"Lever, saan ka mag-aaral ng college?" tanong ni Kaycee kay Lever.
Napatingin si Lever sa kaibigan na si Kaycee. Matagal na n'ya itong kaibigan simula ng pumasok ito ng highschool, ngayon ay pareho na silang magko-koleheyo.
Nilipat ni Lever ang tingin sa daan, naglalakad sila pauwi na ng bahay dahil si Lever ay nautusan ng mama n'ya na bumili ng gulay para sa lulutuin nito.
"Swonne University, kung makakapasa ako," sagot ni Lever sa tanong ng kaibigan n'ya na si Kaycee.
"Ako rin doon," masayang saad ni Kaycee.
Napangiti si Lever ng makitang masaya ang kaibigan n'ya. Si Lever Winchester ay matagal ng mayroong gusto kay Kaycee, hindi n'ya lang inaamin dahil baka masira ang pagka-kaibigan nilang dalawa.
"Balita ko marami daw gwapo doon," banggit ni Kaycee na ikinawala ng ngiti ni Lever.
Tumingin si Lever sa baba para hindi makita ni Kaycee na nawala ang ngiti nito.
"Tapos madadagdag ka pa, wala na finish na," biro ng kaibigan n'ya.
Wala namang reaction doon si Lever, ayaw nitong nasasabihan ng gwapo dahil baka akalain ng makakarinig ay mayabang ito.
"Hatid na kita sa inyo," pag-iibang sabi ni Lever.
Huminto ang dalawa sa paglalakad dahil magkaiba na sila ng daan na tatahakin, si Lever ay diretso at si Kaycee naman ay sa kanan na.
Humarap si Kaycee kay Lever sabay iling nito. "Wag na, baka kailangan na iyan ni tita Xyra," pagtanggi n'yang sagot sa alok ni Lever.
Tumango na lang si Lever kay Kaycee. "Inggat ka, tawagan na lang kita mamaya," saad ni Lever.
"Napaka-gentleman naman ng kaibigan ko," masayang sabi ni Kaycee sabay gulo ng buhok ni Lever.
Ang isa sa ayaw na ayaw ni Lever ay ang ginagalaw ng iba ang buhay n'ya dahil naglalaan ito ng ilang minuto para maayos ang buhok n'ya, pero si Kaycee kahit gulohin n'ya iyon ay walang paki-alam si Lever.
"Wag ka mag-alala, mag-iingat ako para sayo," nakangiting sabi ni Kaycee, sabay kindat kay Lever.
Ngiti lang ang sinagot ni Lever. Nagsimula ng maglakad si Kaycee palayo kay Lever. Hindi pa rin umaalis si Lever sa kinatatayuan n'ya at sinusundan nito ng tingin si Kaycee na naglalakad na palayo.
Nang mawala na sa paningin ni Lever ang kaibigan na si Kaycee ay nagsimula na rin itong maglakad patungo sa bahay nila, bitbit ang binili n'yang gulay na inutos ng kan'yang mama.
Nag-iisang anak lang si Lever, hindi nito nakilala ang Papa n'ya dahil ang kwento ng Mama Xyra n'ya ay namatay ito sa isang accident. Normal lang ang buhay ni Lever, hindi ito sobrang yaman at hindi rin naman sobrang hirap, sakto lang.
Sa tuwing tinatanong ni Lever ang tungkol sa nangyari sa papa n'ya at kung sino ba talaga ang pagkatao ng papa n'ya ay laging iniiba ni Xyra ang topic nito.
Pagkarating ni Lever sa tapat ng bahay nila ay mayroon itong itim na gate. Pumasok na s'ya at dumiretso papuntang kusina para iabot n'ya ang binili nitong gulay sa mama n'ya.
"Sige, Secretary Luke, hihintayin ko lang si Lever makabalik ng bahay."
Naabutan ni Lever si Xyra Cy, ang kan'yang nanay na mayroong kausap sa phone. Umupo ito at inilagay n'ya sa dining table ang plastic bag na hawak n'ya na mayroong lamang mga gulay.
Abala ang Mama Xyra n'ya sa paghalo ng niluluto nito habang mayroong kausap sa phone.
Binaba ni Xyra ang phone n'ya at pinagpatuloy ang paghalo sa niluluto nitong sinigang.
"Sino si Secretary Luke?" takang tanong ni Lever sa Mama n'ya.
Napalingon si Xyra sa anak n'ya dahil sa gulat. Napahawak ito sa dibdib n'ya dahil sa biglang pagsalita ng anak.
"Ano ka ba naman, ang tahimik mo namang dumating," sita ni Xyra sa kan'yang anak na si Lever.
Tumayo si Lever para lapitan ang mama n'ya. Nag-cross arm ito at seryosong tinignan ang mama n'ya.
"Wag mong sabihin sa akin, Ma, na boyfriend mo 'yung Secretary Luke na iyun?" tanong ni Lever sa kan'yang Mama Xyra..
Bigla namang natawa si Xyra dahil sa tanong ng anak n'ya.
"Maki-kilala mo rin s'ya pag dumating dito," paliwanag naman ni Xyra sa anak.
Kumunot ang noo ni Lever sa sinabi ng mama n'ya. "So boyfriend mo nga?" pag-uulit na tanong ni Lever.
"Pupunta s'ya dito para kuhanin ka," sagot naman ni Lever.
Takang tinignan ni Lever ang ina sa sinabi nito sa kan'ya. "Ano pong ibig n'yong sabihin na kukuhanin ako?" taka nitong tanong.
"Hindi ba gusto mong makilala kung sino at ano ang pagkatao ng Papa mo?" tanong ni Xyra sa kay Lever.
Lumapit si Xyra sa anak nitong si Lever at hinawakan sa kamay. "At ang sabi ko sayo dati noong bata ka pa na masyado ka pang bata para malaman ang totoo, ngayon eighteen ka na sa tingin ko naman ay handa ka na," paliwanag ni Xyra.
"Pero bakit ako kukuhanin?" takang tanong ni Lever.
"Dahil hindi ito ang mundo mo," sagot agad ni Xyra sa tanong ng anak.
Alam ni Xyra na gustong-gusto na ni Lever na malaman ang tungkol kay Rifle Winchester ang kan'yang papa, pero gusto ni Xyra na handa na ito na malaman kung sino ba talaga si Rifle Winchester at sino ba talaga si Lever Winchester. Hindi mabubuo ang pagkatao ni Lever lalo na't tinatago nito ang totoong pagkatao ng papa n'ya.
Naguguluhan ang mukha ni Lever na tumingin sa Mama n'ya.
"Ma, paanong hindi ito ang mundo ko?" takang tanong ni Lever sa ina.
"Pupunta ka ng Manila para doon mag-aral," sagot ni Xyra kay Lever.
"Pero, okay na ako sa Swonne University," saad ni Lever.
"Masmaganda doon..."
"Pero, nandito ka," agad na putol sabi ni Lever.
"Nandoon ang buhay mo Lever, makinig ka sa akin," paliwanag ni Xyra kay Lever.
Hindi naman maintindihan ni Lever ang mama n'ya kung bakit gusto pa nitong s'yang papuntahin sa Manila kahit na okay naman s'ya dito. Hindi naman s'ya mapili sa school na papasukan n'ya, saka okay na rin sa kan'ya kung ano man ang nabibigay sa kan'ya ni Xyra, kaya hindi na nito kailangan pang pumunta ng Manila.
"Ma, paanong nandoon ang buhay ko? Dito ang bahay ko at nandito ka," tugon ni Lever.
"Hindi, iba ka sa tingin na inaakala mong ikaw," sabi pa ni Xyra.
Tumalikod ito kay Lever na hindi maintindihan ang Mama n'ya. Iniisip nito na paano s'ya naging iba, normal naman s'yang nabubuhay kasama n'ya, wala naman itong sakit o kahit anong kakaiba sa katawan n'ya.
"Ma, ako lang ito si Lever, wala ng iba sa akin," sabi ni Lever sa Mama n'yang nakatalikod sa kan'ya.
"Lever Winchester," sabi ni Xyra sabay harap sa anak nito.
Tinignan n'ya sa mata ang anak n'ya na bakas ang kaguluhan sa mukha nito. Naglakad s'ya muli sa palapit kay Lever at hinawakan nito ang pisnge n'ya.
"Wala ka pa sa mundo, pero nakaplano na ang pag punta sa lugar kung saan ka dapat lumaki."
Lalong naguluhan si Lever sa pinagsasabi ng kan'yang Mama.
"Ano bang mayroon doon sa Manila?" takang tanong ni Lever.
Ngumiti si Xyra sa kan'ya. "Ito lang ang gusto kong sabihin sayo, wag kang gagawa ng kahit anong gulo na ikakapahamak mo," sabi ni Xyra.
Hindi man lang nito sinagot ang tanong ng anak na naguguluhan sa nangyari, pero alam naman n'ya na masasagot ang lahat ng tanong ng anak n'ya pag dating ni Lever sa Manila.
"Iayos mo na ang gamit mo dahil baka dumating na si secretary Luke," sabi ni Xyra kay Lever.
Inayos ni Xyra ang buhok ng anak na gaya ng lagi nitong ginagawa. "Bakit ba ang gulo ng buhok mo?" tanong n'ya kay Lever.
Si Lever naman ay pinagmamasdan pa rin ang Mama n'ya dahil sobrang wala s'yang idea sa nangyayari.
"Sige na ayusin mo na ang gamit mo," utos ni Xyra.
Pinatalikod n'ya si Lever na ayaw kumilos at tinulak ito ng dahan-dahan para papuntahin sa kwarto n'ya. Wala naman na gawa si Lever dahil sa utos ng kan'yang Mama.
Pagpunta nito sa kwarto n'ya ay napansin nito ang mga mamahaling gamit na kusang mayroong dumadating sa kan'ya tuwing mayroong special na araw sa kan'ya. Hindi nito alam kung saan o kanino ito ng gagaling.
Hindi n'ya ginagalaw ang mga gamit na iyon at nananatili kung saan iyon nakalagay.
Umupo ito sa kama niya at iniisip pa rin ang pagpunta n'ya sa Manila. Iniisip rin niya na bakit kailangan n'yang pumunta doon. Humiga ito sa kama dahil sa gulo ng isip ni Lever.
"Ano bang mayroon sa Manila at kay Papa?" mahina nitong tanong sa sarili n'ya.
"Secretary Luke!"
Agad na napabangon si Lever sa pagkakahiga ng marinig n'ya ang boses ng mama n'ya.
"Kumusta ka na?" tanong ng isa lalaki mula sa labas ng kwarto ni Lever.
Agad itong naglakad palabas ng kwarto para makita n'ya kung sino iyon. Tumamba sa kan'ya ang isang lalaki na parang nasa forty plus na ang edad, masyadong formal ang suot nito, dahil sa tuxedo pa ito kahit sobrang init ng panahon.
Napayuko ng kaunti si Lever ng malipat ang tingin ni secretary Luke kay Lever. Isang malaking ngiti ang binigay ni Secretary Luke kay Lever ng makita n'ya ito.
Nagtaka naman si Lever ng lumapit si Secretary Luke sa harapan n'ya ang mag-half bow ito sa kan'ya.
"Sir, no need na po," awat n'ya kay Luke ng mag-bow ito sa harapan n'ya.
Napatingin si Lever sa mama n'ya na nakatingin sa kanila. Naiilang si Lever sa ginawa ni Luke dahil hindi naman ito sanay.
"Kamukha n'ya si sir Rifle," masayang sabi ni Luke, kay Xyra.
Tinignan na mabuti ni Luke si Lever mula ulo hanggang paa at wala talagang duda na anak ito ng dati n'yang amo dahil sa kamukha ni Lever ito.
"Pero mukhang sayo nakuha ang ugali," dagdag na sabi ni Luke kay Xyra.
Natawa naman si Xyra sa sinabi ni Luke sa kan'ya. Muling humarap si Luke kay Lever na nagtataka pa rin kung sino ba ang lalaking kaharap n'ya.
"Sino po ba kayo?" tanong ni Lever kay Luke.
"Ako si Luke Espiritu, ang Secretary ni Chairman Ramond Winchester... Lolo Ramond mo," paliwanag ni Luke kay Lever.
Wala idea si Lever kung sino ba ang pinagsasabi n'yang tao na maski ang papa n'ya ay hindi rin kilalang lubusan.
"Kumain ka muna, Secretary Luke, " aya ni Xyra kay Luke.
"Salamat na lang, pero kailangan ko ng kuhanin si Lever dahil naghihintay sa kan'ya si President Snipe at President Uzi," paliwanag ni Luke kay Xyra.
Tumingi naman si Lever sa mama nito dahil sa narinig. Halata sa itsura ni Lever na ayaw n'yang sumama.
"Kailangan," sabi ni Xyra dahil alam nito ang anak n'ya.
Alam ni Xyra kahit hindi magsalita si Lever kung ayaw o gusto n'ya ang bagay o nangyayari dito.
"Kailangan mong sumama, kung naguguluhan ka pa ngayon ay ipapaliwanag sayo ng mga ninong mo kung ano ang nangyayari," mahinahon na paliwanag ni Luke kay Lever.
"Sige na, Lever, ayusin mo na ang gamit mo," utos ni Xyra.
"Paumanhin ulit, pero lahat ng kailangan na gamit ni Lever ay nasa condominium na ni sir Rifle, magbihis na lang s'ya," paliwanag ni Luke.
"Kilala mo naman siguro ugali ni president Snipe," dagdag na sabi ni Luke sabay tawa ng mahina.
Tumango si Xyra para sa pagsang-ayon n'ya kay Luke.
"Sige na, Lever," sabi ni Xyra.
Naglakad si Xyra palapit kay Lever at hinila ito papunta sa kwarto ni Lever.
"Mama, ayokong sumama sa lalaki na iyun," sabi ni Lever sa mama n'ya pagkapasok sa kwarto nito.
"Tutulungan ka n'ya pagpunta mo sa manila," sagot ni Xyra sa anak.
"Maligo ka na at kukunin ko ang damit na susuotin mo," sabi ni Xyra.
Gusto pa sanang umapila ni Lever ng hilahin s'ya ni Xyra papuntang banyo. Wala ng nagawa ang binata kung hindi sumunod sa mama n'ya dahil alam naman n'yang hindi s'ya tatantanan ni Xyra, kahit na ayaw man nitong pumunta sa Manila ay mapupunta rin s'ya doon dahil sa Mama n'ya.
Gaya ng sabi ng Mama Xyra n'ya ay doon s'ya mag-aaral kaya ifo-focus n'ya na lang sa pag-aaral ang lahat.
Lever Nakakalulang taas ng building ang hinintuan namin ni Secretary Luke at hindi ko alam kung ano ang ginagawa namin. Wala akong idea na nakatingin sa gamit kong binaba na ni Secretary Luke at pinark na ang kotse sa car park. Malayo ang lugar na ito kung saan ako lumaki; masyadong maraming sasakyan, matataas ang building at parang hindi afford pumunta ng isang mahirap na kagaya ko. Napatingin na lang ako sa gamit ko at mukhang magtratrabaho nga ako sa lugar na ito, pero bakit hindi man lang sinabi ni Mama sa akin? “Pumasok na tayo, para makita mo ang unit na titirahan mo,” saad ni Secretary Luke sa akin Pagdating. Kinuha n’ya ang iba kong gamit para tulungan akong magbuhat papasok sa loob. Pagpasok namin sa loob ay bawat sulok ng building na pinasukan ko ay tinignan ko habang naglalakad. Mayroong dalawang lalaki na nasa 50 plus na ang edad ang nakatingin sa akin, pero nilagpasan ko dahil hindi ko naman sila kilala. Patuloy ako sa paglalakad… “Lever Winchester!” Tumigil ako sa
Younis "Ma'am Younis, please itabi n'yo na ang sasakyan!" sigaw ng driver sa akin. Lumawak ang ngiti sa labi ko dahil nakakapag-drive lang ako pag hindi kasabay ang kakambal ko sa pagpasok sa school. Tinignan ko ang driver ko na nagdadasal na sa passenger seat dahil sa akin. Lalo kong binilisan dahil ayokong malate sa school ngayon. Paghinto ko sa tapat ng gate ay tinignan ko Si Mr. Ramos na parang sumakay sa roller coaster ang mukha habang sobrang higpit nh hawak sa seatbelt. "I'm good driver, right?" nakangiti kong tanong. "Aatakihin ako sa puso, Ma'am Younis," sagot n'ya sa akin. Napa-pout ako dahil sa sagot n'ya. "Well, hindi ka kasi sanay makakita ng expert sa pagmamaneho ng kotse kaya 'di mo alam iyon, average ka lang kasi," paliwanag ko kay Mr. Ramos. "Pag nalaman ito ng papa mo ay siguradong pareho tayong papagalitan." Kinuha ko ang bag ko at tinignan si Mr. Ramos. "Kung sa sabihin mo, malalaman n'ya, pero kung zipper lang ang bibig mo... Walang mapapagalitan!" Kininda
Lever "Let's lunch together!" Walang idea ang mata kong nakatingin sa babae na bigla na lang humawak sa braso ko. Babaeng mestiza na mayroong ngiti sa labi n'ya habang mayroong kumikinang na mata na nakatingin sa akin. "Leave her!" Nalipat ang tingin sa taas ng mayroong magsalita. I was about to go to 4th floor of this building. Hinawakan ko ang kamay ng babae para alisin sa pagkakahawak sa akin. Hindi ko s'ya kilala at kailangan ko pang hanapin ang room ko, pero nagsalubong ang dalawa kong kilay ng maslalo n'yang hinigpitan ang hawak sa braso ko at parang pusa na ayaw umalis sa tabi ko using her innocent look and shook her head. Muling napatingin ako sa lalaki na kanina ay ilang metro ang layo sa akin ngayon ay hinila ang suot kong damit para ilapit sa kan'ya. "Hindi mo na rinig ang sinabi ko?!" galit nitong tanong sa akin. Tinignan ko ang damit kong hawak n'ya. Bigla akong nakaramdam ng pikon sa lalaking nasa harapan ko, pero ayokong pumasok sa gulo. "Joaquin, anong ginagaw
LeverIsang oras na akong naghahanap ng information sa papa ko, pero wala. Kahit na anong information ay wala sa internet. Napasandal ako sa upuan at tinignan ang kalsada sa labas ng coffee shop.Ayokong manatili sa loob ng unit dahil masyadong tahimik doon para lang akong nakakulong. Wala akong kaibigan o makausap man lang, ayokong istorbohin si Mama dahil alam kong pagod s'ya.Mayroong dumating na black card sa akin, pero wala akong balak na gamitin iyon. Alam kong hindi si Mama ang nagbayad ng tuition ko sa university at ayoko na rin umasa sa kanila ng allowance ko.Uminom ako ng kape habang pinagmamasdan ang phone ko. Wala akong kilala na tao dito para malaman ko kung sino ba si Papa."Gosh!"Nagulat ako ng biglang mayroong sumigaw sa gilid ko. Muntik ko pang matapon ang hawak kong kape dahil sa pagkabigla. Tinignan ko kung sino iyon at nagsalubong ang dalawa kong kilay na makita ang babaeng architecture student, Youna Swaggerty; sikat s'ya school dahil sa kaniyang background, isan
Youna"No! hindi p'wede na iwan n'ya lang ako ng basta sa lugar na 'yon!" reklamo ko kay Princess.Uminom ako ng ice tea habang umiinit ang dugo ko sa transferee na si Lever. Wala pang ibang nakakagawang mang-iwan sa akin."Baka nagmamadali?" tanong ni Princess.Nilapat ko ang mukha ko sa table habang iniisip ang mukha ni Lever. "Napakasama ng ugali n'ya!" sigaw ko."Hey, Youna! Umayos ka nga, nakakahiya sa mga ibang customer," puna ni Princess sa akin.Mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko. "Hindi ba s'ya gentleman?! Tiniis ko ang maduming lugar na iyon para makita lang s'ya tapos iiwan n'ya lang ako!" reklamo ko."Nababaliw ka na siguro? Ilang linggo pa lang sa University si Lever and you are dead in love to that guy."Kinuha ko ang tote bag ko para kuhanin ang salamin na dala ko. "Sigurdo ay kulang pa ang ayos ko kaya hindi n'ya ako pinapansin?" tanong ko kay Princess. "Kailangan ko ng pumunta sa salon."Tumayo ako para umalis na, pero lalong nasira ang araw ko ng makita ko
LeverInaayos ko ang mga gamit ko. Mayroon akong klase ngayon 3 PM sa isa kong minor subject, hindi ko naman kailangan magmadali dahil sa malapit lang ang school sa coffee shop na pinagtra-trabahuhan ko."Lever, right?"Napatingin ako sa kamay na biglang sumulpot sa harapan ko; umangat ang tingin ko ng makita ko ang isang babae na gustong makipag-shake hands sa akin."Yes, why?" tanong ko.Kasama ko s'ya dito sa coffee shop, pero hindi kami nag-uusap dahil naka-focus ako sa ginagawa ko."I'm Lossie," pagpapakilala n'ya sa akin.Hinawakan n'ya ang kamay ko at nakipag-shake hands sa kan'ya."Blockmates tayo, Business administration."Tinignan ko ang mukha n'ya dahil hindi ko pa masyadong kabisado ang mga mukha ng classmates ko."The girl besides the window," pagpapaalala n'ya sa akin."Ikaw pala 'yun," sagot ko.I remembered, mayroong isang babae nakaupo sa likuran malapit sa bintana."Papasok ka na?" tanong n'ya sa akin.Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng gamit ko. "Oo," sagot ko sa kan'ya.
Youna"Anong nangyayari? Bakit ikaw na yata ang trip ng mga kaibigan ni Joaquin?" tanong ni Princess sa akin.Umiinit lalo ang ulo ko sa tuwing naririnig mo ang pangalan ng Joaquin na iyon. Alam ko s'ya ang may gawa ng pasa sa mukha ni Youno."Pag nagkita kami ng lalaking iyon ay sisirain ko talaga ang mukha n'ya!" galit kong saad."Wag mo ng patulan si Joaquin, parang hindi mo kilala ang lalaking iyon," payo ni Princess."Hindi ako natatakot sa kan'ya!" Inayos ko ang pagsuot ng tote bag ko at naglakad papasok sa loob ng campus."Anong meron?" takang tanong ni Princess.Nakatingin kami sa mga student na parang pumupunta sila sa likuran ng school. Hindi na ako nagsalita pa at tumakbo na ako para pumunta rin sa likod ng school; hinahabol ko pa ang hininga ko at tinignan ko kung ano ang nangyayari doon, pero nanlaki ang mata ko ng makita si Youno at Uris na nakikipagpalitan ng suntok sa mga kaibigan ni Joaquin."Youno!" sigaw ko.Mga nanunuod lang ang mga tao sa paligid at nakita ko si Jo
Lever"40%?!" gulat na tanong ni Youno.Tinignan ko si Uncle Snipe dahil sa sinabi n'ya. "Paanong nangyari 'yun?" taka ko tanong."Sino ba s'ya papa? And I only heard about the shareholder of that school 40% shares were own by the Winchester..."Biglang tumingin si Youno sa akin after n'yang sabihin ang last name ko."Lever Winchester," saad ni Uncle Snipe."Akala ko ba patay na si Uncle Rifle at wala s'yang anak?" takang tanong ni Youno."This is secret," sabi pa ni Uncle Snipe. "Wala dapat makaalam na kahit sino ang nalaman n'yo ngayon," paliwanag ni Uncle Snipe.Tahimik lang akong nakaupo sa backseat ng kotse. Hindi ko maabsorb yung sinabi ni Uncle Snipe sa akin ngayon. Masyadong gumugulo ang lahat."Seryoso ka ba, Papa?" tanong ni Youno."Wag na natin pag-usapan pa ito, at hindi n'yo pa kailangan malaman ang lahat," paliwanag n'ya.Sanay na akong kay Uncle Snipe na hindi s'ya magsasalita, pero nagbibigay s'ya ng konting information.Sumunod si Youno sa kan'ya at nanatili lang akong
Lever's point of viewNasa loob kami ng unit ng condo ni Papa habang nanunuod sa malaking screen sa harapan namin.Tinignan ko ang isang naka-display na picture sa ilalim ng T.V. Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng makita ko na mayroon kaming picture ni Mama, Papa at Ako.Pinapanuod ko ang balita kung saan ang content ay ang paghuli kay Jacob Hernandez.Hindi ko mapigilan ang ngiti ko dahil sa tingin ko ay ito na ang katahimikan ng buhay ko.Tinignan ko ang kanang side ko ng umupo si Mama sa tabi ko. Nakatingin s'ya sa akin kaya ngumiti ako sa kan'ya.Inayos n'ya ang kwelyo ng polo na suot ko, at inayos ang buhok ko gamit ang kamay
Youna's point of view"Bakit hindi ako pwedeng pumunta sa hospital?!" galit kong tanong kay Youno."Delikado," seryosong sagot ni Youno sa akin.Tumalikod si Youno sa akin at naglakad palabas ng kwarto ko. Naiwan akong nakatayo sa loob ng kwarto ko habag suot ko ang isang pink dress na hanggang tuhod ang haba.Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng kakambal ko. Pagkatapos n'ya akong dalin sa bahay kahit na si Lever ay nag-iisa sa loob ng malamig na hospital.Baka natatakot si Lever dahil wala s'yang kasamahan sa hospital. Wala akong tiwala kay Uris dahil alam kong iiwan n'ya si Lever mag-isa."Hindi mo ako mapipigilan," sigaw ko sa kak
Lever's point of viewDinilat ko ang mata ko ng pakiramdam ko na mayroong nakatingin sa akin.Pagmulat ng mata ko ay isang maliwanag ilaw ang tumambad sa akin. Napahawak ako sa ulo ko ng maramdam kong ang kirot. Napatingin ako sa kamay ko na mayroong dextrose na nakalagay.Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at alam kong nasa hospital ako. Naalala ko ang nangyari sa akin. Ang sakit ng buong katawan ko.Ang tingin ko ay huminto sa isang direksyon kung saan mayroong lalaking nakatayo at sobrang seryoso ang tingin sa akin."Pa!" nanghihina kong tawag kay Papa.Naglakad palapit si Papa sa akin. Kumuha s'ya ng upuan para magkapantay ka
Youna's point of viewWala akong idea, pero nagpalit si Uris at Youno ng pwesto. Si Uris ang nag-drive ng kotse, si Youno na ay nagmamadaling pumunta sa backseat.Hindi ko alam ang gagawin ko at nakatingin lang ako kay Lever habang tubig sa mata ko ay patuloy sa pagtulo."Pumunta ka sa passenger seat," utos ni Youno sa akin.Tinignan ko si Youno."Buhay pa naman s'ya, hindi ba?" umiiyak kong tanong kay Youno.Umiwas s'ya ng tingin sa akin."Pumunta ka sa passenger seat," seryosong n'yang utos sa akin."Youna, makinig ka na lang,"
Lever's point of viewNapahawak ako sa ulo ko ng maramdaman ko ang sakit. Nararamdaman ko ang pag-andar ng sasakyan kaya agad kong dinilat ang mga mata ko para tignan kung anong nangyayari.Napahinga ako ng malalim ng maramdaman ko ang sakit ng sugat sa legs ko. Tinignan ko kung nasaan ako at mayroong tatlong lalaki ako nakasamahan sa loob ng kotse.Bigla bumalik sa alaala ko ang mga nangyari kanina. Mabilis ang takbo ng kotse.Tinignan ko ang lalaking katabi ko sa backseat na nakatingin sa bintana. Binuksan n'ya ang bintana ng kotse kaya agad kong nakita si Papa.Nakatutok ang baril ng lalaki sa kotse na sinasakyan ni Papa. Nagulat ako ng bigla n'ya paputukan ang kotse. Napatingin a
Lever's point of viewTinignan ko si Papa na umapak sa isang trashcan sa tabi namin at nagulat ako ng tinalon n'ya ang bintana.Agad akong kumilos dahil papalapit na ang kalaban namin.Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang taas ng bintana para maabot ko, pero si Papa ay walang hirap n'yang tinalon.Pag apak ko sa trashcan ay nakita ko si Papa na inoffer ang kamay para kapitan ko pagtalon. Tumalon na ako at sa kamay ako ni Papa nakatingin, pinilit kong abutin ang kamay ni Papa ng isang malakas na putok ng baril ang sarinig ko."Ahhh!" daing ko ng nakakaubos ng lakas na sakit ang naramdaman ko sa kanang hita ko.Bumagsak ako sa isang mala
Lever's point of viewHinila ko ang barrel ng Arme pen at lumabas ang matalim na small knife.Pinalupot ko ang kamay ko leeg ni President Hernandez at tinutok ko ang maliit na knife sa leeg n'ya.Lahat ng mga tauhan ni President Hernandez ay na alerto sa ginawa ko. Lahat sila ay nilabas ang baril na dala nila at tinutok sa amin."I'm the last Winchester?" tanong ko sa kanilang lahat.Narinig ko ang mabigat na paghinga ni President Hernandez.Nanginginig ang kamay ko dahil natatakot akong gawin ang bagay na kahit kailan ay hindi ko naman ginagawa.Ang madilim at makitid na paligid a
Lever's point of view"Admit it, gusto mo lang akong makasama ngayon kaya mo ako pinapunta dito," natatawa n'yang sabi sa akin."You're right!" sagot ko kay Youna.Bigla s'yang tumahimik sa sinabi ko. Hindi ako tumitingin kay Youna, pero nakahawak ang kamay ko sa kamay n'ya."Gusto mo talaga ako?" tanong ni Youna sa akin.Hindi ko pa alam kung anong sasabihin ko, pero ayoko munang sagutan ang tanong n'ya.Tinignan ko si Youna na nakangiti, pero nawala ang lahat ng ngiti ko ng makita ko ang ilang mga lalaki na papunta sa gawi namin.Hinigpitan ko ang hawak sa kamay n'ya.
Lever's point of viewI am busy cooking food for myself. I don't know what time is, but I know is late now.I currently reading some documents President Snipe had given to me. My eyes on the papers, but my right hand was busy mixing the fried rice.I read twice the documents to understand them. I don't wanna waste my time on anything. While I am busy cooking, nakarinig ako ng kaluskos sa mula sa living area.Binitawan ko ang hawak kong sandok para puntahan at tignan kung ano iyon. Bigla akong napabalik sa kusina ng sunod-sunod na putok ng baril ang binigay sa akin ng isang lalaki.Hindi lang isa ang lalaki at madami sila."Paano sil