and I found out that Felix steal a lot of money from him. Hindi lang 'yon, may pinapadalhan siya ng pera kada buwan na nakapangalan sa babae. She have the same surname with me.” “Anak ni Nemuel.” Martin answer, Ram nodded. “Yeah, I want you to find my niece and bring her home.” *** “HOY! Malandi, tumigil ka kung ayaw mong manghiram ng mukha sa aso!” Napatigil sa paglalakad si Raya ng marinig niya ang sigaw mula sa kaniyang likuran. Napairap siya ng wala ng tamis ang nginunguya niyang
LIMANG may katandaan nang lalaki ang nahihinatay kay Ram na nakaupo sa harapan ng isang round table sa loob ng isang pribadong silid. “Ano bang kailangan niya at pinatawag niya tayong lahat?” Reklamo ni Mr. Mawin. “Hindi niya ba alam na wala akong oras para sa ganitong bagay?” Sambit ni Mr. Lin. Halata sa mga mukha na iritado na ito dahil limang minuto nang late si Ram sa nasabi nitong oras. Bumukas ang pinto ng silid at iniluwa nito si Martin iginaya nito si Ram papunta sa bakanteng upuan. “I'm glad you all have a free time to see me.” Ram greeted. “Bakit ka nagpatawag ng meeting?” “Para saan ang meeting na ito?” “Hindi meeting ang kailangan namin sa mga oras na ito kundi ang mabawi ang pera na nawala sa amin. Hindi mo alam kung gaano kahalaga sa amin ang ninakaw!” “Hayaan nating magsalita si Ram.” Sambit ni Mr. Roger. “Sabihin mo ang pakay mo, Ram, wag ka ng magpaligoy-ligoy pa.” Sumimsim ng alak si Mr. Mawin. Nakangising tiningnan niya isa-isa ang mga lalaking nasa hara
TRISTAÑIA “ANO? Kuya naman!” Protesta ko. “Sige na, Love, pagbigyan mo na ako! Kailangan ko ng tulong mo ngayon lang 'to! Promise!” Pagmamakaawa ni kuya Thyne sa akin na sumama sa kaniyang meeting bilang secretary dahil kakasisante niya pa lang sa bago niyang secretary. “Alam mo naman na ito ang ayaw ko sa lahat, kuya! I love guns than pen!” Pabagsak akong umupo sa swivel chair niya. “That's why Charley burst in anger.” “Yeah. Whatever.” Inirapan ko si Kuya Thyne at patakbo akong nagtungo sa pinto. “I will buy you a new high-teach short arm gun.” Awtomatikong napabalik ako sa harapan niya. Nakangiting kumikinang ang mata ko habang nakatingin sa kaniya kung sigurado ba siya sa sinasabi niya. Nagkibit-balikat siya. “Hindi mo naman agad sinabi, kailan ba ang meeting mo?” “Now.” He plain said. “What? As in now? Kuya! Are you kidding me?” “No, I don't do prank a police woman.” Nakangiting hinila ako nito papasok sa conference room na nakakonekta sa kaniyang opisina. Laking gu
TRISTAÑIA NAGPA-ALAM ako kay kuya Thyne na pupunta ako ng ladies room. Pagkapasok ko sa ladies room kinabit ko sa tenga ang earpiece na ibinigay sa akin ni Inspector para magakaroon ako ng contact sa kanila ni Sargeant Victor. Hindi talaga ako makapaniwala nang makita siyang nagpanggap na waiter hangang sa makita ko si Sargeant Victor. Nakangiti itong dumaan sa kinauupuan ko kanina at tinanguan ako. Nandito rin si Captain Wenard kasama si Sargeant Nica na parehong nakasuot ng formal attire at sa tingin ko nasa mission din ang dalawang 'to. Masama silang nakatingin sa akin wala namang bago doon kaya hinayaan ko na lang sila. “Ituro niyo na lang sa akin kung sino ang target.” Sambit ko bago lumabas ng ladies room. Hindi ako sanay na nakasuot ng mataas na sapatos pero alam ko ang arte sa paglalakad, pinag-aralan ko rin kaya ito. Feel na feel ko ang paglalakad na para bang nasa isang fashion show patungo sa table namin ni Kuya Thyne. Pagkaupo ko, binuksan ko ang purse ko at kinuha a
TRISTAÑIA “A-Angel Ratchasi...” Bigkas ko sa pangalan niya ng makita ko siyang nakatayo hindi kalayuan sa bench na kinauupuan ko. Tumingin ako sa paligid, walang ibang tao maliban sa aming dalawa. “Just Angel.” Lumapit siya sa akin. Nang makatayo siya sa harapan ko kumunot ang noo ko. Ano bang ginagawa ng lalaking 'to dito? Pinag-cross ko ang braso ko at tumingin sa kaniya ng diretso. “Sinusundan mo ba ako?” Deritsahang tanong ko sa kaniya. His lips form 'o' like he didn't expect what I've said. “Don't flattered yourself, baby girl.” Ene be! Let's take it slowly! Chos. He smirked before he walk away. Naiwan akong nakaawang ang labi at tinuro ko ang sarili ko. Tumayo ang balahibo ko pero may parte sa akin na kakaiba ang dating. “I am always be...” I whispered to myself. I'm a baby girl of five handsome men. That was insult, I shouldn't be feel this way. Hindi porket ang gwapo niya sa mata ko siya na ang type ko? Huh! Kahit na gwapo pa siya isang Inspector Jayden pa rin an
“HINDI mo ba alam na masyadong delikado ang ginawa mo, Mister Angel Ratchasi? O mas gusto mong tinatawag na Ram?” Nagsalubong ang kilay ni Angel Ratchasi. Matalim na tingin ang itinapon niya kay Captain Wenard na nakatayo sa paanan ng hospital bed na kinahihigaan niya. “Which one you prefer, Captain...” Ngumisi si Captain Wenard na may pang-aasar ang uri ng titig nito. “Pumunta ka sa SIF para magreport ng kidnapping pero ikaw mismo ang gumawa ng hakbang dahil ang totoo alam mo kung sino ang kumuha sa pamangkin mo, ang tanong sino ka ba talaga Angel Ratchasi?” He lick his lower lips before he smirked. “No offense, Captain, I suggest you read newspaper, magazines or article in the internet. If you are not satisfied in it... Be my guest.” Ang ngisi sa mukha ni Captain Wenard agad na napalitan ng galit na mukha at nanlilisik ang mata nitong nakatingin kay Angel Ratchasi. “Wag na tayong maglokohan pa dito, Ram! Kapatid ka ni Nemuel at walang ibang papalit sa pwesto niya kundi ik
“FELIX, kailan mo ba ako kukunin dito ah?” Inis na turan ni Vivian sa kabilang linya. “Kaunting-kaunti na lang, Honey, bago 'yan kailangan may gawin ka muna para sa akin...” Kahit hindi niya makita ang mukha ni Felix alam niyang nakangisi ito. “Hindi 'yan ganu'n kadali, Felix, alam mo bang may isa pang tagapag-mana?” “Ano?!” Bulaslas ni Felix. “Bago mo patayin si Ram kailangan mo munang unahin ang buwisit na m*****a niyang pamangkin! Anak siya ni Nemuel at legal na tagapag-mana.” “Kung ganu'n, magagamit ko siya...” Nakangising tumango si Felix. “Na saan siya ngayon?” “Nasa school siya ngayon pero ang alam ko didiretso siya sa restaurant kung saan sila magkikita ni Ram.” “I love you, Vivian.” Sambit ni Felix bago ibinaba ang cellphone. Nakangising nakatingin si Vivian sa replika ng kaniyang sarili mula sa whole body mirror sa loob ng banyo. “Tingnan lang natin kung saan aabot ang kamalditahan mo, Raya... Makakaganti rin ako sa inyo ni Ram!” *** “MALE-LATE ng kaunti si Boss, s
SABAY na napatingin si Lieutenant Trist at Inspector Jade nang bumukas ang pinto ng hideout nila. Bumungad si Sargeant Victor na hinihingal. “Inspector, Lieutenant, alam ko na kung na saan si Clyde!” Nagkatitigan si Inspector at Lieutenant. Sa dalawang araw nilang ginugol sa paghahanap kay Clyde, hindi ito madaling hanapin dahil palipat-lipat ito ng location. “Good job, Sargent.” Tinuro ni Inspector Jade si Sargeant Victor. Tumayo si Inspector Jade at isinuot nito ang jacket bago naglakad palabas ng pinto. Agad namang umalis si Lieutenant Trist sa silya na inuupuan niya at agad na sumunod sa dalawa. Sumakay sila sa taxi na pinapasada ni Sargeant Victor at dinala sila sa isang squatter area. Itinuro ni Sargeant Victor ang dalawang palapag na bahay na pa upahan kung saan si Clyde tumutuloy pansamantala. “Maghiwa-hiwalay tayo. Sa harap kayong dalawa, sa likod ako dadaan.” Bilin ni Inspector. “Kung hindi kinakailangan wag gagamit ng baril, maraming tao ang madadamay.” Dagdag pa nito.
“MUKHA yatang may tinamaan kay Lieutenant, Boss.” Puna ni Martin. Kanina pa nakaupo si Ram sa stool sa harap ng counter sa mini-bar niya sa loob ng mansion. Hindi mapigilan ni Martin na punain dahil kanina niya pa ito napapansin na nakangiti habang umiinom. “She's interesting.” He sip on his glass before he look to Martin who was standing not so far to him. “Interesado ka ba talaga sa kaniya? Baka naman dahil sa siya ang pulis na nakapatay kay Nemuel o dahil isa siyang Sandoval?” “Nice question, Martin. What do you think the answer is?” He smiked that's make Martin smile. *** “VIVIAN, let me go!” Protesta ni Raya. Winaksi ni Raya ang kamay ni Vivan na pilit siyang pinipigilan nito na wag lumabas ng mansion. Nagmamadaling bumaba ng hagdan si Raya at sinundan naman siya ni Vivian. “Sinabi na ngang hindi ka pwedeng lumabas ng mansion! Ibinilin ka sa akin ni Ram na pagkagaling mo sa school, wala kang ibang gagawin o pupuntahan kundi sa kwarto mo at mag-aral!” Huminto si Raya at
NASA bar kami kung saan nagta-trabaho si Gong. Wala si Gong nang dumating kami at nakakuha kami ng pwesto sa gilid sa madilim na parte ng bar kung saan malapit sa mga babaeng sumasayaw sa stage. Malinis ang record nang bar na ito at legal ang lahat ng transaction. Nakakapanghinala na isang mafia boss ang may-ari ng bar na 'to, walang bakas ng kung anong illegal. Nagmamasid sa paligid kung may mga kahina-hinalang bagay. Mula sa mga bouncers, waitress, and dancers, they're look like a normal people who want to earned money. Wala sa mga staff ang kahina-hinala kundi sa mga costumers dumating. Speaking of the costumer, pumasok sa entrance ng bar ang lalaking nakapurong itim, ang gwapo nito sa kaniyang kasuotan at ang cool niya kung maglakad. Sa likod niya nakasunod ang dalawang bodyguard. “Anong ginagawa niya dito?” Tanong ko ng makita si Angel Ratchasi. Napatingin si Sargeant Victor at Inspector Jade sa gawi ng tiningnan ko. Mahinang tumawa si Sargeant Victor dahilan para mapating
“MARAMI akong naririnig tungkol sa mga Sandoval, pamilya ng mga Mafia. Hindi naman sa wala akong tiwala sa'yo Lieutenant pero gusto ko lang itanong, isa ka rin bang Mafia?” Sargeant Victor asked. “Wag mo sanang mamasamain, Lieutenant.” He added.“Makakaasa ka, Sargeant Victor na buo ang loob ko sa propesyon na pinili ko, sana ganu'n din ang tiwala niyo ngayon na alam niyo na ang pamilya na pinanggagalingan ko.” “Kung ganu'n, sinasabi mo bang handa kang kalabanin ang pamilya mo kung sakaling mapatunayan na lumalabag sila sa batas?” Natigilan si Tristañia sa tanong ni Sargent Victor. Mahirap para sa kaniya ang mamili sa pagitan ng dalawang bagay na mahalaga sa kaniya. Sa pagkakataong ito, wala siyang ibang gustong gawin kundi ang nakakabuti para sa lahat.“Tama na 'yan, Sargeant, labas tayo sa personal na buhay ni Lieutenant. Hindi natin pwedeng pakialaman ang bagay na labas sa kasong hinahawakan natin.” “Pasensiya na, Lieutenant.” She tap Sargeant Victor shoulder. “Naiintindihan ko,
“TRISTAÑIA, open up the door!”Galit na sigaw ni Tristan habang kinakatok ng malakas ang pinto ng kwarto ni Tristañia sa condo nito. Sinundan niya ito ng umalis sa mansion nila Travis at nakasunod rin sa kaniya si Thyme at Travis.“I said, open up the door!” Pag-uulit niya. Hindi pahirapaang pagpasok sa condo ni Tristañia dahil may access siya sa dito.“Leave me alone. Go away!” Siga ni Tristañia mula sa loob ng silid.Hinalungkat ni Thyme at Travis ang drawer at ilang gamit na pwedeng pagtaguan nito ng susi ng kwarto. Hindi naman nabigo ang dalawa ng matagpuan ang mga susi nito na nakasabit malapit sa malapad na TV.“Bud.” Kuha ni Thyme ng attention ni Tristan. Ibinato nito ang susi na agad niya namang sinalo. “Talk to her properly." Dagdag pa ni Thyme.“Talk calmly in a good way.” Segunda naman ni Travis.Binuksan ni Tristan ang kwarto nito. Bumungad sa kanila si Tristañia na nakahinga sa kama habang umiiyak. Tinap ni Thyme ang balikat ni Tristan at inabot naman niya ang susi dito b
NAKANGITING bumaba si Tristañia sa kaniyang sasakyan at binuksan ang backseat para kunin ang regalo para sa Mommy ni Travis.“Good evening, Young Princess.” Sinalubong siya nang isang kasambahay at iginaya siya papunta sa garden kung saan gaganapin ang simpleng hapunan para sa kaarawan ng Mommy ni Travis.Iba't-ibang kulay ng ilaw ang nagsisilbing liwanag sa buong paligid. Mahabang mesa na punong-puno ng pagkain at candle lighting. Sa gilid nito ay nag-iihaw ng barbeque si Thyme at Tristan. Si Tahn at Thyne naman naka-upo sa mahabang sofa habang naglalaro ng mobile game.Ang Mommy ni Travis ay ginuguide ang mga kasambahay kung saan ilalagay ang mga pagkain. Natigilan ito nang makita siyang nakatayo hindi kalayuan sa kanila.“Natutuwa akong nakarating ka, Princess.” Nakangiting sinalubong siya nito. Niyakap siya nito at ginawaran ng halik sa pisngi. Napatingin naman sa kaniya ang apat maging ang mga kasambahay.“Sorry po, Tita, late ako.” “No, It's okay dear. Tamang-tama lang ang da
“OKAY na tayo ah? Bati na tayo... Ayoko sa lahat nang makakatampuhan ay ikaw. Alam mo naman kung gaano ka kalakas pagdating sa amin, right bud?” Sumulyap si Thyne kay Tahn. Nakangiting tumango ito at nag-thumbs up. Ginulo ni Thyne ang buhok ni Tristañia bago ito niyakap at hinalikan sa noo.“Uya! Bina-baby niyo naman ako masyado eh!” Reklamo niya.“Huh! Sinabi ko naman sa'yo, mananatili kang prinsesa ko kahit uugod-ugod ka na. Darating ako palagi para sunduin ka!” Kumindat si Thyne.“At sa tuwing pakiramdam mong tinalikuran ka na nang lahat, mananatili akong kakampi mo at unang yayakap sa'yo!” Segunda naman ni Tahn.Tristañia pouted. “Bakit palaging sa akin niyo nilalaan ang mga oras niyo? Bakit hindi kayo maghanap ng babaeng makakasama niyo sa pagtanda? Unless, kung sa pagiging matandang dalaga gusto niyo akong samahan.”Natigilan ang dalawa. Nagkatinginan ang mga ito bago tumingin sa gawi ni Tristañia na kumakain ng pizza na in-order ni Tahn.“Anyway, Trav invited us tonight, dinn