TRISTAÑIA
BUONG araw akong nasa opisina at naging abala sa trabado. Kung hindi ako nakaramdam ng gutom hindi ko namalayan na alas tres na sa hapon. Nagtimpla ako ng kape ng lumapit sa akin ang isa sa kasamahan ko.“Lieutenant pinapatawag ka ni Commander.”“Susunod ako.”Iniwan ko ang kape sa table ko at tinungo ang opisina ni Commander. Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto. Bumungad sa akin si Commander, si Captain Wenard na nakaupo sa visiting chair habang si Inspector Jade nakatayo sa gilid.Nagbigay galang ako kay commander bago tumayo sa tabi ni Inspector Jade. “Binabati kita, Lieutenant sa matagumpay na operasyon niyo ni Inspector Jade.”“Salamat, Commander.”“Huh! Hindi magiging matagumpay ang operasyon kung hindi kami dumating. Lieutenant, kung hindi kami dumating paniguradong pinaglalamayan ka na ngayon. Hindi kaya isang palabas lang nangyari kahapon para masabing tapat ka?” Sarkastikong sambit ni Captain Wenard.“Anong ibig mong sabihin, Captain?”“Hindi ba't mortal na ka away nang pamilya mo si Nemuel kaya nasisiguro ko na hindi trabaho ang ginagawa mo kundi personal. Alam naman nating lahat kung anong klaseng tao ang mga Sandoval. Bakit ka nga ba nagpulis, Lieutenant?”Nanunudyong ngumisi si Captain Wenard dahilan para maikuyom ko ang kamao ko. Lalapitan ko na sana ito pero pinigilan ako ni Inspector Jade.“Ano ah? Sasaktan mo ako? Bakit may mali ba sa sinabi ko Lieutenant Trist?”“Tama na 'yan, Captain, Lieutenant.” Saway ni Commander. “Lieutenant igalang mo ang makakatakaas sa 'yo.” Bumaling si Commander kay Captain Wenard. “Captain, respetohin mo ang mga tao mo upang igalang ka.”“Yes, sir!”“Copy, sir!”Nagkatinginan kaming dalawa ni Captain Wenard. Si Captain Wenard ang kilala kung pulis na kahit hindi niya pinaghirapan gusto na palaging na sa kaniya ang credit. Nakakapikon man pero siya pa rin ang team leader namin.Katulad na lang nang naging operation namin kahapon kay Nemuel na isang mafia boss. Hindi man naging madaling kalabanin ang isang mafia boss pero namatay pa rin ito sa mismong kamay ko. Pagkatapos ng ginawa niya sa dalagita hindi ako papayag na may mabiktima pa siyang iba! Ang isang hayop na katulad niya ay walang karapatan na mabuhay!Nagawa namin ng maayos ang mission. Dumating ang back up na tapos na ang putukan at patay na ang kalaban. As usual bida siya dahil siya ang Captain.“Captain, ipagpatuloy mo ang pag-imbistiga. Nakakasiguro akong may papalit sa pwesto ni Nemuel. Inspector, mula ngayon makakasama mo na si Lieutenant sa pagsugpo ng droga.”Natigilan ako. Nagkatinginan kami ni Captain Wenard bago ito tumingin kay Commander at agad na nagreklamo. “Commander, masyado pang bata si Lieutenant para sa mga kasong hinahawakan ni Inspector.”“Sa tingin ko ay mas magandang magtulungan sila ni Inspector sa kasong ito.” Iniabot ni Commander ang isang folder kay Inspector at tinanggap naman nito. “Kapag may update agad kayong magreport sa akin, ganu'n din sa inyo, Captain.”“Yes, Sir.” Tugon ni Inspector Jade.“Pero Commander —” Protesta ni Captain Wenard.“May sasabihin ka, Captain?”“No, sir.” Tugon ni Captain.Nagbigay galang kami kay Commander bago kami lumabas ni Inspector Jade. Magkasabay kaming naglakad papunta sa aming desk.“Masaya akong makasama ka sa trabaho, Inspector.”“Ngayon mo patunayan kung gaano talaga kagaling ang isang Lieutenant Trist.”Nagkatinginan kaming dalawa at tumango ako sa kaniya. Napakaseryo niya talaga kahit kailan hindi ko pa siya nakikitang ngumiti.“Tsk! Wag mong isipin na magaling ka, Lieutenant dahil sinasabi ko sa 'yo na punta ka sa bulok na Inspector! Tingnan lang natin kung may aangat sa inyong dalawa.” Nakangising bumaling si Captain kay Inspector.Naglakad ito palaba pero agad rin namang huminto at bumaling sa amin. “Pag-isipan mo kung saan ka dapat na sumama. Tandaan niyo iisang team pa rin tayo at ako pa rin ang team leader, maliwanag?”“Hindi ko na kailangan na pag-isipan pa dahil wala akong ibang susundin kundi ang utos ni Commander.” Walang emotion kong tugon dito dahilan para mapikon ito.“Tandaan mo, binabantayan ko ang bawat galaw mo, Lieutenant. Isang pagkakamali mo lang babagsak ka kasama ang pinamamahal mong pamilya! Tandaan mo 'yan!” Galit na sambit nito at dinuro ako.Kung hindi pa siya umalis sa harapan ko baka nakalimutan ko na isa akong pulis at siya ang Captain. Bumalik ako sa table ko at pabagsak na umupo. Pinakalma ko ang sarili ko bago ako nag-ayos ng gamit ko at nag-out.Pagdating ko sa labas natigilan ako ng magvibrate ang phone kaya agad ko itong kinuha sa bulsa. Nagulat ako nang biglang huminto sa tapat ko ang itim na sasakyan.Nagbaba ako ng tingin sa phone ko at binasa ang mensahe. “I'll pick you up.”Agad na dumapo ang mata ko sa itim na sasakyan. Dahan-dahang bumababa ang salamin ng bintana kaya umuklo ako para tingnan kung sino ito. Napatampal ako sa noo ng makita ko ang gwapong nilalang na magagawi dito sa working place ko.Sumenyas siya na pumasok sa loob. Sumimangot ako pero agad rin akong sumunod sa kaniya ng sumenyas ulit siya. Padabog akong sumakay sa passenger seat. Nagsusuot ako ng seatbelt ng mahagip ng mata ko si Captain Wenard na nakatingin sa akin. Sumenyas pa ito na sinasabing nasa akin ang mata niya. Inirapan ko siya at isinara ang bintana.“How's your day my sexy love?” He sweetly asked while starting the engine of the car. Napairap ako at pinag-cross ang mga kamay.“Ayos lang sana kaso dumating ka pa.”He chuckled that's make me look at him badly. “Ano bang na kain mo at na isipan mo akong sunduin, Mister?”“Wala pa, Madame. Kaya nga kita sinundo kasi ikaw ang taya. Nga pala, may na daanan ako kanina na bagong bukas na restaurant sabi nila masarap doon, try natin.”“Kuya!” Inis na saway ko dito. “Wala ka bang girlfriend para ako ang yayain mong magdinner?”“Psh. Ang ganito ka gwapong nilalang hindi nawawalan ng girlfriend ang kaso ikaw ang gusto kung kasama magdinner bakit may angal ka? May boyfriend ka na ba? Sino 'yong pulis na gurang, sugar daddy mo?”“Thyne Xavier Sandoval! Isa pa sisipain na kita palabas ng sasakyan!”“Hindi ko gusto ang mga titig niya sa 'yo, titig na hindi na siya sisikatan ng araw kahit kailan.” Agad akong napatingin sa kaniya. Sa pagkakataong ito seryosong-seryoso siya.“Kaya ko na ang sarili ko, malaki na ako. Hindi mo na rin ako kailangan sunduin na para bang college students pa rin! I'm already Lieutenant.”“Kahit may Lieutenant pang nakakabit diyan sa pangalan mo hindi pa rin magbabago na ikaw ang princessa ko. Tandaan mo kahit uugod-ugod ka na darating pa rin ako para sunduin ka kahit ayaw mo pa.”Inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng isang restaurant na sinasabi niyang bagong bukas. Kumain kaming dalawa at sa dami ng in-order ko wala siyang angal. Ang mahalaga sa kaniya kumain ako na kasama siya kahit siya pa ang magbayad. Palagi niyang sinasabi na ako ang taya pero kapag nasa kainan na kami siya pa rin ang nagbabayad.“Salamat sa libre!”Kumapit ako sa braso niya at tumingkayad ako para gawaran siya ng halik sa pisngi. Napangiwing pinunasan niya ang pisngi niya.“Love, bakit mo ako hinalikan? Kadiri naman 'to! Baka isipin ng mga chickababes ko mayroon akong girlfriend na pulis!”“Mas mabuti para walang magtatangka na maging kabit mo!”“Hayst!” Tinanggal niya ang kamay ko sa braso niya. Pinunasan niya ang pisngi niya kaya sumimangot ako. “Kung mag-inarte ka feeling virgin!”Inirapan ko siya at tinulak at na unang naglakad sa kaniya. “Hoy! Hoy! Anong sinabi mo?!” Habol niya sa akin kaya mabilis akong tumakbo.“Love bumalik ka dito! Lagot ka sa akin kapag na huli kita!”Mabilis akong tumakbo papunta sa sakayan at pumara ng taxi. Agad akong sumakay ng huminto ito at sinabi sa driver ang location.“Love, bumalik ka dito!”Nakangiting ibinaba ko ang bintana sa backseat at kumaway na may malapad na ngiti sa labi. “Bye-bye! Thank you sa dinner na busog ako! Muah!” Mag flying kiss ako sa kaniya.Gigil itong huminto sa pagtakbo at tinuro ako na sakay ng taxi na papalayo sa kinaruruonan niya. Nakangiting tumingin ako sa likuran ng makita ang pikon niyang reaction.“Salamat, Manong!”Inabot ko ang bayad at bumaba ng taxi. Naglakad ako papasok sa building. Sumakay ako ng elevator at bumaba sa floor kung saan ang unit ko. Agad akong pumasok sa loob at dumiretso sa kwarto.Inilagay ko ang baril ko sa ibabaw ng study table ko kasama ang phone at wallet ko bago pumasok sa banyo. Hinubad ko ang lahat ng saplot ko bago pumailalim sa masarap na tubig. Pagkatapos kung maligo agad akong sumampa sa kama ko at nagpahinga.Kinabukasan maaga akong nakarating sa opisina. Pagkababa ko pa lang ng sasakyan napansin ko ang mga tao na tinitingnan ako at nagbubulungan hangang sa makarating ako sa desk ko kakaiba ang kilos ng mga ito.Nakita ko si Inspector na may dala-dalang mga report papunta sa desk niya. Nagbigay galang ako dito pero tiningnan niya lang ako at nilampasan. Lumapit ako sa kaniya. “Inspector, bakit ang weird ng mga tao ngayon?”Tiningnan lang ako ni Inspector at muling bumalik sa ginagawa niya. Kinuha ko ang cellphone ko ng magvibrate ito. Agad kung binuksan ang link na sinend sa akin ni Kuya Thyne.Holy mother fucker!Napakurap-kurap ako ng makita ang larawan namin ni Kuya Thyne. Iyong ginawa kung pahalik sa kaniya kagabi at mayroong caption na; A new puppet of Thyne Xavier is a pulis woman!Puppet mo mukha mo!Napatingin ako sa paligid ko at nakita kung sa akin talaga sila nakatingin. Kaya pala ang weirdo nila dahil dito sa viral picture na ito na umabot ng 500K reactions.“Hindi pa nga nagsisimula ang totoong laban mukhang may babagsak na, hindi ba Lieutenant?” Bumaling ako sa likuran ko kung saan ko na rinig ang boses ni Captain.“Wala akong alam sa sinasabi mo, Captain.”Naglakad ito papalapit sa akin at ngumisi. “Wag mo ng itanggi, ikaw lang naman ang babaeng pinagkakaguluhan sa social media, tama?”Minsan na tanong ko sa sarili ko kung paano naging isang captain ang isang 'to na nasa talampakan naman ang utak!“Puppet?” Tiningnan niya ako mula ulo hangang paa na may pangmamaliit. Tiningnan ko siya ng seryoso. “Ayusin mo ang trabaho mo, hindi 'yong kung anu-ano ang tinatrabaho mo!”Naikuyom ko ang kamao ko. Kapag siya ang kaharap ko na buhuhay ang dugo ko. Bumaba ang tingin niya sa kamao ko at nakangising hinahaplos ang baba niya na para bang mas lalo niya akong hinahamon.“Lieutenant.” Tawag sa akin ni Inspector. Lumapit ako sa kaniya. “Yes, Inspector?”“Mag-ayos ka may pupuntahan tayong misson.” Sambit niya habang sinusuot ang leader jacket niya. “Sige, Inspector.”Sumunod ako kay Inspector pero hinarang kami ni Captain.“Hoy! Hoy! Saan naman kayo pupunta oras ng trabaho?” Tinuro niya kaming dalawa dahilan para magkatitigan kami ni Inspector.“Magt-trabaho.” Tipid na tugon ni Inspector. Akmang lalampasan niya ito ng harangin siya ng kamay nito. “I-report mo sa akin ang makukuha niyo.”“Walang sinabi si Commander na sa 'yo ako mag-rereport.”TRISTAÑIA“ANONG ginagawa natin dito, Inspector?”Inilibot ko ang paningin sa buong paligid. Pumasok kami ni Inspector sa isang eskinita. Nakasuot ako ng itim na hoody jacket. Pareho kami ni Inspector dahil utos niya ito. Itinuro niya sa akin ang isang maliit na kainan ng mga taxi driver at may ilan-ilang taxi driver na kumakain. My nakita akong dumating na isang taxi at nag-inat ang driver ng makalabas ito.“Si Sargeant Victor ang isa sa pinagkakatiwalaan kung tao. Sampong taon na siyang nagta-trabaho bilang espiya, kahit ilang pulis ay hindi alam na kabilang siya sa atin.”Namulsa ako at tiningnan ang mga taxi driver. “Sino siya diyan?”Nakangising tumingin sa akin si Inspector. “Kapag sinundan mo siya sa loob ng limang minuto lalapitan ka niya.”“Pustahan ba 'to?”“Bakit hindi?”Ngumisi ako. “Kung ganu'n, sagot mo hapunan ko.”“Sino diyan?” Tumayo siya ng tuwid. “Ang may bitbit na towel.”Kung ganu'n ang lalaking bumaba sa taxi ang target ko. Sinimulan ko itong sundan bumili ito n
TRISTAÑIA “DITO kami madalas pumunta ni Inspector para mag celebrate kapag may accomplishment. Mula ngayon, makakasama ka na namin Lieutenant sa mga accomplishment.”Tumango ako at tumingin sa paligid. Sa gitna ang dance floor may ilan-ilang sumasayaw. Madaming mesa na ukupado na May ilan-ilan ring naglalaro ng billiards sa gilid habang nag-iinuman.Malapit sa counter may bakanteng mesa kaya doon kami pumuwesto. Um-order ka agad ng drinks si Sargeant Victor at pulutan ganu'n din ng tatlong baso para sa aming tatlo.Binuksan ni Sargeant ang isang bote ng brandy at tinagayan ang dalawang baso at natigilan ng sasalinan ang isa.“Umiinom ka ba Lieutenant?” “Oo naman, bakit hindi?” Porket ba babae hindi umiinom?“Baka naman magalit ang boyfriend.” Sinalinan niya na ang isa pang baso. Natawa ako. “Wala akong boyfriend.” Ilalapag na sana ni Sargeant ang baso sa harap ni Inspector pero natigilan ito at tumingin sa gawi ko. Kumunot ang noo ng makita ang gulat sa mukha niya.“Sa ganda mong '
TRISTAÑIA“SALAMAT sa tulong Sargeant Victor!”Sambit ko nang makapasok ako sa loob ng sasakyan. Hindi ako makakatakas sa mga 'yon kung hindi ako tinulungan ni Sargeant Victor.“Basta ikaw, Lieutenant. Walang problema.” Nakatakas man ako sa mga 'yon kay kuya Thyne hindi! Paniguradong dudugo noo ko sa pitik niya dahil sa ginawa kung gulo. Hindi ko naman intention na magkagulo gusto ko lang talagang mag-thank you isa pa ang mga tao lang ang gumagawa ng issue para may pag-usapan.“Bakit bigla ka na lang na wala ka gabi, Lieutenant? Hinatid ko lang si Inspector sa labas pagbalik ko wala ka na. Alam mo bang pinag-alala mo ako?”“Pasensiya na Sargeant.”“Ano naman ang kinalaman mo kay Thyne Xavier? Sabi ni Inspector kailangan mong pumunta kay Commander dahil sa kumakalat sa internet.”“Ano? Paano naman nakarating ang balita kay Commander?” Hindi makapaniwalang tanong ko kay Sargeant Victor. Nagkibit-balikat siya.Hinatid ako ni Sargeant Victor sa SIF building. Nagpasalamat ako sa kaniya ba
MALAWAK na bakuran na punong-puno ng nagtataasang halaman. Sa gilid nito ay may malawak na swimming pool. Sa hindi kalayuan ay may isang pinasadyang mesa at upuan na yari sa mamahaling kagamitan.Isang binata ang nagsasanay ng pagamit ng kutsilyo. Minamaster niya ang tamang maghawak nito at kung paano ito gamitin sa labanan. He used to play spinning knife with target than using gun. Ito ang kaniyang nakasanayan na gawin sa umaga bago mag-almusal. “Good morning, Young master. Nakahanda na ang almusal mo.”Ibinaba niya ang hawak na kutsilyo sa tray na hawak ng isa niyang bodyguard at nagpunas ng kamay gamit ang malinis na towel. Nilingon niya si Marcelo—ang kaniyang butler. May katandaan na ito at tapat na nagsisilbi sa kaniya.He tap Marcelo's shoulder. “You look terrified, Marcelo. What's news?”Nagtaka siya ng hindi nakatingin sa kaniyang mata si Marcelo. Ngumisi siya bago tinungo ang mesa at umupo sa silya dito sa hardin kung saan nakahanda ang kaniyang almusal. Pinagmasdan niya an
“BUHAY ka pa pala!” Inilapag ni Felix ang wine at wine glass sa bedside table. Vivian is about to run towards Felix pero agad itong natigilan ng itutok niya ang baril dito.He glare. “Stay still.”“Ram, ibaba mo 'yan!” Mariing utos sa kaniya ni Felix. Bakas sa mukha nito na kinakabahan at halatang ayaw nitong masaktan si Vivian.Sa nakikita niya malalim ang nararamdaman ni Felix kay Vivian. Kung sa bagay hindi naman mahirap magustuhan si Vivian dahil isa itong magandang babae na sa mata na lahat ng lalaki ay anghel.Hindi niya lubos maisip na ang ginawang pagt-traydor sa kaniya ni Vivian ay gagawin rin nito kay Nemuel at talagang sa kanang kamay pa ni Nemuel? Tiningnan niya ng nakakamatay na tingin si Felix dahilan para napalunok ito. Sinulyapan niya si Vivian na takot na takot sa ibaba at gilid ng kama. “Anong karapatan mo para utusan ako?” Mahinahon niyang sambit napayuko si Felix at pasimple nitong sinulyapan si Vivian na umiiling. Tumayo siya at naglakad-lakad habang nagmamas
PINUNASAN ni Ram ang kaniyang luha at dahan-dahang hiniga sa sahig si Marcelo. Sunod-sunod na putukan ang naririnig niya mula sa labas ng mansion kaya tinungo niya ang daan kung saan lumabas sila Martin. Nakita niyang si Felix at mga tauhan nito ang kalaban ng mga tauhan niya. Ang babaeng pumatay kay Marcelo ay tauhan ni Felix. Tinanggap niya ang baril na ibinabot ng isa niyang tauhan. Isa-isang nalalagasan ang magkabilaang grupo dahil harap-harapan silang naglalaban ngunit mas madami ang tauhan ni Ram kay Felix. “Kailangan na nating umalis, boss!” Sambit ng babaeng pumatay kay Marcelo. Ram target Felix when he saw him running away. Tinamaan niya si Felix sa braso pero patuloy pa rin ito sa pagtakbo habang hawak si Vivian. Binaril ni Ram si Vivian at tinamaan ito sa paa. Napaupo si Vivian sa sahig at sumisigaw sa sakit. Hinawakan si Felix ng babae. “Tara na boss!” “Felix, wag! Wag mo akong iiwan! Papatayin ako ni Ram, ayokong mamatay!” Pagmamakaawa ni Vivian kay Felix. “Bago m
“KAMUSTA ang pagbisita mo kay Melanie?” Sumimsim si Ram ng alak sa basong hawak niya. Nakaupo siya sa stool sa harap ng mini-bar dito sa sala. Kakarating pa lang ni Martin at napansin niya kaagad ang mga pasa nito sa mukha. “Hindi siya madaling hulihin boss, hindi normal para sa isang babae na magaling sa lahat ng armas pero sinisiguro ko na iniinda niya ngayon ang sugat niya.” “Magpahinga ka na muna, may ipapagawa ako sa'yo kinabukasan.” “Ano 'yon, Young master?” “I check Nemuel's bank account and I found out that Felix steal a lot of money from him. Hindi lang 'yon, may pinapadalhan siya ng pera kada buwan na nakapangalan sa babae. She have the same surname with me.” “Anak ni Nemuel.” Martin answer, Ram nodded. “Yeah, I want you to find my niece and bring her home.” *** “HOY! Malandi, tumigil ka kung ayaw mong manghiram ng mukha sa aso!” Napatigil sa paglalakad si Raya ng marinig niya ang sigaw mula sa kaniyang likuran. Napairap siya ng wala ng tamis ang nginunguya niyang
LIMANG may katandaan nang lalaki ang nahihinatay kay Ram na nakaupo sa harapan ng isang round table sa loob ng isang pribadong silid. “Ano bang kailangan niya at pinatawag niya tayong lahat?” Reklamo ni Mr. Mawin. “Hindi niya ba alam na wala akong oras para sa ganitong bagay?” Sambit ni Mr. Lin. Halata sa mga mukha na iritado na ito dahil limang minuto nang late si Ram sa nasabi nitong oras. Bumukas ang pinto ng silid at iniluwa nito si Martin iginaya nito si Ram papunta sa bakanteng upuan. “I'm glad you all have a free time to see me.” Ram greeted. “Bakit ka nagpatawag ng meeting?” “Para saan ang meeting na ito?” “Hindi meeting ang kailangan namin sa mga oras na ito kundi ang mabawi ang pera na nawala sa amin. Hindi mo alam kung gaano kahalaga sa amin ang ninakaw!” “Hayaan nating magsalita si Ram.” Sambit ni Mr. Roger. “Sabihin mo ang pakay mo, Ram, wag ka ng magpaligoy-ligoy pa.” Sumimsim ng alak si Mr. Mawin. Nakangising tiningnan niya isa-isa ang mga lalaking nasa hara
“HINDI mo ba alam na masyadong delikado ang ginawa mo, Mister Angel Ratchasi? O mas gusto mong tinatawag na Ram?” Nagsalubong ang kilay ni Angel Ratchasi. Matalim na tingin ang itinapon niya kay Captain Wenard na nakatayo sa paanan ng hospital bed na kinahihigaan niya. “Which one you prefer, Captain...” Ngumisi si Captain Wenard na may pang-aasar ang uri ng titig nito. “Pumunta ka sa SIF para magreport ng kidnapping pero ikaw mismo ang gumawa ng hakbang dahil ang totoo alam mo kung sino ang kumuha sa pamangkin mo, ang tanong sino ka ba talaga Angel Ratchasi?” He lick his lower lips before he smirked. “No offense, Captain, I suggest you read newspaper, magazines or article in the internet. If you are not satisfied in it... Be my guest.” Ang ngisi sa mukha ni Captain Wenard agad na napalitan ng galit na mukha at nanlilisik ang mata nitong nakatingin kay Angel Ratchasi. “Wag na tayong maglokohan pa dito, Ram! Kapatid ka ni Nemuel at walang ibang papalit sa pwesto niya kundi ik
“FELIX, kailan mo ba ako kukunin dito ah?” Inis na turan ni Vivian sa kabilang linya. “Kaunting-kaunti na lang, Honey, bago 'yan kailangan may gawin ka muna para sa akin...” Kahit hindi niya makita ang mukha ni Felix alam niyang nakangisi ito. “Hindi 'yan ganu'n kadali, Felix, alam mo bang may isa pang tagapag-mana?” “Ano?!” Bulaslas ni Felix. “Bago mo patayin si Ram kailangan mo munang unahin ang buwisit na m*****a niyang pamangkin! Anak siya ni Nemuel at legal na tagapag-mana.” “Kung ganu'n, magagamit ko siya...” Nakangising tumango si Felix. “Na saan siya ngayon?” “Nasa school siya ngayon pero ang alam ko didiretso siya sa restaurant kung saan sila magkikita ni Ram.” “I love you, Vivian.” Sambit ni Felix bago ibinaba ang cellphone. Nakangising nakatingin si Vivian sa replika ng kaniyang sarili mula sa whole body mirror sa loob ng banyo. “Tingnan lang natin kung saan aabot ang kamalditahan mo, Raya... Makakaganti rin ako sa inyo ni Ram!” *** “MALE-LATE ng kaunti si Boss, s
SABAY na napatingin si Lieutenant Trist at Inspector Jade nang bumukas ang pinto ng hideout nila. Bumungad si Sargeant Victor na hinihingal. “Inspector, Lieutenant, alam ko na kung na saan si Clyde!” Nagkatitigan si Inspector at Lieutenant. Sa dalawang araw nilang ginugol sa paghahanap kay Clyde, hindi ito madaling hanapin dahil palipat-lipat ito ng location. “Good job, Sargent.” Tinuro ni Inspector Jade si Sargeant Victor. Tumayo si Inspector Jade at isinuot nito ang jacket bago naglakad palabas ng pinto. Agad namang umalis si Lieutenant Trist sa silya na inuupuan niya at agad na sumunod sa dalawa. Sumakay sila sa taxi na pinapasada ni Sargeant Victor at dinala sila sa isang squatter area. Itinuro ni Sargeant Victor ang dalawang palapag na bahay na pa upahan kung saan si Clyde tumutuloy pansamantala. “Maghiwa-hiwalay tayo. Sa harap kayong dalawa, sa likod ako dadaan.” Bilin ni Inspector. “Kung hindi kinakailangan wag gagamit ng baril, maraming tao ang madadamay.” Dagdag pa nito.
“MUKHA yatang may tinamaan kay Lieutenant, Boss.” Puna ni Martin. Kanina pa nakaupo si Ram sa stool sa harap ng counter sa mini-bar niya sa loob ng mansion. Hindi mapigilan ni Martin na punain dahil kanina niya pa ito napapansin na nakangiti habang umiinom. “She's interesting.” He sip on his glass before he look to Martin who was standing not so far to him. “Interesado ka ba talaga sa kaniya? Baka naman dahil sa siya ang pulis na nakapatay kay Nemuel o dahil isa siyang Sandoval?” “Nice question, Martin. What do you think the answer is?” He smiked that's make Martin smile. *** “VIVIAN, let me go!” Protesta ni Raya. Winaksi ni Raya ang kamay ni Vivan na pilit siyang pinipigilan nito na wag lumabas ng mansion. Nagmamadaling bumaba ng hagdan si Raya at sinundan naman siya ni Vivian. “Sinabi na ngang hindi ka pwedeng lumabas ng mansion! Ibinilin ka sa akin ni Ram na pagkagaling mo sa school, wala kang ibang gagawin o pupuntahan kundi sa kwarto mo at mag-aral!” Huminto si Raya at
NASA bar kami kung saan nagta-trabaho si Gong. Wala si Gong nang dumating kami at nakakuha kami ng pwesto sa gilid sa madilim na parte ng bar kung saan malapit sa mga babaeng sumasayaw sa stage. Malinis ang record nang bar na ito at legal ang lahat ng transaction. Nakakapanghinala na isang mafia boss ang may-ari ng bar na 'to, walang bakas ng kung anong illegal. Nagmamasid sa paligid kung may mga kahina-hinalang bagay. Mula sa mga bouncers, waitress, and dancers, they're look like a normal people who want to earned money. Wala sa mga staff ang kahina-hinala kundi sa mga costumers dumating. Speaking of the costumer, pumasok sa entrance ng bar ang lalaking nakapurong itim, ang gwapo nito sa kaniyang kasuotan at ang cool niya kung maglakad. Sa likod niya nakasunod ang dalawang bodyguard. “Anong ginagawa niya dito?” Tanong ko ng makita si Angel Ratchasi. Napatingin si Sargeant Victor at Inspector Jade sa gawi ng tiningnan ko. Mahinang tumawa si Sargeant Victor dahilan para mapating
“MARAMI akong naririnig tungkol sa mga Sandoval, pamilya ng mga Mafia. Hindi naman sa wala akong tiwala sa'yo Lieutenant pero gusto ko lang itanong, isa ka rin bang Mafia?” Sargeant Victor asked. “Wag mo sanang mamasamain, Lieutenant.” He added.“Makakaasa ka, Sargeant Victor na buo ang loob ko sa propesyon na pinili ko, sana ganu'n din ang tiwala niyo ngayon na alam niyo na ang pamilya na pinanggagalingan ko.” “Kung ganu'n, sinasabi mo bang handa kang kalabanin ang pamilya mo kung sakaling mapatunayan na lumalabag sila sa batas?” Natigilan si Tristañia sa tanong ni Sargent Victor. Mahirap para sa kaniya ang mamili sa pagitan ng dalawang bagay na mahalaga sa kaniya. Sa pagkakataong ito, wala siyang ibang gustong gawin kundi ang nakakabuti para sa lahat.“Tama na 'yan, Sargeant, labas tayo sa personal na buhay ni Lieutenant. Hindi natin pwedeng pakialaman ang bagay na labas sa kasong hinahawakan natin.” “Pasensiya na, Lieutenant.” She tap Sargeant Victor shoulder. “Naiintindihan ko,
“TRISTAÑIA, open up the door!”Galit na sigaw ni Tristan habang kinakatok ng malakas ang pinto ng kwarto ni Tristañia sa condo nito. Sinundan niya ito ng umalis sa mansion nila Travis at nakasunod rin sa kaniya si Thyme at Travis.“I said, open up the door!” Pag-uulit niya. Hindi pahirapaang pagpasok sa condo ni Tristañia dahil may access siya sa dito.“Leave me alone. Go away!” Siga ni Tristañia mula sa loob ng silid.Hinalungkat ni Thyme at Travis ang drawer at ilang gamit na pwedeng pagtaguan nito ng susi ng kwarto. Hindi naman nabigo ang dalawa ng matagpuan ang mga susi nito na nakasabit malapit sa malapad na TV.“Bud.” Kuha ni Thyme ng attention ni Tristan. Ibinato nito ang susi na agad niya namang sinalo. “Talk to her properly." Dagdag pa ni Thyme.“Talk calmly in a good way.” Segunda naman ni Travis.Binuksan ni Tristan ang kwarto nito. Bumungad sa kanila si Tristañia na nakahinga sa kama habang umiiyak. Tinap ni Thyme ang balikat ni Tristan at inabot naman niya ang susi dito b
NAKANGITING bumaba si Tristañia sa kaniyang sasakyan at binuksan ang backseat para kunin ang regalo para sa Mommy ni Travis.“Good evening, Young Princess.” Sinalubong siya nang isang kasambahay at iginaya siya papunta sa garden kung saan gaganapin ang simpleng hapunan para sa kaarawan ng Mommy ni Travis.Iba't-ibang kulay ng ilaw ang nagsisilbing liwanag sa buong paligid. Mahabang mesa na punong-puno ng pagkain at candle lighting. Sa gilid nito ay nag-iihaw ng barbeque si Thyme at Tristan. Si Tahn at Thyne naman naka-upo sa mahabang sofa habang naglalaro ng mobile game.Ang Mommy ni Travis ay ginuguide ang mga kasambahay kung saan ilalagay ang mga pagkain. Natigilan ito nang makita siyang nakatayo hindi kalayuan sa kanila.“Natutuwa akong nakarating ka, Princess.” Nakangiting sinalubong siya nito. Niyakap siya nito at ginawaran ng halik sa pisngi. Napatingin naman sa kaniya ang apat maging ang mga kasambahay.“Sorry po, Tita, late ako.” “No, It's okay dear. Tamang-tama lang ang da
“OKAY na tayo ah? Bati na tayo... Ayoko sa lahat nang makakatampuhan ay ikaw. Alam mo naman kung gaano ka kalakas pagdating sa amin, right bud?” Sumulyap si Thyne kay Tahn. Nakangiting tumango ito at nag-thumbs up. Ginulo ni Thyne ang buhok ni Tristañia bago ito niyakap at hinalikan sa noo.“Uya! Bina-baby niyo naman ako masyado eh!” Reklamo niya.“Huh! Sinabi ko naman sa'yo, mananatili kang prinsesa ko kahit uugod-ugod ka na. Darating ako palagi para sunduin ka!” Kumindat si Thyne.“At sa tuwing pakiramdam mong tinalikuran ka na nang lahat, mananatili akong kakampi mo at unang yayakap sa'yo!” Segunda naman ni Tahn.Tristañia pouted. “Bakit palaging sa akin niyo nilalaan ang mga oras niyo? Bakit hindi kayo maghanap ng babaeng makakasama niyo sa pagtanda? Unless, kung sa pagiging matandang dalaga gusto niyo akong samahan.”Natigilan ang dalawa. Nagkatinginan ang mga ito bago tumingin sa gawi ni Tristañia na kumakain ng pizza na in-order ni Tahn.“Anyway, Trav invited us tonight, dinn