Hindi ko maiwasan na lihim na mapa-angat ang gilid ng labi ko habang nakikita ko si Wayne sa tabi ko na nakabusangot. Nakaupo siya ngayon sa may passenger’s seat habang ako ang nagmamaneho ng kaniyang kotse. Ayaw niya sana na ako ang magmaneho pero wala naman siyang choice dahil nga may sling siya sa kanan niyang kamay.Biniro pa nga siya ulit kanina ni Hanz at sinabi na kami na lang dalawa ang sabay na pupunta sa bar kasi siya lang naman daw ang mag-isa sa kotse niya. Si Oliver at Vince kasi ang magkasama roon sa isang sasakyan, tapos si Kai at Alexander naman ang magkasama, tapos solo si Fritz at Hanz sa sari-sarili nilang kotse. Pero siyempre, hindi pumayag si Wayne.Ngayon na nakikita ko siyang nakasimangot pa rin, ramdam ko na badtrip pa rin siya dahil sa kalokohan ng mga kaibigan niya.“Galit ka pa rin ba, Wayne? Ano ka ba… inaasar ka lang naman ng mga tropa mo,” medyo natatawa na saad ko. Hindi ko siya magawang batuhan nang tingin dahil diretso lang na nakatuon ang
Nang patapos na ang kanta at alam kong pabalik na si Wayne sa upuan kung nasaan ako nakaupo, mabilis akong nagpaalam kina Alexander upang pumuntang banyo. Narinig ko pa nga ang pahabol na sinabi ni Alexander at Fritz na sasamahan na nila ako pero hindi ko na lang ‘yon pinansin. Agad ko silang tinalikuran at naglakad papalayo.Parang wala sa sarili ako na naglalakad sa dagat ng mga taong nadadaanan ko. May ilan akong nakakabungguan pero hindi ko na ‘yon pinapansin pa. Masyadong blangko ang utak ko para pagtuunan pa sila ng pansin.Ngunit, tila’y pumtik ako pabalik sa realidad ng isang mabigat na kamay ang agad na humablot sa braso ko. Para akong natauhan dahil doon at saka awtomatikong lumingon upang makita kung sino ‘yon. Agad na nagsalubong ang aming mga mata na naging dahilan kung bakit ako natigilan. Kunot na kunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.“Where are you going? Hindi ba at sinabi ko na ‘wag kang lalayo sa akin?”Napalunok ako ng laway at hindi agad nakap
"Thank you so much Mr. Ferrer, we don't really regret na ikaw ang pinili namin na humawak sa kaso ng anak ko. You deserve a better price, a BIGGER price than what we have been discussed." She said with a full smile on her lips and shakes my hand repeatedly.I just answered her with my simpliest smile that I can offer that time. Hinawakan ko kasi ang kaso ng anak niya about sa bribery and he found not guilty dahil lumabas na isang set up lang 'yun. His son is running for Vice Mayor in their province— normal na 'yung mga gano'n na kaso lalo na at malapit na ang kampanyahan."You don’t have to thank me Mrs. Winston, ginawa ko lang ang trabaho ko," sagot ko pa habang walang emosyon sa tono ng boses ko. "For now I have to go, tatawagan na lang kayo ng secretary ko about sa bills and payments," dagdag na saad ko pa at nag-shake hands na lang ulit kami for the last time then I immediately turn my head back and started to walk.I am Wayne Ferrer, isa ako sa pina
Napalunok na naman siya ng laway at sinimulan ko na ulit na lumapit sa kanya. This time ay nanatili na siya sa pinagkakatayuan niya at hindi na nagbalak pa na umatras hanggang sa tuluyan na nga akong nakalapit sa may harapan niya."Leigh Devon, I did not expect na dito pa tayo magkikita," I said while looking directly to her eyes. Walang mababakas na kahit anong emosyon sa tono nang pananalita ko dahil hindi naman ako sigurado kung natutuwa nga ba talaga sa pagkikita namin ngayon."Y- yeah, hindi ko rin i-inaasahan na dito pa kita makikita W-Wayne Ferrer." Nauutal na wika niya pa rin na naging dahilan kung bakit napangisi ako sa loob-loob ko.Nagkatitigan kami ng mga ilang minuto at mukhang binabasa namin ang iniisip ng isa't-isa. Mukhang palaban pa rin siya hanggang ngayon kaya naman ako na mismo ang unang umiwas sa kanya nang tingin."Bakit hindi tayo maupo, para naman makapag-usap tayo ng mas maayos," sabi ko at tuluyan na akong tumalikod sa kaniya.H
LEIGH DEVON's POVParang nagpanting ang tenga ko nang marinig ko ang mga sinabi ng lalaking ito na nasa harapan ko ngayon. Hindi ko inaasahan na maririnig ko ang mga salitang ‘yun mula sa kaniya.Anong akala niya sa akin? Bayarang babae?Sa tagal naming hindi nagkita ay 'yan talaga ang unang ibinungad niya sa akin ngayon? Nakakapanibago! Hindi ko maiwasan na pag taasan siya ng kilay at nilabanan ko ang mga titig niya sa akin kahit ang totoo ay parang bibigay na ang mga tuhod ko sa lapit ng mukha niya. Nakakapanghina!Hindi na kasi ako sanay na ganyan siya kalapit sa akin."Nagpapatawa ka ba? Abogado ka ba talaga o p*rn star?" pang aasar na wika ko sa kaniya dahilan kung bakit nag-backward na siya nang konti palayo sa akin. Medyo nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon.Hindi niya siguro inaasahan na 'yun ang sasabihin ko sa kaniya dahil kahit kelan naman ay hindi ko siya napagsalitaan ng ganoon nu'ng nagsasama pa kami... I me
MABILIS ang ginawa kong paghakbang palabas ng building na 'yun, ayaw ko nang bumalik sa lugar na 'to lalo na kapag naiisip ko na nandito siya. Nang makita ko na ang pick up ni Pio ay agad na akong sumakay doon at pabagsak ko pang sinarado ang pinto noon."Anong nangyari?" agad na tanong ni Pio sa akin at base sa tono ng pananalita niya ay mukhang nakikibalita siya sa naging pag-uusap ko sa Attorney sa loob.Hindi niya alam na wala akong matinong Attorney na napala doon."Mamaya ko na lang sasabihin sa'yo, gusto ko nang umuwi," mahinang sagot ko sa kaniya at iniwas ko na lang ang paningin ko para hindi niya makita ang mga namumuong luha sa mga mata ko.Buti na lang at hindi na siya nangulit pa.Walang salita na pinaandar niya na nga ang sasakyan habang ako naman ay sa labas lang ng bintana nakatingin.Ako nga pala si Analeigh Devon but you can call me Leigh for short . 25 years old na
Napatingin na lang ako sa mga canned beer na ipinatong ng kaibigan ko na si Catleya dito sa lamesa na pinag uupuan ko at saka mabilis ko yung kinuha at binuksan."Oh ayan, kung wala ka lang malaking problema-- na'ko, sinisigurado ko sa'yo na hindi mo ko maaakit na uminom." sabi niya sa akin at tuluyan na rin siyang umupo sa harapan ko at kumuha rin ng sarili niyang beer.Siya nga pala si Catleya Santa Mesa, isa siya sa kaibigan ko dito sa probinsya at sa katunayan nga ay nu'ng bumalik lang ako dito ay doon na lang ulit kami nagkita pero hindi naman kami nawalan ng koneksyon kaya matibay pa rin ang samahan namin.Isa siyang guro sa elementarya dito sa lugar namin kaya naman nag dadalawang isip din siya nang akitin ko siyang uminom. Syempre, may iniingatan pa rin siyang pangalan."Buti na lang din at sabado bukas kaya wala akong pasok sa school." pagdudugdong na sabi pa niya.Uminom na lang ako at halos mangalahati na 'yung beer ko nang
Napatigil na ako sa pag inom ko para sa kaniya ko ituon ang buong atensyon ko."Pa-paano mo nasasabi 'yan?" I asked again."Okay. Kumapit ka nang mabuti diyan sa pinagkakaupuan mo dahil mapapasabi ka na lang sa isip mo kung 'bakit ko pinakawalan ang lalaking to' matapos mong marinig ang mga sasabihin ko. " Wika niya."Ang O.A huh," panlalaban na sagot ko."'Wag kang basher! So let's start, unang-una ay nag top siya sa bar exam niya. After no'n, pumasok siya sa isang law firm sa Manila bilang Criminal Lawyer. Naipanalo niya ang unang apat na kaso na hinawakan niya at ang dalawa pa do'n ay mabibigat na kaso. Sumunod ay ang dalawang kaso pa na hinawakan niya bilang isang Trial Lawyer. At kahit isa ay wala pa siyang talo. Matapos niyang makuha ang tiwala ng mga tao ay doon siya nagsimula na mag patayo ng sarili niyang Law Firm reason why kung bakit siya umalis doon sa dati niyang Law Firm na pinagtatrabahuhan. Dahil doon kaya mas lalong huma
Nang patapos na ang kanta at alam kong pabalik na si Wayne sa upuan kung nasaan ako nakaupo, mabilis akong nagpaalam kina Alexander upang pumuntang banyo. Narinig ko pa nga ang pahabol na sinabi ni Alexander at Fritz na sasamahan na nila ako pero hindi ko na lang ‘yon pinansin. Agad ko silang tinalikuran at naglakad papalayo.Parang wala sa sarili ako na naglalakad sa dagat ng mga taong nadadaanan ko. May ilan akong nakakabungguan pero hindi ko na ‘yon pinapansin pa. Masyadong blangko ang utak ko para pagtuunan pa sila ng pansin.Ngunit, tila’y pumtik ako pabalik sa realidad ng isang mabigat na kamay ang agad na humablot sa braso ko. Para akong natauhan dahil doon at saka awtomatikong lumingon upang makita kung sino ‘yon. Agad na nagsalubong ang aming mga mata na naging dahilan kung bakit ako natigilan. Kunot na kunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.“Where are you going? Hindi ba at sinabi ko na ‘wag kang lalayo sa akin?”Napalunok ako ng laway at hindi agad nakap
Hindi ko maiwasan na lihim na mapa-angat ang gilid ng labi ko habang nakikita ko si Wayne sa tabi ko na nakabusangot. Nakaupo siya ngayon sa may passenger’s seat habang ako ang nagmamaneho ng kaniyang kotse. Ayaw niya sana na ako ang magmaneho pero wala naman siyang choice dahil nga may sling siya sa kanan niyang kamay.Biniro pa nga siya ulit kanina ni Hanz at sinabi na kami na lang dalawa ang sabay na pupunta sa bar kasi siya lang naman daw ang mag-isa sa kotse niya. Si Oliver at Vince kasi ang magkasama roon sa isang sasakyan, tapos si Kai at Alexander naman ang magkasama, tapos solo si Fritz at Hanz sa sari-sarili nilang kotse. Pero siyempre, hindi pumayag si Wayne.Ngayon na nakikita ko siyang nakasimangot pa rin, ramdam ko na badtrip pa rin siya dahil sa kalokohan ng mga kaibigan niya.“Galit ka pa rin ba, Wayne? Ano ka ba… inaasar ka lang naman ng mga tropa mo,” medyo natatawa na saad ko. Hindi ko siya magawang batuhan nang tingin dahil diretso lang na nakatuon ang
Mabilis lang lumipas ang mga araw. Linggo na ngayon, at naglalakad lang ako pauwi ng bahay. Alas-singko pa lang naman ng hapon kaya naisipan kong maglakad na lang kaysa ang sumakay pa. Nanghihinayang pa kasi ako na pabaryahan ‘yung mga buo kong pera. Nanghihinayang pa ako na gastusin ‘yong sinahod ko sa loob ng buong linggo.Ito na ang huling sweldo ko sa restaurant kaya kailangan ko ‘tong tipirin. Nakapagpaalam na nga pala ako kay Ma’am Sammie. Kahit nahihiya ako sa kaniya dahil nga hindi man lang ako nagtagal sa pagtatrabaho ko, idagdag pa na nirekomenda lang ako ni Pio, wala naman akong magagawa kung hindi ang tuparin ko ang naipangako ko na kay Wayne.Nakakalungkot lang dahil alam ko naman sa sarili ko na keri ko ‘yung trabaho ko. Nakakapagod, oo... pero wala namang madali na trabaho, hindi ba? Nalungkot din ‘yung mga kasamahan ko sa trabaho sa biglaang pagre-resign ko. Nalungkot din ako kasi naging malapit na sila sa akin, lalo na si Yuki, tinuring ko na ‘yun na p
“So, are you damn saying na nag-deliver ka ng pagkain sa ganoong klase ng lugar?” singhal ni Wayne sa akin nang makapasok na ako ngayon sa bahay niya. Actually, ramdam ko naman kanina na i-o-open niya talaga ang topic tungkol doon, hindi niya lang magawa dahil nga hindi naman kami sabay na umuwi. Dumaan pa kasi ako sa restaurant para ibalik ‘yung motor habang siya naman ay binalikan ‘yung kotse niya kung saan niya naiwan.Pagkapasok ko pa lang ay tinanong niya na agad sa akin kung anong ginagawa ko sa lugar na ‘yon, at sinagot ko lang naman ang tanong niya. Ngayon ay kitang-kita ko ang galit sa ekspresyon ng mukha niya habang diretsong nakatingin sa akin.“Oo, dahil trabaho ko ‘yon,” seryosong sagot ko sa kaniya. Hindi ko alam kung anong ikinakagalit niya ngayon, samantalang siya itong may problema sa aming dalawa.“Naghatid ka ng pagkain sa isang pasugalan!” pag-uulit niya pa. “Sinabi ko na nga ba at hindi ligtas ‘yang trabaho mo!” Napatayo na rin siya mula sa pagkaka-upo niya sa sof
Napuno nang inis ang umaga ko nang maaga akong magising habang naghahanda na sa pagpasok ko sa restaurant. Halos ibato ko na sa vanity table ang suklay na ginagamit ko ngayon. Dala-dala ko pa rin ‘yung inis na nakatulugan ko kagabi. Naiinis ako, hindi dahil sa hindi natuloy ang nangyari sa aming dalawa ni Wayne, kundi dahil napagtanto ko na, kagabi pa lang, kung sino ba ‘yung tumawag sa kaniya.Kaya pala pamilyar sa akin ang pangalan na ‘yun. Hindi ako pwedeng magkamali, siya ‘yung matapobreng babae sa charity ball. Siya ‘yung sinamahan ni Wayne noong gabi na naging dahilan kung bakit dineny niya ako.“Argh! Nakakainis! Kung nalaman ko lang kaagad na ‘yun pala ‘yung babaeng ‘yon… eh di sana pala, gumawa ako ng paraan para pigilan si Wayne,” saad ko sa sarili ko.Bumuga na lang ako nang isang malalim na hininga at nagpasya na nga na tuluyan nang lumabas ng kwarto ko. Baka ma-late na ako sa restaurant kung uunahin ko pa ang inis na nararamdaman ko.Pagkababa ko, awtomatikong
Walang lingon-lingon akong bumaba ng sasakyan ni Wayne nang makapag-park na siya ng kotse niya. Yakap-yakap ko ng mahigpit ang sarili kong sling bag nang dumiretso ako sa pagpasok ng bahay niya. Ramdam ko ang bawat kabog ng puso ko. Gusto ko sanang lingunin siya upang makumpirma kung sinusundan niya ba ako, o hindi… pero mas pinili ko na lang na ‘wag nang gawin ‘yun at mas lalong bilisan na lang ang paglalakad.“Kailangan kong makapasok agad sa kwarto ko,” bulong ko pa sa aking sarili.Katulad nang inaasahan, wala na si Manang Fracia nang makapasok na ako sa may sala. Mas lalong dumoble ang kaba na nararamdaman ko ng dahil doon. Mabilis na akong umakyat ng hagdan, kung pwede ko nga lang na hakbangin ng tig-tatlo ang baitang, baka ginawa ko na, para lang makaakyat ako agad.Napangiti ako ng lihim nang marating ko na ang harapan ng pinto ng kwarto ko. Hindi na ako nagdalawang-isip at agad ko nang inabot ang doorknob noon, pipihitin ko na sana upang mabuksan, kaya lang may i
LEIGH’s POV Ramdam ko ang pagkawala ko sa aking sarili habang nakaupo lang ako rito sa may dulo ng jeep kung saan ay papunta na ako ngayon sa restaurant. Nakahawak pa ako sa handle, pero nakatulala lang ako. Hindi ko akalain ang nangyari sa aming dalawa ni Wayne.Kung pwede ko lang na pukpukin ang sarili kong ulo ngayon, baka ginawa ko na. Kaya lang, pinigilan ko ang sarili ko dahil hindi lang naman ako ang pasahero ngayon.Sana lang talaga ay hindi makita ng mga tao na nasa harapan ko ang pamumula ng mukha ko ngayon. Ramdam ko kasi na nag-iinit ang dalawang pisngi ko lalo na at tandang-tanda ko pa ang nangyari matapos ‘yung nangyari sa kotse. PAKIRAMDAM KO, sa mga bisig pa lang ni Wayne habang buhat-buhat niya ako patungo sa kwarto ko ay medyo naka-idlip na ako ng ilang segundo. Nang dahan-dahan niya na akong inilalapag sa malambot na kama ay doon pa lang ako medyo naalimpungatan.Rinig ko ang mahina at medyo paos na boses niya nang bumulong siya sa akin, “Ju
Hinimas-himas ni Wayne ang kaniyang hita, paatas at pababa, habang diretso pa rin na nakatingin sa kaniyang mata.“Please, tell me na hindi ka na magtatrabaho. I’m offering you a secretarial position on my firm. Why can’t you just accept it, huh?”Napakakagat si Leigh sa pang-ibaba ng kaniyang labi dahil sa init na kaniyang nararamdaman sa ginagawa ni Wayne, ngunit pinigilan niya. Pinigilan niya ang kabilang sistema ng kaniyang pagkatao upang magawang sagutin ang binata.“A-ano ba, Wayne—”At hindi naituloy ni Leigh ang balak na sabihin nang biglang sinunggaban siya ng halik ni Wayne. Sobrang nabigla si Leigh ng mga sandaling ‘yon, hindi siya makapaniwala na mauuwi sa paghahalikan ang usapan nila. Ngunit nang mapansin niya na nakapikit na ang mga ni Wayne habang ninanamnam ang pagdidikit ng kanilang mga labi, kusa na rin na napapikit ang kaniyang mga mata.“Hmmm.” Hindi man sinasadya pero napa-ungol na si Leigh. Patuloy pam rin kasi ang paghimas ni Wayne sa kaniyang hita kasa
Mabilis na isinarado ni Wayne ang folder na kaniyang binabasa ng gabing ‘yon. Mabilis niya rin na binatuhan nang tingin ang suot niyang itim na wristwatch, at doon ay nakita niya na malapit nang mag-alas-siyete ng gabi.Tumayo siya, aabutin na sana ang itim na coat na nakasabit sa kaniyang swivel chair nang biglang pumasok sa opisina niya si Brent na hindi man lang kumatok.“Oh? Aalis ka na agad?” tanong ni Brent sa kaniya, may bitbit pa ito na halos limang puting folder kung saan ay doon napagawi ang mabilis na tingin ni Wayne.Kasalukuyan lang siya na nasa kaniyang firm ng mga sandaling ‘yon. Ang sabi niya ay hindi siya papasok sa opisina dahil nga nagkasakit siya noong gabi… ngunit dahil na-boring siya sa kaniyang bahay lalo na at wala naman doon si Leigh, kaya pumasok na rin siya noong tanghali pagkatapos na kumain nilang dalawa ng lunch.Sobrang bilis nga lang talaga na kumain ni Leigh, kung hindi nagkakamali si Wayne ay halos nakalimang subo lang ito at talagang umalis