Napatigil na ako sa pag inom ko para sa kaniya ko ituon ang buong atensyon ko.
"Pa-paano mo nasasabi 'yan?" I asked again.
"Okay. Kumapit ka nang mabuti diyan sa pinagkakaupuan mo dahil mapapasabi ka na lang sa isip mo kung 'bakit ko pinakawalan ang lalaking to' matapos mong marinig ang mga sasabihin ko. " Wika niya."Ang O.A huh," panlalaban na sagot ko.
"'Wag kang basher! So let's start, unang-una ay nag top siya sa bar exam niya. After no'n, pumasok siya sa isang law firm sa Manila bilang Criminal Lawyer. Naipanalo niya ang unang apat na kaso na hinawakan niya at ang dalawa pa do'n ay mabibigat na kaso. Sumunod ay ang dalawang kaso pa na hinawakan niya bilang isang Trial Lawyer. At kahit isa ay wala pa siyang talo. Matapos niyang makuha ang tiwala ng mga tao ay doon siya nagsimula na mag patayo ng sarili niyang Law Firm reason why kung bakit siya umalis doon sa dati niyang Law Firm na pinagtatrabahuhan. Dahil doon kaya mas lalong humanga sa kaniya ang lahat kasi baguhan ka pa lang na abogado pero nakapagpatayo ka na agad ng sarili mong Firm, nakakahanga talaga 'yun." Mahabang kwento niya pero alam kong nagsisimula pa lang siya. "Pagkatapos non, mas marami pa siyang kaso na nahawakan and believe it or not, no failed cases pa talaga si'ya. Dahil din sa mga achievements niya kaya nag boom 'yung Law Firm na pinagawa niya kaya nga halos lahat ng mga bagong abogado na kakapasa pa lang ng bar ay sa firm niya na agad nag a-apply. Oh di ba? Nakakahanga talaga 'yun. Idagdag pa 'yung milyon na kinikita niya sa isang kaso pa lang na nahahawakan niya. Bigatin na talaga 'yang ex mo Leigh. "Napalunok na lang ako ng laway sa mga narinig ko. Wala naman akong pakialam sa kung gaano kalaki ang kinikita niya. I'm proud of him sa mga bagay na na-achieve niya at doon ako natutuwa. Hindi ko rin akalain na mas magiging mataas na personalidad siya kesa sa inaasahan ko.
Ngayon ko lang nalaman ang ilan sa mga nangyari sa kaniya makalipas ang halos limang taon.
"Paano mo naman nalaman ang mga bagay na 'yan?" tanong ko sa kaniya at muling uminom na lang ulit ng alak.Buti pa siya ay may nasasabi tungkol sa lalaking 'yun samantalang ako- wala akong ideya tungkol kay Wayne simula nang maghiwalay kami.
"Laman kaya siya ng mga digital magazines and digital news papers sa internet. Try mong mag basa at halos lahat ng articles ay tungkol sa kaniya at sa mga napapanalo niyang kaso." sagot niya sa akin. "Hahanga ka day. "Dagdag na saad pa niya.Matagal ko naman na talagang hinahanggan si Wayne.
"Pero, ano bang sinabi niya sa'yo nu'ng nagkita kayo? Tutulungan ka ba niya sa kaso mo? Dahil kung ako ang tatanungin... DAPAT LANG! May pinagsamahan pa rin naman kayo after all right? Gaya nang sinabi ko Leigh, kapag siya ang humawak sa kaso mo, 100% sure ako na talagang panalo ka. Sisiw lang sa kaniya na ipagtanggol ka sa korte dahil tungkol lang naman ito sa lupa." mahabang wika pa niya.Napalunok na lang ulit ako ng laway at muling uminom bago ako sumagot sa kaniya.
"Well, n-nag offer naman siya na tutulungan niya ako," paunang wika ko at parang nagliwanag ang mukha ni Catleya dahil doon."'Yun na naman pala ehh. Kaya lang, kung handa ka nga niyang tulungan gaya nang sinabi mo--- hindi malabong mahal ang singilin niya sa'yo. Alam mo bang ang isang pirma ng magaling na abogado na tulad niya ay umaabot ng milyon? 'Yun pa kayang ipag tanggol ka niya sa korte?" sabi niya.
Alam ko naman ang tungkol sa bagay na 'yun pero--
"Tutulungan daw niya ako ng libre," mahinang wika ko kasi 'yun naman talaga ang sinabi ni Wayne kanina.
Napakunot ang noo niya sa sinabi ko.
"What? Nagpapatawa ka ba? NAGPAPATAWA BA SIYA? Libre my ass." wika niya na parang hindi naniniwala sa sinabi ko at napa rolled eyes pa siya.Kung sa bagay, hindi naman talaga libre di ba? Alam niyo naman siguro kung anong sinabi niya sa akin kanina nu'ng naka usap ko siya at walang libre du'n.
Mas malaking bagay nga ang hinihingi niyang kapalit sa akin eh. Pero gaya nang sinabi ko, hindi ko babanggitin kay Catleya ang lahat nang pinag-usapan namin lalo na 'yung tungkol sa totoong kapalit.
"Nako girl- wala ng libre sa panahon ngayon. 'Wag kang mag papadala sa salitang libre dahil mas malaki pa ang kapalit na hinihingi kapag sinabing 'free'. Well, ex mo naman siya pero KAHIT NA! Malay mo against sa moral principles in life ang gusto niyang kapalit." sabi niya.Hindi ko naman maiwasan na mapa inom ulit ng alak and this time ay naubos na nga 'yun kaya naman nag bukas ulit ako ng panibago habang iniiwasan na magtama ang mga mata namin ni Catleya kasi tama ang sinabi niya.
"Hindi naman sa tinatakot kita Leigh pero... 'wag kang mag papadala sa libre na sinasabi ng ex mo. Okay, sabihin na natin na may relasyon nga kayo dati, iniwan mo siya, tapos nasaktan mo siya at nasaktan ka rin naman but it doesn't mean na pwede niyang gawin yun mga bagay na labag sa loob mo. Gets mo naman ako di ba?" Mahabang litanya niya pa ulit.
Shit! Ito ang dahilan kung bakit ayaw kong sabihin sa kanya ang lahat nang sinabi ni Wayne. Pero obviously, kahit hindi ko sinabi ay parang may hint na siya agad.
Bakit ba kasi ang talino niya at alam na alam niya ang tungkol do'n.
"Hi-hindi naman siguro," sagot ko nalang kahit totoo naman talaga ang sinasabi niya."Pinapa alalahanan lang kita kasi kaibigan kita. Pero, ikaw pa rin naman ang mag dedesisyun kasi nasa tamang edad ka na at alam ko naman na alam mo na ang tama at mali. 'Wag mo lang hahayaan na i-take advantage ka niya sa sitwasyon mo ngayon." sabi niya at hinawakan niya pa ang kamay ko at ngumiti, alam ko naman talaga na nag aalala lang siya sa akin.
Akala ko ay wala nang magsasalita pa sa pagitan namin pero makalipas lang ang halos isang minuto ay nagsalita ulit si Catleya.
"Pero seryoso Leigh, anong balak mo? Nag iisip ka na ba na tanggapin niya ang alok niya?" Tanong niya. Muli akong uminom ng alak bago ako umiling -iling bilang sagot ko.
"As long as I can, ayokong muling mapalapit sa kaniya," mahinang wika ko dahil nararamdaman ko na ngayon ang pamumuo ng luha ko.
Shit!
Ayokong umiyak pero nandito talaga 'yung kirot sa puso ko.
"Gaya nang sinabi mo, nasaktan ko siya at nasaktan ako-- ang unfair ko na siguro kapag nilapitan ko pa siya dahil sa kaso tapos aalis din naman ako ulit." at pumatak na nga ang luha ko nang hindi ko namamalayan kaya mabilis akong napatingala para pigilan 'yun. Naramdaman ko rin ang agad na paghimas ni Catleya sa likod ko.
"Kasi to be honest, I don't see my future-- with him anymore. Hindi tulad nu'ng dati na lagi siyang kasama sa plano ko at gano'n din naman siya sa akin." at muli akong napa iling sabay pa nang pagpatak ng mga luha ko na mabilis ko lang din na pinahid. "Pero pag tungkol na sa lupa ang pinag uusapan, baka kalimutan ko ang lahat nang sinabi ko sa'yo ngayon. You know how important that land to me, ibinigay sa akin 'yun ni Mama kaya hindi ko 'yun kayang talikuran lang," wika ko pa at tumango-tango naman siya na para bang naiintindihan niya ako at saka niya ako niyakap.
Niyakap ko rin naman siya pabalik.
KINAUMAGAHAN ay nagising ako sa malakas na katok na nagmumula sa labas ng bahay ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay tumama agad sa paningin ko ang sikat ng araw kaya parang naramdaman ko ang awtomatikong pag bigat ng ulo ko.Hindi naman malaki ang bahay namin at isang palapag lang toh at kahoy lang ang materyales kaya rinig na rinig ko ang lakas ng pagkatok ng kung sino man ang taong yun.Kahit inaantok pa rin ako at may konting hang over dahil sa pag inom na ginawa ko kagabi ay napilitan na akong bumangon para pag buksan kung sino. Man yung kumakatok.Tinali ko rin muna ang mahabang buhok ko tsaka tuluyan ko na ngang binuksan yung pinto.Hindi ko naman inaasahan na siya pala ang bubungad sa paningin ko ngayong umaga.Hindi ko maiwasan na makaramdam ng galit nang makita ko ang isang kilay niya na nakataas habang nakatingin sa akin at sumunod ang pag bukas niya ng malaki niyang pamaypay.Pakiramdam ko ay sira na ang buong araw ko. -_-Si
“Sabi mo tutulungan mo ko sa kaso ko pero may kapalit, tama ba? Then fine! Kailangan ko na nang tulong mo ngayon at kung gusto mo ng gawin ang bagay na gusto mong maging kapalit, GAWIN NA NATIN NGAYON! Anong gusto mo? Dito na lang? O baka naman gusto mong kumuha pa tayo ng kwarto? Just name your place- I dont mind at all. Gusto ko nang matapos yun nang matulungan mo na ako." diretsong wika ko sa kaniya at pagkatapos no'n ay napalunok ulit ako ng laway.Hindi ko inaasahan na babalik ako dito at sasabihin ang mga bagay na yun sa mismong mukha niya. But I have no choice dahil mahalaga sa akin ang lupa na ‘yun. Hindi ako kahit kailan man na papayag na hindi ko ipaglalaban ang mga natirang pag-aari ni Mama... kahit na magkamatayan pa.Binantayan ko ang magiging reaksyon niya sa lahat ng sinabi ko pero makalipas pa ang ilang segundo ay wala siyang naging sagot sa mga sinabi ko. Ngumiti lang siya sa akin ng nakakaloko at saka dahan-dahan nang tumayo.Nilaka
Matapos ang naging kasagutan ko ay diretso lang ako na nakatingin sa kaniya at hinihintay kung ano ang magiging reaksyon niya sa sinabi ko. Hindi rin naman nagtagal nang isang mapaglaro at nakaka asar na ngisi ang pinakawalan niya."Good. Hindi mo ko binigo sa naging kasagutan mo. So, let's continue our discussion with YOU-- sitting in front of me," sabi niya at itinuro niya pa ako bago niya itinuro yung upuan na nasa may harapan niya.Napalunok naman muna ako ng laway baho ako sumunod sa gusto niya. Kahit na parang nang liliit na ang tingin ko sa sarili ko dahil sa ginawa kong pag payag sa kaniya ay naglakad pa rin ako ng may pagmamalaki sa postura ko. Taas-noo akong lumapit doon sa mahabang lamesa at tsaka umupo sa upuan na tinuro niya kanina.Nang makaupo na ako ay may inilabas siya na isang pirasong papel mula sa pinaka likod ng pulang envelope na nasa lamesa tsaka niya yun ipinatong sa may harapan ko.Bago ko pa man mabasa ang nilalaman ng
Hindi ko maiwasan na mapatulala lang habang nakasakay na ako ngayon dito sa bus pabalik sa probinsya namin. Hindi ko mapigilan na tahimik na mapaluha lang dahil nasasaktan pa rin ako sa naging pag uusap namin kanina ni Wayne. Buti na lang at nakapatay ang ilaw nitong bus dahil karamihan sa mga pasahero ay natutulog na, buti na lang din at ako lang ang mag-isa na nakaupo dito sa may dulo kaya naman malaya akong namnamin ang mga sakit na nararamadaman ko ngayon.Kailangan kong isa-isip na pwedeng may posibilidad na ginagawa sa akin ito ni Wayne para gantihan ako. Malabo naman kasi na hindi niya ako pag-isipan na gantihan lalo na at masyadong masama ang ginawa ko sa kaniya. Kilala ko siya eh, matagal-tagal din kami na magkarelasyon kaya alam ko na mataas ang pride niya at alam ko rin na matagal siyang magtanim nang sama ng loob.Hindi ko kasi naihanda ang sarili ko sa pagkikita namin dahil masyado akong nagpaka-confident na hindi ko na siya makikita pa habang na bubuhay ak
Naputol ang pakikinig ko dahil bumulong na naman sa akin si Catleya.“Oh bakit natahimik ka diyan. Na gwapuhan ka din noh, tama ako—ang dami ngang gwapo ngayon dito sa bayan.”“Shh, tumigil ka nga. Baka marinig ka.” saway ko sa kaniya.Ngumiti na lang si Catleya pero halata pa rin na inaasar niya ako kaya hindi ko na lang siya masyadong pinansin.Pinilit ko din na hindi na makinig sa naging pag uusap nung tatlong tao sa may likuran ko hanggang sa malapit na kaming makasakay."Oh, wala ka bang kasama sa pagsakay? " Tanong nung lalaki na nagma-manage ng mga sasakay sa ferries wheel doon sa isang lalaki na nasa harapan namin."Wala ho." Sagot nito."Oh Miss, ikaw na ang sumabay dito." Sabi pa nung matandang lalaki at tinuro niya si Catleya.Kailangan kasi ay dalawang tao ang nakasakay sa isang upuan ng ferries wheel para maging pantay. Agad na tinuro ni Catleya ang sarili niya at kahit ako ay nabigla rin."Hala Kuya, si
KINABUKASAN, maaga akong nabulabog dahil sa sunod-sunod na pagkatok na narinig ko sa labas ng pintuan ko. Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam nang inis sapagkat ito na ang pangalawang beses na may umiistorbo sa pagtulog ko. Noong una ay dahil sa matandang babae na ‘yun na amoy lupa tapos naulit na naman ngayon.Don’t tell me na si Mrs. Cruz na naman ‘yan dahil kapag nagkataon ay baka hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko at masakal ko na siya gamit ‘yung mga gintong kwintas na nakapulupot sa leeg niya.Bwisit! Pakiramdam ko ay nabibingi na ako sa sunod-sunod na pagkatok na ‘yun kaya naman kahit tinatamad ay hindi na ako nag dalawang isip na bumangon dito sa pinagkakahigaan ko. ‘Wag lang talaga na ‘yung matanda na naman na ‘yun ang bumubulabog sa akin ngayon kung hindi ay talagang makakatikim na siya sa akin. Hindi na ako masyadong nag ayos ng sarili ko at saka ko tinungo na ‘yung pintuan. Walang sali-salita na binuksan ko na nga ‘yung pinto at ipinakita
Nagmadali na nga akong nagsuot ng bra at pagkatapos noon ay lumabas na rin ako para harapin siya. Hindi masyadong maganda ang simoy ng hangin sa loob ng bahay ko kapag nandito siya kaya gusto ko na siyang mawala dito sa lalong magdaling panahon.“So... ano bang kailangan mo at pumunta ka dito?” AT hindi na nga ako nagpaligoy-ligoy pa sa pag tanong ko sa kaniya. Walang mababakas na emosyon sa tono nang boses ko at ganon din sa ekspresyon ng mukha ko habang diretso lang ako na nakatayo na sa may harapan niya. Dahan-dahan nang umangat ang paningin niya sa akin kaya nagkasalubong na ang mga mata naming dalawa hanggang sa sagutin niya na ang tanong ko.“I’m here to fetch you.” Sagot niya at doon na rin siya unti-unting tumayo mula sa pinagkakaupuan niya ngayon. Medyo nakayuko na naman siya ng konti katulad kanina pero hindi na lang niya ‘yun ininda kaya hindi ko na rin ‘yun binigyan pa nang pansin.Masyado nang na-preoccupied ang isip ko sa sinabi niya kaya naman ma
TAHIMIK lang na naglalakad na kaming dalawa patungo sa may tulay ni Wayne. Walang nagsasalita sa pagitan namin at wala rin naman masyadong mga kabahayan dito sa paligid kaya mas lalong dumagdag pa ‘yun sa katahimikan na meron kaming dalawa. Kung meron mang mga bahay na nakikita ay hindi ‘yun tabing daanan o tabing kalsada kaya medyo malayo ‘yun. Normal na para sa akin ‘yung wala akong masyadong mga tao na makita dito sa may lugar ko pero kapag lumampas na ng tulay… nandoon na ‘yung mga tao.Tumagal pa ng halos tatlong minuto ang katahimikan naming dalawa hanggang sa makarating na kami sa may tulay kung saan ay doon na nagsalita si Wayne.“You know what, I hate this place.” Biglang saad niya sa mahinang tono lang nang pananalita. Hindi ko inaasahan na siya mismo ang magbabasag nang katahimikan sa pagitan namin pero hindi ko na lang ‘yun ginawang big deal at saka ko siya binatuhan nang nagtatakang tingin.Doon ko nakita ang side view ng mukha niya dahil diretso lang
Nang patapos na ang kanta at alam kong pabalik na si Wayne sa upuan kung nasaan ako nakaupo, mabilis akong nagpaalam kina Alexander upang pumuntang banyo. Narinig ko pa nga ang pahabol na sinabi ni Alexander at Fritz na sasamahan na nila ako pero hindi ko na lang ‘yon pinansin. Agad ko silang tinalikuran at naglakad papalayo.Parang wala sa sarili ako na naglalakad sa dagat ng mga taong nadadaanan ko. May ilan akong nakakabungguan pero hindi ko na ‘yon pinapansin pa. Masyadong blangko ang utak ko para pagtuunan pa sila ng pansin.Ngunit, tila’y pumtik ako pabalik sa realidad ng isang mabigat na kamay ang agad na humablot sa braso ko. Para akong natauhan dahil doon at saka awtomatikong lumingon upang makita kung sino ‘yon. Agad na nagsalubong ang aming mga mata na naging dahilan kung bakit ako natigilan. Kunot na kunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.“Where are you going? Hindi ba at sinabi ko na ‘wag kang lalayo sa akin?”Napalunok ako ng laway at hindi agad nakap
Hindi ko maiwasan na lihim na mapa-angat ang gilid ng labi ko habang nakikita ko si Wayne sa tabi ko na nakabusangot. Nakaupo siya ngayon sa may passenger’s seat habang ako ang nagmamaneho ng kaniyang kotse. Ayaw niya sana na ako ang magmaneho pero wala naman siyang choice dahil nga may sling siya sa kanan niyang kamay.Biniro pa nga siya ulit kanina ni Hanz at sinabi na kami na lang dalawa ang sabay na pupunta sa bar kasi siya lang naman daw ang mag-isa sa kotse niya. Si Oliver at Vince kasi ang magkasama roon sa isang sasakyan, tapos si Kai at Alexander naman ang magkasama, tapos solo si Fritz at Hanz sa sari-sarili nilang kotse. Pero siyempre, hindi pumayag si Wayne.Ngayon na nakikita ko siyang nakasimangot pa rin, ramdam ko na badtrip pa rin siya dahil sa kalokohan ng mga kaibigan niya.“Galit ka pa rin ba, Wayne? Ano ka ba… inaasar ka lang naman ng mga tropa mo,” medyo natatawa na saad ko. Hindi ko siya magawang batuhan nang tingin dahil diretso lang na nakatuon ang
Mabilis lang lumipas ang mga araw. Linggo na ngayon, at naglalakad lang ako pauwi ng bahay. Alas-singko pa lang naman ng hapon kaya naisipan kong maglakad na lang kaysa ang sumakay pa. Nanghihinayang pa kasi ako na pabaryahan ‘yung mga buo kong pera. Nanghihinayang pa ako na gastusin ‘yong sinahod ko sa loob ng buong linggo.Ito na ang huling sweldo ko sa restaurant kaya kailangan ko ‘tong tipirin. Nakapagpaalam na nga pala ako kay Ma’am Sammie. Kahit nahihiya ako sa kaniya dahil nga hindi man lang ako nagtagal sa pagtatrabaho ko, idagdag pa na nirekomenda lang ako ni Pio, wala naman akong magagawa kung hindi ang tuparin ko ang naipangako ko na kay Wayne.Nakakalungkot lang dahil alam ko naman sa sarili ko na keri ko ‘yung trabaho ko. Nakakapagod, oo... pero wala namang madali na trabaho, hindi ba? Nalungkot din ‘yung mga kasamahan ko sa trabaho sa biglaang pagre-resign ko. Nalungkot din ako kasi naging malapit na sila sa akin, lalo na si Yuki, tinuring ko na ‘yun na p
“So, are you damn saying na nag-deliver ka ng pagkain sa ganoong klase ng lugar?” singhal ni Wayne sa akin nang makapasok na ako ngayon sa bahay niya. Actually, ramdam ko naman kanina na i-o-open niya talaga ang topic tungkol doon, hindi niya lang magawa dahil nga hindi naman kami sabay na umuwi. Dumaan pa kasi ako sa restaurant para ibalik ‘yung motor habang siya naman ay binalikan ‘yung kotse niya kung saan niya naiwan.Pagkapasok ko pa lang ay tinanong niya na agad sa akin kung anong ginagawa ko sa lugar na ‘yon, at sinagot ko lang naman ang tanong niya. Ngayon ay kitang-kita ko ang galit sa ekspresyon ng mukha niya habang diretsong nakatingin sa akin.“Oo, dahil trabaho ko ‘yon,” seryosong sagot ko sa kaniya. Hindi ko alam kung anong ikinakagalit niya ngayon, samantalang siya itong may problema sa aming dalawa.“Naghatid ka ng pagkain sa isang pasugalan!” pag-uulit niya pa. “Sinabi ko na nga ba at hindi ligtas ‘yang trabaho mo!” Napatayo na rin siya mula sa pagkaka-upo niya sa sof
Napuno nang inis ang umaga ko nang maaga akong magising habang naghahanda na sa pagpasok ko sa restaurant. Halos ibato ko na sa vanity table ang suklay na ginagamit ko ngayon. Dala-dala ko pa rin ‘yung inis na nakatulugan ko kagabi. Naiinis ako, hindi dahil sa hindi natuloy ang nangyari sa aming dalawa ni Wayne, kundi dahil napagtanto ko na, kagabi pa lang, kung sino ba ‘yung tumawag sa kaniya.Kaya pala pamilyar sa akin ang pangalan na ‘yun. Hindi ako pwedeng magkamali, siya ‘yung matapobreng babae sa charity ball. Siya ‘yung sinamahan ni Wayne noong gabi na naging dahilan kung bakit dineny niya ako.“Argh! Nakakainis! Kung nalaman ko lang kaagad na ‘yun pala ‘yung babaeng ‘yon… eh di sana pala, gumawa ako ng paraan para pigilan si Wayne,” saad ko sa sarili ko.Bumuga na lang ako nang isang malalim na hininga at nagpasya na nga na tuluyan nang lumabas ng kwarto ko. Baka ma-late na ako sa restaurant kung uunahin ko pa ang inis na nararamdaman ko.Pagkababa ko, awtomatikong
Walang lingon-lingon akong bumaba ng sasakyan ni Wayne nang makapag-park na siya ng kotse niya. Yakap-yakap ko ng mahigpit ang sarili kong sling bag nang dumiretso ako sa pagpasok ng bahay niya. Ramdam ko ang bawat kabog ng puso ko. Gusto ko sanang lingunin siya upang makumpirma kung sinusundan niya ba ako, o hindi… pero mas pinili ko na lang na ‘wag nang gawin ‘yun at mas lalong bilisan na lang ang paglalakad.“Kailangan kong makapasok agad sa kwarto ko,” bulong ko pa sa aking sarili.Katulad nang inaasahan, wala na si Manang Fracia nang makapasok na ako sa may sala. Mas lalong dumoble ang kaba na nararamdaman ko ng dahil doon. Mabilis na akong umakyat ng hagdan, kung pwede ko nga lang na hakbangin ng tig-tatlo ang baitang, baka ginawa ko na, para lang makaakyat ako agad.Napangiti ako ng lihim nang marating ko na ang harapan ng pinto ng kwarto ko. Hindi na ako nagdalawang-isip at agad ko nang inabot ang doorknob noon, pipihitin ko na sana upang mabuksan, kaya lang may i
LEIGH’s POV Ramdam ko ang pagkawala ko sa aking sarili habang nakaupo lang ako rito sa may dulo ng jeep kung saan ay papunta na ako ngayon sa restaurant. Nakahawak pa ako sa handle, pero nakatulala lang ako. Hindi ko akalain ang nangyari sa aming dalawa ni Wayne.Kung pwede ko lang na pukpukin ang sarili kong ulo ngayon, baka ginawa ko na. Kaya lang, pinigilan ko ang sarili ko dahil hindi lang naman ako ang pasahero ngayon.Sana lang talaga ay hindi makita ng mga tao na nasa harapan ko ang pamumula ng mukha ko ngayon. Ramdam ko kasi na nag-iinit ang dalawang pisngi ko lalo na at tandang-tanda ko pa ang nangyari matapos ‘yung nangyari sa kotse. PAKIRAMDAM KO, sa mga bisig pa lang ni Wayne habang buhat-buhat niya ako patungo sa kwarto ko ay medyo naka-idlip na ako ng ilang segundo. Nang dahan-dahan niya na akong inilalapag sa malambot na kama ay doon pa lang ako medyo naalimpungatan.Rinig ko ang mahina at medyo paos na boses niya nang bumulong siya sa akin, “Ju
Hinimas-himas ni Wayne ang kaniyang hita, paatas at pababa, habang diretso pa rin na nakatingin sa kaniyang mata.“Please, tell me na hindi ka na magtatrabaho. I’m offering you a secretarial position on my firm. Why can’t you just accept it, huh?”Napakakagat si Leigh sa pang-ibaba ng kaniyang labi dahil sa init na kaniyang nararamdaman sa ginagawa ni Wayne, ngunit pinigilan niya. Pinigilan niya ang kabilang sistema ng kaniyang pagkatao upang magawang sagutin ang binata.“A-ano ba, Wayne—”At hindi naituloy ni Leigh ang balak na sabihin nang biglang sinunggaban siya ng halik ni Wayne. Sobrang nabigla si Leigh ng mga sandaling ‘yon, hindi siya makapaniwala na mauuwi sa paghahalikan ang usapan nila. Ngunit nang mapansin niya na nakapikit na ang mga ni Wayne habang ninanamnam ang pagdidikit ng kanilang mga labi, kusa na rin na napapikit ang kaniyang mga mata.“Hmmm.” Hindi man sinasadya pero napa-ungol na si Leigh. Patuloy pam rin kasi ang paghimas ni Wayne sa kaniyang hita kasa
Mabilis na isinarado ni Wayne ang folder na kaniyang binabasa ng gabing ‘yon. Mabilis niya rin na binatuhan nang tingin ang suot niyang itim na wristwatch, at doon ay nakita niya na malapit nang mag-alas-siyete ng gabi.Tumayo siya, aabutin na sana ang itim na coat na nakasabit sa kaniyang swivel chair nang biglang pumasok sa opisina niya si Brent na hindi man lang kumatok.“Oh? Aalis ka na agad?” tanong ni Brent sa kaniya, may bitbit pa ito na halos limang puting folder kung saan ay doon napagawi ang mabilis na tingin ni Wayne.Kasalukuyan lang siya na nasa kaniyang firm ng mga sandaling ‘yon. Ang sabi niya ay hindi siya papasok sa opisina dahil nga nagkasakit siya noong gabi… ngunit dahil na-boring siya sa kaniyang bahay lalo na at wala naman doon si Leigh, kaya pumasok na rin siya noong tanghali pagkatapos na kumain nilang dalawa ng lunch.Sobrang bilis nga lang talaga na kumain ni Leigh, kung hindi nagkakamali si Wayne ay halos nakalimang subo lang ito at talagang umalis