Matapos ang naging kasagutan ko ay diretso lang ako na nakatingin sa kaniya at hinihintay kung ano ang magiging reaksyon niya sa sinabi ko. Hindi rin naman nagtagal nang isang mapaglaro at nakaka asar na ngisi ang pinakawalan niya.
"Good. Hindi mo ko binigo sa naging kasagutan mo. So, let's continue our discussion with YOU-- sitting in front of me," sabi niya at itinuro niya pa ako bago niya itinuro yung upuan na nasa may harapan niya.Napalunok naman muna ako ng laway baho ako sumunod sa gusto niya. Kahit na parang nang liliit na ang tingin ko sa sarili ko dahil sa ginawa kong pag payag sa kaniya ay naglakad pa rin ako ng may pagmamalaki sa postura ko. Taas-noo akong lumapit doon sa mahabang lamesa at tsaka umupo sa upuan na tinuro niya kanina.Nang makaupo na ako ay may inilabas siya na isang pirasong papel mula sa pinaka likod ng pulang envelope na nasa lamesa tsaka niya yun ipinatong sa may harapan ko.Bago ko pa man mabasa ang nilalaman ngHindi ko maiwasan na mapatulala lang habang nakasakay na ako ngayon dito sa bus pabalik sa probinsya namin. Hindi ko mapigilan na tahimik na mapaluha lang dahil nasasaktan pa rin ako sa naging pag uusap namin kanina ni Wayne. Buti na lang at nakapatay ang ilaw nitong bus dahil karamihan sa mga pasahero ay natutulog na, buti na lang din at ako lang ang mag-isa na nakaupo dito sa may dulo kaya naman malaya akong namnamin ang mga sakit na nararamadaman ko ngayon.Kailangan kong isa-isip na pwedeng may posibilidad na ginagawa sa akin ito ni Wayne para gantihan ako. Malabo naman kasi na hindi niya ako pag-isipan na gantihan lalo na at masyadong masama ang ginawa ko sa kaniya. Kilala ko siya eh, matagal-tagal din kami na magkarelasyon kaya alam ko na mataas ang pride niya at alam ko rin na matagal siyang magtanim nang sama ng loob.Hindi ko kasi naihanda ang sarili ko sa pagkikita namin dahil masyado akong nagpaka-confident na hindi ko na siya makikita pa habang na bubuhay ak
Naputol ang pakikinig ko dahil bumulong na naman sa akin si Catleya.“Oh bakit natahimik ka diyan. Na gwapuhan ka din noh, tama ako—ang dami ngang gwapo ngayon dito sa bayan.”“Shh, tumigil ka nga. Baka marinig ka.” saway ko sa kaniya.Ngumiti na lang si Catleya pero halata pa rin na inaasar niya ako kaya hindi ko na lang siya masyadong pinansin.Pinilit ko din na hindi na makinig sa naging pag uusap nung tatlong tao sa may likuran ko hanggang sa malapit na kaming makasakay."Oh, wala ka bang kasama sa pagsakay? " Tanong nung lalaki na nagma-manage ng mga sasakay sa ferries wheel doon sa isang lalaki na nasa harapan namin."Wala ho." Sagot nito."Oh Miss, ikaw na ang sumabay dito." Sabi pa nung matandang lalaki at tinuro niya si Catleya.Kailangan kasi ay dalawang tao ang nakasakay sa isang upuan ng ferries wheel para maging pantay. Agad na tinuro ni Catleya ang sarili niya at kahit ako ay nabigla rin."Hala Kuya, si
KINABUKASAN, maaga akong nabulabog dahil sa sunod-sunod na pagkatok na narinig ko sa labas ng pintuan ko. Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam nang inis sapagkat ito na ang pangalawang beses na may umiistorbo sa pagtulog ko. Noong una ay dahil sa matandang babae na ‘yun na amoy lupa tapos naulit na naman ngayon.Don’t tell me na si Mrs. Cruz na naman ‘yan dahil kapag nagkataon ay baka hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko at masakal ko na siya gamit ‘yung mga gintong kwintas na nakapulupot sa leeg niya.Bwisit! Pakiramdam ko ay nabibingi na ako sa sunod-sunod na pagkatok na ‘yun kaya naman kahit tinatamad ay hindi na ako nag dalawang isip na bumangon dito sa pinagkakahigaan ko. ‘Wag lang talaga na ‘yung matanda na naman na ‘yun ang bumubulabog sa akin ngayon kung hindi ay talagang makakatikim na siya sa akin. Hindi na ako masyadong nag ayos ng sarili ko at saka ko tinungo na ‘yung pintuan. Walang sali-salita na binuksan ko na nga ‘yung pinto at ipinakita
Nagmadali na nga akong nagsuot ng bra at pagkatapos noon ay lumabas na rin ako para harapin siya. Hindi masyadong maganda ang simoy ng hangin sa loob ng bahay ko kapag nandito siya kaya gusto ko na siyang mawala dito sa lalong magdaling panahon.“So... ano bang kailangan mo at pumunta ka dito?” AT hindi na nga ako nagpaligoy-ligoy pa sa pag tanong ko sa kaniya. Walang mababakas na emosyon sa tono nang boses ko at ganon din sa ekspresyon ng mukha ko habang diretso lang ako na nakatayo na sa may harapan niya. Dahan-dahan nang umangat ang paningin niya sa akin kaya nagkasalubong na ang mga mata naming dalawa hanggang sa sagutin niya na ang tanong ko.“I’m here to fetch you.” Sagot niya at doon na rin siya unti-unting tumayo mula sa pinagkakaupuan niya ngayon. Medyo nakayuko na naman siya ng konti katulad kanina pero hindi na lang niya ‘yun ininda kaya hindi ko na rin ‘yun binigyan pa nang pansin.Masyado nang na-preoccupied ang isip ko sa sinabi niya kaya naman ma
TAHIMIK lang na naglalakad na kaming dalawa patungo sa may tulay ni Wayne. Walang nagsasalita sa pagitan namin at wala rin naman masyadong mga kabahayan dito sa paligid kaya mas lalong dumagdag pa ‘yun sa katahimikan na meron kaming dalawa. Kung meron mang mga bahay na nakikita ay hindi ‘yun tabing daanan o tabing kalsada kaya medyo malayo ‘yun. Normal na para sa akin ‘yung wala akong masyadong mga tao na makita dito sa may lugar ko pero kapag lumampas na ng tulay… nandoon na ‘yung mga tao.Tumagal pa ng halos tatlong minuto ang katahimikan naming dalawa hanggang sa makarating na kami sa may tulay kung saan ay doon na nagsalita si Wayne.“You know what, I hate this place.” Biglang saad niya sa mahinang tono lang nang pananalita. Hindi ko inaasahan na siya mismo ang magbabasag nang katahimikan sa pagitan namin pero hindi ko na lang ‘yun ginawang big deal at saka ko siya binatuhan nang nagtatakang tingin.Doon ko nakita ang side view ng mukha niya dahil diretso lang
This time ay mas nauuna na akong maglakad kay Wayne habang siya naman ay tahimik lang na nakasunod sa may likuran ko. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin matapos ang mga narinig niya pero sa kabila noon… naisip ko na lang na ‘wag nang magpa-apekto pa. Tutal, labas naman ang mga personal na buhay namin sa kung ano man ang meron sa pagitan naming dalawa. We will both get benefits here… walang dayaan at walang lamangan.Maipapanalo ko ang kaso at makukuha ko ang lupa namin sa tulong ni Wayne habang siya… masakit mang sabihin ‘to sa sarili ko pero hindi na rin naman siya lugi pa sa akin. Hindi na big deal pa kung sakaling may mangyari man sa pagitan naming dalawa dahil katulad nga nang sinabi ko... nagawa na namin ang bagay na ‘yun noon pa.Maya-maya pa ay tuluyan na nga kaming nakarating sa bahay ni Pio kung saan ay malayo pa man ay nakita ko na siya na naglilinis ng kaniyang sasakyan na pick up. Medyo nakatalikod ang pwesto niya sa direksyon ko kaya naman hindi niy
WAYNE’s POVI can’t help it but to throw a gaze at Leigh and to that man when they are getting closer and closer while they are talking to each other. Hindi ko naman alam kung ano ang pinag-uusapan nila dahil nandito ako ngayon sa loob ng bahay at naka-upo sa upuan na kawayan. Hindi ko rin magawang tingnan ang kabuuan ng bahay dahil hindi ko maalis ang paningin ko kina Leigh at doon sa lalaki. Their conversation seems serious. Nakikita ko kasi ‘yung ekspresyon nu’ng mukha nu’ng lalaki habang nakatalikod naman sa may pwesto ko si Leigh kaya hindi ko siya makita. “Hijo, mag-juice ka muna.” Biglang saad nu’ng matandang lalaki kung saan ay medyo nagulat pa ako ng konti sa pagsulpot niya. Doon pa lang natanggal ang tingin ko kina Leigh at saka agad na itinuo ang atensyon ko doon sa matanda.“Thank you,” I answered simply as he handed the glass of orange juice to me.Tinanggap ko naman ‘yun at saka ipinatong na lang sa maliit na lamesa na nasa harapan ko ‘yung
FAST FPORWARDTahimik lang ako na nagmamaneho habang si Leigh naman ay nakatanaw lang sa may labas ng bintana ng kotse ko. It’s almost 11 AM and nearly approaching to 12 noon. We are now heading to Quezon City and to my estimated, we will arrive exactly 1 PM.Hindi ko alam kung ako ba ang dapat na unang bumasag sa katahimikan naming dalawa pero hindi nagtagal ay nagpasya na nga akong magsalita.“Are you hungry? I can pull over if you are,” walang emosyon lang na saad ko habang hindi siya binabatuhan nang tingin sapagkat nasa may kalsada lang ang atensyon ko. Naramdaman ko naman ang pagkilos niya ng konti mula sa pinagkakaupuan niya kung saan ay sigurado ako na nakatingin na siya sa akin ngayon.“Hmmm. Medyo lang.” mahinang sagot niya sa akin.“Okay. Hihinto na lang ako kapag may restaurant na akong nakita,” simpleng sagot ko na lang sa kaniya kung saan ay hindi na siya umimik pa.Hindi rin naman nagtagal nang may madaanan na kaming restau