Lever
Isang oras na akong naghahanap ng information sa papa ko, pero wala. Kahit na anong information ay wala sa internet. Napasandal ako sa upuan at tinignan ang kalsada sa labas ng coffee shop.
Ayokong manatili sa loob ng unit dahil masyadong tahimik doon para lang akong nakakulong. Wala akong kaibigan o makausap man lang, ayokong istorbohin si Mama dahil alam kong pagod s'ya.
Mayroong dumating na black card sa akin, pero wala akong balak na gamitin iyon. Alam kong hindi si Mama ang nagbayad ng tuition ko sa university at ayoko na rin umasa sa kanila ng allowance ko.
Uminom ako ng kape habang pinagmamasdan ang phone ko. Wala akong kilala na tao dito para malaman ko kung sino ba si Papa.
"Gosh!"
Nagulat ako ng biglang mayroong sumigaw sa gilid ko. Muntik ko pang matapon ang hawak kong kape dahil sa pagkabigla. Tinignan ko kung sino iyon at nagsalubong ang dalawa kong kilay na makita ang babaeng architecture student, Youna Swaggerty; sikat s'ya school dahil sa kaniyang background, isang anak mayaman.
"Alam mo bang pupunta ako dito?" nakangiti n'yang tanong sa akin.
Sa tuwing lumalapit s'ya sa akin ay nilalapitan din ako ng gulo. Laging mainit ang dugo ni Joaquin Hernandez sa akin dahil matagal ng mayroong gusto si Joaquin kay Youna.
Tumayo ako sa pagkakaupo at nagsisi na bakit dito pa ako tumambay sa labas at pwede naman akong manatili sa loob ng bahay.
Hinawakan ni Youna ang braso ko para patigilin ako sa pag-alis.
"Saan ka pupunta? Sa ganda kong ito iiwan mo akong mag-isa?!" naka-pout n'yang saad.
Tinanggal ko ang pagkakahawak n'ya sa akin at masamang tinignan. "Lumayo ka sa akin," seryoso kong taboy sa kan'ya.
Maglalakad na ako palabas ng coffee shop ng hinarang n'ya ang daanan ko. Walang masyadong tao dito sa loob dahil nakakahiya ang kilos ng babaeng nasa harapan ko ngayon.
"Alam kong sinusundan mo ako, at nagagandahan ka sa akin kaya wag kang magpanggap na cold dito!" sigaw n'ya.
Napatingin ang mga stuff ng coffee shop maski ang mga customer.
"Bata ka ba?!" tanong ko sa kan'ya.
Kung kumilos s'ya ay parang bata, palibhasa anak mayaman.
"Alam kong mahirap ka lang, at kung iiwan mo ako dito ay ipagsasabi ko sa buong campus na isa kang anak mahirap!" banta n'ya sa akin.
Hindi ko na s'ya sinagot pa at nagsimula akong maglakad palabas ng shop. Ayokong makausap ang babaeng gaya n'ya.
Napapikit na lang ako sa init ng mayroon na namang humawak sa braso ko.
"Saan tayo pupunta? Gusto mo kumain? Treat kita ng food," offer n'ya sa akin.
"Youna!" inis kong tawag sa pangalan n'ya.
Nawawalan na ako ng pasensya dahil sa kakulitan n'ya.
"Lumayo ka sa akin, at naiinis ako sa tuwing nakikita kita!" pikon kong saad.
Para s'yang pusang inagawan ng pagkain at batang nawawala sa gitna ng mall.
"Alam mo kasing gusto kita!" sigaw n'ya sa akin.
Naguluhan ako sa sinabi n'ya. Ilang linggo pa lang ako sa lugar na ito at paanong nagkagusto s'ya sa akin agad.
"Hindi kita gusto, at hinding-hindi ako magkakagusto sa iyo," mariin kong saad.
Iniwanan kong mag-isa si Youna at nagmadaling maglakad palayo sa kan'ya. Malapit lang ang condo ni Papa dito kaya mabilis akong makakauwi.
Ang mga tao sa lugar na ito ay malayo sa mga taong kinalakihan ko. Mas okay na wala akong kaibigan kaysa makausap sila.
Pagdating ko sa unit ay napatigil ako ng makita ko si Uncle Snipe na nakaupo sa sofa. Napatingin ako sa pinto ng unit dahil hindi ko alam na nakakapasok pala s'ya dito.
"Uncle Snipe," bati ko sa kan'ya.
Umupo ako sa tapat n'ya. Wala naman bago sa expression n'ya dahil lagi naman s'yang seryoso.
"You're trying to apply for part-time job?" seryoso n'yang tanong sa akin.
Biglang nilapag ni Uncle Snipe ang resume ko sa tea table na pinasa ko sa isang newly open malapit sa university.
"Kaya ko naman pagsabayin ang pag-aaral ko at ang trabaho—"
"No need," putol n'ya sa akin. "Lahat ng kailangan mo ay ipro-provide kaya hindi mo kailangan magtrabaho."
"Ayokong umasa sa inyo—"
"Your father provided everything for you," muling putol n'ya sa akin.
"Nasaan si Papa?!" Alam ko ang sagot sa tanong ko, pero hindi ko mapigilan mainis dahil lagi nilang sinasabi ang bagay na iyon.
"Hindi mo naiintindihan ang lahat—"
"Kasi ayaw n'yong ipaintindi sa akin! Ilang taon ba dapat ang kailangan ko para sabihin n'yo sa akin ang lahat?!" sigaw ko.
Napatayo ako sa inis dahil pagod na akong mag-isip kung sino ba talaga ako.
"Wag ka ng bumalik dito, Uncle Snipe kung hindi mo rin sa sabihin ang lahat sa akin!" Nagsimula akong maglakad papunta sa kwarto ko.
"Namatay ang papa mo dahil sa nalaman n'ya ang totoo."
Huminto ang paa ko sa paglalakad at nagsalubong ang dalawa kong kilay sa narinig ko kay Uncle Snipe, agad akong humarap sa kan'ya, pero likod nito ang nakita ko. Hindi ko makita kung anong emosyon ng mukha n'ya, pero ng humarap ito sa akin ay hindi ko rin makita dahil blangko iyon.
"Namatay?!" walang idea kong tanong. "Anong totoo?!" tanong ko pa.
Isang puting maliit envelope ang binaba n'ya sa tea table at tinignan ako.
"Your Aunt Younis, my wife wants to see you on her birthday," pag-inbita n'ya sa akin.
Tumalikod si Uncle Snipe, pero agad akong tumakbo para pigilan s'ya sa pag-alis.
"P-pinatay si Papa?!" naguguluhan kong tanong.
Tinignan ko ang mata ni Uncle Snipe, pero doon pa lang ay nakuha ko na ang sagot sa tanong ko.
"Sino?!" tanong ko pa.
Napatingin ako sa balikat ko ng tapikin n'ya lang iyon.
"See you next week," paalam n'ya sa akin.
Nilagpasan ako ni Uncle Snipe na mayroon na namang iniwan na tanong sa isip ko. Pinanuod ko s'yang lumabas ng unit at ako ay naiwan na nakatayo habang umiikot ang iba-ibang tanong sa ulo ko.
"Pinatay si Papa?!" hindi makapaniwala bulong sa sarili ko.
Napaupo ako sa sofa at kinuha ang invitation card para sa akin.
"See you, young Rifle, from Aunt Younis!"
Napasandal na lang ako sa sofa dahil sa sobra na akong naguguluhan.
Youna"No! hindi p'wede na iwan n'ya lang ako ng basta sa lugar na 'yon!" reklamo ko kay Princess.Uminom ako ng ice tea habang umiinit ang dugo ko sa transferee na si Lever. Wala pang ibang nakakagawang mang-iwan sa akin."Baka nagmamadali?" tanong ni Princess.Nilapat ko ang mukha ko sa table habang iniisip ang mukha ni Lever. "Napakasama ng ugali n'ya!" sigaw ko."Hey, Youna! Umayos ka nga, nakakahiya sa mga ibang customer," puna ni Princess sa akin.Mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko. "Hindi ba s'ya gentleman?! Tiniis ko ang maduming lugar na iyon para makita lang s'ya tapos iiwan n'ya lang ako!" reklamo ko."Nababaliw ka na siguro? Ilang linggo pa lang sa University si Lever and you are dead in love to that guy."Kinuha ko ang tote bag ko para kuhanin ang salamin na dala ko. "Sigurdo ay kulang pa ang ayos ko kaya hindi n'ya ako pinapansin?" tanong ko kay Princess. "Kailangan ko ng pumunta sa salon."Tumayo ako para umalis na, pero lalong nasira ang araw ko ng makita ko
LeverInaayos ko ang mga gamit ko. Mayroon akong klase ngayon 3 PM sa isa kong minor subject, hindi ko naman kailangan magmadali dahil sa malapit lang ang school sa coffee shop na pinagtra-trabahuhan ko."Lever, right?"Napatingin ako sa kamay na biglang sumulpot sa harapan ko; umangat ang tingin ko ng makita ko ang isang babae na gustong makipag-shake hands sa akin."Yes, why?" tanong ko.Kasama ko s'ya dito sa coffee shop, pero hindi kami nag-uusap dahil naka-focus ako sa ginagawa ko."I'm Lossie," pagpapakilala n'ya sa akin.Hinawakan n'ya ang kamay ko at nakipag-shake hands sa kan'ya."Blockmates tayo, Business administration."Tinignan ko ang mukha n'ya dahil hindi ko pa masyadong kabisado ang mga mukha ng classmates ko."The girl besides the window," pagpapaalala n'ya sa akin."Ikaw pala 'yun," sagot ko.I remembered, mayroong isang babae nakaupo sa likuran malapit sa bintana."Papasok ka na?" tanong n'ya sa akin.Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng gamit ko. "Oo," sagot ko sa kan'ya.
Youna"Anong nangyayari? Bakit ikaw na yata ang trip ng mga kaibigan ni Joaquin?" tanong ni Princess sa akin.Umiinit lalo ang ulo ko sa tuwing naririnig mo ang pangalan ng Joaquin na iyon. Alam ko s'ya ang may gawa ng pasa sa mukha ni Youno."Pag nagkita kami ng lalaking iyon ay sisirain ko talaga ang mukha n'ya!" galit kong saad."Wag mo ng patulan si Joaquin, parang hindi mo kilala ang lalaking iyon," payo ni Princess."Hindi ako natatakot sa kan'ya!" Inayos ko ang pagsuot ng tote bag ko at naglakad papasok sa loob ng campus."Anong meron?" takang tanong ni Princess.Nakatingin kami sa mga student na parang pumupunta sila sa likuran ng school. Hindi na ako nagsalita pa at tumakbo na ako para pumunta rin sa likod ng school; hinahabol ko pa ang hininga ko at tinignan ko kung ano ang nangyayari doon, pero nanlaki ang mata ko ng makita si Youno at Uris na nakikipagpalitan ng suntok sa mga kaibigan ni Joaquin."Youno!" sigaw ko.Mga nanunuod lang ang mga tao sa paligid at nakita ko si Jo
Lever"40%?!" gulat na tanong ni Youno.Tinignan ko si Uncle Snipe dahil sa sinabi n'ya. "Paanong nangyari 'yun?" taka ko tanong."Sino ba s'ya papa? And I only heard about the shareholder of that school 40% shares were own by the Winchester..."Biglang tumingin si Youno sa akin after n'yang sabihin ang last name ko."Lever Winchester," saad ni Uncle Snipe."Akala ko ba patay na si Uncle Rifle at wala s'yang anak?" takang tanong ni Youno."This is secret," sabi pa ni Uncle Snipe. "Wala dapat makaalam na kahit sino ang nalaman n'yo ngayon," paliwanag ni Uncle Snipe.Tahimik lang akong nakaupo sa backseat ng kotse. Hindi ko maabsorb yung sinabi ni Uncle Snipe sa akin ngayon. Masyadong gumugulo ang lahat."Seryoso ka ba, Papa?" tanong ni Youno."Wag na natin pag-usapan pa ito, at hindi n'yo pa kailangan malaman ang lahat," paliwanag n'ya.Sanay na akong kay Uncle Snipe na hindi s'ya magsasalita, pero nagbibigay s'ya ng konting information.Sumunod si Youno sa kan'ya at nanatili lang akong
YounaPumasok ako sa loob ng kwarto ni Youno para mayroong itanong. Ilang beses ko ng tinanong si Papa at Mama kung ano ang gingawa ni Lever dito kahapon, kahit isang sagot sa mga tanong ko ay walang nasagot."Don't you know how to knock?!" puna ni Youno sa akin, but I chose to ignored his question.Nakaupo s'ya sa kama habang nasa lap n'ya ang laptop while doing his study, with scratches on his face and bruises."Bakit kilala nila papa si Lever?" tanong ko na lang basta.He averted his gaze to me; the room filled silent, and this kind of atmosphere was very familiar, since my parent chose to keep thier mouth zip as well as their only son doing at this moment."Why don't you ask them?" seryoso n'yang sagot.I sat on the fluffy bed that give me bouncy wave, and gave a glance on my twin brother pretending that he doesn't know everything, but I knew in my heart that something thought running on his mind about Lever Winchester."Tell me the secret, I wouldn't tell anyone," pangungulit ko.
Youna"Umalis ka na," taboy ni Lever sa akin.Bawat hakbang na ginagawa ni Lever ay hakbang din na ginagawa ko palayo sa kan'ya. I can't believe he's the son of uncle Rifle, my father closest friend, unfortunately he's dead."Tell me, paano ka naging Winchester, I only know, Uncle Rifle ay namatay ng single," saad ko."Pwede ba, wag mong pakialaman ang buhay ko at nang pamilya ko! Umalis ka na dahil marami pa akong gagawin," paliwanag ni Lever sa akin."Kiss me, and I will leave your place peacefully," nakangiti kong offer.Hindi na s'ya lugi dahil sa sobrang ganda ko ay jackpot s'ya."Hindi ako nakikipagbiruan, Youna, umalis ka na."Umupo ako sa sofa n'ya. Sobra n'yang seryoso. "Schoolmates tayo, dapat i-welcome mo ako sa bahay mo," saad ko.Nilapitan n'ya ako at hinawakan ang braso ko para hilahin n'ya patayo, pero nagpabigat ako at ayoko pang umalis sa bahay n'ya. Nakapasok na ako kaya bakit pa ako lalabas."Gulo lang ang dala mo sa buhay ko, kaya umalis ka na."Napatingin ako kay L
LeverNaglalakad kami ni Lossie papunta sa coffee shop na pinagtra-trabahuhan namin. Kakatapos lang ng isang minor subject namin at maaga rin nag-dismiss."Ayos lang 'yun, madalas naman sa mga mayayaman ay mayroong arrange marriage para sa business nila," saad ni Lossie.Tahimik lang akong naglalakad at walang iniisip tungkol sa narinig namin na usapan no Youna at Joaquin. Ayoko na rin makigulo sa kanila dahil hindi ko naman iyon problema."Anong masasabi mo, Lever?" tanong ni Lossie sa akin."Wala, mayroon akong ibang iniisip at ayoko ng isipin ang problema nila," sagot ko."Akala ko masarap maging mayaman.""Hindi," saad ko."Naging mayaman ka na ba?" tanong ni Lossie."I mean, hindi ko pa nararamdaman kaya hindi ko alam," palusot ko.Nakatira lang ako sa magandang lugar, pero ayokong damahin ang yaman ng papa ko. Hindi ako sanay sa ganoong buhay kaya gusto kong mag-partime job para sa gusto ko.Dumating kami sa trabaho at agad na nag-simula. Nag-over time ako dahil wala naman akong
Lever"Where's Youna?"Napatigil ako sa pagsusulat ng marinig ko ang pangalan ni Youna. Simula ng umalis s'ya aa unit ko ay noong nakaraang araw ay hindi ko na rin s'ya nakikita pa, maski dito sa school ay hindi ko na rin s'ya makita."Wag mo ng hanapin ang kapatid ko, dahil even if my parent agree with that stupid idea about arrange marriage, I strongly disagree with that bullshit!" galit na saad ni Youno."Okay, but are you ready to live in poor life?"Padabog na tumayo si Youno kaya napatingn ako sa kanila. Katabi ko lang si Youno kaya rinig ko ang lahat sa kanila.Tinapatan ni Joaquin si Youno. "Pag kami kinasal ni Youna, magiging sunod-sunuran ka na lang sa akin," he smirked.Nakatitig ako kay Joaquin at naalala ko ang mukha ni Youna. I suppose not to think her, but her reflection was always visit my mind."Anong sabi mo?!"Balak na suntukin ni Youno si Joaquin, pero agad akong tumayo para pigilan si Youno.Lahat sila ay napatingin sa ginawa ko, pero binitawan ko rin si Youno dahi
Lever's point of viewNasa loob kami ng unit ng condo ni Papa habang nanunuod sa malaking screen sa harapan namin.Tinignan ko ang isang naka-display na picture sa ilalim ng T.V. Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng makita ko na mayroon kaming picture ni Mama, Papa at Ako.Pinapanuod ko ang balita kung saan ang content ay ang paghuli kay Jacob Hernandez.Hindi ko mapigilan ang ngiti ko dahil sa tingin ko ay ito na ang katahimikan ng buhay ko.Tinignan ko ang kanang side ko ng umupo si Mama sa tabi ko. Nakatingin s'ya sa akin kaya ngumiti ako sa kan'ya.Inayos n'ya ang kwelyo ng polo na suot ko, at inayos ang buhok ko gamit ang kamay
Youna's point of view"Bakit hindi ako pwedeng pumunta sa hospital?!" galit kong tanong kay Youno."Delikado," seryosong sagot ni Youno sa akin.Tumalikod si Youno sa akin at naglakad palabas ng kwarto ko. Naiwan akong nakatayo sa loob ng kwarto ko habag suot ko ang isang pink dress na hanggang tuhod ang haba.Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng kakambal ko. Pagkatapos n'ya akong dalin sa bahay kahit na si Lever ay nag-iisa sa loob ng malamig na hospital.Baka natatakot si Lever dahil wala s'yang kasamahan sa hospital. Wala akong tiwala kay Uris dahil alam kong iiwan n'ya si Lever mag-isa."Hindi mo ako mapipigilan," sigaw ko sa kak
Lever's point of viewDinilat ko ang mata ko ng pakiramdam ko na mayroong nakatingin sa akin.Pagmulat ng mata ko ay isang maliwanag ilaw ang tumambad sa akin. Napahawak ako sa ulo ko ng maramdam kong ang kirot. Napatingin ako sa kamay ko na mayroong dextrose na nakalagay.Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at alam kong nasa hospital ako. Naalala ko ang nangyari sa akin. Ang sakit ng buong katawan ko.Ang tingin ko ay huminto sa isang direksyon kung saan mayroong lalaking nakatayo at sobrang seryoso ang tingin sa akin."Pa!" nanghihina kong tawag kay Papa.Naglakad palapit si Papa sa akin. Kumuha s'ya ng upuan para magkapantay ka
Youna's point of viewWala akong idea, pero nagpalit si Uris at Youno ng pwesto. Si Uris ang nag-drive ng kotse, si Youno na ay nagmamadaling pumunta sa backseat.Hindi ko alam ang gagawin ko at nakatingin lang ako kay Lever habang tubig sa mata ko ay patuloy sa pagtulo."Pumunta ka sa passenger seat," utos ni Youno sa akin.Tinignan ko si Youno."Buhay pa naman s'ya, hindi ba?" umiiyak kong tanong kay Youno.Umiwas s'ya ng tingin sa akin."Pumunta ka sa passenger seat," seryosong n'yang utos sa akin."Youna, makinig ka na lang,"
Lever's point of viewNapahawak ako sa ulo ko ng maramdaman ko ang sakit. Nararamdaman ko ang pag-andar ng sasakyan kaya agad kong dinilat ang mga mata ko para tignan kung anong nangyayari.Napahinga ako ng malalim ng maramdaman ko ang sakit ng sugat sa legs ko. Tinignan ko kung nasaan ako at mayroong tatlong lalaki ako nakasamahan sa loob ng kotse.Bigla bumalik sa alaala ko ang mga nangyari kanina. Mabilis ang takbo ng kotse.Tinignan ko ang lalaking katabi ko sa backseat na nakatingin sa bintana. Binuksan n'ya ang bintana ng kotse kaya agad kong nakita si Papa.Nakatutok ang baril ng lalaki sa kotse na sinasakyan ni Papa. Nagulat ako ng bigla n'ya paputukan ang kotse. Napatingin a
Lever's point of viewTinignan ko si Papa na umapak sa isang trashcan sa tabi namin at nagulat ako ng tinalon n'ya ang bintana.Agad akong kumilos dahil papalapit na ang kalaban namin.Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang taas ng bintana para maabot ko, pero si Papa ay walang hirap n'yang tinalon.Pag apak ko sa trashcan ay nakita ko si Papa na inoffer ang kamay para kapitan ko pagtalon. Tumalon na ako at sa kamay ako ni Papa nakatingin, pinilit kong abutin ang kamay ni Papa ng isang malakas na putok ng baril ang sarinig ko."Ahhh!" daing ko ng nakakaubos ng lakas na sakit ang naramdaman ko sa kanang hita ko.Bumagsak ako sa isang mala
Lever's point of viewHinila ko ang barrel ng Arme pen at lumabas ang matalim na small knife.Pinalupot ko ang kamay ko leeg ni President Hernandez at tinutok ko ang maliit na knife sa leeg n'ya.Lahat ng mga tauhan ni President Hernandez ay na alerto sa ginawa ko. Lahat sila ay nilabas ang baril na dala nila at tinutok sa amin."I'm the last Winchester?" tanong ko sa kanilang lahat.Narinig ko ang mabigat na paghinga ni President Hernandez.Nanginginig ang kamay ko dahil natatakot akong gawin ang bagay na kahit kailan ay hindi ko naman ginagawa.Ang madilim at makitid na paligid a
Lever's point of view"Admit it, gusto mo lang akong makasama ngayon kaya mo ako pinapunta dito," natatawa n'yang sabi sa akin."You're right!" sagot ko kay Youna.Bigla s'yang tumahimik sa sinabi ko. Hindi ako tumitingin kay Youna, pero nakahawak ang kamay ko sa kamay n'ya."Gusto mo talaga ako?" tanong ni Youna sa akin.Hindi ko pa alam kung anong sasabihin ko, pero ayoko munang sagutan ang tanong n'ya.Tinignan ko si Youna na nakangiti, pero nawala ang lahat ng ngiti ko ng makita ko ang ilang mga lalaki na papunta sa gawi namin.Hinigpitan ko ang hawak sa kamay n'ya.
Lever's point of viewI am busy cooking food for myself. I don't know what time is, but I know is late now.I currently reading some documents President Snipe had given to me. My eyes on the papers, but my right hand was busy mixing the fried rice.I read twice the documents to understand them. I don't wanna waste my time on anything. While I am busy cooking, nakarinig ako ng kaluskos sa mula sa living area.Binitawan ko ang hawak kong sandok para puntahan at tignan kung ano iyon. Bigla akong napabalik sa kusina ng sunod-sunod na putok ng baril ang binigay sa akin ng isang lalaki.Hindi lang isa ang lalaki at madami sila."Paano sil